Uploaded by louisekhyzerg

Hybrid Filipino 10 Q4 M4 W4

1
Filipino
Ikaapat na Markahan Modyul 4
Ikaapat na Linggo
2
Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambulikong paaralan upang gabayan ang gurong tagapagdaloy
na matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng
K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pangekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang
kasanayan sa ika-21 siglo habang isinasaalang-alang
pangangailangan at kalagayan.
ang mag-aaral sa
kanilang kakayahan.
makamit ang mga
ang kanilang mga
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
ito:
Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!
3
MODYUL 4
Pagbati sa maluwalhati at matagumpay mong pag-aaral sa ukol sa buhay at
mga suliraning pinagdaanan ni Basilio. Lubos mo ng nakilala ang ating unang
tampok na tauhan sa nobelang El Filibusterismo. Ngayon ay magsisimula tayo ng
panibagong kabanata sa ating pagkatuto. Batid kong maiibigan mo ang mga araling
iyong matututuhan na nakapaloob sa Modyul 4.
Inaasahan kong ganap mong mauunawaan at makikilala si Kabesang Tales,
ang kaniyang mga pananaw at mga pagdanas sa akdang El Filibusterismo.
Alamin Natin
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa
Modyul 4.4
Si Kabesang Tales.
Layunin ng modyul na ito ay:
 Natatalakay ang mga kaisipang ukol sa kabuluhan ng edukasyon,
pamamalakad sa pamahalaan, at pagmamahal sa Diyos, bayan, pamilya,
kapwa-tao. Tinatalakay rin dito ang karuwagan, paggamit ng kapangyarihan,
kapangyarihan ng salapi, kalupitan at pagsasamantala sa kapwa, kahirapan,
karapatang pantao, paglilibang, kawanggawa, paninindigan sa sariling
prinsipyo at iba pa F10PB-IVd-e-89
 Naipaliliwanag ang kabuluhan ng mga kaisipang lutang sa akda kaugnay ng :
karanasang pansarili, gawaing pangkomunidad, isyung pambansa at
pangyayaring pandaigdig F10PN-IVf-90
 Nasusuri ang mga kaisipang lutang sa akda (Diyos, bayan, kapwa-tao,
magulang) F10PB-IVd-e-88
Subukin Natin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung gaano na ang kaalaman mo sa
mga paksang pag-aaralan.
Panuto: Basahin ang bawat pahayag at tukuyin kung sinong tauhan ang nagwika
nito. Piliin at bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. “Naglilinggkod ako sa hari sa pamamagitan ng aking salapi at paggawa.”
a. Basilio
c. Huli
b. Isagani
d. Kabesang Tales
4
2. “Alam mo ba, Juli, ang maaari mong gawin? Ipangutang mo ang bahay ng
halagang dalawandaa’t limampu na babayaran mo sa sandaling maipanalo
ang usapin.”
a. Hermana Penchang
c. Kabesang Tales
b. Hermana Bali
d. Tandang Selo
3. “Kung sa araw-araw ay naglilimos ako sa isang pulubi upang maiwasang
guluhin ako nito, sino ang makapipilit sa aking patuloy ko itong bigyan
matapos na pagsamantalahan nito ang aking kabutihan?”
a. Padre Camorra
c. Basilio
b. Kabesang Tales
d. Tano
4. “Magparaya! Isipin mo na lamang na lumaki ang buwaya.”
a. Tandang Selo
c. Hermana Bali
b. Kabesang Tales
d. Hermana Penchang
5. “Gayunman, mababatid niyang pinili ko pang isangla ang aking sarili kaysa
ang relikaryong inialay niya sa akin.”
a. Hermana Penchang
c. Juli
b. Hermana Bali
d. Tano
Karagdagang Gawain(Online Class)
Maaring lumikha ang guro ng kasanayan gamit
classroom/google meet. Ibibigay ng guro ang link na gagamitin.
Modyul
ang
google
Si Kabesang Tales
4.4
A. Si Kabesang Tales – Kabanata 4, 7, 8, 10 at 30
Balikan Natin
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay
ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Gawain 1
Panuto: Magbigay ng mga salitang naglalarawan / may kaugnayan sa mga piling
tauhan sa ibaba. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.
BASILIO
SIMOUN
MATAAS NA KAWANI
5
Tuklasin Natin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng gawain o isang sitwasyon.
Gawain 2
Panuto: Kilalanin ang mga elemento ng nobela. Isaayos ang mga letra sa loob ng
panaklong upang makuha ang tamang sagot at isulat sa patlang.
1. (H A Y N B G A) Ito ang pagkakasunud-sunod ng mga
mahahalagang pangyayari sa nobela.
2. (T U A N A H) Nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa isang
nobela.
3. (A U T P A G N) Tumutulong sa pagbibigay linaw sa paksa,
banghay, at sa tauhan.
4. (W A N N A P A) Elemento ng nobela na panauhang ginamit ng
mgay akda.
5. (E A M T) Paksang-diwang binibigyan ng diin sa isang nobela.
Gawain 3
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin ang
kaisipang nangibabaw rito. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. “Ang tao ay sadyang mabuti, subalit kapag iyong inapi at niyurakan ang
dangal, ito’y matututong lumaban maipagtanggol lamang ang kaniyang sarili.”
a. Katanyagan
c. Kayamanan
b. Karapatan
d. Karangyaan
2. “Gobernador, isusuko ko lang ang lupaing iyan kung didiligin nila ito ng dugo
ng kanilang asawa at anak.”
a. Kaligayahan
c. Katarungan
b. Kamatayan
d. Kasawian
3. Nagsilbi ako at nagsisilbi ako ng maraming taon sa hari sa pamamagitan ng
aking salapi at pagod.”
a. Katapatan
c. Kagalakan
b. Katarungan
d. Kaayusan
4. “Katulad ng butong galing sa aking asawa ang bawat tubong tumutubo roon.”
a. Kalungkutan
c. Kaugnayan
b. Katunayan
d. Katarungan
6
5. “Magagawa niya ang ibig gawin; ako’y mangmang at walang maipanghas na
lakas.”
a. Kalungkutan
c. Kahinaan
b. Karalitaan
d. Kamalasan
Talakayin Natin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.
Tunghayan mo ang buod ng mga sumusunod na kabanata upang lubos na
maunawaan ang mga kaisipang nais ipabatid ng akda na maiuugnay mo sa iyong
sariling karanasan.
KABANATA IV
(Kabesang Tales)
Si Tandang Selo na umampon kay Basilio ay buhay pa, at sa kabila ng
pagputi ng kaniyang buhok ay mabuti pa rin ang kaniyang pangangatawan. Ang
kaniyang anak na si Tales ay nakisama muna sa isang mamumuhunan. Ngunit nang
magtagal, nang magkaroon ng dalawang kalabaw at mga ilang daang piso ay
gumawa na sa sarili, na katulong ang kaniyang ama, ang kaniyang asawa at ang
kaniyang tatlong anak. Nang ang bukid ay umunlad ito ay inangkin ng mga prayle.
Pinabuwis si Kabesang Tales ng tatlumpung piso. Paglipas ng isang taon ay naging
limampung piso.
Natupad ang pangarap nilang makapagtayo ng bahay sa baryo Sagpang, sa
Tiani na kalapit-bayan ng San Diego. Inisip din niyang pag-aralin na sa kolehiyo si
Juli upang mapantay kay Basilio na kasintahan nito. Ngunit hindi ito natupad dahil
inihalal siya ng bayan na maging kabesa de baranggay. Dahil dito, maging ang mga
buwis ng mga namatay o kaya’y umalis na ay sa kaniya sinisingil ng kura. Tinaasan
muli ang buwis ng lupa hanggang sa dalawang daang piso. Hindi na ito kaya ni
Kabesang Tales kaya nakipag-asunto sa mga prayle. Pinanigan ng mga hukom ang
mga prayle. Sinundan pa ang kaniyang kasawian nang ipatawag ang kaniyang anak
na si Tano na magsilbi sa hukbo. Palagi niyang binabantayan ang kaniyang bukirin.
Lagi siyang may pasang baril. Di makapasok doon ang sinoman dahil balita si
Kabesang Tales sa pagbaril. Nagdala siya ng gulok. Ipinagbawal ang gulok. Nagdala
siya ng palakol.
Di nagtagal naghulog sa kamay ng mga tulisan si Kabesang Tales at
ipinatutubos. Isinanla ni Juli ang kaniyang mga hiyas liban sa agnos na bigay sa
kaniya ni Basilio. Hindi rin nakasapat ang panubos. Ipinasyang mangutang kay
Hermana Penchang at maglingkod dito bilang utusan. Kinabukasan, araw ng Pasko
ay maglilingkod na siya bilang alila.
7
KABANATA VII
(Si Simoun)
Pauwi na sana si Basilio nang may marinig siyang mga yabag at liwanag na
palapit. Nangubli siya sa puno ng balite. Sa kabila ng puno tumigil ang dumating.
Nakilala ni Basilio na ito ang mag-aalahas. Naghuhukay ang alahero, walang suot na
salaming asul kaya naman nagbago ang anyo nito.
Kinilabutan si Basilio dahil alam niyang ito rin ang di kilalang lalaki na
tumulong humukay ng paglilibingan ng kanyang ina labintatlong taon na ang
nakalipas.
Natuklasan ni Basilio na si Ibarra at si Simoun ay iisa. Hindi tinangkang
patayin ni Simoun si Basilio sapagkat inakala niyang makatutulong ito sa kaniyang
paghihiganti. Ipinagtapat ni Simoun ang tungkol sa kaniyang pangingibang bansa at
pagkatapos na siya’y yumaman ay nagbalik sa Pilipinas at nagpanggap na magaalahas.
Ikinalungkot ni Simoun ang paghahangad ng mga kabataang makapagpatayo
ng Akademya ng Wikang Kastila ng pagbabago para sa bayan. Hindi rin daw na
makatwirang hingin pa nila na maging probinsya ng Espanya ang Pilipinas, o kaya’y
magkaroon ng karapatang kapantay ng mga Kastila dahil sa paggawa nito magiging
bayan na walang sariling pagkukuro, walang kalayaan at pati kapintasan ay hiram.
Si Basilio naman ay para sa karunungan. Ang karunungan ay panghabangpanahon, makatao at pandaigdig. Pinili niya ang ang siyensya para makapaglingkod
sa bayan. Napuna ni Simoun na hindi naantig ang kalooban ni Basilio. Sinabi ni
Simoun na walang ginagawa si Basilio kundi tangisan ang bangkay ng ina na parang
babae. Ikinatwiran naman ni Basilio na hindi na bubuhayin ng paghihiganti ang inao
kapatid nya. Binalaan siya ni Simoun na baka balang-araw ay danasin din niya ang
dinanas niya noon bilang si Ibarra. Ipinagtaka naman ito ni Basilio, siya na raw ang
api ay siya pa ang kamumuhian. Ngunit sinabi ni Simoun na likas sa tao ang mamuhi
sa kaniyang inaapi. Idinagdag pa niya na ang mga Pilipino ay kontento na lang na
mabuhay nang may munting tahanan, kaunting kaginhawahan, isang asawa at isang
dakot na bigas. Nang mag-uumaga na, sinabi ni Simoun na hindi niya pipigilan si
Basilio na sabihin sa iba ang kaniyang lihim dahil tiyak naman niya na mas
paniniwalaan siya ng mga tao kaysa sa binata. Sinabi din niyang sakaling magbago
ang isip niya ay puntahan lamang siya sa bahay niya sa Escolta.
Naiwang nag-iisip si Simoun na hindi kaya’t may balak itong maghiganti
ngunit naglilihim lamang at nais sarilinin iyon o sadyang wala nang hangad
maghiganti. Lalong sumidhi ang pagnanais niyang makapaghiganti.
KABANATA
(Maligayang Pasko)
Pagkagising ni Juli ay agad tinungo ang kinalalagyan ng Mahal na Birhen
upang alamin kung ibinigay ang hiniling niya.Nagkasiya na lamang na aliwin ang
sarili nang walang himalang naganap, inayos ang damit na dadalhin sa pagtungo sa
tahanan nina Hermana Penchang.
Ang pasko sa Pilipinas sang-ayon sa mga matatanda ay pista para sa mga
bata kaya ang mga ina ay binibihisan nang magara ang kani-kanilang anak upang
8
magsimba at pagkatapos ay dadalhin sa kani-kanilang kamag-anak upang
mamasko. Nakita ni Tandang Selo ang kaniyang mga kaibigang nagdaraan. Naalala
niyang wala siyang regalo para sa kaninuman at hindi rin siya naalalang batiin man
lamang ng kanyang apo bago umalis.
Nang tangkain ni Tandang Selo na batiin ang mga kamag-anak na dumalaw
sa kaniya upang mamasko, laking gulat niya na walang salitang lumabas sa
kaniyang bibig. Tinangka niyang pisilin ang lalamunan, pihitin ang leeg, sinubukang
tumawa subalit kumibut-kibot lamang ang kanyang mga labi. Napipi ang matanda.
KABANATA 10
(Kayamanan at Karilataan)
Gayon na lamang ang pagtataka ng lahat nang makipanuluyan si Simoun sa
tahanan ni Kabesang Tales. Nagdarahop si Kabesang Tales ngunit dala nang lahat
ni Simoun ang pagkain at ibang kailangan at dalawang kaban ng mga alahas.
Ipinakita rin ni Simoun kay Kabesang Tales ang kaniyang rebolber.
Nagdatingan ang mga mamimili ng alahas. Si Kapitan Basilio, ang anak na si
Sinang at asawa nito, at si Hermana Penchang na mamimili ng isang singsing na
brilyante para sa birhen ng Antipolo. Binuksan ni Simoun ang dalawang maleta ng
alahas. Mga alahas na may iba’t ibang uri, ayos at kasaysayan.
Sinabi na Simoun na hindi siya nagbibili kundi bumibili din ng alahas.
Iminungkahi ni Sinang ang kuwintas. Tinawaran agad ni Simoun ng halagang
isandaan at limampung piso ng makilalang iyon nga ang kuwintas ng kasintahang
nagmongha. Limandaang piso naman ang sabi ni Kabesang Tales. Ani Hermana
Penchang ay di dapat ipagbili iyon dahil minabuti pa ni Juli ang paalila kaysa ipagbili
iyon. Isasangguni raw muna ni Kabesang Tales sa anak ang bagay na iyon.
Tumango si Simoun.
Ngunit nang nasa labas na ng bahay ay natanaw ni Kabesang Tales ang
prayle at ang bagong gumagawa ng lupa. Nangagtawanan pa iyon ng makita si
Kabesang Tales.
Kinabukasan, wala si Kabesang Tales. Gayundin ang rebolber ng magaalahas, wala sa kaluban at ang naroon ay isang sulat at kuwintas ni Maria Clara.
Humingi ng paumanhin si Kabesang Tales sa pagkakakuha ng baril na kailangan
daw niya sa pagsapi sa mga tulisan. Pinagbilinan si Simoun na mag-ingat sa
paglakad sapagkat pag nahulog ang mag-aalahas sa kamay ng mga tulisan ay
mapapahamak ito. Sinabi ni Simoun na sa wakas ay natagpuan niya ang kailangan
niya sa kaniyang balak.
Hindi nadatnan ng mga guwardiya sibil si Kabesang Tales kaya’t si Tandang
Selo ang kanilang dinakip. Tatlo ang pinatay ng gabing iyon. Ang prayle, ang
lalaking gumagawa sa lupa, at ang asawa nito ay nagkaroon ng madugong
pagkamatay-putol ang leeg at puno ng lupa ang bibig. Sa tabi ng bangkay ng babae
ay may papel na kinasusulataan ng Tales na isinulat ng daliring isinawsaw sa dugo.
KABANATA XXX
(Si Juli)
Nakarating agad sa San Diego ang pagkamatay ni Kapitan Tiago at ang
pagkakabilanggo ni Basilio. Higit na dinamdam ng mga taga-San Diego ang
9
pagkabilanggo ni Basilio kaysa sa pagkamatay ni Kapitan Tiago. Di-uman’y maaari
daw itong ipatapon o kaya’y bitayin tulad ng tatlong paring taga-Cavite. Ang
paniniwala ni Hermana Penchang ay parusa ng langit ang nangyari kay Basilio
ngunit para sa nakararami, ito’y isang paghihiganti ng mga prayle dahil sa ginawa
niyang pagkakadakip kay Juli na anak ni Kabesang Tales na kumalaban sa
korporasyon ng mga prayle.
Naisip ni Juli na panahon naman niya upang tulungan at iligtas si Basilio sa
bilangguan. Ang paghingi niya ng tulong mula kay Padre Camorra ay maaring
magbunga ng hindi mabuti. Minsan na niyang nahingan ng tulong ito nang dakpin
ang kaniyang Ingkong Selo ng mga guwardiya sibil. Gumawa ng paraan ang Pari
upang tulungan siya ngunit ipinahayag na hindi sapat ang pasasalamat ng dalaga.
Humingi ito ng isang kabayaran na katumbas ng pagkapariwara ng dalaga. Marami
ang nakababatid sa pagnanasa ng pari sa kasariwaan ni Juli.
Nabalitaan ni Juli na maliban kay Basilio, nakalaya na ang mga bilanggong
estudyante dahil sa mga padrino. Pilit na kinumbinsi nng mga kamag-anak, lalo na ni
Hermana Bali, si Juli na lumapit kay Padre Camorra ukol sa tulong subalit tanggingtanggi ang dalaga. Hindi kasi batid ng mga ito ang masamang hangarin ng pari sa
dalaga. Dahil sa sindak niya kay Padre Camorra at sa pagpapahalaga sa kapurihan,
nakailang araw na’y hindi pa rin siya kumikilos. Kinatatakutan tuloy niya ang
pagsapit ng gabi dahil sa masasamang panaginip na malimit dumalaw sa kaniya.
Ipinasya ni Juli na magpasama kay Hermana Bali sa kumbento. Subalit nang
malapit na sila sa pinto ng kumbento ay muling nagmatigas ang dalaga at humawak
nang buong kapit sa pader.
Tumalon sa bintana ng kumbento si Juli at nasawi. Parang baliw na lumabas
sa kumbento si Hermana Bali. Minabuti pa ni Juli na mamatay upang maging
karapat-dapat kay Basilio.
Nalungkot sa pagkamatay ng apo, parang batang umiyak si Tandang Selo.
Kinabukasan, hindi na siya nagisnan sa nayon, ito’y umalis dala ang kanyang tandos
sa pangangaso.
( Maaring buksan ang link na ito
https://www.youtube.com/watch?v=T_kobZdb71w&ab_channel=MNMTutorials para
sa karagdagang kaalaman )
Mga Gabay na Tanong:
1. Sino si Kabesang Tales? _______________________.
2. Ano ang dahilan ng pagkabilanggo ni Basilio? _____________________.
3. Kanino galing ang agnos? _____________________.
4. Ano ang layunin ni Simoun sa kaniyang pagtitinda ng alahas sa bahay ni
Kabesang Tales? ______________________.
5. Bakit kinuha ng mga guwardiya sibil si Tandang Selo sa kanilang tahanan?
_______________________________________________.
6. Saan matatagpuan ang bahay ni Kabesang Tales? __________________.
10
Pagsasanay 1
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang TAMA kung ang
pahayag ay tama, at MALI kung may bahagi ng pahayag na nagpapamali rito.
1. Dahil sa sitwasyon ni Juli kaya nagdadalamhati si Kabesang Tales.
2. Ang kasintahan ni Juli na si Basilio ay nag-aaral sa Europa.
3. Nakatipon si Juli ng sapat na halaga pantubos kay Kabesang Tales
mula sa mga tulisan.
4. Masugid na binabantayan ni Kabesang Tales ang kaniyang taniman.
5. Isinanla ni Juli ang kaniyang mga hiyas at alahas sa halagang
isandaan liban sa relikaryong handog sa kaniya ni Basilio.
Pagyamanin Natin
Gawain 4
Panuto: Salungguhitan ang damdaming namayani sa bawat pahayag.
1. “Wala kang dapat ikatakot, ako’y kasama mo naman sa pagpunta ng
kumbento,” ang sabi ni Hermana Bali.
(Pagkatuwa, Paninisi, Pagwawalang-bahala)
2. “Sadyang iyan ang mahihintay sa mga taong pati agua bendita ay
pinandidirihan,” ani ni Hermana Penchang.
(Pagkagalit, Pagkatuwa, Panghihinayang)
3. “Oh Siya, bumalik na tayo kung ayaw mong tumuloy sa loob, hayaan mo nang
mapatapon si Basilio at barilin pagkatapos, wala akong utang na loob sa
kanya kaya’y walang maisusumbat sa akin.”
(Pagkayamot, Pananakot, Pagwawalang-bahala)
4. “Sinabi ko na nga sa kanya, sinabi ko na nga ba,” pahayag ng HukomPamayapa nang mabalita ang nangyari kay Basilio.
(Pagkatuwa, Paninisi, Pagwawalang-bahala)
5. “Oh! Diyos, sa harap mo po’y walang mayaman, walang mahirap, walang
maputi, walang maitim; Ikaw lamang ang maglalawit sa amin ng katarungan.”
(Pagtitiwala, Pagkabigo, Pagdurusan)
Gawain 5.
Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang inilalarawan sa loob ng kahon sa
pamamagitan ng pagpupuno ng mga nawawalang titik.
1. Kapatawaran sa kaluluwa mula sa parusang dapat kamtan.
11
2. Matanda o sinaunang gamit o bagay.
3. Kapus-palad o kahabag-habag.
4. Masuong o malulong sa kinalalagyan.
5. Pagkuha sa pamamagitan ng pagbabayad sa sanla.
Tandaan Natin
Gawain 6
Panuto: Ipaliwanag ang iyong paniniwala at pagpapahalaga kaugnay sa mga
kaisipang namayani sa akda.
1. Pagsasanla ni Huli ng kanyang alahas para pantubos sa ama.
_____________________________________________________________
2. Pangangamuhan ni Huli alang-alang sa kalayaan ng ama.
_____________________________________________________________
3. Paglaban ni Kabesang Tales sa hukuman para sa kanyang karapatan bilang
isang nagsasaka ng lupa.
_____________________________________________________________
4. Pagpapahalaga ni Huli sa isang agnos na bigay ni Basilio bilang isang
kasintahan.
______________________________________________________________
5. Pagkamkam ng mga prayle sa lupang pag-aari ni Kabesang Tales.
______________________________________________________________
12
Isabuhay Natin
Gawain 7
•
•
•
Umisip ng paraan kung paano makaiiwas sa mga taong mapagsamantala.
Ano-ano ang iyong gagawin upang hindi ka magamit ng tao para sa kanilang
interes?
Isulat ang iyong sagot sa graphic organizer.
Tao akong mahina, iiwasan kong ako’y
mapagsamantalahan sa pamamagitan ng…..
1.
2.
3.
Gawain 8
Panuto: Sumulat ng isang talata batay sa sariling pananaw at pagpapahalaga
kaugnay sa mga kaisipang namamayani sa akda.
a. “Lahat tayo ay babalik sa lupa o sa alabok at ipinanganak na walang saplot.”
b. “Ang magulang ay gabay sa paglaki ng anak. Ang anak naman ay gabay sa
pagtanda ng magulang.”
13
Tayahin Natin
Sa pagkakataong ito, alamin mo kung ano ang iyong mga natutuhan sa mga
paksang iyong pinag-aralan.
Panuto: Basahin ang bawat pahayag at tukuyin kung sinong tauhan ang nagwika
nito. Piliin at bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. “Naglilinggkod ako sa hari sa pamamagitan ng aking salapi at paggawa.”
e. Basilio
g. Huli
f. Isagani
h. Kabesang Tales
2. “Alam mo ba, Juli, ang maaari mong gawin? Ipangutang mo ang bahay ng
halagang dalawandaa’t limampu na babayaran mo sa sandaling maipanalo
ang usapin.”
e. Hermana Penchang
g. Kabesang Tales
f. Hermana Bali
h. Tandang Selo
3. “Kung sa araw-araw ay naglilimos ako sa isang pulubi upang maiwasang
guluhin ako nito, sino ang makapipilit sa aking patuloy ko itong bigyan
matapos na pagsamantalahan nito ang aking kabutihan?”
e. Padre Camorra
g. Basilio
f. Kabesang Tales
h. Tano
4. “Magparaya! Isipin mo na lamang na lumaki ang buwaya.”
e. Tandang Selo
g. Hermana Bali
f. Kabesang Tales
h. Hermana Penchang
5. “Gayunman, mababatid niyang pinili ko pang isangla ang aking sarili kaysa
ang relikaryong inialay niya sa akin.”
e. Hermana Penchang
g. Juli
f. Hermana Bali
h. Tano
Gawin natin
Bumuo ng pangkat na at pumili ng tagapamagitan sa usapan at isang kalihim
na magtatala ng napag-usapan.
Pag-usapan ang mga sumusunod:
a. Kaya pa bang hikayatin ang mga rebelde na bumaba mula sa bundok?
b. Kung oo, sa paanong paraan maaaring mapababa ang mga tulisan?
c. Hindi kaila sa atin na may mga rebeldeng nagbabalik-loob sa pamahalaan.
Ano kaya ang inialok sa kanila ng pamahalaan? Itala ang mga napag-usapan.
14
Sanggunian
-Rizal’s Life, Works, and Writings by Gregorio F. Zaide. -El Filibusterismo by Educational Resources
Corporation the publisher of Ang Batikan at ang Pitak. https://tl.wikipedia.org/wiki/El_filibusterismo
Kasaysayan ng El Filibusterismo – FILIPINOTEK (wordpress.com)
El Filibusterismo, Virgilio S. Almario, 2011. ANVIL Puvlishing, Inc. Brgy. Kapitolyo, Pasig City.
ISBN 978-971-508-360-7
El Filibusterismo. NEXLIGHT Corp. Philippine Copyright ©2014. All rights reserved.
rally sa pilipinas - Google Search
https://www.youtube.com/watch?v=T_kobZdb71w&ab_channel=MNMTutorials
EXECUTIVE COMMITTEE FOR HYBRID MODULE
Chairperson:
DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
Vice –Chairperson: DR. GEORGE P. TIZON-SGOD-Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA-CID-Chief
Ex-Officio Members: EDUCATION PROGRAM SUPERVISORS
TAGUIG SECONDARY SCHOOL PRINCIPALS
DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS
Secretariat:
QUINN NORMAN O. ARREZA
Team Leader/Facilitator:
DR. MELEDA H. POLITA
School Head In-Charge:
DR. REA MILANA-CRUZ, PRINCIPAL IV
Writer:
JULIEJOEY F. TABABA
Editors:
VIRGINIA V. BAYANI
JOSEPHINE MENDEZ - PAGALING
Content Evaluator:
MARIBEL B. SINGSON
Language Evaluator :
JHON LESTER SANDIGAN
Reviewer:
DR. JENNIFER G. RAMA , EPS-FILIPINO
Illustrator:
CAMILLE JEWEL L. GARCIA
Layout Artist:
LEO U. PANTI
Content Validator: JESUSA M. GONZALES
Format and Language Validator:
PRIVATE INTERNATIONAL SCHOOLS
REPRESENTATIVES
For inquiries, please write or call:
Schools Division of Taguig city and Pateros Upper Bicutan
Taguig City
Telefax: 8384251
Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph