Uploaded by alonzoalyss

Araling+Etniko+sa+Wikang+Filipino ++Pagpapaibayo+ng+Pilipinolohiya Araling+Pilipino

advertisement
Saliksik E-Journal
Tomo 6, Bilang 1 | Mayo 2017
Pambungad ng Patnugot
ARALING ETNIKO SA WIKANG FILIPINO:
PAGPAPAIBAYO NG PILIPINOLOHIYA/ARALING PILIPINO
Mary Jane B. Rodriguez-Tatel
Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas
Unibersidad ng Pilipinas - Diliman, Quezon City
Malayo na rin ang binagtas ng mga pag-aaral tungkol sa Pilipinas. Mula sa pag-aaral ng
mga banyaga o tagalabas, masasabing nag-ibayo na ito patungo sa loob ng Kapilipinuhan.
Habang itinatampok nito ang kakanyahang Pilipino sa iba’t ibang dominyo ng iskolarsyip,
tumatawid ito ng mga hangganang disiplinal, pinaghuhugpung-hugpong ang anumang
larangan upang panindigan ang mandatong “pag-aaral ng Kapilipinuhan sa lahat ng pagaanyo nito” (Salazar 1998c, 343). Dahil ang Kapilipinuhan ay kinakatas sa iba’t ibang
grupong etnolinggwistiko, masiglang nakikibahagi sa pagpapaibayo ng Araling Pilipino
ang mga araling etniko sa wikang Filipino. Ito ang nais itampok sa unang isyu ng ikaanim na tomo ng SALIKSIK E-Journal. Bagaman wala pang naiinstitusyonalisang “Araling
Etniko” bilang isang disiplina sa Pilipinas, may mayabong nang larangan ng produksyon
ng kaalaman hinggil sa mga grupong etnolinggwistiko.
Sa pamamagitan ng
pagpapatampok sa nasabing larangan sa wikang Filipino, nilalayon ng tomong ito na
makaambag sa tunguhin ng pagtatatag ng isang pormal na disiplina sa nalalapit na
hinaharap.
SA PAGITAN NG MGA PANININDIGAN:
MULA AIP PATUNGONG PILIPINOLOHIYA/AP
Kapanabay ng pagdadalumat ng kabansaan noong ika-19 na siglo ang simulain para sa
pagkakaroon ng mga “araling Pilipino” na isasagawa hindi na lamang ng mga
banyaga/kolonisador, kundi ng mga “anak ng bayan” para sa kagalingan ng bayan (Salazar
1998b, 306). Taong 1889 nang planuhin ni Jose Rizal, sampu ng iba pang Europeong
iskolar na simpatetiko sa Pilipinas, ang pagdaraos ng isang pandaigdigang kongreso.
Pangunahing layon nito na mainstitusyonalisa ang Association Internationale des
1
RODRIGUEZ-TATEL: Araling Etniko sa Wikang Filipino
Saliksik E-Journal
Tomo 6, Bilang 1 | Mayo 2017
Philippinistes (AIP), isang pambansang samahan ng mga Pilipinista sa iba’t ibang dako ng
daigdig bilang suporta sa noo’y laban ng Pilipinas para sa sariling pagtatakda sa España.
Nabigo ito, hindi nagkatotoo upang magbunsod ng isang realisasyon: na hindi sa labas o
sa mga banyaga magmumula ang pag-ugit ng sariling tadhana.
Makalipas ang isang dantaon, ipinakilala ang “Pilipinolohiya” bilang isang susing dalumat
at programang interdisiplinaryo sa kaibuturan ng kilusang Pilipinisasyon sa Unibersidad
ng Pilipinas (UP). Magkatuwang na dinalumat ito nina Prospero Covar at Zeus Salazar sa
konteksto ng pagtatatag ng isang programang doktorado noong 1989 sa noo’y
Dalubhasaan ng Agham Panlipunan at Pilosopiya (DAPP) [tinatawag na Kolehiyo ng
Agham Panlipunan at Pilosopiya (KAPP) o College of Social Sciences and Philosophy
(CSSP) ngayon] ng UP. Nagsilbi itong kritika at alternatibo sa dominanteng diskurso ng
Kanluranin/maka-Kanluraning “Philippine Studies” sa wikang Ingles. Bilang “panloob... at
sistematikong pag-aaral ng Kapilipinuhan sa tatlong larangan: (1) kaisipan; (2) kultura
(kasama na ang wika, iba’t ibang larangan ng sining, pilosopiya, at relihiyon); at (3)
lipunang Pilipino” (Covar 1991, 37; Salazar 1991c, 6-7), inihudyat nito ang pihit pangwika
(linguistic turn) na isa ring pihit ng paradaym mula sa Philippine Studies. Pagsapit ng
dekada 1990, matutunghayan ang ilang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng
pagsulong ng Pilipinolohiya. Maituturing na ikutang punto ang taong 1991 sa tatlong
aspekto.
Una, inilathala ang librong Pilipinolohiya: Kasaysayan, Pilosopiya, at
Pananaliksik (Bautista at Pe-Pua 1991), tampok ang mga seminal na akda nina Covar at
Salazar na naglilinaw ng kahulugan, kasaklawan, perspektiba, at tunguhin ng
Pilipinolohiya bilang isang larangan. Nakapaloob din dito ang mga abstrak ng disertasyon
upang maimapa ang kalagayan at kalakaran ng mga pag-aaral sa programang doktorado.
Ikalawa, isina-Filipino ang opisyal na pangalan ng programang Philippine Studies bilang
“Araling Pilipino” (AP) sa UP Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas
(Rodriguez-Tatel 2015b, 125).1 At ikatlo, gamit ang perspektibang historikal, pinaksa ni
Salazar sa binasa niyang papel sa kumperensya ng International Association of
Historians in Asia (IAHA) ang mga pundamental na pagkakaiba ng “Philippine Studies”
(bilang “area studies” ng kapantasang Europeo-Anglo-Amerikano) at “Pilipinolohiya” (ng
pinauunlad na kapantasang Pilipino).
Noong 1998, nailathala itong huli bilang
“‘Philippine Studies’ and ‘Pilipinolohiya’: Past, Present, and Future of Two Heuristic Views
in the Study of the Philippines” (Salazar 1998b) sa kanyang aklat na The Malayan
Connection: Ang Pilipinas sa Dunia Melayu (Salazar 1998d) kasama ng isa pang akda, ang
“Pilipinolohiya: Pagtatakda at Pagpapaibayo” (Salazar 1998c). Sa pagkakataong ito,
pinalawak ang saklaw ng Pilipinolohiya bilang sandigan ng anumang pag-aaral ng mga
Pilipino tungkol sa mundo para sa pagpapaibayo ng “Kapilipinuhan” (Salazar 1998c).
Taong 2013, halos isang dekada at kalahati ang nakalipas, idinaos ang sampaksaang
nagsilbing hakbang sa binabalak na “reporma” o “pagsasapanahon” (i.e., pag-angkop sa
nagbabagong panahon) ng programang doktorado sa Philippine Studies ng Tri-College, UP
2
RODRIGUEZ-TATEL: Araling Etniko sa Wikang Filipino
Saliksik E-Journal
Tomo 6, Bilang 1 | Mayo 2017
Asian Center.
Pinamagatang “Ang Araling Pilipino sa Larangang Pambansa at
Pandaigdigang Pagbabago,” nasaksihan dito ang talaban ng mga pananaw nina Salazar at
Ramon Guillermo hinggil sa magiging tunguhin ng Araling Pilipino. Sa kanyang iniharap
na papel na pinamagatang “Panayam Tungkol sa Tinataguriang ‘Philippine Studies’ sa UP
sa Konteksto ng Pambansang Kakanyahan/Identidad,” muling nanindigan si Salazar
(2013) na “Pantayo ang batayang pananaw ng Pilipinolohiya” sa konteksto ng paglikha ng
isang “pambansang diskursong pangkabihasnan” para sa mga Pilipino (Salazar 1991c, 7).
Sa ganang ito, muli niyang hinamon ang “Philippine Studies” ng mga kontemporaryong
Pilipinong iskolar na patuloy na nagdidiskurso sa wikang Ingles. Samantala, iginiit
naman ni Guillermo (2013) sa kanyang papel na pinamagatang “Ang Awtonomong
Komunidad Pangkomunikasyon sa Disiplinang Araling Pilipino”2 ang pragmatismo ng
isang “awtonomong komunidad pangkomunikasyon” para rito. Nasasalalay ito, aniya,
“hindi lamang sa iisang partikular na wika bagkus ay sa pagitan ng mga wika.” Taliwas sa
adyenda ng “nagsasariling talastasan” ng Pantayong Pananaw (PP) na diumano’y may
pagkasarado at “malaking hadlang sa pagsulong ng inklusibong AP sa wikang Filipino”
(Guillermo 2016, 38), ipinapanukala ni Guillermo ang pagkakaroon ng “multilingguwal na
komunidad na pangkomunikasyon” bunsod ng “masalimuot na kontekstong pangwika ng
Pilipinas.” Kaugnay nito ang idinudulog niyang posibilidad ng paggamit ng mga
rehiyonal/trans-rehiyonal na wikang gaya ng Ilokano at Cebuano bilang akademikong
wika kaalinsabay ng mga wikang Filipino at Ingles bilang mga “pantawid na wika” sa
Araling Pilipino (Guillermo 2016, 40-41). Mula sa inklusibo at masiglang komunidad
pangkomunikasyon ng AP inaadhika ang pagpapatatag o “institusyonalisasyon” ng isang
Sentro ng Araling Pilipino sa UP Diliman, na siya rin umanong magpapatatag sa
komunidad pangkomunikasyon ng AP sa pambansang antas, gayundin sa mga ugnayan
ng iba’t ibang sentro ng AP at Araling Timog Silangang Asya sa buong daigdig (Guillermo
2016, 45).
Upang tasahin ang estado ng “Pilipinisasyon” sa programang Philippine Studies ng UP,
iminapa ang kalakaran ng paggamit ng mga konseptwal na balangkas at paneneorya sa
mga tesis at disertasyon ng di-gradwado at gradwadong antas sa artikulong “Philippine
Studies/Araling Pilipino/Pilipinolohiya sa Wikang Filipino: Pagpopook at Pagdadalumat
sa Loob ng Kapantasang Pilipino” (Rodriguez-Tatel 2015b). Inilathala noong 2015,
nakapagbigay ito ng mapanlagom na pananaw hinggil sa produksyon ng kaalaman sa
nasabing larangan mula noong dekada 1970 hanggang 2007. Ang mga nasabing
produksyon ang ginawang kongkretong batayan ng pagsipat sa pagsulong ng
Pilipinisasyon ng “Philippine Studies” sa dalawang antas ng pag-aanyo nito: una, ang
pagbabago ng kapookan o rekontekstwalisasyon nito mula “araling panlarangan” (area
studies sa internasyonal na akademikong komunidad) tungong “araling Pilipino” ng mga
Pilipinong iskolar; at ikalawa, ang rekonseptwalisasyon o muling pagdadalumat sa loob
ng Kapilipinuhan sa ganang paneneorya.
Ipinakikita sa ikalawa kung paano
nagdadalumat gamit ang mga katutubong konseptong tuwirang hinango mula sa
3
RODRIGUEZ-TATEL: Araling Etniko sa Wikang Filipino
Saliksik E-Journal
Tomo 6, Bilang 1 | Mayo 2017
kalinangang Pilipino, o ang mga banyagang teoryang inangkin, ibig, sabihin, iniangkop at
isinalin upang gawing mas makabuluhan sa ating kongkretong karanasan. Partikular sa
usapin ng pag-aangkin o pag-aandukha ng mga teoryang mula sa labas, maipantutugon
ang akdang ito sa kritisismo ni Guillermo hinggil sa diumano’y “pagkasarado” ng
“nagsasariling talastasan” ng PP. Sa ganang pag-aangkin, mababanaagang hindi talaga
“sarado” (sa absolutong pakahulugan) ang “mula sa loob tungo sa loob” na artikulasyon
ng PP bilang perspektiba ng Pilipinolohiya/AP. Manapa’y itinatampok lamang ang
pangangailangang buuin o patatagin muna ang “sarili.” Mapagtatanto ang birtud nito sa
realidad ng akademikong produksyon (ng mga tesis at disertasyon) sa wikang Filipino visá-vis wikang Ingles sa gradwadong programa (masterado at doktorado) ng Philippine
Studies. Mula 1974, nang maitala ang unang gradweyt sa masterado, hanggang 2007,
mayroon lamang 57 (36.30%) ng kabuuang naitalang 157 tesis at disertasyon ang nasa
Filipino habang 100 (63.70%) o kalakhan pa rin ay nasa Ingles (Rodriguez-Tatel 2015b,
135). Ibig sabihin, hanggang sa mga panahong nabanggit, patuloy pa ring nakikipagbuno
ang produksyon sa Filipino sa “Philippine Studies” sa Ingles. Kung kaya’t patuloy na
nakaumang ang matinding hamon para sa ganap na Pilipinisasyon nito kung saan sentral
ang paggamit ng pambansang wika. Kailangan pang palakasin ang tindig para sa Filipino
kung tunay nating hangad na makabuo ng sariling pambansang tradisyong siyentipiko at
intelektwal, hindi lamang “isang punto-de-bistang Pilipino” (Salazar 1985, 37-38).
Kung babalikan ang mandato ng Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas (RP) ng 1987,
malinaw ang dinamikong katangian ng pambansang lingua franca bilang wikang
“nalilinang” ibig sabihin, “...dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga
wika ng Pilipinas” (Artikulo 14, Seksyon 6) (akin ang diin). Sa puntong ito, kailangang
linawin ang alegasyong “natibista” o “sarado” ang pagtataguyod ng PP sa bisa ng wikang
Filipino sa AP. Dapat inuunawa ang depinisyon ng PP bilang “sistemang closed circuit” o
“nakapinid na pag-uugnayan/pakikipag-ugnayan” (Salazar 1991a, 83) sa mas malawak na
kontekstong historikal na tinalakay ni Salazar sa kabuuan ng artikulo. Pinatutunayan sa
atin ng Saligang Batas ng 1987 na bukas, hindi sarado ang Filipino. Dahil wala naman
talagang lingua franca na “sarado.” Habang ang Filipino bilang lingua franca ay
nananatiling nasa proseso pa rin ng pagsulong, ‘ika nga’y “work-in-progress,” gayundin
ang isang PP sa “lebel na pambansa” bilang isang diskursong pangkabihasnan sa
akademya. Matatanto ito kung babaybayin ang buong kaisipan at mensahe ni Salazar
hinggil sa PP sa kahabaan (mula pah. 79 hanggang 125!) ng artikulong pinagkunan ng
nasabing depinisyon, “Ang Pantayong Pananaw bilang Diskursong Pangkabihasnan”
(Salazar 1991a). Kung lalawakan pa ang pagsusuri, kailangan ding matunghayan ang
pagsulong ng mga pag-aakda ni Salazar hinggil sa pagpapaunlad ng P/Filipino sa
akademya (Salazar 1970-1971; Salazar 1991a; Salazar 1991b; Salazar 1991c). Maging ang mga
batayang dalumat ng PP na “pag-aangkin” at “Pilipinisasyon” (sa halip na
“indihenisasyon” o “pagsasakatutubo”), gayundin ang ideya ng “magkakaugnay na...
Kalinangang Bayan/etniko bilang batayan ng Kabihasnang Pambansa na may pantayong
4
RODRIGUEZ-TATEL: Araling Etniko sa Wikang Filipino
Saliksik E-Journal
Tomo 6, Bilang 1 | Mayo 2017
pananaw” (Salazar 1991a, 123) ay pawang sintomatiko ng pagiging bukas (hindi “sarado”)
nito. Sa puntong ito, mahalagang balikan ang sinabi ni Salazar, “Pilipinolohiya [ang]
disiplinang bubuo ng isang ‘pantayong pananaw’ o pambansang diskurso para sa mga
Pilipino sa loob ng isang nagsasarili, malawak, at matatag na Kabihasnang Pilipino”
(Salazar 1991c, 7) (akin ang diin); habang ang PP ang itinakda niyang batayang
perspektiba ng Pilipinolohiya (Salazar 1991c; Salazar 2013). Samakatwid, nagtatalaban ang
Pilipinolohiya/AP at PP bilang mga dinamikong larangan at diskursong akademiko.
Nawala sa opisyal na gamit ang “Pilipinolohiya” sa UP matapos ang termino ni Salazar
bilang Dekano ng DAPP, subalit patuloy na nag-ibayo ang AP sa wikang Filipino.
Kamakailan lamang, idinaos ang Pandaigdigang Kongreso sa Araling Filipinas sa Wikang
Filipino: Pagbabalik, Pagbabantayog sa Filipino nitong Agosto 2-4, 2017 na pangunahing
itinaguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Nilahukan ang nasabing kongreso ng
mga iskolar na hindi lamang mga Pilipino, kundi maging ng mga delegadong Español,
Amerikano, at Pranses na naglahad ng kanilang presentasyon gamit ang wikang
Filipino—ang opisyal na wika ng kongreso. Napatunayan natin dito ang potensyal ng
Filipino na maging daluyan ng kapantasan sa AP sa internasyonal na akademikong
komunidad. Ang “pagbabantayog” ng wikang Filipino ay bahagi, umano, ng adhikain ng
mga organisador na “itaguyod ang wikang pambansa bilang wika ng makapangyarihang
dominyo lalo na sa pananaliksik at edukasyon” (KWF 2017, 4). Maituturing na isa na nga
itong pagbaligtad (reversal) sa dominanteng kalakarang nagsimula pa man sa panahon ni
Rizal. Kung ano’t anuman, matutunghayan sa iskolarsyip sa wikang Filipino hindi lamang
ang malikhaing tugon sa hamon ng “labas,” lalo’t higit ang taglay nitong lakas upang
maigiit ang kakanyahang pambansa sa unibersal na tradisyong siyentipiko (RodriguezTatel 2015b).
KAKANYAHAN AT KABUUAN SA BISA NG WIKANG PAMBANSA:
ATAS NG PILIPINOLOHIYA/AP
Ipinihit ng Pilipinolohiya/AP ang tunguhin, perspektiba, teorya, at praxis ng mga pagaaral tungkol sa Pilipinas mula sa maka-Kanluraning “Philippine Studies” patungo sa loob
ng Kapilipinuhan sa adhikaing pag-ibayuhin ang pag-unawa sa kolektibong “Sarili.”
Tungkol sa mga Pilipino, mula sa Pilipino, para sa Pilipino—ito ang diwang buod ng
nasabing larangan (Salazar 1991c). Nilinaw ni Covar ang bisyon-misyon nito: “bumuo ng
isang agham na magpapalitaw ng pagka-Pilipino ng bawat larangan,” kung kaya,
“Pilipino” at “lohiya” (Covar 1991, 37). Gayumpaman, hindi lamang kakanyahan o "pagkaPilipino" ang itinanghal kundi isang dinamikong proseso ng pagbubuo ng kabihasnang
pambansa. Kinapapalooban ito ng iba’t ibang "mga anyo’t paraan ng pagpapakaPilipino”
(Salazar 1998a, 326) na nasa mga kalinangang bayan o etniko (Salazar 1991a, 123). Dahil
wika ang daluyan ng anumang kultura, sentral sa pagpapaka-Pilipino ang wika. Sa
5
RODRIGUEZ-TATEL: Araling Etniko sa Wikang Filipino
Saliksik E-Journal
Tomo 6, Bilang 1 | Mayo 2017
ganang ito, wika rin ang kinakasangkapan sa artikulasyon ng kaalaman, kung kaya, ang
wikang Filipino bilang wikang pambansa, ang isang mahigpit na sinasandigan ng teorya
at praktika ng Pilipinolohiya (Covar 1991; Salazar 1991c; Salazar 1998b; Salazar 1998c;
Rodriguez-Tatel 2015b). Kung tutuusin, malaon na ang mga inisyatiba kaugnay ng
konseptwalisasyon ng mga araling Pilipino sa atin mismong sariling wika. Pinagsisimula
ito kay Rizal (Jose 1987; Salazar 1998b; Rodriguez-Tatel 2015b) nang tahasan niyang
ipahayag sa banyagang Pilipinistang si Ferdinand Blumentritt ang kalahagahan ng mga
pag-aaral tungkol sa Pilipinas ng kanya mismong mga anak, ibig sabihin ng mga Pilipino
mismo. Aniya, “nagbibigay ito ng totoong konsepto ng sarili at nag-uudyok sa bayan na
gumawa ng kadakilaan” (Rizal 1887 sa Jose 1987, 53) (akin ang salin). At mula sa
pakikipag-usap sa mga banyaga, mauulinigan ang pagpihit ng kanyang oryentasyon
patungo sa sariling kababayan nang hikayatin niya ang mga kapwa propagandista na sila
mismo ang magsulat tungkol sa Pilipinas. Tagubilin niya sa kanila, “Tayo lamang ang
tanging makagagagap ng kaalaman ukol sa ating bayan, sapagkat nauunawaan natin
kapwa ang mga wika, maging ang mga lihim ng taumbayang kasa-kasama natin sa
paglaki…” (Rizal 1889 sa Jose 1987, 54) (akin ang diin at salin). Tila may hibo ng pagiging
eksklusibo ang pagkagagap sa kaalaman at karunungan sa mga magkakawika at
magkakakultura lamang. Sapagkat higit pa sa pahapyaw na pag-alam, ganap na
pagkaunawa ang ibinubunga ng pinagsasaluhang karanasan. Makalipas ang isang siglo,
iaalingangaw ito sa asersyong “mula sa loob tungo sa loob” ng PP na itinakda ni Salazar
bilang perspektibang dapat taglayin ng Pilipinolohiya (Salazar 1991c; Salazar 1998b;
Salazar 2013). Isang dantaon mula nang isatitik ni Rizal ang mahigpit na ugnayan ng wika
at karunungan sa pagpapaibayo ng “Sarili,” pinanday nina Salazar at Covar, sampu ng mga
mag-aaral na nagsulat ng kanilang tesis at disertasyon sa Filipino ang Pilipinolohiya/AP
bilang isa sa mga haligi ng kilusang susuhay sa paglikha ng isang “nagsasariling
talastasang Pilipino” o “talastasang bayan” sa akademya (Navarro et al. 1997; Aquino 1999;
Mendoza 2002; Navarro at Lagdao-Bolante 2007; Navarro et al. 2015). Sa dalumat na ito
ng kolektibong “LOOB”/“SARILI” o kakanyahang pambansa, tahasang umuugnay ang
Pilipinolohiya/AP sa araling etniko sa wikang Filipino. Minsan nang nag-atas si Salazar
para sa lahat ng Pilipinong iskolar na nagpapakadalubhasa sa Pilipino at mga bagayPilipino: ituon ang Pilipinolohiya sa pagbubuo ng Kabihasnang Pilipino “mula sa katas ng
mga kalinangang Pilipino na katangian at buhay ng mga grupong etnolinggwistiko ng
Pilipinas” (Salazar 1991 sa Rodriguez-Tatel 2015a, 143) (akin ang diin). Sa pahayag na ito,
inilulugar ang “etniko”/ “etnolinggwistiko” bilang batayang bahagi, ano pa nga’t
panulukang bato, ng pinoproyektong pambansang kabihasnan.
6
RODRIGUEZ-TATEL: Araling Etniko sa Wikang Filipino
Saliksik E-Journal
Tomo 6, Bilang 1 | Mayo 2017
ETHNIC STUDIES VS. ARALING ETNIKO:
PAG-IBAYO NG “IBA” PATUNGONG “SARILI”
Nag-ugat ang dalumat ng “ethnic” sa “ethnos” ng Griyego na sa orihinal ay
nangangahulugang “heathen” o “pagan” (Williams 1976 sa Eriksen 1993, 3), “gentile” at
“non-Christian” (Oxford English Dictionary 1971 sa Tonkin et al. 1989, 12). Sa pananaw ng
mga Europeong Kristiyano, ang “ethnos” ay ang “iba” o di-tulad nila. Ginamit umano ang
“ethnic” sa bokabularyong Ingles sa ganitong kahulugan mula kalagitnaan ng ika-14
hanggang kalagitnaan ng ika-19 na siglo. Sa puntong ito, dahan-dahan itong ipinantukoy
sa mga katangiang panlahi. Halimbawa, ginamit ito sa Estados Unidos nang mga
bandang Ikalawang Digmaang Pandaigdig bilang “magalang” na katawagan sa mga
Italyano, Hudyo, Irish, at iba pang taong itinuturing na “mababa”/“mahina” (“inferior”)
vis-á-vis dominanteng grupong nagmula sa mga Ingles (Eriksen 1993, 3). Sa kasaysayan
ng eksplorasyon, ekspansyon, at pagtatatag ng imperyo ng mga kolonisador, tumingkad
ang pakahulugan sa “ethnos” at “ethnic” bilang antitesis ng itinakdang “sentro” at
“mainstream.” Kung kaya may pahiwatig din ito ng nasa kagiliran o nasa ilalim, “a label of
the subordinate, of the subaltern,” ani Brackette Williams (1989 sa Labrador 1997, 1). Mula
sa dominanteng diskurso ng mga eksplorador/kolonisador/tagapagtatag ng imperyo,
pinagsanga ang “ethnos”/“ethnic” sa mga popular na katawagang ipinakilala sa kolonyang
gaya ng Pilipinas, i.e., “naturales”/“nativos”/“natives,” “indigeno”/“indigenous,”
“pagano”/“infiel” o “no-Cristiano”/“non-Christian” (kasama na ang “Moro”), “tribus
independientes”/“tribes,” “minority” (“ethnic minority”). Hanggang maisalin ang mga ito
sa sarili nating katawagang “katutubo.” Malinaw na makikita ito sa pag-aaral, halimbawa,
ni Fe Yolanda Gatan (1997) tungkol sa mga Ilongot at Isinay ng Nueva Vizcaya.
Ipinakahulugan niya ang “grupong etniko” bilang “grupong katangi-tangi o bukod,” “mga
grupong karaniwang pinag-aaralan ng antropolohiya,” at “katutubo” (Gatan 1997, 3-4). Sa
harap ng mga magkababayan o mga taong pare-pareho namang “tumubo” o ipinanganak
sa iisang lugar, nagiging problematiko at nakalilito kung ano o sino nga ba ang “etniko” at
“katutubo.” Hanggang ngayon, bagaman may paglilinaw nang ginagawa sa akademya sa
mga nabanggit na kategorya, nananatiling makahulugan at makatuturan (sapagkat
patuloy na ginagamit) ang “etniko” sa pakahulugan nito bilang minorya at isinagilid na
grupong pangkalinangan. Sa isang sarbey na ginawa sa mga piling estudyante ng UP at
Quezon City Polytechnic University (QCPU), masasabing nanalaytay pa rin sa popular na
kamalayan ang mga pakahulugang kolonyal sa “etniko” kaugnay ng “tribo” at “katutubo”
(Rodriguez-Tatel 2012). Hangga’t malabo ang ating pagkaunawa kung saan nga ba tayo
dapat lumugar, mananatili ang mapantangi, mapanghati, mapambukod na bisa ng pagiiba-iba alinsunod sa etnisidad (ethnic differentiation). Bilang pamana ng ating
karanasang kolonyal, patuloy nitong sinisindihan ang politika ng identidad na
pinamamagitanan ng mga kategorya.
7
RODRIGUEZ-TATEL: Araling Etniko sa Wikang Filipino
Saliksik E-Journal
Tomo 6, Bilang 1 | Mayo 2017
Inuugat ang simula ng “Ethnic Studies” sa interdisiplinaryo at komparatibong pag-aaral ng
etnisidad, indigeneity, lahi (race), at rasismo sa Estados Unidos noong huling bahagi ng
dekada 1960. Sinasabing may kinalaman ang etnisidad sa “klasipikasyon ng mga tao at
mga ugnayang panggrupo sa konteksto ng mga pagkakakilanlang ‘sarili-iba’”
(“classification of people and group relationships in the context of ‘self-other’ distinctions”)
(Eriksen 1993, 4). Bagaman pinag-iiba ang etnisidad sa lahi (race), itinuturing pa rin ni
Pierre van den Berghe (1983) ang mga relasyong panlahi (race relations) bilang naiibang
kaso ng etnisidad. Para kay Michael Banton (1983, 106), halimbawa, tumutukoy ang lahi
sa kategorisasyon sa mga tao, habang ang etnisidad naman ay may kinalaman sa
identipikasyon o pagkakakilanlang panggrupo. Dagdag pa niya, mas nakapook ang lahi sa
diskurso ng labas o “nila” ("them”). Higit namang nakatuon ang etnisidad sa pagkilala sa
“namin” (“us”). Gayumpaman, iginigiit pa rin ni Thomas Eriksen ang pagkakaugnay ng
lahi sa etnisidad. Partikular sa konteksto ng diskriminasyon, aniya, “Discrimination on
ethnic grounds is spoken of as ‘racism’ in Trinidad and as ‘communalism’ in Mauritius, but
the forms of imputed discrimination referred to can be nearly identical” (Eriksen 1996, 30).
Paksa ng Ethnic Studies ang mga usapin ng panlipunang katarungan, identidad, at
pagtutol, tampok ang pananaw at karanasan ng mga taong may-kulay (people of color) o
mga tinaguriang “natives”/“indigenous” sa konteksto mismo ng kanilang patuloy na pagiral at pakikipagtalaban sa lipunang dinodominahan ng lahi at liping ganap na iba at
dayuhan sa kanila. Ito ang konteksto ng mga kulturang naipaloob sa orbit ng dominyong
Europeo-Anglo-Amerikano (e.g. American Indian ng Estados Unidos, Cree ng Canada,
Bundjalung ng New South Wales, Australia, at iba pa). Sa kasalukuyan, patuloy ang
pagsusuri sa mga paraan kung paano nananatiling makapangyarihan sa panlipunan,
pangkultura, at pampolitikang senaryo ang diskurso ng lahi at rasismo, sa partikular,
ang pangingibabaw ng mga “puti” (“white supremacy”), habang humuhugpong ang mga
ito sa iba pang punto ng istratipikasyon gaya ng kasarian, uri, sekswalidad, at katayuang
legal (DES CLS UC Berkeley 2014). Sa madaling sabi, pagpapatampok sa “Iba” o mga
taong ibinukod (racialized), ang tuon ng Ethnic Studies sa Kanluran. At gaya ng
Philippine Studies sa wikang Ingles, perspektibang “Pangkami” ang umiiral dito, ibig
sabihin, pananaw ng mga katutubong intelektwal na nakikipagdiskurso sa Kanluran
bilang reaksyon sa isinagawang pag-i-“Iba” (“othering”) sa kanila. Bagama’t maaaring
makaugnay, naiiba pa rin ito sa dalumat ng “panloob na pag-aaral” ng Pilipinolohiya/AP
na ang tuon ay ang “Sarili.” Unang-una, mahalagang isaalang-alang ang kapookan, ang
kontekstong kultural at karanasang historikal ng Pilipinas. Di-gaya ng mga “katutubo” sa
tinataguriang “First World” o “Kanluran,” may likas na kaisahan ang iba’t ibang grupong
etniko sa Pilipinas tagurian man silang “mayorya” o “minorya” ng media at estado.
Bunsod ang pagkakaugnay-ugnay o kaisahang ito ng pagkakaroon ng iisang ninunong
wika at kalinangang Austronesyano. Kung kaya, malabo at nananatiling problematiko
ang taguring “etniko” bilang “iba” o “katutubo” o “indigenous” sa kontekstong Pilipino.
Maging ang dating Tagapangulo at Komisyoner ng National Commission on Indigenous
8
RODRIGUEZ-TATEL: Araling Etniko sa Wikang Filipino
Saliksik E-Journal
Tomo 6, Bilang 1 | Mayo 2017
Peoples (NCIP) na si Zenaida Hamada-Pawid (2015) ay nagbulalas ng ganito, “Lahat
naman tayo[ng Pilipino], katutubo” (akin ang karagdagang salita). Sa kabila ng mga
ganitong problema sa katawagan, mahalagang itanghal ang mga batayan ng pagkakaisa
ng mga kalinangan sa Pilipinas, gayundin ang pagkilala sa bawat grupong etniko bilang
integral na bahagi ng Kapilipinuhan. Isa sa mga inisyatiba patungo rito ang pagpapataas
ng ating kamalayan hinggil sa iisang pinag-ugatan, mga pinagsasaluhang karanasan, at sa
pagsasanga-sanga ng mga ito sa balangkas ng kabansaan. Sa direksyong ito pumipihit
ang Araling Etniko sa wikang atin sa layong “gagapin ang kolektibong SARILI.” Gaya rin
ng Pilipinolohoya/AP, produkto rin ang nasabing pihit ng pagtawid ng iskolarsyip mula sa
labas patungo sa loob ng Kapilipinuhan.
Nasaksihan ang unang hakbang paloob ng kapantasang Pilipino sa muling pagsipat at
pagpapakahulugan sa mga kategorya. Tampok si Salazar at ang ilan niyang obra bilang
palabinhian ng mga pagbabagong matutunghayan sa mga araling etniko sa Pilipinas. Sa
umpisa, pinagpunyagian ni Salazar na itampok ang “etniko” bilang isang batayang
dalumat sa paglilinaw ng pambansang identidad sa kanyang mga panimulang pag-aakda
sa larangan ng antropolohiya. Matutunghayan ito sa pinamatnugutan nilang akda ni
Mario Zamora, ang Anthropology: Range and Relevance na nailimbag noong 1969,
kapanahon ng pagpapakilala sa Ethnic Studies sa Amerika. Mahalaga para kay Salazar ang
konseptong “grupong etniko” bilang kondisyon ng tao sa kanyang pagbabanyuhay sa
lipunan sa agos ng panahon. Giit niya, kailangang paksain ang realidad ng pagiging
etniko o ng etnisidad dahil dito natitiyak ang pagkakaiba-iba ng mga pagpapangkatpangkat ng mga tao sa lahat ng antas. Higit na nauunawaan ang pagiging tao at
pagpapakatao ng tao sa loob ng mga partikular na “ethnos” o grupong may natatanging
kultura. Ito para kay Salazar ang tunay na paksa ng Etnolohiya bilang isang deskriptibo at
komparatibong agham. Kung gayon, sentral ito sa pag-unawa ng kakanyahan, gayundin
sa kung ano ang makabuluhan para sa isang grupong pangkalinangan.
Mula sa pagpapakilala ng mga paksaing Pilipino, ipinihit ni Salazar ang direksyon ng mga
sulating antropolohikal tungo sa pagpapaibayo ng “dimensiyong etniko” ng “pagka” at
“pagpapaka-Pilipino” sa librong The Ethnic Dimension: Papers on Philippine Culture,
History, and Psychology (1983). Kalipunan ito ng mga artikulong pinamatnugutan ni
Salazar bilang espesyal na isyung tungkol sa “pagka-Pilipino at pananatiling Pilipino” sa
konteksto ng lumalakas na diyaspora ng mga Pinoy sa Alemanya simula pa noong dekada
1960 (Salazar 1983, v). Malinaw ang taling nagbibigkis sa kultura, diwa/kamalayan, at
kasaysayan. Ito ang temang bumabalangkas sa nasabing kalipunan upang panindigan ang
“ka-SARILI-nan” sa harap ng puwersang eksternal-kolonyal. Nililinaw rito ni Salazar ang
mga usaping bumabalot sa diskurso ng “ethnic diversity” at “colonial uniformity” sa
konteksto ng mga bansang nakolonisa gaya ng Pilipinas. Tugon ito, umano, sa
pagkarahuyo ng mga iskolar (na banyaga at Pilipino man), na tingnan at ilarawan ang
Pilipinas bilang kalipunan lamang ng iba’t iba at (watak-watak) na grupo ng tao, wika, at
9
RODRIGUEZ-TATEL: Araling Etniko sa Wikang Filipino
Saliksik E-Journal
Tomo 6, Bilang 1 | Mayo 2017
kulturang pinagbubuklod tangi ng bisang politikal ng kolonyalismo. Tanong ni Salazar,
bakit kapag mga bansa sa Kanluran ang pag-uusapan, higit na itinatanghal ang kanilang
kaisahan bilang ganap na “nasyon-estado” gayong mayaman din naman daw sila sa
pagkakaiba-iba (Salazar 1983, ix-xi)? Tanda umano ito ng angkin nilang lakas at
kapangyarihang magtakda ng sariling imahen. Kung tutuusin, walang problema sa
kaibahan at pagkakaiba-iba. Natural at buhay na realidad ito ng ating pag-iral. Subalit
ang masaklap, ginamit ito ng kolonyalismo at patuloy na nagagamit nang mali o
naaabuso upang lumikha ng mga di-magibang dikotomiyang nasa kategoryang “Filipino
vs. tribal,” “national vs. local/regional,” at “majority vs. minority.” Kung si Salazar ang
tatanungin, pawang “etchings” lamang aniya, ang mga pagkakaiba na nakakubli sa iisang
kamalayang pambansa. Sapagkat may etnikong dimensyong nasa kaibuturan at
nagbibigkis-bigkis sa mga Pilipino, higit pa sa ipinapataw na “uniformity”/“homogeneity”
ng modernong Kanluraning konsepto ng nasyon-estado. At sa dimensyong ito maaaring
sipatin at linangin ang kabansaan. Ito ang tinutumbok ng mga nakapaloob ditong
artikulo gaya ng sumusunod: ang “onion-layered identities” ng mga Pilipino ni Alice
Villadolid; ang anggulong etniko ng edukasyon at katarungang panlipunan sa kaso ng
mga batang Muslim at T’boli nina Abdullah Madale at Rex Mansmann; “ang pagsagip sa
mga kultural na tradisyon ng mga Ivatan” para sa pambansang komunidad ni Florentino
Hornedo; at ang nagpapatuloy na mga katutubong tradisyon kapwa sa larangan ng
panggagamot (cf. “faith healing”) maging sa larangan ng pagsasakasaysayan (cf. “tripartite
view of history”) ni Salazar. Aniya, wala naman talagang pundamental na ipinag-iba ang
Muslim na Tausug o Maranaw sa Kristiyanong Tagalog bilang mga kalinangang maritimo
gaya ng ipinahihiwatig ng kanilang mga pangalan. Islam o Kristiyanismo man,
matagumpay natin itong naangkin sa hulma ng katutubong relihiyong anituismo.
Pinabulaanan din niya ang alegasyong “internal imperialism” ng mga Tagalog sa mga
tinaguriang “minorya.” Bagkus isinisisi niya ang kaapihan ng huli sa di-makatarungang
sistemang panlipunan na nagpapahintulot sa pagsasamantala hindi ng “mayorya” kundi
ng malalakas na uri sa mahihina. Dinanas at patuloy na dinaranas din umano ito ng mga
tinataguriang “etnikong mayorya.” Hindi lamang umano ang mga T’boli ang biktima ng
pangangamkam ng lupa. Ang mga Kristiyano, kung tutuusin, ang unang inagawan ng
lupain (ng mga Español). Sa gitna ng mga kalituhan at maling pamamalagay na ibinunga
ng mga diskurso ng “ethnic diversity” at “colonial uniformity,” kailangang mapalitaw ang
mga katuluyan (continuities) upang tumambad sa atin ang katotohanan ng mga
pagkakaugnay-ugnay at walang patid na mga ugnayan ng iba’t ibang grupong
etnolinggwistiko sa kapuluan. Maisasagawa lamang ito sa isang perspektibang historikal.
Dagdag pa ni Salazar (1983, xvi), “There is really nothing disparate about the Pilipino when
he is placed in the perspective of history.” Muli, may pagtunghay siya sa karanasan ni
Rizal. Aniya,
All of Rizal’s ethnographic and linguistic studies, including his reform of the
Tagalog alphabet and his translations into Tagalog, were in fact already
10
RODRIGUEZ-TATEL: Araling Etniko sa Wikang Filipino
Saliksik E-Journal
Tomo 6, Bilang 1 | Mayo 2017
supportive of that conception... formation of a new nation... separate and
independent from that of Spain. Thus for Rizal, the third epoch in Philipppine
history would also be one of incipient nationhood, of nationality evolving out
of ethnic diversity (Salazar 1983, 119).
Sa ganang ito mauunawaan kung paano umaangkop at nakikipagsalimbayan ang
katutubong kalinangan/kalinangang bayan/etniko sa pagbalangkas ng kabansaan. Hindi,
kung gayon, bumabangga ang “katutubo” sa “Pilipino,” ang “etniko” bilang “bayan” sa
“bansa.” Matatalos lamang ito gamit ang pananaw na nagmumula sa loob o kaibuturan
ng sarili at ipinahahayag sa wikang sarili.
Kung sariling wika ang sasandatahin laban sa mapanghating tendensyang taglay ng mga
banyagang kategorya, hindi natatapos sa pagpapatampok sa mga paksang
etniko/etnolinggwistiko ang gawain. Noong 1986, bininyagan ni Salazar ang kasaysayang
etniko (ethnic history) bilang “kasaysayang bayan” sa konteksto ng Bagong Kasaysayan.
Mahigpit niya itong ipinag-iiba sa “ethnohistory” o etno-kasaysayan na aniya’y bahagingdisiplina lamang ng etnolohiya. Nakatuon umano ang etnokasaysayan sa pagsusuri ng
isang grupong etnolinggwistiko “bilang bahaging-paksa ng aghamtao o antropolohiya”
(Salazar 1986, 47). Isang uri ng pangkasaysayang pagsisiyasat ang “ethnohistory” na
lumitaw nang pabugsu-bugso sa pagsisimula ng siglo 20 at di-nagtagal, naging behikulo
ng mga antropologo, arkeologo, maging ng mga historyador sa kanilang paglalarawan sa
mga sinakop nilang “katutubo” ng “New World” (Gatan 1997, 1; Rodriguez 1998, w.pah.).
Mas maaga pa, nilinaw na ni Salazar (1985) ang “kasaysayang etniko” sa “Paunang Salita”
niya sa aklat na Katutubo, Muslim, Kristyano: Palawan, 1621-1901 ni Nilo Ocampo. Iba sa
kasaysayang pampook, sangkap etniko o “tadhana ng mga grupong etnolingguwistiko” sa
loob ng isang partikular na kapookan ang itinatampok dito (Salazar 1985, 44). Subalit
gaya rin ng kasaysayang pampook, inilalahad ang kasaysayang etniko sa balangkas ng
kabansaan. Sa bahaging ito, kapansin-pansin din ang paggamit ng “etnolingguwistiko” sa
halip na “etniko” upang tukuyin ang “pangkat.” Sinasalungguhitan dito ang kabuluhan ng
wika bilang tagapaglagom ng kultura at batayan ng pagkakakilanlan. Gayumpaman,
higit na radikal ang ginawang pagpapalit sa taguring “etniko” ng “bayan,” kung kaya mula
“kasaysayang etniko” tungong “kasaysayang bayan.” Mauulinigan dito ang punyaging
lumaya sa kategoryang itinakda ng mga tagalabas, igpawan ang nosyon ng “iba” sa
“ethnos” upang higit na maitampok ang “sarili.” “Bayan” (at ang iba pang katumbas nito
sa mga grupong etnolinggwistiko, e.g. ili, banwa, ingued) ang nakaugat at sa gayo’y higit
na makahulugang kategoryang tumutukoy sa isang tiyak na grupong pangkalinangan sa
sarili nating konteksto. Kung kaya, sa halip na pawang politikal na usapin ng
diskriminasyon at asersyon laban sa dominanteng diskurso ng nasyon-estado, higit na
tinutuunan ng kasaysayang bayan ang buong proseso ng “pinagmulan, pagsulong, at
kalagayan ng mga grupong etnolingguwistiko” (e.g. Katagalugan, Kaigorotan, Kabisayaan,
11
RODRIGUEZ-TATEL: Araling Etniko sa Wikang Filipino
Saliksik E-Journal
Tomo 6, Bilang 1 | Mayo 2017
Kamangyanan, at iba pa) “sa loob ng isang kabuuang pambansa” (Salazar 1986, 48). Kung
kaya, kaalinsabay ng pagka-bayan/ili/banwa, malay na itinatanghal ang mga
pagkakapanagpo at iba’t ibang antas ng ugnayan (mapasalarangan man ito ng digmaan o
kasunduan) sa halip na kaibahan o pagkakaiba-iba, ng mga grupong pangkalinangan
(Salazar 1986; Rodriguez 2001). Ang lahat ng ito upang mapalalim ang pagkaunawa sa
proseso ng pagbubuo ng Inang bayan/bansa/sambayanan at ng iniluluwal nitong
pambansang kabihasnan (Rodriguez 1998; Rodriguez 2001; Rodriguez-Tatel et al. 2011).
Samakatwid, pagtawid at paghuhugpung-hugpong ng mga larangan o iba’t ibang disiplina
ang kailangan upang maisulong ang adyenda ng pambansang kakanyahan sa Pilipinong
iskolarsyip. Antropolohikal o etnograpiko ang mabisang tuntungang metodolohikal
upang usisain ang “katutubo”/“etniko” at itampok ang lakas at sigla nito sa daloy ng
kasaysayan. Wika naman ang tinitingnang daluyan ng lakas at sigla nito; habang ang
Kasaysayan ang disiplinang iigiban ng perspektibang mag-uugnay-ugnay sa mga grupong
pangkalinangan bilang integral na bahagi ng pambansang kabihasnan. Kung kaya, mula
sa iba’t ibang larangan ng pag-aaral ng Kapilipinuhan—antropolohiya, araling sining,
kasaysayan, musika, sikolohiya, at wika (kasama na ang panitikan at linggwistiks),
makahahalaw ng mga exemplar upang maimapa ang kalagayan at direksyon ng Araling
Etniko sa wikang Filipino.
HUWARAN—SILANG MGA SUMALUNGA SA AGOS:
PAG-AAKDA SA ARALING ETNIKO
SA MGA TESIS AT DISERTASYON SA WIKANG FILIPINO
Simula noong dekada 1970, napakarami nang pag-aakdang maipapaloob sa Ethnic Studies
sa Pilipinas, limbag man o hindi. Mga pag-aaral ito tungkol sa wika, kultura, kasaysayan,
at iba pang aspekto ng lipunan ng mga grupong etnolinggwistiko; subalit kalakhan ay
nasa wikang Ingles. Sa bahaging ito, mahalagang masipat ang mga naisulat sa wikang
pambansa bilang bahagi ng Araling Etniko sa konteksto ng pagpapaibayo sa tradisyon ng
Pilipinolohiya/AP. Sa mga unibersidad kung saan Ingles ang namamayaning patakarang
pangwika sa mga gradwadong pag-aaral, ang pagsusulat sa Filipino ay isang matapang na
pagsalunga sa agos.
Sa pagkakataong ito, minarapat kong tumuon lang muna sa produksyon ng mga tesis at
disertasyon sa wikang Filipino sa antas gradwado sa UP Diliman. Bagaman may iba pang
institusyong masigasig na nakikibahagi sa pagsulong ng kilusang Pilipinisasyon ng
akademya, partikular na sa larangan ng “Philippine Studies,” ang nasabing pamantasan
ang nagsilbing palabinhian ng mga ideyang nagluwal sa Pilipinisasyon. Mahalaga rin ang
mga tesis at disertasyon bilang kagampan ng mga napagtagumpayan ng isang mag-aaral
sa akademya. Kung kaya’t hindi matatawaran ang ambag ng produksyon sa antas
12
RODRIGUEZ-TATEL: Araling Etniko sa Wikang Filipino
Saliksik E-Journal
Tomo 6, Bilang 1 | Mayo 2017
masterado at doktorado kung nais nating mawari ang hulma ng tradisyon ng iskolarsyip
sa Pilipinas. Gayundin naman, makapag-aambag ang gawaing ito sa pagpapakilala sa mga
nasabing pag-aaral, lalo pa’t kalakhan sa mga ito ay hindi pa naililimbag.
Mula sa listahan ng mga tesis at disertasyong nasa Filipino ng Artsibo ng UP Main Library
(mula 1975 hanggang 2013), matutunghayan ang mga akda mula sa mga disiplina ng
Wika/Linggwistiks,3 Panitikan, Kasaysayan, Antropolohiya, Sikolohiya, Araling Sining,
Musika, at Philippine Studies/AP/Pilipinolohiya tungkol sa ilang piling grupong
etnolinggwistiko. At mula rito’y matutukoy ang sumusunod na kalakaran.
Pangunahin na rito at siyang may pinakamaraming pag-aakda ang pagtatanghal ng
etnisidad o kakanyahang etniko (“pagka”) sa pamamagitan ng sariling wika, gawing
kultural at iba pang tradisyong pangkalinangan, kasama na ang panitikan, nakasulat man
o pasalita. Pagtatakda itong nagmumula sa loob vis-á-vis ipinataw ng tagalabas.
Matutunghayan ito sa mga pag-aaral tungkol sa sumusunod na sangkap ng kalinangan:
(1) gawi, kaasalan, at halagahin sa “Ang Pag-uugaling Iloco sa mga Maikling Kuwentong
Iloco: 1934-1970” ni Ofelia Silapan (1975); “Pagpapahalagang Hatid ng mga Popular na
‘Sarita Idi Ugma’ mula Ilokos Norte” ni Patricia de Peralta (1984); at “Nalandangan:
Kulturang Kapayapaan ng Inay Malinandang ng Talaandig: Tungo sa Paglikha ng Gabay
sa Edukasyong Pangkapayapaan” ni Geraldine Villaluz (2012); (2) tradisyong
pampanitikan at pangkasaysayan, pasalita man at nakasulat sa “Kasaysayan at
Kontekstong Panlipunan ng Nobelang Tagalog, 1905-1975” ni Soledad Reyes (1979); “Ang
Panunuring Pampanitikan Hinggil sa Nobelang Tagalog” ni Maria Luisa Torres (1981);
“Ang Nagbabagong Larawan ng Amerika sa Tulang Tagalog, 1898-1972” ni Violeta Ignacio
(1985); “Panagiyulog: Tungo sa Pagbubuo ng Isang Teorya sa Pagsasalin” ni Silapan (1993);
“Ang Dramang Tagalog, 1899-1944: Isang Pag-aaral sa mga Anyo at Paksa” ni Jerry Respeto
(1993); “Tudbulul: Ang Awit ng Matandang Lalaking T’boli Bilang Salamin ng Kanilang
Lipunan at Kalinangan” ni Virginia Buhisan (1996); “Ang Hermeneutika ng Igtingan ng
Talinghaga sa Relihiyosong Panulaang Tagalog: Pagtalunton sa Landas ng
Pagpapakahulugan ng Relihiyong Bayan” ni Herminio Dagohoy (2001); “Sarsarita ti Babai
ti Amianan” ni Marian Asuncion Caampued (2002); “Dung-aw, Pasyon, at Panagbiag:
Tatlong Hibla ng Pakasaritaan ti Biag ng mga Ilokano” ni Lars Raymund Ubaldo (2003);
“Kinabuhi: Kultura at Wika sa Salin ng mga Kwentong Bukidnon” ni Leonisa Impil (2005);
at “‘Pagbabalik sa Pinaghasikang Linang’: Pagbubuo ng Isang Modelo ng PagsasalingKultural Batay sa Sarsaritang Pangkanayunan” ni Florentino Iniego Jr. (2005); (3) awiting
bayan sa “Ang Musika ng mga Kuyunon sa Pulo ng Cuyo” ni Felicidad Prudente (1977) at
“Ang mga Awiting-Bayan sa Bataan: Isang Pag-aaral sa Pampulangang-Pangkasaysayan”
ni Felisa Legaspi (1981); (4) penomenong pandarayuhan o pagdappat ng mga Ilokano sa
“Ang Migrasyon sa Maikling Kuwento at Nobelang Ilokano” ni Lorenzo Tabin (1980); (5)
katutubong ritwal sa “Ang Istrukturang Di-malay at Kasaysayan sa Panitikang Waray” ni
Jaime Polo (1994) at “Diyandi: Alaala ng Kahapon, Panaad sa Kasalukuyan at Larawan ng
13
RODRIGUEZ-TATEL: Araling Etniko sa Wikang Filipino
Saliksik E-Journal
Tomo 6, Bilang 1 | Mayo 2017
Tunggalian” ni Estrella Navidad (1995); (6) sining biswal sa “Singkaban: Tradisyon ng
Arko ng Pagdiriwang sa Bulacan” ni Aurea Lopez (2011) at “Suyam Tu Agusan Manobo:
Tradisyon at Inobasyon sa Sining ng Pagbuburda ng Damit” ni Carlito Amalla (2012); (7)
mga kultural na imahen (icon) ng Pangasinan-Caboloan, Birhen ng Manaoag, Prinsesa
Urduja at Cattle Caravan sa “Pangasinan: Isang Etnokultural na Pagmamapa” ni Ma.
Crisanta Nelmida-Flores (2002); (8) kapistahan at pagdiriwang sa “Ang Angkan at ang
Kanyang Bansag: Pagtugaygay sa Isang Aspekto ng Kasaysayang Kultural ng Marikina” ni
Aurora Tirad (2007); (9) katutubong pananaw-sa-daigdig sa “An Buot nin Agta sa
Kapalibutan: Hakbang Tungo sa Pilosopiyang Pangkapaligiran” ni Adona Princesa San
Diego (2002); at (10) katutubong relihiyon sa “Tradisyong Babaylan/Mamaratbat sa Leyte
at Samar: Hugpungan ng Katutubong Kalinangan at Kristiyanismo” ni Gloria Melencio
(2013).
Matutunghayan sa lahat ng ito ang malapit na ugnayan o “salaminan” ng kultura at
lipunan. Hinuhubog ang musika at panitikan, halimbawa, ng lipunan, gayundin naman,
ang musika at panitikan ay nagiging isang puwersa sa lipunan (Prudente 1977; Reyes 1979;
Ignacio 1985; Respeto 1993; Buhisan 1996). Bilang isang “puwersa,” kakikitaan ang iba’t
ibang anyo ng kalinangang bayan ng malikhaing kakayanan ng isang grupong etniko na
umangkop sa at mag-angkin ng pagbabago—patunay sa dinamiko nilang katangian.
Bagaman mula sa labas ang nobela at maikling kuwento, nasaksihan kung paano ito
naangkin at nag-ugat sa lipunang Tagalog at Iloko na kumupkop dito (Reyes 1979; Tabin
1980; Torres 1981). Pagdating ng oras, magiging makabuluhang bahagi ng tradisyon ng
panlipunang protesta ang nobela (Reyes 1979). Gayundin ang panulaang Tagalog, mula sa
eskapistang modernismo, magiging behikulo ito ng pakikibaka ng mga makata laban sa
Amerika pagsapit ng dekada 1960 (Ignacio 1985). Nananatiling buhay ang katutubong
sining ng singkaban ng mga Tagalog sa Bulacan simula pa noong panahong preHispaniko (Lopez 2011). Nasaksihan din kung paano matagumpay na nakipagtalaban ang
tradisyong panrelihiyong babaylan/mamaratbat ng mga Waray sa Kristiyanismo ng
mananakop (Melencio 2013). Malakas ang mga nasabing tradisyon dahil nakaugat sa
bayan, tampok ang mga karaniwang tao o taumbayan bilang tagalikha at tagapagtangan
ng kaalaman, gayundin ang mga partikular na halagahing taglay ng isang komunidad,
gaya halimbawa ng pannakikadua (pakikipagkapwa) (de Peralta 1984), mga halagahing
Bisaya na nakaangkla sa tradisyong babaylan, i.e. katuuran (katotohanan), katalwasan
(kaligtasan), kalugaringon (pagsasarili), katadungan (kawastuhan), at kahimayaan
(kaluwalhatian) (Melencio 2013); at ang mga Talaandig na dalumat ng timbangan,
agpangan, at gantangan bilang mga prinsipyong sinasandigan ng pagpapakahulugan nila
sa holistikong kultura ng kalinandang (kapayapaan) (Villaluz 2012). Umiikot ang epikong
Tudbulul ng mga T’boli sa pagpapahalaga sa sinaunang namumunong angkan (Buhisan
1996). Anupa’t maituturing din ang mga ito bilang nagpapatuloy na produksyon ng
kaalaman o “pag-aakda” ng bayan, gaya ng matutunghayan sa ritwal ng mga Waray (Polo
1994) at diyandi ng mga Iliganon (Navidad 1995). Higit pa sa isang pagdiriwang, ang “Ka14
RODRIGUEZ-TATEL: Araling Etniko sa Wikang Filipino
Saliksik E-Journal
Tomo 6, Bilang 1 | Mayo 2017
Angkan Festival” naman ng Marikina ay nagsisilbing lunsaran ng pagsasakasaysayan ng
mga angkan sa kanilang mahalagang papel sa pagbuo ng bayan (Tirad 2007). Maging ang
pagsusuyam (pagbuburda) ng mga Manobo ay hindi lamang sining, bagkus, ritwal ding
nagbabandila sa kapangyarihan ng kababaihan sa lipunan (Amalla 2012). May taglay na
kapangyarihang simbolikal ang mga nasabing “pag-aakda” ng bayan. Kinikritika nito ang
“nakapangyayaring ‘akademismo’ ng kultura, lipunan, at kasaysayan” (Polo 1994, w.pah.).
Subalit hindi lamang kritika ang mga ito. Inaarmasan din ng katutubo/lokal na wika at
gawing kultural ang mga iskolar upang makagawa ng pagdadalumat o paneneoryang
nakaugat sa kapaligiran, kalinangan, kasaysayan, at sikolohiya ng bayan. Ilang halimbawa
nito ang “pampulangang-kasaysayan” (bilang pamalit sa “etnokasaysayan”) (Legaspi 1981),
“sarita idi ugma” (kuwentong bayang Iloko) (de Peralta 1984), “panagiyulog” (bilang
pamalit sa “pagsasalin”) (Silapan 1993), “igtingan ng talinghaga” sa relihiyong bayan ng
mga Tagalog (Dagohoy 2001), “kapalibutan” (kapaligiran) ng mga Agta (San Diego 2002),
“pagtatahaw” ng sarili sa “sarsasarita ti babai” (salaysay ng babaeng Iloko) (Caampued
2002), “pakasaritaan ti biag” (o pangkasaysayang pananalambuhay ng mga Iloko) (Ubaldo
2003), “kinabuhi” (Impil 2005), “sarsaritang pangkanayunan” (Iniego 2005), at “inay
malinandang” bilang Talaandig na dalumat ng mga “peace worker” (Villaluz 2012).
Walang dudang ang mga pag-aaral na gaya nito ay isang “paglalakbay tungo sa maunlad
na pagdadalumat ng ‘pagpopook’... sa harap ng mapanaklaw at naninibasib na
globalisasyon” (Nelmida-Flores 2002, i).
Ikalawang kalakaran, ang pagtunghay sa inter-etnikong ugnayan bilang sangkap sa
pagbuo ng kasaysayang pampook at kasaysayang bayan/kasaysayang etniko kaugnay ng
kasaysayang pambansa. May limang pag-aaral kaugnay nito: (1) “Ang Palawan sa
Panahon ng Kolonyalismong Espanyol at Republikang Pilipino, 1621-1901” ni Nilo Ocampo
(1982) na nailathala bilang Katutubo, Muslim, Kristyano: Palawan, 1621-1901 (1985); (2)
“Hidwaan at Damayan sa Nagbabagong Lipunan sa Kalagitnaang Mindanao” ni Dante
Santiago (1983); (3) “Kasaysayan ng mga Pamayanan ng Mindanao at Arkipelago ng Sulu,
1596-1898” ni Rudy Rodil (1992) na inilimbag ngayong 2017; (4) “Isang Durungawan sa
Kasaysayang Lokal ng Nueva Vizcaya: Ang Nakaraan ng mga Isinay at Ilongot, 1591-1947”
ni Gatan (1997); at (5) “Ili Ti Amianan: Kamalayang Ili sa Panghimagsikang Tradisyon ng
Hugpungang Kailokuan-Kaigorotan, 1589-1913” ni Mary Jane Rodriguez (2001).
Matutunghayan sa unang pag-aaral (Ocampo 1982; Ocampo 1985) ang ugnayan, bagaman
pahapyaw pa lamang, ng tatlong pangunahing kolektibong grupo ng tao sa Pilipinas sa
paghulma ng kasaysayan ng probinsiya. Binubuksan ng pag-aaral ang ating kamalayan at
pagkaunawa sa “trikotomiya” o tatluhang hating binigyang-daan ng kolonyalismo: ang
katutubo-Moro-Indio o Kristiyanisadong taga-kapatagan. Sa ganang ito, naghahain ang
akda ng isang puwang kung paano maiuugnay ang tinitingnang prontera, gaya ng
Palawan, sa kasaysayang pambansa. Sinisira ni Ocampo (1982, vi) ang mga “hangganan”
(likas o likha man) sa pagitan ng dalawa sa winika niyang “ang Palawan...” ay
“mikrokosmo ng Pilipinas.”
15
RODRIGUEZ-TATEL: Araling Etniko sa Wikang Filipino
Saliksik E-Journal
Tomo 6, Bilang 1 | Mayo 2017
Tinuunan naman ng ikalawa ang ugnayan ng samu’t saring pangkat-etniko sa lalawigang
Bukidnon, ang kanilang pagkakasundu-sundo at pag-aalitan sa lipunang dumaranas ng
pagbabago (Santiago 1983, 7). Sentral, aniya, sa ugnayang ito ang pangingibabaw ng mga
Kristiyano bilang “pulangang nakararami” (ethnic majority) sa mga di-binyagang taal
(Santiago 1983, 3).
Mauulinigan dito ang hibong kolonyal ng batayan ng
pagpapakahulugan sa etnisidad, i.e. ang relihiyong Kristiyanismo bilang pamantayan ng
sibilisasyon, ang pinakamataas na antas ng pag-unlad sa nalikhang hirarkiya ng mga
kultura.
Kung ipinamalay sa atin ng pagsasakasaysayan ng Palawan ni Ocampo ang problema ng
trikotomiyang “Moro-Kristiyano-Lumad,” may idinudulog namang solusyon ang
pagsasakasaysayan ng Mindanao at Sulu ni Rodil (1992; 2017). Tampok ang dalumat ng
“tri-people,” higit na pinatitingkad dito ang batayan ng pagkakapanagpo na sa dakong
huli’y inaasahang magsisilbing batayan ng pagkakaisa ng mga Moro, Kristiyano, at Lumad
(katutubo ng Mindanao). Humuhugot ng lakas ang nasabing konstrak (“tri-people”) mula
sa mga magkakaugnay na salaysay ng paninirahan at pagbubuo ng pamayanan ng iba’t
ibang lipi o pangkat etniko sa Mindanao at kapuluang Sulu. Ani Rodil, sa halip na
tunggalian, kailangang palitawin kung paano sila nagkakaunawaan at nagkakasundo. Sa
perspektibang historikal ipinakita ang lehitimong batayan ng karapatan ng bawat isa sa
teritoryong kinaroroonan. Sa ganang ito, inaasahang mabibigyang-linaw ang mga ugat at
nagsasanga-sangang implikasyon ng hidwaaang ibinunsod ng mga usapin sa lupa.
Itinanghal sa ika-apat na akda (Gatan 1997) ang dinamismo ng mga Isinay at Ilongot sa
konteksto ng kanilang kultural na pag-aangkop sa mga puwersa mula sa labas bilang
mapagpasyang salik ng pagkabuo ng Nueva-Vizcaya sa panahong kolonyal. Gamit ang
lente at metodolohiyang etnohistorikal, pinaghugpong-hugpong ni Gatan ang
kasaysayang lokal, kasaysayang etniko, maging ang etnokasaysayan (bilang salin ng
ethnohistory) upang mapalitaw ang isang “alternatibo” sa tradisyunal na kasaysayang
nakalimita lamang, aniya, sa mga paksang politikal at karanasan ng mga elit. Isa, umano,
ang “etnohistorikal” sa maraming aspekto, ng lokal na kasaysayan (Gatan 1997, 18). Aniya,
“isang kalikasan... ng lokal na kasaysayan... ang etnokasaysayan” lalo na kung ang tuon ay
mga grupong di-marunong magsulat at magbasa (Gatan 1997, 1, 5). Sa ganang
metodolohiya, gumagamit, umano, ito ng mga batis antropolohikal, etnograpiya, at
tradisyong oral, upang itahi sa mga batis historikal sa layong matunghayan ang mga
pagbabago sa loob ng isang “kasaysayang buo na nagsasaalang-alang sa mga sistemang
sosyal at kultural ng mga katutubo” (Gatan 1997, 1, 5).
Samantala, partikular na tinuunan ni Rodriguez (2001) ang dalumat ng “ili” (o bayan) sa
“hugpungan” ng mga Iloko at Igorot sa paggigiit ng kanilang kasarinlan at kalayaan laban
sa kolonyalismo. Bilang pagbalanse sa diskurso ng magkakaiba at magkakahiwalay na
pagkilos, siniyasat ng pag-aaral ang lantay na pagkakaugnay at mga nilikhang ugnayan ng
16
RODRIGUEZ-TATEL: Araling Etniko sa Wikang Filipino
Saliksik E-Journal
Tomo 6, Bilang 1 | Mayo 2017
dalawang kalinangan, mga ugnayang nakahugpong din sa pambansang Himagsikan.
Nakatukod ang “hugpungan” sa mga lokal na dalumat ng tagpuan at kasunduan sa
Amianan (o Hilagang Luzon): “beddeng” ng Iloko, “bodong” ng Kalinga, at “pechen” ng
Bontok. Sa ganang ito, napalitaw ng akda ang isang batayan ng “kamalayang ili.” Sentral
ang pagtunghay sa hugpungan o ugnayang laud/ilawud-daya/ilaya (i.e. kapatagankabundukan) bilang mapagpasyang ugnayang bumabalangkas sa proseso ng
pagsasabayan at pagsasabansa sa kapuluan. Kung kaya, sa halip na “kasaysayang etniko,”
“kasaysayang bayan” ang idinudulog na dalumat para sa kabuuang larangan ng nasabing
pag-aaral (Rodriguez 2001, 22-23).
Ikatlong kalakaran, mula sa mga pinasidhing inter-etnikong ugnayan, magsasanga ang
pagpapatampok sa mga “katutubo” bilang “minorya” at sa gayo’y “biktima” ng
namamayaning sistema at kaayusang itinakda ng “di-katutubo” o “mayorya.” Kung
tutuusin, sa agos ng kasaysayan, nag-iba-iba ang tinutukoy na “katutubo” vis-á-vis “dikatutubo.” Sa simula, sila ang mga kolonisado at kolonisador. Nang malaunan, nang
kasangkapanin ng kolonisador ang Kristiyanismo bilang sukatan ng kanilang sibilisasyon
sa kolonya, nag-anyo ang “katutubo” bilang di-Kristiyano at ang “di-katutubo” bilang
“Kristiyanong Pilipino” sa hanay ng mga kolonisado. Sa kontemporaryong panahon, nang
umarangkada ang adbokasiya para sa mga kinilalang “katutubo,” ipinantukoy rin ang “dikatutubo” sa mga miyembro ng civil society na, diumano’y “katuwang” (partner) ng mga
“katutubo” sa pagtataguyod ng kanilang kapakanan. Kung ano’t anuman, ang mga “dikatutubo” ay silang lahat na “tagalabas” na nagbibigay-daan sa pagbabago ng kultura ng
mga “katutubo” sa ngalan ng “civilisacíon” noon, “progress and development” ngayon.
Walong pag-aaral mula sa Antropolohiya, Kasaysayan, at Sikolohiya ang pumaksa nito.
Una, ang “Kultura at Kapaligiran: Pangkulturang Pagbabago at Kapanatagan ng mga Agta
sa Palanan, Isabela” ni Ponciano Bennagen (1976). Dito matutunghayan ang tensyon sa
pagitan ng mga Agta at di-Agta (e.g. Tagalog, Ilokano, at iba pa) habang patuloy na
pinaliliit ng modernisasyon ang espasyong namamagitan sa kanila. Sa kabila nito,
mauulinigan sa konklusyon ni Bennagen ang pagkilala sa mga di-Agta bilang potensyal na
kabalikat sa pagbabago habang kinikilala rin ang mga Agta bilang integral na bahagi ng
kabuuang lipunang Pilipino.
Samantala, isang grupo pa rin ng mga Ayta, i.e. Abelling Ayta ng Tarlac, ang tinunghayan
sa kanilang mga pakikipag-ugnayan sa mga di-Aytang Ilokano sa disertasyong “Ang
Relasyon ng Ekonomiya at Wika sa mga Abelling Ayta ng Labney” ni Rosita Mendoza
(1987). Sa pamamagitan ng pagtunghay sa kanilang wika, ipinakita kung paano naipaloob
ang ekonomiyang pantawid-buhay (subsistence) ng mga Ayta sa nagdodominang sistema
ng ekonomiyang papera (money economy) ng mga di-Ayta. Ipinipinta rito ang masaklap
na kinahinatnan ng pag-aangkop ng mga katutubo sa pagbabago, i.e. ibayong kahirapan
na inaasahang hahantong sa unti-unting pagkawala ng “tribong” Abelling Ayta ng Tarlac
(Mendoza 1987, xiv).
17
RODRIGUEZ-TATEL: Araling Etniko sa Wikang Filipino
Saliksik E-Journal
Tomo 6, Bilang 1 | Mayo 2017
Siniyasat din sa disertasyong “Mangyan Patag: Sa Harap ng Panlipunang Interbensyon ng
mga Non-Government Organization (NGO)” ni Sabino Padilla Jr. (1991) ang naging epekto
ng gawaing pangkaunlaran ng Alternative Community Development Program (ACDP) sa
hanay ng mga “katutubo.” At gaya ng pag-aaral ni Mendoza (1987), madilim din ang
naging prognosis ng pag-aaral na ito: “etnosayd” versus “sariling pagpapasya.” Sa huli,
nag-iiwan ng punto ng pagninilay ang may-akda. Aniya, mananatiling “bulag na pagakay” patungo sa “modernisasyon” at “sibilisasyon” ang interbensyon ng mga NGO
hangga’t hindi isinasaalang-alang ang mga partikular na katangian, kalagayan, at kultura
ng mga katutubo.
Taliwas sa unang tatlong antropolohikal na pag-aaral, pinatitingkad sa sumusunod ang
salaysay ng mga anyo’t kaparaanan ng sariling pagtatakda ng mga grupong
“minorya”/“katutubo.” Sa tesis masteral ni Bonifacio Tacata (1991), “Ang Pagpupunyagi at
Pakikibaka ng mga Maranao Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig:
Paghahanap ng Sariling Pagkakakilanlan, 1944-1986,” itinatampok ang salaysay ng
paggigiit ng mga Maranao habang pumapaloob sila sa kairalan (mainstream). Isinagawa
ito sa dalawang kaparaanan: una, sa pamamagitan ng integrasyon ng kanilang mga
tradisyunal na lider sa gobyernong nasyonal matapos ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig; at ikalawa, ang pakikisangkot ng kanilang mga kabataang lider sa
malawakang radikal na kilusang Moro National Liberation Front (MNLF) habang
pinapanday nila ang bagong politikal na identidad na “Bangsa Moro” bunsod ng
madugong “Jabidah Massacre” noong 1968.
Isa pang uri ng “tagalabas” ang nakipagtalaban sa mga binansagang “katutubo” ng Abra sa
paglikha ng kanilang identidad. Itinampok sa disertasyon ni Raymundo Rovillos (2005),
“Paglikha at Paglalarawan sa Pagkakakilanlang Tinguian (1823-1904),” ang kapangyarihan
ng diskursong kolonyal sa pagtatakda sa mga katutubo bilang “Iba.” Gayumpaman, giit ni
Rovillos, masalimuot ang diskurso ng identidad na “Tinguian.” Nabuo ito sa konteksto ng
mga “tensyon at kontradiksyon” hindi lamang sa pagitan ng mga sinakop at mananakop,
kundi higit lalo na sa “samu’t saring... axis ng pagkakakilanlan: uri, pook na pinagmulan,
at pinaniniwalaang naabot na antas ng sibilisasyon.” Sa pagpapalitaw ng kasalimuotan,
itinatanghal ang sariling kakayanan (human agency) ng mga Tinguian sa sarili nilang
pagtatakda. Ang identidad, anang may-akda, ay isang diskursibong prosesong aktibong
nilalahukan: “pinagtatalunan at pinagkakasunduan ng mga Tinguian mismo.” Sa huli’t
huli, ang mga “katutubo” pa rin ang itinuturing na higit na mapagpasya, taliwas sa mga
naunang pag-aaral na nagtatampok sa kanila bilang “biktima” lamang ng “Iba.”
Hinimay-himay naman ni Nestor Castro (2005) ang politika o diskurso ng etnikong
identidad ng mga Ichananao (Kalingga ng Dananao) sa mga aktwal na pagkilos at tagisan
ng mga natukoy niyang sentrong pangkapangyarihan: (1) ang lipunang Dananao, (2) ang
iba pang “tribong” nakapaligid sa kanila sa lupain ng mga Kalingga, (3) ang estadong
18
RODRIGUEZ-TATEL: Araling Etniko sa Wikang Filipino
Saliksik E-Journal
Tomo 6, Bilang 1 | Mayo 2017
nasyonal at ang mga institusyon nito sa iba’t ibang antas, at (4) ang mga grupo mula sa
lipunang sibil na naghahain ng alternatibong sentro ng kapangyarihan. Pinamagatang
“Isang Antropolohikal na Pag-aaral sa Pampulitikang Batayan ng Etnikong Identidad: Ang
Kaso ng Mga Kalingga ng Dananao,” naghahain ang disertasyong ito ng isang
multidimensyonal na pagsisiyasat sa salimbayan ng mga salik panloob at panlabas. Sa
salimbayang ito, aniya, nahuhubog ang etnikong identidad.
Kahibla ng pakikipag-ugnayan sa labas ang salaysay ng pakikibaka ng mga “katutubo”
laban sa mga panlabas na puwersang nais igupo ang lakas ng kanilang komunidad.
Masasaksihan natin ito sa tesis masteral ni Roderick Javar (2006) na pinamagatang “Sa
Agos ng Ilog Chico: Talambuhay ni Macli-ing Dulag (1928?-1980).” Nakahabi sa
talambuhay na ito ang masalimuot na sapot ng talaban ng indibidwal at ng kanyang
lipunan, ng iba’t ibang institusyon, at ng mga nagbabanggaang ideolohiya’t paninindigan
sa pagharap nila sa mga hamon ng kaunlarang itinatakda ng tagalabas.
Sa diwa at dalumat ng pakikipagkapwa bilang saligang epistemolohikal at metodolohikal
ng Sikolohiyang Pilipino (SP), tinangkang palitawin ni Hannah Misha Morillo (2012) ang
konsepto ng “sarili” ng mga Ati ng Boracay.
Pinamagatang “Pagpapanatili ng
Pagkakakilanlang Kultural: Pag-aaral sa mga Boracay Ati sa Kanilang Tahanang IslangBakasyunan,” isa itong malikhaing kaparaanan ng may-akda kung paano bibigyang-tinig
ang mga katutubong patuloy na isinasagilid sa balangkas ng industriya ng turismo sa
kapuluan. Napakahalaga ng pagpapakahulugan sa sarili. Dito nagsisimula ang paglutas
ng masasalimuot na suliraning sanhi ng pagkawala ng kanilang lupaing ninuno bunsod
ng turismo.
Dito rin, anang may-akda, nagsisimula ang pagkamit ng sariling
determinasyon (self-determination).
Ika-apat na kalakaran, ang pagpapatampok sa “etniko” bilang makabuluhang bahagi ng
kabansaan. Sa kabila ng paggigiit ng kakanyahan at pakikitunggali sa ibang grupo,
nananatiling makabuluhan at pinahahalagahan sa karamihan ng akda ang diskurso ng
pagsasabansa. Kung tutuusin, karamihan sa pag-aaral na nabanggit na sa unahan ay nasa
ganito rin namang tunguhin. Subalit may ilan pang akdang hindi pa nababanggit na ito
lamang ang tinuunan. Gamit ang dulog ng “tambalang lapit” ng dalumat ng “Pagkataong
Pilipino” ni Covar, sinuri at pinalitaw sa disertasyon ni Nenita Pambid (1996) ang
pagkataong Tagalog mula sa mga terminong nakalap sa mga akda nina Francisco
“Balagtas” Baltazar at Pedro Serrano-Laktaw noong ika-19 na siglo. Binigyang-diin dito
ang pagiging integral ng “etniko” sa “pagkabansa.” Anang may-akda, binubuo ang
pagkataong Pilipino ng iba’t ibang grupong etniko; kung kaya’t nakatuon man sa
pagkataong Tagalog, pagka-Pilipino ang itinatampok. Mahigpit ding kinikilala ng akda
ang dinamismo o nagpapatuloy na mga elemento at konsepto ng pagka-Pilipino sa ating
kultura at mga halagahing naipahahayag sa wika magpahanggang sa kasalukuyan.
19
RODRIGUEZ-TATEL: Araling Etniko sa Wikang Filipino
Saliksik E-Journal
Tomo 6, Bilang 1 | Mayo 2017
Mula sa larangan ng panitikan, dumadako naman sa kasaysayan ng pagpapakahulugan sa
etnikong kategoryang “Tagalog” ang disertasyong “Ang Dalumat ng Tagalog, 1571-1907” ni
Ubaldo (2009). Sang-ayon sa may-akda, integral sa dalumat ng Kapilipinuhan ang
“Tagalog.” Dumadaloy sa pagpapakahulugang ito ang salaysay ng isang partikular na
grupo ng tao at kalinangan sa simula hanggang sa kasaysayan ng sambayanan nang
malaunan sa anyo nitong “Katagalugan.”
Bilang panangga sa diskurso ng “Tagalog-centric Philippine history,” ipinipihit ng tesis at
disertasyon ni Vicente Villan (1998; 2009) ang tuon tungo sa napakahalagang papel ng
kultura at tradisyon ng pakikidigma ng mga Bisaya sa pagbalangkas ng kasaysayang
pambansa. Bilang isang “katutubong Panayanhon” (ibig, sabihin, tubong Panay, sa
partikular, Capiznon), sinimulan niyang usisasin ang sariling kasaysayan gamit ang
katutubong dalumat ng “hangaway” (o mandirigmang Panayanhon) na nagsilbing
tuntungan ng pagsusuri sa tradisyon ng pakikidigma ng mga rebolusyonaryong Capiznon
mula 1896-1907. Ito ang paksa ng kanyang tesis masteral na “Hangaway: Ang Pakikidigma
ng mga Panayanhon sa Himagsikan, 1896-1907” (Villan 1998). Subalit nagpatuloy ang
punyagi niyang palalimin ang pag-unawa sa kasaysayang pambansa mula sa lente at
aktwal na karanasan ng kanyang kapookan. Inugat niya ang katutubong tradisyon ng
pakikidigmang Bisaya sa disertasyong “Pintados: Mga Hukbong Bisaya sa Armadong
Ekspedisyong Espanyol sa Kapuluang Pilipinas, 1565-1898” (Villan 2009).
Dito,
pinatunayan niyang sa pamamagitan ng mga mandirigmang Bisayang binansagang
“Pintados” o mas kilala sa lokal na katawagang abtikan/batikan “napabilis at napagtibay
ang kolonisasyong Espanyol sa Pilipinas” (Villan 2009, i). Gayumpaman, hindi ito dapat
tingnan bilang simpleng kooptasyon lamang o paggamit ng mga kolonisador sa mga
sakop. Sa halip, isa itong malay na paggamit ng mga Bisaya sa mga mananakop upang
maitaguyod ang malaon na nilang tradisyon ng pangungubat at pangangayaw sa harap ng
reconquista at conquista ng mga kolonyalista.
Sa larangan naman ng wika, kinikilala ang pagiging pundamental ng mga wikang lokal o
katutubo sa paglinang ng pambansang wika. Matutunghayan ito, halimbawa, sa
disertasyon ni Teresita Semorlan (2001), “Chavacano Barayti ng Filipino sa Zamboanga:
Tungo sa Pagbuo ng Pambansang Lingua Franca.” Isa itong pagtatangkang unawain ang
kakanyahang Chavacano sa pamamagitan ng nabubuong hulma ng kanilang Filipino.
Gayumpaman, hindi natatapos sa mga nabanggit na pag-aaral ang masisigasig na
punyaging linangin ang diskurso ng “pagkilala sa sarili.” Tuluy-tuloy ang paglikha ng
kaalaman. Tunghayan natin ang mga ambag na akda sa isyung ito ng SALIKSIK EJournal.
20
RODRIGUEZ-TATEL: Araling Etniko sa Wikang Filipino
Saliksik E-Journal
Tomo 6, Bilang 1 | Mayo 2017
NILALAMAN—SILANG NAGPAPATULOY SA PAGHAWAN:
PAG-AAKDA SA ARALING ETNIKO SA WIKANG FILIPINO
Sala-salabat ang usaping may kinalaman sa produksyon ng kaalaman hinggil sa etnisidad
at mga grupong etniko. Kung kaya, maihahalintulad sa isang madawag na kagubatan ang
kinaroroonan ng mga patuloy na nag-aakda lalo na sa wikang Filipino. Upang
maisakatuparan ang isang makabuluhang paglilinang kailangan ng walang-patid na
paghahawan.
Sa kabuuan, makapagtutukoy ng apat na sub-temang nagsasanga mula sa diskurso ng
“pagkilala sa sarili”: (1) pagpapatampok sa sistema at praktika ng katutubong kaalaman na
kilala ngayon sa nomenklatura ng NCIP bilang Indigenous Knowledge System and
Practices (IKSP); (2) pag-aangkin ng mga banyaga/kolonyal na elementong kultural; (3)
politika ng representasyon sa mga kolonyal na taguri; at (4) pagdadalumat sa sariling
kalinangan sa bisa ng katutubong wika bilang kasangkapan ng pagsusuri sa pananaliksik.
Inihanay ang mga artikulo alinsunod sa mga nasabing sub-tema. At sa paghahanay na
ito, mababanaag ang patunguhang nagmumula sa pagpapatampok sa sarili, hanggang sa
ugnayan ng sarili at labas—kung saan matutunghayan ang malikhaing kakayanan ng una
na mamayani sa huli. Pipihit ang talakayan patungo sa ugnayan muli ng sarili at labas,
subalit sa pagkakataong ito, tampok naman ang dominasyon ng huli sa una na nagresulta
sa pag-aanyo nito bilang “Iba.” Imahen itong iniluwal ng hegemonikong perspektiba at
diskurso ng pagbubukod ng tagalabas, na sa bandang huli ay babanggain ng kakayanan ng
sarili na makapagdalumat mula sa loob ng kalinangan upang itanghal ang diskurso ng
pagbubuklod patungo sa kolektibong “Sarili,” ang Kapilipinuhan.
Sa unang kategorya, tampok ang mga akda nina Randy Madrid tungkol sa sining ng
panubok ng mga Panay Bukidnon o tumandek ng Kanlurang Kabisayaan, at Jyferson
Villapa tungkol sa tradisyon ng panggagamot ng mga Pala’wan ng Brooke’s Point at
Bataraza, Palawan. Sa karanasan ng mga Panay Bukidnon, pinatunayan ng akda ni
Madrid na hindi lamang sining ng pagbuburda ang panubok. Naitatatak din dito ang
kasaysayan, kalinangang bundok, at pananaw sa mundo ng mga katutubong labis ang
pagpapahalaga sa kalikasan. Mahihimigan ng ganito ring tema ang talakay ni Villapa sa
tradisyon ng panggagamot ng mga Pala’wan. Nakahabi, diumano, sa tradisyong ito ang
katutubong karunungan at pilosopiya ng mga Pala’wan, lalo’t higit ang kanilang
kalinangang nakatuon sa lubos na pagpapahalaga sa mga ninuno. Anupa’t malikhain din
umano itong kaparaanan sa “pagpapanatili ng sarili” habang humaharap sa mga hamong
iniuumang ng modernong medisina. Kalikasan at mga ninuno—ilan lamang ang mga ito
sa mga elementong sentral sa katutubong epistemolohiya. Subalit paano susukatin ang
kakayanan ng katutubong kultura sa harap ng mga pagbabagong hatid ng modernong
panahon?
21
RODRIGUEZ-TATEL: Araling Etniko sa Wikang Filipino
Saliksik E-Journal
Tomo 6, Bilang 1 | Mayo 2017
Pinatitingkad ng akda ni Javar ang malikhaing tugon ng mga Kalinga sa isinagawa nilang
pag-aangkin o pagsasakatutubo ng mga kaisipang Komunista gamit ang mga awitingbayan bilang lunsaran. Patunay lamang ito sa nagpapatuloy na bisa ng katutubong awit o
tradisyong oral ng bayan upang mailahad ang salaysay ng kanilang kontemporaryong
pakikibaka laban sa agresyong pangkaunlaran. Subalit higit pa sa karaniwang paggigiit ng
karapatan, nagsisilbing mayamang teksto rin ang mga awit ng paggigiit ng kakanyahan sa
mga salik mula sa labas na pamaya’t mayang nakikipagtalaban sa kanilang kaakuhan sa
agos ng panahon. Pag-aangkin din ang temang bumabalangkas sa pag-aaral ni Jason
Paolo Telles tungkol sa pagsasahimpapawid sa radyo ng mga lokal na musikang country
na sinulat ng mga Kankana-ey, Ibaloi, at Ilokano sa Baguio at Benguet. Sinusuhayan ng
pag-aaral na ito ang konsepto ng SP na “indihenisasyon mula sa labas.” Giit ni Telles,
naisalin (at naangkin) ng mga Kankana-ey, Ibaloi, at Ilokano ang banyagang genre sa
pamamagitan ng paglalapat ng sarili nilang bernakular na liriko sa orihinal na tono.
Hindi lamang ito nagsilbing daluyan ng sariling kalinangan kundi maging ng personal at
kolektibo nilang karanasan upang patuloy na mapanindigan ang kanilang
pagkakakilanlan kahit pa pinapasok at pinanghihimasukan ito ng nagdodominang
kulturang mula sa labas. Napakahalaga ng mga nasabing akda sa pagsuhay sa diskurso ng
pag-aangkin. Nagsisilbi ang mga itong pangontra sa diskurso ng “discovery” at mga
impluwensya sa ating kasaysayan. Pinasisinungalingan ng “pag-aangkin” ang mitong
lahat ng bagay na mayroon tayo ay mula sa labas; na ang Pilipinas ay natuklasan lamang
ng mga tagalabas. Sumasalok ito ng lohika sa paninindigang nananatiling malakas ang
kaibuturan ng sarili sa pakikipagtalaban sa labas.
Gayumpaman, sa mahabang proseso ng pakikipagtalaban sa mga kolonisador, iniluwal
ang diskurso ng “Iba” (i.e. ang ibinukod na “Sarili”) bilang isang problematikong
kategorya. Rasyalisasyon ang itinawag sa proseso ng pagbubukod (exclusion) o
pagbubuklod (inclusion). Noong una, ibinatay ito sa mga biolohikal na katangiang nang
malauna’y naging ideolohikal sa konteksto ng imperyal na ekspansyonismo ng Kanluran
(Halili 2006). Integral sa prosesong ito ang politika ng pagkakaiba-iba (politics of
difference) o ang pagpapasidhi sa pagkakaiba-iba bilang batayan ng lehitimasya ng isang
mapanaklaw (hegemonic) at mapanlagom (homogenizing) na pamahalaang kolonyal
(Kramer 2006). Tinaguriang “ethnic differentiation” o pag-iiba-iba alinsunod sa mga
partikularidad ng mga grupo bilang isang kultural na entidad, pinasidhi ng mga
kolonisador ang mga likas na kaibahan ng mga grupong pangkalinangan upang
makalikha ng mga dikotomiya. Pinangatwiranan ang dikotomiya sa bisa ng hirarkiya ng
mga kultura: may itinakdang “superyor” at “imperyor,” “sibilisado,” “medyo-sibilisado,” at
“di-sibilisado.” Karugtong ito ng paglikha ng mga kategoryang mapambukod: “Indio,”
“Infiel,” at “Moro”—mga kolektibong kategoryang ipinanghati sa mga tao sa Pilipinas,
gamit ang Kristiyanismo bilang sukatan ng sibilisasyon o kakayanang masibilisa. Ito ang
kagyat na resulta ng politika ng pagkakaiba-ibang unang kinasangkapan ng mga
kolonyalistang Español. Pagdating ng oras, ininstitusyonalisa naman ito ng mga
22
RODRIGUEZ-TATEL: Araling Etniko sa Wikang Filipino
Saliksik E-Journal
Tomo 6, Bilang 1 | Mayo 2017
kolonyalistang Amerikano. Kakabit ng politikang ito ang isa pa, i.e. ang politika ng
representasyon o pag-iimahen; sapagkat hindi lamang lantay o obhetibo ang realidad ng
pagkakaiba-iba. Pinamamagitanan ito ng mga subhetibong pananaw/pagtingin at
interpretasyon sa konteksto ng mga relasyong pangkapangyarihan.
Naging
makapangyarihang lunan ng pananakop ang pag-iimahen o paglalarawan upang
makalikha ng mga “rehimen ng katotohanang” susuhay sa adyendang kolonyal o di kaya’y
magpapatibay sa nilikhang realidad. Sa kontekstong ito, mahalaga ang mga akda nina
Analyn Muñoz tungkol sa imaheng Negrito at Kamaruddin Bin Alawi Mohammad
tungkol sa imaheng Tausug bilang “piratang Moro.” Pinahihintulutan tayo ng mga
nasabing artikulo na sipatin at unawain ang nasabing politika gamit ang historikal na
perspektiba. Mga rasyalisadong kategorya ang “Negrito” at “Moro” bitbit ang mga
negatibong paglalarawan ng mga kolonisador para sa mga taong anila’y “di-sibilisado” at
“mababangis.” Partikular sa akda ni Muñoz, ipinapakita kung paano ginamit ang
imaheng Negrito upang ilarawan ang mga Pilipino sa mga kartung politikal at karikatura
bilang mga taong “di-sibilisado.” Sa pamamagitan nito hinubdan ng lehitimasya ang
pakikibaka ng mga Pilipino para sa kasarinlan, lalo na ang kapasidad nilang pamunuan
ang sarili. Pinawalang bisa ang “Pilipino” bilang isang kolektibong identidad at niredyus
lang sa isang pangkat-etnikong pinatawan ng masasamang katangian. Samantala,
hinubaran din ng lehitimasya ang malaon nang tradisyon at kalinangan ng pangangayaw
ng mga Tausug na Muslim sa pag-iimahen dito bilang isang uri lamang ng krimen at sila
bilang mga kriminal. Ito ang nilikha at ininstitusyonalisang pagpapakahulugan sa
kolonyal na katawagang “pirateria”/“piracy” at “Moro”/“Mohammedan pirates” sa mga
tekstong kolonyal sa konteksto ng kanilang matagalang pakikidigma. Bilang “culture
bearer,” isang repleksibong paglalahad ang naging dulog ni Alawi Mohammad. Gamit ang
dalumat ng “sakit,” pinagnilayan niya kung paano pinasamá o sa kanyang wika
“binulabog” ng ating kolonyal na karanasan ang paglalarawan at pagpapakahulugan sa
kanilang katutubong tradisyon; kasama na ang ibinungang panloob na tunggaliang “Moro
vs. Kristiyano,” gayundin ang mga imaheng “Moro” at imaheng “Bisaya” na iniluwal ng
nasabing “pagkabulabog.” Sa huli, buo ang kanyang pag-asang mahihilom ang sugat ng
nakaraan sa pamamagitan ng isang malalim na pag-unawa at pang-unawang maidudulot
ng sarili mismo nating pagsasakasaysayan. Nangangailangan ang nasabing kaunawaan ng
mula sa loob na perspektiba at metodolohiya.
Maituturing na mapanlagom ang akda ni Villan. Sa pag-aapuhap ng makabuluhang
paradaym upang muli nating tingnan at suriin ang sariling lipunan, kalinangan, at
kasaysayan, pinalalawig ng kanyang akda ang araling etniko upang saklawin hindi lamang
ang mga paksang may kinalaman sa mga grupong etniko, kundi lalo’t higit upang
makadukal din ng mga etnikong kategoryang maiaambag sa larangan ng paneneorya. Ito
ang pagdadalumat sa loob ng kapantasang Pilipino. Sa kanyang ambag na akda,
ipinakikilala ang konseptong panubliong bahandi ng Kanlurang Kabisayaan upang
tukuyin ang kasaklawan ng pamanang yaman ng mga pangkat-etnikong nakapaloob dito.
23
RODRIGUEZ-TATEL: Araling Etniko sa Wikang Filipino
Saliksik E-Journal
Tomo 6, Bilang 1 | Mayo 2017
Makikita sa akda kung paano nilinang ang dalumat sa konteksto ng pag-unawa sa
kabuuang kalinangan ng mga Bisaya at sa hinulma nitong kamalayang pangkaragatan. At
mula sa kapookang Bisaya, itinatawid ng pag-aaral ang kabuluhan nito sa kapookang
pambansa bilang pagtupad sa mga ipinahayag ni Villan na tagubilin ng Bagong
Kasaysayan: una, ang “pagpapalawak ng perspektibang pangkasaysayan;” ikalawa, ang
“pagpapalalim ng pangkasaysayang pagsisiyasat;” at ikatlo, ang “pagbibigay-laman sa
praksis ng nililikhang pambansang kasaysayan.”
Singhalaga ng mga artikulo ang mga ambag na rebyu. Sapagkat transaksyonal ang
kaalaman, matutunghayan sa mga ito ang masigasig na pakikipagtalaban ng mga
Pilipinong iskolar sa mga kontemporaryong produksyon (i.e. libro at bidyodokumentaryo) kaugnay ng mga araling etniko sa Pilipinas. Sa loob ng huling tatlong
taon, mula 2014 hanggang 2016, apat na aklat at isang pelikulang dokumentaryo ang
napiling bigyan ng kaukulang pagsipat at pagsisiyasat. Kalakhan ng mga nirebyu ay
nakatuon sa katutubong kaalaman at praktika bilang lunsaran ng pagkakakilanlan,
habang may isa namang tumunghay sa politika ng representasyon ng mga katutubo sa
kolonyal na potograpiya.
Sa unang rebyu, sinuri ni Will Ortiz ang akda ni Villaluz (2014) na Nalandangan:
Kulturang Kapayapaan ng Inay Malinandang ng Talaandig (Isang Pagtutulay para sa
Edukasyong Pangkapayapaan). Pinapupurihan dito ang papel ng kababaihang Talaandig
bilang mga “Inay Malinandang” o ina ng kapayapaan; gayundin ang may-akda sa
matagumpay na pagtulay niya mula sa mundo ng akademya tungo sa karunungang bayan
ng mga Talaandig. Isa, aniya itong anyo ng pakikipagkapwa na nagbubunga ng tunay na
kapayapaan. Tultulanen o mga kuwentong Talaandig ang nagsilbing makapangyarihang
batis ng kaalaman upang maunawaan ang kamalayan at kultura nila ng kapayapaan. At
matutunghayan din natin ang taglay na bisa ng mga panitikang pasalita sa pagbuo ng
kultural na identidad.
Dinadala tayo ng pagsusuri ni Iö Mones Jularbal sa kahalagahan ng aklat na Ballads and
Tales of the Kankanaey of Bakun-Amburayan River Valleys ni Hornedo (2015) sa
pagbibigay ng “panibagong dimensyon ng pagkilala sa Bago” bilang isang grupong
etnolinggwistikong may kakanyahang natatangi sa mga Ilokano at Kankanaey na
pinaniniwalaang pinagmulan nila. Mahalaga ang libro, hindi lamang umano sa nakalipas
na kasaysayan ng mga Bago, kundi sa kasalukuyan at sa hinaharap, lalo na sa pagbuo ng
sistema ng edukasyong nakaugat sa katutubong wika at karanasan ng komunidad na
kanilang kakasangkapanin sa patuloy na pagdadalumat ng identidad.
Gamit ang konseptong “talimuwang,” pinatingkad ni Arbeen Acuña ang sidhi (impact) ng
politika ng pag-iimaheng kolonyal at ng kaakibat nitong produksyon ng kaalaman sa
librong Dean Worcester’s Fantasy Islands: Photography, Film, and the Colonial Philippines
24
RODRIGUEZ-TATEL: Araling Etniko sa Wikang Filipino
Saliksik E-Journal
Tomo 6, Bilang 1 | Mayo 2017
ni Mark Rice (2015). Talimuwang ang salitang ipinantukoy ni Acuña sa “taling
pangkamalayan,” tila isang patibong na bumibihag sa kaisipan, higit pa umano, sa isang
ilusyon o delusyong ipinahihiwatig ng salitang “pantasya” sa pamagat. Aniya, lumikha ng
talimuwang ang mga litratong kuha ni Dean Worcester na naglagay sa kanya sa dambana
ng kolonyal na kapangyarihan upang matagumpay na maisakatuparan ang
aneksasyonistang polisiya sa unang dekada ng kolonyalismong Amerikano sa Pilipinas.
Nagbababala si Acuña sa patuloy na kamandag ng nalikhang talimuwang, gayundin sa
pagkakaroon ng mga “bagong Worcester” na naigigiit ang kanilang pansariling interes
kakabit ng imperyalistang adyenda sa ngalan ng pagtataguyod ng kabutihan ng mga
taong pinag-aaralan. May iminumungkahi siyang pagkilos pangontra rito. Kailangan,
aniya, na magkaroon ng kritikal na Araling Etniko at Araling Katutubo bilang “kontranaratibong instrumento ng dekolonisasyon.”
Sa pagsulong ng Araling Etniko at Kasaysayang Etniko sa balangkas ng kabansaan,
iniaangat naman ni Aaron Viernes ang pagpapahalaga sa bidyo-dokumentaryong “IWitness: Kabihug” ni Kara David (2016). Higit pa sa isang batis ng kaalaman,
makapangyarihang kasangkapan din ito sa pagtuturo ng Kasaysayang Bayan. Subalit
lampas pa sa praktikal na gamit, tinitingnan din niya itong instrumento ng pag-uugnay at
pagkakaunawaan, gamit ang wikang Filipino, sa pagitan ng mga “katutubong” nasa
kabundukan at yaong masang Pilipino sa kalunsuran man o sa kapatagan. Itong huli,
aniya, ang pinag-uukulan ng nasabing salaysay upang maintindihan ang kalagayan ng
mga tinaguriang “tribu” na patuloy na isinasantabi ng lipunan.
Sa patuloy na punyaging itanghal ang bayan, mahalaga ang rebyu ni Atoy Navarro sa
librong Mun-udi: Ang Panday na Ifugao bilang Tagapag-ingat ng Taal na Kaalaman ni
Ubaldo (2016). Pinagpitaganan ni Navarro ang akda bilang mahalagang muhon sa
pagsasakasaysayan sa Kordilyera sa wikang Filipino. Dagdag pa niya, dalawang larangan
ng pagsasakasaysayan sa Pilipinas ang pinagyayaman nito sa kabuuan: ang Kasaysayang
Etniko at Kasaysayang Intelektuwal. Sa pagtatanghal sa mun-udi bilang tagapagtangan ng
karunungan at kasanayan ng bayan, pinalalawak ni Navarro ang saklaw ng pakahulugan
sa “intelektuwal” upang maipaloob yaong nakaugat sa tradisyon ng bayan. Mga bago
itong kaisipang nagpapalaya sa diskurso ng Araling Etniko at pagsasakasaysayan mula sa
makitid na parametro ng tradisyong nakasulat at mainstream.
KONKLUSYON
“Sagrado ang pagka-Manobo ko,” pakli ng isang Arumanen Manobo. Kung kaya, pati
bigkas, dapat daw iwasto. “Erumanén né Ménúvu ang dapat itawag sa amin!” Dahil kapag
mali, para raw silang nababastos. Umaalingawngaw ang malakas na paninindigan sa
pahayag na ito at hindi maaaring hindi tumatak sa isip ko nang lisanin namin ang
25
RODRIGUEZ-TATEL: Araling Etniko sa Wikang Filipino
Saliksik E-Journal
Tomo 6, Bilang 1 | Mayo 2017
komunidad ng mga Arumanen Manobo ng North Cotabato, dalawang taon na ang
nakalilipas. Hanggang ngayon may problema pa rin pala sa katawagang dumadaloy sa
wika. Hindi lamang ito usapin ng katawagan. Para sa mga “katutubo,” nakasalalay rito
ang kanilang kahihiyan at dangal. Dito ko lalong napagtantong may umiiral na talaban sa
pagitan ng wika at kakanyahan. At ito ang mensaheng bitbit ng Pilipinolohiya/AP sa
wikang Filipino. Mula sa mga kaisipan ni Rizal at ng mga nagpasimula ng kilusang
Pilipinisasyon hanggang sa pahayag sa itaas ng isang Manobo, iisa ang sinasabi: ang
sariling kadakilaan at “kabanalan” o dangal ay magmumula lamang sa kaibuturan, sa
sariling pagtatakda. At sa pagtatakda, may taglay na kapangyarihan ang paggamit ng
sariling wika.
Mula sa mga tesis at disertasyon hanggang sa mga iniambag na artikulo at rebyu sa isyung
ito, masasabi nating malaki ang naging ambag at maiaambag pa ng Araling Etniko sa
wikang Filipino sa diskurso ng sariling pagtatakda. Muli, hindi lamang ito simpleng
paggamit ng wika. Lalo’t higit, usapin ito ng paninindigan. Paninindigan itong
nakabatay sa paniniwalang mahalaga ang mga bahagi sa anumang kabuuan. Ang mga
sangkap etniko ang ugat o pundasyon ng kabuuan. Subalit magkakaroon lamang ng
katuturan ang mga bahaging ito kung mapag-uugnay-ugnay. Kailangan, kung gayon, ang
iisang wikang mag-uugnay-ugnay at tatawiran ng lahat patungo sa kabuuan.
Matutunghayan sa mga pag-aaral ang sentralidad ng mga karanasan, kalinangan, at
kamalayang etniko/bayan sa paghabi ng isang pambansang tradisyon ng kaalaman. Ito
ang inaadhikang “nakaugat na diskursong pangkabihasnan.” Dalawang pangangailangan
ang tinutugunan sa bahaging ito: una, ang pagbuo ng tradisyong pangkaalaman; at
ikalawa, ang intelektwalisasyon o pagpapaibayo ng lingua franca. Isang masiglang
talaban ang nasasaksihan dito. Pinag-iibayo ng Araling Etniko sa wikang Filipino ang
pambansang diskurso, gayundin naman, nag-iibayo ang wikang pambansa mula sa mga
kaalamang etniko. Sa kabilang banda, pinalalawak at pinalalalim din ng Filipino ang
kabatiran sa mga kaalamang etniko.
Natunghayan natin kung paano nagsasalaysay, nagsusuri, nagsisiyasat, at nagdadalumat
sa mga karanasan at kalagayan ng mga grupong etnolinggwistiko gamit ang wikang
Filipino. Napadadaloy sa wikang ito ang samu’t saring karanasan at pagkabayan ng mga
grupo. Napadadaloy rin sa wikang ito ang mga salaysay ng ugnayan sa pagitan ng mga
grupong etniko sa isang banda, at sa pagitan ng mga grupong etniko at bansa sa kabilang
banda. Gayundin naman, ang mga karanasang etniko ang nagsisilbing bukal ng mga
salita, kataga, at kaisipang nagpapayaman sa dikursong pambansa. Nakita natin kung
paano nailalangkap ang mga susing konseptong katutubo/etniko sa kabuuan ng wikang
pambansa. Nakita rin natin na hindi lamang ito simpleng paglalangkap bagkus ay
pagpapaunawa sa malalim na ugnayan ng mga karanasang partikular at pangkalahatan.
26
RODRIGUEZ-TATEL: Araling Etniko sa Wikang Filipino
Saliksik E-Journal
Tomo 6, Bilang 1 | Mayo 2017
Sa lahat ng ito, napag-iibayo ang pagkaunawa sa kolektibong “Sarili” mula sa hanay ng
mga kakanyahan ng iba’t ibang pangkat-etnolinggwistiko (bayan/ili/banwa at iba pa).
Sapagkat ano ba ang sumusuhay sa balangkas ng kabuuan kundi ang mga integral nitong
bahagi? Tahasan at mapangahas na ipinababatid sa atin ng mga araling etniko sa wikang
pambansa ang realisasyong ito: hindi sagka ang pagka-Tausug, Talaandig, Kalinga, at iba
pa sa pagka-Pilipino; at vice versa. Ipinipihit ng ganitong realisasyon ang ating pananaw
sa etnisidad mula sa karaniwang paggigiit ng grupong “minorya” laban sa “mayorya”
patungo sa bagong tuon at tunguhin: ang pag-uugnay-ugnay sa kabila ng mga
dikotomiya. Sa ngalan ng mga walang-patid na ugnayan sa agos ng kasaysayan, marapat
ding tingnang magkakapanabay na sumusulong ang mga kalinangang bayan, nasa
kapatagan man ito o kabundukan o mga hangganan. Gayundin naman, ipagbunyi ang
ating mga pagkakaiba-iba bilang tanda ng yaman ng ating kabihasnan. Ang mga bagong
pananaw na tulad nito ang ating kakasangkapanin upang palakasin ang balangkas ng
kabuuan.
Kasabay ng pagkilala sa kalakasan ay ang pagtukoy sa mga kahinaan. Sang-ayon sa
Summer Institute of Linguistics (SIL) (Simons at Fennig 2017), itinatayang 183 ang wikang
buhay sa ating kapuluan sa kasalukuyan. Kung bawa’t wika ay kumakatawan sa isang
grupong etnolinggwistiko, lalong nakalulula ang kakulangan ng mga pananaliksik sa
Araling Etniko sa Filipino kung babalikan natin ang mangilan-ngilan lang na grupong
napag-ukulan ng mga pag-aakda rito. Hindi maiiwasang maiugnay ito sa nagpapatuloy
na negatibong saloobin tungkol sa Filipino. Masaklap, subalit sa kabila ng pinaunlad na
depinisyon ng “wikang pambansang nakabatay sa mga wika sa Pilipinas” (RP 1987), sampu
ng samu’t saring punyaging isulong ito, marami pa ring nag-iisip at naniniwalang ang
Tagalog ay Filipino at ang Filipino ay Tagalog. Ibig sabihin, nasa harap pa rin natin ang
matinding hamon ng politika ng kaibahan at pag-iiba-iba na maya’t mayang maririnig sa
mga banggit ng “internal colonization” at “Tagalog imperialism” ng mga grupong diTagalog. Anupa’t may mga Lumad na nagsasabing para sa kanila, “Tagalog” ang
karaniwang mukha ng nasyonal na gobyerno. Kung susundan ang huwad na lohikang
ang “Tagalog ay Filipino,” maiintindihan natin kung bakit napakanipis pa rin ng
produksyon o pag-aakda ng mga “katutubo”/“IPs” sa wikang Filipino. Sapagkat Ingles
ang pinaniniwalaan nilang wika ng kapangyarihang sasandatahin sa mga patuloy nilang
asersyon laban sa "mayorya" o nasyon-estado. Ganito kasalimuot ang isyu ng wika sa
aralin at diskursong etniko. Nakasalabat ito sa realidad ng relasyon ng kapangyarihan sa
pagitan ng mga grupong pangkalinangan. Gayumpaman, sa kabila ng mga tensyon at
kontradiksyon, may isa pa ring mukha ang nasabing realidad: may taling nagbibigkis sa
ating lahat sa bisa ng kapookan, kasaysayan, at kamalayan. Sa mga kalinangang sumibol
sa kailugan, nananatiling may bisa ang pagtawid sa mga ibayo. Pinahihintulutan tayo
nitong papaglakbayin ang isipan sa lawak at lalim ng ating mga pinagsasaluhang
karanasan. At huhulmahin ng perspektibang ito ang isang makabuluhan, dahil nakaugat
at mapang-ugnay na “Araling Etniko.”
27
RODRIGUEZ-TATEL: Araling Etniko sa Wikang Filipino
Saliksik E-Journal
Tomo 6, Bilang 1 | Mayo 2017
PASASALAMAT
Lubos na nagpapasalamat ang patnugutan ng isyung ito sa mga nag-ambag ng mga
artikulo na sina Roderick C. Javar, Ph.D. (Unibersidad ng Pilipinas, Los Baños, Laguna),
Randy M. Madrid, Ph.D. (Unibersidad ng Pilipinas, Visayas), Kamaruddin Bin Alawi
Mohammad (Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lunsod Quezon), Analyn B. Muñoz
(Unibersidad ng Pilipinas, Baguio), Jason Paolo R. Telles (Unibersidad ng Pilipinas,
Baguio), Vicente C. Villan, Ph.D. (Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lunsod Quezon), at
Jyferson A. Villapa (De La Salle University, Maynila, Pilipinas) at nagkontribyut ng mga
rebyu na sina Arbeen R. Acuña (Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lunsod Quezon), Iö
Mones Jularbal (Unibersidad ng Pilipinas, Baguio), Atoy M. Navarro (Thammasat
University, Thailand), Will P. Ortiz (Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lunsod Quezon),
at Aaron F. Viernes (Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lunsod Quezon).
Gayundin, nagpapasalamat ang patnugutan sa mga nagsilbing referi ng mga artikulo na
sina Faina Abaya-Ulindang, Ph.D. (retirado, Mindanao State University, Pilipinas), Adonis
L. Elumbre (Unibersidad ng Pilipinas, Baguio), Nestor T. Castro, Ph.D. (Unibersidad ng
Pilipinas, Diliman, Lunsod Quezon), Jesus Federico C. Hernandez (Unibersidad ng
Pilipinas, Diliman, Lunsod Quezon), Sharon M. Maminta (Mentari International School
Bintaro, Indonesia), Raul C. Navarro, Ph.D. (Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lunsod
Quezon), Nilo S. Ocampo, Ph.D. (Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lunsod Quezon),
Regulus P. Tantoco, Ph.D. (Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lunsod Quezon), at Lars
Raymund C. Ubaldo, Ph.D. (De La Salle University, Maynila, Pilipinas).
Talahuli
1
Kung tutuusin, bago pa ang dekada 1990, ginagamit na ang “Araling Pilipino” sa Kolehiyo ng Agham
Panlipunan at Pilosopiya ng Unibersidad ng Pilipinas (UP). Matutunghayan ito halimbawa, sa pahina ng
pamagat (title page) ng mga sumusunod na pag-aaral: (1) “Kasaysayan at Kontekstong Panlipunan ng
Nobelang Tagalog, 1905-1975” (1979); (2) “Hidwaan at Damayan sa Nagbabagong Lipunan sa Kalagitnaang
Mindanao” (Santiago 1983); at (3) “Ang Nagbabagong Larawan ng Amerika sa Tulang Tagalog, 1989-1972”
(Ignacio 1985). Gayumpaman, ang pagdadalumat ng “Pilipinolohiya” ang maituturing na kauna-unahang
hakbang tungo sa paglilinaw at pagtitiyak ng mga kaibahan sa pagitan ng batayang epistemolohikal ng
“Philippine Studies” sa wikang Filipino at yaong nasa Ingles.
2
Nailathala bilang “Sariling Atin: Ang Nagsasariling Komunidad na Pangkomunikasyon sa Disiplinang
Araling Pilipino” (Guillermo 2016).
3
Sa bahaging ito, mahalaga ring banggitin ang mga pag-aaral na bagaman linggwistiks ang tuwirang tuon
ay nakatutulong din sa pagpapayaman ng diskurso sa Araling Etniko sa wikang Filipino, gaya ng
sumusunod: “Diskripsyon ng Klos na Verbal ng Wikang Itawit” ni Editha Jalotjot (1988); “Ang Wikang
Rinconada sa Bikol” ni Jesus Federico Hernandez (1998); “Ang Teta-Tyuri sa Isamal” ni Rodney Jubilado
(2001); “Mga Semantik Koreleyt ng Pagkatransitibo sa Kwentong Sebwano” ni Frieda Marie Bonus-Adeva
(2003); “Mga Verb-inisyal na Sentens ng Viracnon: Isang Pagsusuri Batay sa Gobernment-Baynding Tyuri”
28
RODRIGUEZ-TATEL: Araling Etniko sa Wikang Filipino
Saliksik E-Journal
Tomo 6, Bilang 1 | Mayo 2017
ni Lucillyne Chu Tabada (2003); at “Ang Clause Structure ng Tagalog Batay sa Cognitive Grammar” ni Jem
Roque Javier (2013).
Sanggunian
Amalla, Carlito. 2012. Suyam Tu Agusan Manobo: Tradisyon at Inobasyon sa Sining ng
Pagbuburda ng Damit. M.A. tesis sa Araling Sining: Sining Pangkasaysayan,
University of the Philippines - Diliman, Quezon City.
Aquino, Clemen. 1999. Mula sa Kinaroroonan: Kapwa, Kapatiran, at Bayan sa Agham
Panlipunan. Nasa Mga Babasahin sa Agham Panlipunang Pilipino: Sikolohiyang
Pilipino, Pilipinolohiya, at Pantayong Pananaw, mga pat. Atoy Navarro at Flordeliza
Lagbao-Bolante, 201-240. Quezon City: C & E Publishing, Inc., 2007.
Banton, Michael. 1983. Racial and Ethnic Competition. Cambridge: Cambridge University
Press.
Bautista, Violeta at Rogelia Pe-Pua, mga pat. 1991. Pilipinolohiya: Kasaysayan, Pilosopiya,
at Pananaliksik. Manila: Kalikasan Press.
Bennagen, Ponciano. 1976.
Kultura at Kapaligiran: Pangkulturang Pagbabago at
Kapanatagan ng mga Agta sa Palanan, Isabela. M.A. tesis sa Antropolohiya,
University of the Philippines - Diliman, Quezon City.
Berghe, Pierre van den. 1983. Class, Race, and Ethnicity in Africa. Ethnic and Racial
Studies 6, blg. 2: 221-236.
Bonus-Adeva, Frieda Marie. 2003. Mga Semantik Koreleyt ng Pagkatransitibo sa
Kwentong Sebwano. M.A. tesis sa Linggwistiks, University of the Philippines Diliman, Quezon City.
Buhisan, Virginia. 1996. Tudbulul: Ang Awit ng Matandang Lalaking T’boli Bilang
Salamin ng Kanilang Lipunan at Kalinangan. Ph.D. disertasyon sa Pilipinolohiya,
University of the Philippines - Diliman, Quezon City.
Caampued, Marian. 2002. Sarsarita ti Babai ti Amianan. M.A. tesis sa Araling Pilipino,
University of the Philippines - Diliman, Quezon City.
Castro, Nestor. 2005. Isang Antropolohikal na Pag-aaral sa Pampulitikang Batayan ng
Etnikong Identidad: Ang Kaso ng mga Kalingga ng Dananao. Ph.D. disertasyon sa
Antropolohiya, University of the Philippines - Diliman, Quezon City.
29
RODRIGUEZ-TATEL: Araling Etniko sa Wikang Filipino
Saliksik E-Journal
Tomo 6, Bilang 1 | Mayo 2017
Covar, Prospero. 1991. Pilipinolohiya. Nasa Pilipinolohiya: Kasaysayan, Pilosopiya, at
Pananaliksik, mga pat. Violeta Bautista at Rogelia Pe-Pua, 37-45. Manila: Kalikasan
Press.
Dagohoy, Herminio. 2001. Ang Hermeneutika ng Igtingan ng Talinghaga sa Relihiyosong
Panulaang Tagalog: Pagtalunton sa Landas ng Pagpapakahulugan ng Relihiyong
Bayan. M.A. tesis sa Araling Pilipino, University of the Philippines - Diliman,
Quezon City.
David, Kara (host/may-akda). 2016. I-Witness: Kabihug; Dokumentaryo ni Kara David.
Quezon City: GMA Public Affairs.
Department of Ethnic Studies (DES), College of Letters and Sciences (CLS), University of
California (UC) Berkeley. 2014. Home. Websayt ng Department of Ethnic Studies,
College of Letters and Sciences, University of California Berkeley,
https://goo.gl/Vr1wjP (nakuha noong Mayo 16, 2017).
De Peralta, Patricia. 1984. Pagpapahalagang Hatid ng mga Popular na “Sariti idi Ugma”
mula Ilokos Norte. M.A. tesis sa Sikolohiya, University of the Philippines Diliman, Quezon City.
Eriksen, Thomas. 1993. Ethnicity and Nationalism. London: Pluto Press.
Eriksen, Thomas. 1996. Ethnicity, Race, Class, and Nation. Nasa Ethnicity, mga pat. John
Hutchinson at Anthony Smith, 28-34. Oxford at New York: Oxford University
Press.
Gatan, Fe Yolanda. 1997. Isang Durungawan sa Kasaysayang Lokal ng Nueva Vizcaya: Ang
Nakaraan ng mga Isinay at Ilongot, 1591-1947. M.A. tesis sa Kasaysayan, University
of the Philippines - Diliman, Quezon City.
Guillermo, Ramon. 2013.
Ang Awtonomong Komunidad Pangkomunikasyon sa
Disiplinang Araling Pilipino. Papel na binasa sa Sampaksaan: Ang Araling Pilipino
sa Larangang Pambansa at Pandaigdigang Pagbabago, Mayo 28, sa GT-Toyota
Asian Cultural Center, University of the Philippines - Diliman, Quezon City.
Guillermo, Ramon. 2016.
Sariling Atin: Ang Nagsasariling Komunidad na
Pangkomunikasyon sa Disiplinang Araling Pilipino. Social Science Diliman 12, blg.
1 (Enero-Hunyo): 29-47.
30
RODRIGUEZ-TATEL: Araling Etniko sa Wikang Filipino
Saliksik E-Journal
Tomo 6, Bilang 1 | Mayo 2017
Halili, Servando Jr. 2006. Iconography of the New Empire: Race and Gender Images and the
American Colonization of the Philippines. Quezon City: University of the
Philippines Press.
Hamada-Pawid, Zenaida. 2015. Panayam kay Zenaida Hamada-Pawid ni Mary Jane
Rodriguez-Tatel. Tanggapan ng National Commission on Indigenous Peoples
(NCIP), Maynila, Pilipinas, Hulyo 5.
Hernandez, Jesus Federico. 1998. Ang Wikang Rinconada sa Bikol.
Linggwistiks, University of the Philippines - Diliman, Quezon City.
M.A. tesis sa
Hornedo, Florentino. 2015. Ballads and Tales of the Kankanaey of the Bakun-Amburayan
River Valleys. Manila: University of Santo Tomas Publishing House.
Ignacio, Violeta. 1985. Ang Nagbabagong Larawan ng Amerika sa Tulang Tagalog, 18981972. Ph.D. disertasyon sa Araling Pilipino, University of the Philippines - Diliman,
Quezon City.
Impil, Leonisa. 2005. Kinabuhi: Kultura at Wika sa Salin ng mga Kwentong Bukidnon.
M.A. tesis sa Filipino, University of the Philippines - Diliman, Quezon City.
Iniego, Florentino Jr. 2005. “Pagbabalik sa Pinaghasikang Linang”: Pagbubuo ng Isang
Modelo ng Pagsasaling-Kultural Batay sa Sarsaritang Pangkanayunan. M.A. tesis
sa Araling Pilipino, University of the Philippines - Diliman, Quezon City.
Jalotjot, Editha. 1988. Diskripsyon ng Klos na Verbal ng Wikang Itawit. M.A. tesis sa
Linggwistiks, University of the Philippines - Diliman, Quezon City.
Javar, Roderick. 2006. Sa Agos ng Ilog Chico: Talambuhay ni Macli-ing Dulag (1928?1980). M.A. tesis sa Kasaysayan, University of the Philippines - Diliman, Quezon
City.
Javier, Jem Roque. 2013. Ang Clause Structure ng Tagalog Batay sa Cognitive Grammar.
M.A. tesis sa Linggwistiks, University of the Philippines - Diliman, Quezon City.
Jose, Vivencio. 1987. Philippine Studies: The Noli Me Tangere Viewpoint. BUDHI Papers
7: 53-67.
Jubilado, Rodney. 2001. Ang Teta-Tyuri sa Isamal. M.A. tesis sa Linggwistiks, University
of the Philippines - Diliman, Quezon City.
31
RODRIGUEZ-TATEL: Araling Etniko sa Wikang Filipino
Saliksik E-Journal
Tomo 6, Bilang 1 | Mayo 2017
Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). 2017. Mga Tala sa Pandaigdigang Kongreso sa
Araling Filipinas sa Wikang Filipino: Pagbabalik, Pagbabantayog sa Filipino.
Manuskrito, Maynila, Pilipinas, Agosto 2-4.
Kramer, Paul. 2006. The Blood of Government: Race, Empire, the United States, & the
Philippines. Quezon City: Ateneo de Manila University Press.
Labrador, Roderick. 1997. Subordination and Resistances: Ethnicity in the Highland
Communities of the Cordillera Administrative Region, Northern Luzon,
Philippines. Explorations in Southeast Asian Studies 1, blg. 1: 1-15.
Legaspi, Felisa. 1981.
Ang mga Awiting-Bayan sa Bataan: Isang Pag-aaral sa
Pampulangang-Pangkasaysayan.
Ph.D. disertasyon sa Philippine Studies,
University of the Philippines - Diliman, Quezon City.
Lopez, Aurea. 2011. Singkaban: Tradisyon ng Arko ng Pagdiriwang sa Bulacan. M.A. tesis
sa Araling Sining: Sining Pangkasaysayan, University of the Philippines - Diliman,
Quezon City.
Melencio, Gloria. 2013. Tradisyong Babaylan/Mamaratbat sa Leyte at Samar: Hugpungan
ng Katutubong Kalinangan at Kristiyanismo. M.A. tesis sa Kasaysayan, University
of the Philippines - Diliman, Quezon City.
Mendoza, Rosita. 1987. Ang Relasyon ng Ekonomiya at Wika sa mga Abelling Ayta ng
Labney. Ph.D. disertasyon sa Antropolohiya, University of the Philippines Diliman, Quezon City.
Mendoza, S. Lily. 2002. Between the Homeland and the Diaspora: The Politics of
Theorizing Filipino and Filipino American Identities; A Second Look at the
Poststructuralism-Indigenization Debates. New York at London: Routledge.
Binagong edisyon, Manila: University of Santo Tomas Publishing House, 2006.
Morillo, Hannah Misha. 2012. Pagpapanatili ng Pagkakakilanlang Kultural: Pag-aaral sa
mga Boracay Ati sa Kanilang Tahanang Islang-Bakasyunan. M.A. tesis sa
Sikolohiya, University of the Philippines - Diliman, Quezon City.
Navarro, Atoy at Flordeliza Lagbao-Bolante, mga pat. 2007. Mga Babasahin sa Agham
Panlipunang Pilipino: Sikolohiyang Pilipino, Pilipinolohiya, at Pantayong Pananaw.
Quezon City: C & E Publishing, Inc.
32
RODRIGUEZ-TATEL: Araling Etniko sa Wikang Filipino
Saliksik E-Journal
Tomo 6, Bilang 1 | Mayo 2017
Navarro, Atoy, Mary Jane Rodriguez, at Vicente Villan, mga pat. 1997. Pantayong
Pananaw: Ugat at Kabuluhan: Pambungad sa Pag-aaral ng Bagong Kasaysayan.
Mandaluyong: Palimbagang Kalawakan.
Navarro, Atoy, Mary Jane Rodriguez, at Vicente Villan, mga pat. 2015. Pantayong
Pananaw: Pagyabong ng Talastasan; Pagbubunyi kay Zeus A. Salazar. Quezon City:
Bahay-Saliksikan ng Kasaysayan/Bagong Kasaysayan, Inc.
Navidad, Estrella. 1995. Diyandi: Alaala ng Kahapon, Panaad sa Kasalukuyan, at Larawan
ng Tunggalian. M.A. tesis sa Panitikang Pilipino, University of the Philippines Diliman, Quezon City.
Nelmida-Flores, Ma. Crisanta. 2002. Pangasinan: Isang Etnokultural na Pagmamapa.
Ph.D. disertasyon sa Araling Pilipino, University of the Philippines - Diliman,
Quezon City.
Ocampo, Nilo. 1982. Ang Palawan sa Panahon ng Kolonyalismong Espanyol at
Republikang Pilipino, 1621-1901. M.A. tesis sa Kasaysayan, University of the
Philippines - Diliman, Quezon City.
Ocampo, Nilo. 1985. Katutubo, Muslim, Kristyano: Palawan, 1621-1901. Cologne: BahaySaliksikan ng Kasaysayan.
Padilla, Sabino Jr. 1991. Mangyan Patag: Sa Harap ng Panlipunang Interbensyon ng mga
Non-Government Organization (NGO). Ph.D. disertasyon sa Antropolohiya,
University of the Philippines - Diliman, Quezon City.
Pambid, Nenita. 1996. Ang Pagkataong Tagalog/Pilipino sa mga Akda ni Francisco
Balagtas at sa Diccionario Tagalog-Hispano ni Pedro Serrano Laktaw. Ph.D.
disertasyon sa Araling Pilipino, University of the Philippines - Diliman, Quezon
City.
Polo, Jaime. 1994. Ang Istrukturang Di-malay at Kasaysayan sa Panitikang Waray. Ph.D.
disertasyon sa Filipino: Panitikan, University of the Philippines - Diliman, Quezon
City.
Prudente, Felicidad. 1977. Ang Musika ng mga Kuyunon sa Pulo ng Cuyo. M.A. tesis sa
Musika, University of the Philippines - Diliman, Quezon City.
Republika ng Pilipinas (RP). 1987. Saligang Batas ng Pilipinas. Manila: Republika ng
Pilipinas.
33
RODRIGUEZ-TATEL: Araling Etniko sa Wikang Filipino
Saliksik E-Journal
Tomo 6, Bilang 1 | Mayo 2017
Respeto, Jerry. 1993. Ang Dramang Tagalog, 1899-1944: Isang Pag-aaral sa mga Anyo at
Paksa. M.A. tesis sa Panitikang Pilipino, University of the Philippines - Diliman,
Quezon City.
Reyes, Soledad. 1979. Kasaysayan at Kontekstong Panlipunan ng Nobelang Tagalog, 19051975. Ph.D. disertasyon sa Araling Pilipino, University of the Philippines - Diliman,
Quezon City.
Rice, Mark. 2015. Dean Worcester’s Fantasy Islands: Photography, Film, and the Colonial
Philippines. Quezon City: Ateneo de Manila University Press.
Rodil, Rudy. 1992. Kasaysayan ng mga Pamayanan ng Mindanao at Arkipelago ng Sulu,
1596-1898. M.A. tesis sa Kasaysayan, University of the Philippines - Diliman,
Quezon City.
Rodil, Rudy. 2017. Kasaysayan ng mga Pamayanan ng Mindanao at Arkipelago ng Sulu,
1596-1898. Manila: Komisyon sa Wikang Filipino.
Rodriguez, Mary Jane. 1998. Ethnos/Ethnic vs. Banwa/Ili/Bayan: Paghuhukay ng
Pakahulugan sa Kalaliman ng Kamalayang Pilipino. Papel na binasa bilang
reaksyon sa Katedratikong Panayam ni Dr. Dolly Mibolos hinggil sa Pagtuturo ng
Etno-Kasaysayan, Agosto 18, Bulwagang Claro M. Recto, University of the
Philippines - Diliman, Quezon City.
Rodriguez, Mary Jane. 2001. Ili Ti Amianan: Kamalayang Bayan sa Panghimagsikang
Tradisyon ng Hugpungang Kailokuan-Kaigorotan, 1589-1913.
M.A. tesis sa
Kasaysayan, University of the Philippines - Diliman, Quezon City.
Rodriguez-Tatel, Mary Jane. 2012. “Tribo,” “Katutubo,” at Iba pa: Muling Pagbasa sa
Kolonyal na Dalumat ng “Non-Christian Tribes” sa Lente ng Kasalukuyan. Papel
na inihanda para sa Klase ng Anthropology 297 sa ilalim ni Dr. Michael Tan,
Ikalawang Semestre 2011-2012, University of the Philippines - Diliman, Quezon
City.
Rodriguez-Tatel, Mary Jane. 2015a. Pagbubunyi kay Zeus A. Salazar: Muhon ng Kilusang
Pilipinisasyon sa Akademya (Pilipinolohiya, Sikolohiyang Pilipino, at Pilosopiyang
Pilipino). Nasa Pantayong Pananaw: Pagyabong ng Talastasan; Pagbubunyi kay
Zeus A. Salazar, mga pat. Atoy Navarro, Mary Jane Rodriguez-Tatel, at Vicente
Villan, 140-160. Quezon City: Bahay-Saliksikan ng Kasaysayan/Bagong Kasaysayan,
Inc.
34
RODRIGUEZ-TATEL: Araling Etniko sa Wikang Filipino
Saliksik E-Journal
Tomo 6, Bilang 1 | Mayo 2017
Rodriguez-Tatel, Mary Jane. 2015b. Philippine Studies/Araling Pilipino/Pilipinohiya sa
Wikang Filipino: Pagpopook at Pagdadalumat sa Loob ng Kapantasang Pilipino.
Humanities Diliman 12, blg. 2 (Hulyo-Disyembre): 110-179.
Rodriguez-Tatel, Mary Jane, Atoy Navarro, Carlos Tatel Jr., Lars Raymund Ubaldo,
Vicente Villan, at Michael Charleston Chua. 2011. Diksyonaryo ng Pantayong
Pananaw at Bagong Kasaysayan. Manuskritong di pa nailalathala, National
Commission on Culture and the Arts, Maynila, Pilipinas.
Rovillos, Raymundo. 2005. Paglikha at Paglalarawan sa Pagkakakilanlang Tinguian (18231904). Ph.D. disertasyon sa Kasaysayan, University of the Philippines - Diliman,
Quezon City.
Salazar, Zeus. 1970-1971. Ang Pagtuturo ng Kasaysayan sa Pilipino. Nasa Pantayong
Pananaw: Ugat at Kabuluhan; Pambungad sa Pag-aaral ng Bagong Kasaysayan,
mga pat. Atoy Navarro, Mary Jane Rodriguez, at Vicente Villan, 13-33.
Mandaluyong: Palimbagang Kalawakan, 1997.
Salazar, Zeus. 1983. The Ethnic Dimension: Papers on Philippine Culture, History, and
Psychology. Cologne: Counselling Center for Filipinos, Caritas Association for the
City of Cologne.
Salazar, Zeus. 1985. Paunang Salita sa Katutubo, Muslim, Kristyano: Palawan, 1621-1901 ni
Nilo Ocampo. Nasa Pantayong Pananaw: Ugat at Kabuluhan; Pambungad sa Pagaaral ng Bagong Kasaysayan, mga pat. Atoy Navarro, Mary Jane Rodriguez, at
Vicente Villan, 35-44. Mandaluyong: Palimbagang Kalawakan, 1997.
Salazar, Zeus. 1986. Paunang Salita sa Kasaysayan ng Bulakan ni Jaime Veneracion. Nasa
Pantayong Pananaw: Ugat at Kabuluhan; Pambungad sa Pag-aaral ng Bagong
Kasaysayan, mga pat. Atoy Navarro, Mary Jane Rodriguez, at Vicente Villan, 45-54.
Mandaluyong: Palimbagang Kalawakan, 1997.
Salazar, Zeus. 1991a. Ang Pantayong Pananaw Bilang Diskursong Pangkabihasnan. Nasa
Pantayong Pananaw: Ugat at Kabuluhan; Pambungad sa Pag-aaral ng Bagong
Kasaysayan, mga pat. Atoy Navarro, Mary Jane Rodriguez at Vicente Villan, 79-125.
Mandaluyong: Palimbagang Kalawakan, 1997.
Salazar, Zeus, pat. 1991b. Ang P/Filipino sa Agham Panlipunan at Pilosopiya. Manila:
Kalikasan Press.
35
RODRIGUEZ-TATEL: Araling Etniko sa Wikang Filipino
Saliksik E-Journal
Tomo 6, Bilang 1 | Mayo 2017
Salazar, Zeus. 1991c. Paunang Salita. Nasa Pilipinolohiya: Kasaysayan, Pilosopiya, at
Pananaliksik, mga pat. Violeta Bautista at Rogelia Pe-Pua, 5-9. Manila: Kalikasan
Press.
Salazar, Zeus. 1998a. Konklusyon; Bagong Historiograpiya: Kapilipinuhan at Kamalayang
Malayo. Nasa The Malayan Connection: Ang Pilipinas sa Dunia Melayu, may-akda
Zeus Salazar, 301-324. Quezon City: Palimbagan ng Lahi.
Salazar, Zeus. 1998b. “Philippine Studies” and “Pilipinolohiya”: Past, Present, and Future
of Two Heuristic Views in the Study of the Philippines. Nasa The Malayan
Connection: Ang Pilipinas sa Dunia Melayu, 301-324. Quezon City: Palimbagan ng
Lahi.
Salazar, Zeus. 1998c. Pilipinolohiya: Pagtatakda at Pagpapaibayo. Nasa The Malayan
Connection: Ang Pilipinas sa Dunia Melayu, 327-352. Quezon City: Palimbagan ng
Lahi.
Salazar, Zeus. 1998d. The Malayan Connection: Ang Pilipinas sa Dunia Melayu. Quezon
City: Palimbagan ng Lahi.
Salazar, Zeus. 2013. Panayam Tungkol sa Tinataguriang “Philippine Studies” sa UP sa
Konteksto ng Pambansang Kakanyahan/Identidad.
Papel na binasa sa
Sampaksaan: Ang Araling Pilipino sa Larangang Pambansa at Pandaigdigang
Pagbabago, Mayo 28, sa GT-Toyota Asian Cultural Center, University of the
Philippines - Diliman, Quezon City.
San Diego, Adona Princesa. 2002. An Buot nin Agta sa Kapalibutan: Hakbang Tungo sa
Pilosopiyang Pangkapaligiran. M.A. tesis sa Araling Pilipino, University of the
Philippines - Diliman, Quezon City.
Santiago, Dante. 1983. Hidwaan at Damayan sa Nagbabagong Lipunan sa Kalagitnaang
Mindanao. Ph.D. disertasyon sa Araling Pilipino, University of the Philippines Diliman, Quezon City.
Semorlan, Teresita. 2001. Chavacano Barayti ng Filipino sa Zamboanga: Tungo sa Pagbuo
ng Pambansang Lingua Franca.
Ph.D. disertasyon sa Filipino: Istruktura,
University of the Philippines - Diliman, Quezon City.
Silapan, Ofelia. 1975. Ang Pag-uugaling Iloco sa mga Maikling Kuwentong Iloco: 19341970. M.A. tesis sa Filipino, University of the Philippines - Diliman, Quezon City.
36
RODRIGUEZ-TATEL: Araling Etniko sa Wikang Filipino
Saliksik E-Journal
Tomo 6, Bilang 1 | Mayo 2017
Silapan, Ofelia. 1993. Panagiyulog: Tungo sa Pagbubuo ng Isang Teorya sa Pagsasalin.
Ph.D. disertasyon sa Filipino: Pagsasalin, University of the Philippines - Diliman,
Quezon City.
Simons, Gary at Charles Fennig, mga pat. 2017. Ethnologue: Languages of the World;
Twentieth Edition. Websayt ng Ethnologue: Summer Institute of Linguistics
International, https://goo.gl/RoN2iH (nakuha noong Mayo 9, 2017).
Tabada, Lucillyne Chu. 2003. Mga Verb-inisyal na Sentens ng Viracnon: Isang Pagsusuri
Batay sa Gobernment-Baynding Tyuri. M.A. tesis sa Linggwistiks, University of the
Philippines - Diliman, Quezon City.
Tabin, Lorenzo. 1980. Ang Migrasyon sa Maikling Kwento at Nobelang Ilokano. M.A.
tesis sa Panitikang Pilipino, University of the Philippines - Diliman, Quezon City.
Tacata, Bonifacio. 1991. Ang Pagpupunyagi at Pakikibaka ng mga Maranao Pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig: Paghahanap ng Sariling Pagkakakilanlan, 19441986. M.A. tesis sa Kasaysayan, University of the Philippines - Diliman, Quezon
City.
Tirad, Aurora. 2007. Ang Angkan at ang Kanyang Bansag: Pagtugaygay sa Isang Aspekto
ng Kasaysayang Kultural ng Marikina. M.A. tesis sa Araling Pilipino, University of
the Philippines - Diliman, Quezon City.
Tonkin, Elisabeth, Maryon McDonald, at Malcolm Chapman. 1989. History and Ethnicity.
London: Routledge.
Torres, Maria Luisa. 1981. Ang Panunuring Pampanitikan Hinggil sa Nobelang Tagalog.
M.A. tesis sa Philippine Studies, University of the Philippines - Diliman, Quezon
City.
Ubaldo, Lars Raymund. 2003. Dung-aw, Pasyon, at Panagbiag: Tatlong Hibla ng
Pakasaritaan ti Biag ng mga Ilokano. M.A. tesis sa Kasaysayan, University of the
Philippines - Diliman, Quezon City.
Ubaldo, Lars Raymund. 2009. Ang Dalumat ng Tagalog, 1571-1907. Ph.D. disertasyon sa
Kasaysayan, University of the Philippines - Diliman, Quezon City.
Ubaldo, Lars Raymund. 2016. Mun-udi: Ang Panday na Ifugao bilang Tagapag-ingat ng
Taal na Kaalaman. Baguio City: Cordillera Studies Center, University of the
Philippines Baguio.
37
RODRIGUEZ-TATEL: Araling Etniko sa Wikang Filipino
Saliksik E-Journal
Tomo 6, Bilang 1 | Mayo 2017
Villan, Vicente. 1998. Hangaway: Ang Pakikidigma ng mga Panayanhon sa Himagsikan,
1896-1907. M.A. tesis sa Kasaysayan, University of the Philippines - Diliman,
Quezon City.
Villan, Vicente. 2009. Pintados: Mga Hukbong Bisaya sa Armadong Ekspedisyong
Espanyol sa Kapuluang Pilipinas, 1565-1898. Ph.D. disertasyon sa Kasaysayan,
University of the Philippines - Diliman, Quezon City.
Villaluz, Geraldine. 2012. Nalandangan: Kulturang Kapayapaan ng Inay Malinandang ng
Talaandig: Tungo sa Paglikha ng Gabay sa Edukasyong Pangkapayapaan. Ph.D.
disertasyon sa Araling Pilipino, University of the Philippines - Diliman, Quezon
City.
Villaluz, Geraldine. 2014. Nalandangan: Kulturang Kapayapaan ng Inay Malinandang ng
Talaandig (Isang Pagtutulay para sa Edukasyong Pangkapayapaan). Quezon City:
University of the Philippines Sentro ng Wikang Filipino.
Zamora, Mario at Zeus Salazar, mga pat. 1969.
Quezon City: Kayumanggi Press.
38
RODRIGUEZ-TATEL: Araling Etniko sa Wikang Filipino
Anthropology: Range and Relevance.
Download