Uploaded by Charlize Melendez

Spoken Poetry

advertisement
Spoken Poetry
“Mga Alaala”
Hindi ko alam ko kalian ako huling pumasok rito
Bakit ba naman kasing kailangan pumunta?
Eh, ang layo-layo kapag nanggaling pa kami sa probinsya
Basa ko sa isang libro,
Ang mga sinasabi rito ay hindi naman makatotohanan
Malayo sa realidad at walang katunayan
Sa dami pa ng rason kung bakit
Paskil sa aking mukha ang pagkabagot
Hindi ko na papahabain pa
Para matauhan ang ibang tao na:
Kailangan ba ito?
Kung marunong kang magdasal ng rosaryo
Kung mayroon kayong altar sa bahay
Kung maayos naman ang pakikitungo mo
At alam mong mamuhay nang mapayapay
Gugustuhin mo pa bang pumunta rito?
Oo. Ang sagot diyan oo.
Pagpasok ko sa kasangkapan ng Panginoon
Kagyat kong pansin ang mga batang tulog
Habang nagsasalita ang isang babae sa plataporma
Tungkol sa mga bukas na donasyon
Umupo ako kasama ng aking pamilya sa huling pasilyo
At muling tumingala sa imahe ni Hesu Kristo
At nakapagtanto
Napapatawa na lang ako sa mga alaala noong ako’y bata pa lamang
Nais kong pumunta sa simbahan dahil lang may pagkain pagkatapos ng misa
O pwede rin naman dahil sa kasiguruhan na may gala mamayang ala-una
Sa kabila ng mga ito,
Natatandaan ko yung mga pagkakataon na kasama ko ang aking mga pinsan
Na pumili ng mga kandila na isisindi sa Manaoag, yung puti, asul, berde, o yung lila ba?
Natatandaan ko yung panahon na tumugtog ako ng violin kasama ng mga ibang estudyante
Kasabay ng pag-awit ng koro,
Sabay ng pagtakbo sa labas ng simabahan dahil may libreng tikoy
Natatandaan ko rin yung araw na nangumpisal ako sa simbahan,
Kita ko na umiyak yung isa kong kaklase
Kaya’t umiyak na rin ako nung ako ang sumunod na umamin
Natatandaan ko rin yung mga panahon na lumaki na ako
At umuuwi lamang sa Pilipinas tuwing bakasyon,
At sumasaya ako tuwing pumupunta kami sa simbahan na aking kinalakihan
Nang makikita ko rin yung mga kaibigan ko noon
Makalipas ng isa o dalawang taon
At sa huli, natatandaan ko rin yung mga araw na nagbibisita Iglesia kami
Kasama ng buong angkan ng Fernandez family
Nakakalungkot, nang nagkaaway-away na lahat dahil sa rason na hindi ko alam
Usapang matanda raw, pero sana, yung mga pagsasama namin ay muling maulit sa mga susunod na
araw
Hindi ko man natanto ang mga ito:
Na lumaki ako sa tabi ng gabay ng Panginoon
Na umikot yung mga magagandang alaala sa pagsasamba sa Kaniya
Na naging malaking bahagi pala ang pagpunta sa kasangkapan ng Diyos
Ito ang mga alaalang parang walang kahalagaan
Mga alaalang hindi mauunawan hanggat hindi naranasan
Mga alaalang madali nating makalimutan
Nang nagkumpolkumpol ang mga ito sa gilid ng ating isipan
Ito ang dahilan kung bakit matatag ang mga pilipino
Buhat ng pagtitiwala at kabanatan
Hugot ng mapagpakumbaba at paniniwala
Sa sugat ng ating inang bayan pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan
Ito ang nahbibigay pag asa sa kapwa patungo sa kadiliman: ang ating mga alaala na nagsisilbing
plataporma sa ating pananampalataya.
Kung kaya’t mga kabataan
buksan ninyo ang puso’t isipan
Nariyan lamang siya na nagbibigay suporta
Kung kaya’t ngayon na mayroong pandemya a nagaganap
At limitado ang ating pakikipag-ugnay sa lipunan
Gamitin natin itong oras para ipagkaloob ang kahalagaan
Sa pagsamba at pananalig tungo sa ating tagapagligtas
Nang binigyan Niya tayo ng mga sandaliang oras
Na mabatid ang kagandahan ng buhay.
Download