Uploaded by Daniel Valdez

Ang Pagmamahalan ng Pamilya

advertisement
Ang Pagmamahalan ng Pamilya
Sa panahong ito nagkaroon ng malaking suliranin ang buong mundo dahil sa pagkakaroon
ng pandemya.Lahat tayo ay naapektuhan at nanibago sa uri ng pamumuhay ngayon.Marami ang
nawalan ng trabaho,maraming imprastaktura ang nagsara at maraming tao ang nasawi dulot ng Covid19.May mga batas din na kailangang sundin upang makaiwas sa pagdami ng kaso ng virus kaya naman
malimit na lamang ang ating mga pagkilos hindi tulad dati.Isa na dito ang mag-anak na Valdez,ang
kanilang padre de pamilya na si Sherwin ay nawalan ng trabaho dahil sa lockdown.Nahirapan ang
kanilang padre de pamilya kung saan kukuha ng kanilang pang araw -araw na gastusin dahil siya lamang
ang inaasahan ng kaniyang mga anak at asawa.Parating na din ang nalalapit na pasukan ng kanyang mga
anak at kaarawan ng kaniyang anak na si Caneberyl.
Kinausap ni Sherwin ang kanyang asawa na si Vanessa kung saan sila kukuha ng pambayad ng tuition
dahil lahat ng kanyang anak ay sa pampribadong paaralan pumapasok.
“Huwag mo ng intindihin yan pwede naman silang lumipat sa pampulikong paaralan dahil hindi naman
katulad dati ang pagpasok sa paaralan dahil sa pandemyang ito”
“Kakausapin ko ang mga anak natin patungkol don”
Tinawag ni Sherwin ang kanyang anak na si Yna at Caneberyl.
“Mga anak kailangan niyo munang lumipat ng paaralan dahil hindi pa ako makakabalik sa aking trabaho”
“Oo naman papa naiintindihan po naman ni Yna pansamantala lang naman po ito diba?”
“Oo naman anak”
Pumapasok na sila sa isang pampublikong paaralan.Si Yna at Cane ay nahirapan dahil sa modyul na
lamang at hindi tulad dati na nakakasalamuha nila ang kanilang guro at mga kaklase.Ngunit nasanay na
lamang sila dahil wala silang magagawa.
Habang sila ay kumakain kinamusta ng kanilang ina na si Vanessa ang kanilang pag-aaral
“Mga anak kamusta ang pagaaral?,Alam kong mahirap sa ngayon ngunit sana ay pagbutihin niyo pa din
upang matuwa ang papa niyo sa inyo”
“Mabuti naman po ang aming pag-aaral kaya naman po namin”
“Buti kung ganon”
Malapit na ang kaarawan ni Caneberyl kaya naman tinanong niya sa kanyang ina at ama kung ano ang
ganap.Dahil nasanay ito na laging may maraming handa.
“Pa,Ma malapit na po ang aking kaarawan ano po ang ganap”
“Anak gagawan ni Papa ng paraan may nakahanap naman na akong trabaho ngunit hindi katulad dati
ang aking sinasahod”
“Salamat papa!kahit simple lang po ayos na”
Tuwang-tuwa si Cane kaya naman hinalikan at niyakap niya ang kanyang ama.Sa kasamaang palad ang
kaniyang kapatid na si Yna ay nagkasakit kaya naman madaming silang nagastos at naubos ang ipon ng
kanyang ama na panghanda sana sa kaarawan ni Cane.Dumating na ang kaarawan ni Cane ngunit hindi
pa rin gumagaling ang kanyang kapatid.Kinausap ni Sherwin at Vanessa ang kanilang anak.
“Nak,pasensya na hindi ka nagkaroon ng selebrasyon ngayon alam mo naman ang nangyare sa kapatid
mo diba”
“Naku pa,ayos lang po iyon may susunod naman po eh”
“Swerte talaga kami sayo anak at maraming salamat naiintindihan mo ang sitwasyon natin ngayon”
“Oo naman po mama at papa kaya ko pong magsakripisyo sa lahat lalo na’t nat nagkasakit pa si Yna”
Napaluha na lamang si Cane at niyakap siya ng kanyang mga magulang.
Makalipas ang araw gumaling na rin sa wakas si Yna,sila ay masaya dahil dito.Sila ay nagkaroon ng
munting salo salo dahil sa pagkagaling ni Yna.Hindi nila nakalimutan ang kaarawan ni Cane kaya naman
sinabay na nila ito at binigyan siya ng munting regalo ng kanyang mga magulang.Maraming natutunan
ang pamilyang ito dahil sa pandemyang ito.Ang pagsasakripisyo ay isa sa mga pinakamagadang bagay na
maari mong gawin sa iyong kapwa lalo na sa iyong pamilya.
Download