1 PAGPAPLANONG PANGWIKA SA WIKANG FILIPINO GIAN KARLA M. RODRIGUEZ 2017 2 INTRODUKSIYON Ang wika ang namamagitan upang maunawaan ang sarili, karanasan, kapwa tao, ibang tao, paligid o mundo. Ang wika din ang identidad o pagkakakilanlan ng isang bansa. Sa pamamagitan ng wika kaya nagkakaunawaan at nagkakaroon ng madaling komunikasyon ang bawat tao kundi pati na rin sa mga karatig bansa nito ( Thenzai, 2009). Ang wika ay isang mabisang kasangkapan ng tao sa pakikipag-unawaan sa kanyang kapwa. Ito ay biyayang galing sa Diyos upang ipaabot ng tao ang kanyang iniisip, nadarama, nakikita at nararanasan sa kanyang kapaligirang ginagalawan. Samaktuwid, ito ay isang daan sa pakikipagsapalaran at pagsulong ng bansa sa iba’t ibang aspeto ng buhay (Bokals, 2010). Sa pagbabagong-hugis ng edukasyon, mahalaga ang papel na ginagampanan ng wika. Nagsisilbi itong tulay upang maunawaan kung ano ang tinutukoy na pagbabago. Dahil din sa wika kaya nagkakabigkis-bigkis at nagkakaisa ang mga mamamayan. Ayon pa kay Rizal, habang pinapanatili ang sariling wika, napapangalagaan nito ang kaligtasan ng kanyang kalayaan tulad ng pagsasaisip niya sa sarili. Maraming haka-haka tungkol sa pinagmulan ng wika. Bukod sa dami-daming teorya ng iba’t ibang tao hindi pa din maipaliwanag kung saan, paano at kailan talaga nagsimula ang wika. Tinatanggap ng mga dalubwika na hanggang sa ngayon ay wala pa ring katiyakan ang iba’t ibang teorya tungkol sa pinagmulan nito. Isa itong palaisipang hanggang sa kasalukuyan ay hinahanapan ng patunay subalit nananatili pa ring hiwaga o misteryo (Bokals, 2010). Wika ang ginagamit natin sa pakikipagtalastasan upang maunawaan ang nais ipahayag ng isang tao sa simula pa ng pagkamulat ng ating isipan. Sa pamamagitan din nito nalalaman din natin kung ano ang gustong ipahayag ng ating kapwa. Ang wika ay sadyang 3 napakahalaga, ito ang nagbubuklod sa bawat tao hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Maaaring hindi lahat sa atin ay tanggap ang lubos ang wikang Filipino na ipinagkaloob sa atin sapagkat marami sa ating mga kababayan na nasa ibang bansa ang nahuhumaling sa kulturang dayuhan na halos kalimutan na ang wikang kinamulatan. Saan man tayo magtungo ang ating wika ay bahagi na ng kultura na nagpapalawak ng kaalaman upang lalong magkaunawaan ang bawat tao. Ayon sa mga eksperto ang pagpaplanong pangwika (Language Planning), ito ang pagpapaunlad sa wika upang magkaroon ng salita o terminolohiya para sa lahat ng disiplina ng karunungan, kasama na ang mga agham at iba’t ibang antas ng kulturang popular. 4 ANG INTELEKTWALISASYON NG WIKANG FILIPINO Sa panimulang ito, ipapakita ang proseso ng pagpaplanong pangwika, paraan ng pagiistandardays, pagmomodernays, mga salik sa pag-iintelektwalays ng wika gayundin ang gamit ng wikang Filipino sa edukasyong Pilipino sa kasalukuyang panahon. Ayon kay Constantino (1996), ang wika ang siyang pangunahing instrumento ng komunikasyong panlipunan. Bilang instrumento, maaaring matamo sa pamamagitan nito ang mga instrumental at sentimental na pangangailangan ng tao. Ang wika ay behikulo para makisangkot at makibahagi ang tao sa mga Gawain ng lipunan upang matamo ang mga pangangailangang ito. Samakatuwid, ang pahayag na ito ni Constantino ay nagpapatunay lamang na napakahalaga ng papel na ginagampanan ng wika sa pang-araw-araw na buhay ng tao. Gamit ang wika, nagagawa ng tao na makuntento ang kanyang mga pangangailangan maging ito man ay pansosyal o pampersonal. Nagiging instrumento ang wika upang makisangkot ang tao sa mga nangyayari sa kanyang paligid. Dahil dito, mahalaga para sa isang tao na maging maalam siya sa kanyang wikang ginagamit upang ito ay magamit niya sa paraang tiyak at planado. Para sa mga taong aral sa wika, hindi na bago ang katawagang pagpaplanong pangwika o language planning. Sa larangang ito, tinatanaw ang mga maaaring pagpiliang wika mula sa isang komunidad para gawing estandardisado. Sentro rin ng pag-aaral ng PP ang kamalayan na paggamit ng isang wika sa isang lipunan, kung saan, ito ay kinapapalooban ng pagkalap ng mga datos o inpormasyon upang bumuo ng desisyon kaugnay sa kung anong wika ang pinakaangkop na gagamitin sa isang lipunan (Eastman, 1982). 5 Ang PP ay binubuo rin ng dalawang mahalagang meyjor komponent. Sa komponent na ito mahihinuha natin ang mga konkretong batayan sa maayos na pagpili ng isang wikang sasailalim sa estandardisasyon. Una, ang patakarang dapat sundin; ikalawa, pagpili ng wika kaugnay sa napagkasunduang patakaran. Ang una ay binubuo ng apat na mahahalagang salik. Ang mga ito ay ang sumusunod: FORMULASYON – Ito ang yugto ng deliberasyon at/o pagdedesisyon kaugnay sa wikang pipiliin. Mahalagang isaalang-alang dito ang layunin ng mga gagamit nito. KODIFIKASYON – Ito ang yugto kung saan nagkakaroon ng teknikal na preparasyon ang mga language academies ng napagkasunduang patakaran. Mahalaga namang tingnan dito ang pananaw, paniniwala, saloobin ng kapwa magpapatupad at tatanggap ng napagkasunduang patakaran. ELABORASYON – Ito ay pinaiiral ng ahensyang pangwika na kung saan inihahanda na ang mga materyal na kakailanganin sa pagpapalawak ng gamit ng piniling wika. IMPLEMENTASYON – Ito naman ang yugto ng pagtanaw sa epekto ng plinanong pagbabago sa wikang pinili. May inilahad pa rin si Eastman (1982) kaugnay sa paraan ng pagpili ng wika. Sa katunayan, may sampung kategorya kung saan maaaring makapamili ng isang wika na sasailalim sa estandardisasyon: 1. Indigeneous Language – Wikang sinasalita ng mga sinaunang tao na nakapanirahan sa isang lugar. 6 2. Lingua Franca – Wikang gamitin ng mga taong may magkaibang unang wika na may tiyak na layunin sa paggamit. 3. Mother Tongue – Wikang naakwayr mula sa pagkabata. 4. National Language – Wikang ginagamit sa politika, sosyal at kultural na pagkakakilanlan. 5. – Wikang ginagamit sa transaksyong pampamahalaan. 6. Pidgin – (Nabuo sa pamamagitan ng paghahalu-halo ng wika) Wikang kadalasang ginagamit ng mga taong may magkaibang pinagmulang wika. 7. Regional Language – Komong wika na ginagamit ng mga taong may magkaibang wikang Official language pinagmulan na naninirahan sa isang partikular na lugar. 8. Second Language – Wikang natutunan bilang karagdagan sa unang wika. 9. Vernacular Language – Wika ng isang sosyal na grupo na nadomina ng ibang wika. 10. World Language – Wikang ginagamit sa malawak na saklaw ng mundo. Alinman sa mga nailahad na ito ay maaaring mapagpilian o maging batayan tungo sa pag-iistandardays ng wikang napagkasunduan. Samantala, ang estandardisasyon ng wika naman o language standardization ay isang sangay ng pagpaplanong pangwika na konsern sa kaisahan sa likod ng linggwistikong pagkakaiba-iba ng mga wika. 7 Ayon kay Eastman (1982) mula kay Haugen (1966), may proseso ang pagiistandardays ng wika. Tungo sa pag-iistandardays ng wika, mahalagang makapamili muna ng wika, makodifay ito sa pamamagitan ng paghahanda ng teknikal na preparasyon o ng mga kagamitan (libro, ensaklopidya at iba pang mganasusulat na materyal). Matapos nito, kinakailangan na maging malawakan ang pagpapagamit nito sa iba’t ibang domeyn tulad ng: simbahan, paaralan, pamahalaan, midya at iba pa. Malaki ang papel ng domeyn sa estandardisasyon dahil ito ang susukat sa lawak ng gamit ng wika. Sa kaso naman ng modernisasyon, binigyang paliwanag ni Eastman (1982) na ito ay ang paglago ngpopular na pagkakakilanlan ng isang estandardisadong pambansang wika mula sa mga gumagamit nito. Sa kabilang banda, inilahad naman sa jornal ng Komisyon ng Wikang Filipino ang dalawang yugto para masabing modernisado ang isang wika. Ang una ay tinawag na Popularly Modernized Language o PML at ang pangalawa ay ang Intellectually Modernized Language o IML. Ayon dito, ang wika ay maaaring maging moderno subalit hindi intelektwalisado. Ang wika na ginagamit sa enterteynment ay pwedeng tawaging moderno subalit hindi ito masasabing intelektwalisado, gayundin naman ang wikang ginagamit sa tabloyd ay hindi rin maaaring iklasipika na intelektwalisado. Sa kabilang banda, masasabi nating intellectually modernize ang isang wika kung ito ay nagagamit sa mga matataas na karunungan gaya ng agham, teknolohiya, negosyo, kalakalan, industriya, medisina at iba pa. 8 Tunguhin ng dalawang yugtong ito na maintelektwalays ang wikang ginagamit ng isang partikular na lipunan. Malaki rin ang magiging ambag ng mga larangang pangwika tungo sa pagpapalakas ng intelektwalisasyon. Maaaring sumailalim ang isang wika sa mga sumusunod na larangan: Larangang pangwika na nagkokontrol (Controlling domains of language) – Ang wika at varayti ng wikang ginagamit dito ay dinidikta kapwa pasulat at pasalita. Nangangahulugan ito ng katiyakan at wastong gamit ng mga salita. Kadalasan itong ginagawa sa matataas na antas ng karunungan gaya ng: simabahan, batas, midya, paaralan, pamahalaan, industriya, negosyo, komersiyo at iba pa. Dahil nga nagiging diktador kung ano ang wikang gagamitin, nadedevelop ang isang wika tungo sa tinatatawag na estandardisado at intelektwalisado. Nagkokontrol nang bahagya sa larangang pangwika (Semi-controlling domains of language) – Ang wika at ang mga varayting ginagamit naman dito ay pasulat subalit tanging tagapakinig lamang ang mga gumagamit nito. Di-tulad ng nauna, hindi kasinghigpit ang paggamit ng wika rito. Ipinahihintulot rin nito ang pakikibahagi ng tao sa iba’t ibang gawain subalit hindi kinakailangan na maging dalubhasa ang isang tao sa paggamit ng wika. Halimbawa nito ay sa relihiyon at enterteynment. Di-nagkokontrol na mga larangan ng wika (Non-controlling domains of language) – Ang wikang gamit dito aypasalita lamang na kadalasang makikita sa tahanan at lingua franca ng isang bansa. Gayumpaman, ang salitang intelektwalisasyon ay nagdudulot pa rin ng pagkalito mula sa iba’t ibang taong sangkot sa paggamit ng wika. Sa paliwanag ni Sibayan (1999), ang wika ay intelektwalisado kung ito ay nasusulat. Hindi sapat ang pasalitang paraan para masabing intelektwalisado ang isang wika. Kinakailangangang wika ay nakapagpapalimbag ng iba’t 9 ibang balon ng karunungan (libro, ensaklopidya at iba pa) namagagamit ng tao tungo sa paglago ng kanyang kaalaman. Sa kaso ng Filipino, ani Sibayan, ang pag-iintelektwalays dito ay nararapat ifokus sa mga lawak na kumokontrol na wika o controlling domains of language, mga lawak na ayon sa kanya ay nagdidikta ng wikang inaasam at pinapaboran ng mga taong gumagamit ng wikang iyan. Halimbawa nito ay ang gamit ng wika sa mahahalagang larangan tulad sa edukasyon, pamahalaan, batas, hukuman, agham at teknolohiya, negosyo, pangkalakalan, industriya, mga propesyon na may bahaging larangan (sub domains) tulad ng medisina at abogasya, masmidya at literatura. Sa paliwanag naman nina Espiritu at Catacataca (2005), nakaankla sa pagpaplanong pangwika ang salitang intelektwalisasyon. Ito ay pumapaloob sa apat na dimensyon: seleksyon, estandardisasyon,diseminasyon at kultibasyon. Sa kultibasyon papasok ang konsepto ng intelektwalisasyon. Ani Neustupny(1970), ang kultibasyon ay isang proseso na nagmumula sa kodifikasyon ng wika tungo sa kultibasyon at elaborasyon nito. Sa kabuuan, nangangahulugan lamang na ang tanging layunin ng intelektwalisasyon ay upang magampanan ng wika ang kanyang mga tungkulin sa mga gumagamit nito. Samantala, inilahad ni Acuna (1994) na ang mga pambansang wika sa buong mundo ay maaaring iuri sa tatlo: Intellectualized languages of wider communication; confined, independent and intellectualized national languages; and developing national languages. Ang unang uri ay tumutukoy sa popular na mga internasyunal na wika gaya ng: Ingles, Pranses, Aleman at Espanyol. Ang mga wikang ito ay ginagamit bilang mga kontroling na domeyn sa paggawa (work) at iba pa. Samantala, ang ikalawang uri naman ay tumutukoy sa mga intelektwalisadong wika na saklaw lamang ang bansang pinaggagamitan nito. Ang 10 wikang ito ay sapat na upang magamit sa lahat ng domeyn ng isang bansa. Halimbawa ng mga bansang ito ay ang Korea at Japan. At ang panghuling uri naman ay tumutukoy sa mga bansang nasa proseso pa lamang ang intelektwalisasyon ng wika gaya ng Indonesia, Malaysia at Pilipinas. Sa mga bansa kasing ito ay patuloy pa rin ang pagdevelop sa tinawag ni Sibayan na idyomang pedagojikal. Ngayon, ano naman ang hinaharap ng wikang Filipino kaugnay sa isyu ng estandardisasyon at intelektwalisasyon? Ang tanong na ito ay nagdulot ng mga kalituhan sa maraming Pilipino, kahit mga dalubwika ay patuloy na nagdedebate kung estandardisado o intelektwalisado ba ang Filipino. Kadalasang sagot na maririnig sa kanila ay ganito: Ang Filipino ay patuloy pa sa pagdevelop tungo sa estandardisasyon at intelektwalisasyon nito. Ang pahayag na ito ay totoo. Sapagkat ayon na rin sa Konstitusyon sa ilalim ng Artikulo XIV ng Seksyon 6: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa batay sa iba pang mga wika sa Pilipinas.” Nangangahulugan lamang ito na ang Filipino ay kailangang umasa sa mga intelektwalisadong wika hindi lamang sa mga wika sa Pilipinas. Isang magandang halimbawa na nito ay ang wikang Ingles. Ang Ingles man ay umasa rin sa mga intelektwalisadong wika tulad ng Griyego, Latin at Pranses. Sa kabilang banda, tinukoy sa jornal ng KWF ang mga kadahilanan kung bakit kailangan ng Filipino na umasa sa Ingles. 11 Narito ang mga kadahilanan: 1. Halos lahat ng nakasulat na bersyon ng makabagong Filipino kabilang na iyong sa mga paaralan ay puno ng hiram na salita sa Ingles, may mga binaybay ng tulad ng sa mga orihinal at karamihan naman ay isina-Filipino ang pagbabaybay. 2. Malinaw na ipinakikita sa mga pag-aaral tungkol sa mga intelektwalisadong varayti ng sinasalitang Filipino ng mga mag-aaral sa anim na pamantasan sa Metro Manila (UP, DLSU, Araneta U, PNU, PUP at PLM) na kayang talakayin ng mga mag-aaral ang kanilang mga takdang aralin sa matematika, biyolohiya at iba pa sa pamamagitan ng maramihang panghihiram sa Ingles. Sa madaling salita, para masabing intelektwalisado ang wikang Filipino, kinakailangan na magamit ito sa pagtuturo sa mga Pilipino sa halos lahat ng larangan o antas. Kung kaya, ani Espiritu at Catacataca (2005) mula kay Sibayan (1988),para maisakatuparan ito, pangunahing pangangailangan sa intelektwalisasyon ang manunulat sa kurikulum at mga teksbuk at isangidyomang pedagojikal sa Filipino. Ang idyomang pedagojikal ay ang kabuuan ng mga ginradong teksto, mga sanggunian, patnubay at iba pang mga kagamitang panturo na magagamit mula sa unang baytang saelementarya hanggang antas tersyarya isinulat ng mga ekspertong manunulat ng mga teksbuk at kagamitang pangkurikulum at mga iskolar at mga eksperto sa pamamaraan ng pagtuturo. Kung babalikan natin ang unang pahayag ni Sibayan, ang wika ay kailangang NASUSULAT para masabing intelektwalisado ito. Gayumpaman, may apat na katangian ang isang intelektwalisadong wika: 1. Aktibo, marami at malawak ang gumagamit ng wika partikular na ang pasulat na anyo kaysa pasalita. 12 2. Ang wika ay estandardisado. Ibig sabihin, walang kalituhan kaugnay sa palabaybayan nito, nararapat na ito ay kodipikado sa mga diksyonaryo at iba pang referensiya. 3. Ang wika ay nararapat na may kakayahan na maisalin sa iba pang intelektwalisadong wika. 4. Ang wika ay nararapat na maunlad at tanggap sa iba’t ibang rejister na ang ibig sabihin ay nagagamit ito sa iba’t ibang larangan o bahaging-larangan. Mahalaga ito sa konsepto ng intelektwalisasyon dahil tumutukoy ito sa lawak ng gamit ng wika. Samantala, iminungkahi naman ni Sibayan ang mga tiyak na referensiya upang masubok kung intelektwalisado ba talaga ang wikang Filipino. Nagagamit ba ang Filipino bilang pangunahing wika ng instruksyon mula sa kindergarten hanggang level pampamantasan? Ang Filipino ba ay ang pangunahing wika sa trabaho kung saan Ingles ang kasalukuyang gamit? Ang Filipino ba ay ang nais at mithiing wika ng mga Pilipino upang magamit sa kanilang sosyo- ekonomiko at intelektwal na pag-unlad? Ani Sibayan, mahirap makamit ito subalit ito ang mga katangian ng isang intelektwalisadong wika na maaring magamit bilang kontroling na domeyn ng isang bansa. Sa kasalukuyan, ang Filipino ay kinakaharap ang napakaraming problema, kung kaya, hindi maiiwasang maging mabagal ang tinatahak nitong landas tungo sa intelektwalisasyon. Ilan sa mga problema ay ang mga sumusunod: 1. Kulang ang “political will” sa pag-iintelektwalays nito. 13 2. Kulang ang suportang ibinibigay ng mga nasa industriya, komersyo, negosyo at iba pa. Ingles pa rin ang ginagamit sa mga larangang ito bilang pangunahing midyum ng komunikasyon. 3. Kulang sa pondo mula sa pamahalaan kaugnay sa pagpapalawak ng gamit ng Filipino sa iba’t ibang ahensiya nito gayundin ang mga sapat na treyning. 4. Mismong ang akademiya ay may kakulangan tungo sa intelektwalisasyon ng Filipino. Ito ay sa apektong pagdevelop ng mga libro na naka-Filipino. 5. Dagdag pa ang mismong Pangulo ng bansa na nagnanais na ibalik ang Ingles bilang pangunahing midyum ng pagtuturo. Mula ito sa kanyang EO 210 na pagpapalakas sa gamit ng Ingles. Ang mga ito ay refleksyon ng realidad na kasalukuyang kinakaharap ng wikang Filipino. Isang nakakalungkot na pangyayari dahil hindi masalamin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang pambansang wika na siyang makapagbubuklod at magbibigkis sa isang kulturang maka-Pilipino na kakikitaan sana ng ating identidad. Isang hamon sa kasalukuyan sa mga Pilipino partikular na sa mga akademisyan kung paano ba maiintelektwalays ang wikang Filipino? May iminungkahi kaugnay rito si Sibayan. Kinakailangan ng mga tagatangkilik at tagapagpaunlad nito. Kinakailangan ng mga praktisyuner at employer na naniniwala sa epektibong gamit ng Filipino sa anyong pasulat hindi lamang sa pagtuturo gayundin sa pagkatuto. Hindi lamang sa mga disiplinang teknikal gamitin ang Filipino, bagkus, magamit ito sa iba pang disiplina. Kinakailangan ng mga pablisher na handang maglathala ng mga publikasyon sa Filipino. Kinakailangan din ng mga taong handang ponduhan ang programang pang-intelektwalisasyon. Ang Filipino ay kailangang tanggap ng nakararaming bilang ng mga Pilipino lalo na sa erya ng kontroling na 14 domeyn ng wika. Pagkamahinahon ay higit na kailangan din. Ang Filipino ang hindi magiging ganap na intelektwalisado sa madaling panahon. Huwag magturo ng Filipino kung walang libro o materyal na nakasulat sa Filipino. Ang mga mungkahing ito na inilahad ni Sibayan ay ang mga maaaring mapagnilayan ng bawat Pilipino habang patuloy na dinidivelop ang wikang Filipino. Magsilbi sana ito gabay nating lahat tungo sa mabilis at malawakang estandardisasyon at intelektwalisasyon ng ating wika – ang wikang magsisilbing tagapagbuklod sa lahat ng mamamayan ng bansang ito tungo sa iisang mithiin makabansa. 15 TAMANG PAGGAMIT NG LEXICAL BORROWING Ang wika ay salamin ng bayan at siyang bumibigkis tungo sa pagkakaisa ng mga mamamayan. Ang kaisipang ito ay isinaad ni Manuel Luis Quezon, ang tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa. Siya ang nanguna upang pagbuklurin ang mga Pilipino sa pamamagitan ng isang wikang pambansa. Ang wikang pambansa na nabuo ay batay sa Tagalog sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nilagdaan niya noong Disyembre 30, 1937.Bakit Tagalog? Tagalog ang sinasalita ng higit na nakararaming Pilpino, lalo na sa Maynila at karatig bayan, na sentro ng edukasyon, kalakal, hanapbuhay, pulitika, agham, at industriya. Sa ganitong dahilan napagpasyahan ng lupon ng mga mananaliksik ng wika na ibatay sa Tagalog ang wikang pambansa. Mabilis itong itinuro sa iba’t ibang paaralan sa bansa sa loob ng 20 taon. Noong ika-13 ng Agosto, 1959 ay nilagdaan naman ni Jose E. Romero, Kalihim ng Edukasyon at Kultura, ang Memorandum Pangkagawaran Blg. 7 tungkol sa paggamit ng Pilipino, bilang pagtukoy sa wikang pambansa. Layunin ng pagapapalit ng Tagalog sa Pilipino ang maitimo sa isipan ng mga Pilipino ang pinakakatangian ng ating pagkabansa. Bukod dito, ang Tagalog ay isa lamang sa mga wika sa Pilipinas at ang patuloy na tawagin ito bilang wikang pambansa ay hindi makapagbibigay ng magandang impresyon sa iba pang mga wikang umiiral sa bansa. Ang paggamit ng Pilipino bilang wikang pambansa ay mahigpit na ipinatupad sa buong bansa. Ngunit dahil sa patuloy na pag-unlad ng pamumuhay at pakikipag-ugnayan, hindi lamang sa kapuwa-Pilipino kundi gayundin sa iba’t ibang lahi, ang impluwensya ng iba’t ibang wika sa buong mundo ay hindi maitatanggi. Ang paggamit ng wika ay hindi dapat 16 limitahin. Kailangan itong payabungin at papagyamanin upang makaagapay sa mga pagbabago at mapabilis ang pakikipag-ugnayan at pakikipagtalastasan. Nasa ganitong direksyon ang ating wika nang magkaroon ng pagdaragdag ng mga titik sa dating abakadang Pilipino na may 20 titik (A, B, K, D, E, G, H, I, L, M, N, NG, O, P, R, S, T, U, W, Y). Nang iminungkahi ang patakarang bilinggwal sa bansa noong 1977, naragdagan ang mga titik ng alpabeto. Mula sa 20 titik ay naging 31 ang mga ito. Nairagdag dito ang mga titik C, CH, F, J, LL, Ñ, Q, RR, V, X, at Z. Hinango ang ilang titik sa wikang Kastila at Ingles dahil na rin sa malaking impluwensya ng mga ito sa kabuhayan at kultura ng bansa. Nang manungkulan ang yumaong Pangulong Cory Aquino at magkaroong muli ng pagbabago sa kalagayan ng wika, ang Konstitusyon ng 1987 ay nagtadhana sa Batasang Pambansa na gumawa ng hakbang tungo sa paglinang at pormal na pagpapatibay ng isang wikang pambansa na tatawaging Filipino. Ayon kay Komisyoner Francisco Rodrigo, “Itong Filipino ay hindi isang bagong katha o kakathaing lenggwahe. Ito ay batay sa Pilipino. Palalawakin lamang ang saklaw ng Pilipino. Kaya nga’t ang Pilipino ay batay sa Tagalog, at ang Filipino ay batay sa Pilipino.Kasunod ng pagbabagong ito ay ang pagbabago rin ng alpabeto. Ngayon, ang bagong alpabetong Filipino ay binubuo ng 28 titik (A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N, Ñ, NG, O, P, Q, R, S, T, U, V, W,X, Y, at Z). Ang Pilipinas ay binubuo ng mga pulo. Bawat pulo rito ay may mga wika at wikain na ginagamit ng mga mamamayan. Napatunayan nilang ang Pilipinas ay may higit sa isang daan (100) mga wika at apat naraang (400) wikain ang matatagpuan sa Pilipinas. Ang sitwasyong 17 ito ay isang malaking hamon sa wikang Filipino na mapag-ugnay ang bawat mamamayan sa bawat pulo (Wikipedia). Bilang salamin sa ating wikang kultura mababatid natin ang mga pagbabagong nagaganap sa ating bansa sapagkat ito nagiging modernisado na ito hindi lamang ang bagaybagay na ating nakikita, maging ang paraan ng ating pananalita o pagsasalita ay nagbabago na rin. Ano nga ba ang pagbabagong ito na karaniwan nating sinasabi ng di natin namamalayan na lumalabas sa ating bibig? Ito ay ang paggamit natin ng iba’t ibang wika na ating nahihiram nang hindi sinasadya, tulad ng pag-uusap-usap ng iba’t ibang grupo. Malaya nilang nagagamit ang iba’t ibang hiram na wika at mga katutubong wika na kanilang kinagisnan. Mga wikang naririnig nila na nakakahikayat o nakakaimpluwensiyang gamitin upang sila ay mapabilang sa grupo. Ayon kay Klukholm (1948), isang (linggwistikang antropologo) ang wika ay isang ugaling pangkultura. Ito’y kasasalaminan ng isang kulturang lahi maging ang kanilang karanasan. Isang dahilang maituturing na nagaganap ang leksikulturayon kung saan ang mga leksikong ginagamit ay naaayon sa kultura ito’y nabibilang sa bawat pangkat maging ang pagpapakahulugang leksikal ay naaayon na rin sa kulturang kinabibilangan. Ayon nga kay Pineda (2001) matalik na magkaugnay ang wika at kultura. Taglay ng wikang pinag-ugatan ang wikang iyon ang isang kultura sapagkat maipapahayag ng matapat at likas sa wikang kakambal ng naturang kultura. Kung kaya’t kapansin-pansin rin sa orihinal na layunin ng pagtuturo ng wikang pambansa ang pagtatamong pagkakaisa at pagkakaroon ng isang wikang nagsisilbing tulay para sa pagpapahayag ng mga mithiin at aspirasyon ng nagkakaisang mamamayan sa bansa. Ang P/Filipino ay simbolo ng pagkakaisa at 18 nasyonalismo ng mga Pilipino ayon kay Espiritu ( 2004). Wikang Filipino ang gamit na lingua franca sa buong bansa ng mahigit 90% ang mamamayan at maging sa ibang bansa, maipapaikala ng mga Pilipino ang kanilang mga pinag-ugatan sa pamamagitan ng wikang ito. Ngunit kabilang rin ang wikang banyaga tulad na lamang ng wikang Ingles at Kastila na kung saan ay ating nahihiram bilang komunikasyon sa ating pagkakaunawaan ng bawat isa at makakuha ng iba’t ibang makabagong detalye hindi lamang sa pagkuha ng impormasyon pati na rin ang pakikipag-transaksyon. Ang wikang banyagang ito ay nagagamit na rin sa ating edukasyon na ating pinag-aaralan na kung saan ay kadalasang nagagamit ng mga mag-aaral. Walang salitang buhay na gaya ng Filipino ay puro. Dahil sa pagkakaiba-iba ng kultura ng bansa, may mga salitang banyaga na hindi matatagpuan sa salitang Filipino kapag ito ay isinasalin. Sa pangyayaring ito, ang tanging magagawa ay ang manghiram o dili kaya’y lumikha ng bagong salita. Subalit gaya ng nasabi ng nasa itaas ang pinakahuling paraan na maipapayo ay ang paglikha ng salita sa sitwasyong katulad nito higit pang mabuti ang manghiram na lamang ng mga salita. Walang masama sa panghihiram ng salita. Hindi naman kailangan pang humingi ng pahintulot sa bansang hihiraman ng mga salita, hindi rin kailangan pang isauli ang salita pagkatapos na hiramin. Hindi rin ito nakakahiya basta’t kaya itong hiramin at gamitin sa tamang paraan at ito ay malaya mong magagamit sa lahat ng pagkakataon. Unang-una nating hinihiram ang mga salitang teknikal at pang-agham sa halip na lumikha tayo ng salita, hinihiram na lamang natin ang mga salitang ito. Sa paggamit ng wikang ganap o di-ganap ay may sari-sariling kabutihan o kaya’y nakasasama sa atin gaya na lamang kapag malaya natin itong nagagamit ay di natin naiisip kung akma ba ang salitang sinasalita o sinasabi sa lugar at sa mga taong nakasasalamuha. 19 Sa kasalukuyan lumalim ang paggamit ng leksikal borrowing sapagkat naglipa na ang napakaraming naiimbentong mga salita na talaga nga namang pang-masa at patok na patok lalo na sa mga kabataan. Maaari itong nababawasan, nadaragdagan, napapaikli at nahahahuluan ng iba pang wika. Magbago man ang ibang salita naiintindihan at tinatanggap pa rin ito sa lipunan na siyang nagpapayaman sa isang wika. Ayon kay Harvey Daniels (1985), sa aklat na Linguwistika: Isang Panimulang Pagaaral, malapit ang kaugnayan ng wika sa lipunan at sa mga taong gumagamit nito. Ang wika ng tao ay hinuhubog, nagpapalit at nagbabago upang maiangkop at maiakma sa pangangailangan ng mga tagapagsalita. Ang wika ay sumasalamin sa kultura. Ayon kay Ngugi Wa Thiong (1987), sa aklat na Linguistika, isang Afrikanong manunulat. Dahil sa wika, naisasalarawan nito ang kolektibong kaban ng karanasan ng tao sa ngalan ng kasaysayan. Ang wika ang nagdadamit sa kultura. Sa isang wika, makikilala ng sambayanan ang kanyang kultura at matutuhan niya itong angkinin at ipagmalaki. Sa aklat ni Rizal na El Filibusterismo, sinabi ni Simuon, isang mahalagang tauhan sa El Fili sa mga mag-aaral na ibig magtayo ng Akademya ng Wikang Espanyo “Ang taong ayaw umangkin ng sariling wika ay ayaw ng pagkakakilanlan” Ibig sabihin ng katagang ito kung ayaw mo tanggapin o kilalanin ang iyong wikang kinagisnan ay nagpapahiwatig na ayaw mong mapabilang o hindi ka masaya sa iyong lipunang kinabibilangan mas gusto mo o tinatangkilik ang wika ng iba. 20 Ang leksikon ay sarili nating vokabularyo na panay wikang Filipino. Ayon kay Buenventura (2014), sa kanyang presentasyon tungkol sa leksikon ng wika ay may limang paraan sa pagbuo ng mga salita. Una ay ang tinatawag na pagtatambal na kung saan pinagtambal ang mga morfema. Halimbawa bahaghari na mula sa bahag at hari. Pangalawa ay ang Akronim ito ay hango mula sa initial o mga unang pantig ng mga salita. Halimbawa ang NSO na mula sa National Statistic Office. Ikatlo ay ang pagbabawas o clipping, ito ay ang pagpapaikli ng mga salita na kadalasang ginagamit sa pasalitang paraan. Halimbawa ang Fon para sa telefono. Ang pang-apat ay ang pagdaragdag, kung may mga salita na binabawasan mayroon din namang dinaragdag. Halimbawa, ang salitang sampalin ay ginawang sampalikukin. Ang ika-lima ay ang paghahalo o blending ito ay ang pagbabawas at pagtatambal ng mga salita. Halimbawa ang cha-cha mula sa charter change. Ang baryasyon ng wika ay batay sa katayuan ng speaker sa lipunan o sa lupon ng kanyang kinabibilangan. Ito ang nagsisilbing identidad ng isang tao. Ang pag-aaral na ito ay nakasandig sa Teoryang Sosyolingwistiko na kung saan ipinapaliwanag na ang wika ay panlipunan at ang speech ay pang indibidwal at grupo. Kaugnay ng teoryang sosyolingwistiko ang ideya ng pagiging heterogeneous ng wika dahil sa magkakaibang mga indibidwal at grupo na may magkakaibang lugar na tinitirhan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa (Mangahis, et.al, 2005). Ang teoryang ito ay nagpapatunay na kahit may iisang wika tayo na ginagamit na tinatawag na Wikang Filipino ay nagkakaroon pa rin ng barayti ng wika dahil sa mayroon tayong iba’t ibang grupo ng tao sa ating lipunan. Ang panghihiram ng mga salita (Lexical Borrowing) ay nangangahulugan ng paggamit ng pormal na elemento ng isang wika na ipinapasok sa loob ng konteksto ng 21 wikang panghihiram ay isang estratehiya sa pagpapaunlad na leksikal at elaborasyon ng katulad ng Ingles, Pranses, Espanyol at iba pa. (Ferguson, 1971). Sabi naman nina Weinrich (1963), Goulet (1971), at Appel (1987). Ang pagpapalit ng mga salita o lexical item mula sa isang wika sa wikang panghihiram ay pangmalawakang pangyayari at siyang nagpapaunlad ng isang wika ayon sa kasaysayan ng wika at patuloy itong nangyayari kapag mayroong kontak ang mga wika o kultura ng nagsasalita ng wika. Sabi naman ni Appel ( 1987). Ang lexical borrowing o panghihiram ng mga salita ay mananatiling pinakapraktikal na pamamaraan upang mapadali ang layunin sa modernisasyon ng pambansang wika. Ayon kay Paplack (1980), ang bilingual na pagpapalit-wika ay may kakayahan sa parehong ( una o pangalawang wika) at inaayos niya ang paggamit ng bawat isa ayon sa kanyang tagapakinig maaaring upang malayo siya sa iba o di kaya ay upang malapit siya sa tagapakinig. Ayon sa teorya sumusuporta sap ag-aaral na ginawa ni Dr. Esperanza Macasantos 1986 tungkol sa lexical borrowing ang pinakabatayang proposisyon sa nagsasalita o sumulat na gumagamit ng wika. Ayon kay Beardsmore (1982). Ang code switching ay may naiibang disenyo ng nanghihiram ng salita o lexical borrowing kung saan ang buong sunuran ng salita ng isang wika ay nilalagay sa isang konteksto ng humihiram na wika. - Ang tanging dahilan sa lexical borrowing o panghihiram ng mga salita ay pangangailangan ( necessity). Nangyayari kapag walang kasingkahulugan ng hinihiram na konsepto ng mga mas maunlad na bansa. 22 Ayon kay Haugen ( 1866), ang panghihiram ayon sa pangangailangan ay naiiba sa panghihiram dahil sa katanyagan ng wika. Halimbawa: Ang salitang ‘dokkita’ (doctor) ay mas gamitin kaysa sa salitang ‘omasuwo’ na lugandun. Sa Filipino naman sa ‘doctor’ kaysa sa tagalog na ‘manggagamot’. Dadalhin sa ‘pedia’ at magpapatingin sa ‘ob-gyne’. Ayon kina Hauge, Weinrich, at Romain, may dalawang kategorya ng panghihiram na leksikal: 1. Ayon sa adaptasyon phonemic/morphemic at 2. Ayon sa motibasyon sosyal at sikolohikal. May tatlong uri ng panghihiram ayon sa unang kategorya: 1. Loan Words – hiniram na buong salita sa Ingles na walang pagbabago, Halimbawa: sampling, ranking o kaya sa salitang Espanyol-Lunes, Martes at iba pa. mayroon ding hiram na may pagbabago sa ispeling upang umayon sa element ng Alfabetong Filipino,. Halimbawa: ‘Sarbey’. Ginagamit din ang panlapi katulad ng pagbadget, magsampling. 2. Loan Blend – kasama ang hiniram na morphemic at di-kompletong pagpapalit kaya magkasama ang banyaga at katutubong morpheme. Halimbawa: Subtalaan – (subparagraph); pananaw pilosofical 23 3. Loan Shift – hiniram na salita kung saan may buo at kumpletong pagpapalit sa katutubong morpema. Ang ibig sabihin nito ang kahulugan lamang ang imported pero ang anyo ay katutubo ayon sa teksto. May 3 uri nito: 1. Semantic Loans Halimbawa: Dutch verb- ‘controleren’ mula sa ingles na ‘control’. 2. Loan Translation Halimbawa: Filipino – ‘lumceiliit na balik’ - Eng. – diminishing returns. 3. Coinage – Filipino – ‘shushiner’ o ‘shoeshineboy’. Appendix ng mga Halimbawa I. LOAN WORDS A. Buong slaitang hiniram sa Ingles Accomplice rangking Amalgam schedule Audience similar Bookstore sports center Burner subsoil 24 Candy donation Calcium work technique B. Isinunod sa pagbabaybay/ Ispeling ng Filipino 1. Isinunod sa Ingles Abstensiyon historical Adiksiyon holdaper Analisis illegal Aytem imigrasyon Bilyon indeks Desisyon iskuwater Deferensiyal koleksiyon Dikotomi modernisasyon 2. Isinunod sa Kastila Artikulo minute Aspekto ordinansiya Bangko politiko Edukado politika Etnosentrismo relatibidada Kulto teorya 25 3. Ingles na salita ngunit may binaybay na may panlaping Filipino II. Divotohan gumagraduweyt Deneklara inorganisa didiskasin idinerek Inisyon ipasa kinikilo idokan makagagsuplay minarder nakatie-up nakokontak LOAN BLENDS Anti-klimatikong Pamahalaan kabuuang demand Asul-marinong t-shirt Kontra buhay Bansang military pag-unlad teknikal di-popular taga-media dignidad -p- antao taga-showbiz etno-kasaysayan sangkap-pamproduksiyon 26 III. LOAN SHIFTS 1. Semantic Loan/ Akademiya 2. Calque/ loan translation Aral isda (itchepoplogy) Batas ng gravitasyon pansinukob ( universal law of gravity ) Bilang tingilencevan (number) Ibahan or pag-iiba (scientific phrase) Kabuan (absolute) Katagang pang-agham (scientific phrase) Kulay kape ( coffee colored ) electroo Lupang pang-imbabaw (topsoil) 3. Creation/ Conage Agrikulturista kitagos ( transparent ) Bagi ( physical body ) kataninag ( translucent) Bagiin ( physical) moleskin ( molecular) Daglani ( electromagnet) Ayon kay Dr. Lydia Gonzales, hindi na tayo nakapag-iisip pa sa ating mga sinasabing mga terminolohiyang salita, ngunit sa ating pag-aaral mahalagang malaman kung ano ang salita, ano nga ba ito? Halimbawa: ang salitang grado maaari itong grado ng mata o grado sa pag-aaral o grado sa pagsusulit. Sa ganitong paraan matatawag itong aytem na leksikal. Kaya ang termino na salita’y gagamitin lang sa kompleks na ponolohikal. Ang aytem leksikal o 27 lexem ay makikita sa paradima na lumalakad , lumakad at lalakad. Bawat isa’y iba ang pagkakalagay sa diksyunaryo. Ang ponemang ito ay maraming ambiguity o kabuuan o maipapakahulugan ng salita ( ponolohikal) ay tinatawag na homonimi, tradisyunal para sa mga di-magkaugnay na kahulugan ng salita. Bilang isang prosesong linggwistika sa kalinangan ng ating wika, nagkakaroon ng mabuti at masamang bunga. Napapalawak nito ang ating talasalitaan kung leksikon ang paguusapan. Tumutulong sap ag-aangkop sa makabagong panahon lalo na sa larangan ng siyensya at tekolohiya, istandardisasyon ng ating wika ay natatamo. Sa pamamaraan ng pagbabaybay ng pagbabaybay ng ating salita. Subalit kung hindi nasusubaybayan ng wasto, magkakaroon ng di-mabuting epekto. Ang katutubong katangian ng Filipino ay manghihina sapagkat ang mga baybay ng hihiram na wika ay di palaginag magkakapareho. Maaaring mamihasa ang mga nagsasalita sa paghihiram kaya’t lalabas sa hihigit pa ang hinihiram kaysa sa wikang Filipino. Panghihiram ng Salita/ Lexical Borrowing Ang panghihiram ng salita ay nagbibigay ng limang kahulugan ito ay ang mga sumusunod: 1.) Ang wikang mayamang-mayaman sa salita. Maraming lengguwaheng katutubo ang sinasalita sa buong kapuluan. Sa katunayan kung ang hangad ng lahat ay ang bumuo ng wikang pambansa sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga katawagan mula sa mga linang na lengguwaheng katutubo tulad ng ILOKANO, KAPAMPANGAN, ILONGGO at iba pa, bibilang tayo marahil ng kung ilang bolyum ng talasalitaang nailimbag. 28 2.) Ang kalaunang ating inaangkop sa ating kultura ay pawing hiram mula sa ibang bansa sapagkat sila ang mas nakakahigit sa kaalamang agham at teknolohiya dahil sila ang unang tumuklas at nagpalawak sa dalawang nasabing larangan, sila ang lumikha ng mga salitang teknikal kaya sa kanila natin ito nahiram at dahil na rin sa sistema ng ating pag-aaral ay makakolonyal sa oryentasyon, una nating natutuhan ang kanilang isipan kaysa sa ating katutubong kaalaman sa wika. Sa nakapamihasang panghihiram nakalimutan na antin halos gamitin ang sariling atin, ito ngayon an gating nagging malaking kaguluhan. 3.) Sa isang bansa hindi kahinaan ang panghihiram ng salita kasiglahan at kagalingan pa nga kung tutuusin, dahil bukod sa lalong napapayaman nito ang wika, nagiging buhay na buhay pa lamang, huwag nating panaigin ang panghihiram, iyon lamang ang inaakalang dapat at kailangang-kailangan dahil saw ala pa tayong panumbas. Mangyari’y kung ito’y ating pakalulubusin baka tayo pa ang mawalan ng sariling wika. Ang nagiging kalagayan ng ating kinamulatang kalinangan dahil hindi pa man nabubuo ang hinahangad sa wikang pambansa ay agad winasak ng wikang banyaga. 4.) Ayon kay Bloomfield (1964) tinalakay niya ang mga pormatibong terminal na hinihiram ng isang wika ay karaniwang nagkakaroon ng pagbabago maaaring sa bigkas sa diin o sa baybay. Ang dahilan sa wikang panghihiraman ay may ibang sistema ng palatunugan, palabuuan at palabaybayan sa wikang pinaghiraman. Kaya nga’t ang mga terminatibong terminal ng mga slaitang hinihiram ay nagkakaroon ng pagbabago. 5.) Isang reyalidad ang pangangailangan ng wikang Filipino na manghiram sa Ingles, Kastila at iba pang wika para matugunan ang malawakang pagpasok ng mga bagong 29 kultural na aytem at mga bagong konsepto na dala ng modernisasyon at teknolohiya. Idagdag pa ang pagpapalit wika at panghihiram ng mga salita sa anumang varayti ng wikang ginagamit, pasalita man o pasulat. Pinabagal ng 1987 Patnubay sa espeling ang leksikal na elaborasyon ng Wikang Filipino. Nililimitahan nito ang mga panghihiram ng mga salita dahil sa paghihigpit ng walong dagdag na letra ( C,F,N,J,Q,V at Z) doon lamang sa mga sumusunod: Pantanging ngalan Salitang katututo mula s aibang wika sa Pilipinas Salitang hindi konsitent sa espeling o Malaya ang espeling sa bigkas na kapag binaybay ayon sa alpabetong Filipino ay hindi mababakas ang orihinal na espeling. May mga mahahalagang kraytirya para matamo ang isnag efisyenteng sistema nang espeling. 1. Kasimplihan at ekonomiya na kaugnay ng isa sa isang tumbasan ng tunog at letra; 2. Fleksibilidad, ang paglaganap nang mga linggwistikong pagbabago dahil sa kontak ng mga wika. Batay ditto pinaluluwag ng nirebisang tuntunin sa espeling ang paggamit ng walong (8) dagdag na letra ng hiram na salita. 30 Kinahihinatnan ng Panghihiram ng Salita Ayon kay Carmelita Siazon- Lorenzo (2004), madali ang manghiram, maaaring tamarin ang nagsasalita sa pag-iisip at humahanap ng katumbas ng dayuhang wika, bagaman mayroon pa ring matutuklasan sa ating sariling wika. Dahil ditto ang ponemikong katangian ng Filipino ay nasisira sapagkat tuluyan nang hahantong sa kakatuwang baybay ng hiram na wika. Halimbawa: Highway, cake at tape Ingles Haywey, keik, teyp Filipino Iniisa muna (ang mga pantig) bigkasin ang mga titik ng unang pantig. Paraan ng Panghihiram sa Ingles 1. Bago natin tinanggap ang Ingles ay hiniram muna natin ang katumbas sa Kastila na siyang pinaghahanguan ng marami nating salitang ginagamit sa kasalukuyan. Halimbawa: Kastila Filipino Ingles Grifo gripo faucet Fruta prutas fruit Lapis lapis pencil Sapatos sapatos shoes Libro libro book Calle kalye street Castillo kastilyo castle 31 Cocina kusina kitchen Blusa blusa blouse Papel papel paper 2. May mga salitang hindi pa natin nabago ang baybay kahit malaganap nang ginagamit sapagkat walang pangkalahatang pagtanggap. Upang hindi mawala ang nais ipahayag, ang mga salitang ito ay nilalapian sa Filipino at sinusulat sa italika ang salitang Ingles (dayuhan) naglalagay ng gitling upang ipabatid na ito ay baybay at bigkas Ingles pa rin. Halimbawa: Nag-exam i-na-ambush Nag-library na-broadcast Nan-rape na-salvage Nag-smuggle na-sequester Ni-raid i-book bind 3. Ang mga bago pa lamang na ginagamit sa banyaga sa Filipino ay isinusulat sa orihinal na baybay nito. Ang mga titik na C, CH, F, LL, N, Q, RR, V, X, Z samakatuwid ay magagamit. Halimbawa: Xerox- ( ito’y maaari ring baybaying seroks) Apartment Jumbodog Channel 32 Hotdog 4. Bagamat nakasanayan na rin nating baybayin ang mga pangngalang pantangi ayon sa kung ano ang bigkas, iyon ang baybay, higit na mabasa kung ang mga ito ay mga banyagang pantanging pangngalan ay pananatilihin ang baybay. Halimbawa: Quebec versel Porche Renault Puerto prinsesa Nueva 5. Mula sa Ingles: Technique- teknik Colloquial- kolokyal Nurse - nars Consultant- consultant Blow-out- blow-awt Italyano: Impresio- impresario Cresendo- kresendo 33 Pranses: Bivouac- bibowak Bourgeous- burgis Debonair- debonair LAGOM Sa paglipas ng panahon ang wika ay lumalago, umuunlad at unti-unti ay nagbabago ngunit habang nagtatagal ang wikang dating ginagamit ay naisasantabi na dahil sa mga hiram na wika at mga naidagdag na wika. Nakakaligtaan ng gamitin ito ng mga nagsasalita. Maraming bagong salitang ginagamit na ngayon sa kasalukuyan ngunit hindi ito alam gamitin ng nagsasalita sa tamang pakikipagtalastasan, lumilihis na sa alituntunin ng balarila ang mga gumagamit nito. Marami ring naidagdag na bagong salita na hindi pa matatagpuan sa diksyunaryo, maging ang paggamit ng unang wika ng nagsasalita na pinagsasama ang wikang dayuhan. 34 KILALANIN ANG ILANG GITLAPING PATAY SA TAGALOG Ito’y pag-aaral tungkol sa “bagong tuklas” na mga gitlaping Tagalog. Bagong tuklas, sapagkat kung hindi nagkakamali, wala pang sinumang kumikilála, ni nag-ukol ng pag-aaral sa mga tipik na papaksain. Maging sa opisyal na Balarila ng Wikang Pambansa ay hindi nabanggit ang mga ito. Dalawa lámang ang gitlaping pinag-ukulan ng pag-aaral ng Balarila, ang “-um-” at “-in-,” na kapuwa isinisingit sa pagitan ng una at ikalawang titik ng salitâng nagsisimula sa katinig, gaya sa mga salitâng lumakad, sumama, kumain, tinapà, sinaing, at marami pang ibáng kauri ng mga ito. Nabanggit din ang gitlaping “-al-” sa hanay ng mga panlaping malabuháy, ngunit maliban sa pagkakabigay ng dalawa o tatlong halimbawang salitâng kinapapalooban nitó, ay wala namang ginawang anumang pagsusuri. Ang gitlaping “-al-” ay naging paksa na rin sa isang pag-aaral ng nasirang Julian C. Balmaseda, isang dalubwika at naging patnugot ng Surian ng Wikang Pambansa, ngunit dahil sa pagkakahawig-hawig ng itinalâng mga kahulugan, yao’y lalong naging malabo at masalimuot, sa halip na maunawaan. Gayunman, ang pag-aaral na iyon ay naging kapakipakinabang, hindi lámang dahil sa nagbukás ng landas sa pagtuklas ng ibá pang mga panlaping patay sa tagalog, kundi lubos pa ring nagpasinungaling sa naging paniwala ni Louis B. Wolfenson, na sa Tagalog ay may mga gitlaping “la”, “li” at “lo,” nang talakayin niya ito sa isang pag-aaral na nalathala sa Journal of American Oriental Society noong 1906, sa ilalim ng pamagat na “The Infixes LA, LI, LO in Tagalog.” Madalîng mauunawaan ang kahalagahan ng pagsusuri at muling pagbúhay, hangga’t maaari, sa mga patay na panlaping Tagalog, kung isasaalangalang na sa Tagalog, ang mga panlapi’y siyáng pangunahing batis ng pagpapayaman. Walang pandiwang salitâng-ugat sa Tagalog, maliban sa ilang halimbawang ginagámit sa anyong pautos sa gámit na kolokyal, ngunit dahil sa mga panlapi, ang lahat ng salitâ ay, maging hiram 35 o likha, ay maaaring magawang pandiwa. Ito, marahil, ang ikinahihigit ng Tagalog sa ibáng mga wika, kasáma na ang Ingles at Kastilla. Sa pamamagitan ng mga panlapi ay maaari táyong makabuo ng ibá’t ibáng anyo ng mga salita, batay o hango sa isang salitâng-ugat, maging ito’y hiram o likha. Kunin nating halimbawa ang salitang “araw.” Mula sa salitâng ito, ay subukin ninyong magtala ng mga salitâng maaaring bumuo sa pamamagitan ng mga panlapi at kayó’y magugulat sa dami ng inyong maitatalâ. Gitlapi rin ang “a” sa Tagalog Sa pagkaunlapi (prefix), ang kahulugan ng “a-” ay kilalá na. Sa mga salitâng ani, anila, anang, aniya, anito, aniyon, at ibá pa, halimbawa, ang kahulugan ng unlaping “a-” ay “sabi o wika,” ngunit bálang gitlapi, ang kahulugan nitó ay hindi pa nakikilála, kayâ ito ang sisikaping ipakilála sa pag-aaral na ito. Ngunit bago magpatuloy sa gagawing pagsusuri, marahil ay hindi masamâng malaman muna kung ano itong tinatawag na mga panlapi. Ganito ang sinasabi ng Balarila: “Tinatawag na panlapi ang isa o ilang pantig na ikinakama sa salitâ upang ito’y mabigyan ng ibá-ibáng hinggil at tungkulin sa pananalita.” Hinggil sa kalagayan, ang mga panlapi’y tinatawag na unlapi kung nása unahán ng salitâ, gitlapi kung nása gitna o nása loob, hulapi kung nása hulihán, kabilaan kung nása una’t hulihán, at laguhan kung bukod sa nása magkabilâng panig ng salitâ, ay mayroon pa ring nása loob. At sapagkat ang “a,” na pag-aaralan ngayon, ay nása loob ng salitâ, ito’y ituturing na isang gitlapi. Ang isang panlapi, upang matawag na ganito, ay kailangang magkaroon ng sariling tiyak na kahulugang dapat makilála agad sa kinalalangkapang salitâ, batay sa kahulugan ng salitâng-ugat. Ngayon, itanong natin ito: Ang “a” ba, halimbawa, sa mga salitâng lubalob, ligalig, tigatig, sibasib, subasob, at sugasog, ay may ibinibigay na kahulugan, hinggil o tungkulin sa mga salitâng 36 kinapapalooban? Kung mayroon, ano-ano ang mga salitângugat? Gawin natin ang pagsusuri. Batay sa mga halimbawang salitâng nása itaas nitó, at sa pagpapalagay, sa simula, na gitlapi nga ang “a,” ang lumilitaw na mga salitâng-ugat, ayon sa pagkakasunud-sunod, ay lublob, liglig, tigtig, sibsib, subsob, at sugsog, mga salitâng pawang kilalá at ginagámit sa buong kalalawiganang Tagalog. Samakatwid, kung galing sa lublob ang LUBALOB, sa liglig ang LIGALIG, sa subsob ang SUBASOB, at sa sugsog ang SUGASOG, ang panimulang pagsusuri ay maaari nating gawin sa pamamagitan ng paghahanay sa mga halimbawa, na gaya ng makikíta sa sumusunod: LUBÁLOB (gáling sa lublob, ang paglulubog at madalîng pag-aalis ng isang bagay sa tubig o putik): Labis na paglulunoy sa tubig o putik; paglulublob nang matagal at paulitulit; pagkagumon nang lubusan sa bisyo o anumang masamâng hilig. LIGÁLIG (gáling sa liglig, ang pag-alog sa sisidlan upang masiksik na mabuti ang laman; pagkaalog ng laman o lulan ng sasakyan): Gulo, kaguluhan o pagkakagulo; anumang nagdudulot ng bagabag, o ang bagabag na nga. TIGÁTIG (gáling sa tigtig, ang pagkasiksik ng laman dahil sa pagkaalog ng sisidlan upang masiksik ang laman): Hindi pagkapatahimik; ligalig na kalagayan ng loob o damdamin. SIBÁSIB (gáling sa sibsib: dahan-dahang paglubog, halimbawa’y ng araw; mahinay na pagsipsip ng sabaw ng pagkain, gaya ng ginagawa ng baboy na walang gana sa pagkain): Daluhong ng mabangis na hayop; pasinghal na paglusob. SUBÁSOB (gáling sa sugsog: pagtalunton sa landas o daan): Masigasig na pagtalunton sa landas o dinaanan ng isang hinahanap; masusing paghahanap sa lahat ng dako sa isang bagay na nawawala. 37 Pagpapakilála sa Ilang Gitlaping Patay sa Tagalog Mapapansin agad sa mga halimbawa, ang pagkapasingit ng “a” sa pagitan ng dalawang pantig na magkatulad, na bagaman hindi siyáng laging nangyayari, gaya ng makikíta sa ilang halimbawang nása dakong hulihán nitó, ay pinatutunayan namang siyáng nakararami. Ngunit ang makikíta, na waring hindi nababago, ay ang pagkapatambal ng “a” sa bigkas ng hulíng katinig ng unang pantig ng salitâng-ugat. Wala kaming makítang halimbawa ng mga salitâng-ugat na bukás ang unang pantig na kinagigitlapian ng “a.” Batay sa mga kahulugang nakíta na sa mga halimbawang nása itaas nitó, maaaring hatiin sa dalawang uri ng kahulugan ang ibinibigay ng “a” sa pagkapagitlapi sa mga salitâng-ugat. Una: sa lubalob, sibasib, subasob, at sugasog, ay madalîng makikítang ang “a” ay nagbibigay ng pasidhi o palawak na kahulugan ng salitâng-ugat. Ikalawa: sa ligalig at sa tigatig, ang ibinibigay namang kahulugan ay resulta o bunga o ang nangyayari matapos maganap ang ipinahihiwatig na kahulugan ng salitâng-ugat. YUGÁYOG ( < yugyog) SULÁSOL ( < sulsol) DULÁDOL ( < duldol) SAGÁSAG ( < sagsag) SULÁSOD ( < sudsod) LIBÁLIB ( < liblib) LAGÁMAK ( < lagmak) UGÁOG ( < ugog) IGÁIG ( < ig-ig) BUTÁBOT ( < butbot) DALÁHAK ( < dalhak) TIBÁTIB ( < tibtib) PUGÁPOG ( < pugpog) LUGÁLOG ( < luglog) GUTÁGOT ( < gutgot) BULÁBOD ( < bulbod) KUBÁKOB ( < kubkob) SAGÁSAG ( < sagsag) PALÁTAK ( < paltak) SIGÁSIG ( < sigsig) UPÁOP ( < up-op) HUDÁHOD ( < hudhod) UKÁOK ( < uk-ok) Sa kahulugan naman na “resulta o bunga,” ay maaaring ibílang na mga halimbawa ang mga sumusunod: BUGÁBOG ( < bugbog) BULÁBOG ( < bulbog) BAGÁBAG ( < bagbag) DAGÁSA ( < dagsa) Makikíta sa mga halimbawa, na maliban sa lagmak na naging LAGAMAK, sa dalhak na naging DALAHAK, sa paltak na naging PALATAK, sa unang hanay; at sa lagpak na naging LAGAPAK, sa dagsa na naging DAGASA, sa bulbog na naging BULABOG, sa ikalawa, ang lahat 38 ng salitâng-ugat ay binubuo ng inuulit na pantig, na kundi man kabilaan, ay tambal-hulí. Anupa’t sa kalahatan, ang kinapapalooban ng gitlaping “-a-,” kung ito’y matatawag na ngang gitlapi, ay mga salitâng binubuo ng pantig na inuulit at bihirangbihira ang mga salitâng tumataliwas. Ayon sa tungkulin at kapakanan, gaya ng makikíta sa mga halimbawa, ang “a” ay isang gitlaping makangalan, at ang lahat ng salitâng kinalalangkapan nitó ay maaaring tumanggap ng ibáng mga panlapi sa ibá’t ibáng anyo at kahulugan. Masasabi, halimbawa, ang: lumubalob, maglubalob, ilubalob, paglulubalob; ligaligin, maligalig, kaligaligan, pagkaligalig; isubasib, masubasob, sumubasob, pagsubasob; tigatigin, matigatig, pagkatigatig; bagabagin, mabagabag, pagkabagabag; bulabugin, mabulabog, pagkabulabog; at ibá pa. Santos Gitlapi rin ang “nga” Sa isang pag-aaral ni Balmaseda tungkol sa mga panlapi ay sinabi niyang ang “nga” ay isang patay na gitlapi sa Tagalog, gaya halimbawa sa mga salitâng mangatuwâ (gáling sa matuwâ), mangawalâ (gáling sa mawalâ), mangabasâ (gáling sa mabasâ), mangagdalá (gáling sa magdalá), at mangagbasá (gáling sa magbasá). Kung susuriin, aniya, ang “nga” ay nagbibigay ng kahulugang pangmarami sa mga pandiwang binabanghay sa “ma” at sa “mag.” Alinsunod pa rin sa kaniya, ang “nga” ay isinisingit sa pagitan ng unlapi at ng salitâng-ugat. Kung ito’y totoo, bakit hindi ganito ang nangyayari sa kaniyang dalawang hulíng halimbawa (mangagdalá at mangagbasá), na kung talagang susundin ang kaniyang sinabi, ay dapat sanang maging magNGAdalá at magNGAbasá. Subalit wala táyong mga salitâng MAGNGADALA at MAGNGABASA, kayâ hindi kami makapaniwalang “nga” ang tunay na gitlapi sa mga halimbawang salitâng nabanggit sa itaas nitó. Dahil sa aming pag-aalinlangan 39 sa ginawang pagsusuri ni Balmaseda, gumawa kami ng sariling pag-aaral sa bagay na ito. Ngunit bago kami gumawa ng pagsusuri, ay nagtipon muna kami ng ilan pang mga salitâng maaaring magámit na halimbawa sa aming pag-aaral, gaya ng mga sumusunod: MANGAALÍS (gáling sa maalís), MANGASAWÎ (gáling sa masawî), MANGAMATÁY (gáling sa mamatáy), MANGABIGÔ (gáling sa mabigô), MANGASIRÀ (gáling sa masirà), MANGAGSULÁT (gáling sa magsulát), MANGAGSÁBI (gáling sa magsábi), MANGAG-ÁRAL (gáling sa mag-áral), MANGAGTINDÁ (gáling sa magtindá), MANGAGLAKÁD (gáling sa maglakád), at MANGAGSALITÂ (gáling sa magsalitâ). Kung hindi nga “nga” ang gitlapi sa mga salitâng nabanggit, ang bagay na ito ay dapat maging maliwanag sa pamamagitan ng mga patunay, na mangyaring hindi dapat din namang ipakilála nang maliwanag kung bakit hindi, at kung ano naman ang ipinalalagay na siyáng tumpak na panlapi. At ganito nga ang aming gagawin ngayon dito. Ngunit bago kami magpatuloy, sapagkat gitlapi ang aming susuriin, ibig muna naming sariwain sa inyong pang-unawa, na ang panlahat na tuntunin sa paggigitlapi, bagaman mayroon ding tumataliwas, ay dapat mapasingit ang gitlapi sa pagitan ng una at ikalawang titik ng salitâng nilalapian, maging ito’y ugat o maylapi nang salitâ. Batay sa ganitong tuntunin, ang “nga,” upang ito’y maging gitlapi, ay dapat mapasingit sa pagitan ng una at ikalawang titik, subalit hindi nga ganito ang nagyayari, sapagkat sa mga halimbawang salitâ, sa banghay sa “ma,” ito’y sa pagitan ng unlapi at ng salitâng batayan napapasingit, at sa banghay sa “mag,” sa pagitan ng ikalawa at ikatlong titik ng unlapi, alalaong baga’y sa pagitan ng “ma” at ng “g.” Sa biglang malas, sa una ay maaaring ipalagay na tumpak, ngunit dito sa hulí, kailanman ay hindi maaaring mangyari, sapagkat kung ito ang masusunod, ang MAGSALITÂ ay magiging magNGAsalitâ at hindi MANGAGSALITÂ. Sa bisà ng ganitong paliwanag, hindi maaaring maging gitlapi ang “nga,” sapagkat ito’y tuwirang lumalabag sa 40 pangkalahatang tuntunin sa paggigitlapi. Ngunit kung hindi nga “nga,” ay ano ang gitlapi sa mga nabanggit na salitâ? Ito ang katanungang dapat sagutin. Pagpapakilála sa Ilang Gitlaping Patay saTagalog Bílang pag-alinsunod sa pangkalahatang tuntunin ng paggigitlapi, alalaong baga’y sa pagitan ng una’t ikalawang titik ng salitâng nilalapian napapasingit ang gitlapi, mapapansin sa mga halimbawa, na ang tipik na “ang” ang maaaring ihiwalay at ang maiiwang mga salitâ’y mga pandiwang nása anyong pang-isahan, samantalang ang mga salitâng kinapapalooban ng tipik na ito, ay mga salitâng nása anyo namang pangmaramihan. Batay sa ganitong pagkakilála, ang ibinibigay na kahulugan ng “ang” sa kinagigitlapiang salitâ ay maliwanag. Wala itong ibáng kahulugang ibinibigay sa kinapapaloobang salitâ, maliban sa pagkakaroon ng diwang pangmarami ng mga pandiwang banghayin sa “ma” at sa “mag,” sa anyong pawatas, sa pautos, at sa paturol na panghinaharap, na nagiging “na” at “nag” sa anyong paturol sa pangnagdaan at pangkasalukuyan. Pinatutunayan ng pagsusuring ito, na ang “ang” ay isang gitlaping buháy sa Tagalog, ngunit nananatíling hindi nakikilála dahil sa maling palagay ng unang gumawa ng pagsusuri. Pinatutunayan pa rin, na hindi “nga,” kundi “ang” ang gitlaping ginagámit sa pagbibigay ng anyong pangmarami sa mga pandiwang banghayin sa “ma” at sa “mag,” at sa ibá pang anyong batay sa, o kasing-uri, ng mga ito. Ang Kahulugan ng Tipik na “ag” Hindi namin aangkinin ang pagpapakilála sa tipik na “ag” bílang gitlapi, sapagka’t ito’y naipakilála na ng nasirang Julian C. Balmaseda sa pag-aaral ng kaniyang ginawa tungkol sa gitlaping “al.” Ang wika niya: “Sa ibang araw, kung pinapalad pa, ay sakâ na kami magpapatuloy ng pagsasalitâ hinggil naman sa interfihong “AG,” bagama’t ngayon pa’y 41 maipagpapauna na natin sa madla upang mapag-ukulan na nilá ng pagsusuri kung bakit ang mga kilaláng ugat na SINSIN, SADSAD, BAGBAG, LASLAS, TAKTAK, TUKTOK, SUDSOD, TINGTING, SANSAN at LAGLAG, sa tulong ng paningit na “AG” ay nakapagpasok sa wikang Tagalog ng mga salitâng SAGINSIN, SAGADSAD, BAGABAG, LAGASLAS, TAGAKTAK, TAGUKTOK, SAGUDSOD, TAGINTING, SAGANSAN at LAGALAG…Sa biglang pagsusuri ang tipik na “AG” ay nakapagdudulot ng lalong tindi (enfasis) o katuluyan (continuidad) sa dáting kahulugan ng ugat na pinagsasangkapan.” Kung natuloy o hindi ang pag-aaral ng nasirang Balmaseda sa gitlaping ito, ay hindi namin nalalaman, at sapagkat wala naman kaming nababása tungkol dito, ipinalagay naming hindi na niya ito nagawa bago siyá sumakabilangbúhay, kayâ naman, bílang isang pangangahas ay kami na ngayon ang magpapatuloy ng pagsusuri sa di niya natapos gawin. Ang “ag” ay hindi naiibá sa mga gitlaping “um” at “in,” kung ang pag-uusapa’y ang kinasisingitan nitó sa salitâng-ugat; anupat ang “ag” ay sa pagitan din ng una at ikalawang titik ng kinalalapiang salitâ napapasingit, katulad sa mga salitâng kagaskas, dagundong, hagulhol, lagaslas, pagakpak, sagitsit, lagutok, lagublob, laganap, lagaylay, tagunton, wagayway, saginsin, hagunhon, at ibá pa. Sa ganitong mga halimbawa, ang pagkilála sa pinanggalingang mga salitâng-ugat, ay madalî nang magagawa. Alisin natin ang “ag” at ang maiiwang mga salitâ ay kaskas, dundong, hulhol, laslas, pakpak, sitsit, lutok, lublob, lanap, laylay, tunton, wayway, sinsin, at hunhon. Mapapansin, na, ang mga salitângugat na ito ay pawang mga pangngalan, na gaya rin ng mga salitâng kinagigitlapian ng “ag.” Dahil dito, ang “ag,” samakatwid, ay isang gitlaping makangalan. Kung susuriin, madalîng makikilála, na, ang unang walong halimbawang salitâng nása itaas nitó (kagaskas, dagundong, hagulhol, lagaslas, pagakpak, sagitsit, lagutok at lagublob), ay mga pangngalan ng ibá’t ibáng uri ng tunog o ingay, na humigit-kumulang ay bunga o likha ng ipinahihiwatig 42 na kahulugan ng mga salitâng-ugat; samantala, ang hulíng anim na salitâ naman (laganap, lagaylay, tagunton, wagayway, saginsin at hagunhon), ay mga salitâng kababakasan ng pagpapalawak o pagbibigay-tindi ng kahulugang ipinahihiwatig ng salitâng-ugat. Batay dito, ang “ag,” sa pagkagitlapi, ay may dalawang kahulugang ibinibigay sa pagkapalapi sa salitângugat. Una, ang salitâng-ugat ay nagiging pangalan ng tunog o ingay; at ikalawa, ang kahulugan ng salitâng-ugat ay nagkakaroon ng higit na lawak o tindi. Maaaring may ibá pang mga kahulugang ibinibigay ang gitlaping “ag” sa kinalalapiang salitâ, ngunit sa isang pag-aaral na panimula lámang na katulad nitó, may palagay kaming ang dalawang nabanggit na mga kahulugan, ay maaari nang makatulong sa sinumang ibig gumawa ng sarili’t lalong malawak na pananaliksik at pagsusuri. Mahalagang malaman, na ang gitlaping ito ay laging nása pagitan ng dalawang unang titik sa unang pantig ng salitâng dadalawahing pantig, maging kabilaan man o bukás. Ang kabuluhan at kahalagahan ng “ag” bílang gitlapi, ay pinatutunayan ng napakaraming salitâng kinalalapian nitó. Narito pa ang ilang halimbawang aming naitala: bagakbák (gáling sa bakbak), bagusbós (gáling sa busbos), kagangkáng (gáling sa kangkang), kagiskís (gáling sa kiskis), kagulkól (gáling sa kulkol), dagasdás (gáling sa dasdas), laguslós (gáling sa luslos), haguthót (gáling sa huthot), kagungkóng (gáling sa kungkong), kaguskós (gáling sa kuskos), lagaklák (gáling sa laklak), pagulpól (gáling sa pulpol), sagalsál (gáling sa salsal), taguktók (gáling sa tuktok), bagaybáy (gáling sa baybay), dagildíl (gáling sa dildil), dagubdób (gáling sa dubdob), hagudhód (gáling sa hudhod), sagadsád (gáling sa sadsad), tagaytáy (gáling sa taytay), at ibá pa. 43 Ang “ay” ay Tipik Ding May Kahulugan sa Loob ng Salitâ Ang “ay” ay tinatawag na pangawing sa makabagong balarila na kung saan ay isa ring maituturing na pang-ugnay na bihira ng nagagamit ngayon sa pakikipagtalastasan upang hindi maguluhan isantabi muna natin an gang katagang “ay” na itinuturing na pang-ugnay. Pansinin ang “ay” sa loob ng isang salita. Bílang tipik na may kahulugan sa loob ng isang salitâ, ang gitlaping “ay” hindi pa rin nakikilála sa Tagalog. Ito’y hindi rin nabanggit sa Balarila ng Wikang Pambansa at maging sa mga pag-aaral ng nasirang dalubwikang Julian C. Balmaseda. Hindi rin ito kasáma sa talaan ng mga panlaping inihanda ni Dr. Cecilio Lopez, naging kalihim-tagapagpaganap ng Surian ng Wikang Pambansa at dáting punò ng Kagawaran ng mga Wikang Silanganin sa Pamantasan ng Pilipinas. Ang gitlaping “ay” ay una naming napansin sa mga salitâng kayangkáng, payagpág, tayantáng, at tayangkád, nang sa paghahanda ng isang diksiyonaryong Tagalog-Ingles ay nagkaroon kami ng hinalang ang mga salitâng ito’y gáling sa mga ugat na kangkang, pagpag, tantang, at tangkad, sa ganyan ding pagkakasunud-sunod. Sinubok naming ihiwalay ang “ay” sa limang pinaghihinalaang salitâ at kami’y nagulat sa aming nakítang naiwang mga salitâ, na pawang nagpatunay sa aming hinala. Anupat dahil sa ganitong pangyayari, nagsikap kaming maghanap pa ng mga salitâng kinapapalooban ng “ay” na sa palagay namin ay kauri ng limang naunang mga halimbawa. Ang sumusunod ay ilan lámang sa marami naming naitalâ: dayukdók (gáling sa dukdok), kayagkág (gáling sa kagkag), dayandáng (gáling sa dandang), kayungkóng (gáling sa kungkong), gayaygáy (gáling sa gaygay), mayukmók (gáling sa mukmok), payikpík (gáling sa pikpik), tayakád (gáling sa takad), kayudkód (gáling sa kudkod), bayambáng (gáling sa salitâng bambang), kayangkáng (gáling sa kangkang), at marami pang ibá. Makikíta sa mga 44 halimbawa, na ang pangkalahatang diwang ibinibigay ng “ay” sa pagkagitlapi nitó sa mga salitâng-ugat, ay ang pagkakaroon ng pasidhing bisà o ng tinding higit sa ipinakikilála ng kahulugan ng ugat, maging sa pagkapang-uri o sa pagkapangngalan. Mapupuna rin, na, ang gitlaping ito ay hindi tumataliwas sa pangkalahatang tuntunin ng paggigitlapi, alalaon baga’y nasisingit sa pagitan ng una at ikalawang titik ng salitâng-ugat, maging kabilaan man o bukás ang pantig. Maaaring itong “ay,” bílang gitlapi, ay may ibá pang mga kahulugan kung susuriing mabuti ang mga salitâng kinapapalooban nitó, subalit para sa pagpapakilála lámang na katulad ng layon ng pag-aaral na ito, ang pangkalahatang diwang ipinakikilála ng tipik na ito, sa palagay namin, ay maaari na ring makatulong sa lalong masinsina’t malawak na pagsusuri. Gitlapi rin ang “il” Sa salitâng TILAPON namin unang napansin ang tipik na “il” bílang gitlapi. Agad mapapansin ng sinuman, na, kapag inihiwalay sa tilapon ang “il,” ang maiiwang mga titik kung pag-uugnayin, ay magiging tapon, isang salitâng ang kahulugan ay kilalángkilalá sa buong kalalawiganang Tagalog. Ngunit sa layunin ng pagpapakilála sa “il,” bílang isang tipik na may kahulugan sa pagkapalapi sa ibáng salitâ, ang pagbibigay ng isa lámang na halimbawang salitâ, ay hindi sapat. Kayâ, bukod sa tilapon, kami’y nagsaliksik pa ng ilang salitâng maaaring magámit sa ganitong pagsusuri. Narito ang ilan pang halimbawa: hilantád (gáling sa hantad), hilagpós (gáling sa hagpos), tilamsík (gáling sa tamsik), tilabsáw (gáling sa tibsaw), tilabsík (gáling sa tabsik), tilabso (gáling sa tabso), hilakbót (gáling sa hakbot), hiliwíd (gáling sa hiwid), tilabsk (gáling sa tabsak), tilagós (gáling sa tagos), tilarók (gáling sa tarok), tilasók (gáling sa tasok), tiláok (gáling sa taok), at ibá pa. Sa biglang malas, lalo sa pangkasalukuyang gámit, ang kahulugan ng mga salitâng halimbawa ay halos siyá na ring kahulugan ng salitâng-ugat, bagaman kung susuriing mabuti, ay mayroon ding makikítang 45 bahagyang pagkakaibá. Kagaya rin ng “ay,” ang pangkalahatang diwang ibinibigay ng “il” ay pagpapasidhi o pagbibigay ng higit na tindi ng ipinakikilálang kahulugan ng ugat, bagaman, sa kasalukuyang gámit ngayon ay hindi na ito halos napapansin. Pangwakas na Kuro-kuro Sa buong pag-aaral na ito, pinagsikapang maipakilála na sa Tagalog na mayroon táyong mga patay at buháy na gitlaping hindi pa naipakilála, na kung muling bubuhayin at gagamítin, ay malaki ang maitutulong sa pagpapayaman ng ating wika. Lima sa mga ito, ang pinagsikapang suriin at ipakilála sa pag-aaral na ito. Bukod sa kahirapan ng pagpapakilála sa mga gitlaping pinapaksa ng pag-aaral na ito, ang pagsusuri sa mga tungkulin at kahulugang ibinibigay ng mga ito sa pagkapagitlapi sa mga salitâng-ugat, ay naging isang malaking suliranin. Upang ito’y magawa, ang ginámit na paraan ay ang paghahawig ng kahulugan ng salitâng-ugat at ng kahulugan ng salitâng nabuo sa pamamagitan ng gitlaping pinag-aaralan, na mangyari pang di kung ano ang naging pagkakaibá, ay siyá na ring ipinalalagay naming kahulugan at tungkulin ng gitlapi. Tungkol sa pagbúhay at paggámit na muli sa “a,” bílang gitlapi, at sa ibá pang sinuri’t pinag-aralan sa papel na ito, mahalagang maláman ang pagaaral na ginawa ni E. Arsenio Manuel ng Pamantasan ng Pilipinas hinggil sa unlaping “hing,” sa tatlong anyo nito: hing-, hin-, at him-. Nagbigay siyá ng mga halimbawa kung paano magagámit ang mga unlaping ito sa pagbubuo ng mga bagong salitâng hango sa mga kilaláng salitâng-ugat sa Tagalog, gaya ng himbabahay (gáling sa bahay), na tinapatan niya ng kahulugang “mansion” sa Ingles; hinlulook (gáling sa salitâng look), na ang ibig sabihin ay “gulf”; hindaragat (gáling sa dagat), na “ocean” naman ang kahulugan; at hintatao (galing sa tao), bílang katumbas ng “giant.” Madalîng mapupuna sa pag-aaral na ito ni Manuel, na ang 46 kahulugang ibinibigay ng unlaping hing-, sa tatlong anyo nitó, ay diwa ng kalakhang kagyat na makikilála batay sa kahulugan ng salitâng-ugat at ng nabuong salitâ. Ang pag-aaral na ito, sa kabuuan, ay nagpapatibay sa pangkalahatang tuntunin na, sa Tagalog, ang mga gitlapi ay laging sa pagitan ng una at ikalawang titik ng salitâng batayan isinisingit, maliban sa “a,” na karaniwan nang isinisingit sa pagitan ng dalawang pantig na malimit ay magkatulad, kabilaan man o tambal-hulí. Dito’y pinagsikapan ding maipakilála ang gitlaping “ang,” na dahil sa isang pagkakamali ng unang pagsusuri, ay naging “nga.” Maliban sa mga gitlaping “um” at “in,” at sa “ang,” na karaniwang ginagámit sa pagbibigay ng anyong pangmarami sa mga pandiwang banghayin sa “ma” at “mag,” ang marami sa mga gitlaping Tagalog ay makangalan. 47 PAGPAPAUNLAD NG WIKA, NAKATUTULONG SA EKONOMIYA ANG PAGPAPAUNLAD ng isang bayan sa kaniyang sariling wika ay mayroong tiyak at malaking epekto sa kasalukuyang ekonomiya nito. Ngunit ano nga ba ang kaugnayan ng wikang pambansa sa kasalukuyang ekonomiya ng bansa? Sa naganap na isang pulong, na pinamagatang “Pagpaplanong Pang-wika, Pagpaplanong Pang-ekonomiya” noong Agosto 18 sa AMV-College of Accountancy multipurpose hall, ang tanong na ito ang naging sentro ng talakayan ng mga eksperto sa wika at ekonomiya. Ang panauhing pandangal ng nasabing pangyayari ay si Jose Laderas Santos, tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), kasama ang dalawa pang mga komisyoner ng KWF na sina Bernard Macinas mula Bicol at Vilma Tacbad mula Pampanga. Kinatawan naman ni Tereso Tullao, guro ng ekonomiks sa De la Salle University, ang diskursong pang-ekonomiya. Bagaman hindi nakarating, nagpadala ito ng kinatawan upang ipahayag ang kaniyang panig. Ang pumalit kay Tullao na si Christopher Cabuhay, isang mag-aaral ng ekonomiks sa La Salle, ang nagsaad ng reyalidad na hindi na maiwasan ang paggamit ng Ingles sa pakikipagtalastasan sa mundo ng ekonomiya. “Ang wika ay isang pamamaraan ng paggawa ng transaksiyon. Dito, hindi tayo makagagawa ng kahit anong transaksiyon kung hindi tayo nakabase sa ating pagkakaintindihan. Kung papansinin naman talaga natin, ang programang pang-ekonomiko pati ang mga batas ay nakalimbag at nakasalin sa Ingles,” ani Cabuhay. 48 Ibinahagi rin niya na ang Ingles at Filipino ay hindi magkaaway kung hindi magkatulong sa pagpapatakbo ng ekonomiya. Inilatag niya ang mahalagang papel ng Ingles sa mundo ng ekonomiya tulad ng pang-unawa ng mga konseptong abstract, paggamit ng mga paraang holistiko, pag-aayos ng mga simbolo, at pagtatrabaho sa mga dayuhang kompaniya. “Kapag walang transaksiyon, walang ekonomiya at kung isiipin natin, kung walang lipunan, walang transaksiyon, wala tayong ekonomiya. . . Ang susunod na pangunahing papel ng wika ay bilang isang instrumento sa globalisasiyon tungo sa mga panlipunang layunin o mga social objectives,” ani Cabuhay. Ibinahagi rin niya na isang importanteng salik sa paglago ng ekonomiya ay ang paggamit ng wika na maiintindihan ng mga maralita at sa ating bansa at wikang Filipino ang kailangan na gamitin sa pakikipagtalastasan upang mahikayat ang mas maraming tao na sumali sa mga transaksiyon ng ekonomiya. Wika: Sandata para sa kaunlaran Binigyang-diin naman ni Santos ang kahalagahan ng wikang pambansa sa mga arawaraw na gawain ng mga Pilipino. “Ako’y tinanggap dahil sa wika. Sa mahabang paglakad ng panahon, natuto akong magsulat. Nagsulat ako ng komiks, ano ang aking inilapit sa ama ng industriya ng komiks? Wika. Sabi ko matututo akong magsulat ng komiks bigyan niyo lang ako ng manuskrito, gagamitin ko ang wika. Ako ay natanggap at nakapagsulat at namuhay. Ano ang ginamit? Wika,” aniya. Dagdag niya na ang paggamit niya ng wikang Filipino ang naging paraan upang mailuklok siya sa posisyon ng tagapangulo ng KWF noong 2008 ng dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Bukod sa pagiging sandata ang wika, binigyang-kahulugan ni Santos ang 49 wika bilang “kaluluwa ng ating pagkatao at isang biyaya.” Ito, ayon sa kaniya, ang natutunan niya kay Carlo J. Caparas, isang kilalang manunulat ng Filipino komiks. Idiniin din ni Santos na ang mahusay na paggamit sa wika ay magdadala sa tao sa rurok ng tagumpay. “Ang sinuman na gumagamit ng wika ng mahusay ay nakatitiyak ng katuparan ng ating pangarap. Walang sinuman na gumamit ng wika sa pinakamahusay na paraan ang nabigo. Ang pinakamagagaling na tao sa buong mundo at ang pinakamagagaling na tao sa bawat bansa, tiyak po ay mahusay na gumamit ng wika,” ani Santos. Ayon sa isang komisyoner na si Macinas, ang wika ay sumisimbolo ng ating lahi at kultura. “Tunay na mahalaga ang papel na ginagampanan ng wika [dahil] ito ay nagsisilbing simbolo ng lahi, kultura ng bansa at sumasagisag na ang bansa ay malaya. Ang bawat bansa ay may sariling wika na ginagamit upang magsilbing daan tungo sa landas ng pagkakaisa, pagkakaunawaan at pagmamahal,” ani Macinas. Filipino laban sa Ingles Para naman kay Tacbad, bagaman Ingles ang wika ng komersyo, hindi pa rin ito ang susi sa kaunlaran ng bansa. Pinagtibay niya ang kaniyang paniniwalang ito sa pagbibigay ng mga halimbawa ng mga bansang mayayaman gaya ng Japan, Thailand, at Hong Kong na maunlad bagaman hindi naman sinasanto ang wikang Ingles. “Ang Japan ang isa sa pinakamayamang bansa sapagkat ginagamit nila ang wikang sarili. Hindi ginamit ng Japan para umunlad ang wikang Ingles,” ani Tacbad. Ibinahagi rin niya ang isang parirala tungkol sa pagpapalakas ng wikang Filipino mula sa sanaysay ni Conrado de Quiros na nagsasabing ang pagnanais natin palakasin ang wikang 50 Filipino ay hindi nagsasantabi sa pagnanais din na palakasin ang wikang Ingles ngunit bilang pangalawang lengguwahe lamang. 51 PORMALISASYON NG WIKA SA MASS MEDIA Isang indikasyon na ang Pilipinas ay aktibong nakikilahok sa post-modernong daigdig ay ang lantarang pakikisangkot nito sa mga pangglobal na gawain. At kung usaping globalisasyon ang nakalatag, awtomatikong kalakip nito ang domain ng mass media. Sa puntong ito, nais ko agad baliin ang karaniwang paniniwala ng nakararami na kapag sinabing mass media, ito ay tumutukoy lamang sa mga programa sa radyo at telebisyon. Kung susuriin ito sa aspektong pansemantika, ang salitang media ay plural lamang ng medium. Ibig sabihin, ito ay kagamitan o instrumentong maaaring gamitin tungo sa pagpapadala ng isang mensahe. Si Rodman (2007) ay hinati sa apat na kategorya ang konsepto niya hinggil sa media. Una, ang print media kung saan nakapaloob ang mga aklat, magasin, diyaryo at iba pang uri ng lathalain. Ikalawa, ang broadcast media kung saan kabilang ang radyo at telebisyon. Ang ikatlo ay ang digital media na sumasaklaw sa paggamit ng mga kompyuter o Internet. At ang huli ay ang entertainment media na nakatuon naman sa mga pelikula, rekording at mga larong pang-video. Sa kabilang dako, ipinaliwanag ni Biagi (2005) na ang media ay itinuturing na pangunahing institusyong panlipunan dahil sa impak na hatid nito sa isang kultura. Ito rin ay nagsisilbing repleksyon ng buhay politikal at kultural kung saan kabahagi ang isang pangkat ng lipunan. Kung susuriin natin ang ugnayan ng dalawang kaisipan, ipinapakita lamang nito na tunay na pangunahing instistusyong panlipunan ang mass media dahil mula sa apat na kategoryang inilahad ni Rodman (2007), hindi maitatangging lahat ito ay mga kasalukuyang iniikutan ng pang-araw-araw na buhay ng mga tao sa kasalukuyang panahon. 52 Pangkalahatang layunin ng papel na ito na maipakita kung papaano maaaring mapormalisa ang wika sa mass media. Samantala, ang mga tiyak na layunin naman ay ang sumusunod: 1. matukoy ang papel ng mass media sa pagpapalaganap ng kulturang popular sa Pilipinas; 2. maibalangkas ang proseso kung papaano mapopormalisa ang wika sa mass media; at 3. makabuo ng isang kongkretong awtput sa anyo ng isang diksyonaryong pangmedia. Sa pag-aaral ng alinmang uri ng media, mahalaga na magkaroon ng kabatiran hinggil sa tinatawag na media literacy. Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang indibidwal na maunawaan at magamit nang mahusay ang isang tiyak na midyum na kanyang nalalaman (Rodman, 2007). Sa sandaling maging malinaw na ito sa kanya, matututuhan din niyang tukuyin at tayain ang epektong dulot ng media sa lipunan at kulturang kanyang kinabibilangan. Sina Wilson & Wilson (2001) ay naglahad ng ilang pamantayan upang masabing literado sa media ang isang tao. Una, nararapat na alam niya kung sino ang lumikha ng nilalaman ng media na kanyang ginagamit. Ikalawa, ano ang layunin ng pagkakalikha nito. Ikatlo, ano ang epekto nito sa nakararami. At huli, paano ito nag-ebolb hanggang sa kasalukuyang panahon. Sa kabilang dako, dahil sa likas na masaklaw ang domain ng mass media, bawat indibidwal na tatanggap ng mensahe ay maaari pa ring makalikha ng sari-sarili nilang 53 interpretasyon ukol dito. Sa puntong ito, papasok ngayon ang konsepto ng selektibong pananaw. Ito ang pananaw kung saan ang iba’t ibang tao ay kakikitaan ng pekulyaridad sa kanilang nasasaisip. Nangyayari ito batay sa sumusunod na komponent: a. pamilyang pinagmulan b. personal na interes c. edukasyon Bagaman, makikita pa rin natin dito ang dalawang malaking papel ng mass media: Gatekeepers at Agenda Setters. Ang una ay tumutukoy sa terminong sosyolohikal na binuo ni Kurt Lewin (1974). Inilarawan niya ang media na may kakayahang kontrolin ang anumang impormasyon nais iparating sa mga tao. Dito, ang media ay nagsisilbing checkpoints na nagsasala ng mga impormasyon bago pa man ito tuluyang maipaabot sa mga tao. Sa kabilang dako, ang agenda-settingnaman ay tumutukoy sa gawi ng media at kakayahan nitong magtakda kung alin isyu ang nararapat na pag-usapan. Nagsisilbi silang tagapag-organisa ng mga paksang usapin na kakagatin ng higit na malaking bilang ng mga tao. Tinukoy naman nina Wilson & Wilson (2001) na ang konsepto ng agenda setting ay walang pinagkaiba sa talaan, plano, balangkas at iba pang kahalintulad na nagbibigay-pansin sa mga bagay na nararapat isaalang-alang. 54 55 Sinuportahan ito ng isang pag-aaral ng Veronis Suhler Stevenson Communications Industry Forecast (2003-2007), sa loob ng isang taon, apatnapu’t dalawang porsyento (42%) ang inilalaang oras ng tao gamit ang maraming uri ng midya. Dalawampu’t limang porsyento (25%) naman sa hindi paggamit nito, at ang natitirang tatlumpu’t tatlong porsyento (33%) ay nakalaan sa pagtulog ng tao. Ngayong malinaw na ang konsepto ng mass media, titingnan naman natin ang kaugnayan nito sa kulturang popular na mayroon tayo. Ang pop culture o tinatawag ding popular culture ay maaaring bigyang kahulugan bilang panlahat na kultura ng isang lipunan. Dahil ito ay tinatanaw sa pangkalahatang aspekto, si Ray Browne na isang iskolar ng kulturang popular ay nagsabing ito ay kinapapalooban ng saloobin, gawi, at kilos; kung paano at bakit natin isinasagawa ang isang bagay; ang mga pagkain at damit na ating isinusuot; ang mga estruktura, kalye at lugar na ating pinupuntahan; entertainment at isports; politika at relihiyon; o alinmang sitwasyon na humuhubog at nagkokontrol sa atin. Ang lahat ng nabanggit ay isandaang porsyentong naibibigay sa atin ng mass media. Kung kaya, mapapansin na unti-unting napaliliit nito ang daigdig dahil sa pagkakaroon ng bertikalisasyon-nagsisilbing tagapagpatupad ang media at sinusunod naman ito ng nakararami. Sa pangyayaring ito nagaganap ang konsepto ng cultural imperialism o imperyalismong kultural. Ito ang unti-unting pagkawala ng mga paniniwala ng isang lipunan dahil sa pagbulusok ng mga bagong pandaigdigang kultura. Gayon pa man, hindi maiwawaksi sa usapin ng kultura ang wika. Nagsisilbi kasi itong pangunahing instrumento ng lipunan tungo sa mobilisasyon ng mga impormasyon. Bilang instrumento, maaaring matamo sa pamamagitan nito ang 56 mga instrumental at sentimental na pangangailangan ng tao. Ang wika ay behikulo para makisangkot at makibahagi ang tao sa mga gawain ng lipunan upang matamo ang mga pangangailangang ito. Samakatwid, nagpapatunay lamang na napakahalaga ng papel na ginagampanan ng wika sa pang-araw-araw na buhay ng tao. Gamit ang wika, nagagawa ng tao na matugunan ang kanyang mga pangangailangan maging ito man ay pansosyal o pampersonal. Nagiging instrumento ang wika upang makisangkot ang tao sa mga nangyayari sa kanyang paligid. Dahil dito, mahalaga para sa isang tao na maging maalam siya sa kanyang wikang ginagamit upang ito ay magamit niya sa paraang tiyak at planado. Ang wikang Filipino bilang isang laganap na wika sa industriya ng mass media sa Pilipinas ay kusa nang tinatangkilik dahil sa dami ng nakauunawa at nakaaabot sa wikang ito. Gayon pa man, hindi maitatanggi na marami sa kasalukuyang panahon ang may kakulangan sa kawastuan at kahusayan sa paggamit ng mga teknikal na wikang pang-media. Ang kailanganing ito ay higit na nararapat na bigyang-pansin lalo’t higit, itinuturing na makapangyarihang wika ang Filipino at ang media. Ang ugnayan ng dalawang domain na ito ay krusyal sa pagpapalaganap ng wika. Ang suliranin sa paggamit ng wika sa industriya ng media ay makikita sa mga praktisyoner nito sa kasalukuyan. Ang pagtukoy sa mga suliraning pangwika ay mababatid sa teorya ni Haugen (1987) kaugnay sa Pagpaplanong Pangwika. Angpormulasyon ay kailanganin sa pagtukoy ng isang suliraning pangwika na ginagamit ng isang pangkat-wika o speech community. Upang mas pagyamanin naman ito, mahalaga ang papel ng kodipikasyon, ito sa pamamagitan ng paglikha ng mga diksyonaryo o babasahin na tutugon sa mga suliraning pangwika. Ikatlo, angelaborasyon ay nagbibigay pahintulot sa 57 materyal na mapalawig ito. Sa huli, angimplementasyon ay mahalaga tungo naman sa mas masaklaw na pagpapagamit ng materyal. Sa paglalahat, tinutungo nito na maiintelektuwalisa at maistandardisa ang isang wika mula sa suliraning nararanasan nito. Isang mahusay na paraan sa pagpaplanong pangwika ay ang pagdebelop ng isang diksyonaryo dahil natutugunan nito ang mga pangangailangang pangwika. Kung kaya, sa papel na ito, nagtakda ang manunulat na isang proseso sa pagbuo ng diksyonaryong pangmedia. Tinatawag na leksikograpiya ang sining ng pagbuo ng diksyonaryo. Ayon kay Zgusta (1971), mayroong iba’t ibang uri at kategorya ang mga diksyonaryo gaya ng encyclopedic dictionaries, linguistic dictionaries, diachronic dictionaries, synchronic dictionaries, restricted dictionaries, general dictionaries at monolingual and bilingual dictionaries. Nagbigay rin siya ng kategorya hinggil sa kung paano ikaklasipika ang mga diksyonaryo. May tinatawag na Big, Medium at Small Dictionaries. Ang Big Dictionaries ay nagtataglay ng apat na raang libong salita o higit pa. Ang Medium Dictionaries naman ay hindi nararapat bumaba sa apatnapung libong bilang ng mga salita. Ang huli ay nararapat na hindi bababa sa apat na libo. Sa kabilang dako, kung ang koleksyon ng mga entri ay mas mababa sa apat na libo, maaari itong tawagin na glosaryo o isang ispesyal na diksyonaryo. Sa kabuuan, labintatlong (13) hakbang ang dinibelop ng mananaliksik kaugnay sa pagbuo ng diksyonaryo: (1) Pangangalap ng Entri, (2) Preliminaryong Pagpili sa mga Entri, (3) Kongkretisasyon ng mga Entri, (4) Pagtutumbas ng Entri sa Filipino, (5) Pagtataya sa Bahagi ng Pananalita, (6) Paglalapat ng mga Kahulugan, (7) Aktwal na Pagsasalin ng mga kahulugan sa TW, (8) Pagbasa sa Salin (9) Unang Rebisyon ng Diksyonaryo, (10) Balidasyon 58 ng mga Eksperto sa Pagsasalin, (11)Ikalawang Rebisyon ng Diksyonaryo, (12) Pagsusulitbasa Gamit ang Voice Recording, (13) Paghahanda ng Pinal na Awtput. Sa paglalagom, ang pagbuo ng diksyonaryo ay isang mabisang hakbang tungo sa pagpapalawak, pagmomodernisa, gayundin ang maiintelektuwalisa ang isang wika. Sa kaso ng wikang Filipino, maituturing itong isang pagsulong na pasukin ang maimpluwensiyang domain ng mass media. Sa pamamagitan nito, mapopormalisa ang mga teknikal na terminong pang-media na siyang tutulong para maiintelektuwalisa ang wika sa mass media. 59 FILIPINO, WIKA NG PAMBANSANG KAUNLARAN: RETORIKA O REALIDAD? May kinalaman ba ang wika sa pagpapaunlad ng isang bansa? May kinalaman nga ba ang wikang Filipino sa ating pambansang kaunlaran? Paanong ang wikang Filipino ay nakatutulong/makatutulong sa pambansang kaunlaran? Iyan ang tatlong mahahalagang tanong na pilit kong sasagutin sa panayam na ito. Mahalaga ang unang tanong sapagkat nasasalig sa tanong na iyan ang dalawang kasunod na tanong. Kung ang sagot sa tanong na iyan ay "Wala," hindi na natin kailangan pang talakayin ang sagot sa dalawang kasunod na tanong. Agad-agad ay hahantong tayo sa kongklusyong "Ang tema ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa taong ito ay isa lamang hungkag na retorika, mga pananalitang kaygandang pakinggan, ngunit malayo sa reyalidad." Kung ang sagot sa unang tanong ay "Mayroon," kailangan nating tukuyin kung aling wika sa kaso natin ang gumaganap ng mahalagang tungkulin kaugnay ng pagpapaunlad ng ating bansa. Sa puntong ito, kailangang linawin ang kalikasan ng wikang Filipino ayon mismo sa mga nagmungkahi nito sa ating Saligang Batas, at kung bakit ito ang tinutukoy ng Komisyon sa Wikang Filipino na wika ng pambansang kaunlaran. Ang ikatlo ay sadyang masalimuot na tanong. Ang kasalimuutan nito’y nangangailangan ng maraming sagot at mahahabang paliwanag, at hindi ako nakatitiyak kung makakaya kong magawa ang mga iyon sa loob ng limitadong panahong ibinigay sa akin sa panayam na ito. Noong 1972, isang pananaliksik ni Jonathan Pool ang inilathala sa Ikalawang Bolyum ng "Advances in the Sociology of Language (Joshua Fishman, Ed., 1972)." Pinamagatan iyong "National Development and Language Diversity."Ang haypotesis ni Pool (1972) sa kanyang pananaliksik ay "Nakasasagabal sa kaunlarang pang-ekonomiya ang pagkakaiba-iba sa 60 wika." Ginamit na datos ni Pool (1972) ang praksyon ng populasyon ng pinakamalaking katutubong pangkat-wika mula sa isandaan tatlumpu’t tatlong (133) bansa. Iniugnay niya ang mga datos na nakalap sa 'Gross Domestic Product (GDP) per Capita in USD' ng bawat mamamayan kada taon. Ang ugnayan sa pagitan ng dalawang baryabol ay kinatawan niya sa pamamaraang grapikal na tinatawag na scatterplot. Sa kanyang grap, ikinalat niya ang mga bansa batay sa 'linguistic diversity' at GDP ng bawat isa. Samakatuwid, mas-'linguistically diverse' ang bansa, mas nasa kaliwa ang pagkaka-'plot' sa bansa (further to the left). Mapapansin kung gayon na nasa pinakadulong kaliwa ang bansang Congo at Tanzania, habang nasa pinakadulong kanan naman ang Japan at Portugal. Samantala, mas mataas ang GDP ng bansa, mas mataas ang pagkaka-'plot' nito. Mapapansin kung gayon na nasa pinakamataas na bahagi ng grap naka-plot ang Kuwait at U.S.A., habang nasa pinakababa ang Malawi at New Guinea. Pansinin ang kasunod na grap: Ang 'scatterplot' ay hinati rin ni Pool (1972) sa 'quadrants.' Ang unang 'quadrant (upper left)' ay para sa mga bansang 'linguistically diverse' o may iba-ibang wika at mataas na GDP. Ang ikalawang 'quadrant (lower left)' ay para sa mga bansang may iba-ibang wika at mababang GDP. Ilan sa mga bansang nasa 'quadrant' na ito ay ang Nigeria, Cameroon, Ghana, Malaysia at Burma. Nasa ikatlong 'quadrant (upper right)' ang mga bansang hindi 'linguistically diverse' o may iisa o mangilan-ngilan lamang wika at mataas na GDP. Ilan sa mga bansang nasa 'quadrant' na ito ay ang Kuwait, U.S.A., New Zealand, Sweden at Germany. Nasa ikaapat na 'quadrant (lower right)' naman ang mga bansang may iisa o mangilanngilang wika at mababang GDP. Ilan naman sa mga bansang nasa 'quadrant' na ito ay ang Syria, Brazil, Thailand, Yemen at Haiti. 61 [Marahil ay maitatanong ninyo 'out of curiosity' kung nasaan ang Pilipinas sa scatterplot ni Pool (1972). Ang sagot: Nasa ikalawang 'quadrant, lower left.'] Kapansin-pansin sa 'scatterplot' na halos walang bansang nakatala sa unang 'quadrant.' Ibig sabihin, halos walang maunlad na bansang may iba-ibang wika. Ayon kay Pool (1972), "The result appears to support assertions that linguistic diversity is a barrier to economic development." Ipinaliwanag ni Pool (1972) ang kanyang kongklusyon sa ganitong paraan: "Language diversity of one sort or another is held to cause the retardation of development, both political and economic. Language diversity…aggravates political sectionalism; hinders inter-group cooperation, national unity…; impedes … political support for authorities… and political participation; and holds down governmental effectiveness and political stability. Similarly, it is said that language diversity slows economic development, by for example, braking occupational mobility, reducing the number of people available for mobilization into the modern sector of the economy, decreasing efficiency, and preventing the diffusion of innovative technique." Ang mga tuklas ni Pool (1972) ay tumutugma sa mga obserbasyon sa naunang artikulong isinulat ni Joshua A. Fishman (1968). Ganito ang inilahad ni Fishman sa kanyang artikulo: "Linguistically homogenous polities are usually economically more developed, educationally more advanced, politically more modernized, and ideologically-politically more tranquil and stable. 62 …Concerning the causal relation between language diversity and development…the usual explanation gives developmental processes as causes of increased linguistic (and other) homogenization, but that language diversity may also hinder (while language unity helps) development." Simple ang paliwanag ni Fishman (1968) kung bakit. ‘Aniya, "countries of diverse linguistic composition face a special hurdle in development." Ganito ang aking salin sa pahayag na iyon: "Ang mga bansang may iba-ibang komposisyong linggwistik ay nahaharap sa natatanging sagabal sa kaunlaran." Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang 'linguistically diverse' sa daigdig. Ayon nga sa pag-aaral ni Constantino (1972), may higit na apat na raang (400) wikain o dayalekto ang sinasalita ng iba’t ibang linggwistik at etnik na pangkat sa buong kapuluan. Dahil dito, ang ating bansa ay naharap sa tinawag ni Fishman (1968) na 'special hurdle in development' o natatanging sagabal sa kaunlaran. Isa ito sa dahilan kung bakit pinagsumikapan ng ating mga ninunong tayo ay magkaroon ng isang wikang pambansang magbibigkis sa ating lahat, isang wikang pambansang magiging simbolo ng ating pagkakaisa. Sapagkat kapalaran na ang nagtakda ng ating 'linguistic diversity', naging layunin ng ating mga ninuno ang 'unity in diversity.' Dahil dito, dalawa sa tatlong paksa ang tinukoy ni Sibayan (1994) na mahahalaga para sa pagpaplanong pangwika. Ang mga ito ay ang pagpapaunlad ng wikang Filipino bilang wika ng pagkakaisa at pagkakakilanlan; at preserbasyon ng mga bernakular na wika ng Pilipinas. Samakatuwid, malinaw na hindi layunin ng pagpapaunlad ng wikang Filipino ang pagkitil sa ating mga dayalekto. Sa katunayan, sa ating Saligang Batas ay isinasaad na ang Filipino ay 63 patuloy na lilinangin at payayabungin salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas (Art. XIV, Sek. 6). Ito ang pinakaesensya ng pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba. Sa kasalukuyan, ginagampanan ng wikang Filipino ang mahalagang tungkulin ng wikang pambansa ayon kay Garvin (1974): "[T]he standard language serves to unify a larger speech community in spite of dialect differences…A national language is characterized by the unifying… function, provided the national language has arisen naturally or has been chosen judiciously by authorities…" Ngunit sa larangan ng pagpapaunlad ng bansa, may tungkulin bang ginagampanan ang wikang Filipino? Malinaw ang tinutumbok ng pag-aaral na ipinaliwanag ko sa unahan. May kinalaman ang wika sa pag-unlad o hindi pag-unlad ng bansa. Ang tanong ay Totoo ba ito sa wikang Filipino at sa bansang Pilipinas? Upang masagot ito, makatutulong marahil ang muling pagsangguni sa mga diskusyon ng mga komisyoner na bumalangkas ng ating Saligang Batas noong 1986. Ganito ang sinabi ni Komisyoner Ponciano Benaggen (sa Journal of Constitutional Commission, 1986) noong tinatalakay ang panukalang probisyong pangwika sa ating Saligang Batas: "[T]hese are arguments for deciding that a national language is a kind of national symbol. But in the proposal, we mean Filipino, not merely as a national symbol, not merely as an instrument for national identity and national unification, but also as an instrument for national growth and development." Ang gayong pagkilala sa wikang pambansa bilang wika ng pambansang kaunlaran ay hindi rin minsang inalingawngaw at pinanindigan ni Komisyoner Wilfrido Villacorta (sa 64 Journal of Constitutional Commission, 1986). ‘Aniya, "mahalaga ang tunay na pagpapaunlad ng wikang pambansa upang mapabilis ang kolektibong partisipasyon ng sambayanang Pilipino sa sosyo-ekonomikong pag-unlad at pagbubuo ng nasyon [salin ng may-akda]." Binigyang-diin din ng mga komisyoner ang kahalagahan ng wikang Filipino sa pagsasakatuparan ng iba pang mithiing kalaunan ay isinaad sa Saligang Batas mismo gaya ng nasyonalismo, kaalamang siyentipiko at teknikal, pambansang industriyalisasyon, at iba pa — mga mithiing imposibleng abutin kung mahina ang wikang pambansa. Kaya nga sinabi ni Benaggen (sa Journal of Constitutional Commission, 1986): "We are saying that the State shall foster nationalism and, therefore, we need to have a national language in the same manner that we need a national flag and some other things that we associate ourselves with in the pursuit of national identity and national unity. We are also saying that the State shall foster creative and critical thinking; broaden scientific and technological knowledge; and develop a self-reliant and independent economy to industrialization and agricultural development. We have also said earlier that we shall have a consultative government and that people's organization shall be protected in terms of their right to participate more fully in the democratic processes. In all of these, we need to have a unifying tool for communication which is, of course, Filipino." Matapos ang mga nabanggit na talakayan sa Konstitusyonal na Komisyon noong 1986, isinatitik ang probisyong pangwika sa ating Saligang Batas sa Artikulo XIV, Seksyon 6 hanggang 9; at ang nasabing Saligang Batas ay pinagtibay ng sambayanan noong 1987. Ngunit bago iyon ay tila may pagbabala si Komisyoner Minda Luz Quesada (sa Journal of Constitutional Commission, 1986). ‘Aniya: 65 "…[H]angga’t hindi isinasakongkreto sa pamamagitan ng paggamit nito (ng wikang pambansa) sa instruction at sa gobyerno ay talagang empty rhetorics na naman iyan dahil iyan ang istorya noong mga nakaraang taon. Naroon na iyon sa ating Konstitusyon, pero hangga’t hindi isinasagawa ito sa ating ordinaryong araw-araw na buhay, sa loob ng gobyerno, sa administrasyon, at saka sa ating edukasyon, sa palagay ko lahat ng iyan ay rhetorics na naman [sic]." Ngayon, dalawampu’t walong (28) taon matapos pagtibayin ang ating Saligang Batas, marami nang nagawa kaugnay ng pagpapaunlad ng wikang Filipino, ngunit ang Pilipinas ay mahirap na bansa pa rin. Samakatuwid, kung totoo ang haypotesis nating "May kinalaman ang wika sa pagpapaunlad ng bansa" at "May kinalaman ang wikang Filipino sa pagpapaunlad ng Pilipinas," hindi marahil kalabisang sabihing napakarami pang dapat gawin upang mapaunlad ang wikang Filipino nang sa gayo’y lubos itong makaganap sa tungkuling kaugnay ng pambansang kaunlaran. Ang tanong ay "Ano-ano" at "Paano?" Sa simula pa lamang ng aking panayam ay nabanggit ko nang sadyang masalimuot ang nasabing tanong kung kaya’t nangangailangan iyon ng maraming sagot at mahahabang paliwanag. Kaya dahil sa limitasyon ng panahon, ipahintulot ninyong isa lamang ang aking tukuyin – ang sa aking palagay ay pinaka-urgent sa lahat ng 'agenda' kaugnay ng pagpapaunlad ng wikang Filipino. Ito ay nauugnay sa bagong 'General Education Curriculum' na sa susunod na taon ay nakatakda nang ipatupad ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon o CHED sa pamamagitan ng CHED Memorandum Order No. 20, Series of 2013. Ang CMO No. 20 na ito ay nagbabantang kumitil sa wikang Filipino sa antas-tersyarya at iba pang asignaturang mahalaga sa pagpapatibay ng pambansang identidad, kamalayang 66 pangkultura at nasyonalismo, gaya ng Panitikan at Pamahalaan at Saligang-Batas ng Pilipinas. Kamakailan, isang petisyon ang isinampa sa Korte Suprema ng pangkat ng mga guro, iskolar at iba pang nagmamalasakit sa wikang Filipino upang ideklarang labag sa Saligang Batas ang CMO No. 20. Ayon sa mga petisyoner, "Malinaw na ang usapin ng wikang pambansa ay interes at katungkulan ng bawat Pilipino hindi lamang yaong mga nabubuhay sa kasalukuyan kundi pati na rin ang mga mabubuhay pa sa hinaharap. Ang usapin ng kurikulum na tinatakda ng CMO No. 20 ay sumasaklaw din sa buong sistemang edukasyon sa antas tersarya at makakapagpasya kung mapapayabong nga ang pambansang wika— isang esensyal na bahagi ng ating kultura at kasaysayan—o maiwawaglit ito sa kolektibong kasanayan at alaala ng sambayanan…"(Petisyon para sa Certiorari at Prohibition, April 15, 2015, Lumbera, et al. vs Aquino, et al.). Pangunahing nilalaman ng nasabing petisyon ang paggigiit ng mga guro na hindi dapat patayin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo sapagkat "…sa antas tersyarya nagaganap at lubhang nalilinang ang intelektwalisasyon ng Filipino sa pamamagitan ng pananaliksik, malikhaing pagsulat, pagsasalin, pagsasalitang pangmadla at pangmidya (Sa http://www.facebook.com/TANGGOLWIKA.pdf). Kaugnay ng nasabing petisyon, ang Korte Suprema ay naglabas ng 'Temporary Restraining Order' laban sa CMO No. 20, ngunit hindi nangangahulugan iyong tapos na ang laban. Ang utos ng pagpipigil na inilabas ng korte ay pansamantala lamang. Tuloy ang pakikibaka laban sa CMO No. 20 at laban sa matagal nang kaisipang humuhubog sa katulad niyong mga patakarang pang-edukasyong makadayuhan. Sa ngayon, sa aking palagay, ito ang 67 pinakamahalagang bagay na dapat pagtuunan ng pansin, sapagkat kung hindi, baka sa malapit na hinaharap ay wala nang wikang Filipino tayong pag-uusapan kung paano pauunlarin at kung paano makatutulong sa pambansang kaunlaran. 68 ANG PATAKARANG PANGWIKA SA PILIPINO AT MGA PAG-AARAL KAUGNAY NITO Ang patuloy na pagkilos tungo sa tinatawag na globalisasyon at habang umuunlad ang isang global language ay lalong pinahahalagahan ng bawat bansa ang kani-kanilang ethnicity o sariling pagkakakilanlan partikular na ang language and cultural identity. Lalo din namang pinahahalagahan at kinikilala ng mga ahensyang pang-internasyonal tulad ng UNESCO, ang tinatawag na cultural and linguistic diversity, kasunod ang pagkilala sa karapatan sa wika at kultura ng bawat pangkat o bansa. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang mayroong napakaraming wika. Sa listahan ni Grimes at Grimes (2000) mayroong nakatalang 168 na buhay na wika sa bansa, samantalang sa sensus ng NSO noong 2000 mayroon tayong 144 buhay na wika. Gayunpaman, ayon kay Sibayan (1974) humigit-kumulang 90% ng populasyon sa bansa ay nagsasalita ng isa sa walong pangunahing wika. Sa kabila ng pagiging linguistically diverse na bansa natin, mula pa 1974 ang ating edukasyon ay nakatutok sa patakarang bilinggwal, paggamit ng Filipino at English bilang midyum ng pagtuturo sa mga tiyak na asignatura. Sa sektor ng pamahalaan, noon pang 1969 sa panahon ng Pangulong Marcos, hinikayat na ang paggamit ng wikang pambansa sa mga opisyal na komunikasyon at korespondensya, sa katunayan noon pa man ay nagkaroon na ng mga pagsasanay para dito sa pamumuno ng dating Surian sa Wikang Pambansa na ngayon ay Komisyon sa Wikang Filipino. Sinundan ito ng E.O 335 noong 1988, na nag-aatas sa lahat ng ahensya ng pamahalaan na magsagawa ng mga 69 hakbang upang magamit ang Filipino sa mga opisyal na komunikasyon at korespondensya. Subalit noong 2003, ang Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay nag-atas na ibalik ang English bilang pangunahing wikang panturo. Ito ay kaugnay pa rin sa pakikilahok ng ating bansa sa pandaigdigang pamilihan na sa ngayon ay English ang dominanteng wika ng pandaigdigang ekonomiya at komersyo. Ayon pa sa Pangulo: “OurEnglish literacy,our aptitude and skills give us a competitive edge in ICT. We must continue our English literacy which we are losing fast.” Kasunod ng pahayag ng pangulo na ibalik ang English bilang pangunahing wikang panturo, nagpalabas ang Malacañang ng Executive Order No. 210 noong Mayo, 2003 na may pamagat na “Establishing the Policy to Strengthen the Use of the English language as a Medium of Instruction in the Educational System”. Bilang patakaran, ayon sa kautusang ito, ituturo ang English simula sa unang baitang at gagamitin itong wikang panturo sa English, Matematika, at Agham. English ang magiging pangunahing wika ng pagtuturo sa lahat ng mga paaralang publiko at pribado sa mataas na paaralan at hindi bababa sa 70% ng kabuuang panahong inilaan sa pagtuturo ng lahat ng asignatura ang time allotment para sa paggamit nito. Sa mga institusyong pantersyarya man ay English ang gagamiting pangunahing wikang panturo, ayon sa kautusan. Bunga nito, nalimitahan ang gamit ng Filipino at itinakda na lamang ito bilang wikang panturo ng mga asignaturang Filipino at Araling Panlipunan. At nitong huli, pinagtibay ng 70 Kongreso ang House Bill 4701 na may pamagat na “An Act Prescribing English as the Medium of Instruction in Philippine Schools.” Kaugnay nito, nais kong ilahad ang ilang mga pag-aaral kaugnay ng patakarang pangwika sa ating bansa Noong 1974, nagsimulang ipatupad ang patakaran sa edukasyong bilinggwal bilang pagsuporta sa paglinang ng isang bilinggwal na bansa. ang Nang mapagtibay 1987 Konstitusyon, nirebisa ng Kagawaran ng Edukasyon ang patakarang ito at ipinalabas ang 1987 Patakaran sa Edukasyong Bilinggwal na halos katulad lamang ng nakaraang patakaran maliban sa ilang dagdag na probisyon tulad ng pagbibigay sa antas tersyarya ng gampaning pangunahan ang intelektwalisasyon ng Filipino. Nakasaad din na kailangan ang regular na pag-evaluate sa patakarang ito. Kung kaya’t noong 1986, isinagawa ng isang pangkat ng LSP ang unang summative evaluation sa pagpapatupad ng patakaran ng edukasyong bilinggwal sa antas tersyarya na pinangunahan nina Sibayan at Gonzalez (1987). Ayon sa resulta ng pag-aaral nina Sibayan, hindi seryosong ipinatupad ng mga paaralanang programang edukasyong bilinggwal. Negatibo ang mga paaralan sa paggamit o paraan ngpaggamit ng Pilipino sa mga paaralan ngunit hindi sa Pilipino bilang pambansang wika. Inilahaddin ng resulta ng pag-aaral na ang mga mag-aaral sa buong bansa ay napakahina angperformance, sa mga paaralang pampubliko o pampribado, magagaling o mahihina mangpaaralan. Ang dahilan ng malungkot na sitwasyong ito ay ang mga guro mismo na walang sapat na kaalaman sa asignaturang kanilang itinuturo. Ipinakita sa kinalabasan ng ebalwasyon na ang Edukasyong Bilinggwal ay hindi prayoridad sa antas tersyarya. Sa karamihan ng mga institusyong pantersyarya, ang pagpapatupad ng Edukasyong bilinggwal ay walang masusing disenyo, Bilang pagbubuod, ang pag-aaral na ito ay nagkaroon ng kongklusyon na ang pagbaba ng 71 achievement scores ng mga mag-aaral sa elementarya at sekondarya ay hindi dapat isisi sa Patakaran ng Edukasyong Bilinggwal kundi sa kakulangan ng kakayahan ng mga guro, mahinang pamamahala ng mga paaralan at kakulangan ng mga aklat at iba pang mga kagamitan sa pagkatuto – mga salik na iniuugnay sa mababang sosyo-ekonomikong antas at kakulangan ng suportang pinansyal. Ang pag-aaral na ito ay sinundan ng pag-aaral ni Fuentes (2000) sa istatus ng pagpapatupad ng 1987 patakarang edukasyong bilinggwal, ngunit naging limitado lamang sa mga institusyong pantersyarya sa Cebuano at Hiligaynon. Ayon sa pag-aaral na ito, bigo ang implementasyon ng Patakarang Edukasyong Bilinggwal sa mga institusyong pantersyarya ng Cebuano at Hiligaynon. Ang pagpapaunlad ng kakayahan sa wikang English ang pangunahing layunin ng mga institusyong pantersyarya sa mga nabanggit na lugar at ang Edukasyong Bilinggwal ay itinuturing na hadlang sa di pagtamo ng layuning ito Ang pag-aaral ding ito ay nagpapatunay na ang wikang Filipino ay tanggap na bilang wika ng pagkakaisa at simbolo ng pambansang pagkakakilanlan maging sa mga Cebuano na noon pa ay nagpakita na ng matinding pagtutol. Gayunpaman, naniniwala ang karamihan na ang pagiging angkop bilang wikang pambansa ay hindi nangangahulugang angkop ding wikang panturo sa mga asignaturang science at math. Ipinaliwanag ni Fuentes na “Filipino is percieived to have more of symbolic than functional purpose in the lives of Filipinos.” Idinagdag pa na naniniwala ang karamihan na sila ay makabansa sa kabila ng kanilang kakulangan ng kakayahan sa wikang pambansa. Ayon pa rin kay Fuentes, ito ay nangangahulugan na sa isang multilinggwal na pamayanang tulad ng Pilipinas, ang damdaming makabansa ay nakakabit sa kanilang unang wika (mother tongue) kung kaya’t ang kahinaan sa pambansang wika ay hindi nangangahulugang nababawasaan ang kanilang pagiging makabansa. Sa kabilang banda, ang kakayahan sa wikang English ay 72 pangunahing kailangan sa pagtatamo ng ekonomikong tagumpay dahil nananatili itong wika ng mahahalagang larangan partikular ng pamahalaan, negosyo at mataas na edukasyon. Mahalagang banggitin na ang pinakamadalas sabihing dahilan ng di pagpatupad ng patakaran ay ang kakulangan ng suporta ng pamahalaan. Sa kabilang dako, mahalagang banggitin dito ang naging resulta ng Trends in International Mathematics and Science Study (TIMMS) na ginawa noong 1999, ang Pilipinas ay pang-38 sa Math at pang-40 sa Science sa kabuuang 41 na lumahok na bansa. Ito ay sa kabila ng pagtuturo ng science at math sa wikang English sa loob ng mahigit na isang daang taon. Nangangahulugan kaya ito na maaaring walang kinalaman sa wika o hindi lamang tungkol sa wika ang dahilan kung bakit mahina ang mga Pilipino sa Math at Science? Kung wika man ang dahilan, hindi kaya dahil sa wikang English na ginagamit na midyum ng pagtuturo sa mga asignaturang Science at Math? Ang karanasan ng Tsina, Hapon at Rusya ay sapat na patunay na maaaring maging mahusay sa science at math kahit ito’y itinuturo hindi sa Ingles. Sa anong midyum nga ba mas madaling matuto ang ating mga estudyante? Sa pagsagot ng katanungang ito, mahalagang talakayin ang papel na “Language and Culture in the Pacific Region: Issues, Practices, and Alternatives” ni Dr. Ana Taufeulungaki, Direktor ng Institute of Education ng Unibersidad ng South Pacific (2004) na naglarawan sa konteksto ng wika sa Rehiyon Pasipiko. Tinalakay din ang mga karaniwang dahilan ng pagpili ng wika at nagbigay/nagmungkahi ng mga hakbang na maaaring isaalang–alang ng mga tagapanghanda ng patakaran at sistema ng edukasyon. Ayon sa papel na ito, ang Pasipiko ay sinasabing “most linguistically complex region” sa mundo na mayroong mahigit sa isang libong natatanging wikang bernakular na sinasalita ng kulang sa 10 milyong naninirahan dito. Maliban pa ito sa mga wikang dayuhan na dala ng mga misyonaryo, negosyante at mga mananakop na nanirahan sa Rehiyon Pasipiko 73 tulad ng English, French, Spanish, Japanese, Chinese, Hidustani, Filipino , Korean at German. Sa layuning matulungan ang mga bansa sa Pasipiko na makabuo ng angkop na mga patakarang panwika na magtataguyod ng pantay na edukasyon at mapabuti ang kalidad ng pagtuturo at pagkatuto, ang World Bank ay nagkomisyon ng isang papel noong 1994 upang suriin ang pandaigdigang karanasan sa “Paggamit ng Una at Pangalawang Wika sa Edukasyon”. Natuklasan ng pananaliksik na ito ang mga sumusunod: a. Ang mga bata ay nangangailangan ng pinakamababa nang 12 taon upang matutunan ang kanilang unang wika. Ibig sabihin na ang unang 12 taon ng bata ay dapat nakalaan o bigyang diin ang pagkatuto ng unang wika ng bata. b. Ang mga bata ay hindi natututo ng pangalawang wika nang mas mabilis at madali kaysa mga matatanda. c. Ang may edad na bata ay may higit na kasanayan sa pagkatuto ng pangalawang wika . d. Ang development ng unang wika ng bata na may kaugnayan sa kognitibong development ay higit na mahalaga kaysa paghantad sa pangalawang wika. Kung gayon, pinabubulaanan ng pahayag na ito na hangga’t maaga ay turuan na ng pangalawang wika o bigyan ng mahabang oras ang pagkatuto ng L2 ang mga bata. e. Sa mga sitwasyon sa paaralan, ang mga bata ay dapat matuto ng akademikong kasanayan sa wika gayundin ng mga kasanayan sa sosyal na komunikasyon. Matatamo lamang ito sa pamamagitan ng paggamit ng wika ng bata. f. Ang mga bata ay natututo ng pangalawang wika sa iba’t ibang paraan, batay sa kanilang kultura, sa kanilang pangkat at sa kanilang indibidwal na katauhan. Sa rebyu ng literatura, na nabanggit na papel ay nagkaroon ng konklusyon na: 74 a. Ang development ng unang wika ay kritikal sa kognitibong development at bilang batayan sa pagkatuto ng pangalawang wika. b. Ang mga guro ay dapat nakauunawa, nakapagsasalita at nakagagamit ng wika ng pagtuturo, ito man ay una o pangalawang wika. c. Ang suporta at pakikisangkot ng mga magulang at pamayanan ay mahalaga sa lahat ng matagumpay na mga programa. Bagamat kinikilala ng mga bansang Pasipiko ang kahalagahan ng unang wika bilang midyum ng pagtuturo, sa katotohanan, iba-ibang mga patakaran at kaugalian ang matatagpuan. Sa halos lahat ng bansa dito, ang unang wika ay ginagamit bilang midyum ng pagtuturo sa unang anim na taon sa edukasyong primarya. Kung gayon, kailangang matutunan ng mga mag-aaral sa Pasipiko na ang pangalawang wika bilang midyum ng pagtuturo sa paaralan. Bunga ng ganitong sitwasyon, nagkakaroon ng ilang suliranin: If the mother is not strong, students will have difficulty in acquiring the second language, which will have negative impacts on their learning and educational achievement. A language also is not learned in isolation. It comes with the cultural values, beliefs, rules and conventions of its home culture. Ipinaliwanag pa sa papel na ito na ang mga mag-aaral ay dapat matuto hindi lamang sa kanilang wika kundi maging sa kultura ng wikang iyon. Idinagdag pa na kadalasan ang mga paaralan ay ginagaya sa anyong kanlurang edukasyon, na nagmumula sa ibang mga sistema ng pagpapahalaga at mayroong ibang sistema ng komunikasyon at nagtataguyod ng ibang istratehiya sa pagtuturo at pagkatuto na naiiba sa kontekstong sosyo-kultural ng karamihan ng mga mag-aaral sa Pasipiko. Ang resulta nito ay ang mahinang mga wika at mga pamayanan sa pasipiko na maaaring dumanas ng pagkalipol at pagbagsak ng edukasyon para sa mga mag-aaral sa Pasipiko. Bilang konklusyon, ayon kay Taufeulungaki, ang pagpili at mga desisyon ng 75 mga Kaugnay ng isyu tungkol sa edukasyong multilinggwal, dito sa Pilipinas, noon pang 1948 nagsagawa na ng mga eksperimentong pagtuturo sa wikang bernakular. Simula noon bansang Pasipiko na magtatakda ng mga patakarang pangwika at mga kaugaliang pang-edukasyon ay ayon sa kanilang sariling mga bisyon at mga developmental na mithiin, ang internal na pagkakaisa at eksternal na partisipasyon sa modernong global na pamayanan. Nagiging malinaw na ang dalawang ito ay hindi diametrikal na magkasalungat. Sinabi ni Taufeulungaki: Language can be both the tool to strengthen individual and group identity leading to high self-esteem and self-confidence, the prerequisites to effective learning, and the acquisition of additive education. By promoting and developing mother tongue education, cognitive development will be enhanced and a sound basis will be provided for the acquisition of a second language, the vehicle of modern development and participation in the world community. 76 77 78 nagkaroon na ng mga pagtatangka at pagsisikap na isama ang wikang bernakular sa kurikulum ng edukasyong elementarya. Noong Abril 2000, ang rekomendasyon ng Presidential Commission on Educational Reform (PCER) ay nagsasaad ng paggamit ng ng lingua franca at mga bernakular. Sa paunang salita ng mga tiyak na mungkahing pagbabago ay mababasa ang ganito: While reaffirming the Bilingual Education Policy and the improvement in the teaching of English and Filipino, this proposal aims to introduce the use of the regional lingua franca or vernacular as the medium of instruction in Grade One. Studies have shown that this change will make students stay in rather than drop out of school, learn better, quicker and more permanently and will, in fact, be able to use the first language as a bridge to more effective learning in English and Filipino as well as facilitate the development of their cognitive maturity. (PCER, 2000). Noong 1999 sa panahon ng panunungkulan ni dating kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon Bro. Andrew Gonzalez, nagkaroon ng proyektong Lingua Franca Education. Sa 16 na rehiyon sa bansa , nagkaroon ng experimental class sa grade one na gumamit ng lingua franca bilang midyum ng pagtuturo sa lahat ng asignatura, at ang control class ay ang bilingual education. Kaugnay pa rin ng isyu sa edukasyong multilinggwal, mababanggit dito ang resulta ng 2006 NAT Grade 3 reading test sa dibisyon ng Kalinga. Sa sampung distritong ito, tanging ang Lubuagan lamang ang may First Language Component, ibig sabihin, ang unang wika ang ginamit na midyum ng pagtuturo sa lahat ng asignatura maging sa science at math. Ang natitirang siyam na distrito ay sumailalim sa regular ng edukasyong bilinggwal. Ipinakita sa resulta ng reading test na ang distrito ng Lubuagan ang nakapagtala ng pinakamataas na marka sa English (76.5%) at Filipino (76.44%). Ang pumangalawa na distrito ay ang Tinglayan na nakaiskor ng 64.5% sa English at 61.4% 79 sa Filipino. Ang pumangatlo naman ay ang Pasil, na nakaiskor ng 51.9% sa English at 47.7% sa Filipino. Ang mga programang katulad ng Lubuagan First Langauge Component ay nagpapahiwatig na ang mga pagbabagong ibinatay sa pamayanan gamit ang unang wika ng mga mag-aaral ay matagumpay na maisasakatuparan. Mahalaga sa ganitong programa ay ang pagkakaroon ng konsultasyon sa pamayanan na maaaring pasimulan ng pakikiisa ng mga miyembro ng pamayanan sa pagpaplano, pagbuo, pagpapatupad at pagtaya ng programa. Sa Pilipinas, ang isyu sa pagbuo at pagpapatupad ng mga patakarang pangwika sa bansa ay patuloy na nababahiran ng pulitika. Kayang-kayang dalhin ng nakapangyayaring uri ang wika sa direksyong naaayon sa kanilang preperensya at paniniwalang pangwika. Naaayon din ito sa kanilang adyendang nais isulong para sa bansa. Sa sitwasyong waring higit na pinapaboran ang English dahil sa tinatawag na globalisasyon, higit din namang lumalakas ang tawag sa lokalisasyon para sa lokal na panlasa at kapakinabangan. Batay sa inilahad na mga pag-aaral, ang globalisasyon at lokalisasyon ay maaaring magkatuwang na maisakatuparan sa pamamagitan ng maaayos, tama at angkop na patakarang pangwika sa bansa. 80 MGA SANGGUNIAN Acuna, J. et.al. (1994). The language issue in education. Manila & QC: Congress of the Philippines. Atienza, M at Constantino, P. (1996). Mga piling diskursosa wika at lipunan.QC: UP press. Baldauf, Richard Jr.E, ( 2005 ). “Language Planning and Policy Research: An Overview.” Sa Hinkel. Bautista, Ma. Lourdes, (1996). editor, Readings in Philippine Sociolinguistics. Manila: DLSU Press. Biagi, S. (2005). An introduction to mass media. USA: Thompson. C Campbell, R. (2003). Media and culture. USA: Bedford. Castillo, Emma S. ( 2000), Language-Related Recommendations from the Presidential Commission on Educational Reform. Philippine Journal of Linguistics, Volume 31, Number 2, December,. LSP Catacataca P. at Espiritu C. (2005). Wikang Filipino:kasaysayan at pag-unlad. Manila: Rex bookstore. CHED Memorandum Order No. 20, Series of 2013. Congressional Commission on Education. ( 1991). Making Education Work, An Agenda forReform. Congress of the Republic of the Philippines, Manila. Constantino, Ernesto. (1972). Tagalog and Other Major Languages of the Philippines. Sa Current Trends in Linguistics in Oceania. Thomas A. Sebeok (Ed.). The Hague: Mouton. Dekker, Dianne and Young, Catherine. ( 2005). Bridging the Gap: The Development of Appropriate Educational Strategies for Minority Language 81 Philippines. Current Issues in Language Planning. Vol. 6, No. 2, 2005. Eastman, C. (1982). Language planning: an introduction. San Francisco, USA:Chandler and sharp publishers, inc. Enriquez, Virgilio Gaspar, (1985 ). “Pagbubuo ng Terminolohiya sa Sikolohiyang Pilipino.” Sa Bautista. Espiritu, Clemencia C. ( 2004). Ang Politika sa pagbuo at Pagpaptupad ng mga patakarang Pangwika sa Pilipinas. Sangguni, Volume XIV No. 1, PNU. Fishman, Joshua A. (1968). Language Problems of Developing Nations. New York: Wiley. Fought, Carmen, (2010). “Ethnic Identity and Linguistic Contact.” Sa Hickey, The Handbook,. Fuentes, Gloria G. (2000). The Status of Implemetation of the 1987 Policy on Bilingual Educationin Cebuano and Hiligaynon Tertiary Institutions. Philippine Journal of Linguistics,Volume 31, Number 2, December, 2000. LSP. Garvin, Paul L. (1974). Some Comments on Language Planning. Sa Advances in Language Planning. Joshua A. Fishman (Ed.). The Hague: Mouton. Gonzalez, Andrew and Bonifacio Sibayan. (1988). Evaluating Bilingual Education in the Phlippines (1974-1985). Linguistic Society of the Philippines, Manila. Haugen, E. (1987). Blessings of Babel: Bilingualism and Language Planning. USA: Walter. Hickey, Raymond, (2010). The Handbook of Language Contact. UK: Blackwell Publishing Ltd. _______________, (2010). “Language Contact: Reconsideration and Assessment.” Sa Hickey, The Handbook. Hinkel, Eli (Ed.), (2005). Handbook of Research in Second Language Teaching and Learning. New Jersey: Lawrence Erlbaum Associates Publishers. Komisyon sa Wikang Filipino, Brochure, 2015. ________________________, ( 2014). Ortograpiyang Pambansa. Maminta Rosario E. ( 2005 ). Program Design and Implementation of Philippine language Education: Research and Theoretical Perspectives. Linguistics and 82 Language Education in the Phlippines and Beyond. LSP, Manila. Martin, Isabel P. ( 2005). Conflicts and Complications in Phlippine Education: Implications for ELT. Linguistics and Language Education in the Phlippines and Beyond. LSP, Manila. O’Grady, William; et.al, (2001). Contemporary Linguistics: An Introduction. NY: Bedfofrd/St. Martins. Miller, Robert McColl, (2005). Language, Nation and Power: An Introduction. NY: Palgrave McMillan. Rodman, G. (2007). Mass media in a changing world. USA: Sibayan, Bonifacio P, (1991) “The Intellectualization of Filipino.” Sa Bautista. Sibayan, B. (1999). The intellectualization of Filipino. Manila: LSP-DLSU-M. Taufeulungaki, Ana. ( 2004). Language and Culture in the Pacific Region: Issues, Practices and Alternatives. Pacific Islands Forum Secretariat. Apia, Samoa. Thomason, Sarah, ( 2010 ).“Contact Explanations in Linguistics.” Sa Hickey, The Handbook. UNESCO (2003) Education in a Multilingual World. (Education Position Paper). On www at http://unesdoc.inesco.org/images/0012/00129728e.pdf. Young, Catherine. ( 2002). First Language First: Literacy Education for the Future in a Multilingual Philippine Society. International Journal of Bilingual Education and Bilingualism. Vol. 5, No. 4, 2002. Wilson, J. & Wilson R. (2001). Mass media mass culture. USA: Mc graw hill. Zgusta, L. (1971). Manual on Lexicography. Czech: Academia. Journal __________. (1998). Ang KWF at intelektwalisasyon ng Filipino. Manila: KWF. Internet Link http://www.geocities.com/CollegePArk/Field/4620/fil_ met.html. 83 cgcfrancisco@yahoo.com/mgababasahinsafili123/kfp/030106