Mga Uri ng Tula Ang panulaang Pilipino ay isang larangang lubhang malawak kaya’t ang mga tulang sinulat ay mauuri batay sa iba’t ibang salik. S ALIG S A L AYUNIN Mapalarawan (Descriptive) — Naglalayong maglarawan ng pagbabago o pagkamuhi sa isang kalagayan, lunan, pangyayari o dili kaya’y gumuhit ng mga larawan ng kalikasang nakapaligid sa buhay ng tao. Mapagpanuto (Didactic) — Naglalayong magpanuto o mamatnubay, o kaya’y magturo o magpayo ng isang aral sa pamamagitan ng mga taludtod. Mapang-aliw (Amusive) — Naglalayong manlibang o umaliw sa mga bumabasa sa pamamagitan ng mga palaisipan, panunudyo at mga katatawanan. Mapangutya (Satiric) — Naglalayong kumutya sa mga bisyo at kahangalan ng tao, dili kaya’y naglalarawan sa mga iyon sa katawa-tawang kalagayan. S ALIG S A BIS A Madamdamin (emotional) — Ang tinutukoy ng isang madamdaming tula ay marangal na damdaming nakabalatay sa pagitan ng mga taludtod at naglalarawan sa paningin ng kaluluwa ng isang masining na kariktan. Mabulaybulay (reflective) — Ang tulang mabulay-bulay ay nag-aangkin din ng mga bahaging madamdamin subali’t ang damdaming ito’y matimpi at pigil sapagka’t umaalinsunod sa pagbulay-bulay ng isang bukas na isipan. Ano ang mga uri ng panulaan? What are the types of poetry? tulang liriko (padamdam) lyric poem (feeling) tulang epiko epic poem awit / kanta ballad dalit / himno (papuri sa Diyos) hymn (praising God) elihiya (tungkol sa kamatayan o kalungkutan) elegy (about death or melancholy) oda (paghanga o pagbibigay parangal) ode (admiration or honoring) soneta (binubuo ng 14 taludtod o linya) sonnet (consists of 14 lines) tulang pasalaysay (naratibo) narrative poem tulang padula dramatic poem tanaga haiku-like poem malayang taludturan free verse ANG PANDAY Kaputol na bakal na galing sa bundok. sa dila ng apoy kanyang pinalambot; sa isang pandaya'y matyagang pinukpok at pinagkahugis sa nasa ng loob. Walang ano-ano'y naging kagamitan, araro na pala ang bakal na iyan; Ang mga bukiri'y payapang binungkal, nang magtaniman na'y masayang tinamnan. Nguni't isang araw'y nagkaroon ng gulo at ang boong bayan ay bulkang sumubo, tanang mamamaya'y nagtayo ng hukbo pagka't may laban nang nag-aalimpuyo! Ang lumang araro'y pinagbagang muli atsaka pinanday nang nagdudumali, naging tabak namang tila humihingi, ng paghihiganti ng lahing sinawi! Kaputol na bakal na kislap ma'y wala, ang kahalagahan ay di matingkala, ginawang araro: pangbuhay ng madla ginawang sandata: pananggol ng bansa! Pagmasdan ang panday, nasa isang tabi, bakal na hindi man makapagmalaki; subali't sa kanyang kamay na marumi ay naryan ang buhay at pagsasarili! Ang "Ang Panday" ay uang nalathala sa aklat na Kayumanggi ng mayakda at sumunod sa antolohiya ni J.C. Laya na pinamagatan namang Diwang Kayumanggi. Ang tulang nabanggit ay may tatlong bersiyon, sa iba't-ibang dekada.