Uploaded by MJ VELASCO

GED117 TALAMBUHAY GROUP 3 M1 QUIZ

advertisement
Ang Talambuhay ni Jose Corazon De Jesus
Jose Corazon De Jesus (Huseng Batute)
Si Jose Corazon De Jesus o “Huseng Batute” ay isa sa mga tanyag na makata noong panahon
ng kolonyalismong Amerikano. pinanganak noong Nobyembre 22, 1896 sa magasawang Vicente De
Jesus at Susana Pnagilinan. Lumaki siya sa bayan ng Santa Maria, Bulacan. Nag-aral siya sa Liceo de
Manila at kumuha ng abogasiya sa Escuela de Derecho. Hindi maalis ang pagiging makata kay sakanya
kaya nag-aral din siya ng humanidades, opera, at piyano sa Unibersidad ng Pilipinas. Bagama’t
nakapagtapos siya ng abogasiya, hindi niya ito pinagpatuloy bilang isang propesyon sa halip ay naging
isang manunulat para sa isang pahayagan.
Bilang Hari ng Balagtasan at Makata ng Pag-ibig
Si Jose Corazon De Jesus ay kilala bilang isang tanyag na makatang Pilipino. Sa edad na 17 ay
nakapaglimbag na siya ng kanyang unang tula na pinamagatang ‘Pangungulila’. Sa pagsusulat niya ng
mga tula sa isang kolum na tinatawag na ‘Buhay Cavite’ sa isang pahayagang tagalog na ‘Taliba’ ay
nahasa niya lalo ang kanyang pagiging makata. Sa ika-24 ng Marso sa taong 1924 sa Instituto de
Mujeres sa Tondo Maynila ay kasama si Huseng Batute, na kung saan siya ay isang pangunahing
manunulat sa Tagalog, na nagpulong upang paghandaan ang kaarawaan ni Francisco Balagtas ang
Ama ng Balagtasang Pilipino. Ang pulong na naganap ay ginawa sa paraan na balagtasan at tatlong
pares lamang ang sumali sa balagtasang ito. Ang pares nina Jose Corazon De Jesus at Florentino
Collantes ang hinangaan ng mga tao at naging matagumpay sa balagtasan na iyon. Mas nakilala ng
mga tao si Huseng Batute dahil sa kanyang galing sa pagtutula. Nakagiliwan ng mga tao ang
balagtasang ito at ginawa itong karaniwang palabas sa mga pinkatanyag na mga teatro sa Maynila.
Taong 1925 sa ika-18 ng Oktubre ay naging magkatunggali si Jose Corazon De Jesus at ang kanyang
noong pares na si Florentino Collantes. Dito ay binansagan na siya bilang Hari ng Balagtasan ng
Manalo siya kay Collantes.
Binansagan din na ‘Makata ng Pag-ibig’ si Jose Corazon De Jesus dahil sa istilo ng kanyang
pagsulat ng mga tula. Makikita ang Romantisismo at Realismo na nakapaloob sa kanyang mga tula.
Pinagsasama niya ang mga ito na kung saan ang mga taong nasa tula ay galing sa totoong buhay at
nagpapakita ng mga damdamin na nakakaakit sa mga mambabasa.
Kontribusyon sa Pagpapalaganap ng Balagtasan
Ng tinaguriang Hari ng Balagtasan si Huseng Batute, naging kilala ito sa buong sambayanan.
Inanyayahan siyang sumubok na umarte sa pelikulang Oriental Blood, kasama ang mga batikang
aktres sina Atang dela Rama at si Carmen Rosales, pati na rin ang sarili niyang anak na si Jose Corazon
de Jesus Jr. Habang ginagawa ang pelikula si Huseng Batute ay nagkaroon ng ulcer at iba pang
komplikasyon na naging sanhi ng kanyang kamatayan noong 26 Mayo 1932. Naiwan ang kanyang
asawang si Asuncion Lacdan de Jesus at ang kanyang tatlong anak na sina Teresa, Jose Jr. at Rogelio.
Ang puso ni Huseng Batute ay ibinigay sa isang museong pampamahalaan kung saan ito ay
ipinriserba hanggang sa inilibing ito sa libingan ng kanyang ina. Bukod dito, ang katawan ng
manunulat ay inilibing sa ilalim ng isang puno sa Cementerio del Norte sa Maynila, ayon sa kanyang
tula na may pamagat “Isang Punungkahoy at ang Akasya”.
Karera sa Buhay at mga Natatanging Likha
Si Huseng Batute ay nakapagsulat ng mahigit apat na libong tula para sa kanyang kolum na
Buhay Maynila. Ang mga likha ni Huseng Batute ay makikita sa iilang inilimbag na magasin at
pahayagan gaya ng Ang Democracia, Taliba, Liwayway, El Debate at Sampagita. Ilan sa kanyang mga
likha ay naging tulang padula sapagkat nilalaman nito ang pagkakaroon ng masidhing damdamin.
Halimbawa nito ay ‘’Ang Puso Ko’’, ‘’Ang Pamana’’, ‘’Ang Panday’’, ‘’Ang Manok Kong Bulik’’, ‘’Ang
Pagbabalik’’ at ‘’Sa Halamanan ng Dios’’ na siyang tanyag at madalas basahin sa mga unibersidad.
Bukod pa riyan ay tanyag din ang kanyang likha na ‘’Ang Pagbabalik,’’, ‘’Barong Tagalog’’, ‘’Bituin at
Panganorin’’ at ‘’Isang Punong Kahoy’’, na pinakapopular na tula noong 15 Abril 1932. Ginamit din
bilang titik para sa makabayang kanta ang tulang ‘’Bayan Ko’’ na naging popular noong panahon ng
rehimeng Marcos, at lumikha din siya ng tulang ‘’Sa Dakong Silangan’’ na naglalaman ng pagtuligsa
laban sa pananakop ng mga Amerikano.
Sa Gitna ng Katanyagan
Sa gitna ng kanyang katanyagan, hindi lamang tungkol sa pag-ibig ang paksa ng mga gawa ni
Huseng Batute. Sinasabing nagkaroon din siya ng bahagi sa paglalahad ng makabayang pagtanaw sa
mga pulitikal na usapin sa lipunan pati na rin sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang mga tula niyang “Bayan
Ko” at “Sa Dakong Silangan” ay ang mga halimbawa nito (Perez, n.d). Patunay ito na hindi lamang siya
sa nakatuon sa paksang pag-ibig kahit na dito siya natatanyag. Hindi rin lamang sa pagsusulat ng mga
tula nakatuon si Huseng Batute. Sinubukan din niyang pumasok sa pulitika at kumandidato sa Sta.
Maria, Bulacan (De Jesus, 2015). Ngunit kahit na siya ay may pambihirang kasikatan noong mga
panahong iyon, hindi siya nanalo sa dalawang beses niyang pagtakbo sa pwesto.
Sa kabila ng kanyang katanyagan, unti-unting dumanas si Huseng Batute ng mga pagsubok sa
buhay. Siya ay nalulong sa mga bisyo at ito ay isa sa mga sanhi ng paglala ng kanyang problema sa
kalusugan (Kawil, 2002). Sa panahon ng kanyang pagkakasakit at panghihina, unti-unting nawala ang
kanyang mga naituring na kaibigan noong nasa rurok pa siya ng katanyagan. Ito ang naging
inspirasyon niya sa pagsusulat ng “Isang Punungkahoy” noong mga panahong iyon.
Mga Huling Taon
Noong Mayo ika-26 sa taong 1932 ay namatay si De Jesus dahil sa ulcer na noong ginagawa
nila ng pelikulang “Oriental Blood.” Pagkatapos niyang mamatay ay ang puso niya ay ibinigay sa isang
museo ng pamahalaan hangga’t ito’y inilibing kasama ang kanyang ina. Si De Jesus ay inilibing din sa
Manila North Cemetery kung saan siya ay inilibing sa ilallim ng isang puno, dahil ang isa niyang hiling
sa tula niyang “Isang Punong Kahoy, ” at “Ang Akasya. ”
SCRIPT:



Summarize
Symbolism
Skit (modern way)
[setting]
[action][skit]
-actorLine:
Download