Uploaded by Nicole Gumolon

FINALS FIL MODULE

advertisement
PANITIKANG POPULAR
Panimula
Ang panitikang popular, batay sa pag-iral ng kahulugan at katuturan nito, ay ang makabago at napapanahong anyo ng panitikan na
nagiging salamin ng kasalukuyang pamumuhay ng lipunan. Kabilang sa katangian ng panitikang popular ay ang pagsunod sa agos ng
panahon at pagkakaroon ng malayang sining. Ang ilan sa mga halimbawa ng panitikang popular ay pelikula, komiks at radyo. Kaugnay nito,
ang karagdagang detalye tungkol sa kung ano ang panitikang popular ay narito.
Ayon kay Campomanes sa kaniyang papel-pananaliksik na Ang Panitikang Popular at Pagtuturo Nito (2009), ang mga kongkretong
pamamaraan at nilalaman ng pagtuturo ng panitikan o kulturang popular (practical pedagogy of popular literature/culture), o anupamang
paksain at materyal, ay binubuo ng mga personal at kanya-kanyang stratehiya, katig, at ideya na mahirap ipangalandakang wasto para sa
lahat at dapat tularan ng nakararami.
Ayon naman kay Almario (2013), sipi kay Gonzales (mula sa introduksiyon ng aklat na Mga Lektura sa Panitikang Popular), “Ang
gawaing paglilinang ng ating mga katutubong wika ay nakaakit sa akin nang gayon na lamang, sapagkat ito’y nagbibigay ng pag-asang
mapapag-isa ang damdamin ng ating bayan. Ang mga kaugaliang hinubog natin sa kabataan ay sadyang mahirap mabago, kayâ ba’t sa
aki’y taimtim na nagbibigay-isip ang kung alin ang mabuting kaparaanang maisagawa natin sa paglinang ng isang halo-halong wikang
Pilipino, sa pagkakilálang ang lahat at bawat isa sa atin ay inaruga at pinalaki sa ayam ng ating di mabilang na mga wikain. Dapat nating
mataho na ang unang hakbang sa ikalulutas ng isang suliranin ay ang pagkilála sa mga sagabal na kailangang maligtasan, kayâ nararapat
na ang mga salin ng taong magsisisunod ay magkaroon ng katapangan at pagpapakasakit na sapat makabago sa kinamihasnang ugali at
makalikha ng isang salitang Pilipino na buhat sa inang wika.”
II. Ang Panitikang Popular sa Espasyo ng Midya
Ang panitikang popular ay may malaking kaugnayan sa kulturang popular na ang mga bagay ay pawang gumagamit ng mga bagong
kasangkapan, imahe, diwa, at iba pang kaugnay na paksa, upang maitanghal ang isang uri ng kulturang kakaiba sa dating nakagisnan ng
mga Pilipino.
Sa pakahulugan naman ng Encyclopedia, ang paghahatid ng mga impormasyon sa mamamayan sa pamamagitan ng radyo at
telebisyon ay maituturing na broadcast media. Mula noon hanggang sa kasalukuyan, hindi maitatangging malaki ang papel na
ginagampanan nito sa lipunang ating ginagalawan.
Ang komentaryong panradyo (na isa sa mga panitikang popular) ayon kay Botkinp-Levy, ay ang pagbibigay ng oportunidad sa
kabataan na maipahayag ang kanilang mga opinyon at saloobin kaugnay sa isang napapanahong isyu, o sa isang isyung kanilang napiling
talakayan at pagtuunan ng pansin. Ang pagbibigayopinyon ayon kay Levy ay makatutulong nang malaki upang ang kabataan ay higit na
maging epektibong tagapagsalita. Ayon pa rin sa kaniya, ang unang hakbang upang makagawa ng isang mahusay at epektibong
komentaryong panradyo ay ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa pagsulat ng isang sanaysay na naglalahad ng opinyon o
pananaw.
Anu-ano ang mga halimbawa ng panitikang popular?
Ang ilan sa mga halimbawa ng panitikang popular ay mga pelikula, komiks, radyo, animasyon, korean novels, at iba pa.
III. Panitikan sa panahon ng Internet
Ayon kay Santos (2016), may bisa ang pagbabasa na humihigit sa nakaimprentang teksto ng mga aklat, lathalain at iba pang mga
babasahin. Bisa na nakapagpapaintindi sa mga bata ng mahahalagang alituntuning-moral sa buhay, sa pamamagitan ng mga hayop na
nakikipaghalubilo at nakikipag-usap sa bawat isa. Bisa na nakapagpapalawak ng bokabularyo sa wikang Filipino man o sa Ingles. Bisa na
nakapagpapalakbay sa mortal na buhay ng mambabasa tungo sa iba’t ibang dimensiyon ng mundo.
Diskurso pa niya, mababatid na sumasabay ang panitikan sa modernisasiyon ng mundo—sa pabago-bagong aspekto ng teknolohiya
at internet. Ang modernisasiyon na ito ang nagluwal sa mga makabagong anyo at pamamaraan ng pagtula, pagkukuwento at iba pang anyo
ng panitikan. Nariyan ang mga kuwentong isinulat sa anyo ng isang bidyo na may kaagapay na musika habang binabasa kung saan
maaalalang sumikat si Marcelo Santos III, na mayroon na ngayong dalawang nailimbag na libro. Nariyan ang mga lupon ng maiikling tula na
mabilis basahin ni Lang Leav. Nariyan ang lumalagong panitikan ng spoken word poetry sa bansa kung saan naging tanyag si Juan Miguel
Severo na pinamagatang “Prinsipe ng Hugot.” At nariyan din ang battle rap na pinabantog ng FlipTop Battle League na itinuturing na
makabagong anyo ng balagtasan.
Paghahabi
Hindi natin maikakailang malaki na ang naging pagbabago sa daigdig, kaya naman lagi’t laging sumasabay rin ang panitikan. Ito ang
katotohanang kakabit ng wika. Laging dinamiko at nagiging kaakibat din ng kaganapan sa lipunan. Kaya naman, magandang lunsaran ang
panitikang popular upang maibalik natin ang hilig ng kabataan sa panitikan. Ang pagtangkilik dito. Ang pagiging bahagi ng kultura at
pamumuhay. Sapagkat hindi ba, tayo ay bayan ng mga makata at manunulat?
TULA AT SANAYSAY
Ang Panulaan/Tula
Ang panulaan o tula ay isang uri ng sining at panitikan na ang moda ay nasa malayang integrasyon ng wika sa iba't ibang anyo at
pamamaraan. Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay. Ang mga likhang panulaan ay tinatawag na tula. Madaling
makilala ang isang tula sapagkat karaniwan itong may batayan o pattern sa pagbigkas ng mga huling salita.
Binubuo ang tula ng saknong at taludtod. Karaniwan itong wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-animin, at lalabing-waluhing pantig.
Matalinghaga at ginagamitan din ng tayutay. May tugma at sukat. Kung minsan ay maikli o kaya naman ay mahaba. May nga tulang malaya,
na kadalasang walang kinikilalang sukat at tugma. May mga tulang moderno at postmoderno rin.
Ilang mga pahayag at tala hinggil sa panulaan/tula:
•
•
•
Ang tula ay isang akdang naglalaman ng pinakamaraming kahulugan sa pinakakaunting salita . Ang tula ay isang himala
(Cirilo F. Bautista).
Ang tula ay kung paano mo sasabihin ang gusto mong sabihin nang hindi mo sinasabi pero nagkakaintindihan kayo (Jun Cruz
Reyes).
Tula ang tawag sa sinalok na diwa mula sa balon ng karanasan gamit ang tinimplang mga salita upang malikhaing
maipahayag sa pamamagitan ng sukat at tugma ang pagpalaya sa sarili, sa kapwa at sa bayan (Joel Costa Malabanan).
URI NG TULA
Tulang Liriko o Pandamdamin
•
•
•
•
•
•
Awit (Dalitsuyo) - tungkol sa pag-ibig
Pastoral (Dalitbuki)
Oda (Dalitpuri) - matayog na damdamin o kaisipan (paghanga o pagbibigay parangal)
Dalit o Himno (Dalitsamba) - tungkol sa pagpapala sa Diyos, sa pagawit na pamamaraan.
Soneto (Dalitwari) - binubuo ng 14 taludtod o linya; nangangailangan ng mabigat o matinding pagkukuro-kuro
Elehiya (Dalitlumbay) - mapanglaw; tungkol sa kamatayan o kalungkutan
Maikling Tula
•
•
Tanka - nagmula sa bansang Hapon na binubuo lamang ng 31 pantig, nahahati ito sa limang taludtod na may sukat na 5-7-57-7
Haiku - nagmula sa bansang Hapon na binubuo ng tatlong taludtod na may sukat na 5-7-5
Mga Elemento ng Tula
•
•
•
•
•
•
•
•
•
•
•
•
•
Saknong - isang grupo ng mga salita sa loob ng isang tula na may dalawa o higit pang taludtod.
Sukat - bilang ng pantig ng tula.
Tugma - pinag-isang tunog sa hulihan ng mga taludtod.
Hindi buong rima (assonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa patinig.
Kaanyuan (conssonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa katinig.
Nagpapaganda sa diwa ng tula ang alin mang paraan ng pagtutugma:
Mga salitang nagtatapos sa b, k, d, g, p, t, s ay nagtutugma ang dulumpatig
Mga nagtatapos sa l, m, n, ng, w, r, y
Sining o kariktan - paggamit ng pili, angkop at maririkit na salita. Nagbibigay ng pangkalahatang impresyon sa bumabasa.
Talinghaga - tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay.
Tayutay - paggamit ng pagwawangis, pagtutulad, pagtatao ang ilang paraan upang ilantad ang talinghaga sa tula
Anyo - porma ng tula.
Tono/Indayog - diwa ng tula.
Ang Sanaysay
Ang sanaysay ay isang piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman ng punto de vista (pananaw) ng may katha. Ang mga sanaysay
ay maaaring magkaroon ng mga elemento ng pagpuna, opinyon, impormasyon, obserbasyon, kuru-kuro, pang-araw-araw na pangyayari,
alaala ng nakaraan at pagmumuni-muni ng isang tao.
Ilang mga pahayag at tala hinggil sa sanaysay:
•
•
•
•
•
•
•
•
•
•
Alejandro Abadilla: “Ang sanaysay ay mula sa mga salitang ‘sanay’ at ‘saysay’ na ang ibig sabihin ay mahusay na
pagsasalaysay.”
Genoveva E. Matute: “ Pagtalakay sa isang paksa sa masining na pamamaraan at may layong magbigay ng kaalaman.”
Rogelio Sicat: “Isang matalinong opinyon ng paglalahad ng mga saloobin, karanasan, damdamin at opinyon ng manunulat sa
anyong tuluyan.”
Michael de Mogtaigne (father of Essay): “Nagpauso ng katawagang essae, mula sa salitang Pranses na “essai” na ang ibig
sabihin ay pagtatangka at hiniram ng mga manunulat na Ingles kaya naging essay “to attempt.”
Francis Bacon: “Isang maikli at literal na komposisyong makatotohanan.”
Ligaya Tiamzon-Rubin: “Anyong pampanitikan na naglalahad ng mga kontemporaryong usapin at paksain sa nagbabagong
mundo.”
Cristina Pantoja-Hidalgo: “Creative nonfiction is nonfiction prose which utilizes the techniques and strategies of fiction.”
Bienvenido Lumbera: “Alinmang akdang prosa na nagbabahagi ng impormasyon, nagpapaliwanag, umaakit na paniwalaan
natin ang sinasabi, tumutuligsa sa mga institusyon o indibidwal, o umaaliw sa mga mambabasa ay masasaklaw ng sanaysay.”
Ramon Guillermo: “The essay sets out to problematize, whether those be issues of language, political ideology, art, one’s
immediate world, or even one’s own personal experiences.”
Villanueva at Guillermo: “The essay as we appreciate it is naturally exhaustive rather than succinct (without the illusion of
having captured a totality), meandering or fragmentary rather than straightforwardly linear (thus skeptical of continuity and
absolute certainty), alert rather than laidback (cognizant of relativism and thus rigorous in its pursuit). The essay thus does not
hide behind the pretense that it is beyond mediation.”
Dalawang uri ng sanaysay
Pormal
Ang sanaysay na impersonal ay naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa makaagham at lohikal na pagsasaayos ng
mga materyales tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling paksang tinatalakay. Itinuturing ding maanyo sapagkat pinag-aaralan nang maingat ang
piniling pananalita kaya mabigat basahin. Pampanitikan din ito dahil makahulugan, matalinhaga, at masining ang mga pangungusap.
Mapitagan ang tono dahil bukod sa ikatlong panauhan ang pananaw ay obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng may-akda. Ang tono nito
ay seryoso, pang-intelektuwal, at walang halong pagbibiro.
Isang uri ng pormal na sanaysay ay ang editoryal ng isang pahayagan. Isa itong sanaysay na may opinyon tungkol sa mga maiinit na
mga balita. Bagama't may opinyon, ito ay hindi ginagamitan ng unang panauhan sa paglalahad.
Di-pormal
Ang sanaysay na personal o palagayan ay mapang-aliw, nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga paksang
karaniwan, pang-araw-araw at personal. Idinidiin dito ang mga bagay-bagay, mga karanasan, at mga isyung bukod sa nababakas ang
personalidad ng may-akda ay maaaring makiramay o makisangkot ang mambabasa sa kanyang pananalita at parang nakikipag-usap
lamang ang may-akda sa isang kaibigan, kaya naman magaan ito at madaling maintindihan. Personal din ang tawag sa uring ito dahil
palakaibigan ang tono nito dahil ang pangunahing gamit ay unang panauhan. Subhektibo ito sapagkat pumapanig sa damdamin at
paniniwala ng may-akda ang pananaw.
Paghahabi
Tunay na mayaman ang panitikan ng Pilipinas lalong-lalo na sa anyong gaya ng tula at sanaysay. Hindi lamang ito simpleng
“salamin” ng mga nagaganap sa bansa, bagkus ay isang representasyon ng panahon at lipunang ating ginagalawan. Laging hamon din sa
mga mamamayan na patuloy na paunlarin ang sining at panitikan ‘pagkat narito ang kultura at tradisyong ilang daantaon nang pinaunlad at
pinanday ng ating mga ninuno. Dagdag pa ang patuloy na pagsasapraktika ng mga ito sa iba’t ibang pangkat-etniko, unibersidad, at
komunidad sa Pilipinas.
MAIKLING KWENTO
Panimula
Ayon kay Edgar Allan Poe, ang tinaguriang Ama ng Maikling Kuwento na: Ang maikling kuwento ay isang akdang pampanitikang likha ng
guniguni at bungang-isip na hango sa isang tunay na pangyayari ng buhay. Ito ay nababasa sa isang tagpuan, nakapupukaw ng damdamin,
at mabisang nakapagkikintal ng diwa o damdaming may kaisahan. Tinatalakay ang natatangi at mahahalagang pangyayari sa buhay ng
pangunahing tauhan. May kapayakan at kakauntian ng mga tauhan. At ito ay nagpapakita ng isang makabuluhang bahagi ng buhay ng tao.
Kagaya na lamang ng ibang akdang pampanitikan isa ang maikling kuwento sa nakakapagpalaya sa isang manunulat sa mahabang
pagkakabilanggo sa mahabaging damdamin. Noong 1935-1940 ayon kay Teodoro Agoncillo “Ang maikling kuwento ay gumagamit ng unang
panauhan, tungkol sa buhay sa lunsod, matimpi sa paglalarawan at pagpapahayag ng damdamin at dahop sa malinis na pananagalog.”
Ang pagpapakahulugan naman ng Diksiyonaryong Filipino-Filipino ang maikling kuwento ay isang anyo ng panitikan na may layuning
magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Ito ay nag-iiwan ng kakintalan sa isip ng mga mambabasa.
Ang maikling kuwento ay naglalahad din ng mga kuwento ng buhay ng tao sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Bilang isang bansa na nahahati
sa iba’t ibang kultura, wika at kalagayan sa buhay tiyak na inilalahad ng maikling kuwento ang danas hindi lamang sa iba’t ibang bahagi ng
bansa. Kung babasahin ang “Mga Agos sa Disyerto” bilang simula ng bagong panahon sa maikling kuwento sa Pilipinas na gawa ng mga
premyadong manunulat ng bansa na sina Efren R. Abueg, Dominador B. MIrasol, Rogelio L. Ordonez, Edgardo M. Reyes at Rogelio R.
Sikat. Nang ipinaksa nila sa kanilang akda ang buhay ng mga karaniwang tao sa lipunan kagaya na lamang ng mga magsasaka,
manggagawa, maralita, kababaihan at kabataan. Tiyak na pagpapatunay na ang maikling kuwento ay isa mga akdang pampanitikan na
tumatalakay sa latag ng lipunang tao, kalikasan, diyos at iba pa.
Hindi na bago sa mga Pilipino ang maikling kuwento dahil naiuugat ito sa maraming uri ng akdang pampanitikan. Kagaya na lamang ng
mitolohiya na kung saan nagsasalaysay tungkol sa iba’t ibang paniniwala sa Diyos ng sinaunang katutubo. Ang salaysay na ito ay tungkol
sa kababalaghan at tungkol sa kanilang pananalig at paniniwala sa mga anito.
Isa pang akdang pampanitikan na maaaring pag-ugatan ay ang alamat dito isinasalaysay ang mga pinagmulan ng isang bagay, pook,
pangyayari at iba pa.
Ito rin ang nagtataglay ng aral sa mahahalagang aral sa buhay at kung paano mamuhay ng naayon sa tama at upang maiwasan ang mali.
Isa ring pinag-ugatan ang Pabula ito ay isang uri ng kuwento na kung saan ang pangunahing tauhan na gumaganap ay mga hayop, kagaya
na lamang sa alamat ito ay nagtataglay ng mahahalagang mensahe at aral sa buhay ng tao.
Marami pang pinag-ugatan ng maikling kuwento kagaya na lamang ng pabula, kuwentong bayan at anekdota. Talagang hitik ang maikling
kuwento sa buhay ng tao, kalikasan, Diyos at iba pang karanasang pangtao.
Para lubos na maintindihan at/o maunawan ang maikling kuwento ay tumungo muna tayo sa isang gawain.
Paglalahad
MGA SANGKAP NG MAIKLING KUWENTO
•
•
•
Tagpuan- Tumutukoy ito sa pook at panahong pinangyarihan ng mga tagpo sa akda, naglalarawan ito ng ginagalawan o
kapaligiran ng mga tauhan. Inilalarawan ito nang buong linaw, pati na ang kaugalian ng mga nasa kapaligiran ay masisinag sa
mabisang pamamaraan.
Tauhan- Kaunti lamang ang tauhan ng maikling katha bagama’t laging may pangunahaing tauhan. Ang iba pa sa kuwento ay
tumutulong lamang sa lalong ikatitingkad ng pagganap ng pangunahing tauhan sa akda. Isa sa mahalagang sangkap ang
tauhan dahil sila ang tagaganap.
Banghay- Tumutukoy ito sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari. Dapat itong maging maayos at magkakaugnay upang
maging matatag at kapani-paniwala. Gaano man kapayak o karaniwan ang mga pangyayari, ang pagiging kawili-wili nito ay
nakasalalay sa makatuwirang pagkakasunod-sunod.
Mga Elemento ng Maikling Kuwento
•
•
•
•
•
•
Panimula- Sa bahaging ito paaasahin ng may-akda ang mga mambabasa sa isang kawili-wili at pana-panabik na akda.
Humgit-kumulang, ang mga sumusunod ay nakapaloob sa mga unang talata ng akda:
Pagpapakilala sa tauhan- maipabatid ang kanilang pagkatao ng pangunahing tauhan; mapangibabaw ang katangian ng
pangunahing tauhan upang makagiliw agad sa kanya ang mga mambabasa
Pagpapahiwatig ng suliraning kakaharapin ng mga tauhan- kailangang palitawin ang suliranin ng pangunahing tauhan
upang maitanim sa isipan ng mga mambabasa na sa kanya iinog ang mga susunod pang pangyayari.
Pagkakintal sa isipan ng mga mambabasa ng damdaming palilitawin sa kuwento- ang lahat ng mga pangyayari at
tauhan sa akda ay kailangang isang damdamin lamang ang antigin sa mga mambabasa.
Paglalarawan ng tagpuan- sa di-tuwirang pamamaraan, magagawa ng may-akdang madama ng mga mambabasa ang
kapaligirang gagalawan ng mga tauhan lalo na ang pangunahing tauhan sa akda.
Tunggalian- Ito ang nagbibigay-daan sa madudulang tagpo upang lalong maging kawili-wili at pana-panabik ang mga
pangyayari kaya’t sinasabing ito ang sanliga ng akda. May apat na uri ito tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban
sa lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan.
•
•
•
•
Paksang-Diwa- ito ang nagsisilbing pinakakaluluwa ng maikling kuwento, dito iikot ang istorya ng kuwento na nakakapagbigay
ng magandang banghay.
Kasukdulan- Dito nagwawakas ang tunggalian. Dito mararamdaman ng mambabasa ang pananabik dahil sa bahaging ito dito
mapagpapasyahan ang mangyayaring kapalaran ng mga nagsipagganap sa kuwento.
Wakas- Dito mas lalong ipapaliwanag ang kabuuang pangyayari sa kuwento. Dito tiyak na maipapaliwanag ang sinapit ng
pangunahing tauhan.
Mga Uri ng Maikling Kuwento
•
•
•
•
•
•
•
•
•
•
Sa kuwento ng tauhan inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan
ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.
Sa kuwento ng katutubong kulay binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng
pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
Sa kuwentong bayan inilalahad ang mga kuwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.
Sa kuwento ng kababalaghan pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.
Naglalaman ang kuwento ng katatakutan ng mga pangyayaring kasindak-sindak.
Sa kuwento ng madulang pangyayari binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba
o nakapagbago sa tauhan.
Sa kuwento ng sikolohiko ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at
kalagayan. Ito ang uri ng maikling kuwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.
Sa kuwento ng pakikipagsapalaran, nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kuwento.
Sa kuwento ng katatawanan, nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa.
Sa kuwento ng pag- (Links to an external site.)ibig, tungkol sa pag-iibigan ng dalawang tao.
Paghahabi
Sa paglipas ng panahon tunay na nagbabago ang takbo ng buhay. Mula sa edukasyon, kultura, wika at panitikan. Ngunit sa kabila
ng pagbabagong ito ay ang nananatili ang kagandahan ng Panitikang Pilipino bilang tala ng mga isyu, problema, kasiyahan, pagkakaisa ng
mga taong bayan. Nakabuhol na sa kultura ng mga Pilipino ang maikling kuwento mula pa man noong panahon ng pre-kolonyal ay
namamayani na ang mga kuwentong nagpapakita ng kagandahan ng kulturang Pilipino. Mula sa mga kuwentong kababalaghan na
ibinabahagi sa atin ng ating mga lolo’t lola kapag tayo ay nasa probinsiya. Mga kuwento ng hirap ng mga mangagawa na iminulat ang ating
mata sa tuwing nakikita natin ang ating padre de pamilya na kumakayod araw-araw. Mga kuwento na nagbibigay halaga sa mga kakabaihan
bilang ilaw ng lipunan, mga sakripisyo at hirap ng mga babae. Kuwentong iminulat tayo sa mali ang itinuwid ang maling asal. Mga
kuwentong naging susi sa ating kamalayan bilang isang Pilipino at bilang isang bansa.
Hindi na maiaalis sa ating lahi ang kayamanang ipanagkaloob ng langit na ating kultura, ngunit patuloy ang pag-unlad ng panitikan,
kaakibat nito marami ang maaaring isulat na kuwento dahil sa iba’t ibang alon at delubyo ng buhay ay tunay na bukas ang palad ng
panitikan upang tayo ay yakapin at palayain sa hirap ng pakikibaka.
WORKSYAP SA PAGSULAT NG AKDANG PAMPANITIKAN
Panimula:
Maraming mga pagkakataong tinitingnan lamang natin ang pagsulat bilang isang paraan at espasyo ng malayang pamamahayag—
malayo sa teknikal na aspekto ng nasabing kasanayan. Subalit, sa katotohanan, marami ring teknikal na bahagi ang makrong kasanayang
ito.
Mayroong mga paaralan at institusyong pang-edukasyon ang nagtuturo ng pagsulat sa pamamagitan ng mga Palihan o Worksyap,
isang approach o lapit na sinimulan ni Lucy Calkins. Sa Victoria, Australia, ang lapit na ito ay tinatawag ding Writers’ Workshop.
Ang pangunahing ideya at/o kaisipang namamahala sa konseptong nasa itaas ay pagbibigay-diin sa sinasabi ni Donald Graves: “ang
pagsulat bilang isang proseso.” Dito, nalilinaw ang pagsipat na laging mahalaga ang mga indibidwal na interes at pagpili ng mga mag-aaral
upang mas matanganan nila ang proseso nang hindi masyadong umaasa sa iba.
Ayon sa Victoria State Government - Education and Training (2019), nakadisenyo ang palihan o worksyap sa pagsulat na simple
subalit nakatutugon sa pangangailangan ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Kadalasan, ito ay nagaganap lamang sa loob ng 50 hanggang 60
minuto.
Ito ang ilan sa mga bahagi ng isang writing workshop: mini-lessons, work time (writing and conferring); roving student-teacher
conferences; guided or group student-teacher conferences; peer conferring, response groups, sharing sessions; share time; at publication
celebrations.
Ang Halaga ng Kwaderno ng isang Manunulat (Writer’s Notebook)
Mahalaga ang notebook o kaya’y journal sa pagtatala ng mga ideya (Evasco, 2019). Lagi at laging bunga nang higit na
nagmamadaling panahon, kailangan naitatala ng isang manunulat ang kaniyang mga pagmumuni at realisasyon sa bagay-bagay at
pangyayari. Handa dapat ang kaniyang kaniyang kwaderno sa gawain ng pagtatala ng mga simpleng ideya, kaisipan, larawan, espasyo, at
iba pang bagay na nais ibahagi ng isang manunulat sa kaniyang mambabasa.
Ayon naman kay Buckner (2005), isang mahalagang bahagi ng Writing Workshop approach ay ang Writers’ Notebook na “lumilikha
ng espasyo sa mga mag-aaral (at manunulat) upang maitala ang kanilang mga salita—sa anyo ng isang alaala, pagninilay-nilay, listahan,
kumpol ng mga kaisipan, isang sketch, o kahit pa isang bahagi lamang ng pahina.
Ang isang kwaderno o notebook ay paraan upang hikayatin ang mga sumisibol na manunulat na pahalagahan ang pagsulat, na
nagiging binhi sa mas malakihang proyekto sa pagsulat na nangangailangan ng muling pagbisita at pagbasa upang makita ang isang
parirala, talata, pahina, na maaari pang pahabain at paunlarin (Calkins, 1994).
Hindi sa atin kaila ang katotohanang mabilis nakahuhulagpos ang maraming mga ideya at kaisipan nang dahil sa dami ng ating mga
ginagawa labas sa pagbabasa at pagsusulat. Sa ganitong punto, higit nating kailangan ang inisyal na gawaing ito ng pagtatangkang maitala
sa mga pahina ang hindi man buong kaisipan o konsepto, may potensiyal nang maging isang mahusay na proyekto sa hinaharap.
Paghahabi
Ayon kay Dr. Mesandel V. Arguelles, para sa kaniya, ang pagsulat ay hindi lamang isang simple o payak na gawain o ekspresyon.
Ito ay isang propesyon. Bagay at prosesong dapat pinaglalaanan ng atensiyon at panahon. Samakatuwid, maraming mga aspekto ang
dapat na binibigyang-halaga at pansin sa pagsusulat, isa na rito ang pagkilalang ang pagsipat sa sariling akda at pagpapabasa nito sa iba
ay paraan na rin upang higit na mapaghusay ang isinulat. Tinatawag din ito ng mga manunulat sa Pilipinas bilang worksyap.
Ang pagtatangka ng pagtatala sa pamamagitan ng isang kwaderno o notebook ay pagsubok ding maituturing sa malawakang usapin
ng pagbubuo ng identidad ng isang mag-aaral. Higit niyang maiintindihan ang sariling mga kalakasan, kahinaan, kagustuhan, pagpapasya,
at maging ang realisasyon ng kaniyang pangarap. Sa paglaon, ang simpleng pagbubuo ng identidad o kakanyahang ito ay tutungo sa
matagalang proyekto ng pagbubuo ng isang kamalayan at kalinangang bayan; na mula pa noon hanggang sa ngayon, ay pangarap na ng
mga nagsulong at patuloy na nagsusulong ng pambansang kalayaan at pagkakaisa.
ZINE
Pagbuo ng Zine
Layunin:
Nalalaman ang kasaysayan, kahulugan, at halaga ng zine
Napahahalagahan ang alternatibo sa produksiyong pampanitikan sa pamamagitan ng zine
Nakapagsusuri kung paanong maaaring magamit ang zine bilang moda sa produksiyong pampanitikan
Panimula
Ang zine (na nagmula sa pinaikling magazine or fanzine) ay sariling lathalang obra ng mga orihinal na teksto at imahen. Kadalasan
itong inire-reproduce sa pamamagitan ng photocopier. Ang zine ay produkto ng isang indibidwal o maliliit na grupo.
Ayon kay Adam David, isang kilalang manunulat, kritiko, at artist, ang zine ay pawang mga meme machine—ito ay tinatawag din
niyang “idea viruses” na lubhang nakaiimpluwensiya sa utak ng tao, dahilan upang magbago ang persepsiyon niya ng realidad. At kapag
sapat na bilang ng tao ang naimpluwensiyahan, maaaring magbago ang daigdig.
Ang Zine Bilang Halimbawa ng Alternatibo sa Produksiyong Pampanitikan
Ayon sa pananaliksik ni Dela Peña (2018), hindi na natin maaaring maikaila na umiikot na ang globalisadong mundo sa antas ng
lalong pagkakamit ng tubo at pagpapaikot ng kapital - hindi nahahangganan ng iba’t ibang kategorya, maging ito man ay kasarian, sosyoekonomikong estado, lahi, etnisidad, edad, edukasyon, relihiyon, at marami pang iba. Kung pagbabatayan naman ang pag-iral ng
ekonomiyang pampolitika ng imperyalismong nagtatago sa kolorete ng “borderless world,” masasabi nating kahit sa usapin ng wika (lalonglalo na sa produksyong pampanitikan) ay tumatagos ang gahum nito.
Ang self-publishing (o indie publishing) ay isang antas ng paglalathala o publikasyon ng mga materyal gaya ng libro, album, at iba
pa, na ang may ganap na kontrol sa kabuoan ng proseso ay ang mismong awtor o mga may-akda. Salungat sa mga kombensyonal at
tradisyonal na mga pamamaraan at pamantayang itinatakda ng mga mainstream publisher, ang self-publisher mismo ang may
kapangyarihan na maitakda ang magiging pabalat ng libro, nilalaman ng mismong aklat (anoman ang genre nito), pati na rin ang
pagpapakilala nito sa merkado at ang distribusyon ng mga maililimbag na kopya.
Sa kasalukuyang panahon na unti-unti nang nilalamon ng malawakang pagbabago sa teknolohiya ang maraming mga produksyong
kultural gaya ng paglilimbag at paglalathala ng libro, isang napakalaking hamon ang self-publishing. Tila isa itong mataas na antas ng
protesta at pagbalikwas sa sistemang iilan lamang ang may kakayahan o access, dahil na rin sa kalakaran at moda ng produksyon nito.
Masasabing hindi naman nagpapahuli ang Pilipinas sa produksyong pampanitikan, maging sa self-publishing. Ayon sa isang
panayam ni Adam David, ang ideya ng self-publishing ay matagal nang nasa puso nating mga Pilipino sa nakalipas na 200 taon. Hindi
ba’t self-published novels din ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na akda ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal?
Ang mga umuusbong at nagsusulputang mga libro at antolohiya (maging iyong mga matagal nang nailathala) na mula sa
mga university writing organization, established self-publisher, grupo, at indibidwal ay ang kasalukuyang mukha ng produksyong
pampanitikan na mas pinaiigting ng mas marami pang pagtatangka ng lubos na pakikisangkot hindi lamang sa mundo ng panitikan, kung
hindi maging sa pisikal na mundo. Lagi’t laging isang lunsaran ang mga akdang pampanitikan ng maraming mga danas panlipunan lalo na
ng iba’t ibang isyung may kinalaman ang manunulat (sa personal man o sa kolektibong lebel).
Mayamang balon ng materyal para isang manunulat at artista ang kanyang lipunang ginagalawan kaya’t bilang isang alagad ng
sining at aktor panlipunan, hahanap at hahanap siya ng paraan o pagkakataon upang maipadaloy sa pinakamaraming bilang ng
mambabasa o tagapagtangkilik ang kanyang mga likha. Subalit, hindi rin kaila sa mga manunulat (lalo na iyong mga malay sa kasalukuyang
estado ng lipunan) na nananatiling “ekslusibo” lamang sa iilan ang tradisyonal na pamamaraan ng paglilimbag at paglalathala kaya naman,
higit na para sa kanya ang alternatibong ito.
ANG BLTX o Better Living Through Xeroxography bilang Espasyo ng Zine sa Pilipinas
Kung sisipatin natin ang kasalukuyang espasyo ng self-publishing sa Pilipinas, masasabi nating ang BLTX, sa pamumuno nina
Adam David at Chingbee Cruz, ay isa sa mga nangungunang pagtatangkang makapag-ambag sa politikal at kultural na gawain ng
produksyong pampanitikan. Ayon kay De Leon (2017), masasabi mang hindi eksaktong inaako ng BLTX ang romantiko o radikal na
pagtatangkang baguhin ang sistema, naglalatag naman ito ng “espasyo” labas dito.
Bunga nito, nagiging progresibong lunsaran ang BLTX ng mga produksyong pampanitikang nakatuon sa mga indie
comics, stickers, postcards, zines at iba pa na may kani-kaniyang inilalatag na kaisipan, isyung panlipunan, ideolohiya, at propaganda.
Sinasalamin ng BLTX ang bawat pagtatangka ng iba’t ibang indibidwal at grupo na marinig ang kani-kanilang tinig bilang mga artista at aktor
sa lipunan (Dela Peña, 2018).
Paghahabi
Hindi lamang kultural bagkus ay isang “politikal” na gawain ang paglikha ng zine—lalo na ang produksyong pampanitikan dahil
kinikilala nito na ang ubód ng mas pag-unlad ng kaisipan (at maging ng maraming mga kaganapan sa lipunan) ay nagsisimula sa
pakikisangkot ng isang tao sa espasyong kanyang kinabibilangan. Ibig sabihin, kinikilala ng mga organisador ng nasabing expo, maging ang
mga manunulat at artista na ibinilang ang sarili sa nasabing espasyo ang unti-unti rin nilang paglubog sa gawaing ito; ganap na
pakikisangkot sa hakbang-hakbang din na proseso ng pakikisangkot at pagbabago.
Download