EPEKTO NG DISTANCE LEARNING SA PAG-AARAL AT MENTAL HEALTH NG MGA ESTUDYANTE Dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ay naipatupad ang baong istilo ng pag-aaral ng sa bansa at ito ay ang online learning. Nagkaroon ito ng maraming epekto sa pang mentalidad na kalusugan ng mga estudyante at sumunod na naapektuhan ang kanilang pag-aaral. Nagkaroon ng pag-aaral na tumaas ang porsyeno ng mga estduyanteng nakararanas ng problema sa kanilang mental health at ito ay kailangang bigyang pansin at masolusyonan upang hindi na madagdagan pa. Sa pamamagitan ng isang survey ay malalaman kung gaano na nga ba tumaas ang mga kasong ito sa mga estudyante. Malalaman ng mananaliksik sa pag-aaral na ito ang iba`t-ibang mga salik at epekto ng mga ito sa mga estudyante. Gagamitin ang mga estudyanteng na sa 11 at 12 na baitang sa gagawing pag-aaral. Sila ang magsisilbing mga respondents na manggagaling naman sa STEM at HUMMS strands. Lumabas sa pag-aaral na karamihan sa mga respondents ay nakaranas ng iba`t-ibang epekto dulot ng distance learning. 98% sa mga estudyateng respondents ay sumagot ng Oo matapos tanungin kung nakaranas ba sila ng mga epekto ng distance learning sa kanilang pag-aaral o sa kanilang mentahal health. Kailangang mabigyang pansin ng gobyerno at mga kinauukulan ang mga problemang pangmental ng mga estudyante upang maiwasan ang iba`t- ibang mga epekto na maaaring maidulot pa nito. Tulungan natin ang bawat isa upang maiwasan ang ganitong mga karanasan sa panahon ng pandemya.