3 Araling Panlipunan Ikatlong Markahan – Modyul 1: Kultura ng mga Lalawigan sa Kinabibilangang Rehiyon Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 1: Kultura ng mga Lalawigan sa Kinabibilangang Rehiyon Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Consultants: Regional Director : BENJAMIN D. PARAGAS, CESO IV Assistant Regional Director : JESSIE L. AMIN, CESO V Schools Division Superintendent : ALFREDO B. GUMARU, JR., EdD, CESO VI Asst. Schools Division Superintendent(s): MARITES L. LLANES, CESE Chief Education Supervisor, CLMD : OCTAVIO V. CABASAG, PhD Chief Education Supervisor, CID : RUBY B. MAUR, EdD. Manunulat: Editor: Tagasuri: Tagaguhit: Tagalapat: LODESA G. DULNUAN, Don Faustino N. Dy ES, Cauayan City MARK JOSEPH G. DULNUAN, Maligaya E/S - Annex, Cauayan City NOIMI L. TATTAO, Cauayan South Central School, Cauayan City MARYFE P. LACAMBRA, Nungnungan2, E/S, Cauayan City LODESA G. DULNUAN, Don Faustino N. Dy ES, Cauayan City LODESA G. DULNUAN, Don Faustino N. Dy ES, Cauayan City Tagapamahala: MIRAFLOR D. MARIANO, Regional Learning Area Supervisor RIZALINO G. CARONAN, Regional LRMS Supervisor HILARIO P. LAUIGAN, Division Learning Area Supervisor CHERRY GRACE D. AMIN, Division LRMS Supervisor Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region 02 Office Address: Telefax: E-mail Address: Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500 (078) 304-3855; (078) 396-9728 region2@deped.gov.ph 3 Araling Panlipunan Ikatlong Markahan – Modyul 1: Kultura ng mga Lalawigan sa Kinabibilangang Rehiyon Alamin Magandang araw sa iyo! Ako’y lubos na nasisiyahang ipaalam na sa araling ito ay mailalarawan mo ang Kultura ng mga Lalawigan sa Kinabibilangang Rehiyon. May mga gawain akong inihanda para sa iyo upang mahasa ang iyong kaalaman tungkol dito. Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang: 1. nailalarawan ang mga kultura ng mga lalawigan sa kinabibilangang rehiyon (AP3PKR-IIIa-1) 2. nailalarawan ang pagkakakilanlang kinabibilangang rehiyon. kultura ng 3. napahahalagahan ang mga pagdiriwang sa sariling rehiyon. Subukin Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa patlang bago ang numero. ________1. Ang Bambanti Festival ay isang pagdiriwang na sumasagisag sa pagiging masipag at matatag ng mga mamamayan sa lalawigan ng a) Cagayan b) Isabela c) Batanes ________2. Sa anong lalawigan sa Rehiyon II ipinagdiriwang ang Ammungan Festival? a) Cagayan b) Isabela c) Nueva Vizcaya ________3. Ang Aggao nac Cagayan ay ipinagdiriwang bilang paggunita sa a) Pagkakatatag ng gobyernong sibil ng Cagayan b) pagkakatatag ng Araw ng Cagayan c) pagkakatatag ng kasaysayan ng Cagayan ________4. Ang Ivatan Festival ay pagdiriwang sa Araw ng Batanes. Ano ang tawag sa pagdiriwang na ito? a) Panagdadapun Festival b) Gawagaway yan Festival c) Payuhuan Festival ________5. Ito ay pagdiriwang na ginaganap tuwing ika 7 hanggang ika 10 ng Setyembre na kasabay ng Quirino’s Day. a) Balatong Festival b) Balamban Festival c) Panagdadapun Festival Modyul Kultura ng mga Lalawigan 1 sa Rehiyong Kinabibilangan Nabatid mo ang ilang mga pangunahing impormasyon tungkol sa mga lalawigan na iyong kinabibilangan. Ang mga impormasyong ito ay lubhang mahalaga sa pag-aaral ng kultura ng mga nasabing lalawigan upang mas maintindihan mo ang mga ito. BalikanSa nakaraang aralin ay napag – aralan natin ang iba’t ibang kuwento at mga sagisag na naglalarawan ng sarili at mga karatig lalawigan sa kinabibilangang rehiyon. Ting nana natin kung naaalala mo pa baa ng detalye ng mga aralin sa ikalawang Markahan. Hanapin sa Hanay B ang inilalarawan sa Hanay A. isulat ang sagot sa sagutang papel Hanay A Hanay B 1. Sinaunang tao na nairahan sa Cauayan. a. Callao Cave 2. Lugar kung saan natagpuan ang pinakamatandang fossil ng tao sa b. Gaddang Pilpinas 3. Isa itong uri ng sayaw na pandigma c. Emilia Domini na sinasayaw ng mga Ivatan 4. Itinuturing na Joan of Arc of Batanes 5. Himno na isinulat ni Jaime Macadangdang d. Vizcaya Home e. Palo palo TuklasinPayuhuan Festival Ang Ivatan Festival ay itinutuon sa pagdiriwang ng Araw ng Batanes ( Batanes Day) taon – taon sa tuwing 26 ng Hunyo. Isang linggong eksibisyon ng iba’t ibang produkto kahusayan ng bawat bayan sa isports, at kultura ng batanes. Sinisimulan ito sa pamamagitan ng siyam na araw na prusisyon mula imnajbu hanggang Basco. May espesyal na misa sa araw ng 26 Hunyo bilang paggunita at paggalang sa patron ng lalawigan, ang Immaculate Conception. Nagsimula ang pagdiriwang ng Batanes Day isang lingo bago ang Hunyo 26. Ginaganap ang taunang Palarong Panlalawigan ng anim na munisipyo kasama na din ang mga eskwelahan sa Batanes. Mayroon ding pagpili sa Mutya ng batanes. Pagkakataon upang maipakita ang ganda at talento ng isang ng isang babaeng Ivatan. Dinadaluhan din ng marami rito ang Agro – Industrial Fair kung saan ipinapakita ng mga Ivatan ang bunga ng kanilang kasipagan sa pagsasaka, pangingisda, at galling sa mga gawaing kamay, at pagluluto. Makikita rito ang kanilang pangunahing produkto katulad ng isda at bawang. Sa gabi naman ay umaawit ang mga magagaling na mang – await ng Ivatan at kung minsan ay mga turistang bumibisita rito. Panagdadapun Festival Ang lalawigan ng Quirino ay ipinagdiriwang tuwing 7 – 10 Setyembre na kasabay ng Quirino’s foundation Day. Lahat ng mga tribo ng lalawigang ito ay nagkakaisa upang ipagmalaki ang kultura, kasaysayan, at produkto nito. Nag – uumpisa ang pagdiriwang sa parade na nilalahukan ng mga local na opisyal, mga mamggawa sa iba’t ibang ahensya, mag – aaral, kasama na rin ang mga tribo ng bawat bayan. Ang pinakatampok sa pagdiriwang ay ang Agro – Tourism and trade fairs, motocross, at mga gawain na may kaugnayan sa turismo. Bambanti Festival Ang Bambanti Festival ay hango sa “bambanti,” salitang Iloko na ang kahulugan ay scarecrow sa Ingles. Ang bambanti ay ginagamit ng mga Isabelinos upang itaboy ang mga ibon at protektahan ang kanilang mga pananim. Sinasagisag din ng bambanti ang pagiging masipag ng Isabelinos para sa kanilang pamilya at pagiging matatag upang harapin ang mga unos sa buhay. Ang pagkamalikhain ng Isabelinos ay higit pang naipapamalas sa street dance, parade, at festival dance showdown competition. Itinatampok din sa pagdiriwang ang mga local na produkto at pagkain ng iba’t ibang lungsod at bayan ng Isabela na makikita sa kanilang mga booth at naglalakihang bambanti. Aggao nac Cagayan Ang Aggao nac Cagayan ay ipinagdiriwang tuwing 23 -29 Hunyo bilang paggunita sa pagkakatatag ng gobyernong sibil ng Cagayan noong 29 Hunyo 1583. Puvvurulun Afi Festival Ang Pavvurulun Afi Festival ay isang linggong pagdiriwang ng Tuguegaraoenos sa pagdiriwang nagtatapos sa 16 Agosto taon – taon. Ito ay pagtipon – tipon ng Tuguegaraoenos sa pagridiwang para kay San Jacinto na kanilang patron. May mga parade, timpalak sa kagandahan, paligsahan sa pagluto at pagkain ng pansit batil patong, paligsahan sa pagsayaw sa kalye, paligsahan pag–awit, paligsahan sa laro, at iba pa. Ammungan Festival Ang Ammungan Festival na dating tinatawag na Panagyaman Festival ay kinikilalang taunang paggunita ng Novo Viscayano sa pagkakatatag ng kanilang lalawigan. Ang pagdiriwang na ito ay kanilang lalawigan. Ang pagdiriwang na ito ay karaniwang ginaganap tuwing 19 hanggang 24 Mayo. Itinatampok dito ang iba’t ibang kultura at paraan ng pamumuhay ng bawat bayan na bumubuo sa lalawigan. SuriinPanuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na tanong. 1. Ano ano ang mga pagdiriwang sa bawat lalawigan ng ating rehiyon? ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ 2. Bakit natin ito ipinagdiriwang? ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ 3.Paano mo mailalarawan ang mga tao sa Rehiyon Dos ? ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ 4. Paano mo mailalarawan ang mga tao sa rehiyon sa mga pagdiwang na idinaraos sa bawat lalawigan. ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ PagyamaninIsulat sa Data Retrieval Chart ang mga pagdiriwang ng bawat lalawigan at isulat din kung kailan ito ipinagdiriwang. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 220450738/ Mga Pook Batanes Cagayan Isabela Quirino Nueva Vizcaya Pangalan ng Pagdiriwang Buwan ng Pagdiriwang Isaisip Basahin at sagutin ang mga sumusunod na tanong. 1. Ano ano ang mga lalawigan sa ating rehiyon? Ang mga lalawigan sa ating rehiyon ay ; ______________, ________________, __________________, _______________, at _________________. 2. Ano ano ang mga pagdiriwang sa bawat lalawigan? Ipinagdiriwang sa Isabela ang Bambanti Festival, sa Quirino ang ______________________, sa ____________________ ang Payuhuan Festival, sa Cagayan ang ____________________at sa Nueva Vizcaya ang__________________. Isagawa Gawain A Pag isipan ang pinakatanyag na pagdiriwang ng iyong lalawigan. Paano nag umpisa ito? Punan ang bawat patlang sa talata tungkol sa pagdiriwang upang mailarawan ito. _______________________________ (Pamagat) Ang aming pagdiriwang ay tinatawag na __________ ________________________________. Ito ay idinadaos tuwing ________________________. Ang pagdiriwang ay tungkol sa _______________________________________________________. Ipinagdiriwang ito dahil ________________________________ _______________________________________________________. Kaming mga tagarito ay (ginagawa ng mga tao) _______ _______________________________________________________ sa selebrasyon. Hinihikayat ko ang lahat na pumunta sa aming lalawigan. Damhin ninyo an gaming kultura. Tayahin Panuto : Basahin ang bawat tanong at isulat ang titik ng tamang sagot. 1. Ang Payuhuan Festival ay itinutuon sa pagdiriwang ng Araw ng ___ a. Cagayan b. Isabela c. Batanes 2. Ang pagdiriwang na ito ay idinaraos tuwing 23 – 29 ng Hunyo a. Sambali festival b. Pavvurulun Afi Festival c. Aggao Nac Cagayan 3. Ang Bambanti Festival ay ipinagdiriwang sa _______ a. Quirino b. Isabela c. Nueva Viscaya 4. Ipinagdiriwang ang Ammungan Festival sa______ a. Batanes b. Quirino c.Nueva Vizcaya 5. Ang pagdiriwang na ito ay nagkakaisa ang lahat ng mga tribo ng lalawigan upang ipagmalaki ang kultura, kasaysayan at produkto nito. a, Panagdadapun Festival b. Mamangi Festival c. Gawagaway yan Festival Karagdagang GawainAng pagdiriwang ay isa lamang pagpapakita ng kultura ng isang lugar. Mag–isip pa ng ibang aspekto na nagpapakita ng kultura ng sariling lalawigan o rehiyon. Sumulat ng isa hanggang dalawang talata tungkol dito kasama na ang maikling kwento tungkol sa pinagmulan nito. ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ISAISIP 1 BATANES CAGAYAN QUIRINO ISABELA NUEVA VIZCAYA ISAISIP 2 Panagdadapun Festival Batanes Aggao Nac Cagayan Ammungan Festival PAGYAMANIN SUBUKIN C C D C A 1) 2) 3) 4) 5) Payuhuan Festival- Hunyo 26 Aggao Nac Cagayan- Hunyo 23-29 Bambanti Panagdadapun -September 7-10 Ammungan Festival – May 19-24 1) 2) 3) 4) 5) TAYAHIN 1) 2) 3) 4) 5) 1) 2) 3) 4) 5) B C A C C BALIKAN B A E C D Susi sa Pagwawasto- Sanggunian https://brianjaycruz.files.wordpress.com/2016/10/20160427-vakul-kanayi_festival005_6facd1d6c08f4b75a8bf6aac223a685c.jpg?w=616 (PAYUHUAN FESTIVAL) https://i.ytimg.com/vi/av5BdTD-9oY/hqdefault.jpg (PANAGDADAPUN-QUIRINO) https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fpia.gov.ph%2Fnews%2Farticles%2F103348 6&psig=AOvVaw1BibR0qL9AhskY_YXbSylK&ust=1613530102220000&source=images&cd=vfe&ved= 0CAIQjRxqFwoTCKDS5Z-y7e4CFQAAAAAdAAAAABAD (BAMBANTI-ISABELA) https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.bomboradyo.com%2Ftuguegarao%2 F3500-estudyante-sabay-sabay-na-sumayaw-kasabay-ng-pagdiriwang-ng-ika-295th-afi-festival-satuguegaraocity%2F&psig=AOvVaw0MdgTykhl7cEpamFxJuaNO&ust=1613530380101000&source=images&cd=vf e&ved=0CAIQjRxqFwoTCIjfnsGz7e4CFQAAAAAdAAAAABAD (PUVVURULUN AFI FESTIVAL) https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Ftwitter.com%2Finteraksyon%2Fstatus%2F4 85625118589071360&psig=AOvVaw0i1AHEuWPeO8hKiTsS8v1H&ust=1613530590833000&source=i mages&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCPiz84K07e4CFQAAAAAdAAAAABAP (AMMUNGAN FESTIVAL) https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fbmolivepascual.wordpress.com%2F2014% 2F06%2F24%2Fcelebrating-aggao-naccagayan%2F&psig=AOvVaw1__MuQuRb0AzD8RX7Ex2j9&ust=1613532868582000&source=images& cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCOjw0dW87e4CFQAAAAAdAAAAABAD (AGGAO NAC CAGAYAN) https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fpia.gov.ph%2Fnews%2Farticles%2F103348 6&psig=AOvVaw3enq38h93eMn2QSGkoZDX&ust=1613532968168000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCMDKqO287e4C FQAAAAAdAAAAABAD (BAMBANTI FESTIVAL) Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph