KABANATA III PANITIKAN HINGGIL SA KARAPATANG PANTAO Introduksyon Ang mga pangangailangan ng tao ay dapat matugunan upang siya ay mabuhay. Karapatan ng tao na matugunan ang kanyang mga pangangailangan upang siya ay mabuhay nang may dignidad bilang tao. Ang karapatang pantao ay ang mga karapatan na tinatamasa ng tao sa sandaling siya ay isilang. Ang pagkakamit ng tao ng mga pangangailangan niya tulad ng pagkain. Damit, bahay, edukasyon at iba pang pangangailangan ay nangangahulugan na nakakamit niya ang kanyang karapatan. Hindi maaaring mabuhay ang tao kung hindi niya nakakamit ang kanyang mga karapatan. Mayroon tayong karapatan dahil tayo ay tao. Ang pagkakaroon ng karapatang pantao ay bahagi na ng pagiging tao at hindi na kinakailangan pang ito ay kilalanin ng pamahalaan sa estado sapagkat likas na itong bahagi ng tao. Pangkalahatang Layunin 1. Maipaliliwanag ang katuturan, mga uri ng karapatan at mga dokumentong karapatang pantao. Introduksyon Simula nang isilang tayo sa daigdig bilang tao, kasama na ring isinilang ang ating mga karapatan. Sinisiguro nito na magiging produktibo tayong bahagi ng lipunan at magiging ligtas ang pananatili saan mang bahagi ng mundo. Sa araling na ito, tatalakayin ang isa sa mga mahahalaga nating karapatan ay ang mabuhay nang tahimik o payapa. Sinisikap ng bawat pamahalaan sa mundo na mapanitili ang kaayusan at kapayapaan saanmang sulok ng daigdig. Dapat na mailayo sa kapahamakan ang bawat isa at makaiwas sa kriminalidad. Mga Tiyak na Layunin: Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Natutukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapaki-pakinabang na sanggunian sa panunuring pampanitikan tungkol sa karapatang pantao. 2. Nakabubuo ng sulatin gamit ang mga nakalap na impormasyon. Pagtalakay Katuturan ng Karapatang Pantao Ang karapatang pantao ay ginagamit ng mga tao kapag sila ay naaabuso o kaya naman kapag ipinaglalaban nila ang kanilang nais. Mga Uri ng Karapatan 1. Natural - Mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipagkakaloob ng estado. Halimbawa: karapatang mabuhay, maging malaya, at magkaroon ng ari-arian. 2. Constitutional rights - Mga karapatang ipagkakaloob at pinangangalagaan ng Estado. Halimbawa: Karapatang political, Sibil, Sosyo Ekonomiks at karapatan ng akusado. 3. Statutory - Mga karapatang kaloob ng binuong batas at maaring alisin sa pamamagitan ng panibagong batas. Dalawang Karapatang Pantao 1. Indibidwal o personal na karapatan - Karapatan na pag-aari ng mga indibidwal na tao para sa pag-unlad ng sariling pagkatao at kapakanan. Karapatang sibil- ito ang mga karapatan ng mga tao upang mabuhay na Malaya at mapayapa. Karapatang pulitikal- ito ang karapatang na makisali sa mga proseso pagdesissyon ng pamayanan. Karapatang panlipunan- ito ang karapatang mabuhay ang tao sa isang lipunan at upang isulong ang kanyang kapakanan. Karapatang pangkabuhayan- ito ay mga karapatang ukol sa pagsusulong ng kabuhayan ng disenteng pamumuhay. Karapatang kultural- karapatan ng mga taong lumahok sa buhay kultural ng pamayanan at magtamasa ng siyentipikong pag-unlad ng pamayanan. 2. Pangkatan/ Pangrupo/ o kolektibong karapatan * Ito ay mga karapatang bumuo ng pamayanan upang isulong ang panlipunan. Mga dokumentong naglalahad ng mga karapatang pantao • Cyru’s Cylinder – ang karapatang pantao na nakapaloob ditto ay may kinalaman sa hindi pangtangging lahi at kultura o maging ng relihiyon. Nakasaad ditto na dapat ay pantay-pantay ang tingin sa kahit kaninong tao. “Ang lahat ng tao ay may karapatang pumili ng relihiyon at marapat ituring na kapantay ng ibang lahi. • – Maging malaya ang mga alipin, – Karapatang pumili ng nais na relihiyon – Pagkakaroon ng pagkakapantay-pantay Magna Carta - Hindi maaring dakpin, ipakulong at bawiin ang anumang ari-arian ng sinuman nang walang pagpapasiya ng hukuman. – Magna Carta of Women - isinabatas upang alisin ang lahat ng uri ng diskriminasyon laban sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang pagkapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay, alinsunod sa mga batas ng Pilipinas at mga pandaigdigang instrumento, lalo na ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women o CEDAW • Petition of human rights- Hindi pagpapataw ng buwis nang walang pahintulot ng Parliament. – Halimbawa, kapag ang sistema ng parylamentaryo ay may ipinatupad na batas o isinagawang regulasyon na marahil ay hindi kinakikitaan ng patas na hustisya, magkakaroon ng karapatan ang isa na tumutol dito at muling pag-usapan ang pagpapatupad nito. • Bill of Rights - Karapatang pantao ng lahat ng mamayan at iba pang naninirahan sa bansa – Nakasaad dito na hindi maaaring kitilin ang buhay, kalayaan, o ari-arian ng sinuman nang hindi nabibigyan ng 'due process'. Ibig sabihin, dapat dumaan sa tamang proseso ang sinumang nanganganib matanggalan ng mga proteksiyong ito. Kasama diyan ang mabigyan siya ng pagkakataong idepensa ang kaniyang sarili. • Declaration of the rights of man and of the citizen - karapatan ng mga mamamayan. – Isang pundamental na dokumento ng Rebolusyong Pranses, na binibigyan kahulugan ang indibiduwal at kolektibong mga karapatan ng lahat ng pag-aari ng lupain bilang pangkalahatan. Naimpluwensiya ng doktrina ng likas na karapatan, pangkalahatan ang mga karapatan ng Tao: may bisa sa lahat ng oras at sa kahit saang lugar, tumutukoy sa kalikasan ng tao mismo. Mga Karapatang Pantao o Human Rights 1. karapatang mamuhay (right to live) 2. kalayaan sa pagsasalita (freedom of speech) 3. pagkakapantay-pantay sa harap ng batas (equality before the law) 4. panlipunang karapatan (social rights) 5. pangkalinangang karapatan (cultural rights) 6. pangkabuhayang karapatan (economic rights) (pertaining to livelihood) 7. karapatang makilahok sa kultura (the right to participate in culture) 8. karapatan sa pagkain (the right to food) 9. karapatang makapaghanapbuhay (the right to work for a living) 10. karapatan sa edukasyon (the right to education) 11. karapatan ng tao (rights of man”) rights of human being, rights of people Kahalagahan ng Karapatang Pantao Ang pagkilala sa karapatang pantao ay pagkilala rin sa karapatan ng iba. Ang pagkilala sa karapatan ng iba ay nasasaad ng ating obligasyon na igalang ang karapatan ng bawat tao. Kung ang lahat ng mamamayan ay kumikilala sa karapatan ng bawat isa, malaki ang posibilidad ng kapayapaan sa lahat ng aspeto ng ating buhay sa lipunang Pilipino. Buod ng Aralin Ang mga karapatang pantao ay mga prinsipyo o pamantayan ng moral na naglalarawan ng ilang pamantayan ng pag-uugali ng tao at regular na pinoprotektahan bilang natural at legal na mga karapatan sa munisipal at internasyonal na batas. Karaniwang naiintindihan ang mga ito bilang di- mabilang, pangunahing mga karapatan "kung saan ang isang tao ay likas na may karapatan dahil siya o siya ay isang tao" at "mga likas sa lahat ng tao", anuman ang kanilang bansa, lokasyon, wika, relihiyon, etniko pinagmulan o anumang iba pang katayuan. Ang mga ito ay naaangkop sa lahat ng dako at sa bawat oras sa pag-unawa ng pagiging unibersal, at ang mga ito ay mapagpakumbaba sa kahulugan ng pagiging pareho para sa lahat. Introduksyon Mahalagang malaman natin ang ating karapatan upang matamasa natin ang mga pangunahing pangangailangan natin bilang tao. Sinumang umagaw sa ating mga pangangailangan o kumitil sa ating buhay ngang walang dahilan ay lumabag sa ating karapatn bilang tao. Suriin natin ang isang akdang pampanitikan na pinamagatang “Sanayan lang ang Pagpatay” at “Kung Bakit Salbahe ang Salitang "Salvage". Mga Tiyak na Layunin: 1. Nailalahad ang mga katangian ng mahusay na akdang pampanitikan tungkol sa karapatang pantao; 2. Nakasusulat ng akademikong papel na nagsusuri sa kabuluhang panlipunan ng isang akdang pampanitikang hinggil sa karapatang pantao; at 3. Nakasusulat ng sariling akdang pampanitikang tumatalakay sa iba’t ibang isyu ukol sa karapatang pantao. Akdang Pampanitikan SANAYAN LANG ANG PAGPATAY Fr. Albert Alejo, SJ (Para sa sektor nating pumapatay ng tao) Pagpatay ng tao? Sanayan lang ‘yan pare. Magandang pagsasanay ito sapagkat Parang sa butiki. Sa una siyempre Hindi mo nakikita, naririnig lamang na Ikaw’y nangingimi. Hindi mo masikmurang lumalangutngot Tiradurin o hampasing tulad ng ipis o lamok Ang buo’t bungo ng lintik na butiking hindi Pagkat para bang lagi ‘yang nakadapo na makahalutiktik. Sa noo ng santo sa altar (Kung sa bagay, kilabot din ‘yan sa mga At tila may tinig na nagsasabing gamu-gamo.) Bawal bawal bawal ‘yang pumatay. Nang magtagal-tagal ay naging malikhain na Subalit tulad lang ng maraming bagay rin Ang pagpatay ay natututuhan din kung Ang aking mga kamay sa pagdukit ng mata, magtitiyaga Pagbleyd ng paa, pagpisa ng itlog sa loob Kang makinig sa may higit na karanasan. ng tiyan Nakuha ko sa tiyuhin ko kung paanong Hanggang mamilipit ‘yang parang nasa balibagin ng tsinelas ibabaw ng baga. O pilantikin ng lampin ang nakatitig na butiki O kung panahon ng Pasko’t maraming sa aming kisame paputok At kapag nalaglag na’t nagkikikisay sa sahig Maingat kong sinusubuan ‘yan ng Ay agad ipitin nang hindi makapuslit rebentador Habang dahan-dahang tinitipon ang buong Upang sa pagsabog ay magpaalaman ang bigat nguso at buntot. Sa isang paang nakatingkayad: sabay (Ang hindi ko lamang maintindihan ay kung bagsak. bakit Patuloy pa rin ‘yang nadaragdagan.) Kaya’t Kung hindi ako ay iba naman ang babanat; ang pagpatay ay nakasasawa rin kung Kung hindi ngayon ay sa iba namang oras. minsan. Subalit ang higit na nagbibigay sa akin ng Mabuti na lamang at nakaluluwag ng loob lakas ng loob Ang pinto at bintanang kahit hindi mo Ay ang malalim nating pagsasamahan: sinasadya Habang ako’y pumapatay, kayo nama’y At may paraan ng pagpuksa ng buhay. nanonood Ganyang lang talaga ang pagpatay: . KABANATA IV PANITIKAN HINGGIL SA ISYUNG PANGMANGGAGAWA, PANGMAGSASAKA, AT PAMBANSA Introduksyon Ang mga isyung pangmanggagawa at pangmagsasaka ay dapat na ituring na mga isyung pambansa. Nakasalalay sa mga manggagawa ang pambansang ekonomiya. Nakasalalay naman sa mga magsasaka ang pambansang agrikultura. Kapwa may ambag ang dalawang sektor sa araw-araw na buhay ng bawat Pilipino. Kung kaya sa araling ito, palalalimin ang ano mang isyung kinakaharap ng bawat isa ay nararapat lang maikintal sa kamalayan ng bawat Pilipino at maging sa tulad mong kabataang pag-asa ng ating bayan. Pangkalahatang Layunin 1. Matalakay ang mga akdang pampanitikan na sumasalamin sa isyung pangmanggagawa, pangmagsasaka at pambansa. Introduksyon Sa kasalukuyan maraming isyu at suliranin ang kinakaharap ng ating mga manggagawang Pilipino, sa mga magsasaka at ang ating bansa, ngunit ang mga ito ay ginagawan ng paraan ng kasalukuyang administrasyon upang masolusyunan ang mga problemang ito. Sa araling ito, may mga programa at proyekto na ipinatutupad ang pamahalaan upang mabigyan ng suporta ang mga mangagawang Pilipino gayundin ang mga batas na magliligtas sa mga isyung ito. Mga Tiyak na Layunin Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Natutukoy at naipaliliwanag ang iba’t ibang isyung kinakaharap ng mga manggagawa; 2. Naitatala ang pangkalahatang danas ng mga manggagawa sa pamamagitang ng pakikipanayam; at 3. Nakalilikha ng isang maikling tula tungkol sa kinapanayam hinggil sa isyung pangmanggagawa. Pagtalakay Ang paggawa ay ang gawain ng mga tao na may layuning bumuo ng produkto o magbigay ng serbisyo. Maaaring tumukoy ang paggawa sa lahat ng aspeto ng mga tao na may layong bumuo ng isang bagay o pangyayari. Sa isinasagawang Labor Force Survey ng Philippines Statistics Authority noong 2018, may 43.2 milyong katao mula sa 71.0 milyong kabuuang populasyon ng lakaspaggawa ang aktibong nasa estado ng paggawa. Ang labor force o lakas-paggawang ito ay kumakatawan sa bahagi ng populasyon na may edad labinlima (15) hanggang limampu’t apat (54) (The World Bank, 2018). Mula 2007 hanggang 2016, mayroong taunang pagtaas na 2.3% sa bilang ng may trabaho; bumaba ito ng 1.6% noong 2017. Gayon pa man, noong 2018 nasa 94.6% ang employment rate ng bansa. Sa kabuuang bilang na ito, makikita sa talahanayan ang distribusyon ng paggawa base sa iba’t ibang sector. Taon Agrikultura Industriya Serbisyo 2018 25.0 18.9 56.1 2017 25.4 18.3 56.3 2007 35.1 15.3 49.6 1997 40.8 16.7 42.5 Sa datos na ito, makikita ang patuloy na pagbaba ng paggawa sa sector ng agrikultura at ang pagtaas naman sa sector ng erbisyo. Sa pagtataya, nasa lima (5) sa bawat sampung (10) Pilipino ang nagtatrabaho sa sector ng serbisyo. Ang sector na ito rin ang may pinakamalaking ambag sa domestikong ekonomiya ng bansa. Ang pagbagsak ng bilang ng lakas paggawa sa agrikultura ay nagpababa din sa ambag ng sector na ito sa ekonomiya. Sa katunayan, noong 2016, nasa 9.5% ang ambag nito sa ekonomiya ng bansa, ngunit bumaba ito sa 8.4% noong 2016. Gayondin ang kaso sa manupaktura na halos walang paggalaw sa kontribusyon na 23.2% noong 2015 at 22.8% noong 2016 (dela Cruz, 2018). Kung gayon, nakatuon ang paglago sa sector ng serbisyo. Tila ito ang patuloy na direksyo ng bansa at napapawalang-halaga ang mga sector na inaasahang maghahatid ng tunay na kaunlaran sa bayan – ang sector ng agrikultura at industriya. Lalo pang aasahan ito sa implementasyon ng K-12 na edukasyon na tinatayang mas m abilang makapagpoprodyus ng murang lakas paggawa upang isuplay hindi lamang sa local na pangangailangan kung hindi para sa pangangailangan ng malalaking mga bansa tulad ng Estados Unidos, Canado, mga bansa sa Gitnang Silangan at maging sa Kalakhang Asya. Sa masusing pag-aaral ng World Bank at ng Australian AID, tintalakay ni Rutkowski (2015) sa kanyang Employment and Poverty in the Philippines ang kalagayan ng paggawa sa bansa at ang relasyon nito sa kahirapan. Sa ulat na ito, nabanggit ang dalawang namamaying kategorya ng trbaho sa Pilipinas – ang bad jobs at good jobs. Ang bad jobs ay tumutukoy sa mga impormal at may mababang pasahod na trabaho. Mababa ang pasahod sa kasong mas mababa sa 2/3 ng karaniwang pasahod na at napakababa naman kung ito ay nasa 50% ng karaniwang sahod o median wage. Ang mga ito rin ay hindi sakop ng labor reglations. Kabilang sa mga ito ang mga trabahong kaswal, pakyawan at mga involuntary part-time. Samantala, ang good jobs naman ay mga trbahong pormal at may magandang pasahod. Masasabing pormal ang isang trabaho kung natutugunan nito ang dalawa sa tatlong pamantayan: 1) may nakasulat na kontrata ng empleyo, 2) may segurong-panlipunan o social insurance mula sa employer, at 3) may proteksyon sa arbitraryong pagkatanggal sa trabaho. ‘Di tulad ng mga bad jobs na may mataas na risk ng kahirapan, mababa ang panganib ng kahirapan sa mga trbahong nasa kategoryang ito. Isa pa sa nakababahalang datos sa ulat ang natukklasang mataas na porsyento ng kabataang Filipino ay NEET o not in education, employment and training. Sa may edad na labinlima (15) hanggang dalawampu’t apat (24), 14% lamang sa NEET ang aktibong naghahanap ng trabaho. Marahil, bunsod ito ng kawalan ng oportunidad lalo na at marami sa mga kabataan ay kulang din sa edukasyon at kakayahang teknikal. Maliban pa rito, natuklasan din ang mga sumusunod: 1. Mataas ang inekwalidad o ‘di pagkakapantay ng kita sa Pilipino kumpara sa internasyonal na standard; 2. Mahirap ang mga tao sa Pilipinas hindi dahil sila nagtatrabaho kung hindi dahil maliit ang kanilangkinikita; 3. Karamihan sa mga mahihirap na manggagawa ay mga ‘di sahurang (non-wage) manggagawa; 4. Mass mababa ang panganib na maghirap ang mga manggagawang may mataas na pinag-aralan; 5. Mas mababa ang poverty incidence sa mga babaeng manggagawa kumpara sa mga kalalakihan; 6. Mas maiksik ang oras ng trabaho ng mga mahihirap dahil sa kawalan ng oportunidad ng magkaroon ng regular na trabaho; at 7. Minorya lamang sa mga mahihirap na manggagawa ang tumatanggap ng minimum na sahod. Ipinapakita ng kalagayang ito ng mga mangagawa sa Pilipinas, lalo nan g mga mahihirap na mangagawa, na ang problematiko ang kasalukuyang paggawa sa Pilipinas. Marami namang mga batas ang nagbabalatkayong pumoprotekta sa apakanan ng mga manggagawa, ngunit sa katotohanan ay nagiging instrumento pa ang mga ito sa lalong pang-aabuso sa mga manggagawa. Halimbawa, ang pagsasabatas sa RA No. 6727 o Wage Rationalization Act noong 1989 sa panahon ni Corazon Aquino ay nagbigay-daan upang mabuo ang RTWPs o Regional Tripatite Wages and Productivity Boards sa mga rehiyon. Ito rin ang nagbigay-daan sa pagkakabuo ng NWPC o National Wages and Productivity Commission. Sa kasamaang-palad, ang batas ding ito ang nagbigay-daan sa mga mekanismong kontra-manggagawa. Dahil hindi na nakaangkla sa isang national wage standard ang minimum wage ng mga rehiyon kung hindi sa kondisyong ekonomiko sa mga rehiyong ito, napapako sa napakababang minimum ang sahod ng mga manggagawa sa mga rehiyon. Bunsod ito ng pagiging market-biased ng mga institusyon na siyang lalong nagpapalala sa kalagayan ng mga manggagawa (Naguit, 2017). Nasa kasunod na talahanayan ang inilabas ng National Wages and Productivity Commission na urrent Real Minimum Wage batay sa September 2019 Consumer Price Index. Current Real Minimum Wage Region NCR Agriculture Non-Agriculture 455.08 Plantation Non-Plantation 423.73 423.73 CAR 268.01 268.01 268.01 I 284.52 246.86 235.98 II 295.81 279.38 279.38 III 334.73 309.62 296.23 IV-A 337.27 311.97 300.17 IV-B 259.74 259.74 259.74 V 255.35 255.35 255.35 VI 297.47 240.42 240.42 VII 311.29 296.77 296.77 VIII 252.40 228.37 228.37 IX 255.66 245.15 245.15 X 291.31 281.72 281.72 XI 325.66 321.55 321.55 XII 250.00 233.12 233.12 CARAGA 268.01 268.01 268.01 ARMM 219.44 211.60 211.60 Patuloy naman ang pakikibakang mga labor union o mga grupong pangmanggagawa para iigit ang higit na makatarungang pasahod sa mga manggagawa. Kasama rin sa mga hangaring ito na mapabuti ang iba pang aspekto ng paggawa tulad na lamang ng pagpapataas sa bilang ng mga trabaho. Bagaman tumaas ang porsyento ng may trabaho, naitala naman ang mataas na porsyento ng underemployment. Noong 2017, nasa 16.2% ito at lumubo pa ito sa 17.5% noong 2018 (LFS, 2018). Nangangahulugan lamang na ang mataas na porsyento ng may trabaho ay hindi nangangahulugang isang magandang kalagayan sapagkat may mga kondisyon pang dapat maisaalang-alang. Maliban pa sa mga nabanggit nang suliranin ng mga manggagawa sa Pilipinas, ang kontraktwalisasyon ay isa sa pinakamalaking isyung kanilang kinakaharap sa kasalukuyan. Lalong napag-usapan ito nang ipangako ng Rodrigo Duterte noong 2016 na kanyang tatapusin ang endo, ang kolokyal na tawag sa mga pagtatanggal sa mga kontraktwal na manggawa. Sa kasamaang-palad, sa kalagitnaan ng kanyang termino ay hindi pa rin nakausad ang mga paborableng batas upang mapatigil na ang ‘di makatarungang kontraktwalisasyon sa bansa. Isa ito sa marami niyang pangakong napako lamang. Sa isang isyu ng IBON Facts & Figures na Contractualization Prevails, binalangkas ang mga sistema, batas at kautusang may kinalaman sa kontraktwalisasyon: Kronolohikal na Listahan ng mga Batas, Sistema at Kautusan sa Implementasyon ng Konntraktwalisasyo Batas, Sistema at mga Kautusan Cabo System under the colonial Spanish government System in Labor Relations under the colonial American government Presidential Decree (PD) 442: Labor Code of the Philippines Policy Instructions 20-76: Stabilizing employer-employee relations in Panahon/Petsa Spanish Occupatin American Occupation, early 1990s May 1, 1974 1976 the construction industry DO 19-93: Guidelines governing the employment of workers in the April 1, 1993 construction industry DO 10-97: Amending the rules implementing Books III an VI of the May 30, 1997 Labor Code DO 03-01: Revoking DO 10-97 to prohibit labor-only contractiong May 8, 2001 DO 18-1: Rules implementing articles 106 to 109 of the Labor Code February 21, 2002 DO 18-A: Rules implementing articles 106 to 109 of the Labor Code November 14, 2011 Do 174: Rules implementing articles 106 to 109 of the Labor Code March 16, 2017 Sa pinakahuling patakarang inilabas ng pamahalaan, ang Do 174 mula sa Department of Labor and Employment, sinasabing the order purportedly seeks to address the problems of “endo” (the slang for end of contract, or the practice of conrtactualization) by ensuring the regularization of worers upon hiring by third-party manpower agencies and granting them the same rights and benefits as regular employees, including the right form unions through stricter implementation of labor standards and existing laws on permissible contractiong and subcontractiong (Naguit, 2017. Inaasahan, kung gayon, nab aka ito na ang magpapatigil sa sistemang endo na nagpapahirap sa mga ordinaryong manggagawa; na maaaring patigilin nito ang kawalang-seguridad sa paggawa, mababang pasahod, ‘di pagtanggap ng mga benebisyo at mga gawaing kontra-unyon. Sa kasamaang palad, lumpias na ang ilang mga taon at nasa status quo pa rin ang bansa sa usaping ito. Nagpapatuloy pa rin ang mga nakikibaka at kinkalampag ang pamahalaan para hindi lamang i-regulate ang kontraktwalisasyon, kung hindi tuluyang tanggalin ang ano mang anyo nito. Upang matugunan ang malabnaw na argumento ng mga nagmamay-ari ng mga nagosyong posibleng magsara ang mga negosyo at pagawaan nila, patuloy ang pakikibaka at pagsusulong ng mga estraktehikong plano para sa pambansang industriyalisasyong siyang tunay na magdadala ng sustenableng pag-unlad at trabaho sa mga Pilipino (Naguit, 2017). Hindi nalalayo sa karanasan ng mga manggagawa ang karanasan ng mga magsasaka at manggagawang bukid sa mga kanayunan. Bukod sa atrasadong sistema ng pagsasaka sa bansa, pangunahin pa ring suliranin ng mga magsasaka ang kawalan ng sariling lupang sinasaka at ang hindi pagkontrol sa importasyon ng mga produktong agricultural na kumukumpetensya sa mga local na produkto at nagiging sanhi ng pagkalugi ng mga magsasaka. Lumalala ang kahirapan sa bansa at kalakhan sa pinakamahirap na bahagi ng populasyon sa Pilipinas ay matatagpuan sa mga kanayunan. Sa pag-aaral na isinasagawa ng Asian Development Bank (ABD) noong 2014, natuklasang tumaas nang apat (4) na milyon ang bilang ng naghihirap sa huling sampung taon at kalakhan ng mga pamilyang ito ay nasa eryang rural. Sa ulat ng ADB hinggil sa intergrasyong ASEAN, tinutukoy na ang kombinasyon ng agricultural na produktibidad at pagtaas ng bilang ng trabaho para sa mga manggagawang bukid ay maaaring makatulong nang malaki sa pagbawas ng kahirapan. Gayon pa man, sa kabila ng sinasabi ng mga ulat sa pag-aaral, nananatiling hindi prayoridad ang pagpapalakas at mekanisasyon ng agrikultura sa bansa. Sa katunayan, isa ang Pilipinas sa mga bansang kasapi ng ASEAN sa may pinakamababang produktibidad sa agrikultura. Kahalagahan ng paggawa o manggagawa 1. Lumilikha ng produkto na kailangan ng ating bansa. 2. Pinoproseso ang mga hilaw na material ng agrikultura. 3. Nagpapaandar at gumagamit ng makinarya at ibang teknolohiya. 4. Lumilinang ng likas na yaman. 5. Nagbabawad ng buwis sa pamahalaan. 6. Konsyumer ng mga produkto. Uri ng Manggagawa 1. Manggagawang mental — Higit na ginagamit ang isip sa produksiyon. Ito ay tinatawag na White Collar Job na mas ginagamit ang kanilang mental na kapasidad at kaisipan. Halimbawa: Doktor, nars, guro, manager, 2. Manggagawang pisikal — Higit na kailangan ang lakas ng katawan sa gawain. Ito ang tinatawag na Blue Collar Job tumutukoy sa mga gawaing mas higit na ginagamit ang lakas pisikal at enerhiya sa paglikha ng produkto at serbisyo. Halimbawa: Karpintero, Kargador, MGA KATAWAGAN SA PAGGAWA: 1. Kita. Ito ay kabayarang tinatanggap ng manggagawa kapalit ng kanilang serbisyo at paggawa 2. Sahod. Kabayaran sa manggagawa sa oras ng pagtratrabaho -, pirasao o pakyawang produkto, kontrata, o linguhan. 3. Sweldo. Binabayad sa manggagawa sa bawat buwan. MGA TEORYA UKOL SA SAHOD 1. Marginal productivity theory— Ito ay nagpapaliwanag na ang sahod ng mga manggagawa ay katumbas ng halaga ng kanyang kontribusyon sa paggawa. 2. Wage fund theory — Nagsasabing dapat may nakalaan na pondo para sa pagpapasahod ng mga manggagawa mula sa puhunan na ginagamit ng prodyuser. 3. Subssistence theory — Ito ay sahod na dapat ay naaayon sa antas ng pangangailangan ng manggagawa. MGA BATAS NA NANGANGALAGA SA KARAPATAN NG MANGGAGAWA: 1. Commonwealth Act blg. 444 — Ang unang batas ukol sa walong oras na paggawa. 2. Batas Republika Blg. 1933 — Batas na nagtatadhana ng walong oras ng paggawa ng mga manggagawa. 3. Republic Act No. 6727 (Wage Regulation Act) — Nagsasaad ng mga mandato para sa pagsasaayos ng pinakamababang pasahod o minimum wage na naaangkop sa iba’t ibang pang-industriyang sektor na kinabibilangan ng mga sumusunod: - hindi pang-agrikultura - plantasyong pang-agrikultura - di-pangplantasyon - cottage/sining sa pagyari sa kamay - pagtitingi/sebisyo — Tumutukoy sa bayad sa isang manggagawa na katumbas ng isang 4. Artikulo 94 Holiday pay araw na sweldo kahit ito ay hindi pumasok sa araw na iyon. 5. Artikulo 91-92 (Premium Pay) — Karagdagang bayad sa manggagawa sa loob ng walong oras na trabaho sa araw ng pahinga at special days. Halimbawa: Birthday 6. Artikulo 87 (Overtime Pay) — Karagdagang bayad sa pagtratrabaho na lampas sa walong oras sa isang araw. 7. Artikulo 86 Night Shift Differential — Karagdagang bayad sa pagtratrabaho sa gabi na hindi bababa sa sampung porsiyento (10%) ng mkamyang regular na sahod sqa bawat oras na ipinagtrabaho sa pagitan ng ikasampu ng gabi at ikaanim ng umaga. 8. Artikulo 96 (Service Charges) — Lahat ng manggagawa sa isang establisyimento o kahalintulad nito na kumokolekta ng service charge ay may karapatan sa isang pantay o tamang bahagi sa kabuuang koleksiyon. Ito ay kadalasng kinokolekta ng halos lahat ng hotel, kainan, o restaurant, night club, cocktail lounges at iba pa SAMPUNG KASALUKUYANG ISYU NA KINAHAHARAP NG MGA MANGGAGAWA: 1. Mababang sahod. Mababa pa rin ang minimum wage lalong-lalo na sa mga probinsya. 2. Pagiging kontraktwal (contractual) – ito ay ang mga manggagawang nakasalalay lamang sa kontrata ang itinatagal sa trabaho. 3. Humihina ang suporta sa mga manggagawang nasa agrikultura – napapasawalang bahala na ang kahalagahan ng mga magsasaka 4. Ang mga kapitalismo ay hindi nagbibigay ng tamang sweldo sa mahirap na gawaing pinagagawa nila – tamang sahod na dapat ay para sa mga manggagawa 5. Hindi maayos ang pamamahala ng mga ahensya ng pamahalaan para maipagtanggol ang mga karapatan ng mga manggagawa laban sa maling palakad ng mg kumpanya - isang halimbawa ang isyu sa pangaabuso sa mga OFW kung saan napapabayaan ng kanilang ahensya 6. Hindi maayos ang pakikitungo ng mga kapitalista, mga may-ari ng kumpanya sa kanyang mga manggagawa – karapatan ng mga manggagawa na makatanggap ng tamang sahod at makapagpahinga sa trabaho 7. Nasasakripisyo ang kalusugan at seguridad ng mga manggagawang may kakaibang iskedyul ng pagpasok – tamang benipisyo o insurance ang nararapat sa mga manggagawa 8. Malaking kaltas ng buwis sa sahod kahit sa bulsa lang naman ng mga korap napupunta ang mga ito 9. Hindi pagpansin ng pamahalaan sa agrikultura at sa mga manggagawang ginagawa lamang na kontraktwal. 10. Hindi magandang sistema ng naging edukasyon kaya't hindi makuha ang gustong trabaho MGA MAHALAGANG KARAPATAN NG MGA MANGGAGAWA: Maraming mahahalagang karapatang manggagawa, subalit ang pinakamahalagang karapatang manggagawa na itinataguyod ng International Labour Organization (ILO) ay ang sumusunod. 1. Ang mga manggagawa ay may karapatang sumali sa mga unyon na malaya mula sa paghihimasok ng pamahalaan at tagapangasiwa. 2. Ang mga manggagawa ay may karapatang makipagkasundo bilang bahagi ng grupo sa halip na magisa. 3. Bawal ang lahat ng mga anyo ng sapilitang trabaho, lalo na ang mapang-aliping trabaho at trabahong pangkulungan. Dagdag pa rito, bawal ang trabaho bungang ng pamimilit o ‘duress’. 4. Bawal ang mabibigat na anyo ng trabahong pangkabataan. Samakatwi’d mayroong minimong edad at mga kalagayang pangtatrabaho para sa mga kabataan. 5. Bawal ang lahat ng mga anyo ng diskrimasyon sa trabaho: pantay na suweldo para sa parehong na trabaho. 6. Ang mga kalagayan ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at ligtas sa mga manggagawa. Pati kapaligiran at oras ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at ligtas. 7. Ang suweldo ng manggagawa ay sapat at karapat-dapat para sa makataong pamumuhay. KARAGDAGANG KAALAMAN PARA SA MGA MANGGAGAWA Ang mga unyon, o ang kilusan ng mga manggagawa ay pinakamalakas na puwerang nagitaguyod ng karapatan ng mga manggagawa. Subal’t ngayon, may pagkakaiba ang batas para sa collective labor at batas para sa mga karapatan ng indibidwal. • Diskriminasyon • Kaligtasan At Kalusugan • Ang Papel Ng Ilo • Minimong Suweldo • 8 Oras Na Karaniwang Araw • Mga Overseas Filipino Workers (OFW) MGA OVERSEAS FILIPINO WORKERS (OFW) Ayon sa mga opisyal na bilang, mayroong 11 milyong OFW na nagtatrabaho sa ibayong-dagat. Sa Estados Unidos mismo, mayroong mahigit na 4 milyong OFW at Filipinong taga-Amerika. Ang wikang Filipino (o Tagalog) ay panglimang sa mga wikang may pinakaraming tagapagsalita sa Amerika. ILANG MGA KARAPATANG KAILANGANG MALAMAN NG MGA MANGGAGAWA SA KAHIT ANONG INDUSTRIYA 1. Kaukulang Bayad sa Pagtatrabaho - Karapatan ng isang manggagawa ang tamang bayad para sa oras ng trabaho. Sakaling mag-over-time ang isang manggagawa, dapat bigyan siya ng karapat-dapat na pasahod. Kabilang din dito ang pag tamang pasahod sa mga nag ta trabaho sa gabi mula alas diyes ng gabi hanggang alas sais ng umaga. 2. Lingguhang Pahinga - Dalawampu’t apat na oras ang kailangang pahinga pagkatapos ng anim na araw na paggawa, at kailangan din ng konsultasyon sa mga manggagawa ukol sa kanilang araw ng pasok at pahinga. 3. Patas na Oportunidad - Anuman ang iyong kasarian, relihiyon at lahi mahalagang nakakamit mo din ang parehong oportunidad katulad ng ibang manggagawa. 4. Seguridad ng panunungkulan - Hindi maaaring patalsikin ang isang empleyado nang walang mabuting dahilan at kailangan dumaan muna ito sa tamang proseso. 5. Karapatan ng mga Kababaihan - Hiwalay ng palikuran o banyo, bihisan o lugar ng pahingahan para sa mga manggagawang babae. Kasama rin dito ang karapatan ng nagbubuntis na magkaroon ng panahon upang makapanganak. 6. Ligtas na Lugar na Trabaho - Ang bawat trabahador ay may karapatan na magkapag-trabaho ng walang panganib sa kanilang buhay o kalusugan. Ito ay dapat siguruhin ng mga employer o amo. 7. Tamang Edad ng Paghahanapbuhay - Ang legal na edad ng pag-hahanapbuhay ay labing walong taong gulang. Ngunit pinapayagan din naman ang ilan na may edad na hindi bababa sa labinlimang taong gulang kung may patnubay ng magulang at hindi mapanganib ang kanilang gawain. 8. Karapatan bumuo o makapag organisa ng isang lehitimong unyon - May karapatan na makipagtalastasan o makipag-usap tungkol sa kaniyang trabaho, mga hinaing at mga ninanais matupad sa kanilang trabaho, lugar ng paggawa at iba pang kaugnay nito. MATERNITY LEAVE Karapatang aplikable lamang sa mga kababaihan. Nakapaloob dito ang mga sumusunod: - 60 araw normal, 78 araw cessarian - Hindi ang kumpanya ang nagbabayad kundi ang SSS. - Ina-advance ng employer ang sahod at nire-reimbursesa SSS. - Kapag walang SSS, wala rin mabibigay para sa maternity leave. - Kapag walang asawa at nabuntis, entitled pa rin sa maternity leave. - Limitado hanggang apat na maternity leave lamang. - Hindi buong sahod ang matatanggap kundi averagesalary credit na base sa komputasyon PATERNITY LEAVE – Ito ay karapatan ng isang manggagawa aplikaple lamang sa mga kalalakihan - Pitong (7) araw na leave na may bayad - Limitado hanggang apat (4) na beses - Pang-suporta sa anak at asawa - Buong sahod ang makukuha mula sa employer - Hindi aplikable kung hindi sariling anak, hindi kasal, at hindi nagsasama ng asawa. - Pareho lang ang matatanggap na sahod, normal man o cessarian ang asawa - Hindi commutable at cumulative BIRTHDAY LEAVE – Ito ay karapatan ng isang manggagawa na mamahinga at ipagdiwang ang kaniyang kaarawan. SOLO PARENT’S LEAVE – layon ng mga nagsusulong na pagkakaroon ng pitong araw na “parental leave with pay” sa mga solo parent na nakapagtrabaho ng sobra sa anim na buwan kahit ano pa man ang kanilang employment status; reduksyon ng paghihintay para magkaroon ng “Solo Parent Identification Card” mula isang taon tungo sa anim na buwan; at karagdagang 15 araw sa expanded maternity leave. Introduksyon Ang isyung pang magsasaka ay patungkol sa mga mahahalagang pangyayari sa ating mga magsasaka, partikular sa kanilang mga produkto na mayroong malaking epekto sa ekonomiya ng ating bansa. Sa araling ito, tunghayan ang isyung ito sa mga produkto ng ating mga magsasaka na inilalabas at ibinebenta sa ibang bansa. Mga Tiyak na Layunin Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Nailalahad ang mga batas na nauugnay sa mga magsasaka. 2. Nakamumungkahi ng mga solusyon hinggil sa mga suliranin na kinakaharap ng mga magsasaka. Pagtalakay Napakahalaga ang ginagampanan ng mga magsasaka o magbubukid sa ating lipunan sapagkat sila ang nag susuplay sa mga pangangailangan ng ating bansa lalong-lalo na sa pangunahing pangangailangan n gating pang-araw-araw na pamumuhay. Ang agrikultura ay ang paglinang at pagpaparami ng mga hayop, halamang-singaw para gawing pagkain, hibla, panggatong, gamot at iba pang mga prudukto para gamitin sa pagpapanatili at mapabuti ang buhay ng mga tao. Samantala, ang magsasaka o magbubukid ay isang taong nagtatanim at nagpapatubo ng mga pananim at nag-aalaga ng mga hayop at nabubuhay na mga organismong gagamitin bilang pagkain at bilang hila na mga materyales. Kahalagahan ng Pagsasaka 1. Pinakukunan ng kabuhayan – malaking bahagi ng kalupaan sa Pilipinas ay nakalaan pa rin sa pagsasaka. At bagamat hindi direktang nakaapekto sa pangkabuhayan na karaniwang Pilipino ang pagsasaka, mayroon pa rin itong epekto sa marami. Dahil sa pagsasaka, nabibigyan ng trabaho ang mga Pilipino sa pagmamaneho, paggawa ng daan, pagtitinda, pag-iinventory, at marami pang iba. 2. Kontribusyon sa Pambansang kita – sa pambansa scale, nakatutulong ang pagsasaka sa lipunan dahil nagagawa nitong punan ang isa sa pinakamalalaking demand sa mundo: ang pagkain, at dahil dito, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga Pilipinong magsasaka na makatulong sa paglago ng ekonomiya. 3. Tulong sa International Trade – ang Pilipinas ay isa sa pinakamalaking eksporter ng bigas, mais, saging, at tabacco sa mundo. Dahil sa mga pageeksport na ito ay nakakapag-pasok tayo ng dolyar sa bansa, na siya namang ginagamit natin upang makipagkalakal sa mga iba’t ibang bansa sa mundo. Dahil dito, nagkakaroon ng mas mataas na tiwala ang mga investor na mag-impok at gumawa ng negosyo sa bansa. Mga Gawain ng Isang Mabuting Magsasaka 1. Ang mga magsasaka ang umaani at nagtatanim ng mga palay at nag-aalaga ng mga ito upang tayo ay makakain ng kanin sa ating hapagkainan. 2. Sila rin ang nag-aalaga ng mga hayop na siyang ating kinakatay upang lutuin at iulam sa ating hapagkainan. 3. Nagtatanim din sila ng tubo na siyang ginagawang asukal, at pangmatamis. 4. Sila rin ang nagtatanim ng mga halaman na siyang sangkap sa midisina upang ang mga sakit ay maalis. 5. Malaki rin ang naiambag nila sa paglago n gating Agrikultura sa pamamagitan ng pagpapalaganap n gating mga produktong pang Agrikultura sa iba’t ibang bansa sa mundo. 6. Pwede rin silang pagtanungan kung anung nararapat gamiting chemical sa ating pananim kung ito ay nagkakasakit o inuuod. 7.Sila rin ang nagtatanim ng mga halaman at puno na siyang nagbibigay ng malinis na hangin upang tayo ay makahinga. 8. Sila rin ang bumubuhay ng mga organismong gagamitin bilang hilaw na mga materyales. 9. Sila rin ang nagtatanim ng mga gulay upang ibinta sa pamilihan na siyang nagbibigay sa atin ng nutrisyon at enerhiya sa ating katawan. 10. Nagtuturo rin sila kung anong mabuting binhi o butyl ng palay ang mainam gamitin upang mas malaki ang ani. Mga Batas Ukol sa Reporma ng Lupa 1. Land Registrtion Act 1902 -0 ito ay sistemang Torrens sa panahon ng Amerikano na kung saan ang mga titulo sa lupa ay pinatalang lahat. 2. Public Land Act 1902 – nakapaloob dito ang pamamahagi ng mga lupang pampubliko sa pamilya na nagbubungkal ng lupa. Ang bawat pamilya ay maaaring magmamay-ari ng hindi hihigit sa 16 na ektarya ng lupa. 3. Batas Republika Blg. 1160 – nakapaloob ang National Resettlement at Rehabilatation Administration (NARRA) sa pamamahagi ng mga lupain para sa mga rebelding nagbabalik loob sa pamahalaan. Kasama na ang mga pamilyang walang lupa. 4. Batas Republika Blg. 1190 ng 1954 – ito ay batas laban sa pang-aabuso, pagsasamantala, at pandaraya ng mga may-ari ng lupa sa mga manggagawa. 5. Agricultura Land Reform Code – ito ay simula ng malawakang reporma sa lupa na nilagdaan ng dating Pangulo Diosdado Macapagal na nagsasabing ang mga nagbubungkal ng lupa ay itinuturing na tunay na nagmamay-ari nito. 6. Batas ng Pangulo Blg. 2 ng 1972 – pinapatupad ng bats na ito na pinapalaya ang mga magsasaka sa tanikala ng kahirapan at paglilipat sa kanila ang kanilang lupang sinasaka. 7. Batas ng Pangulo Blg. 27 – ang pagsasaka ay binibigyan ng pagkakataong magmay-ari ng limang ektarya (5) ng lupaing walang patubig at tatlong (3) kapag may patubig. 8. Batas Republika Blg. 6657 ng 1988 – kilala sa tinatawag na Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL) na inaprobahan ni dating Pangulong Cory Aquino noong Hunyo 20, 1988 na sinasabing ipinasailalim ng batas ang lahat ng publiko at pribadong lupang agricultural na napapaloob sa Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL). Mga Dahilan ng mga Problemang Nararanasan ng Sektor ng Agrikultura Ang sektor ng agrikultura sa Pilipinas ay nakakaranas pa rin ng maraming problema at di sapat na programa n gating gobyerno lalo na sa pagsasaka. Ilan sa mga kadahilanan ay ang mga sumusunod: 1. Kakulangan sa makabagong kagamitan at teknolohiya – Ang mga magsaaka ay patuloy na gumagamit ng mga lumang kagamitan sa pagsasaka katulad ng araro at kalabaw na nagiging dahilan ng mabagal na Gawain kaya’t bumabagal din ang produksiyon sa agrikultura. 2. Kakulangan ng sapat na impraspaktura at puhunan – Dahil sa kakulangan ng sapat na imprastraktura at puhunan ay maraming produkto ang hindi napakikinabangan dahil nasisira, nabubulok at nalalanta tulad ng gulay at prutas. Ang pagkasira ng mga produktong ito ay bunga ng kawalan ng pag-iimbakan o storage at maayos na transportasyon. 3. Pagbibigay prayoridad sa sector ng industriya – Malaki ring problema ang pagbibigay prayoridad ng pamahalaan sa proteksiyon at pangangalaga sa industriya. Sapagkat maraming mga manggagawa at namumuhunan sa sector ng agrikultura ang nawawalan ng kita at nalulugi kaya’t nagiging dahilan ito sa pagbaba ng produksiyon. 4. Pagdagsa ng dayuhang produkto sa Pilipinas – Isa rin sa masasabing pinakamalaking suliranin ay ang pagdagsa ng dayuhang produkto o imported goods. Globalisasyon ang nagging susi upang dumami ang dayuhang produkto sa ating bansa. Isa ito sa suliraning mahirap masolusyunan dahil na sa dugo na natin ang pagkahilig sa produktong gawa ng mga dayuhan. Ang suliraning ito ay ngadudulot ng kompetensya sa pagitan ng local na produkto at dayuhang produkto sa bansa. 5. Pagliit ng lupang pangsakahan – Malaking problema ang paglaki ng populasyon at pagiging modern n gating bansa dahil maraming mga gusali, komersyo, at subdibisyon ang pinapatayo kaya’t patuloy na lumiliit ang mga lupa na maaari sanang isaka at ang patuloy na pagkasira n gating kapaligiran. Isyu sa Pagsasaka Ang Pilipinas ay kilala bilang bansa na pinakamaraming likas na yaman di tulad ng ibang bansa sa Asya. Buhat sa likas na yaman na handog sa atin ng Maykapal binayayaan din tayo ng Agrikulturanng dapat nating pagyamanin ngunit hindi natin napapansin ang mga suliraning kinakaharap ng agrikultura. Samo’t saring isyu na ang kinakaharap ng mga magsasaka sa panahon ngayon, kabilang na dito ang mga sumusunod: 1. Pagliit ng lupaing pansakahan 2. Paggamit ng teknolohiya 3. Kakulangan ng mga pasilidad at imprastruktura sa kabukiran 4. Kakulangan sa suporta mula sa iba pang sector 5. Pagbibigay prayoridad sa sector ng industriya 6. Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal 7. Climate change Mga Solusyon sa mga Suliranin ng Agrikultura Matapos talakayin ang mga isyu sa pagsasaka, narito ang ilan sa mha solusyon para matugunan ang mga problema sa agrikultura o ng mga magsasaka. 1. Pagtatakda ng tamang presyo sa produktong pang-agrikultura. 2. Pagbibigay ng subsidy sa mga maliliit na magsasaka. 3. Pagpapatayo ng mga imbakan. Irigasyon, tulay at kalsada. 4. Pagbibigay ng impormasyon at pagtuturo sa mga magsasaka ukol sa paggamit ng makabagong teknolohiya. 5. Paghihigpit sa mga dayuhang produktong agrikultura na pumapasok sa bansa. Introduksyon Alam mo ba na ang mga isyung pangmanggagawa at pangmagsasaka ay dapat na itinuturing na mga isyung pambansa. Nakasalalay sa mga manggagawa ang pambansang ekonomiya. Nakasalalay naman sa mga magsasaka ang pambansang agrikultura. Kapwa may ambag ng dalawang sektor sa araw-araw na buhay ng bawat Pilipino. Kung kaya ang aralin na ito ay tumatalakay sa ano mang isyung kinakaharap ng bawat isa ay nararapat lang maikintal sa kamalayan ng bawat Pilipino. Tara’t alamin natin! Mga Tiyak na Layunin Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Nailalahad ang mga sari-saring isyu na binigyang-solusyon ng Pangulong Duterte na nagdulot ng pagbabago sa bansa. 2. Napahahagahan ang mga pagbabagong naganap sa bansa. Pagtalakay ISYUNG PAMBANSA “Change is coming,” iyan ang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte mula sa kanyang kampanya sa pagkapangulo hanggang sa kanyang panunungkulan. Ang administrasyong Duterte ay sumisimbolo bilang isang kamao na maaaring susuntok o pupukol sa napakaraming suliraning kinakaharap ng bansa. SAMPUNG ISYU NA BIBIGYANG - PAGBABAGO Mula nang maluklok sa puwesto, malinaw pa sa sikat ng araw ang matinding laban ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsupil sa ano mang uri ng problema sa Pilipinas. Narito ang iiliang isyu na unti-unting nakikitaan ng pagbabago: 1. Kontraktuwalisasyon Sumama ang anak ng manggagawa sa martsa para wakasan ang ‘endo’. (Manila Today/Joolia Demigillo) Pinakamahalagang ipinangako ng Pangulo sa usaping ito ang mismong pagwawakas ng kontraktuwalisasyon sa loob ng isang taon. Sinabi ng administrasyon na magiging regular na ang kalahati sa kasalukuyang mga kontraktwal na manggagawa sa pagtatapos ng taong ito, tapos wala nang kontraktwal pagdating ng 2017. Nagpanukala naman ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng ‘win-win’ solution, na tila mapapawi lang ang pagiging kontraktwal sa pangalan. Laman ng sinasabing ‘win-win’ solution na bigyan ng mga benepisyo na mayroon ang mga regular na manggagawa gaya ng leave credits, 13th month pay, SSS, Philhealth, at iba pa. Kasama rin dito na maaaring maililipat ang mga manggagawa batay sa pangangailangan. Hindi na rin daw gagamitin ang agency, pero papayagan ang mga kumpanya na kumuha ng mga manggagawa o mag-outsource ng seasonal kung ganoon ang panangailangan. Ang mga mawawalan ng trabaho ay kailangan hanapan ng trabaho sa loob ng tatlong buwan o kung umayaw na maghintay ang manggagawa ay bibigyan siya ng separation pay at wala nang obligasyon sa kanya ang kumpanya. Magkakaroon daw ng mga mahigpit na patakaran sa mga kumpanya gaya ng hindi pagpayag na magkaroon ng subcontractor ang mga contractor sa construction, pagkakaroon ng sapat na kapital ng mga kumpanya na kayang pasahurin at bigyan ng mga benepisyo ang mga manggagawa nito. Nakabalangkas na ang panukalang ito bilang Department Order (DO) 30, na sinasabi nila DOLE Secretary Silvestre Bello III na papalit sa DO 18-A na nagliligalisa sa kontraktuwalisasyon at lumampas sa mga probisyon ng mga batas sa paggawa sa bansa. Tinawag itong ‘lose-lose solution’ ng mga grupo ng manggagawa, kabilang ang Kilusang Mayo Uno, Trade Union Congress of the Philippines, Nagkaisa, Partido Manggagawa, at iba pa. Panawagan ng mga manggagawa pigilan ang DO 30 at sa halip ay totohanin ng gobyerno na wakasan ang lahat ng porma ng kontraktuwalisasyon. 2. Trapik sa Metro Manila Bata, kabataan, matanda, guro, estudyante, doktor, call center agent, kung ikaw ay taga-Metro Manila, apektado ka sa malalang pagsisikip ng trapik sa Metro Manila. Mayroong mahigit 520,000 na sasakyan ang bumabyahe sa EDSA sa parehong direksyon araw-araw. Oras at milyong pera ang nasasayang araw araw sa paghihintay na makarating sa kanikanilang mga destinasyon ang mga mamamayang naiipit sa trapik. Bukod rito maraming mga kaguluhan tulad ng mga pag-aaway at aksidente ang dulot ng ng trapik. Lalong malala ang trapik sa pagdaan nitong panahon ng Kapaskuhan. Para namang na-déjà vu ang mga mamamayan sa binitiwang pahayag ni Department of Transportation Secretary Arthur Tugade na isa lamang itong ‘state of mind’ ng mga Pilipino. Nakabinbin halos mula sa pagbubukas muli ng Kongreso ang hinihinging emergency powers para sa pangulo para tugunan ang trapik. Bahagi ng mga panukala na paggagamitan ng emergency power ang mga proyekto sa kalsada, tren at transportasyong panghimpapawid. Sa kalsada, nariyan ang plano sa metro bus raid transit line at mga integrated terminal. Sa tren, planong i-extend ang LRT-1 sa Cavite, ang LRT-2 sa Pier 4 at Masinag, at ang PNR sa Pampanga at Laguna gayundin ang pagtatayo ng 5 pang linya ng tren. Sa pamamahala naman, nais na ireorganisa ng pangulo ang Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Dumarami pa rin ang mga sasakyan at taong dumadagsa sa Kamaynilaan. Sapat na nga kaya ang mga proyektong ito para tugunan ang masahol na karanasan sa trapik sa araw-araw? Made-decongest ba ang trapik sa Metro Manila kung nananatiling narito lang konsentrado ang “kaunlaran” at sa iilang urban area sa bansa? 3. Mass Transport System Matatandaang binanggit ni Pangulong Duterte na isa ang mass transport system mga prayoridad na proyekto ng kanyang administrasyon. Tila nakatali pa sa emergency power sa trapik ang pagtugon sa inaasam na mass transport system sa bansa. Habang wala pa ito, ilan sa mga naunang solusyon ng Department of Transportation ang Communication na point-to-point bus at express connect. Nariyan din ang bus rapid transit project at modernisasyon ng mga jeep. Ngunit wala pa ring nagagawa sa pagpapabuti ng LRT-1, LRT-2 at MRT-3 na tinatangkilik ng mahigit 1.3 milyong pasahero kada araw. Dagdag pa sa pangit na serbisyo ng tren ay patuloy na lumalalang pagsikip ng trapik sa bansa, kaya naman hindi maiwan-iwan ng mga pasahero ng tren sa kabila ng bulok nitong sistema. Lalo sa pagdating nitong panahon ng Kapaskuhan, lumala ang trapik, lumala ang surge ng Uber at Grab habang hindi sapat at regular ang mga byahe pa-probinsya, na nagdulot din ng pasakit sa libu-libong naghintay sa istasyon ng mga bus, na-stranded at hindi nakauwi sa oras para makapagbakasyon o makapag-Pasko kasama ang mga pamilya. Malaking bagay para sa mga mamamayang Pilipino na araw araw bumabyahe gamit ang pampublikong sasakyan kung magkakaroon ng mas maayos na sistema sa mass transport. Tutunguhin nga ba ng administrasyon ang paglulunsad ng episyenteng mass transport system? Papatakbuhin na ba ng gobyerno ang sistema ng transportasyon sa bansa sa halip na ipagpatuloy ang mga hindi pantay na kontrata sa mga private maintenance contractors nito na malubha ang kalidad ang serbisyo? 4. De-kalidad at Makamasang Edukasyon Sa simula ng klase ay walang silya at silid-aralan ang mga Grade 7 na mag-aaral ng Tondo High School. | Litrato ni Joolia Demigillo. Unang taon ito ng pagpapatupad ng Senior High School (SHS) sa programang K to 12 na ipinatupad mula pa sa nakaraang administrasyong Aquino. Tinatayang 400,000 ang hindi nakapag-aral at aabot sa 200,000-400,000 muli ang hindi makaka-enrol sa Hunyo 2017, kung saan mapupunuan na pareho ang Grade 11 at 12 ng SHS. Nagpapatuloy pa rin ang mga neoliberal na polisiya sa edukasyon na naglalayong lumikha ng laksalaksang semi-skilled labor para sa mga lokal at internasyunal na kumpanya at nagreresulta sa pagbabansot sa kinabukasan ng bansa at ng mga kabataan. Bukod sa programang K to 12, nariyan ang academic calendar shift ng mga unibersidad, ang napipintong GE reform sa University of the Philippines at higit sa lahat, ang patuloy na pagsusulong ng libreng edukasyon. Sa kabila ng napakaraming problemang ito, patuloy pa rin ang hanay ng mga estudyante sa paggigiit ng kanilang karapatan sa abot-kaya at de-kalidad na edukasyon. Sa pagtatapos ng buwan ng Disyembre, isang magandang balita ang bumungad sa mga estudyante nang maaprubahan ang P8 billion na pondo sa mga state universities and colleges na nakalaan para sa libreng matrikula ng mga mag-aaral. Naging maugong ang usap usapan tungkol sa libreng edukasyon para sa lahat ng mag-aaral sa kolehiyo sa susunod na pang-akademikong taon. Ngunit nilinaw na ito ay para sa mahihirap na mag-aaral. Ang pondong nakalaan ay para rin lamang sa iisang taon ng pag-aaral at hindi pa nakatitiyak sa mga susunod na taon o sa mga susunod na administrasyon. Para sa mga grupo ng kabataan na matagal nang nakikipaglaban para sa mas mataas na subsidyo sa edukasyon, isang indikasyon ito na posible at kaya talagang laanan ng gobyerno ang libreng edukasyon. 5. Pagpapalaya sa mga Bilanggong Pulitikal Naging malaking usapin ang pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal sa loob ng anim na buwan sa pwesto si Duterte, lalo na sa pagtatapos ng taon kung makailang ulit na nangako si Duterte at mga opisyal ng administrasyon na palalayain ang mga bilanggong pulitikal bago sa Human Rights Day, bago mag-Pasko, bago matapos ang taon, at iba pa. Bago sana ang pangakong ito ng gobyerno, ngunit gaya ng maraming pagkakataong pagbibigay-hustisya sa mamamayan ay napako ito. Napagkasundaan ng gobyerno at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal bilang confidence building measures sa pagsisimula ng usapan, lalo pa’t ang pag-aresto at pagkapiit sa mga ito ay paglabag sa mga nalagdaang kasunduan sa peace talks gaya ng Comprehensive Agreement for the Respect of Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) at Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG). Isa sa mga pangunahing agenda sa panunungkulan ni Pangulong Duterte ang pagkakamit ng kapayapaan sa bansa. Unang napalaya ang 19 NDFP peace consultants para makalahok sa unang round ng peace talks noong Agosto sa Oslo, Norway. Matapos noon, nabinbin na ang pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal na nilaman pa ng nilagdaang mga statement at communique matapos ang una at pangalawang round ng peace talks at nang ilang beses na pakikipag-usap ng mga kinatawan ng NDFP kay Duterte at pagsasabi ni Duterte na mapapalaya ang mga bilanggong pulitikal. Bago mag-Pasko, namatay sa kumplikasyon sa mga sakit at atake sa puso ang bilanggong pulitikal na si Bernabe Ocasla, samantalang ilan pa ang napabalitang isinugod sa ospital. Kasalukuyang may 400 na bilanggong pulitikal kung saan 130 ang may sakit, 103 ang nakakulong ng mahigit sampung taon, 37 ang matatanda at 33 ang kababaihan. Nasa 15 ang inaresto sa ilalim ng panunugkulan ng bagong pangulo. 6. Tunay na Reporma sa Lupa Pamamahagi ng Certificate of Land Ownership Award (CLOA) ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa mga magsasakang benepisyaryo sa Cagayan Vallley noong Disyembre 20, 2016. Litrato mula sa DAR Isang positibong pag-usad sa usapin ng tunay na reporma sa lupa sa bansa ang pagkakatalaga kay Rafael “Ka Paeng” Mariano bilang Kalihim ng Kagawaran ng Repormang Argraryo. Pinuri si Ka Paeng, gayundin ang kanyang boss sa sangay ng ehekutibo si Duterte, sa pagbubukas ng opisina sa mga magsasaka. Gayundin, nagpatupad siya ng moratorium sa tambyolo land reform sa Hacienda Luisita at nagpamahagi ng lupa sa Camarines Norte, Cebu, at Cagayan Valley. Hinaharap naman ni Ka Paeng at ng mga magsasaka ang nagpapatuloy na karahasan at paggigiit mga panginoong maylupa, mga goons at iba pang napapatakbo ng impluwens gaya sa pagsunog sa piket ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita at sa pamamaril sa mga magsasaka ng Lapanday. Patuloy na nararanasan ng mga magsasaka ang kagutuman. Sa isang bayang agrikultural kung saan 75% ng populasyon ng bansa ay magsasaka at kung saan konsentrado sa 1% ang 52% ng lupa, nananatiling isa sa pinakamalaking hamon ang reporma sa lupa. 7. Biktima ng Bagyong Yolanda Tatlong taon na ang nakakalipas simula ng hagupitin ang bansa ng pinamalakas na bagyong naitala sa kasaysayan. Mahigit anim na libo ang namatay at nasa milyon ang ari-ariang nawala paglipas ng bagyong Yolanda. Dagdag pa rito ang trauma at hirap na dinaranas ng mga naiwang biktima. Sa kabila nito, tila mailap ang naging suporta ng administrasyong Aquino sa mga biktima. Maraming naging mga anomalya pagdating sa tulong na ipinaabot ng mga Pilipino mula sa ibang panig ng bansa maging ang mga tulong mula sa mga dayuhan. Mula pa lamang sa paunang relief good hanggang sa mga proyektong pabahay ay hindi lubusang napapakinabangan ng mga biktima. Pagdating ng administrasyong Durterte, ayon sa Commission on Audit report noong Oktubre, nasa mahigit 30 porsyento pa lamang ang nasisimulan sa programa ng rehabilitasyon, mahigit 30 porsyento rin ang malapit ng simulan at ang natitira ay wala pang usad. Sa pagpasok ng ikaapat na taon matapos ang bagyong Yolanda, inaasahan ang mas mabilis at komprehensibong pagtugon sa rehabilitasyong kinakailangan ng mga biktima. 8. Freedom of Information Bill Mula pa 2010 hinihintay ang pagkakaroon ng batas sa kalayaan sa impormasyon. Bahagi kasi ito ng mga ipinangako ni Noynoy Aquino sa pagtakbo sa pagkapangulo. Pero nang unang umupo si Aquino, hindi man lang nabanggit ang Freedom of Information (FOI) bill sa priority bills sa kahit anong State of the Nation Address ng dating pangulo. Hanggang sa huli ay ipinasa na niya lamang sa Kongreso ang responsibilidad. Sinabi pa ng pangulo na matapat naman ang kanyang administrasyon kaya’t hindi nakikita ang pangangailangan ng FOI. Samantala, nang umupo si Pangulong Duterte ay pinirmahan noong Hulyo ang isang executive order sa FOI. Saklaw nito ang ehekutibong sangay at bukas ang lahat ng dokumentong ninanais ng mga mamamayan na makita maliban lamang sa mga itatakda ng Department of Justice. Inaasahan na mas mapalawig pa ang sakop FOI kung ito ay maisasabatas ng Kongreso upang masusugan ang karapatan ng mamamayan sa kalayaan sa impormasyon ayon sa Konstitusyon. 9. Pagresolba sa Problema sa Droga Ipinakita ni Pangulong Duterte ang listahan ng government at police officials na umano’y sangkot sa iligal na pagtutulak ng droga. (Presidential Photo/ King Rodriguez) “My God, I hate drugs.” Wala ring nakalimot sa pagsambit ni Duterte nito. At ang pagsugpo sa droga rin ang isa sa naging prayoridad niya, lalo pa’t nagbitaw siya ng salita na matatapos ang problema sa droga sa loob ng unang tatlo hanggang anim na buwan ng kanyang panunungkulan. Pero na-extend na ang deadline ni Duterte sa pagsugpo sa problema sa droga. At sa halip na inaasahang lahatang-panig na pagresolba sa problemang ito, ang tumambad sa mamamayan ay libu-libong bangkay ng mga diumano’y sangkot sa droga o mga nanlaban mula sa pagkaaresto. Ayon sa ulat ng pulisya, 5,882 na pinatay mula sa pagkakaupo ni Pangulong Duterte noong Hunyo 30. Nasa 2,041 ang suspek ng ipinagbabawal na gamot ang napatay mula sa police operations, samantalang 3,841 ang bilang ng napatay ng mga hindi pa nakikilalang suspek, mga riding-in-tandem o mga tinuturing na vigilante. Nakakahindik isiping magpapatuloy ang patayan sa loob ng buong panunungkulan ni Duterte, lalo’t hindi pa rin hinahayag sa mamamayan ang lahatang-panig o pangmatagalang solusyon na pagresolba sa usapin ng droga: ang pagresolba sa malalang kahirapan at kawalang-kaunlaran sa bansa. Kasama naman sa mga pinapunukala sa pangulo na short-term na mga solusyon ang rehabilitasyon, edukasyon at programang pangkabuhayan para sa mga nalulon sa droga. Dapat ding panagutin ang mga malaking pusher at protektor ng droga, isang bagay din na hindi pa nagagawa sa ngayon samantalang libu-libong maliliit na pusher o user ang hindi man lang nililitis, pero agad na napapatay. 10. Pagresolba sa Kahirapan Si Nanay Lolita ‘Lita’ Delfin ay dating mangingisda ng Laguna de Bay ngunit nang humina ang kanyang katawan, siya ay humuhuli na lamang ng tulya para mabuhay. (Manila Today/Demie Dangla) Isa sa mga isinusulong ni Pangulong Duterte mula sa kanyang 10point economic agenda ay ang mabisang pagsugpo sa kahirapan ng bansa, ngunit tila hindi pa rin nararamdaman ng mga mamamayan ang mga bunga ng nasabing plano. Nanatiling mahigit 70 porsyento ng mga Pilipino ang nasa ilalim ng poverty line ngayong 2016. Batay ito sa pinakabagong pagsisiyasat ng IBON Foundation kung saan nagtanong sila sa mahigit 1,500 na residente kung itinuturing ba nilang kabilang sila sa mahihirap na hanay ng mga Pilipino. Nakikitang rason dito ay ang kasalukuyang unemployment rate o bilang ng mga Pilipinong walang trabaho o kulang ang kinikita at mataas na bilang ng kontraktwalisasyon sa bansa. Patuloy naman ang 4Ps o Pantawid Pamilya Pilipino Program sa ilalim ni Pangulong Duterte. Ayon sa bagong pamunuan ng Department of Social Work and Development (DSWD), pang-ampat lamang ang 4Ps at hindi solusyon sa kahirapan. Sa direksyon ng bagong kalihim ng DSWD na si Prof. Judy Taguiwalo, dinagdagan ng 18 kilong bigas ang 4Ps at patuloy na ina-audit ang listahan ng mga nakakatanggap ng 4Ps at ang paraan sa pagtiyak ng pag-aabot ng perang tulong sa mga benepisyaryo. Inaasahang pagdating ng 2017 ay maging mas maagap ang pamahalaan sa patuloy na pagsugpo ng kahirapan sa bansa lalong lalo na sa pagpapatupad ng mga polisiyang tunay na naglilingkod at pinakikinabangan ng mga mamamayan. Bahagi ng mga hinahapag sa peace talks ng gobyerno sa NDFP ang mga repormang panlipunan at pang-ekonomya, kasama na ang pagresolba ng kahirapan at kawalan ng nakabubuhay na trabaho sa pamamagitan ng reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon. Patuloy na umaasa ang mamamayang Pilipino na magkakaroon ng tunay na pagbabago sa bansa. Pero tiyak na hindi naman tayo aasa na lang at maghihintay, patuloy na itutulak ng mamamayan ang mga makabuluhang pagbabago para sa bayan. Iba pang mga Isyung Pambansa ● Korapsyon- pagnanakaw ng mga pinagkatiwalaang pondo na pampubliko sa pamahalaan ● Polusyon- pagkakaroon o pagdagdag sa kapaligiran ng mga bagay na nakakarumi nito ● Kakulangan ng mga pasilidad sa iba’t ibang sector ng pamahalaan tulad edukasyon. ● Pag-implement ng K12 – kakulangan sa mga pasilidad, aklat at preparayon ang nagging problema sa programang ito ● Pagtatanggal ng asignaturang Filipinosa Kolehiyo ● Bangsamoro – isang political entity na ipinalit sa ARMM. Ang kasunduang ito ay naglatag ng daan tungo sa pagkakasundo o resolusyon ng historical divide sa pagitan ng Gobyerno at ng Bangsamoro. ● Pampolitika – hindi maayos na patakaran ukol sa pulitika. Pulitikong hindi karapatdapat sa kanilang posiyon ● Judicial Killing- mga pagbitay na walang pahintulot ng batas bilang lehitimong gamot sa kalupitan at krimen ay pinsala sa ating mga pamilya at lipunan ● Anti-Hazing Law – batas na ipinasa para magilbing gabay at nang maiwasan ang mga nagdaang karanasan sa isyung ito ● Oplan tokhang – ang pagkatok ng mga awtoridad sa mga bahay ng mga nasangkot sa ilegal na droga at makiusap na sumuko na at magbagong buhay ● Pag-aagawan ng Pilipinas at China sa pagmamay-ari ng South China Sea ● Occupy Pabahay - Kabiguan ng gobyerno sa pagresolba sa kahilingan ng mahihirap sa Metro manila na mabigyan sila ng maayos at murang pabahay. Introduksyon Ang panitikan ay sumasalamin sa totoong buhay ng ating kultura at maging mga isyu sa ating lipunan. Ang maikling kwento na makikita sa ibaba ay isang halimbawa ng akdang pampanitikan na tumatalakay sa pagsasaka. Halina’t basahin ang kwentong ito hinggil sa isa sa mga isyu ng ating bansa. Mga Tiyak na Layunin Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Nasusuri ang akdang pampanitikan hinggil sa isyung pangmagsasaka; 2. Naibubuod ang mahahalagang pangyayari at/o kaisipan sa mga akdang pampanitikan tungkol sa isyung pangmagsasaka. 3. Nakasasaliksik tungkol sa may-akda ng kwento at kung bakit at paano naisulat ang kwentong binasa. Akdang Pampanitikan TATA SELO ni: Rogelio Sikat Maliit lamang sa simula ang kulumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo, ngunit nang tumaas ang araw, at kumalat na ang balitang tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay napuno na ang bakuran ng bahaypamahalaan. Naggitgitan ang mga tao, nagsiksikan, nagtutulakan, bawat isa’y naghahangad makalapit sa istaked. “Totoo ba, Tata Selo?” “Binabawi niya ang aking saka kaya tinaga ko siya.” Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas. May nakaalsang putok sa noo. Nakasungaw ang luha sa malabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata. Kupas ang gris niyang suot, may mga tagpi na ang siko at paypay. Ang kutod niyang yari sa matibay na supot ng asin ay may bahid ng natuyong putik. Nasa harap niya at kausap ang isang magbubukid, ang kanyang kahangga, na isa sa nakalusot sa mga pulis na sumasawata sa nagkakaguluhang tao. “Hindi ko ho mapaniwalaan, Tata Selo,” umiling na wika ng kanyang kahangga, “talagang hindi ko mapaniwalaan.” Hinaplus-haplos ni Tata Selo ang ga-dali at natuyuan na ng dugong putok sa noo. Sa kanyang harapan, dikalayuan sa istaked, ipinagtutulakan ng mga pulis ang mga taong ibig makakita sa kanya. Mainit ang sikat ng araw na tumatama sa mga ito, walang humihihip na hangin at sa kanilang ulunan ay nakalutang ang nasasalisod na alikabok. “Bakit niya babawiin ang aking saka?” tanong ni Tata Selo. “Dinaya ko na ba siya sa partihan? Tinuso ko na ba siya? Siya ang may-ari ng lupa at kasama lang niya ako. Hindi ba’t kaya maraming nagagalit sa akin ay dahil sa ayaw kong magpamigay ng kahit isang pinangko kung anihan?” Hindi pa rin umaalis sa harap ng istaked si Tata Selo. Nakahawak pa rin siya sa rehas. Nakatingin siya sa labas ngunit wala siyang sino mang tinitingnan. “Hindi mo na sana tinaga si kabesa,” anang binatang anak ng pinakamayamang propitaryo sa San Roque, na tila isang magilas na pinunong-bayang malayang nakalalakad sa pagitan ng maraming tao at ng istaked. Mataas ito, maputi, nakasalaming may kulay at nakapamaywang habang naninigarilyo. “Binabawi po niya ang aking saka,” sumbong ni Tata Selo. “Saan pa po ako pupunta kung wala na akong saka?” Kumumpas ang binatang mayaman. “Hindi katwiran iyan para tagain mo ang kabesa. Ari niya ang lupang sinasaka mo. Kung gusto ka niyang paalisin, mapaaalis ka niya anumang oras.” Halos lumabas ang mukha ni Tata Selo sa rehas. “Ako po’y hindi ninyo nauunawaan,” nakatingala at nagpipilit ngumiting wika niya sa binatang nagtapon ng sigarilyo at mariing tinakpan pagkatapos. “Alam po ba ninyong dating amin ang lupang iyon? Naisangla lamang po nang magkasakit ang aking asawa, naembargo lamang po ng kabesa. Pangarap ko pong bawiin ang lupang iyon, kaya nga po hindi nagbibigay ng kahit isang pinangko kung anihan. Kung hindi ko na naman po mababawi, masaka ko man lamang po. Nakikiusap po ako sa kabesa kangina, “Kung maari akong paalisin. Kaya ko pa pong magsaka, ‘Besa. Totoo pong ako’y matanda na, ngunit ako po nama’y malakas pa.’ Ngunit... Ay! tinungkod po niya ako nang tinungkod, tingnan po n’yong putok sa aking noo, tingnan po n’yo.” Dumukot ng sigarilyo ang binata. Nagsindi ito at pagkaraa’y tinalikuran si Tata Selo at lumapit sa isang pulis. “Pa’no po ba’ng nangyari, Tata Selo?” Sa pagkakahawak sa rehas, napabaling si Tata Selo. Nakita niya ang isang batang magbubukid na na nakalapit sa istaked. Nangiti si Tata Selo. Narito ang isang magbubukid, o anak-magbubukid, na maniniwala sa kanya. Nakataas ang malapad na sumbrerong balanggot ng bata. Nangungulintab ito, ang mga bisig at binti ay may halas. May sukbit itong lilik. “Pinutahan niya ako sa aking saka, amang,” paliwanag ni Tata Selo. “Doon ba sa may sangka. Pinaalis sa aking saka, ang wika’y tinungkod ako, amang. Nakikiusap ako, sapagkat kung mawawalan ako ng saka ay saan pa ako pupunta?” “Wala na nga kayong mapupuntahan, Tata Selo.” Gumapang ang luha sa pisngi ni Tata Selo. Tahimik na nakatingin sa kanya ang bata. “Patay po ba?” Namuti ang mga kamao ni Tata Selo sa pagkakahawak sa rehas. Napadukmo siya sa balikat. “Pa’no pa niyan si Saling?” muling tanong ng bata. Tinutukoy nito ang maglalabimpitong taong anak ni Tata Selo na ulila na sa ina. Katulong ito kina Kabesang Tano at kamakalawa lamang umuwi kay Tata Selo. Ginagawang reyna sa pista ng mga magbubukid si Saling nang nakaraang taon, hindi lamang pumayag si Tata Selo. “Pa’no po niyan si Saling?” Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Tata Selo sa rehas. Hindi pa nakakausap ng alkalde si Tata Selo. Mag-aalas-onse na nang dumating ito, kasama ang hepe ng mga pulis. Galing sila sa bahay ng kabesa. Abut-abot ang busina ng diyip na kinasasakyan ng dalawa upang mahawi ang hanggang noo’y di pa nag-aalisang tao. Tumigil ang diyip sa di-kalayaun sa istaked. “Patay po ba? Saan po ang taga?” Naggitgitan at nagsiksikan ang mga pinagpapawisang tao. Itinaas ng may-katabang alkalde ang dalawang kamay upang payapain ang pagkakaingay. Nanulak ang malaking hepe. “Saan po tinamaan?” “Sa bibig.” Ipinasok ng alkalde ang kanang palad sa bibig, hinugot iyon at mariing inihagod hanggang sa kanang punong tainga. “Lagas ang ngipin.” “Lintik na matanda!” Nagkagulo ang mga tao. Nagsigawan, nagsiksikan, naggitgitan, nagtulakan. Nanghataw na ng batuta ang mga pulis. Ipinasiya ng alkalde na ipalabas ng istaked si Tata Selo at dalhin sa kanyang tanggapan. Dalawang pulis ang kumuha kay Tata Selo sa istaked. “Mabibilanggo ka niyan,” anang alkalde pagpasok ni Tata Selo sa kanyang tanggapan. Pinaupo ng alkalde ang namumutlang si Tata Selo. Umupo si Tata Selo sa silyang nasa harap ng mesa. Nanginginig ang kamay ni Tata Selo nang ipatong niya iyon sa nasasalaminang mesa.\ “Pa’no nga ba’ng nangyari?” kunot-noo at galit na tanong ng alkalde. Matagal bago nakasagot si Tata Selo. “Binabawi po niya ang aking saka, Presidente,” wika ni Tata Selo. “Ayaw ko pong umalis doon. Dati pong amin ang lupang iyon, amin po, naisangla lamang po at naembargo.” “Alam ko na iyan,” kumukumpas at umiiling na putol ng nagbubugnot na alkalde. Lumunok si Tata Selo. Nang muli siyang tumingin sa presidente, may nakasungaw na luha sa kanyang malalabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata. “Ako po naman, Presidente, ay malakas pa,” wika ni Tata Selo. “Kaya ko pa pong magsaka. Makatwiran po bang paalisin ako? Malakas pa po naman ako, Presidente, malakas pa po.” “Saan mo tinaga ang kabesa?” Matagal bago nakasagot si Tata Selo. “Nasa may sangka po ako nang dumating ang kabesa. Nagtatapal po ako ng pitas sa pilapil. Alam ko pong pinanood ako ng kabesa, kung kaya po naman pinagbuti ko ang paggawa, para malaman niyang ako po’y talagang malakas pa, na kaya ko pa pong magsaka. Walang anu-ano po, tinawag niya ako at ako po’y lumapit, sinabi niyang makaalis na ako sa aking saka sapagkat iba na ang magsasaka.” “Bakit po naman, “Besa?” tanong ko po. Ang wika’y umalis na lang daw po ako. ‘Bakit po naman, ‘Besa?’ tanong ko po uli, ‘malakas pa po naman ako, a.’ Nilapitan po niya ako nang tinungkod.” “Tinaga mo na n’on,” anang nakamatyag na hepe. Tahimik sa tanggapan ng alkalde. Lahat ng tingin – may mga eskribiyente pang nakapasok doon – ay nakatuon kay Tata Selo. Nakauyko si Tata Selo at gagalaw-galaw ang tila mamad na daliri sa ibabaw ng maruming kutod. Sa pagkakatapak sa makintab na sahig, hindi mapalagay ang kanyang may putik, maalikabok at luyang paa. “Ang inyong anak, na kina Kasesa raw?” usisa ng alkalde. Hindi sumagot si Tata Selo. “Tinatanong ka,” anang hepe. Lumunok si Tata Selo. “Umuwi na po si Saling, Presidente.” “Kailan?” “Kamakalawa po ng umaga.” “Di ba’t kinatatulong siya ro’n?” “Tatlong buwan na po.” “Bakit siya umuwi?” Dahan-dahang umangat ang mukha ni Tata Selo. Naiyak na napayuko siya. “May sakit po siya?” Nang sumapit ang alas-dose – inihudyat iyon ng sunud-sunod na pagtugtog ng kampana sa simbahan na katapat lamang ng munisipyo – ay umalis ang alkalde upang manghalian. Naiwan si Tata Selo, kasama ang hepe at dalawang pulis. “Napatay mo pala ang kabesa,” anang malaking lalaking hepe. Lumapit ito kay Tata Selo na nakayuko at din pa tumitinag sa upuan. “Binabawi po niya ang aking saka,” katwiran ni Tata Selo. Sinapok ng hepe si Tata Selo. Sa lapag, halos mangudngod si Tata Selo. “Tinungkod po niya ako nang tinungkod,” nakatingala, umiiyak at kumikinig ang labing katwiran ni Tata Selo. Itinayo ng hepe si Tata Selo. Kinadyot ng hepe si Tata Selo sa sikmura. Sa sahig, napaluhod si Tata Selo, nakakapit sa umipormeng kaki ng hepe. “Tinungkod po niya ako nang tinungkod...Ay! tinungkod po niya ako nang tinungkod...” Sa may pinto ng tanggapan, naaawang nakatingin ang dalawang pulis. “Si Kabesa kasi ang nagrekomenda kat Tsip, e,” sinasabi ng isa nang si Tata Selo ay tila damit na nalaglag sa pagkakasabit nang muling pagmalupitan ng hepe. Mapula ang sumikat na araw kinabukasan. Sa bakuran ng munisipyo, nagkalat ang papel na naiwan nang nagdaang araw. Hindi pa namamatay ang alikabok, gayong sa pagdating ng uwang iyo’y dapat nang naguulan. Kung may humihihip na hangin, may mumunting ipu-ipong nagkakalat ng mga papel sa itaas. “Dadalhin ka siguro sa kabesera,” anang bagong paligo at bagong bihis na alkalde sa matandang nasa loob ng istaked. “Doon ka siguro ikukulong.” Wala ni papag sa loob ng istaked at sa maruing sementadong lapag nakasalampak si Tata Selo. Sa paligid niya’y may natutuyong tamak-tamak na tubig. Nakaunat ang kanyang maiitim at hinahalas na paa at nakatukod ang kanyang tila walang butong mga kamay. Nakakiling, nakasandal siya sa steel matting na siyang panlikurang dingding ng istaked. Sa malapit sa kanyang kamay, hindi nagagalaw ang sartin ng maiitim na kape at isang losang kanin. Nilalangaw iyon. “Habang-buhay siguro ang ibibigay sa iyo,” patuloy ng alkalde. Nagsindi ng tabako at lumapit sa istaked. Makintab ang sapatos ng alkalde. “Patayon na rin ninyo ako, Presidente.” Paos at bahagya nang marinig ang rehas nguni’t pinagkiskis niya ang mga palad at tiningnan kung may alikabok iyon. Nang tingnan niya si Tata Selo, nakita niyang lalo nang nakiling ito. May mga tao na namang dumarating sa munisipyo. Kakaunti iyon kaysa kahapon. Nakapasok ang mga iyon sa bakuran ng munisipyo, ngunit may kasunod na pulis. Kakaunti ang magbubukid sabagong langkay na dumating at titingin kay Tata Selo. Karamihan ay mga taga-poblacion. Hanggang noon, bawat isa’y nagtataka, hindi makapaniwala, gayong kalat na ang balitang ililibing kinahapunan ang kabesa. Nagtataka at hindi nakapaniwalang nakatingin sila kay Tata Selo na tila isang di pangkaraniwang hayop na itinatanghal. Ang araw, katulad kahapon, ay mainit na naman. Nang magdakong alas-dos, dumating ang anak ni Tata Selo. Pagkakita sa lugmok na ama, mahigpit itong napahawak sa rehas at malakas na humagulgol. Nalaman ng alkalde na dumating si Saling at ito’y ipinatawag sa kanyang tanggapan. Di nagtagal at si Tata Selo naman ang ipinakaon. Dalawang pulis ang umaalalay kay Tata Selo. Nabubuwal sa paglakad si Tata Selo. Nakita niya ang babaing nakaupo sa harap ng mesa ng presidente. Nagyakap ang mag-ama pagkakita. “Hindi ka na sana naparito, Saling” wika ni Tata Selo na napaluhod. “May sakit ka Saling, may sakit ka!? Tila tulala ang anak ni Tata Selo habang kalong ang ama. Nakalugay ang walang kintab niyang buhok, ang damit na suot ay tila yaong suot pa nang nagdaang dalawang araw. Matigas ang kanyang namumutlang mukha. Pinaglilipat-lipat niya ang tingin mula sa nakaupong alkalde hanggang sa mga nakatinging pulis. “Umuwi ka na, Saling,” hiling ni Tata Selo. “Bayaan mo na...bayaan mo na. Umuwi ka na, anak. Huwag ka nang magsasabi...” “Kinabog kagabi,” wika ng isang magbubukid. “Binalutan ng basang sako, hindi nga halata.” “Ang anak, dumating daw?” “Naki-mayor.” Sa isang sulok ng istaked iniupo ng dalawang pulis si Tata Selo. Napasubsob si Tata Selo pagakaraang siya’y maiupo. Ngunit nang marinig niyang muling ipinapakaw ang pintong bakal ng istaked, humihilahod na ginapang niya ang rehas, mahigpit na humawak doon at habang nakadapa’y ilang sandali ring iyo’y tila huhutukin. Tinawag niya ang mga pulis ngunit paos siya at malayo na ang mga pulis. Nakalabas ang kanang kamay sa rehas, bumagsak ang kanyang mukha sa sementadong lapah. Matagal siyang nakadapa bago niya narinig na may tila gumigisang sa kanya. “Tata Selo...Tata Selo...” Umangat ang mukha ni Tata Selo. Inaninaw ng may luha niyang mata ang tumatawag sa kanya. Iyon ang batang dumalaw sa kanya kahapon. Hinawakan ng bata ang kamay ni Tata Selo na umaabot sa kanya. “Nando’n, amang, si Saling sa Presidente,” wika ni Tata Selo. “Yayain mo nang umuwi, umuwi na kayo. Puntahan mo siya, amang. Umuwi na kayo.” Muling bumagsak ang kanyang mukha sa lapag. Ang bata’y saglit na nagpaulik-ulik, pagkaraa’y takot na bantulot na sumunod... Mag-iikapat na ng hapon. Padahilig na ang sikat ng araw, ngunit mainit pa rin iyon. May kapiraso nang lilim sa istaked, sa may dingding sa steel matting, ngunit si Tata Selo’y wala roon. Nasa init siya, nakakapit sa rehas sa dakong harapan ng istaked. Nakatingin sitya sa labas, sa kanyang malalabo at tila lagi nang nag-aaninaw na mata’y tumatama ang mapulang sikat ng araw. Sa labas ng istaked, nakasandig sa rehas ang batang inutusan niya kangina. Sinasabi ng bata na ayaw siyang papasukin sa tanggapan ng alkalde ngunit hindi siya pinakikinggan ni Tata Selo, na ngayo’y hindi na pagbawi ng saka ang sinasabi. Habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat ay kinuha na sa kanila, lahat, ay! ang lahat ay kihuan na sa kanila... KABANATA V PANITIKAN HINGGIL SA ISYUNG PANGKASARIAN Inroduksyon Isa sa mga isyung pangkasarian sa lipunang Pilipino ay ang karahasang batay sa kasarian o genderbased violence o GBV, tinatawag ding gender violence o gendered violence. Ito ay terminong ginagamit upang tukuyin ang harm inflicted upon individuals and groups that is connected to normative understanding of their gender (https://en.wikipedia.org). Ayon sa https://unhcr.org, ang ganitong karahasan ay mauuring 1) sekswal, 2) pisikal, 3) emosyonal at sikolohikal, at 4) sosyo-ekonomik. Pangkalahatang Layunin 1. Matalakay at masuri ang mga paksa at akdang pampanitikan na sumasalamin sa isyung pangkasarian. Inroduksyon Ang kasarian o gender ay terminong ginagamit nang mas malawakan upang tukuyin ang lawak ng identidad na hindi limitado sa mga establisyadong ideya ng lalaki at babae. Kaiba ito sa terminong sex na bagamat ang salin sa Filipino ay kasarian din na limitado lamang sa biolohikal na dikotomya ng lalaki at babae. Sa araling ito, bilang isang kabataan na bukas ang isipan sa panahon ngayon ay tatalakayin natin ang kasarian na tumutukoy sa gender. Mga Tiyak na Layunin Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Naisasaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pagsasagawa ng pananaliksik tungkol sa isyung pangkasarian. 2. Nakasusulat ng akademikong papel na nagsusuri sa kabuluhang panlipunan hinggil sa isyung pangkasarian. Pagtalakay Ang mga karaniwang sanhi ng mga karahasang batay sa kasarian at ang mga karaniwang sagabal sa prebensyon ng ganitong karahasan ay ang sumusunod: Sanhi Sagabal sa Prebensyon Mga Pisikal na Salik Kakulangan ng pisikal na seguridad Kahirapan Mga Sosyo-kultural at Politikal na Salik Mga panlipunan, pangkultura at panrelihiyong batas, gawi at praktikang diskriminatori Pagkasira ng mga estrukturang pampamilya, panlipunan at komyunal Kakulangan ng tiwala sa mga panlipunan at publikong institusyon Mga Salik na Panghudikatura Kakulangan ng akses sa mga pangkatarungang institusyon at mekanismo Kakulangan ng sapat at abot-kayang legal na payo at representasyon Kakulangan ng sapat na proteksyon sa mga biktima Kakulangn ng mga batayang legal Mga Indibidwal na Biktimang Salik Pagbabanta o takot sa istigma, isolasyon at ekslusyon sa lipunan Eksposyur sa higit pang karahasan Kakulangan ng impormasyon sa karapatang pantao Mga Salik ng Humanitaryan Programang Pagkabigong matugunan at mabigyang-prayoriti ang GBV Kakulangan ng mga disenyo at programa sa sensitibong pangkasarian Pang-aabusong sekswal ng mga mismong tagapagpatupad ng batas Iba pang hamon tulad ng mahinang ugnayan ng mga tanggapan at institusyon, kakulangan ng kompidensyaliti, kakulangan ng suporta sa komunidad at iba pa Ang kasarian pagkakilanlan ng mga tao ay maaaring naiiba mula sa kanilang kasarian na itinakda nang sila’y ipinanganak, at maaaring kabilang dito ang: Trans: Ang mga tao na ang karanasan sa buhay ay nabubuhay ng mahigit sa isang kasarian. Maaaring kabilang dito ang mga tao na nakilanlan na transsexual, at mga tao na naglalarawan sa kanilang mga sarili na nasa isang “kasarian isprekto” o nakatira sa labas ng mga kategorya ng “lalaki” o “babae.” Transsexual: Ang mga tao na kinilala bilang isang kasarian nang sila’y ipinanganak, pero nang lumaki ay kumikilala sa kanilang sarili nang naiiba. Maaaring naghahanap sila o nagpapasailalim sila ng isa o higit pang mga medikal na pagpapagamot upang iakma ang kanilang mga katawan sa nararamdaman nilang pagkakilanlan sa loob nila, tulad ng hormone therapy, sex-reassignment surgery, o iba pang mga pamamaraan. Intersex: Ang mga tao na hindi madaling uri-uriin bilang “lalaki” o “babae”, batay sa kanilang pangkatawang katangian sa kapanganakan o pagkatapos ng pagkababae o pagkalalake. Ang salitang ito ay pumapalit sa hindi magandang salitang “bakla.” Crossdresser: Isang tao na, dahil sa damdamin at sikolohiyang kagalingan ay nagbibihis ng mga kasuotang karaniwang kaugnay ng “kabilang” kasarian. ISYU 1. Diskriminasyon laban sa LGBT Community - Kahit unti-unting nagkakaroon ng kamalayan ang mga lipunan sa sexual orientation, gender identity at gender expression ng mga tao ngayon, kailangan pa ring palawakin ang isipan at mga karapatang sibil ng lahat ng tao upang maiwasan ang mga diskriminasyon laban sa kahit na anong kasarian.....(tingnan ang buong detalye sa brainly.ph/question/758153) Dapat maisulong at maipatupad na ang Anti-Discrimination Bill na hindi lamang pang LGBT ang mga layunin at programa kundi para sa lahat ng kasarian. 2. Limitadong Representasyon - Kahit ang LGBT community ay isang realidad, hindi pa rin ito kasing ganap at katotoo sa mga pang-masang media. 3. Maling Mentalidad ng Patriyarkal na Sistema - Noon pa man, hindi pa nasasakop ng patriyarkal na sistema ang buong mundo, ang mga sinaunang tao ay payapa't walang isyu sa kasarian. Ang mga ninuno natin ay may mga babaylan at mga babaeng pinuno, ang mga Native American o mga Indian na siyang totoong mga tribo ng America ay may karapatan na pumili kung anong espirito (lalaki, babae o parehong lalaki at babaeng espirito) ang nananalaytay sa kanila. Mahalaga ang kaalaman sa Sexual Orientation, Gender Identity at Gender Expression upang maiwasan ang diskriminasyon at nang magkaroon ng pantay na karapatan sa pagganap ng mga papel sa lipunan. Isyung pangkasarian, ano nga ba ang kaugnayan nito sa Katoliko Ang kasangkapang pangkasarian o pangunahing katangiang pangkasarian o organong sekswal (Ingles: sex organ), sa isang makitid na katuturan, ay kahit na ano sa mga bahaging pang-anatomiya ng katawan na may kaugnayan sa reproduksiyong sekswal at kinabibilangan ng sistemang reproduktibo sa isang masalimuot na organismo, na siyang sumusunod sa ibaba: KASARIAN AT SEKSUWALIDAD Isang mahalagang katangian ng bawat tao ay ang kasarian at seksuwalidad. Ngunit ang dalawang konseptong ito ay madalas mapagpalit bagaman ito ay magkaugnay. SEX O SEKSUWALIDAD - tumutukoy sa natural o biyolohikal na katangian bilang lalaki o babae. Ang ating seksuwalidad ay natatalaga sa pamamagitan ng atingGenetic inheritance o ang pinagmulan ng lahi. Ang ating genes naman ay nagtataglay ng ating mga biyolohikal nakatangian ay ating mamamana at naipapasa sa mga salinlahi sa pamamagitan ng pagsusupil. GENDER O KASARIAN - tumutukoy sa isang aspektong kultural na natutuhan hinggil saseksuwalidad. Ang mga ideya natin tungkol sa kasarian ay ating natututuhan mula salipunang ating kinabibilangan at ginagalawan. Ang seksuwalidad ang tukuyin pinapangkat ang mga tao bilang “babae” at “lalaki”. Kungkasarian ang ginagamit na termino ay “pambabae” o “panlalaki”. ORYENTASYONG SEKSUWALIDAD SEXUAL ORIENTATION - tumutukoy sa pisikal at emosyonal na atraksiyon na nararamdaman ng isang indibidwal para pa sa isa pangindibidwal para sa isa pang indibidwal. PAGKAKAKILANLANG PANGKASARIAN GENDER IDENTITY- nararamdaman o pinaniniwalaang kasarian ng isang tao, maging akma o hindi sa kanyang seksuwalidad. MGA PAPEL NA GINAGAMPANAN AYON SA KASARIAN (GENDER ROLES) Ang kilos, mga gawain, at pananalita ng bawat indibidwal ay hinuhubog ng lipunan. Ang mga bahaging ito ay nagmumula sa ating kinagisnang kultura hanggang sa mga taong ating nakakasalamuha. ANG SINASABING “IKATLONG KASARIAN” Sila ang mga homoseksuwal kung tawagin. Inilalarawan sila bilang mga indibidwal na nakakaranas ng ekslusibong atraksyon sa katulad nilang kasarian. “Gay, bakla, beki” ang ibang tawag sa homoseksuwal. ANG PAGIGING ISANG HOMOSEKSUWAL Sa Pilipinas, ang terminong “paglaladlad” ay tumutukoy sapag papahayag ng isang indibidwal ng kanyang oryentasyong seksuwal. TATLONG YUGTO SA PAGLALADLAD Unang yugto 1. Pag-alam sa sarili 2. Pagtanggap at pagiging bukas sa atraksiyon sa katulad na kasarian. Ikalawang yugto 1. Pag-amin sa ibang tao 2. Pagsabi sa kapamilya, kaibigan, o katrabaho ng pagiging isang homoseksuwal Ikatlong yugto 1. Pag-amin sa lipunan 2. Pamumuhay nang bukas bilang isang LGBT LGBT- Lesbian, Gay, Bisexual at Transgender. Homoseksuwal (bakla at tomboy) at ang Hemisphere ng utak nila ay higit na malaki kaysa sa kaliwa. KARAPATAN SA PAGPILI NG KASARIAN AT SEKSUWALIDAD Ang ilang mga karapatang ipinaglabanan ng mga homoseksuwal sa buong mundo ay ang mga sumusunod: 1. Karapatang malayang ipahayag ang kanilang kalooban; 2. Karapatang maikasal nang sibil at mapagkalooban ng mga benipisyong ibinibigay ng pamahalaan sa mga kasal na heteroseksuwal at sa kanilang mga anak; at 3. Karapatang mabuhay nang malaya at walang diskriminasyon PANANAW SA HOMOSEKSUWALIDAD NG MGA PILIPINO Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa mundo na pinakatumatanggap sa mga LGBT (gay-friendly nation). Sa isang pandaigdigang pag-aaral na kinabibilangan ng 39 na bansa, pangsampu ang Pilipinas sa 17 bansang tumatanggap sa homoseksuwalidad. Sa kabilang dako, masasabi na malaki ang impluwensiya ng Simbahang Romano Katoliko sa pananaw ng mga Pilipino laban sa homoseksuwalidad. Sa pamumuno ng Catholic Bishop’s Conferences of the Philippies (CBCP), ang Simbahang Katoliko ay aktibo sa pagkontra sa pagbibigay ng mga karapatan sa mga pangkat-LGBT. Ang mga konserbatibong Pilipino, pati narin ang mga Muslim, ay naniniwala na ang homoseksuwal ay immoral. Ganito rin ang ibang sektang Romano tulad ng Jesus is Lord Church ni Bro. Eddie Villanueva. RELIHIYON AT PANANAW NG IBA TUNGKOL SA HOMOSEKSUWALIDAD May mga pangunahing relihiyon sa mundo ang naninindigang salungat sa kanilang paniniwalaang pagiging homoseksuwal. Dahil sa ganitong paniniwala, tinutuligsa nila ang mgahomoseksuwal. Hinuhusgahan nila ang homoseksuwal at naniniwalang ito ay makasalanan. Sa kabilang dako, mayroong na ring mga lipunang may liberal nap ag iisip at tinatanggap na rin ang kultura ng homoseksuwal. DISKRIMINASYON BATAY SA KASARIAN 1. Ang mga pagkakaiba at hindi pantay-pantay sa pagtrato ng mga kasarian ay makikita sa atinglipunan tulad ng aspektong poliyikal, pang hanapbuhay atmaging sa tahanan 2. Sa politika, may pagkakaiba ang mga kasarian sa kapangyarihang political sapamahalaan, kumunidad at institusyon. 3. Sa tahanan, may pag kakaiba rin ang mga gawaing nakaatang s a kanila gaya ngpaggawa ng desisyon at paghanap ng mapagkukunan ng pangangailangan sa tahanan. 4. Sa panghanapbuhay, ang pang aabuso ay mas madalas maranasan ng kababaihan athomoseksuwal kaysa sa mga kalalakihan. MGA ANYO NG DISKRIMINASYON AYON SA KASARIAN 1. Hindi pagtanggap sa trabaho 2. Mga pang-iinsulto at pangungutya 3. Hindi pagpapatuloy sa mga establisyemento dahil sa kanilang kasuotan o pagkilos 4. Bullying sa paaralan MGA SALIK NA MAIMPLUWENSIYA SA DISKRIMINASYON 1. Mga paaralan, may mga nababalitang nakakaranas ng diskriminasyon at pang-aapi ang mga mag-aaral na homoseksuwal 2. Pamilya at tahanan, ang bawat miyembro ng pamilya ay may kanya kanyang papel naginagampanan. Sa ngayon, nagbago na ang papel na ginagampanan ng mga kasarian. 3. Media, dumarami ang mga LGBT na nagiging kilala sa mga industriya ng pelikula, telebisyon at fashion. Na kikilala ang kanilang talento sa iba’t ibang larangan ngunit may mga pagkakataon MGA EPEKTO NG SAME-SEX MARRIAGE Ayon sa ilang mga kritiko ng same sex marriage, layunin ng kasal ay ang pagbibigay ng suporta ng pamahalaan para sa panganganak, bagay na hindi naman nagagawa ng magkaparehong homoseksuwal. Maraming naniniwala na ang relasyon sa pagitan ng mga homoseksuwal ay imoral at makasalanan. Ipinahayag ni Rev. Fr. Melvin Castro, executive secretary. Inroduksyon Hindi maikakaila na maraming pagbabago ang nagaganap sa ating lipunan. Isa na rito ang pagkakaroon ng pantay-pantay na karapatan. Ang karapatang ito ay ang kalayaan na iginagawad sa mga kababaihan sa kahit anong edad sa ating bansa. Sa araling ito, aalamin ang pagkakaroon ng karapatan ng mga kababaihan. Ngunit ngayon ang mga karapatang ito ay inaabuso. Mga Tiyak na Layunin Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Nailalarawan at naipaliliwanag ang mga suliraning panlipunan sa pamamagitan ng makabuluhang akdang pampanitikan na binasa. 2. Natutukoy at nasusuri ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapaki-pakinabang na akda para sa panunuring pampanitikan tungkol sa isyung pangkasarian. Akdang Pampanitikan 1 Babae ka Ni Ani Montano Inawit ng Inang Laya (Karina C. David at Rebecca A. Demetillo) Mula sa http://babaeka.tripod.com Inang Laya Dou Hhtp://www.bworldonline.com Babae ka, hinahangad, sinasamba Ipinagtatanggol, ikaw nama’y walang laya. Ang daigdig mo’y lagi nang nasa tahanan Ganda lang ang pakinabang, sa buhay walang alam. Napatunayan mo, kaya mong ipaglaban Ang iyong karapatan at ganap na alayaan. Ang pinto ng pag-unlad sa ‘yo’y lagging nakasara, Harapin mo, buksan mo, ibangon ang iyong pagkatao. Babae ka. Kalahati ka ng buhay. Kung ikaw kaya’y wala saan ang buhay ipupunla? Pinatunayan mong kaya mong ipaglaban Ang iyong karapatan at ganap na kalayaan. Ang pinto ng pag-unlad sa’yo ngayo’y nakabungad, Harapin mo, buksan mo, ibangon ang iyong pagkatao. Babae ka. Dahil sa akala ay mahina ka, halaga mo ay ‘di nakikita. Bisig mo man sa lakas ay kulang, ngunit sa isip ka biniyayaan. Upang ang tinig mo’y maging mapagsaya, upang ikaw ay lumaya, Lumaban ka. Babae, may tungkulin ka Sa pagpapalaya ng bayan na siya nating simulain. Inroduksyon Kinadenang Bahaghari iyan ang nakalulunos na kalagayan ng mga LGBTQIA+ sa ating bansa. Sa aralin na ito bubuksan ang isipan mo sa mga kinahaharap ng mga Pilipinong LGBTQIA+ tulad ng lantarang diskriminasyon, ang kondisyong heteronormative ng mayorya, mga isyung moral, standardization ng identidad, at mga miskonsepsiyon ukol sa ating mga kapatid na LGBTQIA+. Mga Tiyak na Layunin Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Natutukoy ang nilalaman ng akdang binasa. 2. Nasusuri ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapaki-pakinabang na akda para sa panunuring pampanitikan tungkol sa isyung pangkasarian. Akdang Pampanitikan 2 Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo ni Rolando A. Bernales Mula sa antolohiyang Taguan: Dalawang Dekada ng Pagsusulat at Pagkamulat Ang pagiging bakla ay habambuhay na pagkabayubay sa krus ng kalbaryo. papasanin mo ang krus sa iyong balikat habang naglalakad sa kung saan-saaang lansangan. ‘Di lagging sementado o aspaltado ang daan, madalas ay mabato, maputik o masukal. Mapalad kung walang magpupukol ng bato o mangangahas na bumulalas ng pangungutya. Kailangang tiisin ang matatalas na sulyap o ang bulung-bulungan at matutunog na halakhak ‘Di kailangang lumingon pa, ‘di sila dapat kilalanin sapagkat sila’y iba’t ibang mukha: bata, matanda lalaki, babae, ina, ama, anak o kapatid, mayaman o mahirap, kakilala o ‘di-kakilala. Sinong pipigil sa kanila? Hindi ikaw. Anong lakas ang mayroon ka para tumutol? Makapaghihimagsik ka pa ba kung ang iyong mga palad at iyong paa’y ipinako nang lipunan sa likong kultura’t tradisyon at sa bulok na paniniwalang nagdidiktang ang pagiging bakla ay isang kasalanan na nararapat na pagdusahan sa krus ng kalbaryo kahit pa ikaw’y magpumilit na magpakamarangal?! Marso 11, 1995 KABANATA VI PANITIKAN HINGGIL SA SITWASYON NG MGA PANGKAT MINORYA Introduksyon Hindi maikakailang biktima ng diskriminasyon at pang-aabuso ang mga katutubo sa ating bansa mula noon hanggang sa kasalukuyang panahon mula sa kamay ng mga dayuhan at ng mga kapwa Pilipino. Ayon sa kasaysayan, mula sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol hanggang sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano ay ramdam na ramdam ng mga katutubo ang lupit sa kanilang mga danas. Patuloy rito ang iba’t ibang katawagan sa kanilang waring nagpapahiwatig na mabangis, walang pinag-aralan, mal-edukado, malayo sa sibilisasyon, magugulo at mababa ang kalagayan ng mga katutubo. Itinuturing silang mga cimaron, salvajes (mabangis), malhechores (masasamang-loob), infieles (‘di tapat) upang patunayan ng mga malupit na mananakop na iba sila sa mga pangkaraniwang mga indios nang panahong yaon (Gealogo, 2019). Pangkalahatang Layunin 1. Matalakay ang mga paksa at akdang pampanitikang nauugnay sa sitwasyon ng mga pangkat minorya. Introduksyon Sa kasalukuyang panahon ay ramdam pa rin ng mga pangkat minorya sa Pilipinas ang pagmamalupit sa kanila kahit pa mayroon nang Batas Republika Bilang 8371 o Indigenous People Right Act (IPRA Law) ng 1997 at malinaw sa United Nations Declaration of Indigenous Right na ang mga katutubo ay kapantay ng lahat ng tao at kung gayo’y nararapat na tratuhin nang walang pagmamataas at walang pagmamaliit. Iba’t ibang panggigipit, pang-aapi at pang-aabuso ang nararanasan nila buhat sa kamay ng mga kapitalistang ganid sa lipunan at sa kamay ng mga tiwaling opisyal ng pamahalaan (na dapat ay nangunguna sa pagtatanggol sa kanilang karapatan). Binubuo ang araling ito tungkol sa sitwasyon ng mga kapatid nating nasa pangkat minorya. Mga Tiyak na Layunin Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Natutukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapakipakinabang na sanggunian sa panunuring pampanitikan tungkol sa pangkat minorya; 2. Napalalawak ang kaalaman sa pangkat minorya sa pamamagitang ng pagsusuot ng kanilang katutubong kasuotan; at 3. Nakasusulat ng akademikong historikal na pagpapakilala sa pangkat minorya hinggil sa kanilang kasuotan. Pagtalakay Ang ganitong pagtrato sa mga katutubo ay nagpatuloy sa ilalim ng pamamahala ng mga Amerikano sa Pilipinas. Ayon sa kasaysayan, bilang paghahanda sa planong pagsasarili ng Pilipinas, inilabas ang Copper Act ng 1902 na nagsasabing kailangan munang magkaroon ng pambansang sensus sa Pilipinas upang malaman ang bilang ng mga Pilipino bago maganap ang halalan. Subalit batay sa kautusan, hindi kasama ang mga katutubo sa planong ito nang noo’y naghaharing Estados Unidos, sapagkat sila raw ay hindi sibilisado. Sa katunayan, nilimita lamang ng Estados Unidos ang nasabing polisiya sa mga Pilipinong naninirahan sa kapatagan. Ayon sa kanila, ang mga grupong Kristiyanong tagapatag gaya ng mga Bikolano, Ilokano, Kapampangan, Pangasinan, Tagalog, Bisaya at Zambalan lamang ang maituturing na ganap na sibilisado. Bukod ditto, itinuring din ng Estados Unidos ang mga katutubo bilang mababangis gaya ng baluktot na paniniwala ng mga Espanyol. Ang ganitong patakarang diskriminatori ay nagbunga ng pagkakahati ng mga Pilipino. Naging mabababa ang tingin ng mga nasa patag sa mga katutubo gamit ‘di-makatarungang panukatang kinapapalooban ng paniniwala, gawi at wika. Hinuhusgahan kasi ang kanilang pagkatao batay lamang sa kanilang sariling wika, paniniwalang pinanghawakan at uri ng pamumuhay. Bungan g ganiting pamantayan ay isinilang ang konsepto ng minoritisasyon o pagiging minorya sa sariling bayan (Gealogo, 2019). Matatandaang noong taong 2015 ay nagkaisang nanawagan ang mga kasapi ng Katawhang Lumad Council of People Representatives ng Mindanao People’s Peace Movement (MPPM KLCPR) na nagmula sa mga tribung Agusan Manobo, B’laan, Banwaon, Dulangan Manobo, Erumanen nu Menuvu, Higaonon, Kulanen, Lambangian, Mamanwa, Manobo Lapaknon, Matigsalog, Obu Manovu, T’boli, Tagakaulo, Talaandig, Tinananen, Teduray, Subanen at Surigao Manobo na itigil na ang labis na pananamantala at panunupil sa kanilang mga karapatan ng mga nasa gobyerno, rebulusyonaryong grupo politico, at mga kompanyang may interes sa kanilang lupang ninunu dahil ang pang-aabusong iyon ay nagdudulot ng matinding hirap sa kanilang pamumuhay> Ayon sa nasabing grupo, ang patuloy na pagwasak sa kanilang mga lupain sa pamamagitan ng malawakang pagmimina, pagtotroso, plantasyon, ranso at iba pang mga proyektong pwersahang pumapasok sa kanilang mga lupain ay nagangahulugan ng patuloy ring pagwasak sa pamumuhay, pagkatao at kinabukasan ng kanilang salinhali. Para naman sa mga Aeta ng Gitnang Luzon, nananatili pa rin ang kanilang problema mula noon hanggang sa kasalukuyang panahon kaugnay ng usapin ng lupaing ninuno. Ayon sa kanila, hindi naman tumigil ang digmaan laban sa mga Pilipinong walang malasakit at mga dayuhang mang-aagaw ng kanilang kabuhayan, tirahan at kinabukasan. Sa katunayan, ang New Clark City o Clark Green City na proyekto ni dating Pangulong Benigno Aquino III sa ilalim ng Public-Private Partnership na ipinagpatuloy ni Pangulong Rodrigo Duterte ay isa sa mga proyektong pumapasok sa lupang katutubo. Dahil doon, nanganganib na mapalayas sa kanilang lupang ninuno ang higit 20,000 katutubo’t magsasaka sa Tarlac. Ayon nga kay Johnny Basilio, pangkalahatang kalihim ng Aeta Tribal Association, hindi nab ago ang problemang dala ng Clark Green City na kakain ng halos 10,000-ektaryang lupaing katutubo. Sa nasabing proyektong naghahangad ng kaunlaran ay libo-libong katutubo naman ang natapakan ang karapatan – bagay na hindi matatawag na ganap na kaunlaran (Malubay, 2017). Bagaman ipinagmamalaki ng pamahalaan na ang mga Aeta ay nagkaroon ng trabaho bunga ng proyektong ito, hindi naman mapapasubalian na naganap pa rin ang pagsasamantala. Sa katunayan, ayon sa Manunulat na Ayaw sa Development at Aggression (KAMANDAG, 2018), ang trabahong ibinigay sa mga katutunong Aeta bilang trbahador sa nasabing proyekto ay nagsulot ng pang-aabuso sa pamamagitan ng mababang pasahod at kontraktwalisasyon. Malinaw na ang pansamanatalang trbahong ipinagmamalaki ng pamahalaan ay isang panakip-butas lamang sa malaking problemang hinaharap ng mga katutubo mula noon hanggang hinaharap. Pinapatay ng pamahalaan ang agrikultura ng bansa n asana ay makikinabangan ng buong bansa para lamang sa isang proyektong iilan lamang ang makikinabang. Isa itong malaking kabalintunaan sa ating mga Pilipino na sa gitna ng kakulangan ng suplay ng bigas sa ating bansa ay nagaganap pa ang ganitong pagsira sa mga sakahan para lamang sa “kaunlaran.” Ang karangyaan ng iba kapalit ay buhay ng iba ay hindi ganap na kaunlaran. Hindi rin makatarungan ang pagpapasara ng administrasyong Duterte ng 55ppaaralan ng mga Lumad sa Rehiyon ng Davao na pag-aari ng Salugpungan Ta’Tanu Igkanogon Community Learning Centers noon Hulyo 2019 sa paniniwalang itinataguyod ng mga nasabing paaralan ang ideolohiya ng New People’s Army (NPA) na itinuturing na mahigpit na kalaban ng estado (kahit pa walang matibay na ebidensya ang pamahalaan). Bunga nito, libo-libong mga mag-aaral ng mga paaralang ipinasara ang naapektuhan (de LozaCudia, 2019). Ang pamahalaang sana ay nagsisikap na paunlari at palawakin ang edukasyon lalo para sa mga marhinalisadong grupo ay tila isang instrument pa upang ganap na mahinto sa pagtatamo ng karunungan ang mga kabataang Pilipino. Tila natatakot ang pamahalaan na maging kritikal sa mga maling gawi ang bawat kabataang Pilipino. Nariyan pa rin ang sapilitang pagpapaalis sa mga katutubo sa kanilang lupang sinilangan ng mga ganid na kapitalistang ang tanging layunin ay kamkamin ang lupang ninuno upang tayuan ng negosyo at magpakasasa sa tubo. Ayon nga kay Gealogo (2019), maraming insedente ng karahasan na ang nararanasan ng mga Lumad na nagreresuta ng pagiging mapanganib ng kanilang sariling pamayanan dahil nagiging lugar ng digmaan at militarisasyon ang kanilang mga bayan. Ang pamahalaang sana ay tutulong upang itaguyod ang kanilang karapatan ay nangunguna pa sa pagkilos upang sila ay tuluyan nang maglaho sa kani-kanilang lupang sinilangan. Magkagayon pa man ay may ilang mga bahagi ng pamahalaan ang tunay na may puso para sa mga katutubo. Buhay na halimbawa nito ang dating kalihim ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman na si Gina Lopez. Sa kanyang panunungkulan ay ipinatigil niya ang operasyon ng mga minahan sa bansa na kalimitang pag-aari ng mga dayuhang kompanya dahil sa paglabag ng mga ito sa polisya at kawalan ng maaayos na sistema upang mapangalagaan ang yamang lupa at yamang tubig ng bansa. Ayon kay Lopez (sa Pangiyak, 2019), kailangang kanselahin ang mga kontrata sa pagmimina sapagkat lahat sila ay nasa watershed zones. Labag ito sa batas ng bansa. Labag ito sa 1987 Konstitusyon. Higit sa lahat, ito ay hindi makatao at makakalikasan. Nariyan din ang iba’t ibang mga non-government organization at party list groups gaya ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) at Bayan Muna na tunay na nagmamalasakit sa kapakanan ng mga katutubo. Nariyan din ang pakikibaka ng mga Lumad at Moro katulad nina Datu Tomas Ito ng Bagobo, Ludencio Monson ng Mandaya, Kitari Cafeon ng Blaan, Datu Dominador Diarog ng Bagobo-Klata, Datu Gibang Apoga ng Manobo at Bae Bibyaon Bigkay ng Manobo. Ang kanilang mga ginawa ay tunay na kapuripuri (Pangiyak, 2019). Samantala, sa kasaysayan ng bansa, ang pagtatanggol sa lupang ninuno at pakikibaka ay mamamalas din nang ipagtanggol nina Sultan Kudarat ng Sultanatong Maguindanao at Datu Bago ng Davao ang kapakanan ng mga katutubo sa Pilipinas. Namalas din ang kabayanihan Mangulayon at ng mga Kaolo at Moro upang labanan ang mga sundalong Amerikano na unang nagtayo ng plantasyon ng abaka at sagin sa mayamang baybayin ng Davao del Sur na humantong sa pagkamatay ni Hen. Edward Bolton na pinuno ng mga Amerikano (Pangiyak, 2019). Bilang pagtatapos, sino nga ba ang tunay na mabangis? Sino nga ba ang tunay na ‘di makatao? Sino ang ‘di mapagkakatiwalaan? Ang mga katutubo bang naghahangad ng kapayapaan at inklusibong kaunlaran o ang mga nasa pamahalaan at dayuhang ganid sa yaman n gating bansa? Introduksyon Ang Pilipinas ay sagana sa mayamang kultura hindi maikakaila pati rin sa tribong mayroon ang ating bansa. Dahil dito hindi maiiwasan ang diskriminasyon at pang-aabuso ng mga minoryang pangkat mula noon hanggang sa kasalukuyang panahon mula sa kamay ng mga dayuhan at ng mga kapwa Pilipino. Sa araling ito matutunghayan ang isang akdang pampanitikan tungkol sa isang awit sa bagong buwan. Mga Tiyak na Layunin Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Naikabubuod at nakasusuri ng mahahalagang pangyayari at/o kaisipan sa akdang pampanitikang hinggil sa pangkat minorya. 2. Nakasusulat ng awit hinggil sa kwentong binasa. Akdang Pampanitikan 1 Awit sa Bagong Buwan Mula sa Pangiyak: Mga Kuwento at Panawagan ng mga Bayani ng Mindanao (2019) Tumingin si Impit sa langit. Tinanaw niya ang lumiliwanag na bagong buwan, habang maaliwalas ang ngiti ni Daniyan, ang bagong ina, pagkatapos niyang iluwal ang kanyang panganay. “Daniyan, tatawagin natin siyang Birang---ang baogng buwan. Sana, hatid niya’y pag-asa sa kadiliman na dinadanas ng ating lahi,” pahayag ni Impit. Birang ang tawag ng mga Bagobo sa bagong buwan. Si Daniyan at Impit ang mga magulang ng bantog na si Datu Toma Ito. Sila ay mula sa tribong Bagobo. Taong 1925. Panahon ng mabilisang pagpapalawag ng mga plantasyong Amerikano sa Mindanao. Maraming pamilya ng tribung Bagobo ang itinaboy sa kanilang kumunidad. Ito ang kalagayang kinagisnan ni Birang. “Patuloy pa rin ang mga Amerikano sa pagpapalawak sa kanilang plantasyon sa kapatagan, ito ang narining ni Birang isang araw sa kanyang ama. “Marami na naman sa ating angkan ang mawawalan ng matitirhan at kabuhayan.” Kinabukasan, isinama si Birang ng kanyang Ama para mangaso. Itinuro nitong, huli ang malawak na kapatagan na ngayon ay nahawan na. “Noong una, diyan tayo nakatira. Bahagi ‘yan ng lupang ninuno. Iyang kapatagan na malapit sa dagat ay ang aming palaruan,” kuwento ng kanyang Ama. “Naging plantasyon na ito ngayon ng abaka at rubber. Ang masakit pa, di na tayo malayang makapasok diyan sa patag.” Sa kanyang murang edad, naramdaman na ni Birang ang malaking pangamba. Sa tingin niya, walang katiyakan ang kanilan bukas. Kadalasa’y ang Bundok Apo ang kanyang sumbungan. “Di na maaari pang maging plantasyon ang natitirang kagubatan. Ito ang pinagmumulan ng aming pagkain tulad ng baboy ramo, usa, at pulot-pukyutan. Ang kagubatan ang pinagkukunan ng aming mga gamot. Ito rin ang lugaar para sa aming mga ritwal,” daing niya sa kabundukan. “Ako si Birang!” “Ikaw si Thomas,” binyag ng kanyang guro noong nag-aaral na si Birang. ‘Noong nasa hustong gulang na si Birang, nabuo sa kanyang isipan na kailanma’y ‘di niya tatalikuran ang kanyang tribo. Di siya papaya na maagaw pa ang kanilang kanlungan, ang Bundok Apo. Nabulabog na naman ang tribung Bagobo noong Panahon ng Martial Law sa ilalim ni Pangulong Ferdinand Marcos. Palaging pinararatangang kuta ng mga NPA ang kanilang komunidad. Hindi sila ligtas sa mga mababagsik na sundalo ng diktador na si Marcos, bukod pa sa banta ng muling pagpapalawak ng mga plantasyon. Sa mga panahong ito, palagi nang makikita si Datu sa mga kilos-protesta laban sa kidtadurya. Hindi niya inalintana ang karahasang nagaganap sa panahon ng batas military. “Noon pa ma’y matatag na ang aking paniniwala na dapat manindigan ang mga lumad. Dapat ipagtanggol ang tribu. Dapat ipagtanggol ang Bundok Apo. Saan kami pupunta kung itataboy kami? Di naman puwedeng magtanim sa bunganga ng bulkan.” Itinayo nina Datu Tomas ang Senabadan ka Bagobo Mekatanud (Pagkakaisa ng mga Mulat na Bagobo), kung saan ang mga kasapi ay nagmumula sa paligid ng Bundok Apo mula Kidapawan hanggang sa mga bundok na sakop ng lungsod ng Davao. “Ipagtanggol natin an gating lupang ninuno!” panawagan ni Birang sa kanyang mga katribu. “Ang Bundok Apo ay ang Apo Sandawa—sagradong kalikasan, Di nagustuhan ni Datu ang kanyang bagong pangalan. Para sa kanya, wala itong kahulugan. Huli na nang nalaman niyang hango ito sa Thomasites-ang pangalan ng barkong unang sinakyan ng mga Amerikanong dumating sa Pilipinas para manakop sa pamamagitan ng kolonyal na edukasyon. Nagtayo sila ng mga public elementary school. Dito unang itinuro ang wikang Ingles, ang ‘A is for apple!’ Lumipas ang mga taon. Sumiklab ang Pangalawang DIgmaang Pandaigdig. Nagsilikas na naman ang tribung Bagobo dahil sa panunupi ng mga bagong mananakop. Nagsitakbuhan sila’t nagsisitago sa tuwing may darating na sundalong Hapon sa kanilang komunidad. Nakita ni Birang ang pagbayoneta ng mga Hapon sa mga taong lumalaban. Tulad ng naunang mananakop, inagaw nila ang mga lupain at nagtayo ng mga plantasyon. “Napilitan kaming magpalit ng pangalan. Kaya ‘Ito na ang nagging apelyido naming. Kasi, ‘Ito’ ang karamihan sa mga apelyidong Hapon na sumakop sa amin. Pero malaki talaga ang pasalamat naming sa Bundok Apo dahil sa kanyang kagubatan. Dito kami nagtago habang patuloy ang giyera.” Pagkatapos ng digma, muling itinayo ang pamayanan ng mga Bagobo. Pero nasa paanan na sila ng Apo. Nagpatuloy sa pag-aaral si Birang. Third year high school na siya noong panahong iyon. Ang tirahan ng ating mga ninuno. Hinding-hindi natin ito isusuko sa mga bagong mananakop!” Napatalsik ang diktador na si Marcos. Ngunit ‘di kailanman nanlamig si Datu para isulong ang interes ng kanilang Tribu. Ang kanyang karanasan sa panahon ng diktadura ay lalong nagpatatag sa kanyang paniniwalang ang kanilang kalagayan ay hindi hiwalay sa kabuuang kalagayan ng buong sambayanan. Alam din niya na kahit may bago nang kaayusan, hindi nangangahulugang wala na ring banta sa kanilang tirahan, pamumuhay, at lupang ninuno. “Hangga’t nariyan pa ang bsaw sa ating lipunan, hindi tayo titigil. Hangga’t buhay pa ang bakunawa na palaging umaagaw sa liwanag ng ating kalupaan, patuloy nating hahasain an gating mga sibat at gulok at isisigaw ang ating pagtuligsa,” panawagan ni Birang sa kanyang tribu. Hindi nagkamali si Datusa kanyang hinala. Nagsimula nang butasan ang Bundok Apo. Itinayo ang Mount Apo Geothermal Plant ng Philippine National Oil Company (PNOC) na lumikha ng kuryente para sa malalawak na plantasyon at iba pang malalaking negosyo. Napag-alaman sa mga pagsusuri na may mga lason tulad ng arsenic at iba pang kemikal na dumadaloy sa mga ilog at sapa. Bumuhos muli ang mga tao sa daan upang tutulan ang bagong mukha ng pagkamkam sa BUndok Apo. Libo-libong mga Bagobo at iba pang lumad ang nagmartsa sa mga lansangan ng Kidapawan, Makilala, Digos, at Davao para labanan ang PNOC. Isang martsa na humantong sa isang D’yandi sa Bundok Apo. Ito’y nagsilbing paalala sa usapang pangkapayapaan na nilagdaan ng tribung Bagoboat mga kapatid na Moro na magkaisa laban sa mga mananakop. Kahit matanda na si Datu Birang, masigasig niya pa ring ipinalalaganap ang tungkol sa kanilang mga ipinaglalaban. Walang humpay ang kanyang pagsulong para sa kapakanan ng tribu, saan man siya magpunta o sino man ang kanyang makaharap-katutubo, magsasaka, manggagawam taga-akademyo, taga-simbahan, at iba pang organisasyon sa loob at maging sa labas ng bansa na kasabay nilang nakikibaka. Introduksyon Alam mo ba ang salitang bakwit? Ang salitang bakwit ay ang katutubong wika para sa "lumikas." Ang Lumad Bakwit Iskul ay karaniwang isang paaralan para sa mga tumakas mula sa dumaraming militarisasyon sa Mindanao — isang paaralan na tumatakbo. Tatalakayin sa araling ito ang tungkol sa kuwentong ‘Sa Bakwit Iskul’. Mga Tiyak na Layunin Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Nasusuri ang mahahalagang pangyayari/o kaisipan sa akdang pampanitikan tungkol sa pangkat minorya; 2. Naibubuod ang mahahalagang pangyayari/o kaisipan sa akdang pampanitikan tungkol sa pangkat minorya; at 3. Napalalalim ang pagpapahalaga sa sariling panitikan sa pamamagitan ng paggawa ng poster at panonood ng dokumentaryo. Akdang Pampanitikan 2 Sa Bakwit Iskul Ni Ferdinand Balino Mula sa Ang Bayabas sa Tagaytay at iba pang Kuwento mula sa Kabataan ng Paaralang Lumad, Sentro ng Wikang Filipino, UP_Diliman Tumingala si Paking sa kalangitan. Kung noon ay mga luntiang puna ang kaniyang tanaw, ngayon ay mga nagtatayuang gusali na. Para siyang nasisilaw kahit makulimlim ang panahon. Tila uulan. Pumikit siya ng ilang saglit. Pagpikit niya’y biglang kumislap sa kanyang isipan ang iba’t ibang larawan ng kanyang nakaraan-ang pakikipaglaro niya sa mga kapwang batang Lumad sa isang liblib na kagubatan sa Mindanao. Ang pagsama niya sa kanyang ama sa pangangaso. Ang pagdaos nila ng kanilang mga katutubong ritwal. Ang pag-aaral niya sa eskuwelahang itinayo ng kanilang komunidad, at iba pang mga kaganapan sa kanilang tribo. Maya-maya’y may tumabi sa kanya. Si Hanya, isa ring batang Lumad na mula sa ibang tribo. Hindi niya sana gusting makipag-usap dahil nakaramdam siya ng kaunting pagkaasiwa. Hindi kasi pinapayagan ng kanilang tradisyon na makipaglapitan sa mga babae kahit pa mga bata. Pero naisip niyang unti-unti na pala nilang nabago ang tradisyong ito. Natutunan nila sa eskuwelahan na karapatan nino man ang makisalamuha sa kahit anong kasarian. “Ang tatayog ng mga gusali, ano?” sabi ni Hanya. “Oo nga, halos matakpan na ang langit,” sagot ni Paking. “Parang uulan yata,” pangamba ni Hanya. “Di natin alam kun ulan ‘yan. Sabi kasi ni Titser Rio, napapagkamalan nating ulap minsan ang smog.” “Anong smog?” taning ni Hanya. “Ano’ng ispeling noon?” “S-M-O-G. Iyan ang turo ni Titser Rio. Natipon daw na usok na ibinubuga ng mga malalaking pabrika at sasakyan,” paliwanag ng batang lalaki. “Ah, hindi totoong ulap kung gayon,” ani Hanya. May bagyong paparating sabi sa radio kahapon. Pero magihihntay na lang tayo kung uulan para malaman natin kung totoong ulap nga ang mga iyan,” dagdag ni Paking. “Kung umulan, lilipat kaya tayo ng lugar o ditto pa rin tayo sa Bakwit Iskul?,” tanong ni Hanya. “Bakit? Takot ka ba sa ulan?” usisa ni Paking. “Bakit naman ako matatakot? Sanay naman tayo sa bundok na may ulan a,” matapang na pakli ni Hanya. “Tama. Mas nakakatakot kaya ang mga nagpapalayas sa atin sa komunidad natin,” wika ni Paking na may halong lungkot at galit sa mukha. Saglit na natahimik sina Paking at Hanya. Kasunod nito’y biglang pumtak ang ulan kaya agad silang sumilong sa may bubungang sulok ng Bakwit Isul. “Totoong mga ulap nga ang nakita natin,” sabi ni Hanya. “Oo nga. Baka iyan na nga iyong bagyo. Takot ka ba sa bagyo?,” tanong ni Paking kay Hanya. “Sabi ko nga ‘di ba, hindi ako takot sa ulan o bagyo man. Binabagyo nga tayo ng kung ano-ano ehpinapatay ang lahi natin, pinapalayas tayo sa ating mga lupang ninuno, pinasasara an gating mga paaralan, tinatakot an gating mahal na titser, at kung ano-ano pa. Lumakas ang hangin at lalo nang kumulimlim ang paligid. “Napakasama at mapangwasak ang mga bagyong ‘yan,” ani ni Hanya na waring nababahala habang tinitngnan ang mga makakapal na ulap. “Pero di dapat tayo matakot,” sabi ni Paking. “Oo nga, di dapat tayo mangamba. Walang bagyong makakapigil sa atin. Baon naman natin ang pakikibaka hanggang dito sa Manila,” buong-tapang na wika ni Hanya. “Ano mang bagyo ang dumating, mag-aaral pa rin tayo dito sa Bakwit Iskul.” Sabay ng pagbuhos ng ulan ang buhos ng kuwentuhan nina Paking at Hanya. “Alam mo, parang narinig ko na dati ang pangalan mo. Nababanggit ng mga matatanda,” mausisang sabi ni Hanya. “A, oo, Paking ang ipinangalan sa akin nina Nanay at Tatay. Hinango raw sa isang mandirigma na nakipaglaban para sa mamamayang Lumad,” pagibibda ni Paking. “Pero, matagal na siyang namayapa” “Bakit?” tanong ni Hanya. “Pinatay siya dahil sa kanyang mga prinsipyo’t pakikibaka. Pero nangyari man ‘yon, ipinagpapatuloy naman natin ang kanyang ipinaglaban, di ba?” dagdag ni Paking. Ngumiti nang may paghanga si Hanya sa kuwento ni Paking. Mayamaya pa’y tumila na ang ulan. Narinig nila sa ‘di kalayuan ang boses ni Titser Rio na nagpapaliwanag sa mga bisita ng Bakwit Iskul tungkol sa buhay at pakikibaka ng mga Lumad. Nakiupo na rin sa mga bisita sina Paking at Hanya at nagbahagi ng mga karanasan nila. KABANATA VII PANITIKAN HINGGIL SA DISPORA/MIGRASYON Introduksyon Binigyang-kahulugan ng National Geographic (sa Zafra, 2016) ang migrasyon bilang paggalaw ng mga tao mula sa isang lugar patungo sa ibang lugar sa mundo nang may layuning manatili nang temporary o kaya’y permanente sa bagong lugar na kinalalagakan depende sa kagustuhan ng tao. Ito ay maaaring sapilitan o kusang-loob. Ang migrasyon ay ipinapalagay na bunsod ng mga masasamang karanasan sa dating lipunang kinabibilangan gaya ng tunggalian at kaguluhan sa sitwasyong panlipunan. Pangkalahatang Layunin 1. Matalakay at masuri ang mga paksa at akdang pampanitikan na sumasalamin sa isyu ng dispora o migrasyon. Introduksyon May kakilala ka bang migrante? Ang isang diaspora/migrasyon ay isang nakakalat na populasyon na ang pinagmulan ay mula sa isang mas maliit na lokasyon sa heograpiya. Maaaring tumutukoy din ang diaspora sa paggalaw ng populasyon mula sa orihinal na baying pinagmulan. Sa aralin na ito, tatalakayin ang tungkol sa dispora/migrasyon at epekto nito sa ating ekonimiya. Mga Tiyak na Layunin 1. Nakasasaliksik ng mga sanhi at bunga ng mga suliraning panlipunan sa pamamagitan ng mga makabuluhang akdang pampanitikang tuon sa diospora/migrasyon. 2. Nakababahagi ng mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapaki-pakinabang na sanggunian tungkol sa diaspora/migrasyon. Pagtalakay Ang migration ay tumutukoy sa paglipat ng mga tao sa ibang lugar upang doon manirahan. Migrante - ang tawag sa mga taong lumilipat ng lugar. Migrant-pansamantala Immigrant -pampermanent DALAWANG URI NG MIGRASYON 1. Panloob na Migrasyon (internal migration) ang migrasyon sa loob lamang ng bansa. 2. Migrasyon Panlabas (international migration) ang tawag kapag lumilipat na ang mga tao sa ibang bansa upang doon na manirahan o mamalagi nang matagal na panahon. Ayon sa estadistika ng UN noong taong 2013, 231.5 milyong tao o tatlong porsiyento ng populasyon ng buong mundo ang nakatira sa labas ng kanilang bansang sinilangan. o Sa mga papaunlad na bansa sa daigdig, isa ang Pilipinas sa may pinakamataas na antas ng paglago ng mga lungsod kung saan 60 porsiyento (60%) ng populasyon ay naninirahan sa mga lungsod. o Ayon sa ulat ng World Bank(WB) noong 2011, ang urban population ng Pilipinas ay umabot na sa 61,925,169.87 noon pa lamang 2010. MGA SANHI NG MIGRASYON o Malaking porsiyento ng mga migranteng nangingibang-bansa ay tinatawag na ECONOMIC MIGRANTS o iyong naghahanap ng mas magandang pagkakataon upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan. o Bahagi rin ng mga migrante sa buong mundo ay mga REFUGEE na lumikas sa kanilang sariling bayan upang umiwas sa labanan, prosekusyon o karahasan, at gutom na sanhi ng mga kalamidad. MIGRASYON NG PILIPINO o Sa tala noong 2012, tinatayang mahigit 10 milyong Pilipino ang naghahanap-buhay sa mahigit 190 bansa sa daigdig. o Kabilang sa mga ito ang 3.5 milyong Pilipinong permanenteng naninirahan bilang immigrante sa ibang bansa, tulad ng United States, Canada, Australia, Japan, United Kingdom, at Germany. o Mayroon ding 3.8 milyong Overseas Filipino Workers (OFWs) o temporary migrants na nagtatrabaho sa mga bansang tulad ng Saudi Arabia, United Arab Emirates, Kuwait, Hongkong, Japan, Italy, at Spain o Ang kadalasang dahilan ng migrasyon ng mga Pilipino ay ang paghahanap ng mas magandang trabaho na may malaking sahod upang matustusan ang mga pangangailangan ng pamilya. EPEKTO NG MIGRASYON PAGBABAGO NG POPULASYON- ang pagkakaroon ng napakataas at napakababang populasyon ay may tuwirang epekto sa migrasyon. KALIGTASAN AT KARAPATANG PANTAO- ayon sa International Organization for Migration, umaabot sa milyon-milyong migarnte ang walang kaukulang papeles taon-taon. PAMILYA AT PAMAYANAN- ang pangingibang bansa ng mga OFW ay may epekto sa kanilang mga naiwang pamilya, lalo na sa kanilang mga anak. PAG-UNLAD NG EKONOMIYA- malaki ang naitutulong ng mga OFW sa pagpaplano ng ekonomiya ng Pilipinas, maraming OFW ang nakapag-ahon sa kanilang pamilya sa kahirapan. Ang kanilang REMITTANCE o ipanapadalng pera sa kanilang pamilya ay nagsisilbing kapital para sa negosyo. BRAIN DRAIN- kung saan matapos makapag-aral sa Pilipinas ang mga eksperto sa iba’t-ibang larangan ay mas pinili nilang mangibang bansa dahil sa mas magandang oportunidad na naghihintay sa kanila. INTEGRATION at MUKTICULTURALISM- sa Italy mayroon silang “batas sa seguridad” (legge sulla sicurezza). Layunin nito na magkaroon ng maayos na integration ng mga dayuhan sa Italy at magandang relasyon. MULTICULTURALISM- isang doktrinang naniniwala na ang iba’t-ibang kultura ay maaaring magsamasama nang payapa at pantay-pantay sa isang lugar o bansa. Batay sa pag-aaral ng United Nations Human Rights, tinatayang 232 milyong tao sa kasalukuyan ang ipinapalagay na naninirahan labas sa kanilang bansang pinagmulan bunga na rin ng iba’t ibang dahilan kabilang na ang paghahanap ng magandang ikabubuhay. Sa kontekstong Pilipino, ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), kabilang sa mga karaniwang dahilan ng migrasyon ng mga Pilipino ay ang (1) tumataas na antas ng pamumuhay sa bansa, (2) kakulangan ng oportunidad na makapagtrabaho sa sariling bayan, at (3) kagustuhan mapagtapos sa pa-aaral ang mga anak. Sinusugan naman ito ng pag-aaral ng Soroptimist International (1994), isang pandaigdig pribadong organisasyon, na nagpahayag na ang pinakapangunahing dahilan ng mga Overseas Contract Workers (OCWs) ay ang edukasyon ng mga anak (80.7%). Nariyan din ang isyu ng mas mataas na sahod (63.3%), ang layuning makabili ng bahay at lupa (50.0%), pangangaiangan ng pambayad ng mga utang (31.3%), layong kumita sa pangkapital sa negosyo (29.3%), layong makabili at makapagpundar ng mga-ari-arian (17.3%), at iba pang-ekonomikal na pangangailangan (22.0%) (Eduksyon sa Pagpapakatao, 2013). Sa Pilipinas, ayon kay Ang See (sa Dumia, 2009), ipinapalagay na ang pangangalakal ng Tsina sa ating bansa na pinamunuan ni Zulu Royalty Padua Bazaar, ang naitala na pinakaunang migrasyon. Sa katunayan, batay sa artikulong pinamagatang Filipino Heroes in Saudi, hindi na talaga bago ang nagaganap na migrasyon ng mga Pilipino sapagkat noon pa mang ika-16 na siglo ay marami nang mga sinaunang Pilipino ang naglalakbay sa ibayong dagat upang makipagpalitan ng mga kalakal sa mga mangangalakal ng Tsina at Moluccas. Noon namang panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas ay marami rin sa mga ninuno ng mga Pilipino ang naglayag sa Karagatang Pasipiko patungong Mexico at iba pang mga lugar sa Pasipiko sa pamamagitan ng galleon ship upang tumakas sa kalupitan ng mga Espanyol. Samantala, patuloy na umalis ang ilang Pilipino sa bansa noong 1990s nang magkaroon ng pagkakataon ng mga Pilipinong magtungo sa Hawaii, sentro ng Amerika, at Alaska upang magtrabaho sa mga tubuhan at taniman ng mga prutas at gulay. Nagpatuloy ang paglisan ng ibang mga Pilipino sa Pilipinas upang hanapin ang kanilang kapalaran sa ibayong dagat. 1970s naman nang magsimulang dumami ang mga manggagawang Pilipino sa Saudi Arabia na kalimitan ay inhenyero at mga manggagawa sa konstruksyon nang pangunahan ito ng gobyeno ng Pilipinas noon na pinamumunuan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos upang masolusyonan ang lumalalang problema ng kawalang-trabaho ng marming Pilipino sa bansa, lumulubong utang panlabas ng bansa at bumababang halaga ng piso kontra dolyar. Sa kasaysayan, ang pagdagsang ito ng migranteng Pilipino sa Saudi Arabia at mga kalapit-bansa nito ay binansagang third wave of Filipino migration (Dumia, 2009). Samantala, ang migrasyon sa makabagong panahon ay nagkaroon ng bagong mukha. Sa katunayan, kung dati-rati ay ang mga magulang na lalaki ang karaniwang dumadadyo sa ibang bansa upang makapaghanapbuhay para sa kani-kanilang mga pamilya, ngayon ay marami na ring babaeng ina ang napapalayo sa piling ng mga anak at asawa. Ang mga hindi mabilang na ganitong sitwasyon ang nagiging daan sa unti-unting pag-usbong ng bagong pananaw sa migrasyon sa ating bansa. Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2016, umabot na sa 2.2 milyon ang bilang ng mga Overseas Filipino Workers (OFW). 53.6% nito ay mula sa hanay ng mga kababaihan at 46.4% ay mula naman sa kalalakihan. Kalimitan, SILA ay nagtatrabaho sa rehiyong Kanlurang Asya particular na sa mga bansang Saudi Arabia, United Arab Emirates, Qatar, Lebanon, Bahrain, Kuwait at Jordan. Sa Arabia upang magtrabaho bilang kasambahay, tagapaglinis sa mga opisina o hotel, sales/service workers, o technician kahit pa karamihan sa kanila ay nakapagtapos ng pag-aaral sa Pilipinas at matatawag na propesyonal. Patunay ang pag-aaral ng PSA na nagsasabing pumalo sa 57.1% ng mga OFW ay matatagpuan sa nasabing rehiyon sa Asya. Samantala, bukod sa hindi tugma ang trabaho sa tinapos na kurso, malaking problema ng mga OFW ang nakaranas ng mababa o hindi makatarungang pasweldo mula sa kaniang mga kompanya sa ibayong dagat o mga manpower agency sa Pilipinas, idagdag pa ang sikolohikal, pisikal at emosyonal na pangaabusong natatamo ng marami sa kanila mula sa kani-kanilang mga pinagsisilbihang kompanya o pamilya. Sa katunayan, iba’t ibang kaso ng pang-aabuso ang naitatala kada taon na kinasasangkutan ng mga OFW particular na ang mga kababaihan. Kabilang sa mga ito ang panggagahasa, pananakit, pananakot, pagkukulong, pagkabilanggo nang walang sala at maging pagkamatay. Ayon nga kay Senador Joel Villanueva (2018), sa loob lamang ng dalawang taon (2016 at 2017) ay pumalo na sa 185 ang mga OFW na inuwing patay sa Pilipinas: 82 noong 2016 at 103 naman noong 2017. Isa sa mga kalunos-lunos na pangyayaring ito ay naranasan ni Joanna Demafelis. Natagpuan ang kanyang katawan sa freezer sa isang inabandonang apartment sa Kuwait (Roxas 2018). Samantala, sa kasaysayan ng Pilipinas, ilan sa mga tumatak na kaso ng pagmamalupit o pagpatay sa mga Pilipinong manggagawa sa ibayong dagat ay ang mga kaso nina Flor Contemplacion na pinagbintangang pumatay sa kapwa Pilipina at apat na taong gulang na batang Singaporean noong 1955, kaso ni Sara Balabagan ng United Arab Emirates upang ipagtanggol ang sarili laban sa tangkang panggagahasa, ang kaso ni Maricris Sioson noong 1991 na nagtrabaho sa Japan bilang mananayaw subalit inuwing patay sa Pilipinas. Batay sa imbistigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI), traumatic head injuries ang ikinamatay ni Sioson at ang ilang mga saksak sa katawan. Bukod sa mga nabanggit na tanyag na kaso ng pang-aabuso ay naitala rin ng ilang manunulat at mananaliksik na Pilipino ang mga kaso bawat Pilipinong manggagawang nararanasan din ng mga negatibong pang-aabuso. Sa pag-aaral na isinagawa ni Fr. Eugene A. Docoy, Jr. na pinamagatang Breaking the Bread: Sharing Lives with Miggrant Workers in Korea (2000), komprehensibo niyang tinatakay ang problemang naranasan ng mga migranteng mangagagawa sa pabrika sa Timog Korea kabilang na ang problemang pinansyal, sikolohikal, espiritwal at kultural. Ilan sa mga problemang tinalakay ay ang hindi makatarungang pasahod at makatarungang trato ng kanilang mga employer sa nasabing bansa at ang mataas na placement fee ng mga ahensia sa lakas-paggawa sa Pilipinas. Samantala, malikhain at komprehensibo namang tinalakay sa artikulong Italia! Italia! (OCWs sa Italia) ni Fanny Garcia ang pamumuhay ng mga bansa. Doon inilahad niya ang paghihirap ng mga OFW sa kamay ng kanilang mga employer. Nariyan na ang pang-aabuso ng amo, hindi makatarungang paaggawa at pasahod at kalungkutan na naiibsan lamang tuwing araw ng Huwebes kung kalian ang mga Pilipinong ito ay nagsasama-sama upang magkwentuhan ng mga nangyayari sa kanilakanilang buhay. Nariyan din ang mga kwento ng OFW na mapagpanggap. Ayaw nilang aminin na sila ay mga katulong doon dahil sila nga naman ay propesyonal sa Pilipinas. May mga kwento rin ng lihim na relasyon sa taong may asawa na at kwento ng pagpapakamatay ng ilang kasama (Zafra, 2016). Mas masaklap naman ang karanasan ng mga OFW sa Saudi Arabia. Sa katunayan, sa semi-annual report ng Department of Foreign Affairs sa pagitan ng Hulyo hanggang Disyembre 2008, nakapagtala ang Embahada ng Pilipinas sa Riyadh at ang Pangkalahatang Konsulada ng Pilipinas sa Jeddah ng 1,764 na kaso ng nakakulong na mga Pilipino sa naturang bansa. Batay sa ulat, kalimitan sa mga kaso ay homicide, imoralidad, homosekswalidad, illegal na pagsasama ng mga grupo, overstaying, pagtatagpo ng mga criminal, illegal na droga, panununog, smuggling at pagtitinda ng mga pornograpikong materyales. Sa kabilang banda, ilan naman sa mga kalunos-lunos na naranasan ng mga OFW partikula nang mga kasambahay, janitor, mananahi at at mekaniko ay pang-aabusong berbal, kawalan ng araw ng pahinga, panggagahasa, pisikal na pang-aabuso mula sa employer, hindi pagpayag ng paggamit ng telepono, kakulangan ng sapat na pagkain, sobrang oras at araw ng pagtatrabaho at hindi makatarungang sahod (Dumia, 2009). Introduksyon Overseas Filipino Workers (OFWs) mga tinaguriang “MGA BAGONG BAYANI” ng mga Pilipinong mas pinili ang makipagsapalaran sa ibang bansa upang ihango sa kahirapan ang kani-kanilang mga pamilya pati na ang ekonomiya ng sariling bansa. Mga Pilipinong patuloy na umaasa na makaahon ang Pilipinas sa kahirapan na siyang nagiging isang malaking dahilan kung bakit hindi pa rin natin natatamo ang pinapangarap at inaasam-asam na kaunlaran. Sa aralin na ito, tunghayan ang buhay ng pamilyang may migrante sa isang magulang. Mga Tiyak na Layunin 1. Naipaliliwanag ang iba’t ibang konsepto ng suliranin sa pamamagitan ng mga makabuluhang akdang pampanitikang tuon sa diospora/migrasyon; 2. Napahahalagahan ang dinamikong ugnayan ng panlipunang realidad at ng panitikan; at 3. Nakaaambag sa pagtataguyod ng isang panukalang proyekto para sa isang NGO. Akdang Pampanitikan Sarah ni Fanny A. Garcia Mula sa Pamilya, Migrasyon, Disintegrasyon (2012) 21 taong gulang Panganay sa apat na anak Ang una sa dalawang babaeng anak NOONG UNA, malungkot ako kasi first time na mawawala si Mama. Tapos nang nandoon na nga ako sa airport, nang hinatid naming siya, naiyak ako. Tapos nang nandoon na siya sa abroad, siyempre noong una, parang ang hirap. Kasi siyempre hindi kami sanay, tapos noong tumagal-tagal nasanay na rin. Gusto talaga ni Mama na mag-abroad. Kasi nga ang trabaho ni Daddy, parang minsan wala, minsan mayroon. Gusto niya akong mapag-aral, pero parang iyon na lang ang paraan. Nalungkot ako noon, naiyak ako pero sa sarili ko lang kasi parang nahihiya ako kapag kaharap sila. Sa bahay, nang nag-aayos ng mga gamit niya si Mama, nang tinitimbang ang kanyang baggage at baka raw magover baagage siya, hindi ko siya masyadong natulungan kasi may work ako noon. Tindera ako noon sa JMacky’s, sa counter ako, tagabenta ng mga ulam, P100 isang araw ang kita ko. Walong oras ang trabaho, 8 a.m, hanggang 4 p.m. Minsan dere-deretso pag walang kapalitan 8 hours uli para madoble ang sahod ko. Malungkot ako noon kasi simula noong bata ako, hindi naman ako nahiwalay kay Mama. Sinabi ko sa boyfriend ko na aalis na si Mama, nalulungkot ako. Sabin g boyfriend ko, mabilis naman ang panahon, nandiyan naman daw si Daddy. Sa bahay, parang dinadaan ko lang sa joke. Sabi k okay Mama, bili mo ako ng ganito, dinadaan ko lang sa ganoon. Kunwari, “Mama, ibili mo ako ng cellphone,” parang dinadaan ko na lang sa ganoon para hindi siya malungkot. Sabi nya, sige, ag nagkapera ako. Hindi ko siya nakitang umiyak. Kami sa pamilya ang naghatid sa kanya sa airport, kasama rin ang boyfriend ko. Sa airport na naghintay ang boyfriend ko. Nag-commute lang kaming pamilya. Sumakay kami ng bus papuntang Baclaran, traffic, bumaba na lang kami sa Cubao, nag-MRT kami. Tiningnan ang loob ng kanyang maleta. Mabuti nalang, hindi masyadong masikip sa MRT noong araw na iyon. Mula MRT hanggang Baclaran, nagtaxi kami, isang taxi lang kami. Muntik nang mahuli si Mama. Hindi naman ako umiyak nang umalis siya. Nang pauwi na kami, nakasakay, umiyak ako. Paglabas ng airport, may mga bus na, tuloy-tulo na iyon hanggang sa babaan papunta sa amin, banda roon pa ang bus terminal. Sa bus, katabi ko ang boyfriend ko, sa likod namin, si Daddy ko, katabi si Tricia. Tapos sa likod nila, ang dalawang kapatid ko na lalaki, si Jay at si Luis. Medyo nag-uusap sila, medyo maingay kasi maingay ang mga iyon. Si Mama ang pinag-uusapan nila. Sabi, naku, wala na si Mama, wala nang magluluto ng masasarap, minsan menudo, kasi si Mama lang ang may alam noon. Nasa airport kami nang 12 p.m., nakauwi kami siguro 2 p.m. Pag-uwi, hindi na ako pumasok sa trabaho, nagsabi ako sa trbaho na talagang hindi ako papasok noong araw na iyon. Nasa bahay lang si Daddy, ang mga lalaking kapatid ko, usually, lagging wala, natulog lang sila noon. Si Tricia, lumabas din, nagpunta kina Ate Zeny. Natulog din ako. Noon, hindi pa ako marunong magluto, si Mama ang tagaluto. Ngayon, minsan nagbo-volunteer ako, sasabihin ko, “Daddy, paano ba ito lutuin?” Tuturuan naman niya ako, idi-dictate niya, tapos lulutuin ko. Si Tricia, siya na ang naglalaba. Hindi ko siya inuutusan. Sira pa ang washing machine naming noon, kaya handwash lang. Alternate kami ni Tricia sa paglilinis ng bahay. Walang papel ang mga lalaki, talagang wala. Noong wala pa kaming linya ng tubig, minsan, nag-iigib sila. Hindi naman mabigat na trabaho iyon, may hose, ipapasok sa loob ng bahay. Pag kumain sila, hindi sila naghuhugas ng pinggan. Si Tricia ang naghuhugas ng pinggan sa umaga, ako sa gabi. Kahit noong narito pa si Mama, ganoon na sila. Okey naman sa akin na natuto ako magluto. Minsan lang na sa paglilinis ng bahay, parang nagrereklamo na ako, maglilinis ako, pag dumating iyong dalawang lalaki, kalat na naman, ganoon. Minsan nagsisigawan na kami kasi makukulit. Pag inutusan ko sila, minsan ayaw making, minsan sumusunod naman. Sasabihin ko, iligpit mo nga ang mga unan, ilagay mo sa itaas, sumusunod naman. Naggradweyt ako sa hayskul noong 2004. Kumuha ako ng exam sa aming city university dito, Journalism ang kukunin ko, four years. Tapos pinili ko munang magtrabaho, sabi ko, mag-iipon muna ako. Tutulungan ko lang muna sina Mama. Pero sabi ni Mama, sa STI ako, gusto niya, vocational lang, two years. Hindi rin ako nakaipon. Araw-araw ang suweldo, maliit lang P100. Parang ako na lang ang sumusuporta sa sarili ko. Lahat ng pangangailangan ko, ako ang bumibili, hindi ako humihingi sa kanila. Parang sa sarili ko rin napunta ang kinikita ko, Bumibili ako ng damit ko. Sa panahong narito pa si Mama, binibigyan ko siya ng P200 mula sa suweldo ko. October umalis si Mama. December nagpadala na siya, parang almost P20,000 yata, door-to-door sa mismong idedeliber, two or three days matapos magpadala. Cash ang makukuha, may minus na P1,000 plus, kay Daddy nakapangalan. Pag wala si Daddy, ako ang nagre-receive, pero noong time na iyon, Daddy ko ang nag-receive. Darating iyon sa umaga, hinihintay naming talaga. Pag nagpadala si Mama, kunwari, ang P1,000 kay ganito, sasabihin niya sa text. Noong panahon na iyon, hindi pa umaalis si Mama, puto na ang koryente naming, five months na yata kaming hindi nakabayad. Nakisaksak kami ng koryente kina Tita Asi yata, pero sa gabi lang kami binibigyan ng koryente. Hindi puwede ang TV. Pero minsan, suisimple ang mga kapatid kong lalaki. Kaya sa unang padala ni Mama, may para sa utang sa koryente. Tig-P1,500 kayo ng Daddy ninyo. Binigyan ng pang-cellphone si Daddy, kasama na sa P20,000. Parang P2,500 lang ang cellphone ni Daddy. May binigyan ng pamasko si Mama, tig-P500 si Nanay Lolet at si Tita Celia. Sa una, hindi kami sanay na wala si Mama. Pero pag umabot nan g ilang buwan, parang nasasanay ka na. Normal na, ganoon. Nalulungkot din ako, minsan ini-ignore ko na lang. Pero pag bertday ko, naiisip ko siya, na sana narito siya. Noong mga nakaraang bertday ko, pinagluluto niya ako ng handa. Spaghetti ganyan, menudo, nagluluto siya ng ganoon. Ganoon siya sa lahat, basta may pera, depende. Kung wala kaming pera, wala. Paborito naming ang spaghetti, Mama ko lang ang nagluluto ng spaghetti. Menudo, iyon lang ang gusto niyang lutuuin kapag may okasyon. Naiisip ko rin si Mama pag nag-aaway ang mga kapatid ko. Pag naglalasing si Daddy, minsan nagwawala siya, nagbabalibag ng gamit–mesa, mga upuan. Nakabasag na siya ng mga salamin. Nilinis naming ang mga kalat. Sa isang buwan, minsan dalawang beses, ganyan. Kaya raw siya umiinom, nalulungkot siya. Parang may nagsusulsol sa kanya–na ang mga nag-a-abroad may mga boyfriend. Pag lasing siya, sasabihin niya, “Ang Mama ninyo, baka may lalaki na doon,” ganyan-ganyan. Minsan, sinasaway ko lang, e, ayaw pa rin niyang tumigil. Sasabihin ko, “Daddy naman, huwag ka namang ganyan. Hindi naman tulad ng iba si Mama.” Minsan kumakalma siya, minsan hindi. Pag dumating siyang lasing, siguro, mga two hours siyang magwawala sa loob ng bahay. Kung minsan, lalabas, hahanapin si Tricia, kukulitin ang atraso sa kanya ni Tricia, kunwari, nasagot siya. Halimbawa, sinabi niya, umuwi ka na, hindi umuwi. O kung daldalan kami nang daldalan sa loob ng bahay, ganoon. Naiinis ako pag naggaganyan si Daddy. Minsan, naiiyak ako sa inis–sa harap niya. Dumating sa point na nakikipagsagutan na ako sa kanya. Halimbawa, sinasabi niya, “Ang Mama mo, may kalaguyo,” minsan hindi ko siya papansinin. Sasabihin niya, “Hinsi mo ba ako papansinin?” Sasabihin ko, “Dady, tumahimik ka na nga,” ganyan. Pag ayaw pa ring tumahimik, sisigawan ko siya, “Tumahimik ka na sabi!” Noong wala pa sa abroad si Mama, hindi k nakitang ganyan kung maglsaing at magwala si Daddy. Kasi pag nakainom at nangungulit siya, inaawat na siya agad ng Mama ko kaya hindi dumarating sa ganoong point. Wala akong natatandaan na nanira siya ng mga gamit. Pag nagwawala siya, nagagalit ako, kaya lang tatay ko siya. Naroon pa rin ang respect ko sa kanya pero kung talagang sobra na siya, umaabot na sinisigawan ko na siya. Hindi ko naman sinisisi si Mama, si Daddy ang may kasalanan. Sabi ko sa kanya, “Daddy, huwag ka nang uminom, tingnan mo iyong itsura mo.” Minsan sasabihin niya, hindi na ako iinom, pero bukas lasing na naman. Tumanda ang itsura ni Daddy, nangayat. Kasi dati, nang narito si Mama, pag madumi siya, pinapagalitan siya,” Ano ba iyang itsura mo, para kang basahan,” ganyan. Pero nang wala na si Mama, si Daddy, lagi pang lasing. Mabaho pag lasing. Noong dati, every three weeks nagpapagupit siya. Pero nang wala na si Mama, parang kung kalian lang niya maisipan, pag nakikita lang niyang mahaba na ang buhok niya. Noong narito pa si Mama, pag kumain kami, sabay-sabay, hiwa-hiwalay nga lang ng puwesto. Nang wala na si Mama, may nauuna, may nahuhuli. Noong narito pa si Mama, parang hindi mo masasabi na “I miss you,” iyang mga ganyan. Nang nasa abroad na siya, parang mararamdaman no kung gaano siya kainportante, “Mama, miss ka na naming,” ganyan. Sabi niya, “Miss ko na rin kayo, I love you, ingat kayo diyan/” Sa text o sa call. Hindi pa naman nangyaring naiyak ako pag ganito, pero sabi ni Daddy, noong bagong dating pa lang si Mama doon, narinig daw niya na umiiyak si Mama. Nang uuwi na si Mama, sa akin siya nagte-text saka tuatawag, sabi niya, ilang araw na lang, darating na ako. Masaya ako, kasi siyempre parang ang tagal-tagal na. Ano kaya ang itsura ni Mama, ganyan. Ako ang unang sinabihan niya na uuwi na siya sa isang lingo, wala si Daddy noon, sinabi ko sa mga kapatid ko, kay Daddy pagdating niya. Nang sabihin niya na uuwi na siya, akala ko, hindi na babalik doon. Sinasabi niya na babalik ako dito, pero sinasabi ko sa kanya, dito ka nalang. Sinasabi ko ang tungkol sa Daddy ko, kasi iyon nga ang pinoproblema ko. Sabi ko, si Daddy, mukha nang matanda. Nang nakauwi na siya, saka niya sinabi na mayroon siyang bagong kontrata. Happy n asana ako na nandito siya para nababantayan niya kung ano ang nagyayari sa amin. Akala naming, exit na siya doon, iyon pala, nag-renew pa siya. Si Daddy, sabi, “Uuwi na ang Mama mo,” sabi nniya, “ayoko nang bumalik pa siya doon,” ganyan. Sabin g mga kapatid ko, “Salamat, uuwi na si Mama. Hindi na magwawala si Daddy.” Sa pagsundo kay Mama, nag-rent kami ng sasakyan, Adventure, P1,200. Dapat, doon sa asawa ni Joan, e, coding kaya ipinasa na lang niya sa kakilala niya. Buong pamilya kami sa van, saka si Mimi, one-year old relative namin, isinama naming sa pagsundo. May dalang gatas si Mimi, may Zesto, may Fudgee bar. Pag may service, one hour lang mula bahay hanggang airport. Pumunta kami sa parking, ang pumunta sa Mama ay ang dalawang kapatid ko na lalaki at si Daddy ko. Nang umalis si Mama, isang maleta ang dala niya. Ngayong bumalik siya, isang maleta at isang traveling bag, saka ang handbag niya, Naka-blouse at pantalon. Nang naghihintay pa kami sa sasakyan, iniisip k kung ano na ang itsura niya. Nalaman ko, hindi niya nakilala si Jay. Noong una, hindi naming siya nakita na papalapit na siya, umiiyak kasi si Mimi, may nakikitang Jollibee. Sabi niya, “Atata,” dalhin daw naming siya sa Jollibee. Tapos sabi ni Tricia, “Ate, nandyan na sina Mama.” Dala-dala nila ang maleta, tapos nakita ko, sabi ko, “Aba, parang bumata yata ang itsura,” kai iba ang itsura niya dati. Hindi kami nagyakapan, parang kuwentuhan lang agad. Nang umalis siya, hindi rin kami nagyakapan. Ngayon, parang nahihiya kami, ang tagal mong hindi nakita, parang ganoon, nakakahiya. Pag may okasyon, halimbawa bertdey, kung ano-ano, hindi kami nagyayakapan o humahalik. Ewan ko ba, hindi ako showy pag ganoon. Sabin i Mama, hinalikan daw siya ni Daddy pagkakita sa kanya, ganoon naman si Daddy noon pa. Minsan makitang humahalik si Mama kay Daddy. Si Daddy, humahalik pag aalis siya, parang nakagawian na niya iyon. Noong maliliit pa kami, hinahalikan kami ni Daddy. Nang malalaki na kami, hindi na. Noon, hinahalikan niya kami sa pisngi pag aalis na siya. Sabi k okay Mama pagkakita ko sa kanya, “Ang puti mo.” Sabi naman niya, “Mga nagsiitiman kayo, hindi ko kayo nakilala. Bakit ganyan ang mga itsrua niyo?” Si Daddy, namamaga noon ang ngipin niya. Parang sumakit ang ngipin niya, tapos namaga. Ang Mama ko ang nagbayad ng P1,200. Pagdating sa lugar naming, ang daming tao sa labas. Sabi ng mga kakilala namin, “Oy, ano, dumating ka na,” ganyan. Bago kami umuwi, dumaan muna kami sa Cubao, kumain kami sa Jollibee dahil kay Mimi. Saka may kameet si Mama, anak ng kaibigan niya na may pinadala. Noong wala pa si Mama, umiiyak si Mimi, pero nang dumating na, parang nahiya, tumigil siya, tapos nakatulog siya. Nang magising siya, binigyan ni Mama ng shades si Mimi, uwi ni Mama. Pambata ang shades, sinabi naming na isasama naming sa pagsaundo si Mimi. Kasama naming kumain ang driver ng van. Wala kaming ulam noong gabing iyon. Bumili kami ng tapsilog noong gabi na at sinabi ni Mama na nagugutom na siya. Hindi kami natulog noon, kasi si Mamahidi nakatulog. Bakasyon sa klase. Nagkuwentuhan muna kami hanggang ala-una, natulog na kami. Mayamaya si Mama, naggigising sa amin, “Manood muna tayo ng pelikula.” Nagkukuwentuhan, ang ingay, hindi ka rin makatulog. Nanonood kami ng horror, English. Hindi naming maintindihan ang pelikula, kasi nagkukuwentuhan. Sabin i Mama, angm ga mall, ganya. Sabi nina Jay, bakit wala kaming pasalubong? Sabin i Mama, kasi hindi siya puwedeng pumasok doon sa bilihan ng mga panlalaki, hindi raw puwede ang mga babae doon. Sa mga babae, ang bigay niya ay pabango, bra, panty. Pero ang bigay niya sa mga lalaki. Si Luis, may cellphone. Ako, si Tricia, at si Jay, binigyan niya ng era. Sa mga cellphone naming, ang kay Luis ang pinakamahal, regal okay Mama ng amo nya noong Ramadan. Marami siyang features, parang nakakonek sa internet, ganyan. Bertdey ni Luis nitong April, iyon ang pinakagift. May dual camera ang cellphone, puwede sa harap at likod, may memory card na na-iistoran ng maraming kanta, maraming pictures. Noong sinundo naming si Mama, noon naming nalaman na bakasyon lang siya talaga. Kasi tianong ni Daddy, “Babalik ka pa ba doon?” sabi niya, oo, kasi back and forth ang tiket nya, pinapabalik siya ng amo nya. Sa isip ko, naku, mamaya si Daddy, ganoo–may fear factor pa rin. Siguro ganoon din si Tricia, e, siya ang lagging nakararanas ng pagwawala dati. Sa mga lalaki, parang okey lang. Kinabukasan ng umaga pagkasundo naming sa kanya, namili kami sa palengke. Bumili kami ng bigas, ng ulam naming noong araw na iyon, sinigang na baboy. Noong bago pa umalis si Mama, nagsisinigang kami pag may pera si Mama. Hndi ako marunong magluto dati. Minsan lang kung makakain kami ng sinigang na baboy. Noong dati, minsan, ako ang nagluluto, kaya lang, lagging may reklamo–matabang. Walang gusting magluto ng sinigang. Minsan, bumibili na lang sila ng luto. Hindo na kami nagluluto ng sinigang. Ganoon pa rin ang sinigang na baboy ni Mama kahit matagal na siyang hindi nakapagluto ng sinigang. Sabay-sabay kaming kumain, doon kami sa lapag lahat, isinapin naming ang tablecloth ng mesa. Wala si Daddy, may trabaho siya. Ang daming ginawa ni Mama noong araw na iyon, hindi siya natulog. Kasama sa mga binili niyang mga plastik na gamit sa pagkain ang wall clock. Nilinis ang mga bagong linoleum ang sahig. Kasmang naglinis sina Luis at Jay, saka si Daddy pagdating niya galling sa trabaho. Kasama rin sa paglinis si Nanay Lolet. Kinabukasan naman nilinis ang itaas ng bahay. Maayos sa simula ang samahan pero nag-away sina Luis at Tricia, mataray kasi ang bunso naming, palasagot. Nainis I Luis, nagkabatuhan ng lalagyan ng asukal, kasama iyon sa bagong biling gamit. Hindi naman nasira. Tinukso ni Tricia si Luis, “Para kang patay-gutom,” ganoon. Naasar si Luis, nambato. Pareho silang pinagalitan ni Mama. Nandoon din si Daddy. Ngayong narito si Mama, siya ang tagadisiplina. Nakikinig naman, kaya lang minsan, sinusumbatan ni Luis si Mama, “Noong wala ka, puwede sa amin ang ganito, wala kang pakialam,” parang rebelled siya. Narinig naming siya ni Tricia. Tahimik lang ako, nakikinig lang ako, pero sa isip ko, masyado namn itong maka sagot. Tumahimik lang si Tricia. Wala noon si Daddy. Parang pabiro ang sagot ni Mama, “SInisisi mo pa ako nang ganyan pagkatapos ng mga ibinigay ko sa iyo?” Umalis si Luis. Kahit panganay ako, hindi ako pinapakinggan. Nas pakikinggan pa si Ate Zeny. Kunwari narinig niya na may nag-aaway, tinitingnan niya kung ao ang nangyayari. Pag sa akin, hindi sila nakikinig. Nagkakainisan kahit sa dating itsura, kunwari, si Tricia raw, dati, kalbo. Pagtatawanan siya, e, iyang si Luis, e, mapang-asar, magagalit naman iyong isa, mag-aaway na sila. Nang wala na si Mama, pag ganyan, nagmumurahan na, dumating na sa point na may nagbabatuhan, nagkakasakitan na, Dati, bawal sa amin ang magmura. Maliliit na bagay ang ibinabato–sapatos, ganoon. Deretso sa tao. Hindi naman nangyayari lingo-linggo. Si Tricia ang naghahawak ng baon nila ni Jay. Hihingi si Jay ng pangkota ng basketbol, itong si Tricia, ayaw–hanggang sa mag-away na sila. Talagang kawawa si Jay, hindi talaga ibibigay ni Tricia. Napanindigan ni Tricia sa loob ng dalawang taon at anim na buwan na kontrata ni Mama. SiJay kasi, one-day millionare. Si Tricia rin ang pinapahawak ng pera ni Daddy. Dati, inaway na rin ng Daddy si Tricia nang dahil sa pahawak niyang pera, nang humingi si Daddy. Kaya si Tricia, mayroon siyang list of expenses. Hindi mapilit ni Daddy si Tricia kung ayaw siyang bigyan talaga. Minsan, binibigyan ni Tricia. Sa akin naman, kung talagang kailangan, ibigay na. Halimbawa, may babayarang journal si Jay, hihingi siya ng pera kay Tricia, akala ni Tricia, e, hindi totoo. Sasabihin ko, “Ibigay mo na kasi, ano! Itinanong k na kay Jessa.” Kaklase ni Jay si Jessa, totoo na may babayarang mga journal. Saka lang ibinigay ni Tricia. Pag si Tricia ang kaaway at pag nangalmt siya, nakakasakit siya, mahaba ang mga kuko niya. Sa sobrang galit, sobra ang paghawak niya. Nakita ko si Jay na may kalmot sa dibdib. Sinapak yata siya ni Jay. One-on-one lang ang mga away. Pag nag-aaway sina Luis at Jay, inaawat ni Kuya Max. Tapos pupunta dito si Nanay Lolet, pinapagalitan ang dalawa. Hindi ko sila kayang awatin, ang lalaki nila. Pag si Daddy, magiinit din ang ulo niya, pagagalitan lahat kami. Minsan, okey si Daddy. Minsan lalo na pag lasing siya, pati na rin siya. Sasabihin niya, “Matatapang kayo!” Magbabalibag na siya, tumitigil ang mga nag-aaway, umaalis na lang. Ang madalas na magkaaway, ako at si Tricia, sina Luis at Jay. Kunwari, may sasabihin si Trica, sasabihin ko, hindi ganyan, ayaw niya akong sundin. Dati, nagsampalan kami, ako ang nauna. Noong malaki na siya, lumalaban na siya. Pinalo ako ng walis, ganoon lang. Pag nagalit ako at nariyan si Daddy, madali akong tumigil. Pag si Tricia ang nagalit, wala siyang pakialam, gusto ka niyang sugurin. Nang umalis si Mama, nasa Grade VI si Tricia. Nasa First year high school si Jay. Hindi pa ako makapagcollege noon. Kagagradweyt lang ni Luis ng hayskul. Noong narito pa si Mama, nagsuntukan na sina Luis at Jay pag nagaaway. Pero kami ni Tricia, hindi masyado. Noong mga bata pa kami, pag nagsusuntukan sina Luis at Jay, pinapalo sila ni Mama–walis o sinturon. Lahat kami, nasinturan na. Hindi nagmumura si Mama unless galit nag alit. Si Daddy, parang medyo ganoon din. Lahat kami, napalo na rin ni Daddy ng sinturon, kunwari, matitigas ang ulo, nag-aaway. Sa puwit lang, pag sinangga mo, bahala ka. Ganoon din si Mama–walis, sinturon. Mas takot ako kay Mama. Kasi si Daddy, parang okey lang. Pag nag-utos si Mama, kahit anong utos niya, susundin ko. Hindi puwedeng hindi siya pansinin. Sina Luis at Jay, mas takot din kay Mama. Mas nasanay kami na hindi masyadong namamalo si Daddy. Si Tricia, kay Mama rin siya mas takot. Sa akin, ganito ang nasa isip ko tungkol sa: Pamilya. Sama-sama, nagtutulungan, nagkaksundo. Tatay. Siya ang hanapbuhay, nagdadala ng pamilya. Nanay, Siya ang nag-aalaga. Ate. Siya ang dapat na sinusunod ng mga Kapatid. Kuya. Tulad ng sa ate. Bunso. Siya ang pinakamasunurin. Kung i-aaplay sa aming pamilya: Tatay. Naghahanapbuhay si Daddy para sa amin. Okey naman siya maliban na lang pag lasing. Maalaga rin siya–ang katangian niyang pinakagusto ko. Kung may hihilingin ako na baguhin niya sa sarili niya, madali siyang maniwala sa mga sulsol ng mga tao. Tapo pag naniwala siya, magagalis siya sa amin. Kung may pera ako at gusto ko siyang bigyan ng regalo–watch, cellphone, gusto niya ang mga ganyan. Para maging masaya siya. Dumating na ako sa puntong ayaw ko na siyang maging tatay–nang sobra-sobra na ang pagwawala niya. Na iresponsable siya. Bakit iyong ibang tatay, ganito, ganyan? Sa mga pelikula, ang mga tatay, responsible, malawak ang pang-unawa. Hindi naman kailangang maging mayaman, hindi naman kailangang mataas ang pinag-aaralan–basta malawak ang pang-unawa. Nanay. Tugma kay Mama. Parang wala, wala akong gusting baguhin sa kanya. Kung mayroon akong puwedeng ibigay sa kanya, bahay. Mas close ako sa Mama ko kaysa kay Daddy. Kasi parang mas nakakaintindi si Mama. Kung may problema ako, halimbawa sa iskul, sa kanya ako tatakbo. Pag tungkol sa iba, hindi na. Inayawan niya ako dati kong boyfriend, taga-amin. Sabi ni Mama, ayoko diyan, babaero iyan, nakikita sa ganyan-ganyan. Totoo naman. Okey sa kanya ang boyfriend ko ngayon. Pero tapusin ko raw muna ang pag-aaral ko. Sabi ko sakanya, magwo-work muna ako para sa kanila, tapos saka ako mag-aasawa. Kapatid. Noong nag-away kami ni Luis, naisip ko dati, bakit ko ba nagging kapatid ito? Mahilig lumaban si Luis, kunwari may sasabihin ka sakanya, pipilosopohin ka niya hanggang sa magalit ka. Sinigawan ko siya. Noong bata pa kami, parang ganoon din sa mga insan, naiisip ko, bakit ko ba nagging kapatid ito? Si Jay ang paborito kong kapatid. Mabait siya, parang siya ang madaling makaintindi. Kunwari, kaming tatlong magkakapatid ay mayroon at siya ay wala, okey ang sa kanya. Isang buwan na lang at babalik na si Mama sa abroad. Sa akin, normal lang na hindi na katulad dati, parang nasanay na rin ako. Pero si Daddy, baka bumalik uli sa bisyo niya, baka maging worse. Itong pag-alis uli na Mama, sana last na ito, parang ayoko na. Kahit sabihin ko, ako na lang ang magtrabaho. Sasabihin ko, tumigil na siya sa pag-abroad, kahit suportahan ko na lang siya. Mga P20,000 ang suweldo ni Mama, less pa pag mababa ang dollars. Nitong wala na si Mama, nag-try ng marijuana si Luis, kasama ng barkada niya, sa ibang bahay. Napansin ko, parang tulala. Hindi ko naman siya kinakausap, parang iba ang aura niya. Sa kanya rin naming nalaman na nag-marijuana siya. Galapatero si Daddy. Daddy, sa bahay lang si Mama. Nagtinda-tinda siya ng almusal sa lugar naming– pansit, tsamporado, sinangag, ganyan. Fourth year high school ako noon. Kaya lang madaming utang. Ang Mama ko pa naman, pag matagal na, hindi na niya sisingilin. Tapos, pumasok siya sa pabrika, nagtatahi yata siya ng tablecloth, parang ganoon. Dalawa na sila ni Daddy na nagtatrabaho, okey naman kasi hindi na kami naso-short sa panggastos. Kaya lang ang Daddy ko, nagseselos. Mana siya sa lola ko sa kanya. Inaaway ni Daddy si Mama, naririnig ko Sasabihin ni Daddy ko, “O, bakit anong oras na, wala ka pa,” ganito, ganito. Sasabihin ng Mama ko, “E nag-overtime pa ako.” “Overtime? E, dapat, isang oras nandito ka na.” Ang Daddy ko ganyan. Hindi ko narinig na inaway o pinagselosan siya ni Mama. Hindi siya nagtatagal sa trabaho dahil kay Daddy. Tapos, may nagsabi sa kanya na mag-abroad siya. Bago mag-OFW si Mama, may kaunting alam ako kung ano ang OFW. Sa aming lugar, dalawa-tatlo ang alam kong Japayuki. Pag Japayuki, ang nasa isip ko, sexy ang suot, nagsasayaw sila sa Japan. Iyong mga iba, nakikipagdeyt daw. May pinsan si Mama na Japayuki. Iyong ibang Japayuki, gold-digger. Noong maliit pa ako, akala ko, pag nag-abroad, mayaman. Hindi pala. Tulad ni Ate Meldy---ganon pa rin ang buhay. Dito pa rin sila nakatira. Wala silang nabiling bahay sa ibang lugar. Nagbabalikbayan, halimbawa, two month. Mga three years na siguro siya sa ibang bansa. Siya ang nagpasok may Mama sa abroad, photographer siya, iyan ang trabaho niya sa abroad. Nauna ang nanay niya sa abroad. Nandito na ang nanay niya, hindi umalis. Bata pa ako noon nang mag- abroad ang nanay ni Ate Meldy. Hindi totoo ang akala ko na maraming pera ang OFW. Walang nabiling bahay ang nanay niya, walang napag-aral ang mga anak, walang naipundar na mga gamit----wala rin. Ngayong may OFW na sa aming pamilya, parang ganoon pa rin kami. Ibig sabihin, kahit mag-OFW ka, talagang mahirap pa rin, hindi ganoon-ganoon lang. Kung nag-o-OFW ka at kung mahirap ang pamilya mo sa Pilipinas, parang wala rin. SA kanila rin mapupunta ang pera mo. Hindi ka makapag-ipon. Halimbawang sabihin sa akin, “Ate, mag-o-OFW ako, magdya-Japayuki ako,” pagsasabihan ko siya, “Maggaganoon ka pa?” Pagsasabihan ko siya, “Alam mo ba kung anon iyon?” Nasa hayskul ako noon nang gusto kong mag-abroad. Dati, sabi nila, pag Japayuki, parang mayaman, ganoon. Sabi ko, puwede akong magpa-Japayuki. Si Aling Mila na kapitbahay naming ay kilala si Mang Tony, diyan sa bandang Concepcion. Siya ang nakapagpaalis sa anak niya para mag-Japayuki. Nagpunta ako kay Mang Tony, “Puwede po ba akong mag-Japan?” Ang nasa isip ko, magsi-singer ako, magda-dancer, wala pa akong hint na prostitute. Akala ko kasi, parang entertainer lang. Okey lang sa Mama at Daddy ko. Kasi ang alam nila, nagsi-singer. Kasi iyon ang mga kuwento ng mga kapitbahay naming, singer iyong si ganito. Iyon lang ang ginagawa, parang ganoon lang ang alam nila. Okey lang kay Mama. Kasi nang nagkukwetuhan niya ang pinsan niya, sabi raw, nasa iyo na iyan kung payag ka o ayaw mo. Sabin i Mama, huwag kang papaya. Pumasok ako sa isang club, ksai isa raw sa requirements ng magdya-Japan, may clyb certificate. At least one month. Hindi ako naka-one month, siguro three weeks. Ang nasa isip ko noon, magkaroon ng certificate. Saka ang bar na iyon, hindi naman siya iyong may nagsasayaw. May live bands siya. Maliit lang siya, may inuman pro hindi iyong may sayawan. May kantahan, may banda, ganoon. Hindi ko nakuha ang certificate kasi ako na rin ang umayaw. Doon ko nakilala ang boyfriend ko. Sa bar, dapat 8 p.m. nandoon ka na pero hindi pa siya open. Hanggang 3 a.m. Nagbubus ako, kasama ang pinsan ko, saka ang pamangkin ni Ate Sonia, si Clarisse. Pagpunta namin, simple lang, tapos magbibihis kami doon ng kung ano ang require get-up. Okey din lang na ang dress mo ay maigsi, basta huwag lang pambahay. Binigyan ako ng damit ng mga nandoon. Kumita ako noon sa ladies’ drink. Ang instruction, kausapin naming ang customer, lagging lilinisin ang mesa para hindi makalat, kukuwentuhan ang customer. Pag inaya ka, nasa iyo na iyon. Hini ak nailabas. Doon ko nakilala ang boyfriend ko, tumutugtog siya doon. Kaibigan niya ang manager, ipinakilala kami sa isa’t isa. Hanggang sa mag-text kami. Pinagsabihan niya ako, huwag ka rito, hindi bagay sa iyo. Siya ang nag-save sa akin doon. Noong panahong iyon, walang sinasabi si Daddy, parang dedma lang siya. May paalala sina Mama at Daddy pero ewan ko, pumapayag din sila. Inisip ng boyfriend ko na magbisnes kami. Tinanong ako ng boyfriend ko kung bakit nagtatrabaho ako doon. E, kasi gustokong mag-Japan, ganyan. Sabi niya, huwag ka nang magpunta doon, alam mo ba ang mga nangyayari doon? Pinaliwanagan niya ako. Sabi niya, kung ako sa iyo, huwag ka nang tumuloy doon, hindi moa lam kung ano ang mangyayari sa iyo doon. May ideya siya, may mga singer sila sa banda na nag-Japan na. First time na boyfriend ko na magbisnes. Nag-burger bisnes kami. Sabi niya nang nasa club pa kami pareho, kaysa nandito ka, magtatayo na lang tayo ng bisnes. Sabi niya, ikaw na lang magbantay. Hindi niya talaga naplano ang bisnes, parang madalian, para lang makaalis na ako doon. Ang capital niya, nakaP150,000 din siya. Ang sabi niya, doon ka na lang sa kung saan ka malapit. Sa hindi niya masyadong napagisipan kung okey ba ang crowd doon, kung okey ba ang mga bibili. Hindi niya nalaman na sa gabi pala, may kari-kariton, parang talon a kami sa bisnes. Maganda naman ang burger business naming sa umpisa. Maraming bumibili, tapos nang matagal-tagal na, parang nagsasawa din, ganoon. Mga three months kaming nagbisnis. May pinasuweldo, bumili pa siya ng mga gamit stove, freezer… Ginamit sa upa sa puwesto, pinarenovate ang puwesto. Hindi ako business-minded. Ang instruction sa akin ng boyfriend ko, maging responsible lang ako. Nang nag-aaral pa ako sa STI, pag kulang sa mga projects ko ang allowance ko, siya ang sumusuporta sa akin. Wala siyang ibang girlfriend. Siya ang nagdidisiplina sa akin nang wala na ang Mama ko. Pag hindi ako gumagawa ng project ko sa iskul, sinasabihan niya ako, siya ang pumalit sa Mama ko. Nasa last semester na ako ng two-year course ko, nahinto ako. Paalis na siya para sa contract ng banda nila sa abroad. Nag-iinsist siya na siya na lang ang magpapa-aral sa akin, ayoko. Nahihiya ako. Nang mawala ang P150,000 niya sa bisnes, wala akong narinig sa kanya. May alam ang family niya tungkol sa P150,000, sabi nila, ganoon lang talaga sa bisnes. Okey naman sila sa akin, tanggap nila na ako ang mapapangasawa ng Iboyfriend ko. May bahay sila sa Bulacan, pinapaupahan ng boyfriend ko. Hindi ko pa nakita ang bahay. Sinasabi ng Boyfriend ko. Ikinukuwento rin ng nanay niya. Pagbabanda talaga ang gusto ng Boyfriend ko, pero dati, titser siya, parang Theoligy ang itinuturo niya. Close ako kay Mama. Sa loob at labas ng pamilya, wala na akong ka-close. Ang totoong best friend ko, nasa Angono, pero ngayon, hindi na kami masyadong nagkakausap. Nang nandiyan na ang boyfriend ko, siya naman ang nagging best friend ko, parang ganoon. Dito sa lugar naming, nang nasa abroad na si Mama, lagi ako kina Glecy saka kina Ate Patsy. Pinsan ko si Glecy, mas matanda ako sa kanya na mga dalawang taon. Kalaro ko siya noon. Four years siguro ang agwat naming ni Ate Patsy, close na ako sa kanya ngayon. Kasi noong bata pa kami, nakatira si Ate Patsy sa Hulo, tapos mula nang matira sila diyan, dati na kaming close, pero nagging mas close nang mag-asawa siya dahil dito na uli siya tumira. Lagi kong kakampi si Glecy, tapos talagang magkasama na kami. Magkakampi kami sa laro, siya ang lagi kong lasama. Masayang kausap si Ate Patsy, hindi pa kami nagkagalit. Ang positive sa akin, pag magkaibigan tayo, willing ako na pakinggan ka. Makuwento ako. Pag ka-close kita, palagay ang loob ko sa iyo, wala akong kesyo nab aka ginaganito ako nito. Ang negative sa akin, masungit sa akin minsan. May mga kaibigan ako na hindi ko kamag-anak, bakla–si Owen, saka si Raffy. Kaibigan din si Owen ni Rowie, baklang tito ko, magkaka-age kami. Magkakasama kami, diyan lang sa labas, sa tapat ng bahay nina Ate Patsy. Masayang kasama si Raffy. Laging nagpapatawa si Owen. Libangan ko ang pagbabasa ng pocketbook sa bahay. Halimbawang ayoko sa bahay, nagpupunta ako diyan sa labas, kina Ate Patsy lang. Bago nag-abroad ang boyfriend ko, nanonood kami ng sine. Naisip ko nang maglayas pero hindi ginagawa. Kunwari, pag nagwawala si Daddy, parang gusto ko nang umalis dito pero hindi ko magawa. Four months nang wala ang boyfriend ko. Mahirap. Nang wala na si Mama, siya na nga lang ang nasa tabi ko, tapos nawala rin. Pag nagging mag-asawa na kami at magbabanda siya sa abroad, sasama na lang ako. Ang positive sa pamilya naming, ang Daddy ko naman, kahit ganoon siya, maalaga naman siya– natatandaan ko noong bata pa kami. Pag may lagnat, trangkaso ako–hindi naman ako sakitin. Inaalagaan niya kami–pinupunasan sa likod, pinapainom ng gamot. Minsan makikita mo naman ang kabutihan ng mga kapatid ko. Kung talagang parang may seryosong problemang dumating, parang nakikita mo naman ang silbi nila, mabait din pala itong mga kapatid ko. Masasabi kong ‘katas ng Saudi’ ang mga damit ko na binibili ko pag pinadalhan ako ng pera ni Mama pag bertdey ko. Ang mga watch, cellphone. Itong cellphone ko ay regalo sa kanya ng amo niya, ibinigay niya sa akin. Ang pag-aaral ko, katas din ng Saudi. Ngayong magse-second contract si Mama sa Saudi, wala akong hihilingin sa kanya, pag-aaral lang. Gusto ni Jay na mag-aral sa UE. Katas din ng Saudi ang rubber shoes na pinamasko nila. Pag hinawakan ko ang cellphone para magkonek kay Mama, may problema na. Usually, financial, tapos minsan, wala lang, pag nangangamusta. Tuwing Pasko, bertdey, naaalala ko si Mama, naggi-greetako sa kanya. Pinapagalitan ko si Jay, dalawang taon nang hindi nakakausap si Mama. Nag-uusap naman sa cellphone sina Mama at Daddy. Si Jay lang ang hindi nakakausap. Kung minsan, tumatawag si Mama, lagging wala si Jay. Minsan, hiniram ni Jay ang cellphone ko, sabi niya, magte-text lang ako kay Mama, babati lang. Sa OFW movies, napanood ko na ang Dubai, tapos Katas ng Saudi. Ang unang impresyon ko pag OFW, mapera, hindi naman pala. Ngayong OFW family kami, sa isip ko, mabibili mo ang mga material pero hindi ibig sabihin na marami ka nang pera. Mahirap pero okey lang. Sa STI, may kaeskuela ako na parehong nagbabanda ang mga magulang niya, nag-aabroad din. Kaeskuwela ko siya mula first year hanggang secod year. Babae siya, close din ako sakanya. Nakakapagkuwentuhan kami. Parang na-broken family sila. Parang nagkaroon ng ibang affair ang nanay niya, nakapag-asawa ng tagaibang bansa. Parang nagkahiwalay rin sa ibang bansa ang mga magulang niya. Nahiwalay siya sa mga magulang niya mula bata pa siya. Hindi na nagaabroad ngayon ang tatay niya. Nasa Germany ang nanay niya. Nabibili ng kaeskwela ko ang materialthings pero parang hindi siya masaya. Rebelde siya. Nakapag-asawa ng iba ang nanay niya, gayon din ang tatay niya, parang siya ang naiwan. Nag-iisa siyang anak nila. Sinasabi niya kapag nagkuwekwentuhan kami, oo nga nabibili ko ang ano-ano, kahit anong sabihin ko, nabibili ng Papa ko. Pero naiipit daw siya. Kasi mayroon na ring kanya-kanyang pamilya ang magulang niya kaya parang nagpapansin siya, nagrerebelde siya, ganoon. Hindi siya umuuwi sa kanila minsan, nagpapaumaga sa pag-uwi. May boyfriend sya. Nagba-bar hopping siya. Pag nagkukwentuhan kami, ang kuwentuhan naming ay “Ang lungkot nga, e, wala ang Mama ko,” ganyan. Siya rin, ganoon, “Ako nga, ang Mama ko, ang tagal ko nang hindi nakita,” ganoon. Hindi naman umabot sa puntong nagkaiyakan kami. Ang nakikita ko sa aming dalawa, pareho kaming malungkot, pareho naming sinasabi, “Wala ang Mama ko.” Napanood ko rin ang Anak. Ang OFW movies na napanood ko, CD at DVD, sa bahay. Kasama ko sina Jeana sa panonood. Ayaw ni Daddy ng mga drama. Sa Dubai, kapatid ni Aga (Muhlach) si John Lloyd (Cruz). Parang noong bata pa sila, napangakuan ni Aga si John Lloyd na pupunta sila sa Canada para hanapin ang nanay nila. Naging girlfriend ni Aga si Claudine (Barretto). Babaero si Aga doon. Nagpunta sa Dubai si John Lloyd, nagkagusto kay Claudine, parang nagging sila hanggang nabuntis si Claudine, tapos umuwi si Claudine sa Pilipinas. Nag-away ang magkapatid nang dahil sa babae. Ang reaksiyon ko sa OFW film na ito, parang love story lang. Sa bandang huli, dahil masaya na si Aga sa Dubai, si John Lloyd na lang ang papupuntahin sa Canada. Hindi ako affected. Parang nasa elementary pa sila nang mawala ang nanay nila. Hindi nilinaw sa story kung bakit hindi man lang nagko-communicate ang nanay nila, kasi parang love story. Ipinakita ang labas ng Saudi, ang mga views. Nang Makita ko, sabi ko, parang ang ganda pala doon. Napanood ko ang Anak kasama ang Mama ko at si Glecy, hindi pa nag-aabroad si Mama. Nang wala na siya, napanood ko ang Katas ng Saudi, si Jinggoy (Estrada) yata ang bida. Ten years yata siya sa Saudi, tapos dumating siya sa Pilipinas. Ang mga kamag-anak niya, humingi sa kanya ng lahat na tulong. Kahit hindi niya kamag-anak, lumapit sa kanya. Tapos akala niya, may pambisnes na siya, iyon pala wala. Parang nagging malayo sa kanya ang mga anak niya. Ang pinakabunso niya, parang baby pa lang nang umalis siya. Tapos ngayon, malaki na, parang hindi malapit sa kanya. Kahit ang mga babae, Tinatanong nila kung kalian ba aalis uli si Jinggoy. Ang ending, umalis uli siya kasi parang wala na silang pera. Ang dating sa akin ng Katas ng Saudi, bakit hingi nang hingi ang mga kamag-anak, hindi naman porke nagOFW, maraming pera. Sa mga anak, ang iniisip ko, hindi naman sila magiging ganoon kung may communication. Walang ipinakitang ganoon sa pelikula, ang ipinakita, nang dumating na siya sa Pilipinas. Si Lorna (Tolentino) na asawa sa pelikula, sweet pa rin sila ni Jinggoy. Pera ang problema sa pelikula. Nagpatayo sila ng bahay, parang doon napunta ang ipinundar niya sa Saudi. Parang machine shop ang gusto ni Jinggoy na itayong bisnes. Sa Saudi, tagabuhat si Jinggoy ng balde-baldeng oil. Siya ang magmamanage ng talyer sana, ayaw na niyang umalis. Sa story, malayo sa kanya ang anak na babae. Parang inireklamo ng anak niya na parang pag wala si Jinggoy, puwede akong makipag-usap sa telepono, puwede akong makipag-boyfriend, ganoon. Iyang anak na lalaki, parang hindi siya masyadong showy sa ama niya. Ang bunso, hindi niya kilala ang tatay niya kasi baby pa lang siya nang nag-abroad ang tatay niya. Kay Lorna naman, nagastos ang pera sa bahay, malaki ang gastos. Akala ni Jinggoy, nasa milyon na ang pangnegosyo, P1000,000 na lang, malaki ang nagastos sa bahay na ipinatayo nila. May luho rin ang mga anak. Inilalapit ni Lorna ang mga anak sa tatay, kunwari, niyayakap ng tatay ang anak, sasabihin ni Lorna sa anak, yakapin mo, yakapin mo. Pinapagalitan niya ang mga anak niya. Wala namang problema ang mag-asawa sa story. Umalis uli si Jinggoy para maghanap ng pera. Medyo naka-relate ako dito sa Katas ng Saudi. Teaksiyon ko sa mga anak, masyado naman sila, parang hindi naman nila tatay ang dumating. Tapos, may nagsalita ng “Kailan na aalis ang buwisit na iyan?” Pero may ganyan din si Jay, si Tricia. Napanood ko ang Anak noong narito pa siMama. Mahal na Araw noon, sa TV kami nanonood, kina Ate Patsy ako nannood. Sa pelikula, parang na-misinterpret ni Claudine ang nanay niya. Tinawag siya ng tatay niya pra makipag-usap sa telepono kay Vilma (Santos), ang amo ni Vilma, ayaw siyang nakikipag-usap sa telepono. Nang namatay ang tatay niya, hindi nakauwi ang nanay niya kasi hindi niyon alam. Parang sobrang namang nagalit si Claudine, hindi muna niya tinanong ang nanay nya kung bakit nagkaganoon. Hindi ako nag naka-relate. Lahat ng OFW movies na napanood ko, hindi ako maka-relate doon sa walang komunikasyon ang nanay at anak, may komunikasyon kami ni Mama. Sa mga klase ko sa STI, kung ani lang ang major mo, iyon ang subject mo. Wala kaming nagging lesson na konektado sa OFWs. Sa simbahan, isang beses ko lang narinig na binanggit ng pari sa sermon niya ang OFWs. Hindi ko inabutan ang umpisa, pero ang narinig ko, dapat pahalgahan ang ano mang kaya nilang ibigay, hindi naman sila nagpapasarap doon. Naka-relate ako, pinagdasal ko ang Mama ko, always naman pag nagsisimba ako. Ako lang mag-isa ang nagsimba noon. Nang umalis si Mama, dalawa lang ang nag-aaral, sina Tricia at Jay. Ordinaryo lang naman ang academic performance ni Tricia. Mas matalino si Jay, mas sa kany a nagging obvious ang pagbaba ng grades. Naka-absent-absent siya, may grade na 74, dati nasa top 1 siya, pero lower sectionsiya, at least top 1 siya sa kanila. Dumami ang grades niya na nasa line of seven. Sa akin, pag sinabingOFW, ang limang salitang maiisip ko: Magkakahiwalay. Malungkot. Minsan parang may problema. Parang kahit ganoon, masaya pa rin, Tapos parang nagiging mas mahal ninyo ang isa’t isa. Malungkot, kasi magkakahiwalay kayo. Iyong tatlong negative, kasi may problema. Kung may problema, parang may hindi kayo pagkakaunawaan kaya magiging problema ninyo iyon hanggang nandoon siya, hanggang hindi naliliwanagan. Tapos parang masaya rin, kasi parang nadi-discover ninyo sa isa’t isa, parang, oy, si Mama, ganito, mahalaga siya kasi noon, ganyan-ganyan. Kung isang istorya an gaming pamilya, gusto kong maging success story ang dulo. Hindi na babalik si Mama sa abroad, kasi mayroon na siyang perang sapat na pangnegosyo, dito na lang kami. Gusto ni Mama na magbisnes kahit sa bahay, tahian. Basta nakaksapat, Yung palalaguin kung kakayanin. Hindi pumasok sa isip ko na si Daddy na lang ang mag-abroad. Parang alam ko na ang ugali niya, hindi siya magtatagal. Nang magtrabaho siya noon sa Palawan, dalawang gabi lang, umuwi na. Ayokong mag-abroad. Loko-lokohan lang naming ng boyfriend ko na magbabana kami sa abroad. Sabi niya, pag nag-asawa na siya, mag-oopis siya dito sa Pilipinas. Kung gusto ng mga kapatid ko na mag-OFW, nasa kanila na iyon. Si Tricia, kung mag-aabroad siya at magagaya lang siya sa nababalitaan natin sa pasapasa, itinatali, ginagahasa, dito ka na lang sa atin. Twelve hoursang trabaho ni Mama, pitong araw sa isang lingo. Si Daddy, kung naghanap siya ng regular na trabaho, kung nagsikap siyang maghanap ng ganoon, sana hindi nalang nag-abroad si Mama. Sana okey kami pagdating sa financial. Pare-parehong walang regular na trabaho ang mga lalaking kamag-anak ni Daddy. May nagustuhan akong nakatira dyan sa kabilang daan. Kamag-anak nila ang asawa ni Ricky, doon sila nakatira. Ayaw sa kanya ni Mama. Buwanankung magpadala si Mama. Pag kasama ang tuition fee ko, P5,000 plus ang para sa akin. Kulang talaga. Sa iskul, kailangan ng mga CD. Sa Munoz ang iskul ko. Parang P100 ang baon ko. Pamasahe, pagkain, gamit sa iskul- kulang ang baon ko. Lunes hanggang Biyernes ang pasok. Ang baon ko, tinapay, binibili ko sa grocery store. Maigsi ang vacant priod, kahit pa mag-Jollibee ako, hindi kasya ang oras. Maguumpisa ang klase ko nang 2:30 p.m., matatapos nang gabi. May MWF, mayTTh. May tise na okey ang turo, may titser na gawin lang ninyo ito, ito ang exam ninyo, gawin ninyo ang cartoons na ito. Sa animation subject ko iyan. Marami akong natutuhan sa digital graphics manipulation----- editing, picture editing… Ang ganda, puwede mo nga siyang bisnes. Nag-aaral akong mabuti. Ang tuition fee ko, hindi naman pinulot lang. Hindi ako puwedeng magloko sa pag-aaral, pinapagalitan ako ng boyfriend ko. Tinutulungan niya ako. Kunwari, ang allowance ko na padala ng Mama, two weeks pa lang, ubos na. Siya muna ang magbibigay hanggang magpadala ulit ang Mama ko. Hindi alam sa kanila na tinutulungan niya ako. Minsan, doon ako nagko-computer sa bahay nila, nandoon ang Mama niya. Minsan gabi na, gumagawa kami ng autobiography, ganyan. Naranasan ko nang matulog sa kanila, may project kami sa iskul. Alam ng Mommy niya, doon ako natulog sa kuwarto niya, sa ibang kuwarto siya natulog. Ang tingin nila sa akin, girlfriend. Maliit din ang nanay niya, lagging nakangiti. Nagtuturo sa hayskul ang nanay niya, Religion ang itinuturo. Masaya ako ngayon, kontento naman. Nagsimula akong mag-aral sa STI noong 2006 hanggang nitong March. Nagka-delay-delay lang nitong second yea, second semester. Naputulan kami ng koryente, hindi ako nakabayad sa tuition fee. Pag nag-asawa ako, hindi muna ako mag-anak, mga one year muna, Gusto ko ng tatlong anak.