Richard P. Alonsagay BSIT-1 FILIPINO-II Pagbasa Ang pagbasa ay ang proseso ng pagkuha at pag-unawa sa ilang anyo ng inimbak o nakasulat na impormasyon o ideya. Kadalasang kinakatawan ng ilang uri ng wika ang mga ideya na ito, bilang mga simbolo na sinisuri ng paningin, o hipo (halimbawa Braille). Maaari na di nakasalig sa wika ang ibang uri ng pababasa, katulad ng notasyon sa musika o piktogram. Sa paghahambing, sa pangkompyuter, tinatawag na pagbabasa ang pagkuha ng datos mula sa ilang uri ng imbakan ng kompyuter. Ang Pagbasa ay isa sa apat na kasanayang pangwika. Ito ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga nakalimbag na simbolo. Ito ay proseso ng pag-unawa sa mga mensaheng nais ibahagi ng may akda sa babasa ng kanyang isinulat. Ang gawaing ito ay isang pangkaisipang hakbang tungo sa pagkilala pagpapakahulugan at pagtataya sa mga isinulat ng may akda. Paraan sa mabilis na Pagbabasa PREDIKTING -Nakatulong ito upang magamit ng mambabasa ang mga klu.Nagprepredik siya ng maaaring kalalabasan ng binabasa. ISKIMING mabilis na prosesong-pagbasa na naghahanap ng mga klu para mabigyangkahulugan ang binabasa. Isang mabilis na pagbasang kumukuhang higit pa sa 700wpm kaysa sa 200- 230wpm. Mas mababa ng 50% ang komprehensiyon. ISKANING -Kinukuha nito ang detalye sa binabasang material. Upang madaling magawa ang iskaning, kailangang naiskim na ang teksto para makuha ang overbuy nito, Makita kung paano inorganisa, particular ang talaan, makakatulong na heading o sabtaytel at ilang mahahalagang informasyon sa teksto. INTERPRETING -Nakakatulong ito upang unawain ang mga detalye, masabi ang kaibahan ng pangunahin at sekundaryang ideya, malaman ang lahat tungkol sa teksto- ang rason ng pagkakasulat nito, ang mga functional na salitang ginamit at iba pang bokubularyo. Mapaghusayang interpretasyong gagawin sapagkat mapagkukumpara ang kasalukuyang binabasa sa dati nang nabasa. Paano unawain ang binabasa Pagbasa ng mga babasahin at mga aklat na para bang magkatulad ang kanilang pagkakasulat. Mahalagang unawain ang nilalaman, ang bawat pangalan, pang-uri, pandiwa, at pang-abay. Mahalagang mahalaga sa isang bumabasa ang lubos na kaalaman sa iba’t ibang bahagi ng pananalita. Huwag basahin nang minsanan lamang, manapa’y ulit-ulitin. Bakit kailangan nating magbasa? Upang magkaroon tayo ng ideya at impormasyon ukol sa iba’t ibang bagay , makapagtanong at makapag-isip nang malalim ukol sa pansariling ideya at karanasan.. Para sa kasiyahan, pampalipas oras,paghahasa ng kaisipan, pagsusuri ng emosyon, sapagkat gusto nating magpa-ikot ng mga ideya, maghambing at magsuri ng iba’t ibang pananaw. Sapagkat tayo ay interesado sa isang partikular na sabjek, isang partikular na istilo at ideya ng awtor. Ano ang bottom-up Theory? Teoryang Bottom-Up - Ito ay isang traditional na pagbasa. Ito ay bunga ng teoryang behaviorist na higit na nagbibigay pokus sa kapaligiran sa paglinang ng komprehension sa pagbasa. Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay pagkilala ng serye ng nakasulat na mga simbolo upang maibigay ang katumbas nitong tunog. Nananalig angteoryang ito na ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa pagkilala sa mga titik, salita,parirala, at pangungusap bago malaman ang kahulugan ng teksto. Sinasabi nitong ang pagbasa ay pagkilala ng mga salita, at ang teksto ang pinakamahalaga sa pagbasa. Ang mambabasa ay isang pasib na partisipant lamang sa proseso ng pagbasa dahil ang tanging tungkulin niya ay ulitin ang lahat ng mga detalyeng nakasaad sa tekstong kanyang binasa.Ang proseso ng pag-unawa ayon sa teoryang ito, ay nagsisimula sa teksto (bottom),patungo sa mambabasa (up), kaya tinawag itong bottom up. Tinatawag din itong "outside-in" o "data driven" sapagkat ang impormasyon sa pag-unawa ay hindi nagmula sa tagabasa kundi sa teksto. Ano ang Top-down Theory? Pagpapaliwanag ng Teoryang Itaas – Pababa: Ang teoryang ito ay naniniwalang ang pag-unawa ay nagmumula sa isipan ng mambabasa mayroon nang dating kaalaman at karanasan. Ang daloy ng impormasyon sa teoryang ito ay nagsisimula sa itaas (top) patungo sa ibaba (down) na ang ibig sabihin, ang pag-unawa ay batay sa kabuuang kahulugan ng teksto.