Uploaded by jadenatividad009

Arcon Alamat

advertisement
ALAMAT NG ARCON
Dalawang binata ang naghahangad na makahanap ng mapayapang lugar
kung saan sila maaaring magpatubo ng mga pananim at mag-alaga ng mga hayop.
Ang mga binatang ito ay sina Aranz – lalaking ang panlaban ay ang kaniyang
katalinuhan at pagiging wais – at si Concepcion – isang lalaking makisig at may
katawan na kasing-laki ng isang oso.
Sa kanilang paghahanap ng lugar na pwedeng matirhan, unang napadpad
sina Aranz at Concepcion sa isang lugar na kung saan dilaw ang damo at tuyo ang
lupa. Tumingin sa kalangitan si Aranz at nakitang walang senyales na maaaring
mabuo ang kahit napakaliit na ulap na siyang maaari sanang magdala ng ulan.
Nakita ni Aranz na maliit lamang ang probabilidad na maaaring magpatubo
dito ng mga pananim. Sa kaniyang pag-iisip, nagkaroon siya ng ideya na gumawa
ng paraan upang gawing mataba ang lupa sa pamamagitan ng siyensya.
Hindi sang-ayon si Concepcion sa ideya ni Aranz, dahil kung susundin ang
paraan ni Aranz ay wala siyang maiaambag. Ito rin ay dahil hindi niya magagamit
ang taglay niyang lakas. Upang hindi na ito mauwi sa away ay napagkasunduan na
lamang ng dalawa na magpatuloy sila sa kanilang paglalakbay sa paghahanap ng
lugar na kanilang matitirhan.
Sa pagpapatuloy ng kanilang paglalakbay, nakatuklas sila ng hindi lamang
tahimik na lugar; ito rin ay may lupang sapat na ang pagiging mataba upang
matamnan. Napangiti ang dalawa dahil sa wakas ay nakahanap na sila ng kanilang
matutuluyan. Napagdesisyunan ng dalawa na magpahinga muna sila sa ilalim ng
isang matandang puno.
Hatinggabi nang magising si Concepcion dahil sa malakas na sigaw ni Aranz.
Nakita ni Concepcion na isang nilalang na may pakpak ang umaatake kay Aranz.
Agad itong sinugod ni Concepcion at pinagpapalo hanggang sa ito ay mamatay.
Kitang-kita sa mga mata ni Aranz ang kaniyang pagkatakot, ngunit iginiit ni
Concepcion na kaya niyang pumatay ng kahit ilang nilalang, mapasakanila lang
ang bagong tuklas na lugar. Hindi sumang-ayon dito si Aranz at ipinilit na umalis na
lamang sila dito. Nagkaroon ng realisasyon si Concepcion at napagtantong kung
mananatili sila dito ay habambuhay silang aatekihin ng iba’t ibang nilalang.
Nagpatuloy ang dalawa sa paglalakbay hanggang sa makita nila ang
perpektong lugar para sa kanilang dalawa. Ang tanging hadlang lamang upang
makarating sila sa lugar na ito ay ang malaking ilog na may napakalakas na agos.
Sa kanilang kagustuhang makarating sa lugar na ito, ginamit ni Aranz ang
kaniyang katalinuhan upang makapag-isip ng paraan upang matawid ang ilog. Ito
ay hanggang sa maisip niyang gumawa ng isang tulay.
Napagkasunduan ng dalawang binata na si Aranz ang gagawa ng plano para
sa tulay, habang si Concepcion naman ang lilikom ng mga materyales at bubuo ng
tulay.
Nahirapan ang magkaibigan sa pagbuo ng tulay dahil maraming pangyayari
ang sumubok sa kanila – paghagupit ng mga bagyo, pati na rin ang biglang pagtaas
ng lebel ng tubig sa ilog.
Inabot ng isang taon ang magkaibigan upang matapos ang tulay. Nang sa
wakas ay natapos na nila ang tulay, buong karangalan na nilakad ng dalawa ang
tulay na binuo nila mula sa kanilang dugo at pawis.
Agad na pinayabong ng magkaibigan ang lugar na ito. Nang lumipas ang
ilang panahon, ilang manlalakbay ang gumamit ng tulay at tuluyang nanirahan sa
lugar na ito. Dumami ang populasyon sa lugar na iyon at bilang pagbibigay ng
pugay sa dalawang binatang bumuo ng tulay, kanilang tinawag ang lugar na iyon
bilang Barangay Aranz-Concepcion.
Taon-taong bingyan ng parangal sina Aranz at Concepcion hanggang sa
nakalimutan na ng mga sumunod na henerasyon ang tungkol sa legado na iniwan
nila Aranz at Concepcion, at binansagan na lamang ang lugar na iyon bilang
Barangay Arcon.
Download