Marist School Araling Panlipunan 10 Reviewer Pangalan:___________________________________________________ Pangkat: BBR SJE SLR SMC Guro: Bb. Susan Afable, G. Aki Nano I. SPC VBA VBF KONTEMPORARYONG ISYU Kontemporaryong Isyu – ang tawag sa pangyayari o ilang suliraning bumabagabag o gumagambala at nagpapabago sa kalagayan ng ating pamayanan, bansa o mundo sa kasalukuyang panahon. o Mahalaga at makabuluhan sa lipunang ginagalawan. o May malinaw na epekto o impluwensiya sa lipunan o sa mga mamamayan. o Nagaganap sa kasalukuyang panahon o may matinding epekto o impluwensiya sa takbo ng kasalukuyang panahon. o Mga temang nagpag-uusapan at maaaring may maganda o positibong impluwensiya o epekto sa lipunan. Kasanayang Kailangan sap ag-aaral ng KI o Pahayagan – ay mahalagang sanggunian tungkol sa mga kontemporaryong isyu. o Pagkilala sa Primarya at Sekundaryang Sanggunian Primaryang Sanggunian – ang pinagkunan ng impormasyon ay orihinal na tala ng mga pangyayaring isinulat o ginawa ng mga taong nakaranas sa mga ito. Hal. Sariling talaarawan, dokumento, saksi, larawan, accounts, guhit, talumpati, sulat, talambuhay at iba pa. Sekundaryang Sanggunian – ay mga impormasyon o interpretasyon batay sa primaryang pinagkunan o isinulat ng mga taong walang kinalaman sa mga pangyayari. Hal. Aklat, articles, bibliography, komentaryo, political cartoons, encyclopedias at iba pa. o Pagtukoy ng katotohanan at Opinion Katotohanan – mga totoong pahayag o kaganapan na pinatutunayan sa tulong ng mga aktwal na datos. Opinyon – ay nagpapahiwatig ng saloobin at kaisipan ng tao tungkol sa inilahad na katotohanan. o Pagtukoy ng Pagkiling Pagkiling – sa pagsuri ng mga impormasyong may kaugnayan sa agham panlipunan ay dapat walang kinikilingan. o Pagbuo ng Paghihinuha, Paglalahat at Kongklusyon Hinuha – isang pinag-isipang hula tungkol sa isang bagay. Paglalahat – ang hakbang kung saan binubuo ang mga ugnayan ng mga hindi magkakaugnay na impormasyon bago makagawa ng kongklusyon. Kongklusyon – ang desisyon, kaalaman, o ideyang pagkatapos ng pag-aaral ng pagkakaugnay ng mahahalagang ebidensya. Kahalagahan ng KI o Bilang MAG-AARAL Paggamit ng malinaw at makabuluhan na kaalaman tungkol sa mahahalagang kaganapan na nakaiimpluwensiya sa mga tao, pamayanan, bansa at mundo. Pagsusuri at pagtataya ng mga ugnayan ng sanhi at epekto ng mga pangyayari. Page | 1 II. Paggamit ng mga kagamitan ng mga kagamitang teknolohikal at iba’tibang sanggunian para makakalap ng mga impormasyon. Paggamit ng mga pamamaraang estadistika sa pagsuri ng kwantitatibong datos tungkol sa mga pangyayari sa lipunan. Pagsisiyasat, pagsusuri ng datos at iba’t ibang sanggunian, at pagsasaliksik. Mapanuring pag-iisip, matalinong pagpapasiya, mabisang komunikasyon, pagkamalikhain, at pagpapalawak ng pandaigdigang pananaw. At marami pang iba o Bilang MAMAMAYAN Kaalaman sa sariling mga karapatan at tungkulin bilang mamamayan upang makalahok sa ikabubuti ng pamumuhay ng pamayanan, bansa at daigdig. Pang-unawa at paggalang sa mga batas at alituntunin upang maitaguyod ang pagkakaisa, pag-unlad at pagkakaroon ng kapayapaan sa ating bansa at sa buong daigdig Pagpapahalaga sa sama-samang pagkilos bilang isang bansa at pagtugon sa mga pambansa at pandaigdigang suliranin. At marami pang iba. KALAMIDAD Kalamidad – tinuturing na mga pangyayaring nagdudulot ng malaking pinsala sa kapaligiran, kalusugan, ari-arian, at buhay ng mga tao sa lipunan. o Geohazard Mapping – upang malaman ang mga lugar na madaling tamaan ng mga sakuna o kalamidad. Nilalayon na maprotektahan at mapangalagaan ang lahat. o El Nino Phenomenon – ito ay sinasabing isang kakaibang panahon bunga ng pag-init ng katubigan ng karagatang Pasipiko. Nakakaranas ang mga bansa na apektado ng El Nino ng matinding tagtuyot na sanhi ng problemang pangkabuhayan. o La Nina – kadalasan nagaganap ito mula Mayo hanggang Oktubre Ito ay nagdadala ng malakas na pag-uulan. Dahil napapaligiran ang Pilipinas ng tubig banta sa atin palagi pag nagkakaganito ang tsunami, storm surge o tidal waves. o Flash flood – biglang pagbaha tuwing nagbabagyo. o Landslide – maari itong maganap kapag malakas o tuloy-tuloy ang pagulan at pagsabog ng bulkan, pwede rin dahil sa quarrying o pagmimina. o Lindol - ay sanhi ng isang mabilis na paglabas ng enerhiya na nang-gagaling sa ilalim ng lupa. o Bagyo – ay isang sistema ng klima na may nakabukas na sirkulasyon sa paligid ng isang sentro ng mababang lugar , tumatakbo sa pamamagitan ng init na inilabas kapag umaakyat at lumalapot ang basang hangin. o Pagputok ng bulkan – ay isang uri ng anyong lupa na naglalabas ng mainit na "lava" tuwing pagputok. Ang isang bulkan ay maaring maging di-aktibo o dormant (di nagkakaroon ng pagputok) o aktibo (may panahon ng pagputok). o Pagbabago ng klima – ay ang pagbabago sa karaniwang panahon na dapat sana ay mangyari sa isang lugar. Mga nagpapalala sa Kalamidad o Pagtapon ng basura sa mga daluyan ng tubig. o Pagkakalbo ng kagubatan. o Paninirahan sa paanan ng bulkan. o Paninirahan sa estero, baybay ng ilog o dagat. o Pagkasira ng ozone layer. o Pagmimina o quarrying. o Pagtangging lumikas ng mga tao sa mga mapanganib na lugar. Page | 2 Paghahanda sa mga Kalamidad o Babala sa bagyo PSWS#1 – sa loob na 36 na oras may hanging papalo na may lakas na 30-60kph. PSWS#2 – sa loob ng 24 na oras may hanging papalo na may lakas na 61-100kph. PSWS#3 – sa loob ng 12 hanggang 18 oras may hanging papalo na may lakas na 121-170kph. PSWS#4 – sa loob ng 12 o mas maaga pang oras may hanging papalo na may lakas na 171-220kph. PSWS#5 – sa loob ng 12 o mas maaga pang oras may hanging papalo na may lakas na 220 o higit pang kph. Yellow rainfall advisory ang itinataas kung inaasahang bubuhos ang 7.5 mm hanggang 15 mm ng ulan sa susunod na isang oras, at inaasahan na magpapatuloy ito. Kung bahagi ka ng pamayanang binigyan ng yellow rainfall advisory, pinapayuhan kang maging alerto sa kundisyon ng ulan, at binibigyang-babala na maaaring bumaha sa mga mabababang lugar. Orange rainfall advisory naman ang itinataas sa mga lugar na inaasahang makakaranas ng 15 mm hanggang 30 mm na buhos ng ulan sa susunod na isang oras. Nagbabadya na ang baha sa mga pamayanang ito. Kung maituturing nang emergency ang pagbuhos ng ulan, red rainfall advisory ang itinataas. Nangyayari ito kung mahigit 30 mm ang ulan sa susunod na isang oras, o kung tatlong oras nang malakas ang ulan at umabot na sa 65 mm. o BAGO Dumating ang bagyo Alamin ang paying pangkaligtasan. Ihanda ang de-bateryang radio, flashlight, kandila. Maghanda ng emergency kit. Ibalot sa plastic ang mga papeles. Magplano ng gagawin kapag may parating na kalamidad. Siguraduhin na ang inyong bahay ay nasa mabuting kondisyon. Bawasan ang mga malalaking sanga ng punong kahoy. Lumikas sa mataas na lugar. o HABANG May bagyo Makinig o manood ng balita. Siguraduhing handa ang emergency kit. Mag-ipon ng tubig. Isara ng mabuti ang bintana at pintuan. Iwasan ang paglabas ng bahay. o PAGKATAPOS ng bagyo Makinig o manood ng balita. Mag-ingat. o BAGO ang pagbaha Makinig sa balita Alamin kung ang inyong lugar ay binabaha. Ihanda ang emergency kit. Alamin ang ligtas na daan patungong evacuation area. Sundin ang utos ng NDRRMC at BDCC Patayin ang main switch ng kuryente. o HABANG may baha Maging maingat sa lugar na baha. Ipagbawal ang paglalaro ng mga bata. Siguraduhing malinis ang iniinom na tubig. o PAGHUPA ng baha Page | 3 o o o o o o o o o Mag-ingat Huwag kumain ng pagkain galing sa baha. Mag-linis BANTA ng landslide Iwasan ang mapanganib na lugar Magplano Ihanda ang emergency kit Magtanim ng puno BANTA ng lindol Wala BAGO lumindol Magplano HABANG lumilindol Maging kalmado PAGKATAPOS ng lindol Humanda sa aftershocks BAGO ang pagputok ng ulan Makinig sa balita Sundin ang payo ng LGU Alamin ang telepono ng mga ahensiya Makilahok sa emergency drill Maghanda ng emergency lamp Magtatag ng alarm system Maghanda ng emergency kit Magtalaga ng daanan palabras o palayo sa bulkan HABANG may pagputok ng bulkan Kumilos ng mabilis Takpan ang ilong Sundin ang payo ng PHIVOLCS Bigyan ng paunang lunas ang nasaktan Alisin ang makapal na abo sa bubong ng bahay. Maghanda ng emergency kit PAGKATAPOS ng pagputok ng bulkan Siguraduhing maayos ang tahanan Maghintay ng payo ng LGU KAWANI/AHENSYA NG GOBYERNO NA PINAKAIMPORTANTE NDRRMC DOST PHIVOLCS PAG-ASA Pagpalain tayo ng Panginoon! Page | 4