Paksa: “Kagalingan sa Paggawa Kasama ang Wastong Pamamahala sa Oras” Kaugnay na Pagpapahalaga: “Pagmamahal sa Trabaho” . Pamantayan sa Pagkatuto (MELCs) 1. Natutukoy ang mga indikasyon na may kalidad o kagalingan sa paggawa ng isang gawain o produkto kasama ang wastong pamamahala sa paggamit ng oras (EsPKPIIIg-10.1/EsP9KPIIIe-12.1) 2. Nakabubuo ng mga hakbang upang magkaroon ng kalidad o kagalingan sa paggawa ng isang gawain o produkto kasama ang wastong pamamahala sa paggamit ng oras (EsP9KPIIIg10.2/EsP9KPIIIe-12.2) (Scene 1)BALIK_ARAL Maraming mga Pilipino ang nakilala hindi lang sa ating bansa kundi sa buong mundo dahil sa kagalingan sa paggawa. Maraming mga bansa ang kumukuha ng kanilang mga manggagawa mula sa hanay ng mga Pilipino. Ano-ano kaya ang taglay na katangian at kagalingan nating mga Pilipino? Ano-ano ang indikasyon ng kagalingan sa paggawa. Halika at ating alamin sa aralin na ito. Gawain 2: Recipe ng Kagalingan sa Paggawa Panuto: Ang isang matagumpay na tao ay may iba-ibang paraan o katangian upang makamtam ang tagumpay. Ngayon bilang simula ng iyong mga hakbang tungo sa pagkamit tagumpay umisip at sumulat ng limang katangian na kinakailangan mo upang maging magaling ka sa iyong pipiliing larangan o trabaho. Gamit ang format sa ibaba isulat ito sa sagutang papel. Mga Gabay na Tanong: 1. Sa iyong palagay, paano makatutulong ang iyong mga naisulat sa paglinang mo ng iyong kagalingan sa paggawa? Ipaliwanag. 2. Kung wala kang taglay na kagalingan sa gawaing tulad nito, ano ang iyong mapapansin sa oras na iyong gugugulin sa panimulang gawaing ito? Gawain 4: Job ko, Love Ko! Sa puntong ito, magsasagawa ka ng isang panayam o interview sa isang taong may hanapbuhay o trabaho. Panuto: 1. Pumili ng isang kapamilya o kamag-anak na may hanapbuhay o trabaho at kapanayamin siya. Isaisip ang mga health protocols maaaring isagawa ang interview sa pamamagitan ng “video-call” kung hindi kasama sa bahay ang iyong napili. 2. Itanong ang sumusunod at itala ang kanilang sagot sa iyong sagutang papel. a. Pangalan b. Hanapbuhay o trabaho c. Naapektuhan ba ng pandemya ang hanapbuhay o trabaho? Kung oo, sa paanong paraan? d. Masasabi mo bang mahal mo ang iyong hanapbuhay o trabaho? Paano mo ito nasabi? e. Paano mo ipinapakita ang pagpapahalaga sa iyong hanapbuhay o trabaho? Mga Gabay na Tanong: 1. Masasabi mo bang may pagmamahal sa trabaho ang taong nakapanayam mo? Paano mo ito nasabi? 2. Sa palagay mo ba ay mahalaga na isabuhay ang pagmamahal sa trabaho? Bakit? 3. Ano ang kahihinatnan ng isang taong nagpapamalas ng pagmamahal sa kanyang hanapbuhay o trabaho? 4. Ano naman ang kahihinatnan ng isang taong walang pagmamahal sa kanyang hanap-buhay o trabaho? Ano nga ba ang Pagmamahal sa Trabaho? Ang pagmamahal sa trabaho ay nangangahulugan ng pagbibigay halaga at pagmamalasakit sa ating hanapbuhay. Sinabi ni Steve Jobs upang makagawa nang mahusay na gawain ay ang mahalin mo ang iyong ginagawa. At ayon pa sa artikulong “How Liking Your Job Will Help You Succeed” na nakapaskil sa webpage ng University of Southern California Dornsife, ang mga taong may pagmamahal sa kanilang trabaho ay sinasabing mas positibo ang pananaw sa buhay, mas ganado sa buhay, mas mabilis matuto, madalang magkamali, at mas mahusay sa paggawa ng pasya. Ngunit nakalulungkot isipin na hindi lahat ng tao ay naisasabuhay ang pagmamahal sa kanilang trabaho. Upang simulan ang pagmamahal sa iyong trabaho, iminungkahi ng cathedralcollege.org sa artikulo nitong “Paano Mahalin ang Iyong Trabaho” ang pagsasagawa ng mga bagay tulad ng: 1. baguhin ang paraan ng pagtatrabaho, kailangan mong gumamit ng isang bagong pamamaraan o baguhin ang iyong diskarte hanggang ito ay maging routine; 2. tumutok sa positibong aspeto ng iyong trabaho. Upang simulan ang pagmamahal sa kanya, kailangan mong makilala kung ano ang gusto mo tungkol sa iyong trabaho; 3. gawing mong kaaya-aya ang iyong lugar ng trabaho hangga't maaari; at 4. maghanap ng mga pagkakataon na maging malikhain. Mahalagang isaisip natin na kung mahal natin ang ginagawa natin, magbibigay ito ng daan upang mapaghusay pa natin ang ating sarili sa anomang gawain. Sa puntong ito, pag-aaralan mo ang kagalingan sa paggawa kasama ang wastong pamamahala ng paggamit sa oras. Sa paggawa ng isang gawain o produkto, hindi sapat ang lakas ng katawan at ang layuning makagawa lamang dahil may mga partikular na kakayahan at kasanayan ang kailangan sa paggawa. Ang pagkakaroon ng propesyon o kursong natapos ay isang salik na dapat isaalang-alang, ngunit hindi lang ito ang kailangan upang makagawa ng isang produkto o gawaing mag-aangat sa iyo bilang tao. Ayon sa “Laborem Exercens” na isinulat ni Pope John Paul II noong taong 1981, ang paggawa ay mabuti sa tao, dahil sa pamamagitan nito naisasakatuparan nito ang kanyang responsibilidad sa sarili, kapuwa, at sa Diyos. Ang kagustuhang maisabuhay ang layuning ito ang nagtutulak sa kanya upang magkaroon nang “Kagalingan sa Paggawa”. sa paggamit ng oras upang makamit at maisabuhay ang kagalingan sa paggawa. 1. Nagsasabuhay ng mga Pagpapahalaga - Ang isang matagumpay na tao ay may tiyak na pagpapahalagang humuhubog sa kaniya upang harapin ang anomang pagsubok na pagdaraanan sa pagkamit ng mithiin. Ang mga pagpapahalagang ito ang nagsisilbing gabay niya upang gumawa ng kakaibang produkto o serbisyo na may kalidad. a. Kasipagan- ito ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain nang walang pagmamadali at buong pagpapaubaya. b. Tiyaga- ito ay ang pagpapatuloy sa paggawa sa kabila ng mga hadlang sa kanyang paligid. Isinasantabi ng taong may tiyaga ang mga kaisipang makahahadlang sa paggawa ng isang produkto o gawain gaya ng pagrereklamo, pagkukumpara ng gawain sa likha ng iba at pag-iisip ng mga kadahilanan upang isagawa ang gawain. c. Masigasig- ito ay ang pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto at siglang nararamdaman sa paggawa ng gawain o produkto. d. Malikhain- ang produkto o gawaing lilikhain ay hindi bunga nang panggagaya ito ay likha ng mayamang pag-iisip. Orihinal at bago ang produkto, bunga ito ng ideyang maging iba at kakaiba. e. Disiplina sa Sarili- ang taong may disiplina ay nalalaman ang hangganan ng kanyang ginagawa at mayroon siyang paggalang sa ibang tao. 2. Nagtataglay ng Positibong Kakayahan- Upang maisakatuparan ang mga mithiin sa buhay at magtagumpay sa anomang larangan, kailangang pag-aralan at linangin ang mga kakailanganing kakayahan at katangian at ang pagkakaroon ng mayamang kaisipan na gagabay sa iyo upang maging sistematiko at malinang ang tatlong yugto ng pagkatuto: a. Pagkatuto Bago ang Paggawa- ang yugto ng paggawa ng iba’t ibang plano na siyang magsisilbing gabay upang maging malinaw ang mga layuning isasakatuparan, paglalarawan ng mga katangian ng tunguhin (goal), pagbuo ng konsepto, pagtataya ng mga istratehiyang gagamitin ayon sa konseptong binuo, pagtukoy ng mga hakbang na gagawin at paghahanda ng mga kagamitang gagamitin, pagkilala sa mga tutulong sa pagsasagawa ng kilos at pagtatakda ng panahon ng pagkilos. b. Pagkatuto Habang Ginagawa- ito ang yugto na magtuturo ng iba’t ibang istratehiyang maaring gamitin upang mapadali ang pagsasakatuparan ng mga tunguhin sa pamamagitan ng pagtatala ng mga konkretong hakbang upang maisagawa ang proyektong napili at mga posibleng kakaharaping problema at posibleng solusyon. c. Pagkatuto Pagkatapos Gawin ang Isang Gawain- ito ay ang yugto ng pagtataya kung ano ang naging resulta ng gawain. Sa yugtong ito ay malalaman mo ang mga posibleng kilos, pagpapasya na dapat baguhin o palitan at panatilihin. 3. Nagpupuri at Nagpapasalamat sa Diyos- ang pinakamahalaga sa lahat upang masabi na ang paggawa ay kakaiba, may kalidad at kagalingan kung ito ay ayon sa kalooban ng Diyos. Kung ang paggawa o produkto ay ginawa bilang paraan ng pagpuri at pasasalamat sa Kanya, at kapag ganito ang natatak sa iyong isipan, pagbubutihan at paghuhusayan mo ang lahat ng iyong gawain at ang balik nito ay pagpapala mula sa Diyos. 4. Pinamamahalaan ang Wastong Paggamit sa Oras- ang taong marunong magpahalaga sa oras ay siyang may mahusay na nagagawa. Hindi siya naaantala o nahuhuli. Nakatatapos siya ng gawain sa takdang oras. Ang pagiging maagap ng tao ay nagpapahiwatig na may pagpapahalaga siya sa oras ng ibang tao. Hindi niya nanaising masayang ang sariling oras pati na rin ang oras ng kaniyang kapuwa. Ang ganitong uri ng tao ay itinuturing ang panahon o oras bilang isang kayamanan. Pagtataya ng Aralin Gawain 7: Kayang-Kaya Mo Ito Panuto: Pliin ang angkop na sagot na hinihingi ng bawat tanong sa mga nakasulat na salita sa kahon. Isulat ang sagot sa linya ng bawat bilang. A. Pagkamalikhain B. Kasipagan C. Pagpupunyagi D. Pope John Paul II E. Paggawa F. Tiyaga _______1. Isang gawain na nangangailangan ng sapat na kasanayan upang ito ay maisagawa. Kailangang may angking kahusayan ang gagawa nito. _______2. Ayon sa kanya ang paggawa ay mabuti sa tao, dahil sa pamamagitan nito naisasakatuparan nito ang kanyang responsibilidad sa sarili, kapuwa at sa Diyos. _______3. Tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain nang walang pagmamadali at buong pagpapaubaya. _______4. Pagpapatuloy sa paggawa sa kabila ng mga hadlang sa kanyang paligid. _______5. Ang produkto o gawaing lilikhain ay hindi bunga nang panggagaya ito ay likha ng mayamang pag-iisip. Orihinal at bago ang produkto, bunga ito ng ideyang maging iba at kakaiba. Panuto: Isulat ang Tama kung totoo ang isinasaad ng pangungusap at Mali kung hindi ito totoo. _______6. Ang pagiging masigasig ay ang nangangahulugan ng kawalang kasiyahan at interes sa ginagawang gawain o produkto. _______7. Ang taong may disiplina ay nalalaman ang hangganan ng kanyang ginagawa at mayroon siyang paggalang sa ibang tao. _______8. Kahit mahal mo ang iyong trabaho o anomang ginagawa, mawawalan ka pa rin ng gana dito at mababalewala ang iyong trabaho. _______9. Mahalaga ang wastong pamamahala sa paggamit ng oras upang makamit at maisabuhay ang kagalingan sa paggawa. _______10. Sadyang napakadaling magtagumpay sa buhay kahit na wala kang mga kakayahan at nalinang na kasanayan. J. Karagdagang Gawain para sa Takdang Aralin Gawain 8: Isang Hakbang sa Pangarap Panuto: 1. Pagnilayan mo ngayon ang iyong natutuhan sa araling ito at ilapat sa iyong mga plano sa hinaharap. 2. Gayahin ang katulad na pormat sa ibaba sa iyong sagutang papel. 11 3. Ilagay sa bahaging Dream Career ang iyong pangarap na trabaho o karera. 4. Sa kaliwang bahagi, isulat ang mga hakbang na iyong isasagawa upang mapaghandaan ang iyong nabanggit na dream career. Isaalang-alang ang wastong pamamahala sa paggamit sa iyong oras. 5. Sa kanang bahagi naman ay isulat mo ang mga paraan kung paano mo maipakikita ang kagalingan sa paggawa sa napili mong larangan. LAUR, NUEVA ECIJA – Nagkaroon ng pasyalan ngayong panahon ng Pandemya ang ating mga kababayan sa bahagi ng Tanawan sa bayan ng Laur, Nueva Ecija kung saan ang mga residente rito ay nagtayo ng mga kubol na restawran at lugar na maaring pagkuhanan ng litrato sa mga naggagandahang tanawin nito. Mayroong mga naglalakihang hugis puso, paruparo,bulaklak, araw, buwan, pugad ng ibon na makikita sa mga bundok na tanawin kung saan dito namamasyal ang mga tao. Ayon sa mga residente rito , maliban sa isa ito sa kanilang pinagkukuhanan ng kita para ikabuhay sa araw-araw, ito ay paraan din ng pagbabahagi nila sa ating mga kababayan ng kagandahan ngkalikasan.Nasa humigit kumulang na 200 tao ang namamasyal dito bawat araw. 1. Script Writer Siya ang lumilikha ng iskrip na ginagamit sa pagbabalita. 2. News Presenter Tinatawag ding field reporter. Sila ang tagapagbalita at tagapanayam. Sila ang madalas na nasa field upang mangalap ng pinakabagong balita. 3. News Anchor Kilala rin bilang announcer. Siya ang pinakakilala ng mga tagapakinig ng radio dahil siya ang nagsisilbing mukha ng himpilan. 4.Technical Director Siya ang namamahala sa ginagamit na sound effects sa kabuuan ng programa. Siya ang katuwang ng News anchor para malaman kung hihinaan o lalakasan na ang tunog ng sound effects. 5. Infomercial Director Siya ang nagbibigay ng makabuluhang mga patalastas na nagtataglay ng impormasyong makatutulong sa mamamayan. Kadalasan ay malikhain at kakatwa ang pagsulat ng iskrip nito upang mapukaw ang atensyon ng manonood. 6. Director Ang nagbibigay ng direksyon sa takbo ng buong programa. Binibigyan niya ng senyas ang mga staff mula sa news anchor hanggang sa technical director . Ipinaaalam din niya kung ilang minuto na lamang ang nalalabi sa kanilang programa. Ipagdiriwang ng inyong barangay ang kapistahan nito/ kaya bilang lider ng mga kabataan/ ikaw ang naatasang maging scriptwriter at news presenter ng inyong pangkat/ para sa pagbabalita sa isang sikat na network, kaya naman lumikha ka ng iskrip ng balita mula sa napapanahong kalagayan ng kapistahan ng inyong barangay. Isulat mo ito sa isang papel.