Uploaded by Susan Lureyn Abesamis

FTD LP.docx

advertisement
I.
Mga Layunin: Sa katapusan ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. nakasasabi sa sanhi at bunga ng mga pangyayari (F5PB-IIc-6.1);
b. nakabibigay ng mga paraan upang maiwasan ang mga laganap na sakit sa
pamayanan;
c. nakagagawa ng mga gawain na nagpapakita ng sanhi at bunga.
II.
Paksang Aralin: Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari
Sanggunian: Gojo Cruz, Genaro (2016) Alab Filipino 5. Pahina 75
Kagamitan: Maikling palabas, Powerpoint presentation, at imbitasyon
III.
Pamaraan: 5As
Gawaing Guro
1. Kamalayan (Awareness)
1.1. Panimula
Magandang umaga, klas!
Gawaing Mag-aaral
Magandang umaga po, titser Marco!
Kumusta kayo ngayong umaga?
Mabuti naman po, tister.
May lumiban ba sa klase ngayong araw?
Wala po, titser.
May mga takdang-aralin bang ipapasa sa
Filipino?
Wala rin po, titser.
1.2. Balik-aral
Ano ang inyong tinalakay noong
nakaraang tagpo sa Filipino?
Para masuri ko kung talagang naintindihan
ninyo ang talakayan noong nakaraang
tagpo, magkakaroon tayo ng isang gawain.
Gawain 1: Ang Natatanging Imbitasyon
Mekaniks:
1. Bawat mag-aaral ay bibigyan ng isang
imbitasyon.
2. Lima sa mga imbitasyon ay may
nakasulat na pandiwa at panahunan.
Ang ibang imbitasyon naman ay
naglalaman ng mensahe na babasahin
pagkatapos ng gawain.
3. Tatayo ang mga mag-aaral na
nakakuha ng imbitasyon na may
nakasulat na pandiwa.
Ang tinalakay namin noong nakaraang tagpo sa
Filipino ay aspekto ng pandiwa.
4. Bubuo sila ng isang pangungusap
gamit ang pandiwa batay sa
panahunang ibinigay.
5. Bibigyan ng medalya ang mag-aaral na
makabubuo ng tamang pangungusap.
Posibleng Pandiwa at Panahunan
1. gising (naganap)
2. kain (nagaganap)
3. laro (magaganap)
4. takbo (naganap)
5. pasok (magaganap)
1.3. Pagganyak
Sa mga mag-aaral na nakakuha ng
imbitasyon na naglalaman ng isang
mensahe, pakibasa ang nilalaman nito.
Simulan!
Maraming salamat!
Ngayong araw ay pupunta kayo sa bagong
paaralan ng Hogwarts.
Mga Posibleng Sagot
Gumising siya nang maaga kanina.
Kumakain kami ngayon sa Jollibee.
Si Jose ay maglalaro ng kompyuter mamaya.
Tumakbo sila patungong paaralan kanina.
Papasok ako sa klase sa susunod na Linggo.
Iniimbitahan ko kayo na tuklasin ang bagong
paaralan ng Hogwarts.
Pamilyar ba sa inyo ang Hogwarts?
Sa anong pelikula ito makikita?
Opo, titser.
Tama!
Ngayon, nais kong ipikit ninyo ang inyong
mga mata at kapag narinig niyo ang tunog
na ito, idilat ninyo ang inyong mga mata.
Makikita ito sa Harry Potter.
(Papasok si titser na nagsusuot ng damit
katulad ng isang wizard sa Hogwarts)
(Magsasagawa ang guro ng eksperimento
gamit ang inuming “coke” at kendi na
“mentos”)
Ano ang naging resulta nang inihalo ang
kendi sa inumin?
Tama!
Ano ang dahilan ng pag-apaw ng bula sa
lalagyan ng softdrinks?
(Nanonood nang mabuti ang mga mag-aaral sa
ekspiremento)
Umapaw ang bula ng inumin sa lalagyan ng
softdrinks.
Magaling!
Ano kaya ang ibang tawag natin sa mga
salitang dahilan at resulta?
Mahusay!
Maihahalintulad natin ang mga salitang
dahilan at resulta sa sanhi at bunga.
Umapaw ang bula ng inumin sa lalagyan ng
softdrinks dahil sa kendi na inihalo nito.
Ang ibang tawag natin sa salitang dahilan at
resulta ay sanhi at bunga.
1.4. Paglalahad ng mga Layunin
Sa umagang ito, ating aalamin at pagaaralan ang sanhi at bunga ng mga
pangyayari.
Makinig nang mabuti at makilahok sa mga
gawain dahil sa katapusan ng talakayan,
kayo ay inaasahang nakasasabi sa sanhi at
bunga ng mga pangyayari, nakabibigay ng
mga paraan upang maiwasan ang mga
laganap na sakit sa pamayanan, at
nakagagawa ng mga gawain na
nagpapakita ng sanhi at bunga.
2. Gawain (Activity)
Bago ninyo matutuklasan ang Hogwarts,
haharap kayo sa isang pagsubok. Kung
magtatagumpay kayo, masasaksihan
ninyo ang mga palabas at presentasyon na
inihanda ng Hogwarts.
Handa na ba kayo?
Kung kayo’y handa na, ito na ang inyong
pagsubok.
Gawain 2: Larawan Ko, Buuin Mo!
Mekaniks:
1. Bawat mag-aaral ay makatatanggap ng
mga pirasong papel para makabuo ng
isang larawan.
2. Makikita ang mga pirasong papel sa
loob ng imbitasyon na nakabalot sa
kulay-tsokolate na papel.
3. Bubuoin ng mga mag-aaral ang
larawan. Ang mga larawang ito ay
nagsisilbing pahiwatig sa mga palabas
Opo, titser.
na kanilang masasaksihan na
nagpapakita ng sanhi at bunga.
4. Bibigyan lamang ang mga mag-aaral
ng isang minuto para buoin ang mga
larawan. Pagkatapos, itataas nila ang
kanilang mga kamay.
Mga Pirasong Papel
1.
Mga Nabuong Larawan
2.
3.
3. Pagsusuri (Analysis)
Ngayon ay masasaksihan ninyo ang mga
palabas na magbibigay sa inyo ng gabay sa
mga bagay na maaari ninyong pag-aralan
sa Bagong Hogwarts.
Itaas ang mga nabuong larawan sa hanay
nina …
Tingnan ninyo ang kanilang nabuong
larawan, tama ba ang pagkakabuo nito?
Tingnan ninyo nang mabuti ang unang
palabas batay sa unang larawan na inyong
nabuo.
(Ginawa ng mga mag-aaral ang sinabi ng guro)
Opo, titser.
(Magpapakita ang guro ng video)
Sino ang nakabili ng bagong damit at
sapatos dahil sa kanyang pagtitipid?
Magkano ang damit na gusto niyang
bilhin?
Si Titser Marco ang nakabili ng bagong damit at
sapatos dahil sa kanyang pagtitipid.
Magkano naman ang sapatos?
Ang damit ay may halagang dalawang daang piso
(Php 200).
Gamit ang inyong kaalaman sa
Matematika, magkano lahat ang kanyang
kakailanganing pera?
Ang sapatos ay may halagang limang daang piso
(Php 500).
Mahusay!
Magkano naman ang kanyang naipong
pera?
Siya ay nangangailangan ng pitong daang piso
(Php 700).
Sa tingin ninyo, makabibili kaya si Titser
Marco ng bagong damit at sapatos sa
kanyang perang natipid?
Siya ay nakaipon ng isang libong piso (Php 1000)
Tumpak!
Opo, titser.
Basahin ninyo ang unang pangungusap.
Simulan!
1. Nakabili ng bagong damit at
sapatos si Titser Marco dahil sa
kanyang pagtitipid.
Ano ang dahilan kung bakit nakabili ng
bagong damit at sapatos si Titser Marco?
(Binasa ng mga mag-aaral)
Mahusay!
Kung ang pagtitipid ni Titser Marco ang
dahilan kung bakit siya nakabili ng bagong
damit at sapatos, ano ang tawag natin
dito?
Ang dahilan kung bakit nakabili ng bagong damit
si Titser Marco ay ang kanyang pagtitipid.
Magaling!
Bakit nga ito ang sanhi sa pangungusap?
Ito ay tinatawag na sanhi.
Ano ang pangatnig na makikita ninyo sa
pangungusap na nagpapahiwatig ng
sanhi?
Iyan ang sanhi sa pangungusap dahil ito ang
dahilan kung bakit naganap ang pangyayari.
Tama!
Ano naman ang kinalabasan o resulta ng
kanyang pagtitipid?
Ang pangatnig na makikita natin sa pangungusap
ay dahil sa.
Tama!
Kung ang pagbili niya ng bagong damit at
sapatos ang resulta ng kanyang pagtitipid,
ano ang tawag natin dito?
Ang kinalabasan o resulta ng kanyang pagtitipid
ay nakabili siya ng bagong damit at sapatos.
Magaling!
Bakit nga ito ang bunga sa pangungusap?
Mahusay!
Ngayon, ay pakitaas ang mga nabuong
larawan sa hanay nina …
Ito ay tinatawag na bunga.
Iyan ang bunga sa pangungusap dahil ito ang
resulta sa pangyayari.
Tingnan ninyo ang kanilang nabuong
larawan, tama ba ang pagkakabuo nito?
Ngayon ay aalamin na natin kung ano ang
nangyari sa pangalawang larawan sa
pamamagitan ng ikalawang palabas.
(Ginawa ng mga mag-aaral ang sinabi ng guro)
Opo, titser.
(Magsasagawa ng isang mahika ang guro)
Ano ang lumitaw sa papel nang pinahiran
ito ng abo?
Tama!
Lumitaw ang salitang nakasulat sa papel
nang pinahiran ito ng abo, ito ay dahil sa
ginamit na kandila bilang panulat sa
papel. Sa larangan ng agham, ang kandila
ay mayroong paraffin wax. Kung
papahiran natin ito ng abo, didikit ito
sapagkat ang paraffin wax ay may
kakayahang humawak ng mga magagaan
na mga butyl (particles) kagaya ng abo.
Lumitaw ang salitang nakasulat sa papel nang
pinahiran ito ng abo.
Basahin ninyo ang ikalawang
pangungusap. Simulan!
2. Lumitaw ang salitang nakasulat sa
papel nang pinahiran ito ng abo.
Ano ang dahilan kung bakit lumitaw ang
salitang nakasulat sa papel?
(Binasa ng mga mag-aaral)
Mahusay!
Kung ang pagpahid ng abo ang dahilan sa
paglitaw ng salitang nakasulat sa papel,
ano ang tawag natin dito?
Ang dahilan kung bakit lumitaw ang salitang
nakasulat sa papel ay nang pinahiran ito ng abo.
Magaling!
Ito ay tinatawag na sanhi.
Bakit nga ito ang sanhi sa pangungusap?
Iyan ang sanhi sa pangungusap dahil ito ang
Ano ang pangatnig na makikita ninyo sa
pangungusap na nagpapahiwatig ng
sanhi?
Ano naman ang kinalabasan o resulta
nang pinahiran ang papel ng abo?
Tama!
Kung ang paglitaw ng salita ang naging
resulta sa pagpahid ng abo sa papel, ano
ang tawag natin dito?
Magaling!
Bakit nga ito ang bunga sa pangungusap?
Mahusay!
Ngayon, ay pakitaas ang mga nabuong
larawan sa hanay nina …
dahilan kung bakit naganap ang pangyayari.
Ang pangatnig na makikita natin sa pangungusap
ay nang.
Ang naging kinalabasan o resulta nang pinahiran
ang papel ng abo ay ang paglitaw ng salita.
Ito ay tinatawag na bunga.
Iyan ang bunga sa pangungusap dahil ito ang
resulta sa pangyayari.
Tingnan ninyo ang kanilang nabuong
larawan, tama ba ang pagkakabuo nito?
(Ginawa ng mga mag-aaral ang sinabi ng guro)
Ngayon ay aalamin na natin kung ano ang
nangyari sa pangatlong larawan sa
pamamagitan ng ikatlong palabas.
Opo, titser.
(Magpapakita ang guro ng video ng isang
balita tungkol sa naganap na inspeksiyon
sa mga paaralan para iwas dengue)
Anong malikhaing pagpapahayag ang
makikita sa maikling palabas?
Tama!
Ang pag-uulat ang ginamit na malikhaing
pagpapahayag sa palabas. Sa Ingles, ito ay
tinatawag na newscasting.
Ang malikhaing pagpapahayag na makikita sa
maikling palabas ay pag-uulat.
Anong ahensiya ang nagsagawa ng
inspeksiyon sa mga paaralan sa siyudad
ng Ozamiz dahil sa pagtaas ng kaso sa
Dengue?
Tama!
Basahin ninyo ang ikatlong pangungusap.
Simulan!
3. Tumaas ang kaso ng Dengue sa mga
bata sa Ozamiz City kaya nagsagawa
ng inspeksiyon ang City Health Office
sa mga paaralan.
Ang City Health Office ng Ozamiz City ang
nagsagawa ng inspeksiyon sa mga paaralan dahil
sa pagtaas ng kaso sa Dengue.
(Binasa ng mga mag-aaral)
Ano ang dahilan kung bakit nagsagawa ng
inspeksiyon ang City Health Office sa mga
paaralan sa siyudad ng Ozamiz?
Ang dahilan kung bakit nagsagawa ng inspeksiyon
ang City Health Office sa mga paaralan sa siyudad
ng Ozamiz ay ang pagtaas ng kaso sa Dengue.
Mahusay!
Kung ang pagtaas ng kaso sa Dengue ang
dahilan sa pagsagawa ng inspeksiyon sa
mga paaralan, ano ang tawag natin dito?
Magaling!
Bakit nga ito ang sanhi sa pangungusap?
Ano naman ang resulta nang tumaas ang
kaso ng Dengue sa siyudad?
Tama!
Kung ang pagsagawa ng inspeksiyon sa
mga paaralan ang resulta sa pagtaas ng
kaso sa Dengue, ano ang tawag natin
dito?
Magaling!
Bakit nga ito ang bunga sa pangungusap?
Ito ay tinatawag na sanhi.
Iyan ang sanhi sa pangungusap dahil ito ang
dahilan kung bakit naganap ang pangyayari.
Ang naging resulta nang tumaas ang kaso ng
Dengue sa siyudad ay nagsagawa ng inspeksiyon
ang City Health Office sa mga paaralan sa siyudad
ng Ozamiz.
Ito ay tinatawag na bunga.
Ano ang pangatnig na makikita ninyo sa
pangungusap na nagpapahiwatig ng
bunga o resulta?
Pagpapahalagang Pangkatauhan
Iyan ang bunga sa pangungusap dahil ito ang
resulta sa pangyayari.
Ang pangatnig na makikita natin sa pangungusap
ay kaya.
Ano nga ulit ang dahilan kung bakit
nagsagawa ng inspeksiyon ang City Health
Office sa mga paaralan?
Tama!
Laganap ba ang Dengue sa ating lugar?
Maliban sa Dengue, ano-ano pa ang mga
sakit na laganap sa ating pamayanan?
Paano natin maiiwasan ang mga laganap
na sakit sa ating pamayanan?
Ang dahilan kung bakit nagsagawa ng inspeksiyon
ang City Health Office sa mga paaralan ay ang
pagtaas ng kaso sa Dengue.
Opo, titser.
-
Diarrhea
Tigdas
Lagnat
-
Maiiwasan natin ang mga laganap na sakit
sa ating pamayanan sa pamamagitan ng
pag-alam sa maaaring pinanggalingan ng
sakit.
Makilahok sa mga programa ng
pamahaalan gaya ng pagbabakuna para
makaiwas sa mga sakit.
Siguraduhing malinis ang ating paligid at
huwag basta bastang bumili ng mga
pagkain na hindi sariwa at malinis ang
pagkakagawa.
-
-
Mahusay!
Dapat tayo maging alisto sa mga sakit na
laganap sa ating komunidad para
maiwasan ang mga ito. Ugaliin nating
alamin ang mga pinagmulan ng mga sakit
na ito nang sa gayon ay mabigyan tayo ng
sapat na kaalaman sa mga bagay na dapat
nating iwasan. At ang pinakamahalaga sa
lahat, siguraduhing malinis ang paligid at
panatilihing malusog ang ating
pangangatawan.
Maliwanag ba klas?
4. Paglalahat (Abstraction)
Opo, titser.
Mula sa ating talakayan, ano ang ibig
sabihin ng sanhi?
Tingnan nang mabuti ang mga sanhi sa
bawat pangungusap. Ano ang karaniwang
pangatnig na ginamit?
Ang sanhi ay ang dahilan kung bakit naganap ang
pangyayari.
Ginagamitan po ito ng mga pangatnig na dahil sa
at nang.
Magaling!
Pwede rin tayong gumamit ng pangatnig
na kasi at sapagkat.
Kung ang sanhi ay dahilan, ano naman
ang ibig sabihin ng bunga?
Tingnan naman nang mabuti ang mga
bunga sa bawat pangungusap. Ano ang
karaniwang pangatnig na ginamit?
Mahusay!
Pwede rin tayong gumamit ng pangatnig
na kaya naman, dahil nito at bunga nito.
Ang bunga ay ang kinalabasan o resulta sa
naganap na pangyayari.
Ginagamitan ito ng pangatnig na kaya.
Ngayo’y nakita niyo na ang mga bagay na
maaaring pag-aaralan ninyo sa Hogwarts,
ako’y magpapaalam na at ibabalik ko na
kayo kay Titser Marco.
Nais kong ipikit ang inyong mga mata at
kapag narinig ninyo ang tunog na ito,
idilat niyo ang inyong mga mata.
5. Paggamit (Application)
(Ginawa ang sinabi ng guro)
Sino ang naging guro ninyo kanina?
May iniwan sa akin si Harry na mga
rolyong papel. Para malaman natin kung
Ang naging guro namin kanina ay si Harry Potter.
ano ang nakasulat sa mga rolyong ito,
magkakaroon tayo ng isang gawain.
Gawain 3: Ang Mahiwagang Rolyo
Mekaniks:
1. Ang klase ay mahahati sa apat na
grupo.
2. Bawat grupo ay bibigyan ng rolyo na
papel (scroll) kung saan nakalagay ang
kanilang gagawin na napapatungkol sa
sanhi at bunga.
3. Para makita nila ito sa rolyo,
papahiran nila ito ng abo (magic ash).
4. Bibigyan lamang ng limang minuto
ang mga grupo para taposin ang
gawain at isang minuto para sa
kanilang presentasyon.
5. Pagkatapos ng presentasyon ng bawat
grupo, tatawag ang guro ng isang
miyembro sa ibang grupo para sabihin
ang sanhi at bunga sa ginawang
presentasyon.
Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos:
 Nilalaman- 10 pts.
 Kasanayan- 5 pts.
 Pagkamalikhain at Pagkakaisa – 5 pts.
Unang Pangkat: Gumawa ng isang pagsasadula
gamit ang sitwasyon na nasa ibaba.
Sitwasyon: Mga batang nahuli sa klase
Ikalawang Pangkat: Gumawa ng isang saknong
na tula gamit ang sitwasyon na nasa ibaba
Sitwasyon: Paggamit ng wikang banyaga sa
pakikipagtalastasan
Ikatlong Pangkat: Gumawa ng isang maikling
kanta gamit ang sitwasyon na nasa ibaba.
Sitwasyon: Mga batang nalulong sa bisyo
Ikaapat na Pangkat: Gumawa ng isang graphic
organizer gamit ang sitwasyon na nasa ibaba
Sitwasyon: Paggamit ng wikang banyaga sa
pakikipagtalastasan
Gawain 4: Ikaw Na Nga!
Mekaniks:
1. Bubunot ang guro ng pangalan ng
mag-aaral sa loob ng kahon.
2. Magbibigay ang guro ng isang sanhi o
bunga sa pangyayari.
3. Sasabihin ng napiling mag-aaral ang
maaaring sanhi o bunga sa
pangyayaring ibinigay ng guro.
4. Makatatanggap ng tiket patungong
Hogwarts ang mag-aaral na
makapagbibigay ng tamang sagot.
Mga Posibleng Sitwasyon:
1. Hindi nakapasa si Carl sa maikling
pagsusulit.
2. Maraming buhay ang nasawi
3. Tumaas ang presyo ng mga bilihin.
4. Pinagalitan siya ng kanyang ina.
5. Nanalo siya sa paligsahan
IV.
Mga Posibleng Sagot:
1. Naglalaro lang siya ng kompyuter buong gabi.
2. Dahil sa bagyong rumagasa sa lugar
3. Maraming tao ang hirap makabili ng kakainin.
4. Dahil gabi na siyang umuwi sa kanilang bahay.
5. Dahil palagi siyang nag-eesanyo.
Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain nang
mabuti ang mga talata sa ibaba.
Pagkatapos, alamin ang sanhi at bunga
at isulat ito sa espasyong nakalaan. (2
puntos bawat isa)
1. Bukas na ang Kulminasyon ng
Buwan ng Wika. Si Jose ay isa sa
mga mag-aaral na magpapakita ng
kanyang talento sa pag-awit. Ilang
araw bago ang programa, palaging
naglalaan ng oras si Jose para
makapag-ensayo. Nang siya’y
sumalang na sa entablado,
nagsipalakpakan ang mga guro at
mag-aaral.
Sanhi:
Bunga:
2. Binilhan si Toni ng bagong
kompyuter ng kanyang ama.
Sanhi: Naglaan ng oras si Jose para mag-ensayo
sa pagkanta.
Bunga: Nagsipalakpakan ang mga tao sa kanyang
pinakitang talento.
Simula noon, palagi nalang siyang
nakatutok sa kanyang kompyuter
at hindi na siya nakatutulog sa
tamang oras kaya palagi siyang
nahuhuli sa klase.
Sanhi:
Bunga:
3. Bilang paghahanda sa diinaasahang lindol na maaaring
tumama sa komunidad,
nagsagawa ng earthquake drill ang
paaralan ng OCCS. Masiglang
nakilahok ang mga guro at magaaral.
Sanhi: Palaging nakatutok si Toni sa kanyang
kompyuter.
Bunga: Nahuhuli siya sa klase.
Sanhi:
Bunga:
4. Maraming puno na ang pinutol sa
mga kabukiran. Kung ito’y hindi
nataniman muli, maaari itong
magdulot ng pagguho ng lupa at
iba pang kalamidad na sisira sa
mga ari-arian at buhay ng tao.
Sanhi: Bilang paghahanda sa mga di-inaasahang
lindol na maaaring tumama
Bunga: Nagsagawa ng earthquake drill ang
paaralan ng OCCS.
Sanhi:
Bunga:
5. Habang naglakad pauwi si Ron,
nakita niya ang kanyang mga
kaibigang masayang naglalaro ng
Patintero. Gabi na siyang umuwi
kaya pinagalitan siya ng kanyang
ina.
Sanhi: Maraming puno ang pinutol sa kabukiran.
Bunga: Maaring magdulot ito ng pagguho ng
lupa.
Sanhi:
Bunga:
Sanhi: Gabi na siyang umuwi sa bahay.
Bunga: Pinagalitan siya ng kanyang ina.
V.
Takdang Aralin:
Panuto: Sa isang buong papel,
gumawa at isulat ang posibleng
maging sanhi o bunga sa mga
sitwasyon. Pagkatapos, ikahon ang
sanhi at bilogan ang bunga. Ipasa sa
susunod na tagpo, ika-29 ng Agosto
taong 2019. (2 puntos bawat isa)
1. Masayang pumasok si Darel sa
paaralan. (Magbigay ng sanhi)
2. Bukas, magkakaroon kami ng
maikling pagsusulit. (Magbigay ng
bunga)
3. Bumuhos ang malakas na ulan.
(Magbigay ng bunga)
4. Nagustuhan ng guro ang naging
presentasyon ng grupo. (Magbigay
ng sanhi)
5. Tinatapon ko ang aking basura sa
tamang lalagyan. (Magbigay ng
bunga)
Maayos na Gawaing Pampisara
Pagsasabi ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari
I. MGA LAYUNIN:
a. nakasasabi sa sanhi at bunga ng mga pangyayari;
b. nakabibigay ng mga paraan upang maiwasan ang mga laganap na sakit
sa pamayanan;
c. nakagagawa ng mga gawain na nagpapakita ng sanhi at bunga.
II. MGA HALIMBAWA:
bunga
sanhi
1. Nakabili ng bagong damit at sapatos si Titser Marco dahil sa kanyang
pagtitipid.
sanhi
2. Lumitaw ang salitang nakasulat sa papel nang pinahiran ito ng abo.
bunga
sanhi
3. Tumaas ang kaso ng Dengue sa mga bata sa Ozamiz City kaya nagsagawa ng
inspeksiyon ang City Health Office sa mga paaralan.
bunga
III. MGA KAHULUGAN:
SANHI - ang dahilan kung bakit naganap ang pangyayari.
Ginagamitan ito ng mga pangatnig na dahil, nang at iba pa.
BUNGA - ang kinalabasan o resulta ng pangyayari. Ginagamitan
ito ng mga pangatnig na kaya, kaya naman, bunga nito at iba pa.
Download