Uploaded by Tyron Marc Colis

AP7-Q3-M13

advertisement
Araling Panlipunan – Ika-Pito na Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 13: Relihiyon sa Asya
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na mayakda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Komite sa Pagsulat ng Modyul
Manunulat: EVELYN L. SANTOS
Editor: ZENAIDA N. RAQUID
Tagasuri: RUBY L. MIRAVALLES
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala:
Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors
Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)
Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Araling
Panlipunan
7
Ikatlong Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 13
Relihiyon sa Asya
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7 ng Modyul
para sa araling Relihiyon sa Asya!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay
makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng
modyul sa loob kahong ito:
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 Modyul ukol sa Relihiyon sa
Asya!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.
PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.
ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.
MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.
PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.
PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
MELC: Natataya ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa iba’t ibang aspekto ng
pamumuhay
Mga Tiyak na Layunin
1. Nailalarawan ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa iba’t-ibang aspekto ng
pamumuhay.
2. Naiisa-isa ang ambag ng relihiyon sa iba’t-ibang aspekto ng pamumuhay.
3. Napahahalagahan ang bawat bahaging ginampanan ng relihiyon sa iba’t-ibang
aspekto ng pamumuhay.
PAUNANG PAGSUBOK
PANUTO: Piliin ang masayang mukha kapag tama ang isinasaad ng
pangungusap at malungkot na mukha kung mali. Isulat sa sagutang papel
ang iyong napiling sagot.
1. Ang relihiyon ay paniniwala ng mga tao na may isang
makapangyarihang nilalang o puwersa na siyang pinakamataas atnagpapakilos sa
lahat ng bagay sa daigdig.
2. Ang Hiduismo ang itinuturing na pinakamatandang relihiyon sa
mundo.
3. Pangunahing itinuturo ng Buddismo ang pagkakaroon ng apat na
dakilang katotohanan ng buhay at walong landas ng katotohanan.
4. May mga relihiyong umusbong sa Timog at Kanlurang bahagi ng Asya.
5. Ang tao ay may kalayaan sa pagpili ng kanyang paniniwalaang relihiyon
ayon sa mga turo nito.
BALIK-ARAL
Panuto: Hanapin ang mga salitang may kaugnayan
nasyonalismo.Lagyan ng guhit ang salitang iyong makikita.
D
E M O
K
R
A
S
Y
A
E
L
O
L
O
E
D U
K
T
L
I
D
I
M
P
H
N
A
S
I
T
E
G
I
O
I
Y
L
I
G
I
R
A
N
R
K
A
A
M
A
S
N
R
T
T
A
T
Y
R
D
T
O
K
A
S
N
S
A
O
O
A
R
I
N
E
I
E
N
P
R
E
K
O
G
M
I
N
A
E
M
I
T
S
U
H
I
T
O
R
sa
ARALIN
RELIHIYON SA TIMOG ASYA
Ang tao ay may paniniwala na may isang makapangyarihang nilalang o
puwersa na siyang pinakamataas at nagpakikilos sa lahat ng bagay sa daigdig.
Tinagurian itong relihiyon, ang salitang ito ay nagmula sa salitang Latin na RELIGARE na ang ibig sabihin ay pagbubuklod at pagbabalik loob. Sinasabing ang
halos lahat ng paniniwalang ito ay nagsimula sa kontinene ng Asya. Malaki ang papel
na ginampanan ng paniniwalang ito sa pamumuhay ng mga Asyano.
HINDUISMO
Ito ang pinakamatandang relihiyon sa mundo. Ang mga Aryan ang unang
tribong sumampalataya sa relihiyong ito. Ang mga pangunahing turo nito ay
nakasaad sa Vedas sa wikang Sanskrit. Ang Sanskrit ay wikang Aryan. Binubuo ang
apat na Vedas ng mga librong Rig Veda (awit ng karunungan), Atharva Veda (sikreto
ng mahika), Yajur Veda (proseso ng mga ritwal) at Sama Veda (sulating nagmula din
sa Rig Veda).
Ang Hinduism ay binansagang “ relihiyon ng hindi
mabilang na mga diyos. Tinatayang mayroong humigitkumulang na 33,000 na mga diyos ang sinasamba ng
mga Hindu. Hindu ang tawag sa mga tagasunod ng
relihiyong Hinduism. Kabilang sa mga popular na diyos
ng Hindu ay sina Brahma (tagalikha), Vishnu
(tagapangalaga sa mga nilikha ni Brahma) at Shiva
(tagasira sa mga masasama).
Simbolo ng Om
PANINIWALA NG MGA HINDU
•
•
PAGKAKAISA NG BAGAY SA KAPALIGIRAN- Naniniwala ang mga
Hindu sa pagbubuklod at pagkakaisa ng mga bagay sa kapaligiran na
nagdadala ng pagkakaisang ispiritwal.
RESPETO SA LAHAT NG BAGAY- Naniniwala sila sa pagmamahal,
pagrespeto sa lahat ng mga bagay na may buhay espiritu o kaluluwa.
POLYTHEISMO- Sumasamba sila sa iba’t ibang uri at anyo ng diyos.
•
•
•
•
•
REINKARNASYON o SAMSARA- Paniniwala sa namatay na katawan ng
tao ay isisilang na muli sa ibang anyo, paraan o nilalang.
KARMA – Mula ito sa salitang Hindi na KAR na nangangahulugang
“PAGKILOS” at MA na nangangahulugang “PAGGAWA” o “PAGLIKHA”.
Kung gayon ang Karma ay nangangahulugang “ISANG BAGAY NA
NILIKHA O BUNGA NG GAWI NG ISANG TAO”. Pagkakaroon ng
gantimpala kung kabutihan ang ginawa sa kapwa at pagdurusa naman
kung di mabuti ang ginawa sa kapwa
PAGSISIKAP SA BUHAY – Naniniwala na ang tao ay dapat na magsikap
sa buhay at ito ay dapat ialay sa diyos anuman ang kanyang antas sa
lipunan
NIRVANA – Layunin ng Hindu na makawala sa siklo ng reinkarnasyon.
Sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagkamatay at pagkabuhay ng
kaluluwa, inaasahang makakamit ang MOKSHA o paglaya sa samsara.
Ang nirvana ay tunay na kaligayahan.
CASTE SYSTEM – Sistema ng pagpapangkat ng mga tao sa lipunan ng
Hindu. Brahmin ang mga pari o itinuturing na pinaka mataas. Ang mga
kshatriya na binubuo ng mga namumuno at mga sundalo. Ang mga
Vaisya o ang mga mangangalakal at magsasaka. At ang mga Shudra
na binubuo ng mga manggagawa at alipin.
BUDDHISMO
Ang Buddhismo ay itinatag ni SIDDHARTA GAUTAMA noong ika 6 na siglo
BCE. Siya ay nagmula sa isang maharlikang pamilya at isang prinsipe. Lumaki
siyang hindi nakaranas ng hirap o pagdurusa hanggang siya ay magkaroon ng
pamilya. Sa kabila nito, hindi ito naging ganap ang kaniyang kaligayahan. Noong
siya ay 29 taong gulang, napagtanto ni Siddharta na bahagi ng buhay ng tao ang
sakit, katandaan, at kamatayan. Ito a pagkakataon ng masaksihan niya ang buhay
sa labas ng palasyo. Bunsod nito, nagpasya siyang talikdan ang marangyang buhay
at iwan ang pamilya upang hanapin ang lunas na magwawakas sa kapighatian nng
tao. Isang gabi habang nagninilay sa lilim ng PUNONG BO, tuluyang nakamit ni
Siddharta ang kaliwanagan sa kung ano ang tunay na kahulugan ng buhay dahilan
upang tagurian siyang BUDDHA na nangangahulugang “ANG KALIWANAGAN”.
Ninais niya na maging asetiko upang danasan ang katotohanan ng buhay. Isinuko
niya ang karangyaan, luho at masarap na buhay, iniwan ang pamilya, at naglakbay
hanggang matuklasan ang kaliwanagan.
May dalawang paghahati ang Buddhismo. Ito ay ang Mahayana Buddhism at
Theravada Buddhism. Mahayana Buddhism – Kinilala bilang diyos si Buddha na
tagapagligtas mula sa guro. Niyakap ito ng mga taga Silangang Asya tulad ng China,
Korea, Japan at Vietnam sa Timog Silangang Asya.Theravada Buddhism - Kinikilala
si Buddha bilang guro at banal na tao. Kinilala ito ng mga bansa sa Sri Lanka,
Myanmar, Thailand, Laos at Cambodia.
Apat na Dakilang Katotohanan ng Buddhism (Four Noble Truths)
•
•
•
•
Ang buhay at pagdurusa ay hindi mapaghiwalay
Pagnanasa ang sanhi ng pagdurusa
Mawawala lamang ang pagdurusa kung aalisin ang pagnanasa
Maalis ang pagnanasa kung susunod sa walong landas at matatamo
ang tunay na kaligayahan o nirvana
WALONG DAKILANG DAAN
•
•
•
•
•
•
•
•
Tamang
Tamang
Tamang
Tamang
Tamang
Tamang
Tamang
Tamang
Pag-iisip
Aspirasyon
Pananaw
Intensyon
Pagsasalita
Pagkilos
Hanapbuhay
Pagkaunawa
Ang Dharmachakra ay kumakatawansa
Maharlikang Maka walong Landas
JAINISMO
Isa sa mga relihiyon sa India, ayon sa Veda ay ang
Jainismo na itinatag ni RSABHA, subalit ang pinaka naging
pinuno ng Jainismo ay VARDHAMANA.
Hindi tiyak ang
eksaktong kapanganakan niya ngunit sinasabi ng eksperto ay
nagtakda ng 540 BCE bilang kanyang kapanganakan. Nagmula
siya sa mataas na caste at ama niya si VARDHAMANA na isang
KSATRIYA at ina niya si REYNA TRISHALA Noong 30 taong
gulang siya ay tinalikuran niya ang lahat ng kaniyang
kayamanan at kapangyarihan at naging asetiko katulad ni
Ahimsa
Buddha at naging SADHANA o taong nagtakwil sa makamundong kaginhawaan. Sa
loob ng mahigit na 12 taon na pagninilay at pag-aayuno, nakamit niya ang KEVALA
o kaliwanagan. Kinilala siyang MAHAVIRA o nangangahulugang “DAKILANG
BAYANI”.
Mga Doktrina ng Jainismo
•
•
Ang bawat tao ay may layunin na makalaya
ang kaluluwa sa pagkabuhay , pagkamatay at
muling pagkabuhay. Ito ay siklo na dapat
maranasan nang lahat ng tao.
•
Bawal kumain ng karne at bawal ang pumatay
ng insekto kaya umiiwas sila sa pakikilahok sa
pagsasaka nang sa gayon ay hindi sila makapanakit
ng anumang nilalang. Dahil dito , ibinaling nila ang
kanilang kabuhayan sa larangan ng kalakalan.
•
Bawal magnakaw , bawal magsinungaling ,
bawal ang magkaroon ng ari-arian , at bawal
makipagtalik.
•
Ang karma ay isang buhay na bagay na
dumadaan sa katawan ng anumang bagay at buhay at naging pabigat
ito. Kailangan mapagtimpi at disiplinado.
Kailangan igalang ang lahat ng mga bagay na may buhay. Bawal ang
panankit sa anumang may buhay. Ito ay tinatawag na AHIMSA o
kawalan ng karanasan (non-violence). Ang AHIMSA ay mula sa salitang
Sanskrit na nangangahulugang “HINDI MAPANAKIT”.Binibigyang-diin
din ng Jainismo ang asetismo o pagpapakasakit at mahigpit na
penitensya upang mapaglaban ang kasakiman ng katawan.
SIKHISMO
Ang mga mananampalatayan ng Sikhismo ay matatagpuan sa India, Pakistan
at iba pang parte ng daigdig. Sikhismo ay itinatag ni BABA NANAK o GURU NANAK
sa INDIA. Isinilang noong 1469 sa TALVANDI na kasalukuyang saklaw ng Lahore,
Pakistan. Sa pamayanang ito siya lumaki at nakapag-asawa. Naging asetiko siya at
sa kanyang paglalakbay ay nilibot ang India at iba pang malalayong lugar. Sinikap
niyang pagbuklurin ang mga Muslim sa isang kapatiran. AKAL o “walang hanggan”
ang tawag sa diyos ng SIKH. Pinaniniwalaang ang kanilang diyos ay taga likha,
tagapagtaguyod at tagawasak. GURU GRANT SAHIH ang tawag sa banal na aklat ng
Sikhism. Sa sanskrit na GURU ay nangangahulugang “ang pagpanaog ng banal na
patnubay sa sangkatauhan sa pamamagitan ng sampung naliwanagang guru
(master)
Mga Paniniwala ng mga Sikhismo
May isang diyos walang hanggang katotohanan ang kaniyang pangalan. Hindi sila
naniniwala na maaring magkatawang tao ang diyos.
Sila ay naniniwala sa reinkarnasyon at sa pag-akyat ng mga kaluluwa mula sa
mababang antas pataas. Kailngan masagip ang mga tao kung hindi sila ay patuloy
na makaranas ng muli’t muling pagsilang.
Ang Nirvana ng mga Sikh ay makakamtan sa pagsama ng indibidwal sa kanyang
lumikha sa kabilang buhay.
Pag-iwas sa Limang Pangunahing Bisyo
Pagnanasang Sekswal
Galit
Kasakiman
Pagkamakamundo
Kahambugan
Khanda
MGA PAGSASANAY
Gawain Bilang 1: I-Check Mo. Lagyan ng markang
nagtuturo ng mga sumusunod na mga aral o doktrina.
1.
2.
3.
4.
5.
Aral / Doktrina
Kapag naliwanagan ang isang
tao makakamit niya ang Nirvana.
Dapat mamuhay ang tao ayon sa
Walong Landas ng Katotohanan.
Bawal manakit ng kapwa tao at
maging ng mga hayop.
Ang katawan ng tao ang
nagsisilbing
bilangguan
ng
kaluluwang hindi pa perpekto.
Ang tao ay dapat kumilos ayon
sa katayuan niya sa sistemang
Caste.
Hinduismo
ang hanay ng relihiyong
Buddhismo
Sikhismo
Jainismo
PAGLALAHAT
Magtala ng pagkakakilanlan sa mga sumusunod na relihiyon.
Hinduismo
Buddismo
Jainismo
Sikhismo
PAGPAPAHALAGA
Ikaw ba ay naniniwala sa KARMA? Ano ang iyong mga batayan sa iyong
paniniwala hinggil dito? Gamitin ang grapikong ilustrasyon upang maipaliwanag
ang iyong sagot.
ANYO
HALIMBAWA
KARMA
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Panuto: Tukuyin kung ano o sino ang inilalarawan ng mga sumusunod na
pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa guhit bago ang bilang.
____________________1. Paniniwala ng mga tao na may isang makapangyarihang
nilalang o puwersa na siyang pinakamataas at nagpapakilos sa lahat ng bagay sa
daigdig.
____________________2. Paniniwalang nag simula sa mga Aryan.
____________________3. Sikhismo ay pangunahing paniniwala na kanyang itinatag.
____________________4. Paniniwalang itinatag ni Siddharta Gautama.
____________________5. Naging pinuno ng paniniwalang Jainismo.
Paunang Pagsubok
1.
2.
3.
4.
5.
Balik – Aral
1. Demokrasya
2. Repormista
3. Mitsuhito
4. Komintang
5. Sun-Yat-Sen
Pagsasanay
Gawain 1
1.
2.
3.
4.
5.
Aral / Doktrina
Kapag naliwanagan ang isang tao makakamit niya
ang Nirvana.
Dapat mamuhay ang tao ayon sa Walong Landas
ng Katotohanan.
Bawal manakit ng kapwa tao at maging ng mga
hayop.
Ang katawan ng tao ang nagsisilbing bilangguan
ng kaluluwang hindi pa perpekto.
Ang tao ay dapat kumilos ayon sa katayuan niya
sa sistemang Caste.
Hinduismo
Buddhismo
Sikhismo
Jainismo
Panapos na Pagsusulit
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian
Blando, Rosemarie C. et al 2014.Yamang Tao sa Asya.Asya: Pagkakaisa sa Gitna
ng Pagkakaiba ph.155-160. Pasig City Department of Education
Augusto,
Fábio.
O
que
é
Religião?,
January
1,
http://historiainte.blogspot.com/2013/04/o-que-e-religiao.html.
1970.
July 5, 2015 · by Hickersonia · in Buddhism, 2015 · by Hickersonia · in
Contemplations May 22, 2015 · by Hickersonia · in Buddhism May 4, 2015 · by
Hickersonia · in Buddhism April 27, 2015 · by Hickersonia · in Challenges ·
Leave a comment April 21, 2015 · by Hickersonia · in Moment in Time · Leave a
comment April 20, 2015 · by Hickersonia · in Buddhism April 12, 2015 · by
Hickersonia · in Challenges · Leave a comment January 4, 2014 · by Hickersonia
· in Contemplations · Leave a comment December 31, and 2014 · by Hickersonia
· in Contemplations · Leave a comment December 15. Hickersonia. Accessed
September 1, 2020. https://hickersonia.wordpress.com/.
“Fundamental Concepts of Jainism.” Spiritual Ray, May
https://spiritualray.com/fundamental-concepts-of-jainism.
21,
2013.
“Khanda (Sikh Symbol).” Wikipedia. Wikimedia Foundation, February 1, 2020.
https://en.wikipedia.org/wiki/Khanda_(Sikh_symbol).
Download