Ang layunin ng isang paaralan ay makapagproduce ng mga estudyanteng kayang makipagsabayan sa buong mundo sa mga aspeto ng kakayahan, katalinuhan, talento, at kaalamanan. Ang isa pang layunin ng isang paaralan ay ang tulungan ang mga estudyante na gamitin ang kanilang nalalaman sa pamamagitan ng pagturo ng mga iba't ibang bagay. Una, dahil magagamit ng mga estudyante ang "STOCK KNOWLEDGE" sa future. Pangalawa, upang malaman ng mga estudyante kung ano ang mga bagay na bumuo sa mundo gaya ng Science at may ibang subjects ang hindi nagagamit sa pang araw araw pero kahit papaano may karagdagang impormasyon ang mga estudyante. Ang pinakahuling layunin ng isang paaralan ay hubugin ang kagalingang taglay ng bawat isa. Dito lalong nahahasa ang bukod tanging mayroon ang isang bata, kasamang nahuhubog dito ay ang sariling disiplina. Sa panahon ngayon may mga taong nakapag-aral nga, ngunit wala namang mabuting asal. Yong puntong nakapagtapos nga sila ng magandang kurso, ngunit hindi naman umaakto ng maayos ayon sa kanilang pinag-aralan. Sa mahaba-habang panahon na lumipas, natutunan kong Pahalagahan ang Edukasyon. Para sa akin kasi, ang Edukasyon ay hindi lang pataasan ng marka o ng natapos na kurso. Kailangan mo ring panindigan na talagang may Pinagaralan ka. Kailangan mong matutunan kung paano rumespeto ng ibang tao at kung paano irespeto ang sarili mo. Edukasyon ang masasabi kong pinakamatibay na pundasyon. Para sa akin napakahalaga nito, dahil ito lang ang daan upang makamit natin ang ating mga mithiin. Edukasyon ang magsisilbing tulay natin sa pag-abot ng ating mga pangarap. Kaya nitong baguhin ang buhay ng isang tao. Kapag may pinag-aralan ka, madali na lang para sa’yo na abutin at kamtin ang hinahangad na tagumpay. Ang Edukasyon ang pinakamahalagang pamana ng ating mga magulang. Lahat ng bagay sa mundo ay lumilipas, pero ang Karunungan kailan man ay hindi kumukupas. EDUKASYON lamang ang NATATANGING bagay na hindi MAAAGAW ninuman. Hindi SAPAT na NAKAPAGTAPOS ka lang, kasi para sa’kin kailangan BAONIN mo rin ang KARUNUNGANG natutunan mo sa loob ng PAARALAN. Ang unang layunin ng Edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay at impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap at sa kinabukasan. Ito ang nagsisilbing mekanismo na humubog sa isipan at damdamin at pakikipagsalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito rin ang dahilan ng mga mabubuti at magagandang pangyayari sa ating mundo at ginagalawang kapaligiran. Ang Edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ay nagiging daan sa isang tao upang magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa kanyang buhay, pagkatao at komunidad na ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa isang matagumpay na mundo na kailangan ng bawat isa upang lubusang mapakinabangan ang daigdaig at malaman ang mga layunin nito. Sa aking labindalawang taon na pananatili sa loob ng paaralan, masasabi kong ako ay parang nasa isang paraiso. Bagamat hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya ako, maraming pagkakataon naman sa aking buhay ang nagpapaunawa sa akin na ang edukasyon ay patuloy na umaangkla sa aking pagkatao at maging sa aking kalapit na hinaharap. Ito rin ay patuloy na nag-iiwan ng hindi mga matatawarang implikasyon ng pagbabago sa aking pagkatao na siyang dahilan kung bakit ganito ako katatag ngayon. Bukod sa mga karaniwang talakayin, prinsipyo at pang-akademikong layunin na siyang ipinapabatid ng edukasyon, ito rin ang nagsilbing balangkas upang mabuksan ko pa ang lagusan sa kabilang ibayo. Mula dito ay binigyan din ako ng pagkakataon upang makakilala ng iba’t ibang deskripsyon ng aking kapwa tao at mga karanasang aking daldalhin habambuhay. Ito ay ang aking karanasan noong ako ay nasa ika-4 na baitang. Ang karanasan na marahil para sa akin ay mapanglaw at natatangi lamang. Isa akong walang kwentang mag-aaral. Oo, tama ang nababasa mo. Wala akong ibang inisip noon kundi ang makawala sa paaralan na kapara ng isang bartolina sa akin ay nagbibigay lamang ng pasakit at matinding paghihirap. Ang tanging namumutawi na lamang sa aking isipan noon ay ang pagpasok buhat sa kagustuhan ng aking mga magulang. Naaalala ko pa noon na sa tuwing darating ang katapusan ng Marso ay wala akong ibang ginawa kung hindi ay panoorin na lamang ang aking mga kaklaseng maglakad sa harapan ng entablado kasama ng kanilang mga magulang upang tanggapin ang kanilang mga parangal. Gustuhin ko mang itago ang aking nararamdaman, subalit ito ay pilit na kumakawala at ako ay tila isang ibon na sa piitan ay nananahanan. Hindi man hayag sa aking mga magulang ang kanilang pangingimbulo subalit nararamdaman ko ito. Pinipilit ko itong labanan subalit wala akong magawa. Napakalakas ng enerhiyang ito at siya ring enerhiya ang unti-unting sumisipsip sa aking pagasang makapagbagong buhay. “Bakit kahit na anong gawin ko ay wala pa ring nangyayari?” ito ang katanungan na patuloy na sumisilab sa aking mura at gahasang isipan. Sinusubukan ko ang lahat ng aking makakaya. Sinubukan kong magsipag at umayon sa kung ano ang pamantayan sa aming klase. Lahat ng ito ay hindi naging madali sa akin. Sapagkat noo’y wala pa akong kabatiran patungkol sa mahalagang papel ng edukasyon sa aking magiging kinabukasan. Wala pa akong alam sa edukasyon maliban sa ito ay “mahirap at walang kwenta”. Nagdaan ang maikling panahon at dito ay nakilala ko si Ginang Adora Madayag. Ang aming guro sa asignaturang Filipino. Siya ay may edad na sa panahong iyon subalit napakalakas ng kanyang impresyong iniwan sa akin. Hindi ko maipaliwanag subalit dahil sa kanyang mga pangaral ay tila unti-unting nagbago ang pagtingin ko sa aking sarili na noo’y walang pakialam sa halaga ng edukasyon. Sa kanya ko rin natutuhan na hindi lamang pala akademikong kaalaman ang batid na ipamalita ng mga talakayin sa paaralan bagkus ay naglalayon din itong bigyan ang lahat ng pagkakataong makabuo ng pagkakaibigan at pamilya sa lahat ng aspektong sinasaklawan nito. Hindi lang dapat kaalaman ang ating panghawakan mula sa ating mga guro nararapat ding maunawaan natin ang tunay na karunungan mula dito. Sa markang “90” ako nagsimulang yumabong at nagpatuloy sa pagkamit ng aking mga adhikain sa paaralan. Hanggang ngayon sa kasalukuyan, patuloy pa rin akong naglalakbay papalapit sa aking mga pangarap sa buhay. Ang karanasang ito ang nagturo sa akin kung paano umunlad hindi lamang sa aking mga markang nais matamo subalit nakaanib na rin dito ang mga prinsipyo at impresyong hindi na maiaalis sa aking puso’t isipan sa kalagitnaan ng aking paglalakbay sa mundong ibabaw. Nawa’y lubusan nating mabatid na sa ibayo ng mga pamantayang sumasaklaw sa kultura ng edukasyon, ang layon nitong magbigay ng magaganda at makabuluhang karanasan ang magsisilbing proteksyon at sandata natin sa pakikidigma sa ating mga sarili at sa kung ano mang pagbabagong nakaukit na sa ating panahon.