Uploaded by Franz Jr Gaon

DLP No. 7grade6 impor

advertisement
DETAILED LESSON PLAN
DLP Blg : 7
Mga Kasanayan
Susi ng Pag-unawa ng
Lilinangin
1. Mga Layunin :
Kaalaman
Kasanayan
Kaasalan
Kahalagahan
2. Nilalaman
Asignatura: Filipino
Baitang: 6
Markahan :
Oras: 50 minuto
Ikatlo
Nasasagot ang mga tanong na bakit at paano sa tekstong pangF6PB-IIIc-3.2.2
impormasyon.
Nagagamit ang pariralang pang-abay sa paglalarawan ng paraan,
F6WG-IIIa-c-6
panahon, lugar ng kilos at damdamin.
Ang tanong na bakit ay nagangailangan ng paliwanag at ang tanong na paano ay paraan sa
paggawa ng kilos.
Pang-abay – salita o lipon ng mga salita na nagbibigay-turing o larawan sa isang pang-uri,
pandiwa at kapwa pang-abay.
3 uri ng pang-abay : 1. pamaraan – sumasagot sa tanong na paano , sinasabi nito kung
paano isasagawa ang kilos na isinasaad ng pandiwa
2. pamanahon – nagsasabi kung kailan ginawa ang kilos
3. panlunan – tumutukoy sa lugar o pook kung saan naganap ,
nagaganap o magaganap ang kilos
Nasasagot ang mga tanong na bakit at paano sa tekstong pang-impormasyon.
Nagagamit ang pariralang pang-abay sa paglalarawan ng paraan ng kilos at damdamin.
Naipapakita ang pagiging maagap sa pamamagitan ng pagiging handa sa anumang oras.
Napahalagahan ang pagtulong sa kapwa sa panahon ng pangangailangan.
Pagsagot sa Bakit at Paano ; Pang-abay na Pamaraan
3. Mga Kagamitang
Pampagtuturo
4. Pamamaraan
4.1 Panimulang
Gawain
( 3 minuto )
Talindaw, Aklat sa Wika at Pagbasa, pah 343-346
4.2 Mga Gawain/
Estratehiya
(10 minuto)
Basahin ang maikling kuwento.
4.3 Pagsusuri
(5minuto)
Ipasagot ang mga tanong tungkol sa binasa.
1. Tungkol saan ang binasang kuwento?
2. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento? Ilarawan ang bawat isa.
3. Bakit naghahakot ng pagkain ang langgam?
A. Pagbabalik-aral sa pandiwa at pang-uri.
B. Ayusin ang mga titik para makabuong pangalan ng isang insekto ayon sa ibinigay
na paglalarawan.
( MANGLAG ) – masakit mangagat, masipag mag-imbak ng pagkain para sa tagulan
( LONGPAKTI ) – kulay berde na kadalasang makikita sa damuhan
Para sa guro: Maari pang magbigay ng iba pang paglalarawan kung hindi makuha
kaagad ng mga bata ang pinahuhulaan.
ANG LANGGAM AT ANG TIPAKLONG
Matindi ang sikat ng araw ngunit matiyagang naghahakot ng pagkain ang langgam.
Pasigaw na sinabihan ng tipaklong ang langgam. “ Hoy , langgam ! Trabaho ka nang
trabaho.
Magpahinga ka naman.”
“Kailangang makaipon ng pagkain bago dumating ang tag-ulan”, ang sagot ng langgam.
“ Ngunit malayo pa ang tag-ulan. Magsaya ka muna at magpahinga”, sabi ng tipaklong.
“ Gustuhin ko man, kailangan kong humanap ng pagkain dahil hindi na ako makalalabas
para
Maghanap ng pagkain”, sabi ng langgam.
Hindi na pinansin ng langgamang sinabi pa ng tipaklong. Tahimik niyang ipinagpatuloy
ang paghahanap ng pagkain.
Isang araw biglang, biglang dumating ang bagyo. Walang tigil ang pagbuhos ng ulan.
Samantala, panatag na namamahinga na ang langgam at masayang nilalasap ang hapunan.
Walang anu-ano’y nakarinig siya ng pagkatok sa pinto.
“ Oy tipaklong ,ikaw pala! Bakit ka napasyal?”, sabi ng langgam.
“ Nakakahiya man, gusto ko sanang manghingi ng pagkain. Napaaga ang tag-ulan.
Hindi
man lang ako nakapag-ipon ng pagkain”, sagot ng tipaklong.
Buong lugod na pinatuloy ng langgam ang tipaklong at ito ay pinakain.
“ Tama ka , kaibigang langgam. Kailangang mag-impok para may madudukot
pagdating ng tag-ulan”,sabi ng tipaklong.
Mula noon, ipinangako ng tipaklong sa sarili na kailangang maging masipag at
maagap tulad ng langgam.
4. Paano sinabihan ng tipaklong ang langgam?
5. Paano bumuhos ang ulan?
6. Bakit nagpunta ang tipaklong kay langgam?
7. Paano pinatuloy ng langgam ang tipaklong?
8. Anong aral ang napulot ninyo mula sa binasang kuwento?
4.4 Pagtatalakay
( 10 minuto)
A. Basahin ang mga sumusunod:
1. Naghahakot ng pagkain ang langgam para may pagkain sa tag-ulan.
2. Nagpunta si tipaklong sa langgam dahil wala siyang pagkain na naimbak.
3. Pasigaw na sinabihan ng tipaklong ang langgam.
4. Walang tigil ang pagbuhos ng ulan.
Anong tanong ang sinasagot ng may salungguhit sa bilang 1 at 2? Sa 3 at 4?
Pag-usapan ang pagsagot sa bakit at paano.
B. Ano ang inilarawan sa salitang pasigaw sa bilang 3? Sa walang tigil sa bilang 4?
Pag-usapan ang pang-abay na pamaraan. Sabihin na ang sagot sa tanong na
paano ay mga pang-abay na pamaraan. Pabigayin ang mga bata ng halimbawa.
Ang pariralang pang-abay na pamaraan ay karaniwang nagsisimula sa nang
depende sa pangungusap.
Halimbawa: Tumakbo nang mabilis ang sasakyan.
Mabilis tumakbo ang sasakyan.
4.5 Paglalapat
(5 minuto)
Pangkatin ang klase sa apat at ipagawa ang sumusunod:
1. Gumawa ng 1 tanong na nagsisimula sa salitang bakit at 1 sa paano. Bigyan ito ng
sagot.
2. Gamitin ang sumusunod na pang-abay na pamaraan sa pangungusap :
nang marahan , buong husay , nang mahimbing
3. Isulat sa manila paper ang sagot at ipaskil sa pisara. Pumili ng isa na siyang maguulat sa harap ng klase.
5. Pagtataya
( 13 minuto)
6. Takdang Aralin (2min)
7. Panapos na Gawain
(2minuto)
A. Basahin ang talata at sagutin ang mga tanong.
Panatag na naglalakad si Jenny patungo sa paaralan.Bitbit niya ang kanyang
bag at mga aklat. Maya-maya, bumagsak si Jenny sa sementadong
daan.Tumilapon ang kanyang mga gamit at napasigaw “ Ay! “ ang wika niya na
nagpagulat sa iba pang dumaan.Iyon pala ay nadulas siya dahil may balat ng
saging sa kanyang dinaanan.
1. Paano naglalakad si Jenny?
2. Bakit nadulas si Jenny?
B. Punan ng angkop na pang-abay na pamaraan ang sumusunod:
1. Tumayo nang __________ sa harapan ng manonod.
2. Magdasal ____________ para dinggin ang panalangin.
3. Makinig ______________ sa gurong nagsasalita.
Gumawa ng isang pangungusap gamit ang pang-abay na pamaraan.
Salungguhitan ang ginamit na pang-abay na pamaraan.
Tandaan : Dapat lagi tayong handa sa anumang bagay.
Inihanda ni :
Pangalan: Lorina L. Gonzales
Posisyon/ Designasyon: MT 1
Contact Number : 09333034438
Paaralan: Danao City Central School
Sangay: Danao City Division
Email Address:
.
Download