SELF- LEARNING HOME TASK (SLHT) Subject: Filipino I. MELC: Grade Level: 9 Quarter: 3 Week: 2 March 29, 2021 F9 PB-IIIb-c 51 Nasusuri ang mga elemento ng elehiya batay sa; -tema -mga tauhan - tagpuan -mga mahihiwatigang kaugalian at tradisyon -wikang ginamit -pahiwatig at simbolo -damdamin Name:_________________________ Section:________________ Date: ______________ School: JOSE CHONA JO MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL District: BALAMBAN 1 A. Pagbasa/ Pagtalakay Ang bansang Bhutan ay isang bansang walang pampang na matatapuan sa pagitan ng mga bansang India, Bangladesh, Nepal, at China. Druk Yul ang local na pangalan ng bansa. Tinatawag din itong Druk Tsendhen dahil sa kasintunog ng atungal ng mga dragon ang mga kulog. Wikang DZONGKA ang pambansang wika ng Bhutan. Ayon sa kasaysayan, ang BHUTAN ay nagmula sa barsasyon ng salitang SANSKRIT na BHOTA-ANT (ang dulo ng Bhot-ang ibang salita para sa Tibet) o Bhu-uttan (mataas na lupain). Tinatayang ginagamit ang salitang Bhutan bilang pangalan noong huling bahagi ng ika -9 na siglo BC. Isa ang Bhutan bilang pinakabukod at pinakahuli sa mga papaunlad na bansa sa mundo. Labis na nililimitahan ng pamahalaan ang turismo at impluwensyang banyaga upang mapanatili ang tradisyunal na kultura. Binubuo ang tanawin ng mga subtropical na mga kapatagan hanggang sa mga kataasan ng Himalaya., na hihigit sa pitong libong metro. Mahayana BudismoBudismo ang relihiyon ng estado at kinabibilangan ng kalahati ng populasyon ng bansang ito. THIMPU-ang capital at pinakamalaking bayan. Ang Aralin 3.2 ay naglalaman ng tulang Elehiya mula sa bansang Bhutan na pinamagatang “ Elehiya sa Kmatayan ni Kuya”. Mararamdaman mo ang lungkot at pighati ng mawalan ng taong iyong pinahahalagahan. Bahagi din sa pagtatalakay ang mga pahayag na naglalahad ng simbolismo at ipa pang matatalinhagang pananalita. Alam mo ba na…. Ang Elehiya ay tumatalakay sa damdamin, panaghoy o panangis para sa alaala ng isang yumao o mahal sa buhay. Inilalahad ang kalunos-lunos na pangyayari sa buhay at nagpapahayag ng pagkalungkot. Ito ay isang uri ng tulang pandamdamin o liriko. Namamayagpag ang elihiya sa Pilipinas noong panahon ng Hapon. ELEMENTO NG ELEHIYA 1. Tema- Inilalahad sito ang pangkalahatang kaisipan. Maaring ibatay ito sa karanasan ng nagsasalaysay 2. Tauhan- tumutukoy sa taong sangkot sa elehiya 3. Kaugalian o Tradisyon- tumutukoy sa paniniwala 4. Tagpuan- tumutukoy sa lugar na pinangyarihan 5. Wikang GInamit- Maaaring pormal o di pormal ang mga salita. Kapag pormal ang mga salita ay may pamantayan, ang di pormal naman ay mga salitang ginagamit sa pang arawaraw na pakikipagtalastasan. 6. Pahiwatig o simbolismo- Ang mga ideya o kaisipan ay ginagamitan ng simbolo. 7. Damdamin- Nagpapaliwanag tungkol sa nadarama / niloloob Narito ang isang tulang Elehiya na pinamagatang “Elehiya sa Kamatayan ni Kuya” na mula sa Bhutan ELEHIYA SA KAMATAYAN NI KUYA (Elehiya mula sa Bhutan) Salin sa Filipino ni Patrocinio Villafuerte Hindi napapanahon! Sa edad na dalawampu’t isa , isinugo ang buhay. Ang kanyang malungkot na paglalakbay na hindi matanaw. Una sa dami na aking kilala taglay ang di mabigkas na pangarap Di maipakitang pagmamahal. At kahit pagkaraan ng maraming pagsubok sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga Maniwala’t dili panghihina at pagbagsak! Ano ang naiwan? Mga naikwadrong larawang guhit, poster at larawan, Aklat , tala-arawan at iba pa. Wala nang dapat ipagbunyi! Ang msaklap na pangyayari , nagwakas na Sa pamamagitan ng luha naglandas ang hangganan gaya ng paggunita ANg maamong mukha, ang matamis na tinig, ang halakhak At ang ligayang di malilimutan. Walang katapusang pagdarasal Kasama ng lungkot, luha at pighati, Bilang paggalang sa kanyang kinahinatnan Mula sa maraming taon ng paghihirap Sa pag-aaral at s apaghahanap ng magpapaaral Mga mata’y nawalan ng luha, ang lakas ay nawala O, ano ang naganap Ang buhay ay saglit na nawala. Pema, ang immortal na pangalan Mula sa nilisang tahanan Walang imahen, walang anino, at walang katawan. Ang lahat ay nagluluksa, ang burol ay bumaba Ang bukid ay nadaanan ng unos Malungkot na lumisan ang tag-araw Kasama ang pagmamahal na inialay Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita Ang masayang panahon ng pangarap. PAGSASANAY 1: Paglinang ng Talasalitaan Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng salita sa Hanay A at gamitin ang salita sa sariling pangungusap. HANAY A HANAY B 1. Isinugo a. hirap 2. Matanaw b. makita 3. Ipagbunyi c. malungkot na pangyayari 4. Masaklap d. ipinadala 5. Pighati e. ipagdiwang PAGSASANAY 2. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. 1. Sino ang nagsasalita sa tula? 2. Ano ang ibig sabihin ng hindi napapanahon na tinutukoy sa elehiya? 3. Bakit sinasabi sa elehiya na wala nang dapat ipagbunyi? 4. Sa iyong palagay, sino ang tinutukoy na yumao? 5. Ano ang nais iparating ng nagsasalita na nawala na ang luha pati na ang lakas? 6. Ano-ano ang mga bagay na makapagpapaalala kay Kuya? 7. Kung ikaw ang nasa katayuan ng nagsasalita, paano haharapin ang ganitong uri ng kalungkutan 8. Naramdaman mob a ang lungkot na hatid ng tula? Bakit? 9. Sa paanong paraan mo maipakita ang pagpapahalaga sa mga ala alanag iniwan? 10. Ano ang sumasagi sa isip mo habang binabasa mo ang elehiya? 11. Naramdaman mob a ang lungkot na hatid ng tula? 12. Tungkol saan ang tema ng elehiya? PAGSASANAY 3. Suriin at ihambing. Bigkasing muli at unawain ang tulang Elehiya ni Kuya at Ihambing sa iba pang nabasang tula. Ibigay ang kanilang pagkakatulad at pagkakaiba. ELEHIYA SA KAMATAYAN NI KUYA (KATANGIAN) PAGKAKATULAD IBA PANG TULANG NABASA (KATANGIAN) B. ASSESSMENT 1. Isang uri ng tulang liriko na nagpapahayag ng pagkalungkot dahil sa pagkawala ng mahal sa buhay. a. Awit b. tulang pandamdamin c. soneto d. elehiya 2. Pananalitang nangungutya sa isang tao o bagay sa pamamagitan ng mga salitang kapag kukunin sa tiyakan ay tila kapuri puring mga pananalita ngunit sa tunay na kahulugan ay may bahid na pang-uyam. a. Pahiwatig b. simbolo c. ironiya d. lahat ng nabanggit 3. Tumutukoy sa mga pahayag na kailangan mong pag-isipan nang mabuti ang nais ipakahulugan a. Pahiwatig b. simbolo c. ironiya d. lahat ng nabanggit 4. Ang damdaming namamayani sa tulang elehiya a. Tuwa b. galit c. lungkot d. yamot 5. Nagpapaliwanag tungkol sa nadarama o niloloob. a. Pahiwatig b. damdamin c. tagpuan d. tradisyon 6. Tumutukoy sa paniniwala. a. Pahiwatig b. damdamin c. tagpuan d. tradisyon 7. Inihahatid dito ang pangkalahatang kaisipan. a. Tema b. kaugalian c. tagpuan d. damdamin 8. Tumutukoy sa lugar na pinangyarihan a. Pahiwatig b. damdamin c. tagpuan d. tradisyon 9. Tumutukoy sa tauhang sangkot sa elehiya a. Tauhan b. damdamin c. tagpuan d. tradisyon 10. Nakipag basagang mukha ang kanyang kaibigan at siya ay nadamay. Ano ang kahulugan ng pahayag na may salungguhit? a. nakikipaglaro c. nakipagkasundo b. nakikipag-away d. nakipag-usap REINFORCEMENT ACTIVITY Ikaw ay magkaroon ng pagkakataong maipahayag ang nilalaman ng iyong damdamin tunkol sa pinakamamahal mo sa buhay, ano-anong mahalagang bagay ang nais mong sabihin sa kanya? Ilahad Sa pamamagitan ng tula. RUBRIK SA PAGSULAT 5 PAMANTAYAN 4 3 2 Malinaw na naipapahayag ang nilalaman ng damdamin. May kariktan o talinhaga ang mga salitang ginamit Wasto at angkop ang mga salitang ginamit Wasto at angkop ang mga baybay at bantas ng mga salita KABUUANG PUNTOS Inihanda ni: IRIS F. ABADINAS Guro Beneripika ni: DARWIN C. CUYOS Principal 1 1 GABAY Para sa Guro: Bilang guro, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang Self-Learning Home Task na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan mo silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Para sa Mag-aaral: Ang Self-Learning Home Task na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pagaaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Basahin at unawain mong mabuti ang mga panuto upang matiyak na tama ang iyong mga gagawin sa simula hanggang sa katapusan ng mga pagsasanay mula sa home task na ito.