Lahat Tayo may kanya kanyang set of friends… Nakadepende kasi yan sa emosyon, preference o kaya trip natin. Tulad ng mga childhood friends.Ito ung set of friends natin na nabuo mula pagkabata, ekementary days at pati high school day. This set of friends ang masasabi mong bihira mo namakasama ngyon, hindi na ganun kadalas ang paguusap pero kpag nagkita kita na, halos kulang ang buong araw na magkwentuhan dahil masarap balikan ang mga memories ninyo nuon. Ang pinakabonding ng set of friends na ito ay ang pagbaliktanaw sa mga kalokohan nuong araw ng kabataan. Isa pang set of friends na meron tayo at ang workbuddies na tinatawag, minsan tinatawag din natin itong “workada”. Sila yung mga kaibigan natin na nabuo ang samahan sa loob ng workplace. Sila din yung madalas nating nakakasama lalo na kapag after office hours, may nakaplano ng gala o gimik. Saga dang bonding ng workaday kapag 15 at 30 ng kada buwan at madalas kung hindi travel, pagkain anf madalas na ginagawang bonding moment ng workada. Sila din actually yung mga kaibigan na madalas modus sa mga simpleng bagay tulad ng paghiram ng ballpen na hindi na bumabalik, sasabay bumili tapos ikaw magbabayad dahil naiwan daw ang wallet sa office, at minsan pati pamasahe imomodus ka din ng workaday. Isa pang set of friend na meron tayo ay ang mga kaibigang kasama lang sa saya o sa mga trip. Sila yung masarap kasama sa travel o adventure pero hanggang dun lang yun ang bondingan. Walang personal bonding, na parang bawal pagusapan ang tungkol s personal n buhay lalo na sa pamilya o lovelife.