Uploaded by Aubrey Gay Sarabosquez

Q4 M1 EL Fili Intro Ang buhay ng Isang Bayani W1 LAS 1

advertisement
Pangalan: ______________________________________________Baitang at Seksyon: _________
Asignatura: Filipino 10 Guro: __________________________________Iskor: ________________
: Jose Rizal: Ang Buhay ng Isang Bayani – Intro para sa El Filibusterismo
Markahan 4, M1 Linggo 1, LAS 1 PT
Pamagat ng Gawain
: Pagsisipi
Layunin
: Natatala ang mahahalagang detalye sa buhay niJose Rizal. (Dok-Pelikula)
Sanggunian
: Bookmark at Kagawaran ng Kasaysayan Pamantasan ng Ateneo De Manila
Manunulat
: Ariel L. Armada
________________________________________________________________________________
Panuto: Itala ang mahahalagang pangalan ng tao,
Paksa: Jose Rizal: Ang Buhay ng Isang Bayani
petsa,lugar, pangyayari at ideya o
konsepto.(pasalita,parirala o pangungusap)
Aralin
I. Introduksyon


Anu – ano ang karaniwang pagkakilala kay
Jose Rizal?
Paano mo lubusang makikilala si Jose Rizal?
Kilala bilang pambansang bayani ng Pilipinas, isang
manunulat, doctor, pintor at iba pa.
Makikilala mo sya sa pamamagitan ng pagbabasa
ng mga akdang kanyang ginawa.
II. Ang Batang si Moy Mercado





Anu – ano ang mga katangian ng ina ni
Jose?
Paano pinalaki ni Donya Lolay si Jose Rizal?
Paano pinalilipas ni Jose Rizal ang kanyang
oras bilang isang bata?
Anu – anong mga pasakit ang naranasan ni
Jose sa murang gulang pa lamang?
Paano nakaapekto ang mga pasakit na ito sa
pagkatao ni Jose?
Ang in ani Jose ay isang mapagmahal at mapag
arugang ina.
Pinalaki syang may pangarap at takot sa Diyos.
Pinalilipas niya ang kanyang oras sa pagpipinta,
pagsulat, pagbabasa at paglililok.
Ang mga pasakit na kanyang naranasan ay ang
pagkamatay ng kanyang kapatid, pagkakulong ng
kanyang ina at ang pagkasaksi sa pagbitay sa
tatlong paring Pilipino.
Naka apekto ito ng Malaki sa kanya at namulat sa
kawalang katarungan ng lipunan.
III. Jose Rizal: Atenistang Probinsyano




Sino ang taong nakatulong nang malaki sa
paglinang at pag – usbong ng talino at
talento ni Jose Rizal?
Paano umusbong ang talino ni Jose Rizal sa
Ateneo?
Anu – ano ang kanyang mga nakamit,
nagawa, pagkilala at mga parangal?
Bakit sinasabing dito naranasan ni Jose Rizal
ang pait at tamis ng tagumpay?
Ang kanyang ina ang nakatulong nang malaki sa
paglinang at pag-usbong ng talion at talion niya.
Siya ay naging emperor dahil sya ang
pinakamarunong sa kanila.
Nakuha niya ang karangalang “Bachiller de Artes”
Tamis dahil marami syang natutunan at nakamit na
parangal ngunit pait din dahil sa panghahamak na
natatanggap dahil sya ay isang Pilipino.
IV. Patungo sa Liwanag ng Dunong ng
Daigdig





Ano ang naging impresyon ni Jose Rizal sa
Barcelona, sa kanyang kababayan at
kabataan?
Paano pinalilipas ni Jose Rizal ang
bakasyong pang tag – araw?
Paano patuloy na pinalalawak ni Jose Rizal
ang kanyang kaisipan, pananaw at
prinsipyo?
Sinu – sino ang kanyang nakilalang mga
kababayan o dayuhan?
Paano nabuo ang pagkakaibigan nina Jose
Rizal at Ferdinand Blumentritt?
Naisip niya na ang mga Pilipino ay hindi mababang
uri kundi nabibilang sa matataas ng uri ng tao sa
lipunan na pwdng pumantay kaninuman.
Siya ay nag-aral at nagpakadalubhasa. Siya rin ay
naglakbay sa ibat’ ibang parte ng mundo.
Nakilala niya sina Graciano Lopez Jaena at
Ferdinand Blumentrit
Nakuha ni Rizal ang suporta ni Blumentrit at bumuo
ng isang samahan na tinawag nilang Ïnternational
Association of Filipinologist”
V. Ang Lakbayin Patungo sa Ligalig




Anu – anong mga lugar ang napuntahan ni
Jose Rizal?
Anu – ano ang naging impresyon ni Jose
Rizal sa mga lugar na ito?
Paano patuloy na pinalalawak ni Jose Rizal
ang kanyang kaisipan, pananaw at
prinsipyo?
Isa – isahin ang mga mahahalagang
pangyayari.
Ang mga lugar na napuntahan ni Rizal ay Espanya,
Germany, Japan, Paris, America, Belgium at marami
pa.
Hinangaan ni Rizal ang Berlin, sa Amerika naman ay
Nakita niya ang diskriminasyon sa pagitan ng putting
amerikano at sa mga intsik at itim na amerikano.
Patuloy na pinalalawak ni Jose Rizal ang kanyang
kaisipan, pananaw at prinsipyo sa pamamagitan ng
pag-aaral, paglalakbay at pagsusulat.
VI. Dapithapon at Dilim


Paano ginawang makabuluhan ni Jose Rizal
ang kanyang pagkakatapon sa Dapitan?
Itala ang mga mahahalagang pangyayari.
Ginugol niya ang kanyang panahon sa panggamot
sa mga tao sa Dapitan.
Siya ay ipinatapon sa Dapitan at makalipas ang apat
na taon ay nilitis at hinatulan ng kamatayan. Binaril
siya sa Bagumbayan (Luneta ngayon) noong
Disyembre 30, 1896.
REPLEKSYON: Sumulat ng isang talata. Lakipan ng sapat at wastong detalye at mga halimbawa.
Tiyaking may simula, katawan at wakas ang talata. Magbanggit ng natutunang
aral,reaksyon o anumang kaisipan na nab tungkol sa napanood mong buhay ni Jose
Rizal.
Si Jose P. Rizal na ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 at namatay noong Disyembre 30, 1896 ay
may buong pangalang na José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda, ay ang Pambansang Bayani
ng Pilipinas na lumaban sa mga kastila sa pamamagitan ng kaniyang mga nobelang Noli Me Tangere at
El Filibusterismo noong panahon ng pananakop ng Espanya sa bansa. May angking pambihirang talino,
siya ay hindi lamang isang manunulat ngunit isa ring magsasaka, manggagamot, siyentipiko, makata,
imbentor, iskultor, inhinyero, kuwentista, lingguwista, at may kaalaman sa arkitektura, kartograpiya,
ekonomiya, antropolohiya, iktolohiya, etnolohiya, agrikultura, musika (marunong siyang tumugtog ng
plawta), sining sa pakikipaglaban (martial arts), at pag-eeskrima.
Ipinanganak sa Calamba, Laguna at mula sa pamilyang masasabi ring nakaaangat sa buhay dahil
sa kanilang hacienda at lupang sakahan. Si Paciano at si Pepe lamang ang mga anak na lalaki sa
kanilang labing-isang magkakapatid. Ang kaniyang mga kapatid na babae ay sina Saturnina, Narcisa,
Olympia, Lucia, Maria, Josefa, Concepcion, Trinidad at Soledad.
Ang kanyang ina ang kanyang unang naging guro. Siya ay nag aral ng kolehiyo sa Ateneo at
pumasok naman sa UNibersidad ng Santo Tomas upang mag-aral ng medisina. Sa layunin mapa unlad
ang angking kakayahan at makatulong sa pagkamit ng pantay na pagtingin ng mga dayuhan, siya ay
naglakbay sa iba’t ibang bansa. Nakapagsulat siya ng maraming artikula at mga nobela na may layuning
ipahayag ang pagmmalupit ng mga Kasti sa mga Pilipino.
Nagbalik si Rizal sa Pilipinas noong 1892 sapagkat nararamdaman niya na kailangan siya ng bansa
para sa pagbabago. Suportado ni Rizal ang di-marahas na aksyon ngunit ito ay hindi sapat dahil ang mga
Espanyol ay naniniwala na isa siyang malaking banta kaya sya ay ipinatapon sa Dapitan. Noong Agosto
1896, ang Katipunan, isang nasyonalistang lipunang Pilipino na itinatag ni Andres Bonifacio, ay
nagrebolusyon. Bagaman wala siyang kaugnayan sa grupo, at hindi niya aprubado ang marahas na
pamamaraan, si Rizal ay inaresto at ikinulong. Matapos ang isang paglilitis, siya ay hinatulan ng sedisyon
at sinentensiyahan ng kamatayan sa pamamagitan ng firing squad. Ang pampublikong pagpatay ay
isinagawa kay Rizal sa Maynila noong Disyembre 30, 1896, at siya ay 35 taong gulang lamang. Ang
kanyang pagkamatay ay nagdulot ng higit pang mga pagsalungat at pagbatikos sa mga panuntunan ng
Espanya at siyang naging hakbang upang ang Pilipinas ay makamit ang kalayaan inaasam mula sa mga
Espanyol noong 1898.
Download