Uploaded by Ruthchell Ciriaco

I was thinking to myself

advertisement
I was thinking to myself, "What is my true motivation for attaining my goals?" Some individuals will
respond, "to live a better and more stable existence." But, for me, I've recently learned that, in pursuing
our ambitions, we must not forget those who have aided us in times of failure and adversity, in other
words, our parents.
Alam mo yong pinaka nakakatakot na ayaw kong mangyari, yun ay ang mawala si mama at papa. Iniisip
ko pa lang ang sakit sakit na parang mababaliw ako, kahit isa lang ang mawala sa kanila parang di ko
kaya. All of my life here in the earth I was always with my parents.
I know tamad ako, minsan hindi ko sinusunod utos ni mama pero takot na takot akong mawala si mama.
Di ko alam anong mangyayari sakin pag nawala si mama kahit na minsan nagagalit ako sa kanya o
nagtatanim ng sama ng loob pero pag naiisip ko nab aka mawala si mama parang nawawala yung galit
ko at napapalitan ng takot. Takot na baka isang araw di ko na kasama si mama, na baka isang araw di ko
na marinig mga sermon niya, na baka isang araw wala ng uutos sakin. Di ko kaya, iniisip ko pa lang
parang mamamatay na ako sa sakit.
Si papa, ang lalaking kahit kalian di ako sinaktan physically. Ganyan lang yan si papa pero napaka ma
diskarte at mapagbigay yan. Matanda na si papa di na niya deserve dapat mapagod, mainitan, magbuhat
ng mabibigat o magtrabaho. Kahit na minsan hindi ko gusto yung paraan ng pagsasalita ni papa. Papa,
lalaking ayaw na ayaw kong nahihirapan pero anong magagawa ko ngayon pag hindi sya magtatrabaho
wala kaming makain at wala kaming pambayad sa utang.
Silang dalawa, mga taong sobrang importante sakin. Sana lang bago sila kunin sa amin ni Lord makabawi
muna ako, mapasaya ko muna sila sa paraan na ako ang dahilan.
“pa, ma, pinapangako ko ipaparanas ko sa inyo ang buhay na payapa at walang problema na
kinakaharap. Hindi man kayo masyadong gina tulungan ni ate promise ko ako gagawa non para sa inyo
basta wag niyo muna akong iwan kasi hindi ko pa kaya, mababaliw ako pag ni isa sa inyo mawala. Mahal
na mahal ko kayo at babawi ako pangako yan.”
Apart from having a better life and a steady job or being financially stable, one of the reasons I need to
finish my studies and get a job is to repay my parents for their sacrifices and hard work. I may not be the
ideal daughter, but I believe I can be the best youngest member of the family.
Download