Konsepto ng Globalisasyon 1. Privatization - pagsasapribado ng mga negosyo -Hinihikayat ng konsepto ng globalisasyon na isapribado ang mga negosyo na hawak at pagmamay-ari ng gobyerno. -Ang privatization ay ang paglilipat ng pagmamay-ari o kontrol ng asset ng gobyerno sa pribadong sektor. Halimbawa: 1. Manila Zoo 2. LRT at MRT 3. Meralco Ito ang mga proyekto at mga pag aari ng gobyerno na ipinasa sa mga pribadong sector upang mas madali at mabilis silang magdesisyon dahil walang madaming regulasyon di tulad sa kamay ng gobyerno. 2. Deregulasyon - Kailangang maging malaya sa paggalaw ang mga bahay-kalakal sa paggawa at pamamahagi ng mga pangkaraniwang kalakal o produkto tulad ng tubig, langis, at kuryente. Ito ay batay sa konsepto ng laissez- faire o let-alone policy ni Adam - Ito ay batay sa konsepto ng laissez- faire o let-alone policy ni Adam Smith. Kailangan pabayaan ng pamahalaan ang mga sambahayan at pakikipag-ugnayan sa isa’t isa upang maging matatag ang ekonomiya. Halimbawa: Ang Energy Regulatiom Commision ay tumutulong upang protektahan ang interes ng publiko sa isang batayang serbisyong nakakaapekto sa kanila nang malaki. Ang kuryente ay napakahalaga hindi lamang sa pang-araw-araw na gawain ng isang tao. Ito ay mahalaga sa ekonomiya at pag-unlad ng isang bansa. Kaya nga, sa ibang mga bansa, ang pagpapatakbo sa industriya ng kuryente ay patuloy na nasa kontrol ng kanilang estado. Subalit, nasa kontrol man o wala ng estado ang operasyon sa industriya ng kuryente, meron talagang ahensyang itinatalaga lagi upang magbantay sa takbo ng industriya at makitang hindi napapagsamantalahan ang mga konsyumer o mga walang kontrol sa industriyang ito. 3. Liberalisasyon - Ang mga patakaran o polisiya hinggil sa pag-aangkat ng mga produkto ay kailangang maamyendahan o baguhin upang maging malaya ang kalakalan sa bansa. Halimbawa nito ay ang batas taripa at quota. Noong 1909, nagbigay ng pahintulot ang Batas Payne-Aldrich upang maging malaya ang palitan ng kalakal ng Estados Unidos at ng Pilipinas. Walang bayad na taripa ang mga produktong nanggagaling sa Pilipinas ngunit may takdang kota; samantalang ang mga kalakal mula sa Estados Unidos ay makapapasok sa Pilipinas nang walang taripa at kota. *Ang isang taripa ay ang buwis na ipinapataw sa mga inaangkat o iniluluwas na kalakal sa pagitan ng mga malalayang bansa.