KABANATA I SULIRANIN AT KALIGIRANG KASAYSAYAN PANIMULA Isa sa mga pinakamahirap na desisyon na gagawin ng isang batang magtatapos sa sekondarya ay ang pagdedesisyon sa kung anong karera ang nais nyang tahakin o kunin sa kolehiyo. Ito ay dapat isaalang-alang ng mga kabataan ngayon sapagkat ang desisyon na iyon ay maakaapekto sa magiging buhay nila pagkatapos ng kolehiyo. Ang dagdag na dalawang taon sa sekondarya auy makakatulong sa paghahanda base sa hahakbangin nilang kurso at bago sila magkolehiyo, masasabi nating mayroon na silang mga napag-isip-isipang mga gusto o interes sa isang kurso kayasila nandiyan sa kanilang mga sariling strand gaya ng : STEM, ABM, HUMSS, GAS o TECHVOC. Maraming salik ang pwedeng makaapekto sa pagpili ng kurso ng bawat mag-aaral. Pwedeng ito ay dahil sa magulang. May mga magulang na kung anong gusto nila ay yun ang kukunin na kurso ng kanilang mga anak at may iba rin halimbawa ay nasa pamilya nila ang pagdodoktor, kailangan lahat ng miyembro ay maging doctor kahit na ang iba ay gusto ng engineering o ibang kurso ang gusto nilang kunin. Ang iba naman ay dahil sa mga kaibigan o mga taong nakapaligid sakanila. Halimbawa ay dahil ayaw mong mahiwalay sa kaibigan mo, kukunin mo ang kursong kukunin nya kahit na ito’y hindi mo gusto. Masarap pag-aralan ang kursong gusto mo at naaayon sa kakayahan mo dahil mas magagawa mo ng tama na maayos ang bawat actibidad na ipapagawa sa iyo. Ang kanilang kinabukasan ay nakasalalay sa kanilang napiling kurso sa kolehiyo at isa in ito sa mga bagay na dapat nilang isaalang-alang. Ngunit minsan ay mayroong pagkakataon na ang mga mag-aaral ay nalilito at nalilihis ang napag-aralan sa kukuhaning kurso sa kolehiyo. Maraming mga negatibong epekto ang mangyayari kapag ang isang mag-aaral ay kumuha ng kursong lihis sa kung anong pinag-aralan noong siya ay senior high school pa lamang. Kaya napakaimportante na dapat tama o angkop ang pipiliing kurso sa strand na pinag-aralan, dahil na rin ito ang layunin ng K-12 program ng Kagawaan ng Edukasyon (DepEd) na hinahanda ang mga mag-aaral sa tatahakin na kurso sa kolehiyo PAGLALAHAD NG SULIRANIN Ang pananaliksik na ito ay nakalaan sa pag-alam sa kung ano ang pananaw ng mga napiling mag-aaral ng Fatima ukol sa mga salik na makakaapekto sa pagpili ng kurso. 1. Sino-sino ang mga nakakaapekto sa mga piling mag-aaral sa pagpili ng kurso? 2. Ano-ano ang mga nakaimpluwensiya sa mga piling mag-aaral sa pagpili ng kurso? 3. Bakit napakahalaga na angkop ang pipiliing kurso sa strand na napili sa senior high school? LAYUNIN NG PAGAARAL Nagsagawa ang mga mananaliksik ng mga layunin na maibabahagi sa ibang tao upang mamulat sa kahalagahan ng pagpili ng kurso. Upang matukoy ang mga nakakaapekto sa pagpili ng kurso Upang matukoy ang mga nakakaimpluwensya sa pagpili ng kurso Upang matukoy ang mga pananaw sa pagpili ng kurso KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL Ang pag aaral na ito ay maaaring makatulong sa mga estudyante sa pag pili sa tamang kurso para sakanila. May ilang hakbang din na makakatulong sakanila para malaman kung tama ba ang tinatahak nila para sa matagumpay na kinabukasan. Mahalaga ang tamang pagpili ng kurso sa kolehiyo sapagkat ito ang magiging tulay sa iyong pagtatagumpay sa buhay. Kapag tama ang kursong iyong pinili at base ito sa kakayahan na iyong taglay magiging masaya ka sa lahat ng iyong ginagawa gayundin hindi ka makakaramdam ng pagod. Kundi lahat ng gawain na ibinibigay sa iyo ay magagawa mo ng buong husay. SAKLAW AT LIMITASYON Ang pag-aaral sa pagbuo ng pananaliksik na ito ay sumasaklaw sa ilang mga piling indibidwal na siyang magiging taga-sagot sa mga tala-tanungan o sarbey kwestyuner. Nakahanap ang mga mananaliksik ng 150 na respondante mula sa mag-aaral ng Our Lady of Fatima University mula sa ika-11 baitang. Ang mga respondanteng napili ay mula sa tatlong strand (ABM, STEM, HUMSS). Pinili ang mga kalahok dahil sila ay mayroong kinalaman o sila ay nasa sitwasyon ng nasabing pag-aaral. DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA BLOG - Ito ay isang magkakasunod na paglalathala ng mga personal na pag-iisip at mga link. Ang isang blog ay pangunahing paraan o isang pahayagan na magagamit sa internet. Ang aktibidad ng pag-update ng isang blog ay "Blogging" at ang isang taong nagpapatakbo ng isang blog ay isang "Blogger". PROKRASTINASYON - Ito ay ang pagkilos ng pagpapaliban; pagtanggal o pag-antala o pagpapaliban sa isang pagkilos sa ibang pagkakataon. Ito ay isang kilos o ugali ng paglalagay sa isang hinaharap na panahon; pagkaantala; pagkabagabag. AWTONOMIYA - Ito ay isang estado ng umiiral o kumikilos nang hiwalay sa iba. : ang kapangyarihan o kanan ng isang bansa, grupo, atbp, upang pamahalaan ang sarili. DATOS - Ito ay ang koleksyon ng mga elemento o mga kaalaman na ginagamit sa mga eksperimento, pagsusui, pag-aaral ng isang bagay. Ito ay mahalagang parte ng ano mang pagsusuri, dahil dito naka salalay ang tiyak na resulta. STEM – Science, Technology, Engineering and Mathematics ABM – Accountancy and Business Management HUMSS – Humanities and Social Sciences GAS – General Academic Strand TECHVOC – Technical Vocational Livelihood KABANATA II MGA KAUGNAY NA LITERATURA BANYAGANG LITERATURA Ayon sa artikulo ni Laurisa White Reyes, 2014 na pinamagatang “MOTIVATING THE LOW-ACHIEVING TEEN” (http://www.education.com/magaz ine/article/Motivating_the_Low-Achieving/), sinabi na ang mga kabataan ay kinakailangang malinaw na makita ang kanilang layunin at sila ay nangangailangan ng suporta mula sa mga magulang at guro. Mayroong anim na pamamaraan upang mabigyan ng motibo ang mga nagsisikap na estudyante sa pagpapanatili ng pagganap, ito ay ang mga sumusunod: (1) Bigyan ng atensyon; (2) Magkaroon ng komunikasyon; (3) Huwag magdahilan; (4) Kilalanin ang mga nakakamit; (5) Ikagalak ang kagalingan; at (6) Huwag kailanman sumuko. Sa blog ni Daniel Moore, 2013 (http://blog_uwgb.edu/adults/what-is-yourdrive-or-motivation-for-going-to-college/), sinasaad na ang rason kung bakit tayo pumasok sa kolehiyo ay importante kahit anong edad pa tayo, pero kasing halaga rin nito ang mga bagay na atingnatutunan tungkol sa ating mga sarili habang tinatapos natin ito. Magmuni-muni at isipin kung paano nagbago nang sarili at motibasyon. Ang pag-iisip at pagbabago ng iyong determinasyon sa bawat oras ay makatutulong upang makaabot ka hanggang dulo. Sa blog ni Tim Tyrell-Smith, 2011 (http://money.usnews.com/money/blogs /outside-voices-careers/2010/12/06/how-to-choose-a-career-thats-best-for-you), binanggit na kung ang pagpili ng karera ay presyon para saiyo. May mga opsyon tulad ng: (1) Pumili ka ng landas na sa tingin mo ay tama sa pamamagitan ng isang pinakamagaling na desisyon na nagawa mo at alam mong hindimakakapagbago ng isip mo sa hinaharap. Ang pagpili ng karera ay kailangan mong mahalin at gustuhin kase ito ang magiging kasangga mo sa buhay. Pansinin na habang dumadaan ang araw may nagbabago: (1) Pangangailangan sa pera; (2) Kalayaan; (3) Pagbalanse sa buhay. Pag-isipan ang mga ideya na ito at gawing paraan sa pagpili ng isang karera na pinakamahusay. Ayon kay Steve Mueller, 2010 (https://www.planetofsuccess.com/blog:2010/how-to-get-motivated-to-study/), inilathala na ang mga mag-aaral na may motibasyon o determinado sa pag-aaral ay mas magiging nadali tapusin ang mga gawain na naka-atas sa kanila. Sinabi rin na mas magiging pokus ang mga mag-aaral at magkaroon ng konsentrasyon kung magiging determinado. Dahil ang pagkakaroon ng paraan upang maging determinado sa pagaaral ay lubos na makatutulong kung nakararamdan ng prokrastinasyon sa panahon ng iyong pag-aaral. Ayon sa artikulo ni Propesor Joe Martin, Ed.D, 2009 na pinamagatang “Getting & Staying Motivated” (https://www.rwuniversity.com/p=96), mayroon lamang isang klase ng motibasyon at ito ay ang sariling motibasyon. Maaaring ang ating kapwa ay makatulong upang tayo ay mawili sa ating paggawa, pero ang totoo ay tayo ay kumikilos para sa ating pangsariling rason at hindi dahil sa rason ng ating kapwa. Sa artikulo ni Ethan Beh, 2009 (https://EzineArticles.com/?expert=Ethan_Beh), isinaad ang limang pinaka epektibong pamamaraan upang mapataas ang motibasyon sa pag-aaral ng kahit sinong mag-aaral. Ito ay ang mga sumusunod: (1) Gumawa ng talaan at mag-aral sa tamang oras; (2) Magsimula sa tulong ng limang minutong hamon, kung sakaling mawalan ka talaga ng gana na mag-aral, planuhin na mag-aral lamang sa loob ng limang minuto at planuhing huminto pagkatapos nito; (3) Simulan sa masayang bahagi, ang mga parte na masasabi mong interesante ay makatutulong upang makapagsimula sa pag-aaral; (4) Tanggalin ang nga distraksyon sa iyong paligid, kapag malapit ka sa telebisyon, cellphone, kama, nga magazine maaring ikaw ay matukso na isantavu muna ang mga aklat, ngunit maari itong maiwasan kung kinakailangan mo pang maglakad ng nalayo sa iyong tahanan upang makapanood ng telebisyon; (5) Magkaroon ng layunin, sa tulong nito mas magihing determinado tayo upang lampasan ang mga hamon at gawin ang ating buong makakaya upang magtagumpay o makamit ang ating layunin. BANYAGANG PAG-AARAL Sa pananaliksik bu Virbickaite, 2013 na isinagawa sa University pf Iceland at pinamagatang “IMPORTANCE OF MOTIVATIONAL FACTORS AMONG STUDENTS AT THE UNIVERSITY OF ICELAND” (https://skemman.is/en/item/view/1946/13678), natuklasang ang motibasyon sa trabaho ay usnag napakalakas na nakapanghihikayat sa mga empleyado uapang taasab ang kanilang pagganap sa trabaho. Kung mas marami ang nga tagapag-empleyo na nakakaalam kung ano ang mga salik para magkaroon ng motibasyon ang kanilang nga empleyado ay maari pang mas higit silang tangkilikin at tunaad ang pagganyak ng mga empleyado at mas mahusay ang kakalabasan. Natulad ang pananaliksik bi Virbickaite sa isinagawang pag-aaal dahil kaugnay dito ang mga paksa sa pag-aaral na tungkol sa salik ng motibasyon. Naiiba naman ang pananaliksik ni Virbickaite sa isinagawang pag-aaral dahil: (1) Ang pag-aarl ay isinagawa sa University of Iceland; (2) Ang mga respondente ay nagmula rin sa nasabing pamantasan; at (3) Isinagawa ang pagkalap ng nga datos sa pamamagitan ng online sarbey. Sa pag-aarl ni Gemern, 2013 na isinagawa sa Bates College sa Lewiston at pinamagatang “ Motivation as the Foundation for Academic Success: The Study of Intrinsic Motivation in Montessori m, Waldorf, and Regio Emilia Classrooms”, (https://www.bates.edu/psychology/thesis/thesis-abstracts/abstract-2013/), natuklasan mg ang mga ekstrinsik na bagay ay hindi epektibo sa mga estudyante na nakukuntento na sa kanilang pag-aaral. Natuklasan rin na kung ang kapaligiran sa silad-aralan ay nagtataglay ng kakayahan upang natural ba mapataas ang motibasyong intrinsik ng mga mag-aaral, at ang mga estudyante ay mas kakikitaan ng otonomya at kakayahan. Natutulad ang pag-aaral na ito sa isinagawang tesis dahil: (1) Tinalakay rin dito ang ilang salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon ng mga mag-aaral upang makapagtagumpay sa pag-aaral; at (2) Ang mga datos ay nakalap rin sa paraang pagsasarbey. Naiiba naman ang pag-aaral ni Gemeren sa tesis na ito sapagkat: (1) Sa tesis na ito ay mas nakatuon sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa napiling kurso ng mga mag-aaral at hindi lamang sa pagpapataas ng akademikong pagganap; (2) Ang pananaliksik na ito ay ginanap sa Pamantasang Centro Escolar sa Makatu; at (3) Ang respondente ay nagmula sa mga estudyante at hindi sa mga guro. Sa pananaliksik nina Olamide at Olawaiye, 2013 na isinagawa sa limang sekundaryang paaralan sa stadi bg Ogun at pinamagatang @The Factors Determining the Choice of Career Among Secondary School Students”. (https://www.theijes.com/papers/v2-i6/Part.2/E0362033044.pdf), natuklasan na ang lahat ng napiling mga sekundaryang paraalan sa lugar bg lokal na pamahalaan ng lkenna at nagkukulang sa serbisyo ng isang konsehal sa karea na nagbunga sa mga estudyante na maisang-tabi sa kanilang napiling karera at ang kanilang mga magulang ay naglalayon ng prehistilyosong karera para sa kanilang anak. Natutulad ang tesis na ito sa nasabing pananaliksik bi Olamide at Olawaiye dahil: (1) Isinasaad din nito ang salik sa motibasyon ng mga magaaral sa kanilang napiling kurso; (2) Ang respondente ay nagmula rin sa mga estudyante; (3) Nakalap rin ang mga datos sa pamamagitan ng pagsasagawa ng isang sarbey. Naiiba naman ang pananaliksik ni Olamide at Olawaiye sa tesis na ito dahil: (1) Ang tesis na ito ay isinagawa lamang sa isang unibersidad at ito ay sa Pamantasang Centro Escolar sa Makati; (2) Ang mga respondente sa nasabing pananaliksik ay nanggaling lamang sa iisang departamenti; at (3) Ang isinafawang pagsasarbey sa tesis na ito ay hindi direkta o sa pamamagitan ng pamamahagi ng kwestyuneyr. Sa pananaliksik ni Kasurkar, 2012, na isinagawa sa Unibersidad ng Utrecth at pinamagatang “Motivation un Medical Students”. (https://dspace.library.uu.nl/handle/1874/234627), natuklasang ang motibasyon ay isang independenteng baryabol sa edukasyong medikal at ang intrinsik na mataas na pagsisikap sa pag-aaral at mahusay na akademikong pagganap. Ang motibasyon din ay isang dependenteng baryabol sa edukasyong medikal at makabuluhang apektado ng edad, kapanahunan, kasarian, karanasabg pang-edukasyon, intrinsik na motibasyon na pinahuhusay sa pmamagitan ng pagbibigay sa mga mag-aaral ng otonomya, katanungan tungkol sa kakayahan at emosyonal na suporta. Natutulad ang pananaliksik ba ito sa isinagawang pag-aaral ni Kasurkar dahil ang paksang tinutukoy ay magkatulad din sa paksang pinag-aaralan. Naiiba naman ang pag-aaral ni Kasurkar sa yesis na ito sapagkat: (1) Ang lugar kung saan isinagawa ang pag-aaral ay sa Unibersidad ng Utrecth; (2) Ang pagpili ng mga respondente ay nakapokus lamang sa iisang kurso; at (3) Ang mga mananaliksik ng tesis na uto ay namahagi ng kwestyuneyr para sa pagkalap ng mg datos. LOKAL NA LITERATURA Ayon kay Mary Joy M. Bautista, 2014 na pimagatang “Pagpili ng Kurso sa Kolehiyo”. (https://bluefilipino.blogspot.com/2013/05/pagpili-ng-kurso-sa-kolehiyo.html), tinukoy na ang pag-aaral ay sadyang hindi biro. Dapat isipin ng bawat estudyante ang tunay na dahilan kung bakit bga ba siya nasa paaralan ... Karaniwan ng naririnig sa mga magulang na ang edukasyon ang tanging yaman na maibibigay sa atin at hindi ito makukuha ng sino man. Sa artikulo ni Arnold Matencio Valledor, 2014 na pinamagatang “Pag-aaral: www.cantanduanestribune.com/article/Knain na Dapat Isubo”. (http://3T28), tinutukoy na: “Ang bawat isang mag-aaral habang nag-aaral ay lumilikha ng mahiwagang susi, ang mahiwagang susi na siyang magbubukas ng pintuan ng magandang buhay na hindi nakalaan para sa sarili kundi sa pamilyang pinagmulan, sa kapwa, sa bayan....” Sa artikulo ni Jayaram V, 2012 na pinamagatang “Ang Kapangyarihan ng Determinasyon”. (https://www.hinduwebsite.com/selfdevt/determination.asp), isinaad na madami na ang sumuko habang ang ilan ay kaya pang labanan hanggang sa katapusan. Maari kang magkamali, ang mga ito ay madalas na para sa natigas ang ulo o suwail, kung itutuloy bila ang kanilang mga layunin sa pagbalewala sa kanilang pag-aaral hindi kaagad makatatapos, kailangan lang ay deteminasyon. Kapansin-pansin ang determinadong tao bilang mga mahihigpit na lider na tapusin ang kanilang kurso. Dapat tayong maging determinadong tao dahil tayong pangarap sa buhay at gustong makamit. Lahat naman ay gustong magtagumpay ang kailangan ay pasensya at mag-aral bg mabuti at unahin ang mas kailangan. Madalas ang mga determinadong tao ay yaong nagtatagumpay. Sa blog ni Jesse Guevara, 2011 na pinamagatang “Ang Motibo Mo” (https://wagasmalaya.blogspot.com/2011/05/anong-motibo-mo.html), sinaad na mayroong limang hakbang sa motibasyon ito ay ang mga sumusunod: (1) Atensyon o pagpansin, ba sinasabing ang pag-ibig ay nagsisimula sa atensyon; (2) Panahon, ganito din sa relasyon, kapag wala kang panahon dito, kusa itong mapapanis at lilipas; (3) Masigasig, wika nga, “kapag nay tiyaga, nay nilaga”; (4) Koneksyon, ang pangunahing sakangkap o elemento ng kaligayahan, kahalagahan, at tagumpay ay nakapaloob lamang sa kapangyarihan ng pagsasama-sama sa isa’t-isa; (5) Laruin, laging seryoso sa lahat ng bagay, nagpapatigas ito ng leeg. Tinalakay naman sa blog nu Ralph Patrick Dy, 2011 na pinamagatang “Determinasyon sa Pag-aaral”. (https://ralphdy.wordpress.com/2011/08/09/determinasyon-sa-pag-aaral/), tinutukoy na: “Sa buhay, madaming provlemang napagdadaanan. Minsan mahirap, minsan madali, Pero, kahit ano pa man iyon, dapat di tayo sumusuko at ipagpatuloy ang ginagawa upang malutad ang problema. Dapat may determinsayon sa loob natin ...” Ayon sa artikulo nu Rocky Rivera, 2010 na pinamagatang “Ano ang Matibay na Gawaing Basehan sa Pagpili ng Kurso sa Kolehiyo” (https://rockyrivera.wordpress.com/2008/11/26/ano-ang-matibay-na-gawaing-base han-sa-pagpili-ng-kurso-sa-kolehiyo/), naniniwala ang mananaliksik na hindi lahat ng tao ay may pagkakataong magkaroon ng magandang edukasyon lalung-lalo na sa Pilipinas dahil sa parulog na nagiging kumplikable ang sistema ng ating ekonomiya para sa ating mga mamamayan dito. Kaya’t ang magkaroon ng pagkakataong makapag-aral sa kolehiyo at pumuli ng kursong kukunin ay hindi dapat ihalintulad sa pagpili ng bibilihing damit na nabili ay pupuwede mong hubarin at ibalik sa pinagbilhan o di kaya ay bawiin ang perang ipinambili, hindi ito maari, dahil ang oras na iyong nagamit ay alam naman nating hindi na maibabalik kung sakaling nagunita mo sa kalagitnaan ng taon na hindi pala ito ang nais mong kurso. LOKAL NA PAG-AARAL Sa pananaliksik nina Andrada at Fernando, 2914 na isinasagawa sa Pamantasang Centro Escolar sa Makati at pinamagitang “EFFECTS OF POSITIVE REINFORCEMENT METHODS ON TEST PERFORMANCE OF COLLEGE STUDENTS”, natuklasan na ang mga papuru bilang positibong karagdagan ay epektibo sa pagpapanatili ng lebel za pagganap, Ngunit hindi ito epektibo sa pagpapataas ng lebel ng pagganap. Natulad ang pananaliksik na ito sa isinasagawabg pag-aaral dahil: (1) Ang positibong karagdagan ay makatutulong rin sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon ng mga kolehiyong mag-aaral sa kanilang kurso; (2) Ang pag-aaral ay isinagawa rin sa Pamantasang Centro Escolar sa Makati; at (3) Ang mga respondente ng pananaliksik ay nagmula sa mga nasa unang taon ng pag-aaral sa kursong sikolohiya. Naiiba naman ang pananaliksik bina Andrada at Fernando sa pag-aaral na ito sapagkat: (1) Ang tesis na ito ay mas nakatuon sa salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa napiling kurso ng nga mag-aaral at hindi lamang sa pagpapataas ng akademikonv pagganap; (2) Ang respondentesa tesis na ito ay nagmula sa mga mag-aaral na nasa kahit anong kurso at taon ng pag-aaral sa Pamantasang Centro Escolar ng Makati; at (3) Ang nga datos sa tesis na ito ay nakalap sa pagsasarbey o pamamahagi ng mga katanungan na nay kinalaman sa paksa at hindi sa pagsasagawa ng mga katanungan ba nay kinalaman sa paksa at hindi sa pagsasagawa bg nga katungan kung saan susukatin ang intelekwal na abilidad ng mga mag-aaral. Ayon sa pananaliksik ni Lorenzo, 2012 na isinagawa sa University of Perpetual Help System Dalta at pinamagatang “CHOOSING A RIGHT COURSE” natuklasang ang pagpili ng kurso sa kolehiyo ay mayroong mga pangunahing pagsasaalang-alang. Una, ang Interes. Ito ang pinaka batayan sa pagsasaalang-alang sa pagpili ng pangunahing kolehiyo o kurso, at siyempre kung ano ang gusto, dahil kaakibat dito ay ang pagkakaroon ng motibasyon sa pagaaral. Pangalawa, ang iyong kakayahan, sa pagpili ng isnag kurso ang pangunahing kailanganun ay ang pagiging pursigido at pagtatasa ng iyong nga kakayahan at mga talento. Natulad ang pananaliksik na ito sa isinagawang pag aaral dahil: (1) Kaakibat dito ang determinasyon sa pagpili ng iyong kurso; (2) Isinagawa ang pagkalap ng mga datos sa panamagitan ng sarbey o interbyu. Naiiba naman ang pag-aaral ni Lorenzo sa pananaliksik na ito sapagkat: (1) Ang pag-aaral ay isinagawa sa University of Perpetual Help System Dalta; at (2) Ang mga respondente ng pananaliksik ba ito ay nagmula sa iba’t uvang kurso sa Pamantasang Centro Escolar sa Makati. Ayon naman sa pananaliksik nina Ceniza, et.al, 2012 na isinagawa sa Pamanstasang Centro ng Escolar at pinamagatang “COMPARISON OF MOTIVATIONAL STATUS, ATTRIBUTION, AND ACADEMIC PERFORMANCE OF 2ND YEAR AND 4TH YEAR REGULAR AND IRREGULAR BS TOURISM STUDENTS OF CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY”’ natukalasang may impluwensiya ang pagkakaroon ng motibasyon, enerhiya, panloob at panlabas na pagpapalagay ng abilidad, pagsisikap, swerte at hamon sa bawat isa ay nakakaapekto sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral. Natutulad ang pananaliksik na ito sa isinagawang pag-aaral dahil ang paksa ng parehong tesus ay parehong may koneksiyon sa motibasyon ng mga mag-aaral. Naiiba naman ang pananaliksik ni Ceniza, et.al, sa pag-aaral na ito sapagkat: (1) Ang lugar ng pinagliksihan ay sa kabilang sangay ng Pamantasang Centro Escolar sa Makati lamang, sa CEU Legazpi Village; at (2) Ang pagpili ng respondentesa pananaliksik ni Ceniza, et.al, ay isang kurso lamang nakapokus. Sa pananaliksik nina Cruz l, et.al, 2011 na isinagawa sa Pamantasang Centro Escolar at pinamagatang “The Relationship Among Academic Self-efficacy, Academic Procrastination, and Academic Performance”, natuklasan na ang mga respondenteng kasalukuyang dumadaan sa pagdadalaga at pagbibinata ay nasa proseso pa ng paghuhulma ng determinasyon sa sarili. Lumabas sa pag-aaral ha ang pangangailangan sa determinasyon sa sarili ng mga estudyante ay dapat makamit upang malaman ang kanilang academic self-efficacy, mabawasan ang prokrastinasyon, at upang paghusayin ang kanilang akademikong pagganap. Natutulad ang tesis na ito sa isinagawang pag-aaral nina Cruz, et.al, dahil: (1) Ito ay patungkol sa relasyon ng determinasyon sa paf-aaral at akademikong pagganap ng estudyante; (2) Ang pag-aaral ay isinagawa din sa Pamantasang Centro Escolar sa Makati; (3) Ang mga respondente ay nagmula rin sa nasabing pamantasan; at (4) Isinagawa ang pagkalap bg nga datos sa pamamagitan ng sarbey. Naiiba naman ang pag-aaral nina Cruz, et.al. sa tesis na ito sapagkat: (1) Nakapokus ang pag-aaral sa akademikong pagganap ng mga estudyante, samantalang ang tesis na ito ay tungkol sa salik ng pagkakaroon bg motibasyon at determinasyon sa pag-aaral; (2) hindi correlational approach ang ginagamit sa tesis na ito. Sa pananaliksik nina Brecia, et.al, 2009 na isinagawa sa University of the East at pinamagatang “Limang Pangunahing Kurso sa Panahong ito” natuklasang ang pagiging in-demand ng mga propesyon ay maaring isa sa mga batayan ng mga estudyante sa pagpili ng kurso. Makatutulong ang mga career talks sa paraan ng pagbibigay ng impormasyon sa mga estudyante tungkol sa kursong malamang ay kukunin ng karamihan at kung maganda nga ba o hindi ang kursong ito. Natutulad ang pananaliksik buna Vrecia, et.al, sa tesis na ito dahil pareho itong mayroong kaugnayan tungkol sa nakukursunadahang kurso ng mga mag-aaral. Naiiba naman ang pananaliksik ni Brecia, et.al, sa tesis na ito dahil: (1) Ang tesis na ito ay isinagawa sa Pamantasang Centro Escolar at hindi sa University of the East; (2) Ang respondente ay nagmula sa mismong lugar king saan ginawa ang tesis na ito; at (3) Isinagawa ang pagkalap ng nga datos ng tesis na ito sa pamamagitan ng survey sheet o kwestyuneyr. Sa pananaliksik nina Aguas, et.al,, 2009 na isinagawa sa Pamantasang Centro Escolar sa Makati at pinamagatang “Self-concept as Correlates of Study Habits ang Attitudes Among Fourth Year Affluent CEU Makati Gil Puyat Students” natuklasan ang relasyon ng satili sa pamamahala ng satiling pamamaraan sa pag-aaral. Ang lebel ng self-concept sa mga estudyante ng CEU na mga 4th year ay karamihan mababa. Ang sariling pamamaran ng pag-aarlal ng mga estudyante sa CEU ay nakabase sa mga salik na tinalakay sa kanilang pananaliksik. Natutulad ang tesis na ito sa isinagawang pananaliksik dahil: (1) Inalam sa pananaliksik ang mga kaugnay na pag-uugali para magkaroon ng disiplina sa pag-aaral na patungo sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa pag-aaral; at (2) Parehong isinagawa ang pag-aaral sa CEU Makati. Naiiba naman ang tesis na ito sa pananaliksik ni Aguas, et.al, dahil: (1) Ang paksang tinutukoy sa pananaliksik ay hindi mismo an motibasyon at determinasyon sa pag-aaral bagkod abg tinalakay at sinubukan ay ang sarili na makapagdisiplina upang magkaroon ng motibasyon at determinasyon sa pag-aaral; at (2) Isang test ang isinagawa ng mga mananaliksik sa pagkalap ng datos sa pananaliksik ni Aguas, et.al. PANANALIKSIK UKOL SA MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA MGA PILING MAG-AARAL NG PAARALANG FATIMA SA PAGPILI NG KURSO Isang Pananaliksik Na Ipinasa kay Bb. Vanessa Gruspe Jhoanna Bunag Kyla Milla Mark De Guzman Richard John Morante Mikeleo Doce Janine Elizabeth Raymundo Florebel Gaton Hazel Anne Saac David Andy Lopez Aira Surigao Disyembre 2019