Awit kay Kleyr Songwriter: Butch Charvet Original performer: Butch Charvet From the album Awit kay Kleyr (1990) Araw ko’y papanglaw Kung di ka matatanaw; Kahit saglit man lang Ika’y masilayan. Sa ’yo nga’y naghihintay; Sa pag-ibig mo hihimlay; Diyos ang Siyang pinagmulan Ating pagmamahalan. Chorus: Kahit pa magtatagal, ako’y maghihintay; Kahit ulitin pang muli ang panahon na nagdaan, Hindi ako mapapagal, hindi malulumbay. Aking tutunghayan ang bawat oras man. Alam ng Maykapal. Puso’y huwag mangangamba Pagkat wala na ngang iba, At ako’y nakapako na Sa ’yo lamang, aking sinta. At nais kong malaman mo Hindi ako mahihiyang Ipagsigawan sa mundong Mahal na mahal kita. (Repeat chorus) Adlib (Repeat chorus twice to fade)