Uploaded by Genesis Palon

Ikalawang Markahang Pagsusulit

advertisement
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VI-Western Visayas
Division of Silay City
BRGY. E. LOPEZ NATIONAL HIGH SCHOOL
City of Silay
Ikalawang Markahang Pagsusulit
ARALING PANLIPUNAN 10
__________________________________________________________________________________
PANUTO: Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang kahulugan ng globalisasyon?
A. Proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t
ibang direksyon na nananarasan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig
B. Malawakang pagbabago sa sistema ng pamamahala sa buong mundo
C. Pagbabago sa ekonomiya at politika na may malaking epekto sa sistema ng pamumuhay ng
mga mamamayan sa buong mundo
D. Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong political at ekonomikal ng mga
bansa sa mundo
2. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?
A. Paggawa C. Migrasyon B. Ekonomiya D. Globalisasyon
3. Ano ang migrasyon?
A. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar
B. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat sa kaguluhan ng mga mamamayan
C. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal
patungo sa isang lugar pansamantala man o permanente
D. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dulot ng mga hindi inaasahang pangyayari sa
lugar na pinagmulan
4. Maaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban sa isa. Ano ito?
A. Ekonomikal
B. Teknolohikal
C. Sosyo-kultural
D. Sikolohikal
5. Bakit maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon?
A. Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga “perennial” na
institusyon na matagal ng naitatag
B. Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan
C. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at pulitikal na aspekto
D. Naaapektuhan nito ang mga maliit na industriya at mas higit na pinaunlad ang mga
malalaking industriya
6. Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon?
A. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa
B. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta na magdudulot
ng kapinsalaan
C. Dahil sa globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at kolaborasyon
ang mga bansa
D. Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig.
7. Maaaring uriin ang outsourcing sa mga sumusunod maliban sa isa. Ano ito?
A. Nearshoring
B. Offshoring
C. Onshoring
D. Inshoring
8. Isa sa mga kinakaharap na isyu sa paggawa sa Pilipinas ay ang pag-iral ng sistema ng mura at
flexible labor. Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa konsepto ng mura at flexible
labor?
A. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na bigyan ng kalayaan ang mga manggagawa sa
pagpili ng kanilang magiging posisyon sa kompanya.
B. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa
pamamagitan ng pagpapatupad na mababang pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng
mga manggagawa.
C. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa
pamamagitan ng pagpapatupad na malaking pasahod at pagpapahaba sa panahon ng paggawa ng
mga manggagawa.
D. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na ipantay ang kanilang kinikita at tinutubo sa
pagpapatupad na malaking pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
9. Mahalaga sa isa manggagawa ang seguridad sa paggawa sa kaniyang pinapasukang kompanya o
trabaho subalit patuloy ang paglaganap ng iskemang subcontracting sa paggawa sa bansa. Ano ang
iskemang subcontracting?
A. Sistema ng pagkuha ng isang kompanya sa isang ahensiya o indibidwal na subcontractor
upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon.
B. Iskema ng pagkuha ng isang ahensiya o indibiwal na subcontractor ng isang kompanya
para sa pagsagawa ng isang trabaho o serbisyo.
C. Pag-eempleyo sa isang manggagawa upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa loob ng
6 na buwan.
D. Pagkuha sa isang ahensiya o indibidwal na subcontractor sa isang manggagawa sa loob ng
mas mahabang panahon.
10. Ang pagsulpot ng iba’t ibang outsourcing companies na pagmamay-ari ng mga lokal at dayuhang
namumuhunan ay isang manipestasyon ng globalisasyon. Ilan sa mga epekto nito ay ang
sumusunod.
I. Nagkaroon ng karagdagang trabaho ang mga Pilipino.
II. Nabago ang dinamiko (oras, sistema, istruktura) ng paggawa sa maraming kompanya.
III. Naapektuhan ang kalusugan ng maraming manggagawang namamasukan partikular ang mga
call center agents.
IV. Binago ng globalisasyon ang lifestyle ng maraming Pilipino.
Mula sa mga kaisipang nabanggit, ano ang mabubuong konklusyon dito?
A. Nakatulong ang globalisasyon sa pamumuhay ng tao.
B. Tumugon ang globalisasyon sa pangangailangan ng marami.
C. Mayroong mabuti at di-mabuting epekto ang globalisasyon sa pamumuhay ng tao.
D. Suliranin lamang ang idinulot ng globalisasyon sa pamumuhay ng tao.
11. Sa pagdagsa ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa bunsod ng globalisasyon ipinatupad nila
ang mura at flexible labor sa bansa na nakaapekto sa kalagayan ng mga manggagawang Pilipino. Alin
sa mga pahayag ang dahilan ng paglaganap nila nito sa bansa?
A. Pag-iwas ang mga mamumuhunan sa krisis dulot ng labis ng produksiyon sa iba’t
ibangkrisis.
B. Maipantay ang sweldo ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa.
C. Makabuo pa ng maraming trabaho para sa mga manggagawang Pilipino.
D. Maibaba ang presyo sa mga produktong iluluwas na gawa sa bansa sa pandaigdaigang
kalakalan.
12. Ilan sa mga dahilan ng permanenteng migrasyon ay ang paghahanap ng mga sumusunod
maliban sa isa. Ano ito?
A. Hanapuhay
B. Turismo
C. Edukasyon
D. Tirahan
13. Isa sa mga hamon ng globalisasyon sa bansa ay ang pagbabagp sa workplace ng mga
manggagawa, binago rin nito ang sistema ng pagpili sa mga manggawa. Alin sa sumusunod na
pahayag ang nagpapatunay ng pagbabagong ito?
A. Humigpit ang pagproseso sa pagpasok ng mga dayuhang kompanya, produkto at serbisyo
sa bansa kaya’t kinailangan ng mga world class workers.
B. Tumaas ang kalidad ng mga lokal na produkto sa pandaigdaigang pamilihan kaya’t
kinailangang mag-angkat ng mga eksperto sa ibang bansa para sanayin ang mga lokal na
manggagawa.
C. Humirap ang kalagayan ng mga dayuhang kompanya sa pagpasok sa bansa kaya’t
kinailangang pababain ang sweldo ng mga lokal na manggagawa.
D. Naging malaya ang pagpasok ng mga dayuhang kompanya sa bansa dahil sa mababang
pagpapasweldo at pagngonguntrata lamang sa mga lokal na manggagawa.
14. Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon?
A. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa
B. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta na magdudulot
ng kapinsalaan.
C. Dahil sa globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at kolaborasyon
ang mga bansa
D. Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig.
15. Noong taong 2013, nagmula sa Asya ang pinakamalaking bilang ng mga imigrante na lumabas ng
kanilang bansa. Ano ang mahihinuha rito?
A. Kakaunti ang oportunidad na makakuha ng mga mamamayan sa Asya.
B. Kahirapan ang mas namamayani sa Asya at hindi kaginhawahan ng pamumuhay.
C. Mas malaki ang oportunidad sa labas ng Asya
D. Mas kinakakitaan ng malaking oportunidad ng mga Asyano ang ibang lugar bunga ng iba’t
ibang hanapbuhay na mapapasukan na angkop sa kanilang natapos.
16. Ano ang tinatawag na NETIZEN?
A. Ang terminong ginagamit sa mga taong aktibong nakikilahok sa usaping panlipunan maging
ito man ay politikal, ekonomikal o sosyokultural gamit ang internet bilang midyum ng pagpapahayag.
B. Tawag sa taong kumokunsumo ng isang produkto o serbisyo maging ito man ay bagay o
ideya habang nagpo-produce ng bagong ideya.
C. Tumutukoy sa trabahong para-paraan o sa sinasabing vulnerable employment.
D. Ito ay pagkuha ng isang kompanya sa isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang
gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon.
17. Ito ay matatandang institusyong nananatili pa rin sa kasalukuyan tulad ng pamilya, simbahan,
pamahalaan at paaralan dahil sa mahahalagang gampanin nito sa lipunan
A. Subsidiya B. Perrenial Institutions
C. Subcontracting
D. Labor Institutions
18. Ito ay tumutukoy sa paglipat ng gawain ng isang kompanya tungo sa ibang kompanya na ang
pangunahing dahilan ay mapagaan ang gawain upang mapagtuunan ng pansin ang higit na
magpapalaki ng kanilang kita.
A. Outsourcing
B. Insourcing
C. Resourcing
D. MNC
19. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa
pamamagitan ng pagpapatupad na mababang pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng
mga manggagawa.
A. Mura at Flexible Labor
B. Prosumers
C. Self-employed
D. Unpaid Family
20. Ito ay uri ng paggawa na nagaganap sa pagitan ng mga miyembro na hindi palagian ang sahod o
sweldo (DOLE)
A. Mura at Flexible Labor
B. Prosumers
C. Self-employed
D. Unpaid Family
Basahin ang sumusunod na situwasiyon. Tukuyin kung saang Educational level dapat na makuha ang
mga sumusunod na Kasanayan at Kakayahan na Kakailanganin na Hinahanap ng mga Kompanya
halaw mula sa Productivity and Development Center ang inilalarawan. Gamiting batayan sa pagsagot
ang sumusunod:
A. Elementary
B. Secondary
C. Wala sa nabanggit
21. Basic writing, reading, arithmetic
22. Human relations skills
23. Sense of responsibility
24. Social responsibility
25. Health and hygiene
26. Practical knowledge and skills of work
27. Ethics and morals
28. Theoretical knowledge and work skills
29. Will to work
30. Work Habits
Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat ang A kung ang pahayag ay tumutukoy sa Employment
Pillar; B kung Worker’s Rights Pillar; C kung Social Protection Rights Pillar; D kung Social Dialogue
Pillar.
31. Naglalayong palakasin at siguruhin ang paglikha ng mga batas para sa paggawa at matapat na
pagpapatupad ng mga karapatan ng mga manggagawa.
32. Tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng trabaho, malaya at pantay na oportunidad sa
paggawa, at maayos na workplace para sa mga manggawa.
33. Palakasin ang laging bukas na pagpupulong sa pagitan ng pamahalaan, mga manggagawa, at
kompanya sa pamamagitan ng paglikha ng mga collective bargaining unit.
34. Anyo ng subcontracting kung saan ang subcontrator ay may sapat na puhunan para maisagawa
ang trabaho at mga gawain ng mga manggagawang ipinasok ng subcontractor. Wala silang direktang
kinalaman sa mga gawain ng kompanya. Hindi pinapayagan sa batas ang job-contracting dahil
naaapektuhan nito ang seguridad ng mga manggagawa sa trabaho.
A. Labor-only Contracting B. Job-contracting
C. Contract signing D. Collective Bargaining
35. Anyo ng subcontracting kung saan ang subcontractor ay walang sapat na puhunan upang gawin
ang trabaho o serbisyo at ang pinasok niyang manggagawa ay may direktang kinalaman sa mga
gawain ng kompaya.
A. Labor-only Contracting B. Job-contracting
C. Contract signing D. Collective Bargaining
Isulat ang titik A kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at B kung ito ay mali.
36. Ang mga manggagawa ay may karapatang sumali sa mga unyon na malaya mula sa
paghihimasok ng pamahalaan at tagapangasiwa.
37. Ang mga manggagawa ay may karapatang makipagkasundo bilang bahagi ng grupo sa halip na
mag-isa.
38. Bawal ang lahat ng mga anyo ng sapilitang trabaho, lalo na ang mapangaliping trabaho at
trabahong pangkulungan. Dagdag pa rito, bawal ang trabaho bungang ng pamimilit o ‘duress’.
39. Bawal ang mabibigat na anyo ng trabahong pangkabataan. Samakatwi’d mayroong minimong
edad at mga kalagayang pangtatrabaho para sa mga kabataan.
40. Ang suweldo ng manggagawa ay sapat at karapat-dapat para sa makataong pamumuhay.
41. Ang mga kalagayan ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at ligtas sa mga manggagawa.
Pati kapaligiran at oras ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at ligtas.
42. Ito ay tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa isang
takdang panahon na kadalasan ay kada taon.
A. flow
B. stockfigures
C. fly
D. stickfiggas
43. Ito ay tumutukoy sa bilang ng nandayuhan na naninirahan o nananatili sa bansang nilipatan.
A. flow
B. stockfigures
C. fly
D. stickfiggas
44. Ito ay tawag sa mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na may kaukulang permiso at
papeles upang magtrabaho at manirahan nang may takdang panahon.
A. permanent migrants
B. temporary migrants
C. westside migrants D. imigrants
45. Ito ay nagaganap kapag ang nakasanayang bansang pinagmumulan ng mga nandarayuhan ay
nagiging destinasyon na rin ng mga manggagawa at refugees mula sa iba’t ibang bansa.
A. migration transition
B. migration lesion C. migrant tension D. migration vision
46. Ito ay isang konsepto kung saan inaako na ng lalaki ang lahat ng responsibilidad sa tahanan pati
ang gawain ng isang ina (kung ang ina ang nangibang bayan o bansa) upang mapangalagaan ang
buong pamilya lalo na ang mga anak.
A. house husband B. housewife C. husbandry D. house yordy
47. Ito ay kasunduang pang-internasyunal sa pagitan ng mga international accrediting agencies na
naglalayong iayon ang kurikulum ng engineering degree programs sa iba’t ibang kasaping bansa.
A. Bologna Accord B. French Accord
C. Washington Accord
D. UK Accord
48. Isang kasunduan na naglalayon na iakma ang kurikulum ng bawat isa upang ang nakapagtapos
ng kurso sa isang bansa ay madaling matatanggap sa mga bansang nakalagda rito kung siya man ay
nagnanais na lumipat dito.
A. Bologna Accord B. French Accord
C. Washington Accord
D. UK Accord
49. Tumutukoy sa pagkuha ng serbisyo mula sa kompanya sa kalapit na bansa. Layunin nitong
iwasan ang mga suliraning kaakibat ng offshoring sapagkat inaasahan na ang kalapit bansang
pagmumulan ng serbisyo ay may pagkakahawig kung di man pagkakatulad sa wika at kultura ng
bansang nakikinabang sa paglilingkod nito.
A. Offshoring
B. Nearshoring
C. Onshoring
D. Inshoring
50. Tinatawag ding domestic outsourcing na nangangahulugan ng pagkuha ng serbisyo sa isang
kompanyang mula din sa loob ng bansa na nagbubunga ng higit na mababang gastusin sa
operasyon.
A. Offshoring
B. Nearshoring
C. Onshoring
D. Inshoring
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VI-Western Visayas
Division of Silay City
City of Silay
_____________________________________________________________
ARAL. PAN. -10
IKALAWANG MARKAHANG
PAGSUSULIT
Download