Holy Child Educational Center, Inc. San Jose, Iriga City BASIC EDUCATION DEPARTMENT GUIDELINES FOR PERFORMANCE TASK IN FILIPINO 8 LAYUNIN : Ang mga mag-aaral ay nakapagbibigay ng sariling paghusga sa napanood na Balagtasan. GAMPANIN: Sa buong gawain, ikaw ay isang kilalang hurado. MADLA : Ang iyong madla ay mga mag-aaral na lumahok sa isinagawang Balagtasan. SITWASYON: Isang sikat na paaralan ang nagsagawa ng paligsahan sa Balagtasan. Isa ka sa napiling hurado para bigyan ng linaw o interpretasyon ang mga binitawang pahayag ng bawat mambabalagtas, at upang ipaalam sa madla kung sino ang may maayos na pagganap sa kanilang pinapanigan. PRODUKTO: Ang mga mag-aaral ay nakapagbigay ng sariling paghusga sa Balagtasan. MGA GABAY: 1. Mangalap sa internet ng isang video na nagsagawa ng Balagtasan na maari mong panoorin at bigyan nang maayos na paghusga. 2. Gawing gabay ang ibinigay na halimbawa sa ibaba. PAKSANG PAGTATALUNAN: “Alin ang Dapat Gamitin: Wikang Banyaga o Sariling wika” LINK NG VIDEO: https://www.youtube.com/watch?v=5FY0WCmPYY8 KATWIRANG INILAHAD MAMBABALAGTAS NG SARILING WIKA MAMBABALAGATAS NG WIKANG BANYAGA Unang Panindigan Ipinadama sa katunggali na may mabuting pag-uugali ang mga Pilipino na ibinigay sa unang tindig ng katunggali, upang madam ana mabuti ang hangarin sa pagtatalo. Maayos na tinanggap ang hamon at pagpaparaya ng katunggali, at sinabing hindi mang-aagaw ang wikang banyaga, kundi ang hangad ay magkaunawaan. Ikalawang Panindigan Ikatlong Panindigan Ikaapat na Panindigan 3. 3. Gawin ang pagsusuring ito gamit ang Microsoft word sa 1 -2 mahabang bond paper. PARAAN NG PAGSUMITE : 1. Ipasa ang ginawang pagsusuri sa folder na may pamagat na: “2ND TERM PTA” sa schoology. 2. Sa mga mag-aaral na unstable ang internet connection, maaaring ipasa ang ginawang pagsusuri sa messenger. Ang sumusunod na pamantayan ay magiging gabay ng guro sa pagmamarka PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA: KRAYTIRYA PUNTOS 1. Gramatika 5 puntos 2. Nilalaman 20 puntos 3. Pagkakasunod-sunod at Pagkakaayos 10 puntos 4. Pagbibigay linaw sa bawat hatol 10 puntos KABUUAN 50 puntos DEADLINE OF SUBMISSION: February 9-10, 2021 Inihanda ni : BB. KASSANDRA MIKAELA D. SABULARSE Guro, Filipino 8