Dalfil Mga ambag na salita mula sa iba’t ibang lugar 1. Cebuano 1. Hapnig - Isalansan Pakihapnig na lang sa lamesa ang mga papel na kailangan kong basahin. 2. Banhaw - Buhaying Muli Kahit anong gawin mo, hindi na mababanhaw ang pag-ibig ko para sayo. 2. Hiligaynon 1. Naglibog - Nalilito Kaming lahat ay naglilbog sa nangyari kanina. 2. Kahilwayan - Kalayaan Natanggap na natin ang kahilwayan na ating minimithi. 3. Ilokano 1. Angaw - Milyon Ang halaga ng lupain ngayon ay angaw. 2. Ading - malambing na tawag sa mga nakakabata Ading, pakikuha naman ang aking inumin. 4. Ifugao 1. Payyo - Hagdan-hagdang palayan Sa darating na bakasyon, balak kong mamasyal sa payyo ng mga Ifugao. 2. Andap - Nagyeyelong hamog (frost) Dahil sa lamig ng panahon, nababalot ng andap ang mga puno. 5. Kinaray-a 1. Abiabi - i-welcome I-abiabi mo na ang ating mga bisita. 2. Kadu - Pangit na asal Kahit nasa katwiran ka, kadu ang pagsagot sa magulang. 6. Bikol 1. Pungaw - Nangungulila Napupungaw ako sa aking Ama. 2. Bansay - Mataas ang kalidad ng kabutihan Si Pedro ay malapit sa Diyos, kaya bansay sa kanyang puso. 7. Magindanaw 1. Bakwit - Lumisan (evacuate) Ang mga tao sa Mindanao ay nagbakwit na. 2. Rido - Marahas na away ng mga angkan Rido ang nangyari sa kalapit barangay. 8. Maranao 1. Maratabat - Napakataas na uri ng dangal Kaya niyang gawin ang lahat, dahil siya ay mayroong maratabat. 2. Kalilintad - Kapayapaan Kalilintad ang nais ng mga Pilipino. 9. Kapampangan 1. Basal - Abstrakto Tama naman ang basal na ideya ng mabilisang pagsugpo sa krimen na nangyayari sa ating lugar. 2. Misapwak - Napanganak Ako ay misapwak sa Pampanga, at may dugong Kapampangan. 10. Tagalog 1. Banyuhay - Bagong anyo ng buhay Ang mga tao sa Visayas ay may banyuhay. 2. Hinuha - Pangangatwiran Paano mo mahinuhang ang nangyari sa paaralan kanina? 11. Tausug 1. Bana - Asawang lalaki Napaka sipag naman ng bana ni Rosalinda. 2. Magsukul - Salamat Magsukul sa inyong pag-iimbita 12. Waray 1. Limbaon - Kulay pink Napakaganda naman ng suot niyang damit na Limbaon. 2. Lagdo - Nektar Noong bata pa ako, lagi kong sinisipsip ang lagdo ng mga bulaklak, lalo na ang santan.