PANGKAT # 7 10-JACOB MGA SOLUSYON 1. Kamangmangan- Ang kamangmangan ay madadaig natin kung tayo ay mag-iisip o makakapag-desisyon ng tama at kung iniisip natin kung ano ang mangyayari kapag pinag-iisipang mabuti ang desisyon o ang gagawing kilos. Masosolusyunan natin ang kamangmangan kung tayo ay hindi magiging padalos-dalos sa mga gagawing desisyon o kilos. Dapat nating isipin ang maaaring mangyari o ang magiging resulta kapag ginawa ang isang kilos dahil maaari itong magdulot ng hindi maganda sa atin. (Sagot ni Kate Santos) 2. Masidhing damdamin(Kay Izy Mirabel po) 3. Takot- May iba’t ibang klase ng takot. May takot sa tao, bagay, hayop, at sa iba pa. May iba’t ibang paraan din upang masolusyunan ito depende sa takot na kinakaharap mo. Upang mawala o mabawasan ang takot mo sa isang bagay kailangan mong harapin ito at unti-unti mong sanayin ang sarili mo dito. (Sagot ni Rachelle Cunanan) 4. Karahasan- Nasa sampung utos ng Diyos ang paraan na dapat nating tratuhin ang ating kapwa. Lahat ng nailagay sa lahat ng utos ay tumutugma sa pagmamahal na ating dapat na maibigay sa kanila. Ang anumang mabuti ginagawa at gagawin natin sa kapwa natin ay para sa kaluwalhatian ng Diyos. Kaya’t makontento tayo sa kung anong binigay sa atin at ipagpasalamat ito sa Diyos. Huwag na huwag tayong maiinggit sa kung anong meron ang iba na wala sa atin dahil maaari mabuo ang galit natin sa iba o sa sarili. Kung may sabihin man na masama ang isang tao sa iyo ay hhuwag na huwag din magpapaapekto dahil kapag pinatulan ay tayo pa ang magiging at gagawing masama. Kapag may kasama ka na sobrang madaling magalit o kaya nagtaas ng boses ay manahimik na lamang at tayo’y magpakumbaba, ipagdasal na lang natin na maisaayos ang kanilang kalagayan. Panghuli, hayaan at huwag pansinin ang mga nanunukso. Ibahin natin ang ating pananaw dahil maaari na kulang sila sa pansin o kaya kulang sa pagmamahal kaya nilo ito nagawa o ginagawa. (Sagot ni Simon Mancera) 5. Maling ugali- Maaari mong maiwasan ang maling ugali sa pamamagitan ng mahinahong pagiisip bago mag salita o gumawa ng desisyon. Isiping maigi kung ang gagawing kilos o pagpapasiya ay nakasasama ba o nakabubuti hindi lang sayo kundi pati na din sa mga taong nasa paligid mo. (Sagot ni Luis Tolentino)