Tauhan; Knight Thanatos Vaski- Protagonista “Knightos” -Napili ko ang pangalan na Knight dahil ito ay isang uri ng mandirigma na layuning protektahan ang isang mahalagang tao, si Knight ay may layuning protektahan ang kaniyang mga mahal sa buhay. Napili ko naman ang Thanatos na ang ibig sabihin sa salitang griyego ay kamatayan sapagkat walang kinatatakutan ang aking protagonista kahit pa ang kamatayan, maprotektahan lamang ang mahal sa buhay. Paglalarawan sa Karakterisasyon 1. Tunay na buhay Paksa: Knight- Mismanagement of the government and Murder 2. Kapani- paniwala Paano mo gagawing kapani- paniwala ang iyong karakter: Detalye: 1. Mapagmahal na kasintahan at anak. Kung kaya’t gagawin niya ang lahat para lamang sa kasintahan at magulang. 2. Makabayan. Gagawin niya ang lahat kahit pa na magdusa siya para lamang sa kaniyang mga kababayan. 3. Kinatatakutan. Kinatatakutan ito dahil na rin sa tindig at tikas ng katawan. Isama na rin ang madilim niyang aura. 4. Malakas ang karisma. Dahil na rin sa gwapong mukha nito, maraming babae ang nahuhumaling rito ngunit hindi nila ito malapitan dahil na rin sa nakakatakot niyang awra. 3. Masusing Obserbasyon (Tao sa paligid) Pagbabasa- Mga artikulo o babasahing dyaryo patungkol sa gobyerno tulad ng manila bulletin. Pagkakalap ng impormasyon- magsasaliksik ng mga bagay na tungkol sa gobyerno. 4. Mga pinagbabatayan ng impormasyon. 1. Libro 2. Artikulo 3. Magasin 4. Internet 5. Social Media 5. Pagpapalutang ng karakterisasyon 1. Pisikal na anyo Tauhan ang nagsasalaysay ng aking kwento. -Makisig ang pangangatawan, malinis ang gupit, gwapo ang mukha at mayaman. 2. Ugali Gray Positbo Mapagmahal na kapatid Mapagmahal sa bayan Mapagmahal na kaibigan Maitindihin Negatibo Mainitin ang ulo Mamamatay tao Walang awa sa kalaban Sadista Pagpapasya o aksyon Makikipaglaban ito sa gobyerno at gagamitin ang yaman at lakas para mapatalsik sa pwesto ang mga magnanakaw sa bayan. Pagpapahalaga Kalakasan Pamilya Bayan Kaibigan Mahal sa buhay Kahinaan Pamilya Bayan Kaibigan Mahal sa buhay Lipunan na nakalakihan Lumaki ito mula sa lipunan na kung saan hindi masama ang pumatay basta may sapat na rason itp at walang inosenteng madadamay. Gender Lahi Lalaki Espanyol Pananampalataya Catholic Edukasyon na nakamit Nakapagtapos ito sa kursong Political Science at Bs Criminology Wika Spanish, tagalog at ingles Paraan ng pagsasalita May matigas na pananalita na nakakapanindig balahibo. Tauhan; Midnight Arkhon Vitalee “Ark” -Napili ko ang pangalan na Midnight dahil ito ay sumisimbolo sa kadiliman, dahil ang aking anatagonista ay may kadiliman ang ugali. Napili ko naman ang Arkhon na ang ibig sabihin sa salitang griyego ay ruler o pinuno. Paglalarawan sa Karakterisasyon 1. Tunay na buhay Paksa: Midnight- Mismanagement of the government and Murder 2. Kapani- paniwala Paano mo gagawing kapani- paniwala ang iyong karakter: Detalye: 1.Sakim sa pera. Dahil karamohan sa mga opisyal sa gobyerno at corrupt. 2. Makasarili. Sariling kagustuhan lamang nito ang iniisip. 3. Mautak. Marunong itong magpaikot-ikot ng isip ng mga taong nakapaligid sa kaniya. 4. Manggagamit. Ginagamit nito ang mga taong may benepisyo sa kaniya kahit pa ito ay kasamaan. 5. Masama. Gagawin ang lahat kahit pa na mali para sa sariling kagustuhan. 3. Mahalagang papel na gagampanin sa kwento? - ito ang magpapahirap sa buhay ni Knight(protagonista), siya ang magiging dahilan kung bakit magdurusa ang bida. 4. Anong problema na ibibgay sa protagonista? Papatayin nito ang magulang ng bida. Aalisan nito nang yaman ang protagonist. Aagawin nito ang kasintahan ng protagonist. Magbabalak na patayin ang bida. Pagpapalutang ng karakterisasyon 1. Pisikal na Anyo - Matikas ang pangangatawan, may kulay itim na buhok at malinis ang gupit. Maputi ang balat at may guwapong mukha. Malinis ang balbas at maayos manumit. - May pagkasakim sa pera, makasarili,manggagamit, at masama ngunit mapagmahal sa kasintahan at masunuring anak sa ama. 2. Ugali 3. Pagpapahalaga - Susundin niya ang lahat ng utos ng kaniyang ama kahit na ito ay kasamaan. Gagawin ang lahat, kahit pa ang pumatay, para sa kaniyang minamahal. 4. Edukasyon na nakamit - Nakapagtapos sa kursong Political Science kung kaya ito ay may mataas na posisyon sa gobyerno. 5. Lipunan na nakalakihan - Lumaki sa isang marangya ngunit magulong pamilya. Nakukuha ang lahat ng gusto ngunit hindi ang pagmamahal at atensyon ng magulang. Gayunpaman, gagawin nito ang lahat para sa kaniyang pamilya. BUHAY NA KAPALIT Tricia Joy Armina Tayag Masuyong tinignan ni Knight ang mga nakahandusay na katawan na walang buhay sa kaniyang paligid. Lahat ng mga ito ay may tama ng baril sa dibdib at sa ulo. Mga katawan ng mga sakim at lapastangan na mga pulitiko at kanilang mga alagad na lumapastangan sa ating bayan. Saglit pang pinasadahan ng tingin ni Knight ang mga bangkay at saka umalis sa pinangyarian at sumakay sa kaniyang kotse. Sumariwa muli sa kaniyang isipan ang nangyari limang taon na ang nakalipas. Walang awang pinagbabaril ang kaniyang pamilya sa kanilang mismong tahanan. Ginahasa rin ang kaniyang ina at nakababatang kapatid na walang kalaban laban. Nasa eskwelahan ng mga oras nay un si Knight kung kaya hindi niya naipagtanggol ang pamilya. Napatiim bagang siya ng maaalala ang bangkay ng mga magulang at kapatid. “Magbabayad silang lahat. Hindi ko patatahimikin ang kanilang buhay”sambit niya sa kaniyang sarili. Knight Thanatos Vaski, isang kalahating Espanyol at kalahating Filipino. Bagaman lumaki siya sa Espanya, marunong at tuwid pa rin ito magtagalog dahil na rin sa ina niya na isang Filipina. Ang kaniyang ama ay isang Espanyol at kilalang journalist na naglalabas ng baho ng mga pulitikong sakim sa kanilang kapangyarihan. Marahil ito ang dahilan kung bakit pinatay ang kaniyang pamilya kung kaya’t pinapatay niya ang mga pulitikong napabalitaang may ginawang hindi dapat sa ating bayan. Ang kaniyang nakababatang kapatid naman ay nasa labing dalawang gulang ng ito ay patayin at gahasain. Ipinangako ni Knight sa kaniyang sarili na pagbabayarin lahat ng mga pumatay at sangkot sa pagkamatay ng kaniyang pamilya. Inihinto ni Knight sa kaniyang mansion ang kaniyang kotse at bumaba upang magpalit ng damit dahil punong puno ng dugo ang kaniyang damit dahil sa mga dugo ng kaniyang mga pinatay kanina. Pagkatapos maligo, sinuot na ni Knight ang kaniyang uniporme at nagpunta sa kaniyang estasyon na kung saan siya ang mayos ng pulisya. Siya ang nangunguna sa lugar kung saan siya nakadestino, kasama niya ritong namamahala ang kaniyang kaibigan na si Midnight Arkhon Vitale. “Naytos!” tawag ng kaniyang kaibigan. “Saan ka na naman galing ha? 20 minutes ka ng late! Pag ito nalaman ni Lieutenant paparusahan naman tayo.” Paasik na sermon ni Midnight. “Chill Ark, di naman niya malalaman kung walang magsusumbong.” Sagot niya. “Tsk. Kahit kailan talaga. Osige alis na muna ako, kailangan kong puntahan si Dad, alam mo naman yun malate ka lang ng isang minuto para bagang isang oras kang nalate kung magalit.” “Sige Ark, mag iingat ka!” Tumango na lamang si Midnight at umalis sa kanilang estasyon. Mabilis na lumipas ang oras at natapos ang duty ni Knight kaya umalis na ito sa kanilang estasyon. Napagpasyahan niya na magpunta sa isang mall para bumili ng mga bala ng baril na gagamitin niya sa susunod niyang pagsalakay. Pagpasok niya sa mall, lahat ng mga mata ng mga kababaihan ay nasa kaniya. Maraming nahuhumaling sa kaniyang napakagwapong mukha at makisig na katawan, ngunit ni isa ay wala siyang pinasadahan ng tingin sa mga iyon. Tahimik na naglalakad si Knight ng may biglang may bumunggo sa kaniyang katawan. “Ano ba naman yan! Bakit ba hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo ha?” asik ng babaeng bumunggo sa kaniya habang pinupulot ang mga librong hawak nito. Tumiim ang bagang ni Knight dahil na rin sa inis. “Mawalang galang na Miss, Ikaw itong bumunggo sa akin. Tsk.” Saglit na napatigil ang babae at pinasadahan ng tingin so Knight. Natulala na lang ang babae sa taglay nitong kagwapuhan. "Miss, alam kong gwapo ako pero wag mo naman ipahalata masyado. Tumutulo laway mo e." Ngumisi ng nakakaloko si Knight. Dali dali naman siyang hinampas mg babae habang simasabihan siyang makapal ang mukha. Tawang tawa na lamang umiiwas si Knight. Saglit napatigil si Knight ng mapagtanto niya ang tunay na tawang lumalabas muka sa kanoyang bibig. Huling tawa niya ng ganun ay noon nabubuhay pa ang pamilya niya. Tumigil na rin sa kakahampas ang babae. “Marunong naman palang tumawa hmpk. Sungit sungit.” Bulong na sabi ng babae. “Ano kamo miss?” tanong ni Knight. “Wala! Ilibre mo na lang kako at ng makabawi ka naman psh” hasik na sabi nito. “Wow, ‘di pa nga natin kilala ang isa’t isa. Hindi rin makapal mukha mo ‘no?” “Edi magpapakilala duh. Hi! I’m Sweet Mint, Sm for short. And you are?” “Knight Thanatos, you can call me Naytos.” “Nice to meet you! Libre mo na akooo!” masayang sabi ni Sweet mint. Natatawang napailing na lamang si Knight at saka hinila si Sm. “Obistinada (makulit sa spanish)” “Anong empanada?” nagtatakang tanong ni Sm/ “Wala, bingi.” At dali dali siyang hinila ni Knight. Mula noon ay nagkakamabutihan na si;a bi