Uploaded by Sora To Hoshi

Modyul7 TakdangGawain7 Venturina Jr, Benjamin R

advertisement
Venturina Jr, Benjamin R.
1PSYCH-1
Modyul 7 Takdang Gawain 7
Sosyedad at Literatura
/Panitikang Panlipunan
Sumulat ng isang maikling sanaysay hinggil sa kuwento ni Datu Lubay , (maaaring maghanap ng
ibang kuwento na tumatalakay sa buhay minorya kung mahirapan mahanap ang tungkol kay
Lubay).
Answer:
Ang katutubo o minorities ay salitang ginagamit upang ilarawan ang mga pangkat etniko na
naninirahan sa isang rehiyon o lugar na samasama. Sila ay may koneksyong pangkasaysayan,
mga bagay na nag-uugnay at nagbubuklod sa kanila na ipinapamalas nila sa gawi ng kanilang
pamumuhay Matatagpuan sila sa iba’t ibang parte ng Pilipinas at may tinatayang 14 hanggang
17 milyong Indigenous Peoples na kabilang sa 110 grupo ng ethno-linguistic; ang mga ito ay
pangunahing nakatuon sa Mindanao(61%) at Hilagang Luzon (Cordillera Administrative Region,
33%), kasama ang ilang mga grupo sa Visayas, ayon sa datos ng United Nations Declaration on
the Rights of Indigenous Peoples, isang organisasyong nagsusulong na itaguyod at protektahan
ang mga karapatan ng mga katutubong mamamayan.
Kabilang na ang mga Mansaka ng Compostela Valley, Mangyan ng Mindoro, Lumad ng
Mindanao, mga Aeta ng Sierra Madre, at Tau’t Bato ng Palawan sa maraming uri ng katutubong
etniko o minorya sa ating bansa sa bilang ng mga pangkat na hindi nakakatanggap ng
karampatang pagkakakilanlan. Hindi maikakaila ang mga ambag ng mga Ifugao sa Banaue Rice
Terraces dahil sa natatanging istruktura nito, mga ipinamanang kasuotan na sumasalamin sa
sinaunang kultura, at marami pang iba. Maging sa paglipas ng panahon ay kamanghamangha na
napanatili nila ang natatanging katutubong kultura ng sinaunang Pilipino
Download