ARALING PANLIPUNAN 1 Summative Test No. 2 (Modules 3-4) 3rd Quarter Pangalan: ________________________________ Iskor: ___________ I. Basahing mabuti ang talata. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel. Maingay na Tunog Tinakpan ni Althea ang kanyang tenga. Ginagawa kasi ang bahay nila Aling Celia kaya naririnig sa kanilang silid-aralan ang pukpok ng martilyo at tunog ng electric drill. Gustong ituon ni Althea ang kanyang pansin sa itinuturong aralin ni Ma’am Julia ngunit hindi niya ito magawa dahil sumakit ang kanyang ulo. “Magkakaroon tayo ng pagsasanay. Titingnan ko kung nakuha ninyo ang ating pinag-aralan,” sabi ni Ma’am Julia. Kinabahan si Althea. Hindi niya naintindihan ang kanilang aralin. Kung wala sigurong maingay sa labas ay mas marami sana siyang natutuhan. _____1. Bakit tinakpan ni Althea ang kanyang tenga? a. Dahil maingay sa labas b. Dahil ayaw niyang mahulog ang kanyang hikaw c. Dahil gusto niyang matulog _____2. Saan galing ang maingay na tunog? a. kuwentuhan ng mga tao b. tunog ng radyo c. pukpok ng martilyo at tunog ng electric drill _____3. Ano ang epekto ng maingay na paligid kay Althea? a. Marami siyang natutuhan. b. Sumakit ang kanyang ulo. c. Tumaas ang kanyang marka sa pagsusulit. _____4. Bakit kinabahan si Althea? a. Dahil hindi niya naintindihan ang aralin b. Dahil nakita siya ng tao sa labas c. Dahil tinawag siya ng kanyang guro _____5. Ano sana ang maaaring mangyari kung walang nagkukuwentuhan nang malakas sa labas ng paaralan. a. Mas maraming matututuhan si Althea b. Makakatulog sa silid-aralan si Althea c. Mahihirapan sa pag-aaral si Althea II. Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon at piliin kung sino sa mga tauhan sa paaralan ang dapat gumanap ng tungkulin. Isulat ang letra sa patlang. _____1. Si Maria ay maagang pumasok sa paaralan nang makita siya ng isang tauhan sa paaralan at ipinasusuot ang kanyang I.D. a. dyanitor b. nars c. guwardiya d. pulis _____2. Masayang sumasagot ang mga mag-aaral sa isang tauhan sa paaralan na nagbibigay ng kaalaman at karunungan. a. guro b. nars c. dyanitor d. tindero _____3. Hindi maganda ang pakiramdam ni Jose habang siya ay nasa paaralan kung kaya ipinatawag ng kanyang guro ang isang tauhan sa paaralan na titingin sa karamdaman ni Jose. a. punongguro b. guwardiya c. nars d. pulis _____4. Ipinatawag ng pinuno ng paaralan ang lahat ng mga guro upang paalalahanan sila sa kaayusan at kagandahan ng paaralan. a. guwardiya b. dyanitor c. punongguro d. guro _____5. Sa pagpasok sa paaralan ni Miriam nasilayan niya ang masipag na tauhan sa paaralan na naglilinis sa paligid . a. dyanitor b. guwardiya c. punongguro d. pulis KEY: 1. D 2. E 3. B 4. C 5. A 6.c 7.a 8.c 9.c 10.a