EL FILIBUSTERISMO Kabanata 19: “Ang Mitsa” Panimula: Sa ating kabanata, nakahanda nang pasabugin ni Simoun ang mitsa – ang damdamin ng pagkagalit. Matapos niyang udyukan at palusugin ang masasamang hilig at sa tulong ng kanyang salapi’y nagawa niyang ipapatay ang mga kalalakihan at ipagahasa ang kababaihan at ipatapon ang mga ama ng tahanan. Ngayong dumating na ang pagkakataong maipaghiganti niya ang kanyang ama at ang taong umaasa ng pagbabago’y inusig naman siya ng kanyang sariling budhi ... Pagkasawi Paghihiganti Pag-aalinlangan Pag-isipan: Makatwiran ba na ituloy ni Simoun ang kanyang mga binabalak? Tandaan na ang mga ito’y gagawin niya rin para sa kabutihan ng bayan. Talasalitaan: nagngingitngit - labis na galit bazar - tindahan lipakin - hamakin promotor piskal - pinunong abogado ng isang distrito procurador - pinuno ng isang relihiyosong korporasyon Talasalitaan: ciriales - mahabang tubo na may krus sa dulo Candelabra - mahabang tubo na may kandila sa dulo arabal - hangganan ng bayan nakaririmrim - nakapandidiri malamlam - mapanglaw Talasalitaan: kinatitirikan - kinatatayuan pamanhikan - pakiusapan fenix - isang mahimalang ibon na nabubuhay ng 500 taon iginugupo - pinaghihina kabuluhan - may kapupuntahan , may katuturan Motibasyon: Sa kabanatang ito, si Placido Penitente ay napuno na at nagpasyang tumigil na sa pag-aaral. Sang-angyon ka ba sa kanya? Bago natin talakayin ang kabanata 19, tunghayan niyo muna ang maikling awiting ito na tila sumasalamin sa hinaing ng makabagong kabataan. Matapos nito ay iugnay niyo ito sa ating aralin. Mga Tauhan: Placido Penitente Ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan. Naaayon nga sa kanya ang kanyang pangalan, na ang ibig sabihin ay “Tahimik na Nagdurusa,” kapag siya ay mahinahon. Ngunit kahit na anong hinahon ng isang tao kapag iyong ginalit ay nagiging mas mabangis na walang makapipigil na makapatay o mamatay. Mga Tauhan: Kabesang Andang Ina ni Placido na mula pa sa Batangas at naghihintay na sa kanyang tahanan upang mamili at bigyan siya ng kuwalta. Si Kabesang Andang ay isang halimbawa ng ignoranteng ina noong panahong iyon na kaya lamang nagpapaaral ng anak ay sa pagkakagaya-gaya o kaibigang makapagmalaki bilang ina ng isang nakapagaral at nagkatitulo. Kung alam niya na ang ibubunga ng pag-aaral ni Placido ay bilangguan o bibitayin, na siyang tiyak na ibubunga ng masikhay at matining na pag-aaral noon, ay papag-aralin pa kaya niya ito? Mga Tauhan: Simoun Ang paghihimagsik na inilunsad ni Simoun ay may iisang layon – paghihiganti. Hindi siya maghihimagsik para sa kabutihan ng bayan kundi upang pagbigyan ang kauhawan niya sa paghihiganti. Ngunit sa paniniwala niya, ang kanyang tunay na layunin ay pagsugpo sa kasamaan ng pamahalaan. At ang masama niyang pamamaraan ay binibigyang katwiran niya sa inaakala niyang layuning makabayan. Ang sandaling pag-aatubili ni Simoun sa kanyang mga balak ay nagpapatotoong sa kaibuturan ng kanyang diwa ay nag-aalinlangan siya sa kanyang pamamaraan. Mahahalagang Pangyayari: Lumabas sa klase si Placido Penitente. Hindi na siya ang dating mapagtimpi. Galit na galit siya. Nais niyang maghiganti. Mahahalagang Pangyayari: Naratnan ni Placido sa bahay na kanyang tinutuluyan ang kanyang ina si Kabesang Andang. Di niya ito inaasahan. Sinabi ni Placido na di na siya magaaral. Naghinagpis ang ina at nakiusap kay Placido. Nagpaalam si Placido sa ina. Mainit pa ang ulo niya. Nakaramdam siya ng gutom kaya’t naisipang umuwi. Inakalang wala na sa bahay ang ina`t nagtungo na sa kapitbahay. Ngunit nagkamali siya. Naroon pa si Kabesang Andang at naghihintay. Mahahalagang Pangyayari: Ipinakiusap daw ni Kabesang Andang sa prokurador ng Agustino na iayos ang suliranin ni Placido sa nakagalit na Dominiko ngunit ayaw ni Placido at sinabing tatalon muna siya sa ilog o manunulisan bago bumalik sa unibersidad. Sinabihan siya ng kaniyang ina ukol sa pagtitiis. Di na muna kumain ang binata at muling umalis ng bahay. Nagtungo siya sa daungan ng mga bapor. Inisip niyang magtungo sa Hongkong, magpayaman at kalabanin ang mga prayle. Mahahalagang Pangyayari: Ginabi siya. Wala siyang natagpuang kaibigan. Nagtungo siya sa perya at doon nakita niya si Simoun. Sinabi niya dito ang nangyari sa kanya at ang hangad niyang pumuntang Hongkong. Mahahalagang Pangyayari: Isinama ni Simoun si Placido. Nakita nina Placido sina Isagani at Paulita na namamasyal. Kinainisan niya sina Simoun at Isagani. Nagpatuloy ng paglalakad sina Simoun at Placido hanggang sapitin nila ang isang bahay na munting pagawaan ng mga pulbura na pinangangasiwaan ng isang dating guro sa San Diego. Nagtanong ang guro sa di pa nila kahandaan. Ani Simoun: sapat na sina Kabesang Tales, ang mga naging kabinero at isang rehinameyento ng mga kawal. Kung ipagpapaliban ay baka patay na si Maria Clara. Tumalima ang dating guro. Mahahalagang Pangyayari: Dalawang oras na nag-usap sa bahay ni Simoun ang magaalahas at ang binata bago umuwi sa kaserahan si Placido. Mahahalagang Pangyayari: Nang mapag-isa si Simoun, ay nagtalo ang loob niya . Sinurot siya ng budhi dahil bahagi siya ng kabulukang nais niyang puksain. Waring nakita niya ang anyo ng kanyang ama at ng kay Elias na tumututol sa kanyang ginawa. Ngunit umiling siya. Kung ako`y tumulad sa inyo ay patay na ako, aniya. Gumawa ako ng masama upang mabigyang daan ang mabuti. Nilalagnat noon si Simoun. Mahahalagang Pangyayari: Kinabukasan ay buong bait na nakikinig si Placido sa nangangaral na ina. Hindi tumututol sa mungkahi nito. Ipinayo na lamang sa ina na bumalik na sa lalawigan kaagad dahil kung malaman daw ng prokurador na naroon si Kabesang Andang ay hihingian pa ito ng regalo at pamisa. Aral/Berso Mula sa Bibliya: Matapos ang ating mga natalakay, ano nga ba ang iyong napulot na panibagong aral ng buhay? Halina’t suriin ang ating mga damdamin sa pamamagitan ng pagsulyap sa mukha ng katotohanan . . . Aral/Berso Mula sa Bibliya: Efeso 6:1-4 “Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa Panginoon, sapagkat ito ang nararapat. "Igalang mo ang iyong ama at ina." Ito ang unang utos na may kalakip na pangakong. "Ikaw ay giginhawa at hahaba ang iyong buhay sa lupa."Mga magulang, huwag kayong gumawa ng mga bagay na ikagagalit ng inyong mga anak. Sa halip, palakihin ninyo sila ayon sa disiplina at katuruan ng Panginoon.” Aral/Berso Mula sa Bibliya: Ecclesiastico 21:27 “Kapag sinumpa ng makasalanan ang kanyang kaaway, para na ring sinumpa niya ang kanyang sarili.” Aral/Berso Mula sa Bibliya: Ecclesiastico 21:19-21 “Para sa hangal ang pag-aaral ay isang tanikala sa kanyang mga paa, parang posas na nakagapos sa kanyang mga kamay. Ngunit para sa matalino, ang pag-aaral ay isang gintong hiyas, isang pulseras na nakasuot sa kanyang bisig. Ang hangal, kung matuwa'y humahalakhak, ngunit ang marunong ay mahinhing ngumingiti lamang kung hinihingi ng pagkakataon.” Aral/Berso Mula sa Bibliya: 2 Tim. 2:15 “Sikapin mong maging kalugud-lugod sa paningin ng Diyos, isang manggagawang walang dapat ikahiya at tapat na nagtuturo ng katotohanan.” Mahahalagang Pahayag sa Kabanata: “Sige Placido ipakilala mo sa kanilang may karangalan ka, na ikaw ang nanggagaling sa lalawigan ng mga matatapang, gumanti ka, gumanti ka.” Mahahalagang Pahayag sa Kabanata: “Ano ang mangyayari sa iyo ngayon, tatawagin kang isang filibustero’t baka ipabitay ka pa. Sinasabi ko sa iyong magtiis at magpakumbaba. Hindi ko sinasabing humalik ka sa kamay ng mga kura at alam kong may maselan kang pang-amoy katulad ng iyong ama na hindi makakain ng kesong Europeo, ngunit dapat tayong magtiis, huwag umimik at sumagot ng oo sa lahat. Anong magagawa natin? Ang mga prayle ay mayroon ng lahat ng bagay, kung ayaw nila ay walang magiging abogado o doktor, kaya magtiis ka anak ko, magtiis ka.” Mahahalagang Pahayag sa Kabanata: “Di na kakaunting tiis ang ginawa ko inang at hindi na ako makapagtitiis.” Mahahalagang Pahayag sa Kabanata: “Tatalon muna ako sa dagat, manunulisan muna ako bago ako bumalik sa unibersidad.” Mahahalagang Pahayag sa Kabanata: “Nagtataka ba kayong makakita ng isang kastilang bata pa’y sakitin na? Dalawang taon pa lamang ang nakalilipas ay malusog pa siyang katulad ninyo, nalakad ng kanyang mga kaaway na siya’y mapatapon sa balabak upang doon makasama ang mga pinahihirapan sa paggawa. Kaya hayan siya ngayon, may rayuma at iginugupo ng malaria na magdadala sa kanya sa nalalapit na hukay. Ang sawimpalad ay nakapag-asawa lamang ng isang napakagandang babae.” Mahahalagang Pahayag sa Kabanata: “Ang kasumpa-sumpang lungsod na ito na puno ng pagmamataas at pagsasamantala sa mga mangmang at kapos palad ay magliliyab na.” Mahahalagang Pahayag sa Kabanata: “Ang gawa niya ay malapit ng matapos at ang kanyang tagumpay ang magbibigay ng katwiran sa akin.” Mga Tulong sa Pag-aaral Bakit nasabi ni Placido na wala na siyang pagkakataong mag-aral? Iisa ang unibersidad noon para sa karera, ang Unibersidad ng Sto. Tomas. Ayaw na siyang tangapin doon. Mga Tulong sa Pag-aaral Sa anong ibon inihalintulad ni Simoun si Maria Clara? Sa Fenix (Phoenix). Iisa lang ang ibong ito. (Tulad ni Maria Clara na iisang babae sa buhay ni Ibarra.) nabubuhay ito mula sa 500 hangggang 12,954 taon. Pagkatapos ay sinusunog nito ang sarili sa sariling pugad at ang abo nito’y nagiging bagong Fenix. Kung makuha na ni Simoun si Maria Clara sa mga kuko ng bulag na paniniwala, bibigyan niya ng bagong buhay ang mongha. Sabi ni Simoun patungkol kay Maria Clara: Isang paghihimagsik ang naglayo sa akin at sa iyo; isa ring pagbangon ang magsasauli sa akin sa iyo. Mga Tulong sa Pag-aaral Bakit nakita ni Simoun sa kanyang balintataw na tila galit ang anyo ni Don Rafael at ni Elias? Ang dalawa`y di sang-ayon sa pamamaraang kanyang ginamit. Si Don Rafael ay kabutihang lagi ang panuntunan sa pakikitungo sa bayan. Kay Elias ay di siya karapat-dapat sa tungkuling kanyang ginaganap; di na siya karapat-dapat dahil ang nag-uudyok sa kanya sa paghahangad na mapalaya ang bayan ay di ang diwang makabayan at makatarungan kundi payak na paghahangad ng paghihiganti. Mga Tulong sa Pag-aaral Ipaliwanag ang biglang pagbabago ng loob ni Placido nang kausapin siya kinabukasan ng kanyang ina? Sa ipinabatid sa kanya ni Simoun noong sinundang gabi ay naisip niyang isa ng kalabisan ang makipagtalo sa kanyang ina. Kunwa’y payag na siya sapagka’t batid niyang sa mga araw na iyon ay ibubunsod na ang madugong himagsikan kaya’t wala nang tanging hiling sa ina kundi umuwi kaagad sa lalawigan upang makaiwas sa labanan. Mga Tulong sa Pag-aaral Ano ang mitsa ng paghihimagsik ni Simoun? Ang paghihimagsik ay parang bomba na handa na ngunit wala pang mitsa na sisindihan upang pasabugin ang bomba. Ang paghihimagsik ni Simoun ay may layon: pagbawi kay Maria Clara.