Uploaded by Ceasar Ian Mundala

Komunikasyon MODULE 3

advertisement
Santa Monica Institute of Tech.
Modyul
3
Andrada Bldg. Poblacion, Iligan City
Senior High School
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
Unang Semestre ng Taong Panuruan 2020-2021
Guro: Ceasar Ian H. Mundala
Sinasabing ang wika ay bukas sa pagpasok ng mga bagong salita ayon sa
pangangailangan ng panahon. Ayon nga sa isang kasabihan sa Ingles: “Variety is the
spice of life.” Ibig sabihin, ang pagkakaroon ng pagkakaiba-iba sa wika ay hindi
makasasama. Maaari itong tingnan bilang isang proseso ng pag-unlad at pagyabong,
isang magandang pangyayari sa pagpapayaman sa wika. Ayon kay Pamela Constantino
(2002), “mahalaga ang pagkakaisa at pagkakaiba. Pagkakaiba tungo sa pagkakaisa”.
Naniniwala siyang may malaking kinalaman o ugnayan ang wika sa lipunan at ang
lipunan ay isang masining na kultura. Dagdag pa niya, “Ang kultura ay hango sa mga tao
at ang wika ay nagpapahayag ng espiritu/ kaluluwa ng mga tao na bumubuo sa
lipunan/komunidad.” (Constantino, p.10).
Sa paksang ito, malalaman natin ag mga uri ng barayti ng wika at mga halimbawa
ng bawat isang uri nito.
Nilalayong mga Resulta ng Pagkatuto

Nasasabi kung ano ang register bilang varayti ng wika;

Naikaklasipika ang mga salita ayon sa disiplina o larangang pinaggagamitan ng mga ito;

Nakapagtatala ng mga halimbawa ng register ayon sa iba't ibang larangan o disiplina;

Nakasusulat ng maikling talatang ginagamitan ng mga register,

Nakabubuo ng word list ng mga register sa iba't ibang larangan o disiplina.
Pagtalakay sa Aralin
Barayti ng wika

Ang Barayti ng wika ay nag-uugat sa mga pagkakaiba-iba ng mga indibidwal at
grupo, maging ng kani-kanilang tirahan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa.

Dinamiko ang wika kaya't nagkakaroon ito ng iba-ibang rehistro batay sa konteksto ng
paggamit nito at kung sino ang gumagamit nito. Sa pagkakaroon ng pagbabago ng
wika sa taong nagsasalita o gumagamit ng wika ayon sa:

Tono ng kausap o tagapakinig (tenor of discourse)
Ito ay naaayon ang wika sa sino ang nag-uusap. (para kanino)
Paksa ng pinag-uusapan (field of discourse)

Ito ay batay sa larangan na tinatalakay at ss panahon. (layunin)
Paraan o paano nag-uusap (mode of discourse)

Ito ay pasalita o pasulat pagtalima sa mga panunturan dapat sundin batay sa uri
ng piniling paraan ng pag-uusap.
 Kilala rin sa Ingles na “variety”, ito ang sahi ng pagkakaiba ng uri ng lipunan nating
ginagalawan, heograpiya, edukasyon, okupasyon, edad, kasarian, at kung minsan, ang
uri ng pangkat etniko.
REGISTER BILANG BARAYTI NG WIKA
Sa isang akademikong pagbasa, madalas tayong nakatatagpo ng mga salitang sa
biglang malas ay iba ang kahulugan o hindi akma ang pagkakagamit dahil sa
kahulugang taglay nito. Halimbawa, ang "spin" sa washing machine ay
nangangahulugan ng mabilis na pag-ikot ng makina upang mapiga at matanggal ang
tubig sa mga damit. Samantala, sa paggawa ng sinulid, nangangahulugan ang spin ng
paghahabi ng hibla o fiber upang maging sinulid. Ang "text" sa cell phone ay tumutukoy
sa ipinadalang mensahe patungo sa isa o iba pang cellphone. Samantala, sa literatura,
ang text ay tumutukoy sa anomang nakasulat na akda gaya ng tula, sanaysay, kuwento.
Ang isang salita o termino ay maaaring magkaroon ng iba't ibang kahulugan ayon sa
larangan o disiplinang pinaggamitan nito.o. Ito ang tinatawag na register ng wika.
Pansinin ang pagbibigay-kahulugan sa salitang register.
REGISTER

isang opisyal na listahan ng mga pangalan, kapanganakan, pagpapakasal,
kamatayan

isang listahan ng mga bisita sa isang hotel (turismo)

pagpapatala ng isang sulat sa post office (komunikasyon)

pagpapatala ng pangalan sa halalan (politika)

pagpasok ng mga mensahe sa utak/pagtanda o pag-alala sa natutuhan
(sikolohiya)
Mahalagang matukoy ang larangan kung saan ito ginamit upang hindi ipagkamali
ang kahulugan ng salita at maging madali ang pag-unawa rito. May mga akronim tayo
tulad ng CA na ang kahulugan sa medisina ay cancer, calcium sa nutrisyon,
Communication Arts sa Komunikasyon at Civil Aeronautics sa kursong Aeronautics,
Chartered Accountant, Chief Accountant sa Accounting, Chronological Age, Coast
Artillery, at Consular Agent.
Samantala, ang withdrawal ay maaaring mangahulugang pag-atras o pagsuko sa
larangan ng military, pagkuha ng salapi sa bangko (banking), pagpapalabas ng semilya
upang hindi makapasok sa kaangkinan ng babae (science), pagtigil o Dagpigil sa bagay
na gustong sabihin o gawin (komunikasyon).
Ano ang gamit ng wika sa iba’t ibang larangan? Narito ang ilang halimbawa:
Salita
komposisyon
(composition)
isyu (issue)
general
race
stress
Larangan
Kahulugan

musika
piyesa o awit

lengguwahe
sulatin

agham
pinagsama-samang elemento
 politika
usaping pampolitika/panlipunan
 pamamahayag
bilang ng labas ng pahayagan
 military
mataas na ranggo
 lengguwahe
pangkalahatan
 sociology
lahi, angkan, lipi
 lengguwahe
pangkalahatan
 agham
pinagsama-samang elemento
☼ psychology
tensiyon
☼ lengguwahe
diin, tuldik
strike
state
operasyon
hardware
authority
 sports
nasapol, termino sa bowling
 paggawa
welga
 lengguwahe
hambalusin, hampasin
 politika
bansa, estado
 komunikasyon
sabihin, ipahayag
 psychology
kalagayan, kondisyon
█
medisina
pagtistis
█
paggawa
pagpapalakad ng makina/ opisina
█
militar
pagsasagawa ng isang plano
 teknolohiya
kagamitang pangkompyuter sa loob
ng CPU
 kalakalan
tindahan ng mga gamit para sa
pagtatayo ng bahay
‫ ۝‬literatura
dalubhasa dahil sa sariling likha
‫ ۝‬militar
taong may katungkulan
‫ ۝‬psychology
tao o pangkat na may karapatan o
kapangyarihan
Paglalapat
A. Salungguhitan ang register sa bawat pangungusap. Isulat kung saang larangan ito
ginagamit. Isulat din ang kahulugan ng register ayon sa gamit nito sa larangan.
Halimbawa: Pinahiram niya ako ng bat para makasali sa laro.
Bat
Larangan
Isports
Agrikultura
Kahulugan
Kalimitang gawa sa kahoy na ginagamit panghampas ng bola sa
paglalaro ng baseball at softball.
Paniki
MAGSIMULA RITO:
1. Bumili si Sally ng bagong mouse.
2. Mamulot kayo ng mga bato sa bakuran.
3. Maraming buwaya ang nakita nila.
4. Ang kanyang memory ay napakatalas.
5. si Ana ay nagdeposit ng pera sa banko.
B. Basahin ang grupo ng mga sumusunod na termino. Isulat sa patlang ang larangan na
kinabibilangan ng mga ito.
1. Point Guard | Dribble | Slam dunk
Larangan:____________
2. Direktor | Sinehan | Blockbuster
Larangan: ____________
3. Takdang-aralin | Klasrum | whiteboard
Larangan: ____________
4. Partido | canvassing | Ballot box
Larangan: ____________
Pagtataya
A. Magtala ng sampung (10) register tungkol sa HUMSS.
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
B. Magtala ng limang register sa bawat larangang nakasulat.
•Politika
•Siyensiya
•Kalikasan
•Medisina
Pagmumuni-muni
1. Bakit mahalagang mabatid at matutuhan ang register at iba’t ibang barayti ng wika?
2. Natatamo mo ba sa register ng wika ang hakbangin sa asimilasyon ng mga salita
upang mabigyan ito ng wastong pagpapakahulugan?
3. Sa paanong paraan makatutulong ang register ng wika sa elaborasyon ng wikang
Filipino? Magbigay ng patunay.
4. Ano ang maaaring mangyari sa pakikipagkomunikasyon kung hindi isasaalang-alang
ang iba’t ibang barayti ng wika?
Mga Pinagkunan

https://elcomblus.com/ang-register-at-ibat-ibang-barayti-ng-wika/
Download