Republic of the Philippines Department of Education Region IX, Zamboanga Peninsula Private Education Assistance Committee PAGADIAN JUNIOR COLLEGE (PJC), INC. Balangasan District, Pagadian City EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8 Ikalawang Markahang Pagsusulit SY. 2020-2021 NAME: _______________________________________ GRADE & SECTION: ___________________________ I. DATE: _______________ SCORE: ______________ MARAMING PAGPIPILIAN: Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat sa patlang ang tamang sagot. ____1. Naipakikita ng isang tao ang pagnanais ng maayos na ugnayan sa iba kahit hindi niya ito kilala o kasama sa pangkat. a. Pakikitungo b. Pakikisalamuha c. Pakikilahok ____2. Sa antas na ito, naituturing ng isang tao na siya ay hindi iba sa kaniyang kapwa at iisa ang kanilang suliranin, layunin, o gawain. a. Pakikiisa b. Pakikisangkot c. Pakikibagay ____3. Sa antas na ito mayroong pagpapakita ng interes o pagkawili sa mga gawain ng ibang tao kung kaya maaaring ginagawa rin ang nakikitang gawain ng iba gaya ng paglilinis sa sariling bakuran. a. Pakikilahok b. Pakikibagay c. Pakikisama ____4. Ito ay isang malalim na uri ng pakikipag-ugnayan sa kapwa. a. Pakikilahok b. Pakikisangkot c. Pakikipagkaibigan ____5. Sa kaibigan nailalahad at naipakikita ang tunay nating saloobin, _________, at pagkatao. a. Damdamin b. Pagmamahal c. Pakikilahok ____6. Ang pakikipagkaibigan ay binubuo, isinasakilos, patuloy na proseso, at _______. a. Saloobin b. Inuuri c. Damdamin ____7. Ito ay nagbibigay sa iyo ng kapayapaan ng damdamin at kalayaan sa hinanakit. a. Pagpapatawad b. Kalungkutan c. Kalusugan ____8. Ito ay palatandaan ng pakikipagkaibigang batay sa kabutihan at pagmamahal. a. Kalungkutan b. Pagpapatawad c. Kalusugan ____9. Ito ay isang paraan ng pagpapaunlad ng sarili at pakikipagkapwa. a. Saloobin b. Pagpapatawad c. Damdamin ____10. Ito ay ang kasanayang magkaroon ng mataas na kamalayan at epektibong kasanayan upang mapangasiwaan ang emosyon nang may batayang rasyonal para sa pangmatagalang kaligayahan ng tao. a. Emotional quotient b. Interpersonal c. Intrapersonal ____11. Ito ay ang pakikipag-ugnayan sa sarili. a. Emotional quotient b. Interpersonal c. Intrapersonal ____12. Ito ang kakayahang umunawa sa ibang tao. a. Emotional quotient b. Interpersonal c. Intrapersonal ____13. Ang isang mapanagutang ___________ ay may maiaambag sa ikabubuti ng lipunan. a. Lider b. Kaibigan c. Kasapi ____14. Ang mapanagutang lider ay may __________. a. Integridad b. Matapang c. Matalino ____15. Alin sa mga sumusunod ang nagbibigay kahulugan sa salitang “kapwa.” a. Matutong magpahalaga sa ibang tao b. Pagiging pantay at pagkakaroon ng nagkakaisang pagkakakilanlan c. Kinikilala ang dignidad at pagkatao sa ibang tao ____16.Ano ang ibig sabihin sa pahayag na ito, “Upang mapatuloy ang sibilisasyon, kailangan nating linangin ang agham ng pakikipag-ugnayan sa kapwa”? a. Kailangan nating magtulungan upang uunlad ang ating bansa b. Pagmamahal at pagkakaisa ng bawat isa c. Malalim na ugnayan sa sarili at sa kapwa tao upang maging masagana ang bayan ____17.Ano ang ibig sabihin sa pahayag na ito, “Ang magpakatao ay pakikipagkapwa”? a. Ang paggawa ng mabuti na higit pa sa iyong sarili b. Ang pagmamahal sa Dios at pagmamahal sa kapwa c. Nabubuo ang pagkatao sa pagitan ng pagtulong at pagmamahal sa kapwa ____18. Ikaw ay naligaw sa isang lugar na hindi pamilyar sa iyo? Ano kaya ang iyong gagawin? a. Magtatanong ako sa ibang tao na mukhang mapagkakatiwalaan Guro: MR. NIŇO T. SALOMES b. Tatawagan ko ang aking kaibigan upang samahan ako c. Mag-post sa facebook upang malaman ng iyong mga kaibigan na naligaw ka ____19.Bakit mahalaga ang pakikipagkaibigan? a. Dahil ang tao ay likas na nakikiugnay sa iba b. Dahil ang tao ay hindi mabubuhay kung walang kasama c. Dahil ang tao ay makasarili ____20. Ano ang mga tuntunin sa pagpapalalim ng pakikipagkaibigan? a. Pag-unlad b. Pag-uunawaan c. Pagkikita araw-araw ____21. Alin sa mga sumusunod ang tamang kahulugan ng pagpapatawd? a. Pakikipagkapwa b. Pagpapatawad c. Kani-kaniyang tagumgay ____22. Naka epekto sa kalusugan ng tao ang pagtatanim ng sama ng loob sa iba. Alin sa sumusunod ang sumasangayon sa katagang ito? a. Ayon sa pananaliksik ang pagtatanim ng sama ng loob ay nagdudulot ng komplikasyon sa kalusugan b. Kapag ikaw ay hindi nagpatawad ikaw ay magdurusa c. Ang hindi pagpapatawad ay tanda ng magandang kalusugan ____23.Ang kautusan ng Diyos na patawarin ang nagkasala sa atin ay isang malaking hamon. Alin sa sumusunod ang sumasangayon sa katagang ito? a. Madali lamang ang pagpapatawad b. Ang pagpapatawad ay hindi madali c. May kalayaan kang magalit ____24.Tama ang pagpapahayag ko ng damdamin kapag… a. Galit na galit ako b. Sobrang saya ko c. Normal na ang aking pakiramdam ____25.Mali ang pagpapahayag ko ng damdamin kapag … a. Galit nag galit ako b. Normal ang emosyon c. Maraming ginagawa ____26. “Kamalayan sa sarili” Alin sa mga sumusunod ang nagbibigay kahulugan sa parilala? a. Ang pagmamasid sa sarili b. Magsuri sa mga gustong gawin c. Kailiangan ang kasanayan sa sarili ____27. Kung ikaw ay isang lider, anong katangian ang kailangan mong taglayin? a. May integridad b. May negatibong pananaw c. Maraming pera ____28.Bilang isang katrabaho ano-ano dapat ang katangian na taglayin mo? a. Tapat maglingkod b. Huwaran at inspirasyon c. Makipagsapalaran ____29.Bakit kailangan ng tao ang pakikipagkapwa? a. Likas sa tao ang makipag-ugnayan sa ibang tao b. Ninanais ng tao ang maging katanggap-tanggap sa iba c. Ang tao ay nabubuhay para maglingkod sa kapwa ____30.Ang “kapwa” ay isang konsepto na tumutukoy sa ______. a. Pagkakakilanlan batay sa kaniyang pangkat na kinabibilangan b. Pagiging pantay at nagkakaisang pagkakakilanlan ng dalawang tao c. Pagiging bukod-tangi ng isang tao ____31.Bakit ang pakikiisa ang pinakatugatog na antas ng pakikipagkapwa? a. Nagsisimula ang pagbubukas ng sarili sa kapwa b. Ang malasakit ng tao sa iba ay parang malasakit sa kaniyang sarili c. Itunuturing ng isang tao ang kaniyang sarili bilang kasali o kasamang kapwa ____32.Mahalaga ang pagtanggap ng feedback mula sa kapwa sapagkat ______. a. Nagkakaroon ka ng pagkakataon na komprontahin ang kapwa b. Nakatutulong ito upang maibigay ang iyong pangangailangan na makipag-ugnayan c. Nagiging salamin mo sila upang malaman ang iyong mga kalakasan at kahinaan ____33.Ang makabuluhang pakikipagkapwa ay maipakikita sa pamamagitan ng sumusunod maliban sa ______. a. Pagtulong at pakikiramay sa kapwa b. Pagmamalasakit sa kapakanan ng mga nangangailangan c. Pagkagiliw sa mga nakaaangat sa lipunan ____34.Mahalaga ang pakikipagkaibigan sapagkat ito ay _____. a. Nakatutulong sa paghubog ng matatag ng pagkakakilanlan at pakikipag-ugnayan b. Isang paraan upang makasiguro sa pagdamay ng kapwa sa oras ng kagitpitan c. Nagsisilbing interaksiyon upang malaman ang pinakasensitibong impormasyon tungkol sa kapwa ____35.Ang paglalaan ng espasyo sa pagiging magkaibigan ay nangangahulugang ____. a. Mahalaga ang pagkakaroon ng malinaw na pag-uunawaan b. Mahalaga ang pagiging sentimental sa pagitan ng magkaibigan Guro: MR. NIŇO T. SALOMES c. Mahalaga ang pagkakataon para sa sariling pag-iisa ____36.Ang sumusunod ay naglalarawan ng mga tututunin sa pagpapalalim ng pakikipagkaibigan maliban sa ____. a. Bigyan ng sapat na panahon ang iyong pakikipagkaibigan b. Mag-alinlangang sabihin ang iyong pagmamahal c. Magkaroon ng malinaw na pag-uunawaan ____37.Ang talinong pang-emosyon ay natatamo sa pamamagitan ng _______. a. Makatotohanang pagsusuri sa ating emosyon at damdamin b. Mabuting pagtanggap sa emosyon ng kapwa c. Pagbibigay ng totoong reaksiyon sa mga sitwasyon ____38.Bakit mahalagang pamahalaan ang emosyon? a. Upang magkaroon ng maayos na pangangasiwa ng ugnayan sa sarili at sa kapwa b. Dahil ito ay nabibigay ng buhay, kulay at saysay sa buhay ng tao c. Dahil ito ay pagtataya o paghuhusga kung ang pakiramdam ay mabuti o masama ____39.Ang sumusunod ay mga kasanayan para malinang ang EQ bukod sa ______. a. Kakayahang magsuri ng mga gustong gawin at maaaring kalabasan ng gagawing aksiyon b. Kasanayan sa ehersisyo, likhang-isip, at iba’t ibang paraan ng paglilibang c. Kakayahang kimkimin o sarilinin ang mga niloloob o nararamdaman ____40.Kinapalolooban ang talinong pang-emosyon ng mga sumusunod maliban sa ____. a. Kamalayan sa sarili b. Paggalang sa damdamin ng iba c. Paghihikayat sa kapwa ____41.Alin sa mga kasanayan ang hindi nililinang ng EQ? a. Pangangasiwa ng damdamin b. Pag-unawa sa mga suliranin c. Pag-ayos ng salungatan ____42.Ang pagpapatawad ay ang pagbibigay sa taong nakasakit sa iyo ng pagkakataon na ______. a. Maipaliwanag ang kaniyang ginawa b. Mailabas ang kaniyang mga saloobin c. Ituloy ang inyong ugnayan sa isa’t isa ____43.Alin sa sumusunod ang maling pananaw ukol sa pagpapatawad? a. Ang pagpapatawad ay nangangahulugan ng pagkalimot sa maling aksiyong ginawa sa iyo b. Ang hindi pagpapatawad ay tanda ng nakagustuhan mong manatiling biktima ng iyong galit c. Ang pagpapatawad ay nagbibigay ng kapayapaan ng damdamin at isipan ____44.Bakit mahalaga ang pagpapatawad? a. Ang pagpapatawad ay palatandaan ng pakikipagkaibigang batay sa kabutihan at pagmamahal b. Ang pagpapatawad ay isang opsiyon na maaaring piliin bukod sa paghihiganti c. Ang pagpapatawad ay mahalaga upang patuloy na dumaloy ang pagpapala ng Diyos sa ating buhay ____45.Lahat ay tamang paraan ng tunay na pagpapatawad bukod sa _____. a. Tuluyang pagbalewala sa kamaliang ginawa sa iyo b. Pag-amin sa naging kasalanan mo sa kaguluhang nangyari c. Pagdarasal sa Diyos upang makalaya sa matinding galit ____46. Ang _______ ay nalilinang ng tao sa pamamagitan ng kaniyang pakikiisa at pakikibahagi sa mga samahan a. Gampanin at pananagutan b. Talino at kakayahan c. Tatag ng loob at pag-asa ____47.Bilang katrabaho, ang isang tao ay masasabing mapanuri, kung siya ay kinakitaan ng _______. a. Maingat at kritikal na pagpapasiya b. Aktibong pakikilahok sa gawain ng pangkat c. Paggalang sa saloobin at opinion ng iba ____48.Ito ay nagbibigay-palatandaan ng hindi pagsaalang-alang sa kabutihang panlahat. a. Aktibong nakikilahok sa pagpapasiya para sa pangkat b. Nagpapasiya batay sa sariling kagustuhan c. Mabuting ginagampanan ang mga tungkulin ____49.Ang pakikipagkapwa ay nangangahulugan ng ________. a. Pag-aalay ng sarili para sa pag-unlad ng pagkatao ng kapwa b. Pagtanggap sa katotohanan na kailangan ng mga tao ang isa’t isa c. Pagkilala sa nagagawa ng kapwa para sa sariling pangangailangan ____50.Ang pinakamababang antas ng pakikipagkapwa ay ang ______ a. Pakikisalamuha b. Pakikilahok c. Pakikitungo Guro: MR. NIŇO T. SALOMES