CAPITOL UNIVERSITY Kolehiyo ng mga Sining at Agham Batsilyer ng Edukasyong Pansekondarya Diakroniko at Sinkronikong Pagsusuri sa Nobelang “Dugo sa bukang-liwayway” ni Rogelio R. Sicat Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan sa Asignaturang CE103 - Maikling Kuwento at Nobelang Filipino Ipinasa ni: Pantallano, Edward Kenneth E. Mag-aaral Ipinasa kay: Dr. Camilo A. Rañoa Guro Abril 27, 2021 DIAKRONIKO AT SINKRONIKONG PAGSUSURI SA NOBELANG “DUGO SA BUKANG-LIWAYWAY” NI ROGELIO R. SICAT Tungkol sa May-akda Ipinanganak si Rogelio “Roger” R. Sicat noong Hunyo 26, 1940 sa San Isidro Nueva Ecija. Anak siya nina Estanislao Sicat, isang makata at Crisanta Rodriguez. Isang premyadong nobelista, kuwentista, mandudula, at tagasalin, si Roger Sicat ay naging guro ng panitikan, malikhaing pagsulat, wika at pagsasalin sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Nagtapos siya ng digring batsilyer sa Pamamahayag sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1964, at nagtapos ng masteral sa Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Kinilala siya bilang University Professor ng Unibersidad ng Pilipinas, ang pinakamataas na titulong pang-akademiko na iginagawad ng Lupon ng mga Rehente ng UP System. Naging dekano siya ng Kolehiyo ng Arte at Literatura sa UP Diliman mula 1991 hanggang 1994. Lumabas ang mga maikling kuwento ni Roger Sicat sa antolohiyang Mga Agos sa Disyerto noong 1965, kasama ang akda ng iba pang mga kasabayang manunulat at kuwentista tulad nina Edgardo Reyes, Efren Abueg, Dominador Mirasol, at Rogelio Ordonez. Katulad nila, nakamarka na sa mga pahina ng kasaysayan ng panitikan ng Pilipinas ang mga likhang akda at hinubog na tauhan ni Roger Sicat. Habang nag-aaral sa kolehiyo, naisulat niya ang kanyang unang maikling kuwentong Impeng Negro (1962) na tungkol sa halaga at tagumpay ng pakikipagtunggali. Nagwagi ang kuwentong ito sa gawad Palanca para sa pagsulat ng maikling kuwento. Sa sumunod na taon, naisulat naman niya ang klasikong akdang Tata Selo (1963) na tumalakay naman sa usaping agraryo sa bansa. Patuloy namang itinuturo at pinag-aaralan ang kanyang nobelang Dugo sa Bukang-Liwayway na tumaliwas noon sa tradisyong romantiko ng mga nobelang inilalathala sa magasin na Liwayway. Naging lunsaran ng nobela ang El Filibusterismo ni Jose Rizal upang talakayin ang konsepto ng pagbabalik sa lupang tinubuan upang hagilapin ang mailap na hustisya. Hanggang sa kasalukuyan, kinikilala si Roger Sicat bilang isa mga muhon ng panitikan ng Pilipinas. Hindi maitatanggi ang malawak na sakop ng kanyang impluwensiya sa mga manunulat sa Pilipinas na magsulat sa sariling wika. Kabilang siya sa mga manunulat na nagsulong at nagpaunlad sa wikang Filipino sa pamamagitan ng pagsulat ng mga malikhaing akda, salin at panunuring pampanitikan sa Pilipinas. Sumakabilang buhay si Roger Sicat noong Hulyo 1997 bago ang kaniyang ika-57 taon. 1. Ang nobela ayon sa taglay na elemento Elemento: Pamagat Dugo sa bukangliwayway Uri Istilo - Pasalaysay Nagpakita ang nobelang - Paglalarawan ito ng tungkol sa pag- - Sunod-sunod na Nobelang Romansa - (1989) iibigan nila ni Tano at an gang asawa niyang si Melang. Hanggang sa dulo ng kamatayan ng kaniyang asawa ay hindi nawala ang pag-ibig na kaniyang naramdaman at binuhos kaniyang niya ito anak sa nang pumanaw si Melang. Nobelang Kasaysayan - Pinakita rin dito sa akda ang pagbibigay diin sa pangyayaring nakalipas na kung saan ang kwento nila Tano, dahil saw akas ng akda kaniya ay lahat para sa ang ginawang paghihiganti ng isa pang tauhan. pangunahing pangyayari Nobelang Masining - Nagpakita rin ng paglalarawan ng tauhan at pangyayari sa akda na kawili-wili para mambabasa mula sa sa simulain hanggang saw akas ay maayos pumapasok ang na mga tauhan sa kwento. Nobelang Tauhan - Sa nobela ring ito ay nabigyang-diin rin dito ang mga katauhan ng pangunahing tauhan kung ano sila sa lipunan sa nobelang ito magsasaka, borja isang mga maharlika na namumuno sa lugar nila at iba pang mga hangarin, sitwasyon, at pangangailangan ng mga tauhan dito. Mula naman sa talahanayan ang nobelang “Dugo sa bukang-liwayway” ay nakitaan ng iba’t ibang uri. Ang nobelang ito ay nagtataglay ng romansa, kasaysayan, masining, at tauhan na katangian. Masasabi nating pagdating sa elemento ng nobela pagdatign sa uri ay mayaman o maraming tinalakay ang akdang ito ni Rogelio Sikat. Pagdating naman sa istilo ng nobelang ito ay mayroon itong pasalaysay na istilo, paglalarawan sa tauhan at sa sitwasyon, ang huli naman ay pagkakaroon ng sunodsunod na pangyayari. 1. Ang nobela ayon sa taglay na elemento Elemento: Pamagat Dugo sa bukang- Tono Simbolismo Makikitaan ng iba’t ibang uri ng Dugo - liwayway tono ang nobelang ito ayon sa (1989) mga nangyayari sa kwento. May sumisimbolo ito sa mga tono itong poot, hinagpis mga pagpanaw ng bunga ito sa pagpanaw ng mga mga mahal nila sa buhay lalo na ang tauhan sa kwento at mga pangunahing tauhan. May sa kasiyahan naman ito sa umpisa naranasan na mapait at noong dumating na sap unto bago sila pumanaw. na malapit na magwakas na Si Aling melang na bumaliktad na ang sitwasyon punaw ang anak naman nila na si pinanganak niya si Simon ang gumanti sa mga Simon. borja. naman ay namatay Dagdag nito ang Ang dugo rito ay pangunahing kanilang noong Si Tano pagmamahal,pag- dahil sa pagsusuka aalala,pagsisisi. ng dugo. Sa huli rin ay binaril ni borja si Simon sa harap ng mgaraming tao ang magpamilya ay pumanaw na tumutulo ng dugo sa kanilang katawan. Bukang-Liwayway - Ito naman ay sumisimbolo sa pagkakaroon ng pag-asa sa kanilang pinaglalaban. Dahil pumanaw man ang mga pangunahing tauhan naman nakamit nila hinahangad ang na tumulong sa mga tao lalo na ang mga pagaaral ng mga anak ng mag-sasaka binigyan niya ito ng pag-asa sa buhay at ang paghihiganti niay para kanyang sa magulang ay nakamit niya rin. Mula sa talahanayan ay makikitaan ng iba’t ibang tono at paghahayag ng damdamin ang nobelang ito. Ang nobelang ito ay masasabi nating may drama na genre kaya naman halos lahat ng emosyon ay pinapakita talaga dito sa nobela. Pagdating namna sa simbolo ay madali nating makikita ito sa kabuuan ng nobelang ito ang hirap na naranasan nila ay pinakita ng may akda na ito ang sinisimbolo ng salitang dugo. Ang dugo rin ay sumisimbolo sa kanilang kamatayan dahil ang pagkamatay ng mga pangunahing tauhan ay napuno ng dugo at karahasan. Ang bukang- liwayway ay nagsisilbing pagkatapos ng paghihirap at pighati lalo na si Simon ay binigyan siya talaga ng pag-asa sa nobelang ito bumalik siya na dala dala ang kaniyang pinaglalaban at pangako sa kanyang pamilya. Bumalik rin siya hindi lang para sa kaniyang sarili kundi siya ang nagbigay pag-asa sa kanilang bayan ngunit sa buong bayan rin pinagtayo niya ng eskwelahan ang mga anak ng mga magsasaka at tinulungan niyang tumakbo bilang alkalde ang kaibigan niya upang labanan si Borja at napagtagumpay niya naman itong napabagsak. 2. A. Ang Tauhan ayon sa: Anyo at Ugali Pamagat Tauhan Anyo Ugali Dugo sa bukangliwayway (1989) Tano Matipuno, may kaitiman dahil bilad sa araw bilang magsasaka Matapang at mapagmahal at may paninindigan. Maganda, kayumanggi ang balat Mapagmahal at matapang Melang Simon Elena Regente Alejandro Borja Paterno Ka tindeng Duardo Ador Matipuno at kayumanggi ang kulay ng balat Matalino, matapang, makabayan, may utang na loob at may paninindigan. Maganda, Matalino, mapangmayaman, at maputi akat, at mabait manamit Matipuno, maputi Salbahe, makasarili mayaman manamit at bastos Matipuno, maputi Makasarili, at mayaman manamit salbahe Kayumanggi at Mapagmahal, kunot na ang balat mabait, at dahil sa pagtanda mapagbigay maitim, matipuno Mahiyain, tapat sa kaibigan Kayumanggi ang Mayabang, kulay at matipuno marupok, 2. B. Ang tauhan ayon sa: Tungkuling ginagampanan Pamagat Tauhan Dugo sa bukangliwayway (1989) Tano Tungkuling Ginagampanan Isang dakilang ama ni Simon at mapagmahal na kabiyak ni Maleng. Siya ay responsableng magsasaka na makiktia sa akda na mabuti lamang ang kaniyang hangarin para sa kaniyang pamilya. Sobrang tapang niya na hianrap ang mga problema nila lalo na nagkaroon ng problema sa kaniyang pagsasaka ngunit may mabuti naman darating dahil lath ng iyan ay nalagpasan niya. Hanggang sa namatay ang kaniyang may bahay na si Maleng at siya nalang mismo umako sa kaniyang anak at pinalaki ng may paninindigan sa buhay at mabuti ang hangarin hanggang sa siya ay pumanaw. Kaya naman ang ugali at talino ng kaniayng anak at paninindigan lahat ng iyon galling sa kanya. Simon Siya ang anak dito ni Tano at Maleng. Siya ang may malaking ambag rito sa nobela dahlia pinaghiganti niya ang knaiyang pamilya. Hindi lang iyon binigyan niya ng kinabukasan ang mga magsasaka sa pagpapatayo niya ng isang paaralan. Tinulungan niya rin ang kaniyang kaibigan na si ador na lumaban sa alkalde na si borja upang iligtas ang kaniyang bayan bago siya pinatay. Melang Siya ang dakilang ina ni Simon, siya ang nagsilang nito kahit buhay niya nga ang kapalit. Siya naman ang minahal ni Tano kaya naman ang tauhan ni Tano at Simon dito sa nobela ay matapang at may paninindigan na pinaglalaban dahil ito sa kaniya. Alejandro Borja Siya naman ang pinakamayan at alkalde rito sa kwento. Siya ang kontrabida rito sa nobela, kung saan pinapahirapan niya ang mga tao rito at ang mga bida rito na sina Simon at Tano ang mga magsasaka. Pinatay niya rin si Simon sa huli ng nobela. Elena Regente Siya ay nagging kasintahan ni Simon na mayaman. Siya rin ay naging parang kontrabida rito sa kwento dahil pinakasalanan niya si Alejandro Borja sa huli.. Ka tindeng Siya ang nanay ni duardo at nagsilbing nanay ni Simon. Dahil pinasuso niya ito nung bata pa siya. Tumulong kay Maleng nung nanganganak siya at tumulong din kay Simon. Duardo Isan kaibigan naman ni Simon. Siya an gang tumulong sa kanya sa mga oras na kinakailangan niya. Parang kapatid narin niya, dahil sabay sila sinuso ni Ka Tindeng ang kaniyang nanay. Ador Siya ay kababata ni Simon na kung saan nagyayabang sa umpisa na akala niya siya na ang mag liligtas sa kanilang nayon sa kahirapan. Siya rin ang tinulungan ni Simon na tumakbo bilang alkalde upang talunin si Borja. 2. C. Ang tauhan ayon sa: Kagandahang asal (Mabuti at hindi mabuti) Pamagat Tauhan Dugo sa bukangliwayway (1989) Tano Kagandahang asal Mabait at mapagmahal na ama. Responsable rin siya sa kaniyang anak noong punaw ang kaniyang may-bahay na si Maleng. Maypaninindigan at mabuting hangarin para sa kaniyang kapya magsasaka at lahat ng tao sa nayon gusto niya umunlad ang kanilang mga buhay at matapos na ang paghihirap na ginagawa sa kanila. Simon Mabait, may paninindigan na anak nila Tano at Maleng. May mabuting puso at katapangan. Lahat ng iyan ay pinatunayan niya sa kwentong ito. Bumalik siya pagkatapos niyang mag-aral at akala mo’y bayani sa isang palabas dahil pinabagsak niya ang nagpahirap sa kanilang nayon. Binigyan niya rin ng pag-asa ang mga magsasaka upang makapag-aral at tinulungan ang mga kaibigan. Melang Mabait, mapagmahal, at sobrang tapang na nakipaglaban kapanganakan at sa kaniyang matagumpay na ipinanganak ang isa sa mga pangunahing tauhan sa nobelang ito na si Simon. Alejandro Borja Walang awa, at sobrang makasarili. Pinakita niya rito sa akda ang kaniyang pagkamakasarili at pagiging kontrabida. Pinahirapan niya ang mga taon sa nayon na iyon at sa huli pinatay niya si Simon. Elena Regente Siya ay nakaakit na dalaga na mabuti at mabait namna noong umpisa kaya nahulog ang loob ni Simon at napaibig. Ngunit dahil sa kapang yarihan ng mga Borja napilitan siyang magpakasal rito. Ka tindeng Mabuti,mapagmahal, at responsableng nanay ni Duardo at ni Simon. Siya ang nagsilbing nanay ni Simon ang nagpalaki at tumulong sa Kaniya. Hindi biro ang ginagampanan niyang papel rito dahil nag pakananay siya sa hindi naman niya ka dugo. Duardo Mabuting kaibigan, mabait at matapat. Tapat na kaibigan na parang katid niya na rin si Simon. Kasama rin siya sa mga tumulong na matupad ang mga pangarap ni Simon at ng kanilang nayon ay mapabuti. Nagsakripisyo siya na hindi nalang mag-aral para rin sa kaniyang kapatid na si Simon at kaibigang Ador. Ador Mabait at may mabuting hangarin. Siya ay madaldal ngunit taning mabuting hangarin lamang ngunit may kayabangan rin dala. Ngunit sa huli isa siya sa mga tumulong para sa kanilang nayon maging alkalde at mapabagsak ang matagal ng nagpapahirap sa kanila. Mula sa talahanayan makikilala natin agad ang iba’t ibang mga ginagampanan sa bawat tauhan sa akdang ito. Mas maraming kagandahang asal at magandang kaugalian ang makikita galing sa mga tauhan. Patunay ito na ang kaugalian na tinuturo sa atin ng may-akda ay positibong pag-uugali. Lahat ng postibong ugali at kabutihan ay may kapalit na pag-asa at kaginhawaan sa buhay basta magsikap lamang. May dalawang kontrabida naman na hindi maganda ang asal sa nobelang ito. Ang nobelang ito ay mayroong walong mga pangunahing tauhan. Lahat ng ito na gi nawa ng may-akda ay may mahahalagang papel na ginagampanan. Masasabi nating may koneksyon talaga ang lahat ng tauhan sa kwento, kahit sa mga hindi pangunahing tauhan. 3. Ang nobela ayon sa Aspektong Panlipunan Pamagat Dugo sa bukangliwayway (1989) Politikal Panlipunan Ipinapakita sa nobelang ito Ang lipunan naman na ang mga tao sa lipunan ay pinapakita sa nobelang ito naapektuhan kung ang ay ang mga magsasaka sa namamahala sa kanilang ating lipunan. Tinatak sa lugar ay purok kasakiman atin na kapag wala tayong at gahaman ang pinapairal pinag-aralan ay magiging na siyang dahilan ng magsasaka tayo o iba pang kanilang paghihirap. Tulad mababang tingin sa lipunan ng mga alkalde na pamilya na mga trabaho tulad ng nila Borja sa kwento, pagiging magsasaka. Kaya naghihirap lalo ang mga naman sa kwento ay pilit na mamayang mahihirap madaling salita sa binabago ng mahirap na kung buhay nila Simon sa kurakot at kasakiman ang pamamagitan ng pag luwas adhikain ng naka upo sa ng pwesto ay kaunlaran sa inyong maynila at mag-aral walang kaya naman sa pagbalik lugar na niya ay may kaginhawaan ginagalawan. na siyang dala. Makikita rin Pinapaktia rin sa nobelang dito ang panlipunang ito ang pagpatay ng mga katotohanan na kung wala inosente para lang sa kang pera tulad nila Tano at politika sa mga kalaban nila may-bahay niyang na wala nagpapabagsak kanila sa pwesto. sa Melang ay si kang kapangyarihan na mag utos o humiling lalo na kung sakim ang namumuno, gobyernong tinanggihan sila na humiram ng mobil upang mabuhay si Melang. 3. Ang nobela ayon sa Aspektong Panlipunan Pamagat Dugo sa bukangliwayway (1989) Pangkabuhayan Makikita naman nobelang ito sa Dahil rin ang karanasan pangkabuhayan mayroon Pangkagalingan sa sa mapait na pamilya. na Naging matalino naman sa ang mga buhay pangunahing at madiskarte si tauhan. Simon tulad ng tatay niya. Tanging magsasaka lang Sa umpisa palang si Tano inaasahan nila pagpasok ng na ang pera tatay ni Simon ay sa nakitaan na sa kagalingan kanila. Ito ang kanilang pagdating sa pagdiskarte at ikinabubuhay ang pagsisikap pagsasaka ni Ganito ang rin kanilang maging narin rin mga sila para mga ang kaniyang pamilya. ang tatay at nagsasaka sa pangkabuhayan. pagiging Tano. magsasaka upang mabuhay kaibigan ni Simon mga magsasaka sa kanilang 4. Teoryang Pampanitikang nangingibabaw Pamagat Teoryang Pampanitikan Dugo sa bukang-liwayway (1989) Teoryang Realismo – pinapakita sa nobelang ito ang mga pangyayaring naganap sa tunay na buhay sa ating lipunan. Halimbawa nalang sa pagpaslang ni Borja kay Simon isang pampulitikang usapan na nangyayari sa tunay na buhay lalo na sa politika. Ang pagiging magsasaka naman nila sa kwento ay isang imahe na naglalarawan na kung hindi ka mag-aaral ng mabuti at wala kang pinag-aralan isa ito sa mga trabahong pwede mong bagsakan. Teoryang Klasismo – Ang nobelang ito ay nagpapakita ng pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado ng buhay ng dalawang tao na nag-iibigan. Halimbawa rito ang pag-iibigan nila ni Simon at ni Elena. Magsasaka lamang si Simon at may-kaya ang buhay nila Elena na animo’y langit lupa ang kanilang pagitan ngunit naging magkasintahan prin sila noong umpisa at minahal nila ang isa’t isa. Ngunit sa huli ay pinakasalana ni Elena si Alejandro Borja ang mortal na kalaban ni Simon. Teoryang Feminismo – Ang nobela na ito ay nagpapakita ng pagpapamalas sa kakayan ng mga kababaihan. Tulad nalang halimbawa ng nanay ni Duardo na si Ka Tindeng. Mula sa umpisa noong namatay ang anak ni Maleng ay siya na mismo ang bumuhay at nagpa suso nito ng sabay pa sa kaniayng isa pang anak. Hindi nag alinlangan ang kaniyang puso na may pagmamahal at awa na naramdaman sa mosmos na si Simon. Isa ito sa mga katangian ng kababaihan natin ang pagiging mapagmahal at animo’y mga lalake kung magbalat ng buto para sa mahal nila sa buhay. Teoryang Romantisismo – Ang nobelang ito naman ay nagpapakita rin ng pag-iibigan sa pagitan ng pagmamahal ni Tano at Maleng sa kanilang anak. Na kahit anong hirap ng buhay na pinagdadaanan nila ay nilalabanan parin nila nito kahit biktima rin sila ng making sistema. Si Ka tindeng naman ay may pagmahahal sa mga anak niya lalo na kay Simon na tinuring niyang anak sa akda. 5. A. Bisa sa Isip Pamagat Bisa sa Isip Dugo sa bukang-liwayway (1989) Dahil sa pagpapakita ng may-akda nito ang paghihirap na sumasalamin rin sa mga mahihirap na buhay ng ating mga magsasaka. Nagkakaroon naman ng epekto ito sa pag-iisip hindi lang sa karakter kung hindi sa mambabasa. Halimbawa sa karakter ay noong namatay ang mga magulang ni Simon mulat siya sa karahasan na lipunan na tipong pinangako niya sa sarili niya ang pag-unlad at paghihiganti ay nakaktatak na sa kaniyang isipan. Tayong mambabasa naman ay tumatak rin ang mga pangyayaring nagpapabukas ng ating kamalayan bilang mamayan sa lipunan na nangyayari ang ganitong kalakaran sa politika ang pagiging sakim at pagpatay ng inosenteng tao. Nakakaapekto ito lahat sa ating sikolohikal na aspeto. Dahil nama nsa pagbabasa nito ay nakakapekto rin ito sa ating pananaw sa lipunan na ating ginagalawan na kailangan nating kumilos at mag-aral nang sa ganon may panlaban tayo at hindi tayo inaapakan ng mga taong mayayaman at arogante. 5. B. Bisa sa Damdamin Pamagat Bisa sa Damdamin Dugo sa bukang-liwayway (1989) Sa pinakitang karahasan at pagpanw ng mga pangunahing bida sa nobela ay nakakalubag damdamin ang nararamdamin natin bilang mamababasa. Sa karakter naman ay ramdam natin ang poot at galit ni Simon bilang ang mga magulang niya ay punaw dahil sa pagdadamot ng mga namahahala na mayayaman sa kanilang lugar. Bilang mambabasa ay nadudurog ang puso kong malaman na ang mga pangunahing tauhan na si Tano at Maleng ay pumanaw dahil sa hirap at kailangan pa talaga silang pumanaw upang magkaroon ng magandang motibasyon si Simon. Lalong lalo na si Simon na sobrang masakit sa puso ang kaniyang huling kinahinatnan dahil pinatay siya kaniyang adhikain. ng maganda ang Para naman sa kontrabida sa nobelang ito ay para bang gusto ko siyang patayin sa sobrang sama ng loob na aking nadarama habang binabasa ko ang nobelang ito habang pinapahirapan niya ang mga panguhanahing tauhan sa nobelang ito. 5. C. Bisa sa Asal Pamagat Bisa sa Asal Dugo sa bukang-liwayway (1989) Ang nobelang ito ay nagpakita ng iba’t ibang asal na kapupulutan ng aral at sumasalamin sa mga asal na mayroon ang ating lipunan. Tayong mga pinoy kasi lalo na sa mga ninuno natin hindi na nila gaano pinapahalagahan ang pag-aaral dahil mas pinapahalagahan pa nila ang pagkakaroon ng pera upang makakain sa araw araw at wala naman mali sa ganiyang sistema mayayaman lalo at na dati may-kaya mga ang nakakapagtapos. Kaya naman minsan pa ang mga mahihirap pa ang laging mabait at nagpapakumbaba dahil tingin nila wala silang karapatan at pera, kapangyarihan upang lumiban. Kaya naman magsilbi sanang aral-ang asal na pinapakita rito sa mga may pinag-aralan na mambabasa nito na tulungan i-angat ang ating kapwa Pilipino na mahihirap. Dahil sa huli ay ang ating maykapal ay sa asal bumabasi hindi sa naabot mo sa buhay. Nabatid sa Pagsusuri Narito ang pangkalahatang nabatid mula sa nobelang aking sinuri na sinulat ni Rogelio R. Sikat, ang akdang “Dugo sa Bukang- Liwayway”. Uri May apat na uri ang nobelang ito. Aking nabatid na napakita ng may-akda na kaya niyang ilagay ang apat na uri ang nobelang romansa, tauhan, kasaysayan, at masining. Dahil sa genre na drama na ginagawa ng may-akda ay mahahalaga talaga na mapakita ang mga uri na ito. Tulad nalang ng apat na uri na ito ay pinakita ito sa akda na punong puno ng emosyon. Halimbawa ang nobelang romansa ito’y tungkol sa pag-iibigan ng mga pangunahing tauhan dito na nagtapos sa masaklap at kamatayan, na masakit sa dibdib kong basahin. Habang ang tauhan naman ay napakahusay ginawa ng may-akda at tamang tama ang kanilang pagpasok sa eksena ng nobela lahat sila rin ay mahalaga sa nobelang ito at may koneksyon sa isa’isa sa kwento. Ang kasaysayan at masining ay parehong ginagamitan ng malikhaing pag-iisip ng manunulat. Dahil gumawa ang may-akda na nakaraan ng mga tauhan dito kung saan kathang isip lang binasi niya lang sa gusto niyang tauhan at ang masining naman na pagsusulat o masining na plot makikita natin ito sa huling parti ng nobela kung saan nagtapos ng hindi pangkaraniwan na kwento ang pagkamatay ni Simon ang bida sa nobela. Istilo Ang nobelang ito naman ay mayroong pasalaysay na pagsulat ng may- akda. May paglalarawan rin lalo na sa sitwasyon at mga tauhan. Kaya naman kung babasahin mo ang akdang ito ay malinaw na tumatakbo sa ating imahinasyon kung ano ang nangyayari kumbaga hindi mahirap maintindihan at isipan. Ang huli ay tang pinakamahalaga sa nobealng ito ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento. Ito ang nagbibigay linaw ng agos sa kwentong ito. Tono Ang tono na pinakita ng mga tauhan sa nobelang ito ay nakadepende sa emosyon na pinapakita ng may-akda. Dahil drama ang genre ng akdang ito ay may mga poot, galit, sigawan, pagihinagpis at iba pang mga emosyon na tono ang makikita sa akdang ito. Bilang mambabasa ang mga tono na ginagawa nila ay nakka apekto rin sa akin lalo na sa mga pangunahing tauhan ay maskait sa dibdib at nakakaawa habang binabasa. Simbolismo Nabatid ko rin sa nobealng ito na nasa pamagat palang ay itong dalawa na ang pinaka simbolismo ng buong kwento. Una ay ang dugo, ang dugo ay ang mga pait na nararanasan ng mga pangunahing tauhan sa nobelang ito. Bago sila mamatay ay may mga bahid ng dugo ang kanilang nararanasan tulad ni Maleng ang nanay ni Simon. Pagpanganak niya kay Simon ay punong dugo ang pumapatak at nasalba ang anak niya ngunit si Maleng ay hindi. Nabatid ko rin sa isa pang pangunahing tauhan na si Tano ay namatay sa pagsusuka ng dugo dahil narin sa sakit. Ganoon rin sa pangatlong pangunahing tauhan na si Simon binaril siya sa hulihan ng nobelang ito syempre bumaha na naman ng dugo hanggang sa huli ng akdang ito. Pangatlo ay ganoon man kahirap ang naranasan nila ay ang anak nilang si Simon ay nakitaan naman ng panibagong pag-asa at ito ay nabatid ko sa salitang Bukang liwayway na ang ibig sabihin bago sumikat ang araw ay may kadiliman mo ng mararanasan ang tao. Pagkatapos noon si Simon naramdaman niya saglit ang kaginahawaan at pagkatapos nong makaganti siya para sa akin ay okay narin na namatay siya at makasama rin niya ang kaniyang pamilya dahil nagawa narin niya naman ang kaniyang adhikain na makaganti para sa kaniyang mga magulang. Tauhan ayon sa Anyo ng Ugali Sa nobelang ito ang kaanyuan na ginawa ng may-akda ay naayon talaga sa kanilang ginagampanan. Halimbawa ang mga magsasaka sa nobelang ito ay may kaitiman ang balat at totoo naman talaga dahil bilad sa araw sila. Ang mga Borja rin ay may kaputian syempre tama naman dahil mayayaman sila sa may aircon ang mga bahay nila. Ngunit kahanga hanga naman ang kabaliktaran ng itsura nila sa kanilang pag-uugali. Kahanga hanga ang pagsualt ng may-akda na ito dahil kung anong kaganda ng kanilang panlabas na kaanyuan ay ganoon narin ang kanilang kapangitan sa pag-uugali. At kung sino pa yong panget ang panlabas na anyo ay sila pa ang mabuting puso at maganda ang adhikain. Maayos at maganda ang irony o kabalintunaan ng nobelang ito galing rin sa mahusay na may-akda. Tauhan ayon sa tungkuling ginagampanan Pagdating naman sa tungkuling ginagampanan nila ay masasabi kong mahusay naman ang pagkakapagpatupad at pagbagay ng kanilang karakter sa kanilang tauhan na ginagampanan. Napansin ko lang na si Simon ang pangatlo o pangalawa lang sa pangunahing mga tauhan ngunit siya ang mukhang bida rito dahil sa marami siyang ginampanan at nagawa sa nobelang ito siya ang nagpatuloy ng pagbagsak sa mga kontrabida na sina Borja at pamilya niya. Iba pang mga pangunahing tauhan ay hindi gaanong mga nagtagal sa nobelang ito ngunit ang ginawa o ginampanan nila tulad nila Maleng at Tano ay malaking epekto sa nobelang kumbaga ang ginawa nila ay doon lang umiikot ang takbo ng kwento. Tauhan ayon sa Kagandahang Asal (Mabuti at Hindi Mabuti) Ang nobealng ito ay makikitaan ng maraming kagandahang asal na kapupulutan ng mga mambabasa. Tulad nalang ng mga magkakaibigan sina Simon at mga kaibigan niya may roon silang mga mabubuting pag-uugali at mabuting adhikain. Kung sa mabuting asal talaga kalang titingin ay marami kang makikita. Lalo na ang pagsusumikap ni Simon upang hindi siya maging habambuhay lang na inaapi ng mga mayayaman na namamahala sa lugar nila. Dahil totoo naman talaga kahit sa tunay na buhay kung wala kang pinag-aralan ay kinakawawa kalang at inaalipin ng mga nasa taas sial yung mga maralita na makasarili ngunit hindi naman lahat. Isa pang magandang ehemplo sa nobelang ito ang ginawa ni Ka tindeng na nagpaka nanay siya sa dalawang bata at ang isa ay naawa siya dahil namatay ang kaniyang magulang. Isang kahanga-hanga na kagandang asal naman talaga ang ginawa ni Ka tindeng sa naulilang bata. Ngunit may mga asal naman talaga rin na pinakita rito na hindi kabutihan ito ang mga asal ng mga kontrabida sa nobelang ito kasakiman at makasarili na pinakita ng pamilya ng Borja punong puno lang sila ng karahasan dahil sa nakamit nilang kapangyarihan at kayamanan. Aspektong Panlipunan Ang nobelang ito ay tumatalakay sa pampolitika na talakayin. Nabatid ko lang ang paglalarawan ng may-akda gamit ang nobealng ito sa kasalukuyang nangyayari sa ating politika minsan kasi pamilya lang ang humahawak at namamahala sa ating lipunan ang nagiging kapalit naman nila ay ka apelyido lang. Minsan rin sakim rin ang namamahala sa atin lalo na dati kung wala kang pinagaralan ay inaalipin ka. Sa politika rin natin ay uso ang patayan lalo na kung may kapangyarihan ang kinalaban mo ay tiyak na babaha ng dugo sa kalaban niyang kumakandidato minsan pa riyan nagaganap iyan sa mga probinsya at ganoon tin dito sa kwento sa bukid kung saan kawawa ang mga magsasaka na walang pinagaralan. Ang lugar namna na ginanap ang kwento sa nobela ay sa bukid kung saan maraming magsasaka kaya naman ang kanilang pangkabuhay talaga ay pagsasaka para mabuhay nila ang kanilang pamilya at mapag-aral ang kanilang mga anak. Ngunit sa nobealng ito ay hindi nakakapag-aral ang kanilang mga anak sa lugar nila dahil narin sa sobrang kurakot ang namamahala sa kanilang lugar. Sa pangkagalingan naman nila ay ang mga pangunahing tauhan rito ay mayroong angking kagalingan. Tulad nalang ni Tano ang kaniyang diskarte sa pagkita ng pera kahit na sobrang pinapahirapan siya ng kanilang namamahala sa kanila. Si Simon naman ang kaniyang angking talino na nagamit niya upang pabagsakin ang mga kalaban at makatulong sa kaniyang kapwa magsasaka. Huli ay si Ka tindeng ang kaniyang pagiging dakilang ina ay sadayng napakahusay ng pagkagawa dahil hindi paako nakakabasa ng nobela na ang isang ina ay inalagaan ang isang ulilang bata at sabay pina suso sa kaniyang isa pang anak. Teoryang pampanitikan Ang nobelang ito ay nagtataglay ng teoryang realismo dahil sa paglalarawan ng mga sitwasyon o takbo ng kwento na makikita natin sa tunay na buhay na nararanasan ng lipunan. Halimbawa kung hindi ka mag-aaral ng mabuti ay habambuhay kang maliliitin ng mga nasa taas at gagawing alipin. Mayroon rin itong Feminismo dahil naman sa eksenang pinakita nila na ang ginawa ni Maleng at Ka Tindeng sa kwento ay napaka dakila. Halimbawa si Maleng ay nagsakripisyo ng kaniyag buhay para lang malabas ng buhay ang kaniyang anak na si Simon. Habang si Ka Tindeng naman ay hindi ang alinlangan na kopkopin at alagaan ang na ulilang si Simon, sabay niya pa itong pina suso sa kaniyang anak. Nabatid ko rin ang pagiging romantisismo ng nobelang ito dahil kung hindi dahil sa pag-iibigan nila ni Maleng at Tano ay walang Simon na nagging bayani sa lugar nila at iniligtas ang kanilang bayan mula sa pagiging marahas na namumuno sa kanilang lugar. Kabisaan sa Isip Ang nobelang ito ay kung babasahin mo ito at isasapuso ay maaring magbago ang pananaw mo sa iyong buhay at sa lipunan. Tingin ko ginawa ito ng may-akda upang buksa ang ating kamalayan at tumingin sa mabuting mga oppurtunidad upang tumulong sa ating kapwa na naghihirap sa lipunan. Tayong mga nakakangat sa buhay ang misyon natin dito ay tumulong lalo na kung ikaw ay namamahala para sa bayan. Nang basahin ko ang nobealng ito ay nagbago na ang aking pananaw at tumatak sa aking isipan dahil nga sa nangyayari ito sa tunay na buhay na inaapak apakan ka kung wala kang pinag-aralan ay mas gusto kong pahalagahan na ngayon ang aking pag-aaral at gagamitin ko ang aking tagumpay upang makatulong sa nangangailangan pagdating ng panahon. Kabisaan sa Damdamin Lahat naman ng makakabasa sa nobelang ito ay masasaktan talaga panigurado. Dahil sa hirap na dinadanas ng mga panguanhing tauhan ng akdang ito. Una kasi ay kinukuha ng may-akda ang loob natin bilang mambabasa napapamahal talaga tayo sa mga pangunahing tauhan rito ngunit pagpanaw nang mga paborito na ting mga pangunahing tauhan ay talaga nadadala tayo at nasasaktan. Ginagawa naman ito ng may-akda na kunin ang ating damdamin upang mas mapahalagahan talaga natin ang aral ng nobelang ito. Kabisaan sa Asal Sa aking pananaw naman ang inilalarawan ng mga magagandang asal ng tulang ito ay dapat nating tularawan talaga at dito lang tayo gumaya lalo na ang mga kabataan nating nagbabasa sa nobelang ito. Halimbawa ang pagtulong sa kapwa at huwag makalimot sa pinanggalingan. Ang mga hindi kagandahang asal naman na pinapakita ng nobelang ito ay ito yong pinapaalala sa atin na huwag maging masama at huwag gayahin ang mga hindi magagandang asal dito dahil nagdudulot lang ito ng kadiliman at kasalanan sa ating kapwa. Listahan ng mga Sanggunian Wikipedia. (2020). Rogelio Sikat Retrieve from https://tl.wikipedia.org/wiki/Rogelio_Sikat Wordpress.com. (2011). Dugo sa Bukang-Liwayway. (Buod) Retrieve from https://cession0miggy0.wordpress.com/2011/01/25/book-review-dugo-sabukang-liwayway/ Goodreads.com. (2012). Dugo sa Bukang-Liwayway. (Buod) Retrieve from https://www.goodreads.com/book/show/1674667.Dugo_sa_Bukang_Liwayway Scribd.com. (2014). Pagsusuri-Dugo-sa-Bukang-Liwayway. (Pagsusuri) Retrieve from https://www.scribd.com/doc/258025864/Pagsusuri-Dugo-Sa-BukangLiwayway