Makabagong Pagsubok sa Pag-aaral: Epekto ng Blended Learning sa mga Ika-12 na Baitang Mag-aaral ng University Laboratory School-University of Southern Mindanao Collado, Kurt Adren B. Camanto, Arifeh Osama C. Isang Papel Pampananaliksik na Iniharap sa Kaguruan ng Senior High School sa University Laboratory School-University of Southern Mindanao Bilang Bahagyang Pagpapatupad sa mga Pangangailangan ng Asignaturang Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan Nobyembre 2020 Panimula Ang online ay isang plataporma ng pag-aaral kung saan ay idinadaos sa pamamagitan ng paggamit sa internet, at ang estudyante ay di na kinakailangang lumabas pa ng bahay upang magtungo nang personal sa klase at makaharap ang guro at mga kamag-aral. Nang magkaroon ng lockdown sa mga bansang apektado ng COVID19 Crisis, nakapagpatuloy pa rin ang mga estudyante mula elementarya hanggang kolehiyo sa kanilang pag-aaral gamit ang computer o smart phones. Bagama’t iba parin ang pakiramdam ng isang silid-aralan na kung saan ay may personal na interaksyon sa pagitan ng mga guro at mga estudyante. Mas napapadali ang pagkatuto ng mga estudyante sa loob ng silid-aralan dahil merong gurong at merong gumagabay kung ang isang estudyante ay nahihirapan sa isang paksa. Hindi katulad ng online class, modular learning at blended learning ay hindi gaano nabibigyan ng pansin ang mga kahirapan sa pagintindi ng mga itinuturo ng mga guro o ang mga nababasa sa mga module. Maganda ang hakbang na pagpaptupad ng online, modular, at blended learning. Subalit, kung tutuusin, maraming mag-aaral ang nahihirapan sa ganiton istilo ng pagkatuto. Isa sa mga nagiging problema ngayon ay ang mahinang internet connection. Ang internet ay isang importanteng bagay sa online class dahil ito ang kailangan upang makapasa ng mga aktibidad at mga takdang aralin, makasali sa online class ng iyong guro, makapag-download ng mga instruksyunal na mga kagamitan o video, etc.. Layunin ng Pag-aaral Ang mga sumusunod ay ang layunin ng pag-aaral: 1. Malaman ang mga pagsubok sa Blended Learning na kinakaharap ng mga Ika12 na Baitang Mag-aaral ng University Laboratory School-University of Southern Mindanao. 2. Malaman ang mga nagiging epekto nito sa araw-araw nilang pamumuhay. 3. Magawan ng solusyon ang mga problema na kinakaharap ng institusyon at mag-aaral na ipinatupad na Blended learning. Kahalagahan ng Pag-aaral Isang hakbang ito upang malaman at mas maintindihan kung ano man ang mga problema na kinakaharap ng mga mag-aaral. Magbibigay din ito ng benepisyo sa mga sumusunod: Administrasyon Ang pananaliksik na ito ay makakapagbigay kaalaman sa administrasyon sa mga problema na kinakaharap ng mga estudyante. Makakatulong din ito upang magawan ng solusyon ang mga problema o kahinaan sa pagkakaroon ng Blended Learning sa isang paaralan o institusyon. Mag-aaral Ang pananaliksik na ito ay makakatulong na madaling maunawaan ang mga hinaing ng mga estudyante at magkaroon ito ng maayos na ugnayan sa mga guro at estudyante. Saklaw at Delimitasyon Sinaklaw ng pag-aaral na ito ang pagtukoy ng mga epekto ng blended learning na isa sa mga bagong porma ng edukasyon sa mga mag-aaral ng University Laboratory School-University of Southern Mindanao. Ang pag-aaral na ito ay limitado lamang sa mga ika-12 na baitang mag-aaral nga University Laboratory School-University of Southern Mindanao. Teoritikal na Balangkas Ang pananaliksik na ito ay konektado at nakabatay sa teoryang Online learning through technology. Ang teoryang Online learning through technology ay binubuo ng konseptotungkol sa interaksyon ng mga mag aaral pagdating sa pamamaraan ngmakabagong edukasyon sa ngayo. Nakapaloob dto ang isang site na kung saanmay interaksyon ang guro pati na rin a ng estudayante. Ang teoryang online learning through technology ni Redmond M. De Vera, Suzanne Ann Rosales, at Jeremiah Villanue&a ay tungkol sa modernong paggamit ng teknolohiya sa edukasyon. Ang teoryang ito ay nagpapaliwanagkung paano ang teknolohiya naapektuhan ang edukasyon. Depinisyon ng mga Terminolohiya Para sa maliwanag na pagkakaunawa sa pag-aaral na ito, ang mga sumusunod na salita ay binigyang kahulugan. Online learning. Ito ay gumagamit ng teknolohiya na mag-uugnay at maghaharap sa dalawa sa pagsasalin ng karunungan at kasanayan, at sa tagisan at palitan ng kuro-kuro. (https://archive.journal.com.ph/editorial/opinion/online-learning-sanew-normal-ng-edukasyon) Blended Learning. Ang blended learning approach ay kahit anong education strategy na pinaghahalo ang mga digital at traditional na paraan ng pagtuturo. Ibig sabihin, magkahalo ang mga online activities, webinars, at modules para turuan ang mga mag-aaral.( https://www.smartparenting.com.ph/parenting/preschooler/masmaganda-nga-ba-ano-ang-blended-learning-approach-at-paano-ito-gawin-a0030720200920) Kabanata II KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA Naglalaman ang kabanatang ito ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral upang mailahad ang pagkakatulad ng mga ito sa gagawing pag- aaral. Sa layuning maihanda ang sarili sa pag-aaral na isasagawa, ang mga mananaliksik ay babasa ng iba’t-ibang aklat, mga artikulo na may kaugnayan sa pag-aaral na napili. Tutunghay rin ang mga mananaliksik ng ibang babasahin inaasahang makakatulong sa pananaliksik na gagawin. Nakasaad din dito ang mga may-akda at pahayagan na pinagkunan ng mga impormasyong nakalahad. Banyagang Literatura at Pag-aaral E-learning at katangian ng mag-aaral Maliwanag mula sa mga nakaraang pananaliksik na ang mga katangian ng mga mag-aaral ay may makabuluhang epekto sa pagtanggap ng E-learning (Al-Busaidi, 2012; Selim, 2007; Sun et al, 2008.). Ayon kay Al-Busaidi (2012), ang mga kadahilanan na tulad ng pagkabalisa ng mag-aaral sa paggamit ng computer o learner computer anxiety, karanasang panteknolohiya, at makabagong pansariling paggamit ng bagong teknolohiya ay may makabuluhang epekto sa pang-unawa ng mga mag aaral tungkol sa paggamit ng LMS. Sapagkat kumportable ang mag-aaral sa paggamit ng computer at may karanasan sa paggamit ng teknolohiya kaya nagiging madaling tanggapin ang LMS (Al-Busaidi, 2012; Selim, 2007). Gayunman, Ipinapakita rin ng pananaliksik na ang pagkabalisa ng mga estudyante sa paggamit ng tecknolohiya ng E-learning ay maaaring maging hadlang sa kanilang kasiyahan (Lin et al, 2008; Selim, 2007; AlBusaidi, 2012). Ito ay nangangahulugan na kinakailangan ng suporta ng mag-aaral upang mabuo ang kanilang tiwala sa paggamit ng LMS sa E-learning (Lin et al, 2008; Al- Busaidi, 2012). Binigyang konklusyon ni Al-Busaidi (2012) na ang higit pang karanasan ng mga mag-aaral sa teknolohiya ang makatulong upang maging madali ang paggamit ng IT sa edukasyon. Sa madaling salita, ang pangmatagalang paggamit ng IT ay nakakaapekto sa pang-unawa upang mapatunayang ito ay kapaki-pakinabang (AlBusaidi, 2012). E-learning at ang katangiang sosyal Bilang karagdagan, ang impluwensiya ng tagapagturo ay ipinahayag bilang isang makabuluhang tagapagpahiwatig ng E-learning sa pagtanggap ng mag-aaral (AlBusaidi, 2012; Selim, 2007; Sun et al, 2008.). Higit pa rito, ang saloobin ng tagapagturo at ang kanilang pagkontrol sa LMS ay posibleng dahilan ng hindi paggamit ng ng estudyante nito. (Al-Busaidi, 2012; Sun et al, 2008). Ayon kina Sun et al. (2008), ang tagapagturo na hindi masigasig o mayroong negatibong pagtingin sa E-learning ang malamang na dahilan sa kabawasan ang kasiyahan at motibasyon ng mag-aaral. Ito ay nagmumungkahi sa institusyong pang-edukasyon na kailangan matiyak na ang tagapagturo ay ganap na ang kaalaman sa paggamit ng LMS (Al-Busaidi, 2012). Isa pang kadahilanan na nabanggit sa kaugnay na literatura ay ang impluwensiya mula sa mga kamag-aaral (Al-Busaidi, 2012). Ang mga katangian ng Learning Management System Karagdagan sa katangian ng mag-aaral at mga impluwensyang panlipunan, ang kalidad ng sistema at impormasyon ay may natatanging epekto sa pagkahilig ng mga mag-aaral sa LMS (Al-Busaidi, 2012; Eom, 2012). Ang kalidad ng sistema ay mga katangian na maaaring masukat, tumutugon sa panahon, mapagkakatiwalaan, flexible, madaling gamitin, madaling ma-access, organisado ang disenyo at naaangkop sa personalidad ng gumagamit. (Al-Busaidi, 2012; Ozkan & Koseler, 2009; Selim, 2007). Ang information quality o kalidad ng impormasyon ay nangangahulugang nahuhinuha ng mga mag-aaral ang kalalabasang produkto ng sistema. (Al-Busaidi, 2012). Ang kalidad ng impromasyon ay kinabibilangan ng time table ng paaralan, kagamitang pampagtuturo, at talakayan sa forum, kung saan ang lahat ng ito ay kailangang isinaayos nang mabuti upang matiyak ang kasiyahan ng mag-aaral. (Sun et al., 2008). Ayon kay Ozkan at Koseler (2009), nais ng mga mag-aaral na ang nilalaman ay napapanahon, organisado, malinaw ang presentasyon, interaktibo at mapakikinabangan. Halimbawa, ang mga natatanging anunsyo na isinagawa sa takdang panahon ay nagdudulot ang kasiyahan at kaginhawahan sa mga mag-aaral at hahantong sa mas mataas na proporsyon ng kasiyahang-loob (Ozkan & Koseler, 2009). Kaugnay sa mga mungkahi ng ibang pananaliksik, ang pagtanggap sa E-learning ng mga mag-aaral ay makabuluhan (Al-Busaidi, 2012; Selim, 2007). Kaugnay nito, minungkahi ni Al-Busaidi (2012) ang mahusay na pagsasanay sa mga mag-aaral sa paggamit ng LMS ay kritikal, upang maunawaang mabuti ang sistema. Ang argumento ni Garcia-Peñalvo et al. (2011) na ang learning management systems ay malimit na bigo sa paglikha ng inaasahang resulta ay nag-uugat sa maling pagkakagamit ng LMS, at madalas na ito ay nakatuon sa pangangailangan ng institusyon at ng kurso sa halip na sa mga mag-aaral. Minumungkahi ng pananaliksik na ito na upang maisaaayos ang bahagi ng masalimuot na suliranin, ang learning management system ay kailangang maging bukas sa pagbubuo at pagsuporta sa iba pang sistema. (Garcia-Peñalvo et al., 2011). Ibig sabihin na ang LMS ay isang kalidad na sistema na kailangang mapagbuti upang makapagbigay ng ninanais na resulta. Sa pamamagitan ng Erin Imon Gavin, mayroong bagong layunin at mga istratehiya para sa edukasyon ang McKnight Foundation. Layunin ng Programa, ay upang maihanda ang mga estudyante ng Minnesota upang magtagumpay sa isang lalong pandaigdigang lipunan sa pamamagitan ng pamumuhunan sa mga tagapagturo, pagbibigay kapangyarihan sa mga pamilya, at pakikipagtalik sa kabataan. Ang layuning ito ay nagtataguyod ng pang-edukasyon na equity at sumasaklaw sa parehong negosyo at civic case para matiyak na magtagumpay ang mga estudyante sa Minnesota. Gusto naming lumabas ang mga bata mula sa aming mga sistema ng paaralan na handa upang umunlad sa isang mapagkumpetensyang, globalisadong ekonomiya at upang magbigay ng makabuluhan sa panlipunan tela ng aming buhay sa sibiko. Istratehiya sa Programa, upang makamit ang layuning ito, ang McKnight ay: Gumawa ng mga pipelines ng mabisang tagapagturo sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga makabagong pagsisikap upang maghanda, mag-recruit, at mapanatili ang mataas na kalidad, magkakaibang talento para sa mga paaralan sa Minnesota. Magbigay ng kapangyarihan sa mga pamilya bilang ang pinaka-kapani-paniwala na konstitusyon para sa pagbabago ng mga sistema ng edukasyon sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga pamilya sa pagtataguyod para sa pinahusay na mga patakaran ng paaralan, distrito, at mga kasanayan. Lokal na Literatura at Pag-aaral Ang pag-aaral ng mga kabataan sa New Normal Sa artikulo na “Online Class, ang bagong normal na pag-aaral ng mga kabataan” ni Dittz Centeno-De Jesus (2020), Ang ONLINE CLASS ay isang plataporma ng pagaaral kung saan ay idinadaos sa pamamagitan ng paggamit sa internet, at ang estudyante ay di na kinakailangang lumabas pa ng bahay upang magtungo nang personal sa klase at makaharap ang guro at mga kamag-aral. Nang magkaroon ng lockdown sa mga bansang apektado ng COVID19 Crisis, nakapagpatuloy pa rin ang mga estudyante mula elementarya hanggang kolehiyo sa kanilang pag-aaral gamit ang computer. Sa Italya, sa kabila ng lockdown noon, ay nakapagdaos ng klase ang mga guro sa itinakda nilang araw at oras, at nakatulong ang mga magulang dahil sila man ay nasa bahay lang noon at di nakapagtrabaho o kaya naman ay work-at-home din kaya may panahong sapat para gabayan ang kanilang mga anak. Nang magkaroon ng lockdown sa mga bansang apektado ng COVID19 Crisis, nakapagpatuloy pa rin ang mga estudyante mula elementarya hanggang kolehiyo sa kanilang pag-aaral gamit ang computer. Sa Italya, sa kabila ng lockdown noon, ay nakapagdaos ng klase ang mga guro sa itinakda nilang araw at oras, at nakatulong ang mga magulang dahil sila man ay nasa bahay lang noon at di nakapagtrabaho o kaya naman ay work-at-home din kaya may panahong sapat para gabayan ang kanilang mga anak. Ayon naman kay Grace Ramos, ang dalawa nilang anak na si Charles and JD na nasa Superiore at Liceo noong panahon ng lockdown, ay sanay na sa paglalaan ng sapat na oras sa kanilang pag-aaral. Gumigising sila nang maaga upang ihanda ang sarili sa pagre-review para sa verifica at interrogazione. Di rin naman sila stressed na mag-asawa dahil parehong may inisyatiba ang kanilang mga anak. Kaya naman di nila iniistorbo ang mga ito kapag nasa study area ng kanilang kuwarto. Para kay Grace na dating guro sa Pilipinas, di gaanong epektibo ang online class lalo at may mga pagkakataon na humihina ang internet connection. At iba pa rin ang personal na interaksiyon sa pagitan ng guro at mga mag-aaral at ang pagkakaroon ng aktibidad na magkakasama ang magkakaklase. Ayon naman kay Alyzza Guevarra, estudyante ng Linguistico ng Liceo , sa Roma, naglaan siya ng apat na oras sa pag-aaral sa online mula Lunes hanggang Biyernes at dalawang oras naman sa araw ng Sabado. Bagama’t nakatulong ang online class, nahirapan din naman siya sa dami ng ibinigay na homework ng kanilang guro. Kailangan lang talaga ng pokus upang hindi siya mainip at maitutok ang konsentrasyon sa mga aralin. Bagama’t ang paaralan ay isang plataporma kung saan ang mga bata ay napapaunlad ang mga kasanayan hindi lamang sa akademiko kundi pati sa pakikisalamuha at pagsasagawa ng mga extra-curricular activities, ang pag-aaral sa pamamagitan ng online class ay dapat mapalalim pa sa pamamagitan ng mga research at pagbabasa ng iba pang reference books or e-books. Dapat ding isaalang-alang ang isang tahimik na puwesto sa tahanan upang magkaroon ng motibasyon at konsentrasyon habang may online class. Kailangan din laging paalalahanan ang mga kabataan na magkaroon ng maayos na daily habits, pagkain ng masustansiyang pagkain, tamang oras ng paglilibang o paglalaro at pakikipag-bonding sa magulang at kapatid. Sa nalalapit na pasukan, maging sa Pilipinas o ibang bahagi ng mundo, isang hamon ito sa gobyerno, sa departamento ng edukasyon, sa mga guro at mga magulang , kung paano ba matutugunan ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral. Dahil sa gitna ng krisis na dulot ng pandemya, mahalaga ang pagkakaroon ng suporta sa mga materyal na gamit, sa koneksiyon sa internet, sa pagdisiplina sa mga estudyante para sa bagong daily routine nila at mas tutok na pagsubaybay sa kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng ONLINE class. KABANATA III METODOLOHIYA Ang kabanatang ito ay naglalaman ng diseniyo ng pananaliksik, mga respondante, instrumentong ginamit sa pananaliksik at ang tritment ng mga datos. Disenyo ng Pananaliksik Ang pag-aaral na ito ay alamin ang epekto ng Blended Learning sa Ika-12 na baiting ng mga mag aaral ng University Laboratory School- University of Southern Mindanao sa taong 2019-2020. Deskriptibong metodolohiya ang ginamit upang malaman ang epekto ng Blended Learning. Mga Respondante Ang mga respondanteng napili sa pananaliksik na ito ay ang mga estudyante sa Ika-12 baitang sa University Laboratory School- University of Southern Mindanao. Instrumentong Pananaliksik Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ngunit ang napili ng mananliksik na gamitin ang Descriptive Survey Research Design, na gumagamit ng talatanungan (survey questionnaire) para makalikon ng mga datos upang malaman ang epekto ng Blended Learning sa mga Ika-12 baitang na estudyante sa paaralan ng University Laboratory School- University of Southern Mindanao sa taong 2019-2020. Tritment ng mga datos Dahil ang ginamit ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay ang pansariling gawang palatanungang papel (self-made questionnaire) sa pagsasagawa ng pag-aaral ay walang ginawang pagsusuri sa mga datos sa pamamagitan ng komplikado at matataas na istatistika. Tanging pagtally at pagkuha ng porsyento lamang ang kinailangan ng mga mananaliksik.