KABANATA 1 PAGLALAHAD NG SULIRANIN AT SALIGANG PANGKASAYSAYAN 1)Panimula o Introduksiyon Isa sa pinakamahirap na tagpo ng mga mag-aaral ng ika-10 na baitang ay ang pagpili ng kanilang strand sa Senior High School. Ito ay dapat isaalang-alang ng mga kabataan ngayon sapagkat ang desisyon na iyon ay maakaapekto sa magiging buhay nila pagkatapos ng kolehiyo. Ang pagpili ng strand sa Senior High School ay maaring mahirap sa Ika-10 baitang, bagay na dapat nilang gawin sapagkat ang strand na pipiliin nila sa Senior High School ay mayroong dulot at halaga sa pagtungtong nila sa Kolehiyo. Ang dalawang taon sa Senior High School ay makakatulong upang mas mahasa at magkaroon pa ng sapat na oras ang mga mag-aaral sa Ika-10 na baitang. Isang mahalagang desisyon ang dapat isaalang alang ng mga estudyante sa pagpili ng Track sapagkat, nakasalalay dito ang kanilang buhay sa hinaharap. Mahalagang maglaan ng ang mga estudyante sa pagiisip ng gagawing desisyon bago mamili. Ayon sa artikulo ni Laurisa White Reyes, 2014 na pinamagatang “MOTIVATING THE LOW-ACHIEVING TEEN”(http://www.education.com/magaz ine/article/Motivating_the_Low-Achieving/), sinabi na ang mga kabataan ay kinakailangang malinaw na makita ang kanilang layunin at sila ay nangangailangan ng suporta mula sa mga magulang at guro. Mayroong anim na pamamaraan upang mabigyan ng motibo ang mga nagsisikap na estudyante sa pagpapanatili ng pagganap, ito ay ang mga sumusunod: (1) Bigyan ng atensyon; (2) Magkaroon ng komunikasyon; (3) Huwag magdahilan; (4) Kilalanin ang mga nakakamit; (5) Ikagalak ang kagalingan; at (6) Huwag kailanman sumuko Mahalagang pag-aralan ang kasong ito sapagkat dapat tinitiyak na ng mga estudyante ng Ika-10 na baitang ang kanilang mga pipiliing strand para sa Senior High dahil ito ang magsisilbing tuntungang-bato nila tungo sa kanilang mga pangarap. Mahalagang gawin na rin nila kaagad ito upang mapadali ang kanilang pagpili ng kurso sa kolehiyo. Hindi lang dahil sa ito’y madali kundi dapat naayon sa kanilang kagustuhan. Sa Paaralang Japan-Philippine Institute of Technology ay mayroong limang strand na p’wedeng piliin ng ika-10 na baitang una na diyan ang Science, Technology, Engineering, Mathematics (Stem), Accountancy Business Management (Abm), Humanities and Social Sciences (Humss), General Academic Strand (Gas), at ang panghuli ay Technical-Vocational-Livelihood (Tvl). Maraming salik ang pwedeng makaapekto sa pagpili ng strand ng bawat magaaral. Pwedeng ito ay dahil sa magulang. May mga magulang na kung anong gusto nila ay yun ang kukunin na strand ng kanilang mga anak at may iba rin halimbawa ay nasa pamilya nila ang pagdodoktor, kailangan lahat ng miyembro ay maging doctor kahit na ang iba ay gusto ng engineering o ibang strand ang gusto nilang kunin. Ang iba naman ay dahil sa mga kaibigan o mga taong nakapaligid sakanila. Halimbawa ay dahil ayaw mong mahiwalay sa kaibigan mo, kukunin mo ang kursong kukunin nya kahit na ito’y hindi mo gusto. Masarap pag-aralan ang strand na gusto mo at naaayon sa kakayahan mo dahil mas magagawa mo ng tama na maayos ang bawat aktibidad na ipapagawa sa iyo at mas madali kang makakapili ng kurso mo sa kolehiyo. Ang kanilang pagka-wais sa pagpili ng kanilang strand ay magdadala sa kanila sa katagumpayan at mas madali silang makakagalaw at makakasabay. Hindi lahat ay may kakayahang makapag-aral kaya naman sulitin at maging wais na tayo sa pagpili ng strand at kurso na gusto mo natin. Ayon kay Presidente Aquino, kinakailangang madagdagan ng ilang taon ng pag-aaral ang basikong edukasyon. Dahil dito, magkakaroon ng mas magagaling at mas mahuhusay na mag-aaral na maaaring makapasok sa malalaking Unibersidad o maaari ring makapagtrabaho na pagkatapos. Nais niyang madagdagan ng dalawang taon ang pag-aaral ng mga kabataan para sa mas magandang kinabukasan. Ayon sa “Ano ang K+12 at ang layunin nito?” http://www.akoaypilipino.eu/ (04 May 2012), ang K-12 ay ang programang ipatutupad ng pamahalaan at ng kagawaran ng edukasyon na naglalayong tulungan ang ating mga kabataan at ang pantayan ang sistema ng edukasyon, hindi lamang sa buong Asya, kung hindi sa buong mundo. Ang K+12 ay ang karagdagang grades 11 at 12 na nagnanais ihanda ang mga mag-aaral pagkatapos ng high school, kung nais na nilang magtrabaho at hindi agad magtuloy ng kolehiyo, o upang maging handa sa mundo ng pagnenegosyo, o ang mas maging handa para sa kolehiyo mismo. 2) Layunin ng Pag-aaral Ang Layunin ng pag-aaral na ito ay makita ang mga salik na nakakaapekto sa pagpili ng strand ng Ika-10 na baitang sa Paaralang San Jose del Monte Heights High School. At mabigyan ng kasagutan ang salik na patuloy na nakakaapekto sa mga magaaral ng ika-10 na baitang, gamit ang mga datos na manggagaling sa mga respondent. Isinagawa ang Pananaliksik na ito upang sagutin ang ilang katanungan sa isipan ng mga tao lalong lao na sa isipan ng mag-aaral sa ika-10 baitang pangkat-Rizal. Upang matukoy ang mga nakakaapekto sa pagpili ng strand ng Ika-10 na baitang. Upang matukoy ang mga bagay na nakakaimpluwensya sa pagpili ng strand. Upang matukoy ang kahalagahan na angkop ang kukunin na strand sa Senior High School. 3) Paglalahad ng Suliranin Ang pananaliksik na ito ay naka pokus sa “MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA PAGPILI NG TAMANG STRAND NG IKA-10 NA BAITANG PANGKAT RIZAL NG PAARALANG SAN JOSE DEL MONTE HEIGHTS HIGH SCHOOL.” 1. Sino-sino ang nakakaapekto sa piling mag-aaral ng ika-10 baitang sa pagpili ng strand sa Senior High School? 2. Ano-ano ang mga bagay na nakaimpluwensya sa mga piling mag-aaral sa kanilang strand? 3. Bakit mahalaga na angkop ang strand na pipiliin ng ika-10 baitang pangkatRizal sa Senior High School? 4) Kahalagahan ng Gawaing Pananaliksik Ang kahalagahan nito ay malalaman ang mga salik na nakakaapekto sa pagpili ng tamang strand ng ika-10 na baitang pangkat-Rizal. Makakatulong ito upang gabayan ang mga susunod estudyante na mag-babaitang 11 na magdesisyon sa pagpili ng strand na pagaaralan o kukunin sa Senior High School. At magbigay ng karagdagang mga kaalaman o impormasyon sa mga salik na pwedeng makaapekto sa pagdedesisyon ng mga estudyante hinggil sa pagpili ng kukunin na strand. Sa mga Mag-aaral Malalaman nila kung ano ba yung mga salik na nakakaapekto sa kanila pagdating sa pagpili ng strand at makontrol nila ang mga salik na iyon. At malaman ang kahalagahan ng pagpili ng angkop na strand sa Senior High School, upang mas mapadali ang pagpili ng kurso sa kolehiyo. Sa mga Magulang Upang malaman nila kung paano nila naiimpluwensyahan ang kanilang mga anak pagdating sa pagpili ng strand sa Senior High School at suportahan na lamang ang strand na gustong tahakin ng kanyang anak. Sa mga Guro Upang mabigyan ng gabay ang mga estyudante sa ika-10 na baitang at mabigyan ng mahahalagang impormasyon sa mga strand na kukunin ng mga magaaral sa ika-10 na baitang pangkat-Rizal.At mabawasan ang kalituan ng mga estyudante pagdating sa pagpili ng strand. 5) Saklaw at Limitasyon Ang Pananaliksik na ito ay limitado lang sa mga mag-aaral mula sa ika-10 na baitang, kumuha kami ng dalawampu’t lima (25) na respondent mula sa pangkat-Rizal ng Paaralang San Jose del Monte Heights High School na siyang sasagot sa ibibigay na tanong o kwestyuner. Ang pag-aaral na ito ay limitado lamang sa mga iba’t ibang salik na nakakaapekto sa pagdedesisyon ukol sa pagpili ng strand at papasukang eskwelahanpara sa Senior High School ng mga mag-aaral mula sa ikasampung baitang ng San Jose del Monte Heights High School 6) Kahulugan ng mga Terminolohiya Accountancy Business and Management (ABM)- isang strand ng academic track na ang pinag-aaralan ay may kaugnay sa mga kursong accounting at negosyo. Datos- mga impormasyong nakuha General Academic Strand (GAS)- isang strand ng academic track na ang pinagaaralan ang mga ibat-ibang asignatura na may kaugnay sa apat na Track. Humanities and Social Sciences (HUMSS)- isang strand ng academic track na ang pinag-aaralan ay may kaugnayan sa mga kursong abogasya, pulis, midya, at journalizing. Salik – mga bagay na pwedeng nakaimpluwensya sa resulta Senior High School – karagdagang dalawang taon na pag-aaral para sa paghahanda sa kolehiyo Strand– mga ibat ibang paksa ng Track kung nasaan ang kursong gustong pag-aralan ng estudyante. Science, Technology Engineering and Mathematics (STEM)- isang strand ng academic track na ang pinag-aaralan ay may kaugnay sa mga kursong enhinyero, narsing, doctor at siyensya. Technical Vocational Livelihood- isang strand ng academic track na ang pinagaaralan ay may kaugnay sa kursong agrikultura, home economics at kompyuter. K to 12- Ito ang programang ipatutupad ng pamahalaa at ng kagawaran ng edukasyon na naglalayong tulungan ang ating mga kabataan at ang pantayan ang sistema ng edukasyon, hindi lamang sa buong Asya, kung hindi sa buong mundo. Ang K+12 ay ang karagdagang grades 11 at 12 na nagnanais ihanda ang mga mag-aaral pagkatapos ng high school, kung nais na nilang magtrabaho at hindi agad magtuloy ng kolehiyo, o upang maging handa sa mundo ng pagnenegosyo, o ang mas maging handa para sa kolehiyo mismo. Sarbey kwestyuner – tala ng mga katanungan sa pasasagutan sa mga respondente. Respondente –tao na siyang tutugon sa katanungan ng sarbey, at siyang sentro ng pananaliksik 7) Konseptuwal na Balangkas Mga pipili ng strand at paaralang Mga salik na nakakaapekto sa pagpili papasukan ng ika-10 na baitang o pagdedesisyon ng ika-10 na baitang pangkat-Rizal ng Paaralang San Jose pangkat Rizal sa kanilang Strand del Monte Heights High School sa Senior High. Pagbibigay patnubay at gabay sa Pagtitimbang ng pinamabigat na salik susunod na mag-aaral ng ika-10 na kung bakit nga ba nahihirapan ang ika-10 baitang ukol sa pagpili ng strand at na baitang sa pagpili ng kanilang strand o magbigay ng rekomendasyon sa mga sa Senior High School. susunod na Ika-10 na baitang