Uploaded by Caryl Calinawan

MODYUL-1-FILIPINO-PLING-LARANG-Updated-for-QA

advertisement
12
FILIPINO
sa
PILING LARANG
AKADEMIK
Unang Markahan- Modyul 1
Aralin 1: Kahulugan at Kalikasan ng Akademikong Pagsulat
1
Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12
Alternative Delivery Mode
Quarter 1 – Lesson 1: Kahulugan at Katuturan ng Akademikong Pagsulat
Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of
the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office
wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such
agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of royalties.
Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright holders. Every
effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from their
respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim ownership
over them.
Published by the Department of Education
Secretary: Leonor Magtolis Briones
Undersecretary: Diosdado M. San Antonio
Development Team of the Module
Writer: Eugenia M. Solon
Editors: Jennifer Armamento/ Lorna P. Almirante
Reviewers: Nenita Lerio/ Dr. Clavel D. Salinas
Moderator: Marivic M. Yballe
Illustrator: Andre Angel O. Erasmo
Layout Artist: Andre Angel O. Erasmo
Management Team:
Dr. Marilyn S. Andales
Schools Division Superintendent
Dr. Leah B. Apao
Assistant Schools Division Superintendent
Dr. Ester A. Futalan
Assistant Schools Division Superintendent
Dr. Cartesa M. Perico
Assistant Schools Division Superintendent
Dr. Mary Ann P. Flores
CID Chief
Mr. Isaiash T. Wagas
Education Program Supervisor-LRMDS
Dr. Clavel D. Salinas
PSDS/SHS Division Coordinator
Printed in the Philippines by:
Department of Education – Region VII, Division of Cebu Province
Office Address: IPHO Bldg. Sudlon, Lahug, Cebu City
Telefax: (032) 255-6405
E-mail Address: cebu.province@deped.gov.ph
2
Panimula
Ang modyul na ito ay idenisenyo sa kasalukuyang panahon na kung saan
naharap sa krisis ang bansa at ang buong mundo dulot ng COVID-19. Sa pamamagitan
nito maaaring maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga kabataan kahit nasa bahay lamang.
Ang sariling gawang modyul na ito ay malaking tulong sa mga kabataang mag-aaral
upang magbigay ng mga panimulang kaalaman at karunungan tungkol sa akademikong
pagsulat at pagsulat para sa pagtatrabaho. Maaaring sa mga pangyayari ngayon
mailalahad nila ang kanilang mga saloobin o mga isyung dapat pagdiskusyonan sa
pamamagitan ng pagsulat. Tinalakay rito ang mga kahulugan, kalikasan, at mga
katangian, mga bahagi at mga hakbang sa pagsulat ng mga akademikong sulatin tulad
ng abstrak, bionote, talumpati, replektibong sanaysay, posisyong papel, lakbaysanaysay, photo essay, resume, liham –aplikasyon, korespondensyang opisyal,
agenda, katitikan ng pulong, press release at panukalang proyekto. Layunin nitong
palawakin at palalimin ang pang-unawa mo sa mga sulating ito.
Upang hindi mahuli sa tawag ng globalisasyon kailangang hangga’t maaga pa ay
magsanay na sa pagsulat. Ang mundo ay puno ng kompetisyon, sa pagtatapos ng
Senior High School ay kailangang hawak mo na ang buong kaalaman at kahusayan sa
limang makrong kasanayan: ang pagbasa, pagsasalita, pakikinig, panonood at ang
pagsulat. Layunin ng modyul na ito na hasain ang iyong kaalaman sa mga
akademikong sulatin bilang paghahanda sa iyong propesyonal na buhay. Sa paggawa
ng modyul na ito isanaalang-alang ang pagtugon sa mga kahilingan ng bagong
kurikulum. Idinsenyo sa trak na nakaangkla sa mga gawaing pang akademik.
Inihanda ang mga gawain sa modyul upang makatugon sa iba’t ibang track na
kinukuha. May mga gawaing akademiko, teknikal bokasyonal, pansining, pandesinyo at
pang-isports.
3
Ang modyul ay binubuo ng mga sumusunod na bahagi
dito inilatag ang mga layuning inaasahang matatamo sa pagtatapos ng
modyul. Ito ang nais iparating ng sumulat sa mga mag-aaral at matamo
lamang ito gamit ang ibang pamamaraan sa pagturo tungo sa
pagkatuto.
ito ang bahaging tinataya ang kakayahan at kaalaman ng magaaral sa mga araling dapat n’yang matutuhan kung anong aspeto
sa laranga ng pagsusulat ang dapat pang palawakan at
paglinangin.
ito ang mga gawaing sinubok ang dating alam ng mag-aaral bilang
panukat sa kanilang natotohan.
dito sinusubok ang mga mapanuring pag-unawa ng mga mag-aaral
sa Filipino sa Piling Larang Akademik sa pamamagitan ng
paglalatag ng mga Gawain na sila mismo ang nakadiskubre sa
araling tatalakayin.
ipinahahayag ang mahalagang pag-unawa sa aralin, ang konteksto ng
paksang tatalakayin upang malinang ang mga makrong kasanayan ng
mga mag-aaral.
dito ipinahahayag ang mahahalagang pag-unawa tungkol sa
paksang tinalakay.
dito binibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na mapag-isipan
ang kabuluhan ng mga kaisipang nabasa niya bago tumuloy sa
kasunod na pagtatalakay.
dito sinusubok ang lalim ng pag-unawa ng mga mag-aaral sa
kabuuan ng aralin.
ito ay mga aktuwal na mga gawaing humahamon sa mga mag-aaral na
ilapat ang kanyang natutuhan sa mga aktuwal na sitwasyon o
makatotothanang mga konteksto. Ang mga gawaing ilalatag ay susubok
sa mga gawaing tulugon sa iba’t ibang track.
dito tinataya ang lebel ng pag-unawa ng mga mag-aaral kaugnay
sa kabuuang araling tinatalakay. Ito ang bahaging makapaglikha
ang mga mag-aaral sa sarili nilang kaparaanan bunga ng
pagkatutu sa araling tinatalakay.
ito ang mga karagdagang babasahin na magbibigay ng pagpapalawig
sa pagtatalakay sa susubok at hahasa sa tibay na pag-unawa ng mga
mag-aaral bunga ng pagkatuto. Maari itong nakalimbag o mula sa
internet.
4
SUBUKIN KO ANG KAALAMAN MO!
PANIMULANG PAGTATAYA
I.
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan: Bilugan lamang ang titik ng
tamang sagot.
1. Ito ay artilkulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala, at nararamdaman
sa paraang nakalimbag,
A. Pakikinig
B. Pagbabasa
C. Pagsasalaysay
D. Pagsusulat
2. Anyo ng Pagsulat na nagbibigay-linaw sa mga pangyayari, sanhi at
bunga, at pagbibigay ng mga halimbawa.
A. Paglalahad
B. Paglalarawan
C. Pagsasalaysay
D. Pangangatuwiran
3. Anyo ng Pagsulat na nakapokus sa pagkakasunod-sunod ng daloy ng
mga pangyayaring aktuwal nas naganap.
A. Paglalahad
B. Paglalarawan
C. Pagsasalaysay
D. Pangangatuwiran
4. Anyo ng pagsulat na nagpapahayag ng katwiran o opinyon o
argumentong pumapanig o sumasalungat sa isyung nakahain sa
manunulat.
A. Paglalahad
B. Paglalarawan
C. Pagsasalaysay
5
D. Pangangatuwiran
5. Anyo ng Pagsusulat na nagsasaad ng obserbasyon, uri, kondisyon,
palagay, damdamin ng isang manunulat hinggil sa isang bagay, tao, lugar,
o pangyayari.
A. Paglalahad
B. Paglalarawan
C. Pagsasalaysa
D. Pangangatuwiran
II.
Sabihin kung TAMA o MALI ang bawat pangungusap. Kung MALI, salungguhitan
ang salitang napagkamalian at isulat ang tamang sagot sa katapat nito.
6. Matapat ang isang mananaliksik na nagsusulat ng impormasyon sa
notecard hinggil sa mga impormasyon na kaniyang nakuha sa mga aklat.
7. Sistematiko ang isang mananaliksik na nagbabanggit hinggil sa limitasyon
ng kaniyang ginagawang pag-aaral.
8. Maparaan ang isang mananaliksik na hindi gumagamit ng mga datos na
kuwestiyonable.
9. Ginagamit ang akademikong pagsulat sa pagbabalita sa mga pangyayari
hinggil sa mga paboritong artista sa telebisyon.
10. Mahalaga ang naidudulot ng akademikong pagsulat, partikular sa paguulat ng mga pananaliksik na ginawa ng iba’t ibang iskolar hinggil sa iba’t
ibang disiplina.
6
Modyul 1: Kahulugan at Katuturan ng
Akademikong Pagsulat
Kasanayang Pampagkatuto: Nabibigyang-kahulugan ang akademikong
pagsulat (CS_FA11/12PB-Oa-c-101)
Mga Dapat asahan sa modyul na ito:
a. naipapaliwanag ang iba’t ibang konsepto ng pagpapakahulugan
ng akademikong sulatin
b. nakabubuo ng pagpapatunay sa pinanindigang paniniwala
c. nagagamit ang kritikal na pag-iisip sa pagpapalawak sa inilalahad
na konsepto
d. natutukoy ang kahalagahan na akademikong sulatin bilang isa sa
pangangailangan ng lahat ng kurso
7
Panimulang-Gawain :
Maalaala Mo Kaya !
Panuto:
Gawain Blg.1: Magbalik-gunita. Isulat sa hagdan ang mga sulating naranasan.
Ang pinakaunang baitang ay ang sulating unang natutuhan hanggang sa huling baitang
na s’yang pinakahuling natutuhan. Maaaring magdagdag ng mga baitang kung
kinakailangan.
Ang dami na pala ninyong natutuhan kung karanasan sa pagsusulat ang paguusapan. Sige nga dagdagan natin ang banga ng inyong kaalaman kung gaano kaya
katibay ang inyong mga kasanayan sa pagsulat.
8
Kaya ninyo pa ba?
Gawain Blg. 2: Panindigan Ko!
Batay sa mga nakatala sa bawat hagdan, alin dito ang pinakamadali,
ang katamtaman at ang pinakamahirap. Mabigay ng pagpapatunay. Isulat
ang sagot sa mga nakalaang hugis.
9
Magaling! Nagpapatunay lamang na bihasa na kayo sa larangan ng Pagsusulat
ng mga iba’t ibang uri na mga sulatin.
Tuklasin:
Sisirin Ko !
Ano kaya ang dahilan ng mga indibiduwal na awtor kung bakit sila
nagsusulat? Isulat sa concept web ang sagot.
Malinaw na inilahad sa concept web na ang awtor ay may tiyak na dahilan kaya
siya sumulat. Mula sa mga naunang mga gawain atin ng mahuhulo kung ano kahulugan
at katuturan ng pagsulat.
Ano ang kahulugan ng Akademikong Pagsulat? Kailan naging Akademikong Pagsulat?
10
Ano-anong sulatin ang maituturing na pang-akademiko? Alin dito ang naranasan
mo sa pagsusulat? Mahirap ba o madali? Bakit? Isulat sa loob ng kahon ang sagot.
May liwanag ng mababakas sa inyong isipan kung ano ang punto ng ating
talakayan. Sige ipagpatuloy lang ang pagsagwan mabingwit din natin sa dulo ang katas
ng
karunungan.
Ipagpatuloy ang nasimulan upang madagdagan pa ang kaalaman.
Tampok na Aralin:
May iba’t ibang dahilan ang tao
sa pagsusulat. Para sa iba ito ay
nagsisilibing
libangan
sapagkat
sa
pamamagitan nito ay naibabahagi nila sa
iba ang kanilang ma ideya at mga
kaisipan sa paraang kawili-wili o kasiyasiya para sa kanila. Sa mga mag-aaral
na katulad mo, ang kalimitang dahilan ng 11
pagsusulat
ay ang
matugunan
ang
pangangailangan sa pag-aaral bilang
ng pagsusulat ay ang matugunan ang pangangailangan sa pag-aaral bilang bahagi ng
pagtatamo ng kasanayan.
Sinabi naman ni Badayos” ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang
bagay na totoong mailap para sa nakararami sa atin maging ito’y pagsulat sa unang
wika o pangalawang wika man”.
Ayon naman kay Keller: “ang pagsulat isang biyaya, isang pangangailangan at
isang kaligayahan ng nagsasagawa nito”.
May kanyang ring pagpapakahulugan si Donald Murray: “Writing is rewriting, a
good writer is wasteful, he saws and shapes and cuts away, discarding wood…The
writer cannot build a good strong piece of writing unless he has gathered an abundance
of fine raw materials”
Ang paglalarawan naman nina Peck at Buckingham sa pagsulat: “ Ang pagsulat
ay ekstensyon ng ika at karanasang natamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig,
pagsasalita at pagbabasa”.
Kaya naman sa, sa limang makrong kasanayang pangwika, ang pagsulat ay isa rin
sa mga dapat pagtuonan ng pansin na malinang at mahubog ang mag-aaral sapagkat
ditto masusukat ang kanilang kahandaan at kagalingan sa
iba’t ibang disiplina. Sa mga makrong kasanayan
tulad ng pakikinig, pagbasa at panonood,
madalas ang isang indibiduwal na
gumagawa nito aykumukuha o
nagdaragdag ng mga kaalaman sa
kanyang isipan. Subalit, sa pagsasalita at pagsusulat ang taong
nagsasagawa nito ay nagbabahagi
ng kanyang mga kaisipan at
nalalaman tungkol sa isang tiyak
na paksa sa pamamagitan ng
kanyang sinabi at isinulat.
12
Mahalagang Kaalaman
Akademikong Pagsulat
Ano-ano na ang naisusulat mo? Nagsulat ka na ba ng tulang tungkol sa iyong
hinahangaan o ng mga kuwentong ipinabasa mo sa publiko sa iyong social media
account? Nagsulat ka na ba ng sanaysay na nagpapaliwanag ng pananaw sa isang
isyu?
Ang pasulat ay isang pangangailangan. Nagsusulat ang tao upang matugunan
ang mga personal na pangangailangan. Nagsusulat ang tao hindi lamang upang
magpahayag ng saloobin at bumuo ng magpatatag ng mga ugnayan, bagkus ay upang
mapabuti ang sarili. Maliban sa mga ito, nagsusulat din ang tao upang matugunan ang
mga akademiko at propesyonal na pangangailangan.
Ano ang akademikong pagsulat?
Sa isang globalisasyong mundo, nakaaangat ang mga indibiduwal na may
kasanayan sa akademikong pagsulat o intelektuwal na pagsulat. Isa itong uri ng
pagsulat na kailangan ang mataas na antas na pag-iisip. Ang mahusay na manunulat
ng akademikong teksto ay may mapanuring pag-iisip, May kakayahan siyang mangalap
ng impormasyon o datos, mag-organisa ng mga ideya, mag-isip ng lohikal,
magpahalaga sa orihinalidad at inobasyon, at magsuri at gumawa ng sintesis.
Samakatuwid ang akademikong pagsulat ay isang intelektuwal na pagsulat na nagaangat sa antas ng kaalaman ng mga mambabasa. Hindi ito opsiyon para sa mga
akademiko o propesyonal. Ito ay isang pangangailangan.
Ilan sa mga halimbawa ng mga akademikong teksto ang abstrak, bionote,
panukalang proyekto, talumpati, sintesis at replektibong sanaysay. Bahagi na rin ng
bawat propesyonal ang magsulat ng mga tekstong tulad ng katitikan ng pulong
(minutes of the meeting),posisyong papel, at agenda. Itinuring ding akademikong
sulatin ang photo essay at lakbay – sanaysay o travel essay o travelouge .
13
Ang lente ng karunungan ay ihanda na, sa tibay ng iyong paliwanag
masubok na!
Pagnilayan:
S
Paliwanag Mo, Itala sa Dahon Ko!
Tinalakay sa unahan ang iba’t ibang konsepto ng pagpapakahulugan ng
pagsulat at ang kahulugan ng Akademikong Pagsulat , kaya n’yo na bang ipaliwanag
ang ibig ipakahulugan ng bawat awtor.
Sige nga sipatin natin! Isulat ang nabuong pagpapakahulugan sa hugis dahon
ng pahina.
Mabilin (2012)
Badayos
Keller
Pick at
Buckingham
Donald Murray
14
Dugtungan Mo Ako upang Diwa Ko ay Mabubuo
Sa aking pagkaunawa ang
Akademikong Pagulat ay
________________________________
________________________________
________________________________
________
Tumpak napakahusay! Talagang pinahanga n’yo ako. Ang tatas at katas ng
inyong pagpapakahulugan ay pinagpatibay sa kahusayan ng inyong pagsulat bilang isa
sa mga sandata sa pagtatamo ng karunungan at kaalaman sa tawag ng kompetisyon
sa virtual na mundo.
15
Subukin ang Natutuhan
Tuklas-Dunong !
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano-ano ang kabibahan ng akademikong pagsulat sa personal na pagsulat?
_______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________.
2. Maaari bang gawing malikhain ang akademikong pagsulat? Pangatuwiranan
ang sagot.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________.
3. Bakit mahalaga ang paggamit ng akademikong Filipino sa pagsulat? Ano-ano
ang kabutihang dulot nito sa buhay partikular na sa hinaharap?
______________________________________________________________________________.
4. Naniniwala ka bang dapat ngang kunin ng lahat ng kurso ang asignaturang ito?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________.
5. Bakit mahalagang alamin kung sino ang mambabasa kapag magsusulat ng
akademikong teksto?
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________.
Suri-lapat
Sumulat ng reflective journal upang maipahayag ang natutuhan sa
aralin. Bumuo ng limang talata na may lima hanggang pitong pangungusap.
16
Tayahin
Kaya Ko ‘To
Bumuo ng pick-up lines o hugot lines bilang sintesis hinggil sa kahulugan at
katuturan ng pagsulat.
Subok na ang galing ninyo sa umpisa pa lang ng talakayan. Dapat tandaan
na ang pagkatuto sa mga akademikong sulatin ay nakatutulong ng malaki sa paglinang
sa mga lohikal na pag-iisip, hinasa dito ang kritikal na pag-unawa, paglutas sa mga
suliranin, pagsusuri sa bawat pangyayari at pagtimbang - timbang sa bawat isyu tungo
sa pagkatuto sa mga bagay-bagay.
Maraming salamat sa paglalakbay ninyo sa buong modyul na ito. Nawa’y
anumang batis ng kaalaman ang napitas, ihasik sa isipan at kusang linangin ang
kasanayan sa pagsulat.
17
Palawakin ang Kaalaman
Makatutulong ang mga sumusunod na web sites sa pagpapayaman ng iyong
kaalaman at kasanayan sa akademikong pagsulat.

http://owl.massey.ac.nz./academic-writing/what-is-academicwriing,phpTinatalakay rito ang kahulugan, katangian, at estruktura ng akademikong
pagsulat,

http://owl.englis.purdue,edu,/owl/section/1/2/- Makukuha rito ang mahahalagang
impormasyon tungkol sa mga teknik at pamamaraan sa pagsulat ng
akademikong sulatin.
18
Halimbawang Sagot:
a. Pagsulat ng liham
b. Pagsulat ng karanasan
c. Pagsulat ng buod
d. Pagsulat ng sanaysay
e. Pagbubuo ng iba’t ibang kuwento tulad ng alamat, pabula, kwentong-bayan, metp at iba pang uri ng
kuwento na likhang-isip
f. Pagbuo ng replektib dyornal
g. Pagbuo ng sariling talumpati
h. Pagbuo ng Pamanahong-papel
i.
Pagbuo ng Panimulang Pananaliksis
Tuklasin
Halimbawang Sagot:
a. Pagsulat ng liham
b. Pagsulat ng karanasan
c. Pagsulat ng buod
d. Pagsulat ng sanaysay
e. Pagbubuo ng iba’t ibang kuwento tulad ng alamat, pabula, kwentong-bayan, metp at iba pang uri ng
kuwento na likhang-isip
Pagbuo ng replektib dyornal
Pagbuo ng sariling talumpati
Pagbuo ng Pamanahong-papel
Pagbuo ng Panimulang Pananaliksis
f.
g.
h.
i.
Susi ng mga sagot:
19
Panimulang Pagtataya
Paliwanag Mo, Itala sa Dahon Ko!
Iba-ibang paliwanag ng mag-aaral ayon sa sarili niyang pagkaunawa.
Tuklas-Dunong!
Iba-iba ang sagot
D
B
C
D
B
MALI
MALI
MALI
MALI
TAMA
E.
Pagnilayan
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
D.
Gawain Blg. 1 – Maalaala Mo Kaya!
Concept Web
Iba-iba ang sagot
Dulo ng Bituin
Iba-iba ang sagot
Kahon ng Karanasan
Depende sa angkop na karanasan ng sumulat
Mga Sulating Pang-akademiko:
Abstrak
Sinopsis/Buod
Bionote
Adyenda/Katitikan ng Pulong
Memorandum
Panukalang Papel
Pagsulat ng Replektibong Sanaysay
Lakbay Sanaysay
Pagsusulat ng Talumpati
A.
Tuklasin
B.
C.
C.
Gawain Blg. 1 – Maalaala Mo Kaya!
Concept Web
Iba-iba ang sagot
Dulo ng Bituin
Iba-iba ang sagot
Kahon ng Karanasan
Depende sa angkop na karanasan ng sumulat
Mga Sulating Pang-akademiko:
Abstrak
Sinopsis/Buod
Bionote
Adyenda/Katitikan ng Pulong
Memorandum
Panukalang Papel
Pagsulat ng Replektibong Sanaysay
Lakbay Sanaysay
Pagsusulat ng Talumpati
B.
D
B
C
D
B
MALI
MALI
MALI
MALI
TAMA
Pagnilayan
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
D.
Panimulang Pagtataya
Paliwanag Mo, Itala sa Dahon Ko!
Iba-ibang paliwanag ng mag-aaral ayon sa sarili niyang pagkaunawa.
Tuklas-Dunong!
Iba-iba ang sagot
A.
E.
Susi ng mga sagot:
TALASANGGUNIAN
Arrogante, Jose A. Filipino Pangkolehiyo Kasiningan, Kakayahan, at Kasanayan sa
Komunikasyon. Binagong Edisyon. Mandaluyong City: National Bookstore,
2000.
DIWA Senior High School Series: Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang Akademik
Filipino sa Piling Larang Akademik. Pinagyamang Pluma. Quizon Ave. Quezon City:
Phoenix Publishing House, 2016.
Lorenzo, Carmela, et.al. Sining ng Pakikipagtalastasang Panlipunan. Binagong
Edisyon. Mandaluyong City: National Bookstore, 2010.
Mabilin, Edwin, et.al. Transformatbiong Komunikasyon sa Akademikong Filipino.
Malabon City: Mutya Publishing House: Inc., 2010.
Nebiu, Besim. Developing Skills of NGO’s Project proposal Writin. Szentendre,
Hungary. The Regional Environmental Centerfor Central and eastern Europe,
2000.
Pagsulat sa Pilipino sa Piling Larangan (Isports Teknikal-Bokasyonal).
Metro Manila: Vival Publishing House.
20
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education: DepEd-Cebu Province
Office Address: Sudlon, Lahug, Cebu City, 6000Cebu
Telefax: (032) 255-6405
E-mail Address: cebu.province@deped.gov.ph
21
Download
Study collections