CHUMMOG, NORTON P. May 27, 2021 G-11/HUMMS GAWAIN 2. Basahin and dalawang halimbawang pangungusap at suriin kung alin ang nagtataglay ng kalinawan, kaugnayan, at bisa. PANGUNGUSAP 1: Ang pagbibigay ng pahayag ay hindi masyadong maintindihan dahil ito ay paligoy –ligoy at may mga salitang ginamit na ilan ay hindi tugma o angkop sa kontekstong naipahayag. Hindi magkakahanay ang mga naibigay na ideya sa pahayag kung kaya hindi magkakaugnay ang bawat pangungusap. At dahil sa hindi malinaw,walang pagkakaugnay ng mga ideya ay nagdudulot ng walang lakas o bisa ang nailahad na pahayag. PANGUNGUSAP 2: Ang pahayag ay malinaw at tama ang mga pagkakagamit ng mga nasabing salita kaya naman madaling maintindihan ang ipinapahiwatig sa mga mambabasa. Ang pagpapahayag ay may kaugnayan dahil mahusay ang pagkakahanay at organisado and mga ideya o pangyayari sa pahayag. Malinaw at maikli, may kaugnayan ang pagpapahayag, at mabisa dahil may taglay na bigat ang mga nilalaman sa bawat pangungusap.