Uploaded by Ian Santos B. Salinas

Grade 10(2)

advertisement
Sangay ng Mataas na Paaralang Panglungsod
Region III
SANGAY NG LUNGSOD NG OLONGAPO
Lungsod ng Olongapo
Ikatlong Markahang Pagsusulit sa EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10 (STE Curriculum)
Panuruang Taon 2016 – 2017
PANGALAN: ________________________________________________________ PANGKAT: ______________ ISKOR: ____________
I. Panuto: Tukuyin ang hinihingi ng mga sumusunod. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon sa itaas.
Buddhismo
Pinanggalingan
Pananalangin
Nasyonalismo
Global Warming
Pagdarasal
Pagpapahalaga sa Buhay
Patriyotismo
Kristiyanismo
Sarili
Kalikasan
Pagmamahal sa Bayan
Preamble
RA 10535
Islam
Climate Change
_____________1. Ano ang kahulugan ng “pater” na pinagmulan ng salitang “patriyotismo”.
_____________ 2. Sa edad mo ngayon, sino ang may pinakamabigat na pananagutan kung ikaw ay magkamali sa pagpapasya at maligaw
ng landas?
_____________3. Ito ay tumutukoy sa personal na ugnayan ng tao sa Diyos?
_____________ 4. Ito ay tumutukoy sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa Diyos kung saan siya ay nakapagbibigay papuri,
pasasalamat, paghingi ng tawad at paghiling sa Kanya?
_____________ 5. Isa sa mga pagpapahalaga na indikasyon ng pagmamahal sa bayan na tumutukoy sa pagpapanatili ng isang malusog na
pangangatawan at isipan.
_____________ 6. Itinuturo sa pananampalatayang ito ang limang takdang pagdarasal sa araw-araw.
_____________ 7. Dito hinango ang mga pagpapahalaga na indikasyon ng pagmamahal sa bayan ayon sa dimensiyon ng tao.
_____________ 8. Tumutukoy ito sa mga ideolohiyang pagkamakabayan at damdaming bumibigkis sa isang tao at sa iba pang may
pagkakapare-parehong wika, kultura at mga kaugalian o tradisyon.
_____________ 9. Isinasaalang-alang nito ang kalikasan ng tao. Kasama rito ang pagkakaiba sa wika, kultura at relihiyon na kung saan
tuwiran nitong binibigyang-kahulugan ang kabutihang panlahat.
_____________ 10. Ito ay mas kilala bilang Philippine Standard Time
_____________ 11. Ito ay tumutukoy sa lahat ng nakapaligid sa atin na maaring may buhay o wala.
_____________ 12. Ito ay malawakang pag-iiba-iba ng mga salik na nakaaapekto sa panahon na nagdudulot nang matinding pagbabago sa
pangmatagalang sistema ng klima.
_____________ 13. Ito ay tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng temperature bunga ng pagdami ng tinatawag na green house gases lalo
nang carbon dioxide sa ating atmospera.
_____________ 14. Ayon sa katuruan ng pananampalatayang ito, ang Diyos ay nasa ating lahat sa bawat pagkakataon ng ating buhay.
_____________ 15. Ayon sa katuruan ng pananampalatayang ito, ang paghihirap ng tao ay nag-uugat sa kaniyang pagnanasa.
II. Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag at itiman ang bilog sa tabi ng pinakatamang sagot.
1. Paano nakahahadlang ang pandaraya at pagkamakasarili sa pag-unlad ng bayan gayundin sa pagka-Pilipino natin?
a. Nakaaapekto ito sa mabuting pakikipagkapwa
b. Masamang matutunan ito ng mga batang Pilipino
c. Nawawala ang kapayapaan sa bayang sinilangan
d. Hindi ito nagpapahayag ng pagmamahal sa bayan
2. Bakit mahalagang mahalin ng bawat Pilipino ang kanilang bayan?
a. Nakilala siya ng mundo dahil sa talino at angking kagalingan na hinubog sa kaniyang bayang sinilangan
b. Dito tinatanggap at iniingatan ang tao ng kaniyang mga mahal sa buhay upang hubugin ang kaniyang mga kakayahan
c. Utang natin sa ating bayang sinilangan ang kalayaan at pagkakataong hubugin ang ating pagkatao
d. Biyaya ng Diyos ang pagkalooban ang tao ng kaniyang mga mahal sa buhay upang hubugin ang kaniyang mga kakayahan
3. Paano mo maisasagawa ang programang magsusulong ng pangangalaga sa kalikasan?
a. Makikipag-ugnayan at gumawa ng isang masusing pag-aaral upang makapagsagawa ng isang makabuluhan at
epektibong gawaing pangkalikasan
b. Magkakaroon ng takot sa batas at sa Diyos na nagkaloob nito
c. Ipatutupad ang batas sa pamamagitan ng dagdag na pagmumulta sa bawat paglabag dito
d. Hihikayatin ang bawat indibidwal na magtanim at makiisa sa isang gawaing makakalikasan.
4. Paano dapat ipakita ng tao na pinahahalagahan niya ang kalikasan sa mga bagay na kaniyang ginagawa?
a. Nakikiisa sa mga programang nagsusulong ng industriyalisasyon gaya ng cole mining at road widening
b. Gumagawa ng mga konkretong paraan upang matulungan ang sarili at ang kaniyang kapwa na maiwasan
ang pagkawasak ng kalikasan sa pagtatamo ng kaunlaran
c. Ginagawa ang tungkulin bilang isang mamamayang tagapangalaga ng kalikasan kahit na ito ay mapag-iwanan ng pag-unlad at
panahon
d. Nagpapatupad ng mga batas na ayon sa pangangailangan ng kalikasan na ipinagkatiwala sa kanya
5. Araw-araw ay nagsisimba si Fatima at hindi nakakalimot na magdasal. Ngunit kahit na ganito ay nagiging palaaway pa rin siya sa
kaniyang mga kamag-aral. Nagsasabuhay ba si Fatima ng kaniyang pananampalataya?
a. Oo, dahil ang kaniyang pagiging madasalin ay higit na ikinatutuwa ng Diyos
b. Hindi, dahil siya ay palaaway
c. Oo, dahil ginagawa naman niya ang kaniyang tungkulin sa Diyos
d. Hindi, dahil balewala ang kaniyang ugnayan sa Diyos kung hindi maganda ang ugnayan niya sa kaniyang kapwa
6. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit kailangan ng tao na mahalin at pangalagaan ang kalikasan?
a. Sa kalikasan nakadepende ang mga hinahanap ng tao dahil sa biyayang taglay nito
b. Ang kalikasan ay kakambal ng kanyang pagkatao; ito ang bubuhay sa kanya at bilang kapalit, kailangan niya
itong alagaan at pahalagahan
c. Sa kalikasan nanggagaling ang mga materyal na bagay na bumubuhay sa kanya
d. Responsibilidad itong ipinagkatiwala sa kanya na dapat niyang gampanan
7. Alin ang hindi angkop na kilos ng nagmamahal sa bayan?
a. Paggawa ng paraan upang makatulong sa mga problema ng bansa
b. Pagsisikap makamit ang mga pangarap para gumin hawa ang sariling pamilya
c. Pag-awit ng Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad
d. Pagiging tapat sa sarili, sa kapuwa, sa gawain at sa lahat ng pagkakataon
8. Mahal na mahal mo ang iyong mga magulang. Isang araw ay nakatanggap ka ng balita na naaksidente sila at agaw-buhay sa hospital.
Hindi ka nakakalimot tumawag sa Diyos. Sa katunayan ay araw-araw kang nagdarasal at nagsisilbi sa inyong simbahan. Ngunit binawian
din ng buhay ang iyong mga magulang. Ano ang gagawin mo?
a. Itatanong sa Diyos kung bakit nangyari ito
b. Hindi na maglilingkod sa simbahan
c. Tatanggapin ang kalooban ng Diyos
d. Hahanap na lamang ng ibang aanibang relihiyon
9. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggamit sa kalikasan bilang isang kasangkapan?
a. Pagputol ng mga puno at pagtatanim muli ng mga bagong binhi
b. Pagkamalikhain at responsibilidad sa gagawing pagbabago sa kapaligiran
c. Paggamit sa lupain na may pagsaalang-alang sa tunay na layunin nito
d. Malawakang paggamit ng mga kemikal upang mamakuha ng maraming ani
10. Ang nagsasabi na iniibig ko ang Diyos subalit napopoot naman sa kaniyang kapatid ay sinungaling. Ang pahayag ay ________.
a. Mali, dahil maipapakita ang pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng pagdarasal at pagsisimba
b. Tama, dahil dapat na mahalin ang kapwa
c. Mali, dahil ang pagmamahal sa Diyos ay maipapakita sa mabuting ugnayan sa Kanya
d. Tama, dahil maipapakita lamang ang tunay na pagmamahal sa Diyos kung minamahal din ang kapwa
11. Alin ang pinakamakabuluhang paraan ng pagpapakita sa pagsusulong ng kabutihang panlahat bilang pagmamahal sa bayan?
a. Pagsasaalang-alang ng kabutihan para sa kapakanan ng sarili at pamilya
b. Sama-samang pagkilos para sa kapakanan ng nakararaming kababayan
c. Pagsasaalang-alang ng kabutihan ng mga kababayang nangangailangan sa mga panahon ng unos at pagsubok
d. Sama-samang pagkilos upang mahikayat ang lahat na lumahok sa mga pagkakataong kinakailanagan para sa
ikabubuti hindi lamang ng sarili, pamilya kundi ng lahat.
12. Alin ang pinakamakabuluhang paraan ng pagpapakita ng pag-aaral ng mabuti bilang pagmamahal sa bayan?
a. Sa pamamagitan ng pag-aaral maaring makapangibang bansa upang matulungan ang sariling pamilya
b. Sa pamamagitan ng pag-aaral, ang isang taong may pinag-aralan ay hindi kailanman mag-iisip na gumawa
ng anumang paglabag sa mga batas na ipinatutupad sa kaniyang bansa
c. Sa pamamagitan ng pag-aaral, ang kanyang natututuhan ay gagamitin niya upang hanapan ng solusyon ang
mga problemang kinakaharap ng kanyang bansa
d. Sa pamamagitan ng pag-aaral, siya ay maaring tumakbo sa nalalapit na halalan upang maging opisyal ng gobyerno at
matugunan ang mga problema ng bansa
13. Ang pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan ay nangangahulugang_________________?
a. May karapatan ang taong gamitin ang kalikasan ayon sa kanyang kagustuhan
b. Maaring kunin ng tao ang lahat ng puwedeng gamitin sa kalikasan para sa kanyang kabutihan
c. Dapat na pangalagaan ng tao ang kalikasan at hindi ang maging tagapagdomina nito
d. May kalayaan ang tao na gawin ang anumang nais niya sa kalikasan
14. Ang pangunahing tema ng pagpapahalaga sa buwan ng Disyembre ay pakikipagtulungan at kooperasyon para sa kabutihang panlahat .
Sa paanong paraan maipapakita ito nang makabuluhan?
a. Tutulong sapagkat may hinihintay na kapalit
b. Tutulong upang makapaglingkod sa nangangailangan na walang hinihintay na kapalit
c. Tutulong sa mga gawain ng higit sa takdang oras sa ibinigay
d. Tutulong sa mga gawain upang umunlad ang sarili
15. Alin ang pinakamakabuluhang paraan ng pagpapakita sa pagpapahalaga sa oras bilang pagmamahal sa bayan?
a. Ang pagpapahalaga sa oras ay makatutulong upang makamit ang mga pansariling hangarin sa buhay
b. Ang pagpapahalaga sa oras ay makatutulong upang maging positibo ang pagtingin sa ibig sabihin ng “Filipino Time”
c. Ang pagpapahalaga sa oras ay makatutulong upang isulong kultura ng pagiging maagap na siyang kailangan
upang makamit ang mga mithiin sa buhay na makatutulong sa pag-unlad ng bayan
d. Ang pagpapahalaga sa oras ay makatutulong sa pagsulong ng mga layunin ng anumang grupo, organisasyon
at sa kabuuan ng isang bansa
16. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na gumawa ng isang bagay na makakaya mo para sa kalikasan, alin sa mga sumusunod ang
pinakamainam mong gawin?
a. Magdarasal para sa Inang Kalikasan
b. Magiging mapanuri at magkukusa sa mga gawaing pangkalikasan
c. Kusang lilinisin ang mga ilog at sasali sa mga proyektong lilikom ng pondo para sa mga ito
d. Gagawa ng mga programang maaring sundan ng nakararami upang makatulong ng malaki
17. Bahagi ng Adbokasiya ng disiplinang Edukasyon sa Pagpapakatao ang batiang “Magandang Buhay, Mabuting Tao.” Ano ang kahulugan
ng batiang ito?
a. Ang magandang buhay ay para sa lahat ng tao
b. Ang magandang buhay ay makakamit sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti o pagiging isang mabuting tao
c. Ang maganda at mabuting buhay ay masusukat sa kaginhawaang tinatamasa ng tao
d. Ang tao ay nilikhang mabuti at maganda
18. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng buhay na pananampalataya sa Diyos?
a. Naglilingkod at palagiang tumutulong sa kapwa
b. Nagmamahal at tunay na nagmamalasakit sa kapwa
c. Nagsisimba at nagrorosaryo araw-araw
d. Buong pusong nagsasakripisyo upang makatulong sa nangangailangan
19. Ano ang maaring epekto ng Global Warming?
a. Magiging madalas ang pag-ulan,pagguho ng lupa at pag-init ng panahon
b. Unti-unting mababawasan ang bilang ng tao dahil sa gutom at mga trahedyang mangyayari
c. Unti-unting mararamdaman ng tao ang pag-iiba ng klima na maaring magdulot ng pinsala sa buhay at mga ari-arian
d. Matutunaw ang mga yelo, lalawak ang dagat at magkakaroon ng malawakang pagbaha
20. Alin ang pinakamahalagang Utos ng Diyos sa tao bilang tagapangalaga ng Kalikasan?
a. May karapatan ang taong gamitin ang kalikasan ayon sa kanyang kagustuhan
b. Maaring kunin ng tao ang lahat ng puwedeng gamitin sa kalikasan para sa kanyang kabutihan
c. Dapat na pangalagaan ng tao ang kalikasan at hindi ang maging tagapagdomina nito
d. May kalayaan ang tao na gawin ang anumang nais niya sa kalikasan
III. Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang na nakalaan.
1-5. Tukuyin kung anong uri ng pagmamahal ang ipinapakita sa mga sumusunod na sitwasyon
a. Affection
b. Philia`
c. Eros
d. Agape
________1. Pinakamataas na Uri ng Pagmamahal
________2. Pagmamahal na nakabatay sa pagnanais lamang ng tao
________3. Pagmamahal bilang magkapatid
________4. Pagmamahal na sa kabila ng mga pagkakamali ay patuloy na nagmamahal
________5. Pagmamahal na ipinakita ng Panginoong Hesukristo noong ipako Siya sa krus
6-10. Tukuyin kung ang mga sumusunod ay gawain/paniniwala ng:
a. Kristiyanismo
b. Islam
c. Buddhismo
__________6. Ang paghihirap ng tao ay nag-uugat sa kaniyang pagnanasa.
__________7. Ang pagkakamit ng pinakamataas na kaligayahan ang nagbibigay kahulugan sa buhay.
__________8. Ang pag-aayuno bilang pagdisiplina sa sarili upang mapaglabanan ang mga tukso sa buhay.
__________9. Magmahalan at maging mapagpatawad sa isa’t-isa.
__________10. May limang takdang pagdarasal sa araw-araw.
11-15. Pillin kung anong dimensyon ng tao ang tinutukoy ng mga sumusunod na pagpapahalaga na indikasyon ng pagmamahal sa
bayan. Piliin sa kahon na nakalaan ang tamang sagot.
PANGKATAWAN
PANLIPUNAN
ISPIRITWAL
PAMPOLITIKAL
MORAL
PANGKAISIPAN
PANG-EKONOMIYA
11. Pananampalataya _____________________
12. Katotohanan ___________________________
13. Paggalang ______________________________
14. Pangangalaga sa Kalikasan
_______________________
15. Pagpapahalaga sa Buhay __________________________
Inihanda ni:
IAN SANTOS B. SALINAS
Secondary School Teacher III
Academic Year 2016-2017
Download