II. Konteksto Isa sa mga laganap na problema na kinakaharap ng mga mamamayan ngayon ay ang problema sa basura. Klase-klaseng basura ang nagkalat sa buong pilipinas, mapa plastik man o iba pa. Ito ang mga ginagamit natin sa pangaraw-araw na gawain, at hindi natin maipagkakaila na may mga tao talagang hindi marunong mag-alaga ng kalikasan. Kung tutuusin, talagang nakababahala na ang epekto ng mga ito sa kapaligiran at sa kabuhayan ng bawat Pilipino. Ayon sa isang pag-aaral, na nabanggit ni De Leon (n.d), sinasabing ang Pilipinas ang isa sa world’s top three contributors ng polusyon sa plastik. Sa pag-aaral ng isang environmentalists, ang basurang nakukuha sa mundo ay umaabot sa 48 milyong shopping bags na kung pagsasamahin ay ito ay higit kumulang 17 bilyon sa loob ng isang taon. Hindi pa kasali ang mga maliit at mga maninipis na transparent plastic. Sa bilang na ito, klase-klaseng basura ang makikita. Isa sa karamihan ay ang mga bote at lata. Iba’t ibang uri ng bote at lata ang tiyak na nag-aambag sa polusyong dinadanas ng mga tao. Pet bottles, bote ng alak o iba pang inumin, bote ng gamut, pati narin lata ng gatas, lata ng mga pagkain at iba pang bagay. Maraming epekto ang maidudulot ng mga sanhing ito;dahil sa maling pagtapon ng mga basura, maraming ang nagkalat lalong-lalo na sa katubigan. Ayon kay Jabril (2019) mula sa organisasyong Fair Planet, pangatlo ang mga bote sa mga basurang nagbibigay polusyon sa karagatan. Ang bilang ng bote ay hihigit sa 20,000 kada segundo na inaasahang dadaloy sa karagatan. Ayon sa pag-aaral, mahigit kumulang 1, 065, 071 na bote ang kumpirmadong natagpuan sa pagsagawa nila ng ocean clean-up. Gayundin, ayon sa isang research ng Ellen MacArthur Foundation, sa panahong 2050, mas magiging marami pa raw ang bilang ng mga basura kesa sa mga isda. Maliban sa bote, isa rin ang lata sa mga klase ng basurang natatagpuan sa karagatan. Hihigit sa 339, 875 na lata ang natagpuan sa ocean floor. Kung ang mga problemang ito ay tuluyan nang mangibabaw sating kapaligiran at hindi na ito maagapan, ang mga sumusunod ay ang mga epekto: ito ay nagdudulot ng masama sa marine life. Ito rin ay maaring maging dahilan sa pagbaha sapagkat ang mga basurang ito ay maaaring magbara sa mga drainage. Ito rin ay makasasama sa kalusugan ng tao, lalo na kapag ang mga plastik na bote at lata ay sinunog. Maari ito maka produce ng masamang kemikal na hindi makabubuti satin. Ito rin ay may epekto sa klima ng bansa, kung kaya’t hindi na natin maipagkakaila kung bakit laganap ngayon ang iba’t-ibang klase ng trahedya. May iba’t ibang solusyon naipatatag ang mga tao sa suliraning ito. Ang plastic bottle recycling machine ay laganap sa bansa ng United Kingdom. Ayon kay Furseth (2019), naging epektibo ang plastic bottle recycling machine sapagkat ito ay nag hihikayat sa mga taong mag recycle kapalit ng discount sa mga bilihin. Ang mga makinang ito ay karaniwang natatagpuan sa mga supermarket sa United Kingdom, at napatunayang may 98% na return rate sa mga bote. Sa pamamagitan nito, unti-unti nilang naaagapan ang pagkalat ng boteng plastik sa kanilang lugar. Ang proyektong ito ay nakapagrecycle ng 43% sa 13 bilyon na boteng plastik sa isang taon. Ang pagtatag ng proyektong ito ang nag hikayat sa mga miyembro ng aming grupo na isagawa ang ganitong klaseng panukalang proyekto na naglalayong makatulong sa mga mamamayan ng bansa. Gayunpaman, ang panukalang proyektong aming gagawin ay hindi lamang nakapokus sa plastic bottles, pati narin ang iba pang klase ng bote, at saka mga lata. REFERENCE: Furseth, J. (2019). Plastic Bottle Recycling Machines. Nakuha mula sa https://www.vice.com/en_uk/article/9kem9e/plastic-bottle-reverse-vending-machinesrecycling EU Reporter (2018). #Plastic sa karagatan: Ang mga katotohanan, mga epekto at bagong panuntunan ng EU. Nakuha mula sa https://tl.eureporter.co/frontpage/2018/10/30/plastic-in-the-ocean-thefacts-effects-and-new-eu-rules/ Jabril, S. (2019). The top 10 items that are polluting our oceans. Nakuha mula sa https://www.fairplanet.org/story/the-top-10-items-that-are-polluting-our-oceans/ Moore, C. (2020). Plastic pollution. Nakuha mula sa https://www.britannica.com/science/plasticpollution Balanag, F.P. (2014). Huwag na maging “Plastik” sa plastic. Nakuha mula sa http://katwirangpagmamalasakit-yamangtubig.blogspot.com/2014/08/huwag-na-magingplastik-sa-plastik.html De Leon, N. R. (n.d). Plastic pollution labis nang nakaaapekto sa kapaligiran. Nakuha mula sa http://saksingayon.com/opinyon/plastic-pollution-labis-nang-nakaaapekto-sa-kapaligiran/