Uploaded by Mayang Hernandez

SEMI-DETAILED LESSON PLAN

advertisement
Banghay Aralin sa
Araling Panlipunan I
I. Layunin: Pagkatapos ng leksyon ang mga bata ay inaasahang maipapakita ang isang
gawain na nagpapamalas ng pagpapahalaga sa sariling paaralan tulad ng
Brigada Eskwela.
AP1PAA-IIIh13
II. Paksang Aralin: Aralin 5.1 Ang Kahalagahan ng Aking Paaralan
Mga Kagamitan: cartolina, manila paper, mga larawan
Sanggunian: Curriculum Guide ph 26
Araling Panlipunan Grade I - Teacher’s Guide ph 70-71
Learner’s Material ph 141-142
Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa bayanihan at pagmamahal sa paaralan.
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
Awit
B. Panlinang na Gawain
1. Balik-Aral
Bakit mahalaga na sundin natin ang mga alituntunin ng ating paaralan?
2. Pagganyak
(Laro nang pangkatan.Mag-uunahan ang mga bata sa pagbuo ng puzzle.)
(Larawan ng mga batang tumutulong sa paglilinis ng paaralan.)
Anong larawan ang nabuo ninyo?
Itanong:
Ano ang ginagawa ng mga bata sa larawan?
3. Paglalahad
Tatalakayin natin ngayong umaga ang tungkol sa Kahalagahan ng
Paaralan at kung paano ninyo ito pahahalagan.
4. Pagtatalakay
Gumamit ng mga larawan na nagpapakita ng pagpapahalaga sa sariling
paaralan kagaya ng paglahok sa Brigada Eskwela (naglilinis, tumutulong sa
pagpipintura etc.)
Pag-usapan ito.
Ipasabi ang mga gawain o kilos na nagpapakita ng pagpapahalaga sa
sariling paaralan
5. Paglalapat
(You’re lucky to Find Me)
Ang mag-aaral na makakahanap ng smiley face na may nakalakip na strip
ng papel sa ilalin ng kanilang mesa ang maswerteng magpapakita ng
kanyang talento sa pag acting.
Babasahin at ipapakita sa harap ng klase ang nakasaad sa estripo.
6. Paglalahat
Ano – ano ang maitutulong mo bilang mag-aaral sa inyong paaralan?
Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa sariling paaralan?
III. Pagtataya
Ipapakita ng mga mag-aaral sa pamamaggitan ng pagsasakilos ng mga gawain
na nagpapakita ng pagpapahalaga sa paaralan tuwing Brigada Eskwela.
Pangkat 1 – Pagwawalis sa Paligid ng Paaralan
Pangkat 2 – Pagbubunot ng mga Sahig
Pangkat 3 – Pagdidilig ng mga halaman
Pangkat 4 – Pagpupunas ng mga puan at mesa
IV. Takdang – Aralin:
Lutasin:
(Ipakita Mo!)
Magpapasukan na nakita mo na may nakapaskil sa bakod ng inyong paaralan na
nag-aanyaya sa lahat para tumulong sa paglilinis. Ano ang gagawin mo?
Inihanda ni:
Mrs. Luvimin Delos Santos
Guro
Download
Study collections