Uploaded by Maria Cristina Delmo

quarter 3 module 1

advertisement
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VIII
Division of Samar
STA. MARGARITA NATIONAL HIGH SCHOOL
School ID: 303629, Sta. Margarita, Samar
Pangalan:___________________________________
Baitang: ______________________________
Seksyon:____________________________________
Petsa: ________________________________
LEARNING ACTIVITY SHEET IN FILIPINO 7
IKATLONG MARKAHAN
Modyul 1
Kahalagahan ng Ponemang Suprasegmental
Alamin
Ang mga ponemang suprasegmental ay mahalaga para sa mabisang pakikipagtalastasan. Nakatutulong
ito upang maging mas maliwanag at maiparating ang tamang damdamin sa pagpapahayag. Sa modyul na ito,
maipaliliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng ponemang suprasegmental gaya ng tono, diin, at antala.
Layunin
 Naipapaliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng suprasegmental (tono, diin, antala) (F7PN-IIIa-c-13)
Subukin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang
papel.
1. Ito ay tumutukoy sa pagtaas at pagbaba na iniuukol sa pagbigkas ng pantig sa salitang maaaring makapagiba sa kahulugan ng mga salita maging ang mga ito man ay magkapareho ng baybay.
a. Intonasyon
b. Punto
c. Tono
d. Tunog
2. Ang pagsasalita nito ay nagpapahayag ng tindi ng damdamin.
a. Intonasyon
b. Punto
c. Tono
d. Tunog
3. Ito ang tawag sa rehiyonal na tunog o accent.
a. Intonasyon
b. Punto
c. Tono
d. Tunog
4. Ano sa Ingles ang „tunog‟?
a. Accent
b. Articulation
c. Spelling
d. Pronunciation
5. Tumutukoy ito sa haba ng bigkas na iniuukol ng nagsasalita sa patinig ng pantig ng salita.
a. Antala
b. Diin
c. Haba
d. Hinto
6. Ito ay tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita.
a. Antala
b. Diin
c. Haba
d. Hinto
7. Ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ipinapahayag.
a. Diin at Haba
b. Hinto o Antala
c. Intonasyon o Tono
d. Tono at Punto
8. Mahalaga ang ponemang suprasegmental para sa mabisang ___________.
a. Pagsasalaysay
b. Pagtatanong
c. Pangangatuwiran
d. Pakikipagtalastasan
9. Dito ginagamit ang bantas na kuwit at pahilis.
a. Diin at Haba
b. Hinto o Antala
c. Punto
d. Tono
10. Alin sa mga sumusunod na bantas ang ginagamit sa pagsulat ng hinto o antala ng suprasegmental?
a. Kuwit (,)
b. Tandang Padamdam
c. Tandang Pananong (?) (!) d. Tuldok-kuwit (;)
11.Ang ganda ng tula? (nagtatanong / nagdududa). Anong ponemang suprasegmental ang ginagamit sa
pangungusap?
a. Antala
b. Diin
c. Intonasyon
d. Haba
12.Hindi, maganda. (pinasusubalian ang isang bagay at sinabi na maganda ito) Anong ponemang
suprasegmental ang ginamit sa pahayag?
a. Diin
b. Haba
c. Intonasyon
d. Antala
13.Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa kahalagahan ng suprasegmental?
a. Nakatutulong ito sa pagpapakilala ng tamang wika na ginagamit sa pagpapahayag.
b. Nakatutulong ito upang mas maintindihan ang kahulugan ng salitang binibigkas.
c. Matukoy ang kahulugan, layunin, o intensiyon ng pahayag o ng nagsasalita sa pamamagitan ng mga
ponemang suprasegmental.
d. Mahalagang bigkasin nang wasto ang mga ponemang suprasegmental sa pakikipagtalastasan upang
maging wasto ang baybay ng mga salitang isinulat.
14.Ang mga sumusunod ay mga katangian ng ponemang suprasegmental maliban sa isa.
a. Tumutukoy ito sa pagkilala sa tamang kahulugan ng isang salita.
b. Tumutukoy ito sa haba ng bigkas na iniuukol ng nagsasalita ng pantig ng salita.
c. Ito ay saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ipinahahayag.
d. Tumutukoy sa pagtaas at pagbaba na iniuukol sa pagbigkas ng pantig sa salita na maaaring
makapag-iba sa kahulugan ng mga salita maging ang mga ito man ay magkapareho ng baybay.
15.Ang mga sumusunod ay mga kahalagahan ng suprasegmental, maliban sa isa.
a. Nakatutulong ito upang mas maintindihan ang kahulugan ng salitang binibigkas.
b. Nagdudulot ng pagkalito sa mga mambabasa ang paggamit ng suprasegmental dahil nagbabago ang
kahulugan nito depende kung paano ito binibigkas.
c. Sa pakikipagtalastasan matutukoy ang kahulugan, layunin, o intensiyon ng pahayag o ng nagsasalita
sa pamamagitan ng mga ponemang suprasegmental.
d. Mahalagang bigkasin nang wasto ang mga ponemang suprasegmental sa pakikipagtalastasan upang
maging wasto ang baybay ng mga salitang isinulat.
Aralin 1:
Kahalagahan ng Ponemang Suprasegmental
Balakin
Gawain
Panuto: Kilalanin kung anong gamit ng mga pangungusap ang mga sumusunod na pahayag sa ibaba.
Pilin ang sagot sa loob ng kahon at isulat sa sagutang papel.
Padamdam
Patanong
Pakiusap
Pautos
Pasalaysay
Pawatas
1. Ang COVID-19 ay nagdudulot ng malaking pinsala sa buong mundo.
2. Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay sanhi ng virus. Ito ba ay kompermadong totoo?
3. Naku, ang sakit na ito ay nakatatakot!
4. Pakisabi sa mga mag-aaral na mag-ingat at panatilihin ang kalinisan sa kapaligiran.
5. Kunin mo ang gamot na nasa ilalim ng mesa.
Tuklasin
Mayroon kang babasahing isang liham pangkaibigan nang sa gayon ay malaman mo ang kahalagahan ng
ponemang suprasegmental. Pero bago ang lahat, alamin mo muna ang kahulugan at kahalagahan nito.
Ponemang Suprasegmental
 Ito ang ponemang kinakatawan ng notasyon at iba pang simbolong may kahulugan.
 Ito ay mahalaga para sa mabisang pakikipagtalastasan.
 Nakatutulong ito upang maging mas maliwanag at maparating ang damdamin sa pagpapahayag.
1. Intonasyon, Tono, at Punto
Ang intonasyon ay tumutukoy sa pagtaas at pagbaba na iniuukol sa pagbigkas ng pantig sa salita na
maaaring makapag-iba sa kahulugan ng mga salita maging ang mga ito man ay magkapareho ng
baybay.
Ang tono ng pagsasalita ay nagpapahayag ng tindi ng damdamin samantala ang punto naman ay
rehiyonal na tunog o accent.
Halimbawa:
Ang ganda ng tula?
(nagtatanong / nagdududa)
Ang ganda ng tula.
(nagsasalaysay)
Ang ganda ng tula!
(nagpapahayag ng kasiyahan)
Kahalagahan:
 Sa pamamagitan ng tamang pagbigkas at tono ay naipahahayag ang iba‟t ibang damdaming nakapaloob
sa pangungusap.
 Maaaring makapagpahayag ng iba‟t ibang damdamin at makapagbigay kahulugan o makapagpahina ng
usapan.
2. Diin at Haba
Ang haba ay tumutukoy sa haba ng bigkas na iniuukol ng nagsasalita sa pantig ng salita samantala ang
diin naman ay tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita.
Halimbawa:
 /BUhay/ - (life) Ang buhay ng tao at biyaya na bigay ng Panginoon.

/buHAY/ - (alive) Ang bulaklak na sunflower ay buhay na buhay kaya nakaaakit tingnan.
 /TUbo/ - (pipe) Malaki ang tubo ng tubig na ginagamit sa bahay ko.
 /tuBO/ - (sugar cane) Ang tubo ay ginagamit sa paggawa ng asukal.
Kahalagahan:
 Nagkakaroon ang salita ng iba pang kahulugan kahit pareho ang baybay nito.
 Nagbabago ang kahulugan ng salita dahil sa diin.
3. Hinto o Antala
- Ito ay saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ipinahahayag.
-Ang hinto ay paghahati ng salita na gumagamit ng sumusunod na mga pananda tulad ng kuwit o
comma ( , ) at pahilis o slash ( / ).
Halimbawa:
Hindi maganda ang bagay na iyan. (Sinasabing hindi maganda ang isang bagay.)
Hindi, maganda ang bagay na iyan. (Sinasabing ang isang bagay ay maganda.)
Kahalagahan:
 Mas nagiging malinaw ang mensaheng nais iparating sa kausap kapag angkop ang paggamit ng hinto o
antala.
 Nagbabago rin ang diwa ng pangungusap dahil sa hinto o antala.
Kahalagahan ng Ponemang Suprasegmental
1. Mahalagang bigkasin nang wasto ang mga ponemang suprasegmental sa pakikipagtalastasan upang maging wasto ang baybay
ng mga salitang isinusulat at mas maintindihan ang kahulugan ng salitang binibigkas.
2. Sa pakikipagtalastasan, matutukoy ang kahulugan, layunin, o intensiyon ng pahayag o ng nagsasalita sa pamamagitan ng mga
ponemang suprasegmental.
Suriin
Sina Mara at Clara ay matalik na magkaibigan ngunit dahil sa pandemyang nangyayari sa lipunan ngayon ay hindi
na sila masyadong nagkikita. Kaya, naisipan nilang magsulatan na lamang.
Sa hindi inaasahang pangyayari, ang kanilang pagkakaibigan ay nauwi sa bangayan dahil lang sa isang sulat na
ipinadala ni Mara kay Clara.
Ano kaya ang nilalaman ng sulat ni Mara kay Clara? Basahin mo.
Poblacion 1, Calamba, Mis. Occ
Ika-20 ng Hulyo, 2020
Mahal kong Clara,
Kumusta ka na! Natanggap ko ang pinadala mong sulat sa akin. Mabuti naman ang kalagayan ko rito?
Napaluha ako nang nabasa ko ang sulat mo. Nagagalak ka na maging magkaibigan tayo. Hindi ako ang nagagalak na
magkaibigan tayo. Nagpapasalamat ako sa Panginoon na nagtagpo ang ating landas. Marami akong nakilala rito.
May isang tao na aking napalagayang-loob at naging magkaibigan kami. Ikaw marami ka ng mga kaibigan.
Nagmamahal,
Mara
Pagkatapos mabasa ni Clara ang sulat, narito ang naging tugon niya.
Poblacion 3, Plaridel, Mis. Occ.
Ika-21 ng Hulyo, 2020
Mahal kong Mara,
Anong nangyari sa‟yo! Bakit bigla kang nag-iba? Hindi ko nagustuhan ang naging sulat mo sa akin! Hindi ka nagagalak na
ako ang iyong naging kaibigan? Mas mabuti sigurong tapusin na natin ang ating pagkakaibigan. Sa bagay, nag-iba ka na nga
dahil mayroon ka ng nobyo. Hanggang dito na lang.
Ang iyong dating kaibigan,
Clara
Gawain:
Pag-isipan at Sagutin Panuto: Batay sa liham na iyong nabasa, ibigay ang kasagutan sa sumusunod na tanong.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang isinasaad ng mga sinalungguhitang salita at bantas sa liham ni Clara?
a. Ang mga sinalungguhitang salita at bantas ay hindi angkop kaya nagkaroon ng hidwaan ang
magkaibigan.
b. Ang mga sinalungguhitang salita at bantas ay angkop kaya nagkaroon ng hidwaan ang magkaibigan.
c. Ang mga sinalungguhitang salita at bantas ay nagsasaad ng magagandang mensahe.
d. Ang mga sinalungguhitang salita at bantas ay nagpapahayag ng sama ng loob.
2. Ano kaya ang dahilan ng pag-aaway ng magkaibigan?
a. Ang magkaibigan ay nag-aaway dahil sa isang lalaki.
b. Ang magkaibigan ay nag-aaway dahil sa online barter.
c. Ang magkaibigan ay nag-aaway dahil sa maling gamit ng bantas ng mga salita.
d. Ang magkaibigan ay nag-aaway dahil sinabihan siyang nagpositibo sa COVID-19.
3. Kung ikaw si Clara, magagalit ka ba sa sulat na natanggap mo? Bakit?
a. Hindi, dahil matalik ko siyang kaibigan. b. Hindi, dahil naiintindihan ko ang kaniyang sulat.
c. Oo, dahil nasaktan ako sa kaniyang sulat.
d. Oo, dahil may galit ako sa kaniya.
4. Sa bahaging ito, “Hindi ako nagagalak na maging kaibigan mo,” paano mo ito gagawing tama upang hindi
masaktan si
Clara?
a. Hindi, ako ang nagagalak na maging kaibigan mo.
b. Hindi ako, ang nagagalak na maging kaibigan mo.
c. Hindi ako ang nagagalak, na maging kaibigan mo.
d. Hindi ako nagagalak na maging kaibigan mo.
5. “Mas mabuting tapusin na natin ang ating pagkakaibigan.” Ano ang ibig sabihin ng linyang ito?
a. Ayaw ko ng maging kaibigan ka.
b. Ayaw ko / ng maging kaibigan ka.
c. Ayaw / ko ng maging kaibigan ka.
d. Ayaw ko ng maging / kaibigan ka.
Pagyamanin
Gawain Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap na naglalaman ng
parehong salita ngunit magkaiba ng kahulugan. Ibigay ang kahulugan ng bawat salita na maaaring nasa
wikang Ingles batay sa pagkagagamit nito sa pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel. *Ginawa na ang
unang bilang para sa iyo.
1. /buKAS/ pa kaya ang silid-aklatan ngayon? Kung hindi, /BUkas/ na lang ako
pupunta upang magbasa ng mga bagong tula.
/buKAS/ =open
/BUkas/ =tomorrow
2. Hiram lamang ang /BUhay/ ng tao kaya hangga‟t /buHAY/ tayo ay
magpakasaya.
/BUhay/ = __________________
/buHAY/ = __________________
3. /piTO/ sa mga pulis ang gumamit ng /PIto/.
/piTO/ = __________________
/PIto/ = __________________
4. Ang /saYA/ ng mukha ni Charlene dahil nakakita siya ng bagong /SAya/.
/saYA/ = __________________
/SAya/ = __________________
5. Si nanay ay /gaBI/ na nang namitas ng /GAbi/.
/gaBI/ = __________________
/GAbi/ = __________________
Gawain
A. Diin
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod at tukuyin ang diin ng salita sabawat bilang batay sa
kahulugang nakatala sa panaklong. Gamitin ito samakabuluhang pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
*Sundin ang halimbawa sa ibaba.
Halimbawa:
o Kaibigan (friend)
Pangungusap:
Ang tunay na kaibigan ay maasahan sa oras ng pangangailangan.
1. Kaibigan (mutual friend; lover)
Pangungusap:
_________________________________________________________
2. Paso (flower pot)
Pangungusap:
______________________________________________________________
Gawain
B. Haba
Panuto: Basahin ang mga salita. Pagkatapos, bumuo ng mga pangungusap namagkaiba ang kahulugan dahil sa
ponemang suprasegmental na haba.Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. aso
Kahulugan:
Pangungusap:
______________________________________________________________
Kahulugan:
Pangungusap:
______________________________________________________________
2. hamon
Kahulugan:
Pangungusap:
______________________________________________________________
Kahulugan:
Pangungusap:
______________________________________________________________
Gawain
C. Antala
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na mga pahayag at ibigay ang kahulugannito. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
Halimbawa:
Padre, Martin, ang tatay ko.
Simula
Simula
Kahulugan: Ipinakikilala mo ang iyong tatay sa isang pari at kay Martin.
1.Heneral ang tatay ko.
Kahulugan: ____________________________________________________
2. Hindi / bawal ang tumawid sa tulay.
Kahulugan: ____________________________________________________
Gawain D
Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Nagbabago ba ang kahulugan ng mga pangungusap dahil sa ponemang suprasegmental? Ipaliwanag.
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
2. Gaano nga ba kahalaga ang ponemang suprasegmental sa pagbuo ng pangungusap?
_____________________________________________________________
_______________________________________________________
Tayahin
Pagsasanay I
Panuto: Hanapin ang paliwanag sa mga sumusunod na halimbawa ng suprasegmental. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.
1. Sumunod si Annie?
a. nagsasalaysay
c. natutuwa b. nagpapahayag ng damdamin
d. nagtatanong /
nagdududa
2. Sumunod si Annie!
a. nagsasalaysay
c. natutuwa
b. nagpapahayag ng damdamin
d. nagtatanong / nagdududa
3. Sumunod si Annie
. a. nagsasalaysay
c. natutuwa b. nagpapahayag ng kasiyahan
d. nagtatanong /
nagdududa
4. Hindi / ako ang nakapasa sa pasulit.
a. Sinasabi na pasado siya sa pagsusulit.
b. Sinasabi na hindi siya pasado sa pagsusulit.
c. Sinasabi na pasado ang kaniyang kaibigan sa pagsusulit.
d. Sinasabi na nagdadalawang-isip siyang makapasa sa pagsusulit.
5. Hindi ako ang nakapasa sa pasulit.

6. Nagbago na ako.
a. nalulungkot
c. nababahala
b. nagsasalaysay
d. nagtatanong /
nagdududa
7. Nagbago na ako?
a. nalulungkot
c. nababahala
b. nagtatanong / nagdududa
d.
nagpapahayag ng kasiyahan
8. Nagbago na ako!
a. nalulungkot
c. nababahala
b. nagtatanong / nagdududa
d.
nagpapahayag ng kasiyahan
9. Ano ang angkop na kahulugan ng diin?
a. Ito ang bahagyang pagtigil o paghinto sa pagsasalita.
b. Ito ang pagbaba at pagtaas ng tono sa bigkas ng salita.
c. Ito ang lakas o bigat sa pagbigkas ng isang pantig ng salita.
d. Ito ang dahan-dahan at malumanay na pagbigkas ng salita.
10. Saan sa mga pahayag sa ibaba ang nagsasabi ng kahalagahan sa ponemang suprasegmental na diin?
a. Magkaroon ang salita ng iba pang kahulugan at nagiging ibang bahagi ng pananalita.
b. Magkaroon ng pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng salita.
c. Maging malinaw ang mensaheng ibig na ipahiwatig sa kausap.
d. Malaman ang mga tunay na tunog.
11. Ang mga sumusunod ay kahalagahan ng antala o hinto maliban sa isa.
a. Nagbago ang diwa ng pangungusap.
b. Naging malinaw ang mensaheng ibig ipahiwatig sa kausap.
c. Naging malinaw ang mensahe kapag angkop ang paggamit.
d. Naipahayag ang damdaming nakapaloob sa pamamagitan ng maling pagbigkas.
12. Isa sa ponemang suprasegmental ay ang intonasyon kung saan nagbibigay halaga sa pang-araw-araw na
pakikipagtalastasan dahil...
a. maaaring makapagpahayag ng iba‟t ibang damdaming makapagpahina ng usapan
b. maging malinaw ang mensaheng ibig ipahiwatig sa kausap
c. magkaroon ang salita ng ibang kahulugan
d. malaman ang mga tunay na tunog
13. Nais niyang alamin kay Rosie kung siya ang nagbukas ng bag.
a. Rosie / ikaw ba ang nagbukas ng bag ko?
b. Rosie ikaw / ba ang nagbukas ng bag ko.
c. Rosie ikaw ba / ang nagbukas ng bag ko!
d. Rosie ikaw ba ang nagbukas / ng bag ko.
14. Tinitiyak ng guro na si Cita ang nagbukas ng kaniyang bag.
a. Cita, ikaw ang nagbukas ng bag ko!
b. Cita, ikaw ba ang nagbukas ng bag ko?
c. Cita ikaw ba, ang nagbukas ng bag ko?
d. Cita ikaw ba ang nagbukas, ng bag ko.
15. Maaaring makapagpapahayag ng iba‟t ibang damdamin at makapagbigay ng kahulugan o makapagpahina
ng usapan. Ang pahayag na ito ay isa sa mga kahalagahan ng ponemang suprasegmental na __________.
a. Intonasyon
c. Haba
b. Diin
d. Hinto o Antala
Inihanda ni:
Gng. Maria Cristina C. Delmo
Guro sa Filipino 7
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VIII
Division of Samar
STA. MARGARITA NATIONAL HIGH SCHOOL
School ID: 303629, Sta. Margarita, Samar
Pangalan:___________________________________
Baitang: ______________________________
Seksyon:____________________________________
Petsa: ________________________________
UNANG PAGTATASA
PARA SA IKATLONG MARKAHAN
Panuto: Hanapin ang paliwanag sa mga sumusunod na halimbawa ng suprasegmental. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.
1. Sumunod si Annie?
a. nagsasalaysay
c. natutuwa
b. nagpapahayag ng damdamin
d. nagtatanong / nagdududa
2. Sumunod si Annie!
a. nagsasalaysay
c. natutuwa
b. nagpapahayag ng damdamin d. nagtatanong / nagdududa
3. Sumunod si Annie
. a. nagsasalaysay
c. natutuwa
b. nagpapahayag ng kasiyahan
d. nagtatanong / nagdududa
4. Hindi / ako ang nakapasa sa pasulit.
a. Sinasabi na pasado siya sa pagsusulit.
b. Sinasabi na hindi siya pasado sa pagsusulit.
c. Sinasabi na pasado ang kaniyang kaibigan sa pagsusulit.
d. Sinasabi na nagdadalawang-isip siyang makapasa sa pagsusulit.
5. Hindi ako ang nakapasa sa pasulit.
a. Sinasabi na pasado siya sa pagsusulit.
b. Sinasabi na hindi siya pasado sa pagsusulit.
c. Sinasabi na pasado ang kaniyang kaibigan sa pagsusulit.
d. Sinasabi na nagdadalawang-isip siyang makapasa sa pagsusulit.
6. Nagbago na ako.
a. nalulungkot
c. nababahala
b. nagsasalaysay
d. nagtatanong / nagdududa
7. Nagbago na ako?
a. nalulungkot
c. nababahala
b. nagtatanong / nagdududa
d. nagpapahayag ng kasiyahan
8. Nagbago na ako!
a. nalulungkot
c. nababahala
b. nagtatanong / nagdududa
d. nagpapahayag ng kasiyahan
9. Ano ang angkop na kahulugan ng diin?
a. Ito ang bahagyang pagtigil o paghinto sa pagsasalita.
b. Ito ang pagbaba at pagtaas ng tono sa bigkas ng salita.
c. Ito ang lakas o bigat sa pagbigkas ng isang pantig ng salita.
d. Ito ang dahan-dahan at malumanay na pagbigkas ng salita.
10. Saan sa mga pahayag sa ibaba ang nagsasabi ng kahalagahan sa ponemang suprasegmental na diin?
a. Magkaroon ang salita ng iba pang kahulugan at nagiging ibang bahagi ng pananalita.
b. Magkaroon ng pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng salita.
c. Maging malinaw ang mensaheng ibig na ipahiwatig sa kausap.
d. Malaman ang mga tunay na tunog.
11. Ang mga sumusunod ay kahalagahan ng antala o hinto maliban sa isa.
a. Nagbago ang diwa ng pangungusap.
b. Naging malinaw ang mensaheng ibig ipahiwatig sa kausap.
c. Naging malinaw ang mensahe kapag angkop ang paggamit.
d. Naipahayag ang damdaming nakapaloob sa pamamagitan ng maling pagbigkas.
12. Isa sa ponemang suprasegmental ay ang intonasyon kung saan nagbibigay halaga sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan
dahil...
a. maaaring makapagpahayag ng iba‟t ibang damdaming makapagpahina ng usapan
b. maging malinaw ang mensaheng ibig ipahiwatig sa kausap
c. magkaroon ang salita ng ibang kahulugan
d. malaman ang mga tunay na tunog
13. Nais niyang alamin kay Rosie kung siya ang nagbukas ng bag.
a. Rosie / ikaw ba ang nagbukas ng bag ko?
b. Rosie ikaw / ba ang nagbukas ng bag ko.
c. Rosie ikaw ba / ang nagbukas ng bag ko!
d. Rosie ikaw ba ang nagbukas / ng bag ko.
14. Tinitiyak ng guro na si Cita ang nagbukas ng kaniyang bag.
a. Cita, ikaw ang nagbukas ng bag ko!
b. Cita, ikaw ba ang nagbukas ng bag ko?
c. Cita ikaw ba, ang nagbukas ng bag ko?
d. Cita ikaw ba ang nagbukas, ng bag ko.
15. Maaaring makapagpapahayag ng iba‟t ibang damdamin at makapagbigay ng kahulugan o makapagpahina ng usapan. Ang
pahayag na ito ay isa sa mga kahalagahan ng ponemang suprasegmental na __________.
a. Intonasyon
c. Haba
b. Diin
d. Hinto o Antala
Inihanda ni:
Gng. Elma D. Sildo
Guro sa Filipino 7
Ponemang Suprasegmental
 Ito ang ponemang kinakatawan ng notasyon at iba pang simbolong may kahulugan.
 Ito ay mahalaga para sa mabisang pakikipagtalastasan.
 Nakatutulong ito upang maging mas maliwanag at maparating ang damdamin sa pagpapahayag.
Intonasyon, Tono, at Punto
Ang intonasyon ay tumutukoy sa pagtaas at pagbaba na iniuukol sa pagbigkas ng pantig sa salita na
maaaring makapag-iba sa kahulugan ng mga salita maging ang mga ito man ay magkapareho ng
baybay.
Ang tono ng pagsasalita ay nagpapahayag ng tindi ng damdamin samantala ang punto naman ay
rehiyonal na tunog o accent.
Halimbawa:
Ang ganda ng tula?
(nagtatanong / nagdududa)
Ang ganda ng tula.
(nagsasalaysay)
Ang ganda ng tula!
(nagpapahayag ng kasiyahan)
Kahalagahan:
 Sa pamamagitan ng tamang pagbigkas at tono ay naipahahayag ang iba‟t ibang damdaming nakapaloob
sa pangungusap.
 Maaaring makapagpahayag ng iba‟t ibang damdamin at makapagbigay kahulugan o makapagpahina ng
usapan.
4. Diin at Haba
Ang haba ay tumutukoy sa haba ng bigkas na iniuukol ng nagsasalita sa pantig ng salita samantala ang
diin naman ay tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita.
Halimbawa:
 /BUhay/ - (life) Ang buhay ng tao at biyaya na bigay ng Panginoon.

/buHAY/ - (alive) Ang bulaklak na sunflower ay buhay na buhay kaya nakaaakit tingnan.
 /TUbo/ - (pipe) Malaki ang tubo ng tubig na ginagamit sa bahay ko.
 /tuBO/ - (sugar cane) Ang tubo ay ginagamit sa paggawa ng asukal.
Kahalagahan:
 Nagkakaroon ang salita ng iba pang kahulugan kahit pareho ang baybay nito.
 Nagbabago ang kahulugan ng salita dahil sa diin.
5. Hinto o Antala
- Ito ay saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ipinahahayag.
-Ang hinto ay paghahati ng salita na gumagamit ng sumusunod na mga pananda tulad ng kuwit o
comma ( , ) at pahilis o slash ( / ).
Halimbawa:
Hindi maganda ang bagay na iyan. (Sinasabing hindi maganda ang isang bagay.)
Hindi, maganda ang bagay na iyan. (Sinasabing ang isang bagay ay maganda.)
Kahalagahan:
 Mas nagiging malinaw ang mensaheng nais iparating sa kausap kapag angkop ang paggamit ng hinto o
antala.
 Nagbabago rin ang diwa ng pangungusap dahil sa hinto o antala.
Kahalagahan ng Ponemang Suprasegmental
1. Mahalagang bigkasin nang wasto ang mga ponemang suprasegmental sa pakikipagtalastasan upang maging wasto ang baybay
ng mga salitang isinusulat at mas maintindihan ang kahulugan ng salitang binibigkas.
2. Sa pakikipagtalastasan, matutukoy ang kahulugan, layunin, o intensiyon ng pahayag o ng nagsasalita sa pamamagitan ng mga
ponemang suprasegmental.
PROYEKTO SA FILIPINO 7
KOMIKS STRIP
(PONEMANG SUPRASEGMENTAL)
Panuto: Sumulat ng isang diyalogo(KOMIKS STRIP) tungkol sa iyong naging karanasan
kaugnay sa mga paksa sa ibaba. Gumamit ng mga salitang nagtataglay ng iba‟ t ibang
kahulugan dahil sa ponemang suprasegmental na haba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.
Paksa
a. Pananatili sa bahay sa panahon ng pandemya
b. Pagsusuot ng face mask sa pampublikong lugar
c. Social distancing sa pampublikong sasakyan
d. Pamamasyal sa mga ilog o tabing-dagat
e. Pagtulong sa mga gawaing bahay
Paalala: Bago pumili ng isang paksa at lumikha ng isang diyalogo maaari lamang na
pakibasa kung ano ang kahulugan ng ponemeng suprasegmental at mga halimbawa nito. Ito
ay magsisilbi niyong gabay sa paglikha ng isang diyalogo.gumawa ng BOOKLET TYPE mula
sa Ponemang Suprasegmental.
Materyales:
 Lapis/ballpen
 krayola
 Colored paper
Ano ang diaylogo?
Ito ay isang uri ng komunikasyon na tawag sa mga binigkas ng mga karakter o tauhan
sa isang istorya o maaaring sa dulaan o balagtasan. Ito ay nagsisimula sa sining ng
pakikinig. Isa rin itong usapan sa pagitan ng dalawa o mas higit pang tao.
HALIMBAWA:
Download