Uploaded by Ian Santos B. Salinas

SEMI-DETAILED LP

advertisement
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
School Division Office of Olongapo City
Sergia Soriano Esteban Integrated School II-Coral
Purok 6, Coral Road, Barangay Kalaklan, Olongapo City, Zambales
BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
(Pakitang Turo)
I. LAYUNIN
16.1 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng kasipagan sa
paggawa
16.2 Ang mga mag-aaral ay nakagagawa ng mga hakbang upang mapanatili ang
kasipagan sa pag-aaral o takdang gawain sa tahanan
16.4 Napapahalagahan ang mga tamang paraan sa paggawa at paggamit ng kapangyarihan.
16.3 Nakabubuo ng matatag na posisyon tungkol sa mga isyu sa paggawa at paggamit ng
kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng gawaing panunumpa at pagbubuo ng
isang makabuluhang informational poster.
II. NILALAMAN
Paksa: Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala sa
Naimpok
Sanggunian: Gayola, Sheryll T., et. al. 2015. Department of Education. Edukasyon sa
Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang, Modyul para sa Mag-aaral: DepEd
5
th Floor Mabini Bldg. DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City.
p.162-177
Most Essential Learning Competencies (MELC) K to Grade 12 S.Y. 2020-2021
Kagamitan: Sangguniang Aklat: Edukasyon sa Pagpapakatao 10, LCD at Laptop, mga
ginupit na puso
III. PAMAMARAAN
A. Paunang Pagtataya
Sumangguni sa EsP 10 Modyul 16 pahina 98-100
B. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN
Gawain 3: Cellphone ng Pagtitipid at Pag-iimpok
Panuto:
1. Isulat sa mga kahon na nasa “cellphone” ang iilan sa iyong mga realisasyon na
nais mong isakatuparan upang maipamalas ang mga angkop na kilos sa pagtitipid at
pag-iimpok. Ilipat ang guhit sa inyong sagutang papel.
2. STOP para sa mga gawaing nais mong itigil, PAUSE para sa mga gawaing nais
mong pag-isipan o pagnilayan kung aalisin mo o ipagpapatuloy mo, PLAY para sa
mga gawaing nais mong ipagpatuloy sa kasalukuyan at NEXT para sa mga aksyong
plano mo pang gawin para ikaw ay makatipid at makapag-impok.
Mga Gabay na Tanong:
1. Ano ang inyong naramdaman mula sa katatapos na gawain?
2. Ano ang naramdaman ng mga nabigyan o naabutan ng tinapay? Ano naman ang
naramdaman ng mga hindi naabutan ng tinapay?
3. Sa inyong palagay, nangyayari ba ang mga ganitong pagkakataon ng lamangan sa ating
kapwa sa panahon ngayon? Ipaliwanag ang inyong kasagutan.
C. PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA
Gawain 4: Pagsusuri ng Maikling Kwento
Panuto: Basahin at pagnilayan ang maikling kwento tungkol sa Aral ng Damo at
sagutin ang mga gabay na tanong sa ibaba.
Ang Aral ng Damo
May anghel na galing sa langit na nagbisita upang tiyakin kung tunay ngang ang lahat ng
nilalang sa kagubatan ay nasisiyahan.
“G. Punongkahoy, ikaw ba’y maligaya?” tanong ng anghel.
“Hindi.” Ang sagot sa tinig na walang sigla, “sapagkat ako’y walang bulaklak.”
Ang anghel ay nagpunta sa bulaklak upang magsiyasat. “Bb. Bulaklak, ikaw ba’y maligaya
sa iyong paligid?”
“Hindi ako maligaya sapagkat wala akong halimuyak. Masdan mo ang gardenia banda
roon. Siya’y umuugoy sa amihan. Ang kanyang bango na taboy ng hangin ay kahali-halina!”
Ang anghel ay nagpunta sa gardenia upang mabatid ang damdamin nito. “ Ano ang
masasabi mo sa iyong halimuyak?”
“Ako’y hindi nasisiyahan. Wala akong bunga. Naiinggit ako sa saging! Iyon, siya’ y
natatanaw ko. Ang kanyang mga piling ay hinog na!”
Ang anghel ay lumapit sa saging, nag magandang-araw at nagtanong, “G. Saging,
kumusta? Ikaw ba’y nasisiyahan sa iyong sarili?
“Hindi. Ang aking katawan ay mahina, hindi matibay na tulad ng sa narra! Pag malakas
ang hangin lalo’t may bagyo, ako’y nababali! Nais ko sanang matulad sa Narra!”
Nagpunta ang anghel sa Narra at nagtanong, “Anong palagay mo sa iyong matibay na
puno?
“Sa ganang akin, gusto ko pa ang isang damo! Ang kanyang mga dahon ay matutulis. Ang
mga ito’y nagsisilbing proteksiyon!” pakli ng Narra.
Ang anghel ay nagpunta sa damo. “Ayaw kong mamulaklak. Walang kwenta ang bunga.
Ayaw ko rin ng matibay na puno. Gusto ko’y ako… hindi nananaghili kaninuman pagkat
maligaya!
Gawain 1 (Rescue the President)
Panuto: Magbibigay ng isang sitwasyon ang guro tungkol sa pagkakabihag ng Pangulo ng
Pilipinas. Ang bawat pangkat ng mga mag-aaral ay aatasan upang maging “Rescue Squad” at
sagutin ang mga sumusunod na hidden codes upang mailigtas ang pangulo. Kinakailangan
magtulungan ang bawat kasapi ng bawat pangkat upang mailigtas ang kanyang buhay.
Gabay na Tanong:
1. Ano ang inyong naramdaman mula sa katatapos na gawain?
2. Anu-ano ang mga salitang nabuo? Anu-ano ang inyong opinyon tungkol sa mga
salitang nabuo?
3. Sa inyong palagay, ang mga ito ba ay tunay na nangayayari sa kasalukuyan?
Ipaliwanag.
D. PAGPAPALALIM
I.Panimula
II.Mga Isyu sa Paggawa
1.Paggamit ng oras at Paggamit ng kagamitan sa trabaho
2.Sugal
3.Game of Chance
4.Conflict of interest
4.1Pinansyal na interes
4.2 Mga regalo at paglilibang, at presentasyon ng dilemma
III.Kahulugan ng Kapangyarihan
IV.Mga Isyu sa Paggamit ng Kapangyarihan
1.Korapsiyon
2.Suhol
3.Pakikipagsabwatan
4.Nepotismo
V.Mga Hakbang sa Tamang Paggamit ng Kapangyarihan
IV. EBALWASYON
Paghinuha ng Batayang Konsepto
*Paggamit ng “Coat of Learning” bilang pagsasagawa ng Paghinuha ng Batayang Konsepto
V. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO
E. PAGSASABUHAY
E.1 PANUNUMPA NG ISANG MAG-AARAL
Panuto:
a. Bibigyan ng guro ang bawat mag-aaral ng mga colored paper na hugis
kamay. Bawat mag-aaral ay susulat ng kanilang pangako laban sa
katiwalian at pagsasawalang-bahala ng paggawa.
b. Matapos na maisulat sa colored papers ang kanilang mga pangako ay
sabay sabay na tatayo ang bawat mag-aaral upang bigkasin ang sipi ng
panunumpa na nasa inilaang cartolina sa pisara.
c. Matapos manumpa ay aatasan ang mga mag-aaral upang isa-isang idikit
ang kanilang mga colored papers sa cartolinang inilaan ng guro.
E.2 PANGKATANG GAWAIN: PAGGAWA NG INFORMATIONAL POSTER)
Panuto: Gamitin ang iyong mga natutunan sa paggamit ng Microsoft Publisher 2010,
Gumawa ng isang “Informational Poster” bilang pagsasabuhay ng iyong natutunan
mula sa katatapos na paksa.
Ang desktop publishing tool ay ginagamit upang makalikha ng newsletters,
brochures, flyers, advertisement poster at libro. Ang MS Publisher at Adobe
InDesign ang ilan sa mga kilalang desktop publishing tool. Isa ang poster na
maaaring magawa gamit ang tool na ito. Ito ang ilang patnubay sa paggawa nito.
a. Pag-isipang mabuti ang magiging disenyo ng iyong poster. Maaari mo itong iplano
muna gamit ang papel at lapis.
b. Kung nangangailangan ng mga larawan ay tiyaking nakahanda na ang mga ito.
Hangga’t maaari ay kumuha o gumuhit ng sariling mga larawan. Kung talagang
kailangang i-download ang isang clip art o photo na natagpuan sa internet,
siguraduhin lamang na ito ay walang copyright protection o nakapagpaalam sa mayari nito bago gamitin.
c. Maaaring gumamit ng mga hugis, clipart, borders at wordart upang mas lalong
mapaganda pa ang poster.
d. Magsama rin ng mga aktuwal na larawan ng produkto o serbisyo upang lubos na
mahikayat ang mga mamimili.
VI. TAKDANG ARALIN
Panuto: Sagutin at pagnilayan ang mga tanong. Isulat sa isang malinis na bond paper
ang inyong mga kasagutan.
1. Bilang mag-aaral sa Baitang 9, paano ko mapatatatag ang mga positibong
katangian ko na magiging kapital ko sa aking pagharap sa mga isyu sa paggawa?
2. Paano ko dapat paglabanan ang mga isyu sa paggamit ng kapangyarihan na
mapangibabaw ko ang pagiging mapanagutang paglilingkod?
Inihanda ni:
IAN SANTOS B. SALINAS
Dalubguro I
Binasang Nilalaman:
MARIA TERESA D. LUMIBAO
Punong-Guro I
Download