Uploaded by Marineth Bay

hbes drrm-display materials

advertisement
Halang Banaybanay Elementary School
Panatilihing nakasuot ang facemask, faceshield at magdala ng
sariling ballpen. Palaging sumunod sa PHYSICAL DISTANCING.
Step
Step
Step
Step
Step
Step
Hugasang mabuti ang mga kamay
sa may handwashing area.
I-tsek ang body temperature gamit ang thermal
scanner, ihulog ang HEALTH DECLARATION FORM
sa kahon at itala ito sa contact tracing form.
Magsanitize ng mga kamay
gamit ang alcohol/hand sanitizer.
Tumapak sa foot bath bago magtungo sa
releasing area upang
makakuha/makapagbalik ng modyul.
Magtungo lamang sa nakatakdang WINDOWS
upang kumuha/magbalik ng modyul at
siguraduhing kumpleto ang mga learning kits bago
umalis sa releasing area.
Iwasan ang ibang transaksyon at panatilihing
sundin ang mga signages para sa maayos na
daloy ng pagkuha at pagbabalik ng mga
learning kits.
..Maraming Salamat Po at Mag-ingat po Tayong Lahat!
Halang Banaybanay Elementary School
Anong dapat gawin BAGO DUMATING ang BAGYO?
Alamin ang ulat ng panahon sa TV, radio, dyaryo o internet.
Ilagay sa plastic ang mga mahahalagang dokumento o papeles.
Alamin ang pinakamalapit na evacuation center.
Ihanda at ilagay sa hindi nababasang lalagyan ang mga pangunahing
gamit at pagkain na sasapat sa tatlong araw tulad ng: pagkaing di agad
nasisira,tubig inumin, damit, kumot, kulambo at banig, gamot, gamit
pangkalinisan tulad ng toothbrush, toothpaste, sabon, maghanda ng
radio, flashlight at ekstrang baterya, laruan para sa bata at pera.




Ano naman dapat gawin HABANG may BAGYO?





Laging alamin ang balita tungkol sa panahon.
Iwasang umalis ng bahay habang bumabagyo.
Huwag payagang maglaro sa baha ang mga bata.
Kung kinakailangang lumikas, tiyaking nakasara ang
tangke ng gas, mga kuryente at mga pinto sa bahay.
Siguraduhing may sapat na pagkain ang buong pamilya.
Kapag naman HUMUPA na ang BAGYO,
 Iulat sa kinauukulan ang mga nasirang pasilidad
gaya ng poste, kawad ng kuryente at iba pa.
 Siguraduhing nasiyasat ng mabuti ang mga gamit
na de-kuryente bago ito gamiting muli.
#HBESPreparednessTips101
“Kahandaan sa Kalamidad,
na Komunidad”
Halang Banaybanay Elementary School











Anong unang dapat gawing PAGHAHANDA kung sakaling
may PAGLINDOL?
Magkaroon ng orientation ang bawat guro tungkol sa evacuation
plan ng paaralan lalong higit sa kanilang silid-aralan.
Maging pamilyar sa loob ng silid aralan, sa mga gusali o building
ng paaralan at iba pang istruktura na mayroon ito.
Siguraduhing mayroong mga signages sa loob ng silid aralan at
alamin ang exit routes o daan patungo sa evacuation area.
Ihanda ang GO BAG o emergency kit bag.
Maging alerto at makiisa sa mga isinasagawang earthquake drills
upang mapanatiling ligtas kung sakaling maranasan ang paglindol.
Panatilihing nakikinig sa gurong tagapayo upang mas lalong
makapag-ingat sa kalamidad na ito.
Ano naman dapat gawin HABANG LUMILINDOL?
Maging alerto at mahinahon. Pakinggan mabuti ang hudyat o ang
tunog ng kampana bilang warning signals.
Gawin ang DUCK, COVER at HOLD. Kung nasa labas ng silid
aralan, pumunta sa ligtas na lugar o malayo sa mga gusali, piliin
ang open area.
Sundin ang panuto ng guro, manatili sa ilalim ng mga upuan o
lamesa.
Iwasang magtulakan, magtakbuhan o ang maglaro habang
lumilindol.
Mag-ingat sa maaaring bumagsak na mga bagay at maging
mapagmasid sa kapaligiran.
Kapag tapos na ang PAGYANIG o PAGLINDOL,






Maging handa sa aftershocks.
Suriin ang sarili kung nagtamo ng pinsala o anumang sugat.
Sumunod sa guro papunta sa evacuation area ng nakapila at
nakaduck,cover at hold pa rin. Iwasang magpanic.
Kapag nasa evacuation area na, hintaying bilangin ng guro
kung kumpleto ang kanyang mag-aaral.
Huwag lilikutin ang mga gamit na de-kuryente pagkatapos ng
pagyanig, hayaan na ang mas nakatatanda o ang guro ang
magsuri nito.
Patuloy na makinig sa guro sa mga susunod na hakbang na
kailangang gawin upang lalong makapag-ingat.
#HBESPreparednessTips101
“Kahandaan sa Kalamidad,
na Komunidad”
Halang Banaybanay Elementary School










Siguraduhing palaging nasa maayos na kondisyon ang mga linya ng kuryente at iwasang
maoverheat ito or maoveruse.
Magkaroon ng orientation ang bawat guro tungkol sa evacuation plan ng paaralan lalong
higit sa kanilang silid-aralan.
Maging alerto at huwag magpanic. Makiisa sa mga isinasagawang fire drills upang
mapanatiling ligtas kung sakaling maranasan ito.
Kung sakaling nagaganap na ang sunog, alamin ang evacuation area upang makapunta
kaagad ditto o sa pinakaligtas na lugar na malayo sa pinangyayarihan ng sunog.
Kung sakaling may kakayahan tumawag humingi ng tulong sa gurong tagapayo o sa numero
ng bumbero o kung sino mang nasa awtoridad sa loob ng silid aralan o anumang lugar sa
paaralan.
Pag-aralang mabuti kung paano gamitin ang fire extinguisher.
Kung ikaw ay malapit sa pinangyayarihan ng sunog, siguraduhing makakalayo dito at
umiwas sa mga bagay na maaaring bumagsak.
Ugaliing making sa gurong tagapayo upang mas lalong makapag-ingat sa nagaganap na
sunog.
Kapag natapos na ang sunog, ipasuri ang mga electrical wirings upang di na maulit ito.
Tiyaking ligtas ng bumalik sa lugar at kung sakaling nagtamo ng pinsala o sugat sa
katawan ay agad kumonsulta sa School Nurse upang maagapan ito.
Narito ang wastong paggamit ng fire extinguisher
#HBESPreparednessTips101
Narito ang mahahalagang numero na maaaring tawagan upang makahingi ng tulong:
Bureau of Fire Protection –
Amadeo (BFP-Amadeo)
Amadeo Municipal Disaster Risk
Reduction Management Office
(Amadeo MDRRMO)
“Kahandaan sa Kalamidad,
(046) 483-2490
(046) 419- 2541
0915-601-6805
(046) 430-1411
0917-167-7419
na Komunidad”
OFFICE OF THE PRINCIPAL
CRISTINA V. PANGANIBAN – (046) 487-1473/09684928936
SCHOOL DISASTER RISK REDUCTION MANAGEMENT TEAM (SDRRM)
DANILO R. GONZALES JR.
MARINETH A. BAY - 09684928928
- 09684928931
JANETH A. JAVIER - 09684928933
MARICOR B. QUILATAN
- 09684928939
MAGDALENO D. PEREY - 09684928937
OFFICE OF THE MAYOR
(046) 483-3613
MUNICIPAL POLICE STATION
(046) 483-3022
09651993111
09985985615
MUNICIPAL RISK REDUCTION
MANAGEMENT/AMADEO RESCUE
(046) 430-1411
0917-167-7419
MUNICIPAL FIRE STATION/AMADEO-BFP
(046) 483-2490 0915-601-6805
(046) 419-2541
AMADEO RURAL HEALTH UNIT/AMADEO-RHU
(046) 413-2316
..Maraming Salamat Po at Mag-ingat po Tayong Lahat!
Download