l Kailangan ba talagang alisin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo? Bakit? Para sa akin hindi dapat alisin ang asignaturang Filipino sapagkat ang pagtuturo ng Filipino ay nakakapaglinang ng kakayahang pang komunikatibo ng isang katulad kong magaaral. Isa pa mas lalong mapapahalagahan ang mga pampanitikan na babasahin. Isa pa kung tatanggalin nila ang Filipino ay para narin nilang binalewala ang karapatan ng mga pilipino mahalin at matutunan ang wikang nakasanayan. Base naman sa isang artikulo sa isang pamahayagan inihayag ng isang propesor na nanganganib na bumaba ang kalidad ng wikang pambansa kapag inalis ang asignaturang Filipino sa mas mataas na antas ng edukasyon. Bata pa raw ang wikang pambansa at hindi pa ito ganap na intelektwalisado o nagagamit sa iba’t ibang larangan kaya naman ay nararapat lamang na pagbutihin at palawakin pa ang pagtuturo nito sa lahat ng antas, lalo na sa kolehiyo upang maging ganap ang intelektwalisasyon nito. Anong mga aralin sa Filipino ang hindi na kailangan pang pag-aralan? Bakit? Sa aking pananaw, ang lahat ng mga aralin ay kailangan pag aralan. Mayroon lamang mga aralin na mas kailangan bigyan ng pansin o bigyan ng mas maraming oras. Anong mga aralin sa Filipino ang kailangan pa ring bigyang pansin? Para sa akin maraming mga aralin ang kailangan pa rin bigyan ng pansin. Pero para sa akin ang pinaka kailangan pagtuunan ng pansin ay ang mga panitikan dahil napagaaralan namin dito ang kasaysayan at nagiging gabay ito sa aming mga mag aaral. Isa pa sa pag aaral namin ng mga panitikan marami kaming natututunan sa mga may akda at nahahasa ang aming intelektwal na pag-iisip sa pamamagitan ng pagbabasa at pagsusulat nang masining at may retorika. Isa pa sa mga kailangan pagtuunan ng pansin ay ang wika at tamang pagbigkas ng mga salita sapagkat ang wika ang nagpapatatag sa bigkis ng mga tao sa pamamagitan ng pagkakaunawaan.