Uploaded by Nikki Rose C'zare A. Abalos

DEMAND-LETTER

advertisement
DEMAND LETTER
Abril 27, 2021
Joselle Mira R. Fabricante
Post Sales Service Assistant
AFTER SALES QUALITY DEPARTMENT
NEW SAN JOSE REAL ESATE
2F Victoria Towers, Panay Avenue corner Timog Avenue
Barangay Paligsahan, Quezon City, 1128, Metro Manila
Dear Madam:
Sumulat ako sa inyo upang pormal na hilingin sa inyo na maisauli o mapabalik sa akin ang mga
naibayad ko o refund para sa condominium uniy na matatagpuan sa Isabelle de Valenzuela B
(IDV B-727). Nagbigay na kayo nang naunang kwenta kung magkano ang pera na dapat
mapabalik sa akin at ito ay nagkakahalaga ng P 116, 268.62. Ang naturang kwenta ng
mapapabalik sa aking pera ay na aapprovan nung September 17, 2018.
Sa loob ng halos tatlo na taon na pinangakuan lamang ninyo ako na maibibigay na sa akin ang
refund, ako ay inyong bibigyan ng 3 tseke na nagkakahalaga ng P 38, 756.20 bawat isa subalit
hanggang ngayon ay puro pangako lamang ang natatanggap ko sa inyo.
Dahil po dito ay malugod kong hinihiling na maibigay ninyo sa akin ang refund ng nasabing
condomium unit sa loob ng labinlimang araw mula sa pagkatanggap ng sulat na ito upang hindi
na umabot na magsampa ako ng reklamo sa HLURB o sa Hukuman para lamang mapilit kayo
na ibigay sa kanya ang nasabing titulo.
Na umaasa ako na tutugunan ninyo ang sulat kong ito.
Sanay po ay pahalagahan ninyo ang sulat kong ito para sa madaliang kaayusan ng mga bagay
na ito.
Gumagalang,
Amado S. Abalos
DEMAND LETTER
Setyembre 1, 2020
_____________________________
Yellow Home St., Villa Lorena,
Balagtas, Batangas City
Dear Mrs. _____________:
Nais ko pong ipabatid at ipaalala sa inyo na ang aming investment sa inyo na
nakakahalaga ng P500,000.00 (4 na bigay) na ipinagkatiwala ko sa inyo dahil na rin sa
matatamis ninyong salita at pangako na magkakaroon ito ng interest ng 5% kada
buwan ang kung hindi ninyo maiibigay ang nasabing interest ay ibabalik ninyo sa akin
ng buo ang nasabing P500,000.00 .
Na noon lamang una na anim (6) na nakpagbigay ka ng interest subalit pagkatapos
noon ay wala ka ng naibigay sa akin hanggang sa ngayon at kahit ang nasabing
principal ay aking kinukuha sa iyo ay hindi mo na din naibalik sa akin.
Na ang masakit pa nito ay binigyan mo ako ng anim (6) na checke na may kabuang
halaga na P500,000.00 subalit hindi ito tanggapin sapagkat tuwing aalamin ang records
mo ay sarado o closed account ang iyong account sa bangko.
Maliwanag na ang iyong pangako na tubo pati na ang aking investment ay parang
bulang nawala gayon din po di ko na kayo makausap matapos ang ating pulong sa
barangay at lalong hindi nyo na ibinalik sa akin ang aking pera na isang malinaw na
panloloko nyo sa akin at ito ay labag sa batas na may kasong ESTAFA.
Dahil po dito kayo ay binibigyan ko ng palugit na sampung (10) araw mula sa
pagkatanggap ninyo ng sulat kong ito upang ibalik sa akin ang halagang P500,000.00
pati na ang kaukulang interes na 6% kada taon na dadalhin ninyo sa aming tahanan sa
Mataas na Lupa, San Pascual, Batangas;
Na kung hindi ninyo bibigyan ng pansin ang sulat kong ito ay mapipilitan akong
dumulog sa hukuman at magsampa ng kaukulang demanda sa korte laban sa iyo.
Sanay po ay pahalagahan ninyo ang sulat kong ito para sa madaliang kaayusan ng
mga bagay na ito.
Gumagalang,
___________________________________
Mataas na Lupa, San Pascual,
Batangas
Download