Filipino sa Piling Larang Mr. Khlevin Dannielle Oliveros Yambao Instructor, Liceo de Pulilan Colleges, Inc. “I’m not saying that I’m going to change the world, but I guarantee that I will spark the brain that will” LEGAL COPYRIGHTS: The contents of these pages are under copyrights belonging to Khlevin Dannielle Oliveros Yambao. Distribution & Reproduction in any form such as but not limited to; Photocopying, Retyping & Scanning is not allowed at any circumstances and is against the law. Please contact the Author for any questions concerning this syllabus. 1 Titulo ng Kurso: Filipino sa Piling Larang (Akademik) Diskripsyon ng Kurso: Pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulating lilinang sa mga kakayahang magpahayag tungo sa mabisa, mapanuri, at masinop na pagsusulat sa piniling larangan Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba’t ibang larangan (Akademik) Pamantayan sa Pagganap: Nakabubuo ng malikhaing portfolio ng mga orihinal na sulating akademik ayon sa format at teknik BUOD 1. Basahin munang mabuti ang buong akda upang makuha at maunawaang mabuti ang mga panggitnang kaisipan. 2. Hanapin din ang pangunahing kaisipan at mga pamuno o katulong na kaisipan. 3. Dapat gamitan ito ng mga payak na pangungusap na sinulat sa isang paraang madaling maunawaan ng babasa. 4. Hindi dapat na malayo ang diwa ng orihinal sa ginawang buod. BIONETE 1. Ang bionote ay isang maiksing tala ng personal na impormasyon ukol sa isang magtatanghal o sinumang magiging panauhin sa isang kaganapan. 2. Maaari rin itong makita sa likuran ng pabalat ng libro, at kadalasa’y may kasamang litrato ng awtor. 3. Ang bionote ay dalawa o tatlong pangungusap na naglalarawan sa may-akda. Halimbawa ng Bionete: Trisha Mabuti. Masama. Tristan at Elsita Lunar Ishie at Triashme Joy Lunar Hilig ang pagbabasa ng mga akdang may kakaibang tema. Pati na rin ang manood ng mga palabas na may magandang kwento. Ang humarap sa maraming tao nang hindi handa. Insekto. Kumain ng lason. Maging mayaman at huwaran ng mga tao. Angat, Bulacan, Philippines Lunar Ako ay si Trisha Imare Lunar, isinilang sa Sta. Maria Bulacan noong ika-10 ng Disyembre 1999. Kasalukuyang namumuhay nang mapayapa sa Angat, Bulcan kasama ang aking mga magulang na sina Tristan at Elsita Lunar, maging ang aking mga kapatid, Ishie at Triashme Joy Lunar. Mahilig akong magbasa ng mga kwento kahit noon pa man, mula pa noong mga panahon na hindi ko pa naiintindihan ang binabasa ko. Kapag nakakita ako ng aklat, na Filipino ang midyum, maghahanap ako kaagad ng mga maiikling kwento roon at iyon lang ang babasahin ko. Ang totoo, hindi ako inaantok sa pagbabasa ng mga akdang Filipino, naeengganyo ako. Hilig ko ring manood ng mga drama, mas gusto ko ang mga historical fiction. Paborito ko ring pakinggan ang mga kanta ng dating mga banda. Pangarap kong maging Psychologist dahil sa tingin ko, maraming tao ang inaalipin ng kanilang sariling mga emosyon at nakaraan. Nais ko silang tulungan na alisin ang kanilang mga takot, kalungkutan at pangamba. Naisip ko kasi, lahat ng bagay na nararamdaman at naaalala ng mga tao ay nanggagaling sa kanilang mga isipan. Wala lang silang kamalayan kung paano nila maaalis iyon kahit pa na sa kanila na mismo ang solusyon. Kaya naman nais ko silang pagalingin gamit ang kanilang mga sarili. At kapag marami na akong natulungan, magsusulat ako ng libro tungkol sa mga kwento ng mga naging pasyente ko. Ilalagay ko roon kung paano ko sila tinulungan upang ang mga makakabasa noon ay matulungan din ang sarili. LEGAL COPYRIGHTS: The contents of these pages are under copyrights belonging to Khlevin Dannielle Oliveros Yambao. Distribution & Reproduction in any form such as but not limited to; Photocopying, Retyping & Scanning is not allowed at any circumstances and is against the law. Please contact the Author for any questions concerning this syllabus. 2 TALUMPATI ANG KABATAAN NOON AT NGAYON Ang kabataan noon at ngayon ay may maliit lamang na puwang sa kanilang pagkakalayo sa kilos, gawi, ugali, pananamit, damdamin at iba pang bagay. Sinasabing ang mga kabataan noon ay higit na magalang, masunurin at mabait di-tulad ng mga kabataan ngayon. Lubhang taimtim sa puso’t isipan nila ang kanilang ginagawa; sa kabilang dako, ang kabataan ngayon ay may mapagwalang-bahalang saloobin. Lalong masinop sa pag-aayos ng katawan at pananamit at lubhang matapat sa pagsunod sa batas ang mga kabataan noon, kaya wika nga, ang kabataan noon ay hubog sa pangaral at kababaang- loob at ang asal ay ipinagmamalaki ng lahat. Kaiba naman ang mga kabataan ngayon. Mulat sila sa makabagong panahon kaya higit na maunlad sa pangangatwiran na kung magkaminsan ay napagkakamalang pagwawalang-galang sa kapwa. Lubhang mapangahas sa mga gawin at mahilig sa maraming uri ng paglilibang. Napakatayog ng mga mithiin nila at higit na maunlad ang tunguhin. Marami rin ang magkasing bait at magkasing sipag sa mga kabataan noon at ngayon. Ang kabataan noon at ngayon ay pag-asa ng bayan natin. Kapwa sila makabayan, mapagmahal, matulungin sa mga kaangkan at may mga mithiin a buhay. Ang pagkakaiba ay ayon sa lakad ng panahon. Hindi ba’t mayroon tayong “Sampung Lider na mga Kabataan” na pinipili taun-taon? Sila ang saksi sa ating pinakamahuhusay na kabataan noon at ngayon. ANG KABATAAN SA KASALUKUYAN Ano nga ba sa kasalukuyan ang kabataan? Marahil ay hindi na lingid sa inyo kung ano meron ang kabataan ngayon? Ano nga ba? Sa panahon ngayon ay marami ng kabataan ang naliligaw ng landas. Marami ng kabataan ang nagdodroga, nagsusugal, umiinom ng alak. Mga kabataan na sumasali sa mga praternity at mga kabataan na lumalabag sa batas. Tulad ng pagnanakaw at pagpatay. Ano kaya sa palagay nyo kung bakit ito nangyayari? Kung bakit nila ito ginagawa? At bakit pa nila ito ipinagpapatuloy? Ano nga bang dahilan? Marahil dahil sa udyok ng mga barkada. Sa kakulangan ng pera. Sa kawalan ng trabaho. Sa paghihiwalay ng mga magulang o dahil sa pagkabigo sa pag-ibig. Paano na ngayon ang ating bayan? Kung ganyan ang ginagawa ng mga kabataan. Hindi ba't sabi nila na "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan"? Masasabi pa ba natin ngayon yan? Marahil ang iba ay hindi, at ang iba ay oo. Dahil mayroon pa naman ngayong mga kabataan na tumatahak sa tamang landas. Kayong mga kabataan na naliligaw ng landas, gusto nyo bang tahakin ang tamang daan upang matupad ang inyong mga pangarap? Hindi pa huli ang lahat para sa pagbabago. Marami pang paraan ang magagawa natin. Pwedeng pwede pa nating itama ang lahat. Umiwas sa masasamang bisyo. Umiwas sa masasamang barkada. Gumawa tayo ng kabutihan, at tumulong tayo sa ating bayan, nang sa ganon ay masabi uli natin na... "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan". LEGAL COPYRIGHTS: The contents of these pages are under copyrights belonging to Khlevin Dannielle Oliveros Yambao. Distribution & Reproduction in any form such as but not limited to; Photocopying, Retyping & Scanning is not allowed at any circumstances and is against the law. Please contact the Author for any questions concerning this syllabus. 3